Showing posts with label social media. Show all posts
Showing posts with label social media. Show all posts

Friday, 6 June 2014

Basa-Basa 'Din 'Pag May Time

5/13/2014 6:22:21 AM




Ito ang isa sa mga pinakasakit nating mga Pilipino: ang katamaran magbasa. Hindi lang siyang isang simpleng karamdaman, dahil madalas ito rin ang nagiging ugat ng ating pagiging mangmang o ignorante, at kung minsan pa nga ay ang pagiging arogante.



Hindi na bago ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay. Sa simpleng konteksto lang, may mga pagkakataon na nagrerklamo tao sa isa o sa iilang bagay na hindi naman natin lubusang naiintindihan. Okay nga ang sana kung hindi naiintindihan eh. Pero mas masaklap ay yung ni hindi mo binasa.

Sa advent ng social media, sa panahon na maraming mga manunulat sa mga blogs ang ginagamit na venue ang mga tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Pinterest, at kung anu-ano pang katulad, madalas ay mapapansin mo ito: ke viral man ang artikulo o hindi, may mga magrereact d’yan na mga mangmang – as in hindi nagbabasa. As in sa title lang sila nagrereact; o kung minsan, sa mga meme o litrato na kalakip ng post mo.

Lalo na sa Facebook. Pumunta ka sa mga thread ng pambalitaan gaya ng ABS-CBN News, GMA News, Inquirer.NET, at sa kung saan pa; ganun din sa mga entertainment portal gaya ng LionhearTV, sa mga community blogsite gaya ng Definitely Filipino, at ultimo ang mga satire gaya ng So Whats News. Oo, more evident dito, hindi sa maraming naloloko, kundi sa daming tangang nagkukumento.

Oo, nga pala. Kasi walang satire gene ang kamaramihan. At ayon yan sa isang pagsusuri.

Yung tipong halos patayin na niya ang nagsulat dahil sa hindi nagustuhan ang pamagat, pero huwag ka: ang mga remark nila, aba’y akala mo naiintindihan nila ang lahat.

Sa madaling sabi, wala silang pakialam sa alinman ang nilahad mo. Basta, dahil malayang lipunan tayo, may “say” pa rin kami kahit hindi namin binasa ang alinmang sinabi mo.

Pucha. Parang mga gago lang e no?

Ngunit ano o anu-ano ba ang madalas na excuse ng mga tao kung bakit hindi sila ganun nagbabasa? Una, short lang ang attention span ng tao, at in general ko ito sinasabi. Ayon na yan sa isang artikulong nabasa ko sa isang isyu ng Philippine Online Chronicles.

So, ano ang mga posibleng excuse nila? Either busy sila para sa ibang bagay tulad na lamang ng pagtatrabaho at pagpe-Facebook. Maari rin na nanaka-mobile sila at hindi ma-access ang site (or minsan, mabagal ang pag-load ng page) sa mga telepono nila.

Pero, ang sa lagay ba, kaming mga manunulat at publisher pa ang may-kasalanan? Dahil ba ito sa hindi pagsunod sa aling alintuntunin ng online writing tulad na lamang ng: pagbabanggit ng keywords sa halip na sabihin ang buong kwento, at kung anu-ano pa, ganun?

Leche.

Pero dahil sa napakaikli lang naman ang attention span (generally) ng mga tao, tendency ay hindi talaga nito nababasa ang anumang nilalahad mo. Kumbaga sa pagre-review, nag-scan lang siya ng notes niya, bagay na masasabi (para sa mata nila) na sapat na para magkumento.

Maaring tama rin ito o maari ring hindi, depende kung gaano niya naida-digest o nako-comprehend ang lahat ng nabasa niya.

At dahil napakaikli nga ng attention span ng tao para magbasa, chances are tatamarin sila magbasa ng artikulo mong singhaba ng tatlong chapter ng nobela yung tipong aabot sa mahigit 600 na salita, 2 pahina, at libu-libong characters (kabulang na ang spaces, at punctuation marks). Kaya sa totoo lang din, kung tamad lang din magbasa ng ganung kahabang artikulo ang tao, tulad na lamang ng ga akda ng inyong lingkod, dalawang bagay: either masyado na akong nagpapaka-awtor, o likas na tamad lang talaga sila – at ito rin ang magpapatunay na hindi sila hahanga.

Pero sabagay, hindi naman ako nagsusulat para hangaan ako ng tao. At kung sakaling may fan ako, salamat. Pero yan ang bagay na mas maalala yata sa akin ng tao – ang kahabaan ko magsulat ng artikulo.

Sa madaling sabi, ang pagiging short-attention span ng karamihan, implikasyon ito kung gaano ang lebel ng pag-unawa natin: superficial, o mababaw. Ano ‘to? Masyado na kasi tayong nalulong sa pagmamadaling bagay? Dahil ba ito sa tinawatag na “instant gratification” theory? Gusto natin lahat, madali, porket may Internet na?

Sa kaso natin dito sa Pilipinas, yan ang napapala kapag naka-free data ka sa Facebook. Pero dahil free data lang, siyempre ayaw nila na gumastos para luamabs as ibang site—lalo nas asa isyu natin na ang RP ay isa sa mga bansang may pinakamabagal na Internet speed.

Ang hihilig niyo kasi mag-Facebook e. Ang hihilig niyo mag-Internet samantalang hindi ka pa tapos sa trinatrabaho mo. Tsk.

Subalit ano pa maliban dun? Simple lang: kung hindi ka marunong magbasa, illiterate ka. Yun nga lang, nagbabago ang antas ng edukasyon kaya mananatili na namng itong isang kumplikadong isyu sa mata ng mga tamad.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 30 January 2014

Si Vhong at Deniece Na Naman Ang Balita! Eh Ano Naman Ngayon?

1/31/2014 1:46:34 PM

WARNING: Ang post na ito ay rated SPG. Naglalaman ng tema at lengwaheng hindi akma sa mga tatanga-tangang tagahanga ng mainstream.


Hay, naku. As usual, 7 araw matapos pumutok ang isyung ito, sasakyan na naman ng karamihan  ‘to. As in mapapaisip ka na lang, “may kontrobersiya na naman?”

At masarap naman din sabihing “Eh Ano Ngayon?”

Oo nga naman. Eh ano naman ngayon kung nabugbog si Vhong Navarro? Eh ano naman kung sino ang kupal na si Cedric Lee? Eh ano naman kung bias ang report ng media? Eh ano naman kung di magkatugma ang mga kilos ng mga nagpablotter nito? Eh ano naman kung nagbiro si Goma? Eh ano naman kung ‘chicks’ ang inoral sex daw diumano ni Vhong na si Deniece Cornejo? Eh ano naman kung may pasaring sila Kat Alano at Vina Morales sa kani-kanilang mga Twitter, Facebook at Instagram posts?  

Eh ano naman kung di kayo maniwala sa abugago, este, abugado ng kampo nila Lee at Cornejo? Eh ano naman ngayon kung akma sa pahayag ni Navarro ang mga footage ng CCTV?

Oo nga! Ang daming twists sa plot ng kwentong ito. Eh putangina naman... ano naman ngayon?
Maraming mahahalagang problema ang Pilipinas. Kasama na riyan ang pork barrel scam, kabilang din diyan ang amazing story ni Kap na ‘trak’ na ebidensya. Pati na rin ang pagtulong mga biktima ni Yolanda, pati na rin sa lindol sa ilang probinsya sa Kabisayaan, si Agaton, at yung darating na bagyong si Basyang.
Isama mo na rin pala ang sigalot sa pakikibaka sa kapayapaan sa Mindanao.

Lahat ng yan, dahil lamang sa pagkabugbig sa isang host ng “Showtime,” ayan na. Naging epektibo ang “diversionary tactic” nila. Mission accomplished.

Masyado na rin nito nakuha ang atensyon ng media at NBI. Sa halip na dapat ay mas tumutok pa nga to sa mga mahahalagang tungkulin sa ating lipunan tulad na lamang ng pagfocus sa mga mas mahahalagang isyu sa ating lipunan at ultimo ang pagsasaayos sa pagkuha ng clearance.

Sa totoo lang, okay din sana pag-usapan ang mga ito. Kaso sumusobra na rin eh. Nakakarindi sa tenga. Nakakasulasok na. Nakakasura’t din at di na kaya pang sikumrain pa. Sa panahon na ang Balitanghali, Andar ng mga Balita, 24 Oras, Aksyon, TV Patrol, Saksi, Pilipinas News at Bandila ay ginagawang parte ng mga national headline ang insidente ni Vhong, Deniece at Cedric, nagiging isang malaking circus ang mga newscast (buti na lang, ang mga tulad ng Solar at ANC).

At isama mo na rin pala ang Facebook posts. Democracy kamo? Asus. Siguro applicable lang yan kung mainit-init talaga ang isyung yan at hindi sa panahon na 'stale' na ang datingan. Uso mag-move on, mga pre.

Siguro, dikta ba ng mga manunuood na ubod ng kamangmangan ay kaignorantehan na lamang (at dagdagan pa ng pagiging emosyonal at pagkahumaling sa mga teleserye) ang dahilan? Maari, pero hindi rin eh.
Basura na ang pinapalabas ng audience regardless kung chicks din ang mga istura ng mga showbiz at NBI beat reporters. Masakit at mapait na katotohanan ba?

Actually, oo. Pero sa kabilang banda, ika nga, “controversy sells,” regardless kung ‘hits o diss’ ang take mo sa isyung ito. At siguro, may factor ito ng “romansa” at sex. Come to think na sa anggulo ng isyung ito naungkat ang pagchi-cheat diumano ni Navarro sa kanyang gelpren?

Pero sa totoo lang. Nakakasawa na talaga eh. We just can’t give shit on them anymore. Saka 2014 na. Nag-Chinese New Year na. Pero ito pa rin pag-uusapan niyo? Tangina, supot.

Bottom line, tayo, ang publiko pa rin ang talo rito. Bakit kanyo? Eh basura na ang hinahain sa iyo e samanatalang hindi yan ang kailangan mo. Mas basura pa sa junk food actually. 

Eh kung hayaan na lang natin silang matauhan? At tayo naman, magsimulang magtrabaho sa halip na makipagtsismisan, ano po?


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions 

Monday, 19 November 2012

My PICK #8 - AMALAYER STYLE.

Here’s something that I spotted over the week, and… yes, at the height of that scandalous moment where a young lady was caught in the act by an allegedly a citizen journalist humiliating a lady guard.

More than a video that gave her 60 seconds of fame (or shame). Here’s a mash-up parody track made by a certain DJBrianCua of the music streaming website SoundCloud.


The audio parts were derived from the original video regarding that AMALAYER incident, and from the very best hit of 2012 – Psy’s Gangnam Style.

I first saw this track from one of the tweets of a TV director/critic named Jose Javier Reyes last week.
All I can say is… what the hell. DOPE, and perfect timing then. It was at the height of that trending worldwide moment of AMALAYER.

So far, it has more than 41,000 times on its playing counter, 46 people have spoken regarding the said track, and 41 times favored.

Maybe that can help you move away from the novelty stuff, and at least… can take a joke.

By the way, you can download the track via http://soundcloud.com/djbriancua/amalayer-style

08:00 p.m. 11/19/2012
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Wednesday, 14 November 2012

Lessons From The AMALAYER Shit.

11/15/2012 09:26 AM 

Hindi na bago ang mga ganitong klaseng insidente sa internet ngayon. Nagsilabasan ang mga tao na malalakas manghusga sa kani-kanilang kapwa na akala mo ay walang pinagkaiba sa kanilang pinaggagagawa.

And not to mention, isa na naman ito sa mga pauso ngayong taon na walang kaatorya-torya. Mga tipong nakakabobo ba.

Ito ang mga aral na dapat matutunan ng sinuman, hindi lang ng nakastigo ng mga netizens sa pangalan ni Paula Jamie Salvosa, ang lady security guard ng Light Rail Transit Line 2 Santolan Station na si Sharon Mae Casinas, ng video uploader na si Grgory Paulo Llamoso at ng lahat ng netizens na pumatol at pumanig sa kung saan-saan. Na…

  1. Ang level ng isang ordinaryong mamamayan na nakakapag-Facebook, Twitter, YouTube at kung ano pa ang kanyang mga account sa world wide web ay kahalintulad na sa mga celebrity na napapanood mo sa TV at pelikula, napapakinggan sa radio o ni ultimo yung mga nababasa mo sa mga pahayagan. Ibig sabihin, lahat tayo ay pantay-pantay na. 
  2. Ika nga ng blog ni Lourd de Veyra nun na nailimbag sa librong This Is A Crazy Planets, “it takes only one – and only one loss – just one humiliating knockout, for the entire empire to crumble.” Anong konek? Siymepre, alamin mo. Ang lakas mong manghusga sa mga bagay-bagay pero ‘yang ganyang salita hindi mo maintindihan? ‘De. Ang punto niyan ay kayang patumbahin ng isang pagakakamali (as in isang katiting lang na kamalian) ang reputasyon ng isang tao. Kumbaga, ingat-ingat din kasi sa mga kinikilos. 
  3. Hindi lahat ng mga nagrereact ay alam ang kanilang ginagawa. Yung iba diyan, pustahan – halatang nakikiuso lang. Mga feelingero at feelingerang affected lang. At hindi na bago ang mga “nakikiuso” mula sa advent ng FlipTop (na dumarami ang mga wannabe judge na ke luto daw ang laban pero wagas kung makademand), mga nagreact sa iba’t ibang mga kaso na tulad nitong AMALAYER na ito, (i.e. Ahcee Flores, Dislike video ni Jimmy, atbp.), at kung anu-ano pang mga pautot na trending sa internet. Kung tutuusin dapat nga ang mga tulad ko ay hindi na dapat magrereact e, pero dahil sa dumarami na naman ang mga umaasal na mga mangmang pagdating sa pagpatol ng mga isyu, e sorry na lang sila. Bakit? See next item. 
  4. Mas may karapatan na magreact ang mga tao na nakasaksi sa insidente mismo. Sila ang mas nakakaalam ng pangyayari, sila ang mas nakakaalam ng kung ano ang tama at mali sa mga naganap. Ganun kasimple. Ika nga, don’t speak as if you know everything. Pero kung hindi makapagpigil, siguraduhin na alam mo ang iyong limit. Kung sa insidente lang ng video ang tinatalakay, doon lang pwede magbigay ng iyong take. 
  5. Para sumikat ka, ‘wag mag-audition. Gumawa ng kaistupiduhan na bagay, tulad nun. (sabay lingon sa video) pero… 
  6. Kahit sa advent ng citizen journalism, dapat umiiral pa rin ang “responsibilidad.” Buti na nga lang yung ilan sa mga newscast e nagawang i-blur ang pagmumukha ng taong gumawa ng kalokohan e. Kasi alam nila na isang malaking sampal sa kanila yan kapag nilantad nila yun. Ano pa ba ang silbi ng tinatawag na “media ethics” sa kanila kung ganun? At buti nga may nagce-censures kahit papaano e. Kadalasan kasi sa mainstream e… alam niyo na. At kahit na rin pala sa social networking, dumarami ang mga balatuba. Nga pala, additional lang din sa item na ito, matutong maglagay ng applicable na pamagat. Yung may aakmang salita sa content nito. Paano mo masasabi na “rude passeneger” siya sa LRT? E wala nga sa tren mismo ang setting? Paano kung may hinihintay lang pala na tao? Rude passenger ba na maituturing porket siya ay nasa vicinity ng Santolan Station ng LRT? My goodness! 
  7. Kung ayaw mong may sungitan ka, ‘wag kang magtrabaho o gumala. Bakit? Makakapangdamay ka pa ng ibang tao sa pagkakaroon mo ng bad vibes. Kawawa naman sila. 
  8. Hindi porket nagka-TRO na ang cybercrime law e tuloy-tuloy kayo sa pangsa-cyber-bully niyo. Palibhasa hindi niyo alam kung ano ang pakiramdam ng taong nabully na ni minsan sa internet. Pero teka, masisi ba natin ang social media? Sa panahon ngayon, hindi na rin e. Dumarami man ang tao e iba-iba rin kasi tayo ng pag-unawa sa kada problema o mga balitang nakikita e. Ayos lang sana e, kaso dumarami din ang mga asal-gago. 
  9. Bago ka tumawag ng "foul," isipin mo muna kung ano ang nagawa mo, dahil usong-uso pa naman ang tinatawag na “instant digital karma.” Self-explanatory, marami na nga ang nasampulan niyan e.Kailangan pa ba mag-drop ng mga pangalan? 
  10. Wala kaming pakialam kung edukado ka o kung saan eskwelahan ka galing. So the fuck what kung may pinag-aralan ka, o mas nagsasalita ka ng Ingles kesa sa amin? E slang naman! Alalahanin mo, hindi lahat ng edukado ay matitino at hindi lahat ng matitino ay mataas ang pinag-aralan. Parang ito lang, “aanhin mo ang edukasyon kung mas ang tao namang ito ay mas masahol pa sa hayop?” Uso ang manners, pare at mare, unless kung balahura siya mag-approach sa iyo, dyan lang applicable ang maging straightforward. At speaking of English, ito lang yan e. 
  11. Bago ka manghusga, siguraduhin mo na kaya mong magsalita ng tama. Alamin ang tamang pronunciation sa mga bawat salita. At alamin rin pala ang tamang grammatika. Oo titira-tira ka pa ng AMALAYER dyan, e spell mo nga ang salitang LIAR? Baka hindi mo pa magawa. Siraulo ka pala e! 
  12. At bago ka rin pala manghusga, siguraduhin mo na hindi ka rin tulad niya. Dahil kung ganun lang din ang gawain mo sa kada istasyon ng LRT o sa kung saang establisyamento pa iyan, e wala ka rin palang pinagkaiba sa kanya e. Kung gago siya, e mas gago ka naman! Worse? Ipokrito ka. Huwag magmalinis na parang isa kang banal na tao. 
  13. Matuto manghusga ng tama. Tutal hindi naman applicable ang kasabihan na “Don’t judge the book by its cover.” At madalas sa mga pagkakataon ay mahihilig tayo mag-overthink kaagad sa mga kaso na tulad nito. Absent na ang tinatawag na “benefir of the doubt.” (Sabagay, uso pa ba yun sa advent ng mga videos na lumalabas sa YouTube?)Di ba nga may kasabihan din nun na laging binabanggit ng mga tulad ni Papa Jack, na kayang sirain ng isang pagkakamali ang pagkatao mo at makalimutan ng mga yun ang sampung tama na nagawa mo? Pero ito lang yan e, kung marunong kang manghusga ng tama, hindi ka dededepende sa mga negatibong bagay o sa isang panig lang. Titimbangin mo ang mga ito , pag-aaralan at doon ka matuto kung paano gumawa ng tinatawag na “constructive criticism.” 
  14. At sa kada usapin na tulad nito, uso ang mag-move on, lalo na kung wala naman talagang kwenta ang pinag-uusapan… tulad ng AMALAYER na iyan. Sa totoo lang, eberiwansalayer… este, everyone’s a liar naman ha. Ops, ulit… ‘Wag magmalinis. Sabunin kita dyan e. 
Yan ha? Okay lang tawanan ang problema (minsan lang din naman yan e) pero natuto naman sana tayo.

(This article was posted at the community blog site Definitely Filipino dated November 15, 2012.)

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 2 October 2012

MASISISI MO BA SILA?


Ang mga tao sa mga social networking sites, na ang lalakas ng pwersa kahit hindi nagsasalita. Sa isang post o comment lang, kaya na nila banggain ang sinuman. Mga nambubully man, na-caught in the act na kawatan, at kahit ang mga sikat na personalidad. Masisisi mo ba sila kung bakit gan’on na lang ang reaksyon nila sa batas na tila kikitil sa kalayaan nila na maglahad ng anumang naiisip at nararamdaman nila sa internet?

Oo at hindi lang ang posibleng sagot na nakikita ko.


Sabagay, masisisi mo ba ang mga tao na naglalabas ng saloobin sa Facebook matapos ang nakakastress na araw para sa kanila? Kahit sabihin natin na walang nagagawang tama ang magbuhos ng emosyon sa isang social media post? Ito kasi ang nagsisilbing getaway nila sa masasamang bagay sa realidad ng kanilang buhay. Dito sila nagte-take out ng kani-kanilang mga frustrations at problema.

Masisisi mo ba ang mga sadyang opinionated lamang na tao, na nakikipagpatutsadahan ng mga kumento at personal na tirada sa kada nagbabanggaang trending topic sa Twitter? Pero mas mabuti sana kung tatanggalin na natin ang pamemersonal, ano po. Yan kasi ang hirap sa iilan. Sakit na yata nila iyan.

Masisisi mo ba na ginagawang katatawanan na lamang ang mga problema sa buhay ng ilang mga users? Yung mga may ayaw sa negative vibes at bad news na umeere sa mga balita? Sabagay, there’s a world of difference between having fun and making fun. Pero kadalasan kasi ang troll ay wala na rin sa hulog kung makapang-trip. Kahit sino na lang, titirahin, bumenta lang ang post. Walang pakialam sa mga sasagasaaan na tao kung sakali. Mas mabigat na damage yun, talagang prone sila sa cyber-libel. At ang mga matatamaan ng pagto-troll, parang maituturing na biktima ng isang kaso na tinatawag na “cyber-bullying.”

Masisisi mo ba ang mga taong mahihilig kumondena sa kada kalokohang nagaganap at naganap sa lipunan, virtual man o realidad? Oo nga naman, ‘di ba? May mga tao na mala-akitibista kung makapagreact, pero ayos lang ‘yan kesa naman sa mga taong nakikiuso lang at wapakels deep inside, as in may masabi lang.

Sabihin man natin na may halong conspiracy at mob mentality ang karamihan sa mga social networking users. But the real thing is, iyan na lang yata ang natitirang way nila para mai-express ang sarili nila. Maliban na lang kung mayaman sila sa load para magsagawa ng mala-group message na text brigade. At kahit ang mga blogs, na naging venue na para sa iba na maglahad, lalo na ang mga taong sadyang may passion sa pagsusulat.

Ngayon, bakit sila madedeprived para mailahad ang saloobin nila? Masisisi mo ba talaga sila? Oo at hindi.

OO, dahil karamihan sa kanila ay naglalahad sa mala-barbarong pamamaraan. Hindi man lang responsable sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam kung hindi ba nila nalalaman na ang lakas ng kapangyarihan ng mga “salita” o nagpapanggap lang na ignorante ang mga ito. Sadyang totoo na may matatamaan talaga sa anumang mailalahad ng bawat tao, pero hindi ibig sabihin noon na hindi na tayo magdadahan-dahan. Alalahanin mo, ito ang panahon ngayon na maraming napapahamak dahil lamang sa pagsasabi ng totoo.

At HINDI dahil sa modernong panahon, sa mga gadget na lang tulad ng cellphone at computer na lang ang pamamaraan nila para makapaglahad. At bilang mamamayan ng bansang ito, iyan ang isa sa mga nakapaloob sa ating Bill of Rights. Parte yan ng karapatan natin bilang tao. Pero sa totoo lang, mas masuwerte pa tayo kesa sa ibang bansa na talagang banned ang paggamit ng social media by all means (o kung hindi man, e kontrolado pa rin).

There’s a thin line between telling the plain truth and defaming somebody else, whether by intention or not. Ibig sabihin, may pagkakaiba kasi ang pagsasabi ng totoo sa magsabi ka ng mga bagay na paninira na kung maituturing, sadya man o hindi. Kaya sa totoo lang, mag-ingat din kasi tayo sa anumang ilalahad natin, dahil iba-iba tayo ng pananaw bilang tao, parang malayang lipunan natin. 

Author: slickmaster | Date: 10/03/2012 | Time: 10:05 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions.

Monday, 1 October 2012

The Libel-Prone World.


Hmmm… paano nga ba ang Pinoy kung maisakatuparan ang cyber crime law? Lalo na ang libel provisions nito? Marami man ang magiging palaban sa batas na ito, pero paano nga ba sila hindi aalburoto kung ultimo ang mga eksperto ay nagsasabing sumobra na sa pangil ito. At mantakin mo, ang ilang mga mambabatas ay umamin na parang may mali sa naisabatas na Republic Act 10175? Ke hindi raw na-review ng husto ang mga probisyon sa kasong libelo

Wala nang murahang magaganap. Baka ma-libel e. Mahirap na.

Wala nang ring asarang magaganap. Baka-libel na din maituturing.

Wala na ring mga meme’t wall photo na pagtitripan. Sabay, parang bullying na rin kasi ang dating e.

Ang hirap kasi ay hindi malinaw ang pamantayan kung kelan libelous ang salita o hindi. Magkakaiba tayo ng standard ng tolerance bilang tao. Kungbaga kung ang salitang tulad ng "Gago" at iba pa ay expression pa lamang para sa akin, baka sa iba o kahit sa inyo, hindi. Ganun kalabo. Sa print at broadcast media may matinding distinction sa mga salita kung libelous ba ang mga ito o hindi. Pero sa social media, iba na ang kahulugan nito. Yun lang ang problema.


Paano kung may cybercrime law? Wala nang freedom of expression. Teka, wala nga bang kalayaan sa pagsasalita? O patama ito lalo na sa mga abusado’t internet gangster? Na hindi kasi tayo naghihinay-hinay sa mga patutsada natin? Marami kasi ang mga lumalabis din sa mga kinokomentan ang mga loko at loka e. Pero ganun pa rin e. Lahat ay tatamaan nito. Mas matindi pa sa pagkontrol ng anumang iisipin at sasabihin natin.

Ganun? Parang ang labo naman yata nun. Ang boring. Ano na lang ang silbi ng mga social networking sites tulad ng Facebook? Pang-professional na usapan na lang ba? E hindi naman lahat ng mga taong gumagamit nito ay elitista, yung iba, nakisakay din sa uso at hindi mo masisisi iyun. At dito na nga lang madalas naglalabas ng sama ng loob ang tao niyan. Patay tayo diyan! Pero sabagay, may internet ettiquette kasi  naman. E ang problema sa iba, wala yatang sentido kumon para mag-isip at at magkaroon ng ganito. Pero ganun pa rin e.

Baka naman ang ultimong “hehehe!” ay bawal na rin? Ano ‘to? No more laughtrip na yun na nga lang ang remedy ng iilan sa mga problemang hinaharap nila? Ayon kasi kay Sen. Guingona, baka kahit ang ganung expression, kung agree naman sa isang post na prone sa kasong libelo ay maipagbawal na rin. WAH!

Paano na lang maglalahad ang mga tao ng kanilang mga saloobin? Paano na lang kung magiging bulag sila sa mga nakikita nila at maging pipi. Ano to? Aasa na lang ba tayo sa mga public service program o kahit sa mga palabs ni Tulfo para maisawatan ang mga anomalya sa lipunan?

Oo nga, where the damn fuckin’ hell is the freedom of speech?!

At, oo nga din. Paano na lang ba kung may online libel? Baka wala nang mga political-and-opinion themed blogs (tutumal na e), wala na rin ang mga segment ko sa pages na o yung ultimong paborito kong i-post… ang #TiradaNiSlickMaster pati na rin sa ibang mga tao, blogs at pages man lang.

Bye, bye!

Author: slickmaster | Date: 10/02/2012 | Time: 12:08 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions


Sunday, 30 September 2012

Deprivation to “Freedom of Speech” or “Freedom to Abuse?”


Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming umaalma ng “no more freedom of speech?!” sa mga Pinoy na laging naka-online pagdating sa usapin ng cybercrime act. Kahit po ang inyong lingkod ay tumutuligsa sa mga probisyon ng electronic libel. Oo nga naman, bakit parang pipigilan mo kami magsalita?

Sira ba ‘tong mga ‘to? Parang literal na sinungalngal o nilagyan mo ng busal ang mga bibig naming niyan. Pa’no ka aaksyon kung hindi mo alam ang mga hinaing ng mga kalipon mo. At… oo nga pala, akala ko ba kami ang boss mo, at hindi ka pwedeng makinig sa mg utos namin? Labo.

Pero, ang punto kasi, pagdating sa mga panukalang batas, kadalasan ay pumipirma lamang siya bilang punong ehekutibo ng bansang ito. At may veto process na sinusunod kung sakaling hindi aprubahan.

(Ayun ito sa usapan namin ng isa sa mga followers ko sa Twitter na itatago ko sa inisyal na I.M.A., ito ang mga posibleng pangyayari at pamamaraan  sa estado ng pagpirma at ng veto process)



1st way: Isa-sign ng president within 10-day period then balik sa congress for ratification.
2nd way: Hindi niya pipirmahan pero may veto message and reasons, buong bill yung dapat yung i-reject and not specific amendments then pass ulit sa Congress within 10 days.
3rd: hindi siya pipirma dahil adjourned ang Congress.
4th way: pocket veto, habang adjourned yung Congress, balewala na lang then magpapasa ulit ng panibagong bill, if nag-resume na.

Unless, 'pag wala masyadong angal si Kuya, deretso na yan  sa pirmahan at pag-implementa.

Unconsitional! Yan ang bira ni Senator TG Guingona. Oo nga naman, e ‘di ba bilang mamamayan ng bansang ito, may Bill of Rights tayo at isa sa mga nakalagay dun ay ang kalayan natin na magsalita o maglahad.

Pero hindi baka naman kaya nagkaroon ng ganitong batas ay dahil abusado na rin ang ilan sa atin? Napansin ko rin kasi na ang daming mga abusado sa mga social networking sites. Mga barbaro kung maka-asta, mga balasubas kung makapagsalita, lalo na kung ayaw nila ang mga artikulo o post na nabasa nila. At karamihan pa sa mga ito, katakut-takot na mura ang mga wini-wika.

Not to mention, marami rin kasi ang mga mapupusok na kabataan sa internet, mga taong hindi pa nila tuluyang naiintidihan ang mga pinagsasabi nila kahit sabak lang sila ng sabak sa kada thead o usapang pinapasok nila. Kung makapagbanta sa mga kaaway nila, daig pa ang mga tunay na kawatan. Pambihira.

Pero dapat kasi matuto din tayo na walang bagay sa mundo ang tinatawag na “absolute freedom.” (Ano ka, Diyos?) At ika nga ng palabas na Spiderman, “with great power comes great responsibility.” Ang lakas kaya ng kapangyarihan ng anumang salita na nilalahad natin, lalo na sa panahon ngayon na napaka-accessible na ng internet sa atin. Kaya kahit ang ultimong “hehehe!” ay kaya nang i-build up ang isang bagay o sirain naman sa kabilang banda. Oo nga pala, ayon kay Sen. TG, ang ultimong “hehehe” ay posibleng makapagpahamak sa iyo lalo na kung agree ka sa isang post na sa mata ng iba ay libelous. Ouch!

At hindi porket tila libre na at malaya tayong gumamit ng mga bagay tulad ng internet ay aabusuhin na natin ito ng sobra-sobra. Alalahanin mo, lahat ng mga kalabisan na bagay ay nakakasama.

Kaya isang leksyon na maituturing din ito sa karamihan… na maging responsible sa mga sinasabi. Tama din kahit papa’no yang wika na iyan ni Spokesperon Lacierda.

Author: slickmaster | Date: 09/30/2012 | Time: 9:32 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Wednesday, 19 September 2012

The Senator and The Cyber Mob


Babala: Ang mga nilalaman ng blog na ito ay pawing opinion lamang ng awtor.

Nagsimula sa isang usapin sa RH Bill, napunta sa plagiarism, cyber-bullying, at hanggang sa nauwi sa isang panibagong batas. Iyan ang isa sa mga kalbaryong nagaganap sa Pilipinas ngayon. Isang pasada sa isang… whew, maiinit ng mga pangyayari.

Kontra kasi ang mambabatas na si Senator Vicente Sotto III sa matinding usapin sa RH Bill. At isa sa mga privilege speech niya ukol dun ay halaw pala sa isang blog na naglalarawan ng halos kaparehong sentimiyento sa pananaw niya. Umalma si Sarah Pope, isang blogger at ang reklamo niya: Kinopya ng mga manunulat ni Sen. Sotto ang ilang mga linya mula sa kanyang akda at hindi man lang ito kinilala. Ayon naman sa napag-uusapang senador, bakit ko iko-quote ang blogger na iyun? Blogger lang yun. Bagay naman na inalmahan ng karamihan, kasama na ang inyong lingkod. Oo nga naman, parang hindi naman yata tama ang ganung argumento. Ang dating kasi ay parang minaliit ang mga kakayahan ng mga "blogger." And with all due respect, maraming mga magagaling na manunulat na nagsimula sa pagba-blog. At may mga magagaling na nagba-blog pa rin.

Pero ang pamumutakte kasi ng karamihan sa kanya ay sobra na rin e. Mantakin mo ha? Na-target siya ng mga “memes,” literal binubully siya kahit sa ganung pamamaraan. Naging incorporated ang kanyang apilyedo sa kada pangtitrip ng karamihan ukol sa plagiarism o copyright infringement pa yan. Aba, sa google nga, nakita ko talamak na ang post na ganyan e.

Kaya ba siya tumawag ng “foul” ukol dun at sinabi na biktima siya ng cyber-bullying? Maari.
Hanggang sa isa siya sa mga may-akda ng Republic Act 10175 o ang Cyber-crime Protection Act of 2012 na nilagdaan lang kamakailan lang ni Pangulong Benigno Aquino III. At sa pang-ilang pagkakataon na ay umaalma na naman ang mayorya sa batas na ito, lalo na sa probisyon ng electronic libel o online defamation. Tila sagasa ito sa kalayaan ng tao na magsalita.

Kaya ayan, batikos na naman ang mga alburoto ng mga bulkan, este, ng mga tao nito.

Pero, ito lang ang sa akin. Mali man ang ginawa ng senador kung ako ang tatanungin, pero mas mali naman ang ginawa ng mga tao sa kanya. Bakit kanyo? Kalian pa naging mabuti ang tahasang pambubully? Maging trending nga, pero sa panig naman ng kalokohan? Hindi sa masyadong seryoso, ha? Alam ko na karamihan kasi sa atin ay ginagawang katatawanan ang mga nagaganap minsan, pero alalahanin din natin na may hangganan din ito. Kung inaapura mo kasi ang tao, talagang may magagwa ito na hindi maganda laban sa iyo. At kapag nangyari iyun, wala kang karapatan na magreklamo pa laban sa kanya. Inapura mo nga e, gago ka ba?

Sa totoo lang, ke kung isa man siya sa mga may-akda talaga ng cybercrime act o hindi pa kumpirmado sa listahan (pakiupdate po), e hindi na rin ako magtataka. Binully niyo e. Sobra-sobra din kasi kayo kung manghusga. Ayan tuloy, ano ang napala niyo? Sino ang mas na-gago? Sino ang umuwing luhaan? Kayo din.

Author: slickmaster | Date: 09/19/2012 | Time: 03:02 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 19 August 2012

The Thin Line #2 - Tamang Reaksyon Lang o Sobra Na?

Uulitin ko ang sinabi ko sa Wanted: The Road Rager. Isa ako sa mga taong sumasaludo kay Saturnino Fabros at kumokondena sa marahas na gawain ni Robert Blair Carabuena. Ang ugali ng abusadong motorist ay hindi kainlamn dapat tularang ng sinuman. Bakit, ang tindi na ng karma ngayon. Hindi lang Diyos ang gumagawa, tao na mismo. At makikita ang mga iyan sa mga social networking sites.

Minsan napaisip ako. Tama lang ba ang paghihiganti ng mga tao para sa naagrabyadong si Saturnino Fabros o sobra na rin?

Sabagay, sa lipunang mahilig sumakay sa isyu, malalaman mo kung sino ang nakakaintindi sa hindi; at base iyan sa mga nilalaman na mga kumento nila. Yung iba, kinakastigo ang ginawa mismo ng tao. Hmm… oo nga naman. I mean, kelan pa naging tama ang tahasang pangtatampalasan ng isang mataas pero abusadong motorist sa isang alagad ng batas-trapiko na ginagawa lang ang kanyang trabaho?

Yung iba, halatang may masabi lang. kinakastigo ang itsura ng maangas na mama. Sabagay, sumakto ang kulay ng damit niya kay Barney. Nakakatawa din kung papansinin.

Yung iba, sakto lang. Parang oo nga naman din. Isa kang tao sa mataas na parte ng lipunan; isang executive sa HR ng Phillip Morris; nakatapos ng pag-aaral sa Ateneo, na kinikilala bilang isa sa mga pinakamataas na pamantasan kung sa edukasyon ang usapan. As in, ikaw na tila elitista ka, papatol ka sa isang pobreng traffic enforcer? Kinakaya mo? Anak ng pating naman oh. Tibay mo ha!

Sa sobrang init ng balita na ito, umaapaw ang mga nagbabagang reaksyon ng mga tao sa social networking sites.

Pero sa kabilang banda, hindi kaya cyber-bullying na rin ang ginagawa ng tao?

Mantakin mo ha? Ultimo ang mga contact details sa kanyang mga social networking profiles e walang pakundangan na nilalantad! Mula Facebook profile hanggang cellphone number hanggang sa address ng bahay niya? Hindi na kaya sobra naman yata yan?! Hindi naman kaya biktima na siya ng cyber bullying?

Hmm… possible, dahil sa tindi ng mga binabato ng tao laban sa kanya na tila out of hand na.

Pero sa kabilang banda, parang tama lang din ang ginawa ng tao. Maliban sa itsura ng tipikal na bully na nakita kay carabuena, e sobra-sobra din naman kasi ang ginawa niya kay Saturnino Fabros e. Kaya parang tama lang din. Balanse ika nga. Sobra ang ipinukol mo sa kanya, sobra din ang ibabato nila sa iyo. Ayan, gago ka rin kasi e. Tama lang yan. Karma, ika nga. Mas mabilis pa sa ngayon dahil sa advent ng social media.

Hmmm…. Pero ke tama lang o sobra na, magsilbi sanang leksyon sa atin ang mga nangyari dun. Una, maging kalmado lang. Alam ko nakakapang init ng ulo ang mga sitwasyon sa trapik lalo na sa oras ng nagiinit na tanghali pero walang mas titino pa sa matinong usapan. At, umintindi muna bago magreact. Que sa traffic man o mga sa social networking sites.

Author: slickmaster
Date: 08/19/2012
Time: 05:03 p.m.

Saturday, 11 August 2012

ASAL SA INTERNET 101

“Think Before You Click,” ika nga ng GMA-7. Ginamit ng istasyon na iyan ang mga nasabing salita bilang slogan nito sa kanilang adbokasiya ukol sa internet etiquette – bagay na dapat gawin at hindi dapt gawin ng mga tao sa harap ng computer na naglilink sa kanila sa cyberspace.

Parang asta lang din ng tao yan sa kalye. Kung gaano ka magsalita ay kahalintulad sa kung gaano ka maglahad ng mga salita sa inyong mga tweet, status o ultimo mga blog. Kung ano ang iyong itsura sa kalye o mga pampublikong lugar ay ayon naman sa mga litrato mo, lalo na sa album mo na Profile Pictures. Kung may kwenta ba ang sinasabi mo o wala, kung pangit ba ang itsura mo o maganda, diyan ang basehan, lalo na kung asal-gago ka ba o sadyang matinong tao lang talaga.

THINK BEFORE YOU CLICK, o mag-isip bago mag-click.

Bago ka gumawa ng kung anu-anong mga account, siguraduhin mong naiitindihan mo ang mga ito. Parang kapag sumabak ka sa giyera, siguraduhin mo na alam mo ang pinapasok mong gulo. Sigurado ka ba na gusto mong magkaron ng Facebok account? Handa ka ba na tanggapin ang mga taong magmamahal sa iyo at yung mga taong makikipagplastikan din sa iyo sa lob ng social network mo? Handa ka ba sa mga kumento ng mga matitinong mambabasa at ng mga taong “may masabi lang” sa iyong mga blogs? O dapat alalhanin mo na ang Twitter ay parang isang battlefiel a la wannabe World War III. Lahat ng mga iyan ay maliban pa sa pag-tsek ng box na “I agree on the terms and conditions applied.” Diyan pa nga lang, malalaman mo kung sino ang malinis ang budhi sa ihindi. O mas maganda, kung sino ang sinungaling sa hindi.

Intindihin mo muna ang iyong mga sinusulat bago mo ito ipaskil. Halos katulad iyan ng isang kasabihan na “Wag magdedesisyon na ang basehan mo lang ay ang iyong pansamantalang emosyon.” Kung puwede nga lang e i-double-check, i-triple-check, quadruple-check o... basta, siguraduhin mo lang na tama ang mailalhd mo ayon sa kagustuhan mo. Ang dami pa namng superficial na tao sa mundo. Hindi lang sa sila ay hindi sumasang-ayon sa mga punto na ipinapahiwatig mo, kundi mga instant Grammar Nazi din sila. Ultimo ang spelling mo, pag na-typo ka kahit sa ni isang salita man lang, pinag-iinteresan na kaagad. Parang mga hindi makaintindi, e no?

Huwag ipost lahat ng mga bagay na sa tingin mo ay magpaphamak sa iyo. Bigyan mo ng respeto ang sarili mo. Sa panahon na ang karamihan ay mga Photoshop lietrate na nasa wannabe-expert level, kay nitong manipulahain pa lalo ang mga litratong inupload mo. Kung mas mamalas-malasin pa, pagmumukhain ka pa na tanga. Ang lalakas manghusga, palibhasa hindi yata nila naranasan ang malagay sa kahihiyan dahil sila mismo ang nanghihiya sa kapwa nila.

Kung pa-cute ang post mo, well, siguraduhin mo na cute ka. Dahil kung hindi, alam mo naman ang karamihan, sadyang mapanglait sa kapwa.

Mag-tag lang ng litrato ng naayon sa kanyang kagustuhan o yung mga bagay-bagay ka kahit papano ay interesante talaga. Kung iyan pa ang mga litrato na wasak na wasak siya sa kalasingan noong nag-night out kayo e parang nilalaglag mo na rin ang pagkatao niya bilang kaibigan mo. Respeto lang, men.

Simple thought is better. Parang “less is more.” Ganyan din ang kadalasang istilo sa pagsusulat ng mga balita. Sa isang foreign news pa yata, pag zigzag ang istorya mo, may KISS ka... as in Keep It Straight, Stupid. Yun nga lang hindi sa laht ng oras ay applicable yan sa mga social networking sites dahil ang daming mga gunggong din dun. At hindi sa lahat ng mga blogs... aba, medyo taliwas sa istilo ko to ha? 'de. Ang punto lang nyan (at kung bakit may konek yan sa akda na ito) ay kung pwede naman ay gawing simple at straight na lang ang mga puntong gustong sabihin. Wala na sanng paliguy-ligoy pa. Kung magsasabi ng katotohanan, 'wag idaan sa panglalait. Gawin mong a la Simon Cowell. Pero be polite ha?

Kung hindi talaga mapigilan ang magpost ng mga matitinding bagay na ukol sa iyo, e siguraduhin mo lang na at least ang mga makakapansin na mga tao diyan ay yung mga taong mapapagkatiwalan lang. Siguraduhin mo na nasa tamang lugar yan. I-customize mo ang audience/privacy options mo sa mga taong may karapatan lang na makakakita ng mga sexy pose mong litarto, yung naka-2piece na bikini ka kahit may strechmarks ka, ang bidyo mo na panay prangkahan at mga gag ang nilalaman, ang cover mo ng paborito mong kanta na may pagaksintunado pa ang isang chorus o stanza, at ultimo ang scandal niyo ng iyong kasintahan. Libre lang ang mag-upload pero libre lang din ang manglait. Alalahanin mo iyan. Maaring magbigay sa iyo ng pansamantalang kasikatan o kahihiyan ang mga iyan pag nakita ng iba. Pero hangga't may privacy settings, gamitin mo.

Kung may gusto kang i-add na friend sa Facebok mo, e 'di i-add mo! Hindi yung ikaw pa ang magme-message sa kanya na “”uy, pa-add naman sa Facebok. Hehehe. Salamat!” Ano ka, Superstar? VIP ka ba? Kahit may pangalan ka sa world wide web e wala ka pa ring karapatan na magdikta sa kanya ang “first move” sa pakikisalamuha sa mundo ng social networking sites. Ganito lang, pre. Magpakita ka ng tamang motibo at intensyon na gusto mo siya maging parte ng social network mo, bilang Facebook friend man, Twitter follower, o kung ano pa man iyan.

Speaking of Private Messaging, e 'wag mag-PM ng “pakilike naman ng status ko please.” Anak ng pating, e pano na lang kung patama sa akin yang status na yan. Ano ako, tanga?

Magpost ng naayon sa tamang intensyon, magrespond ng mkaayos at naayon sa tamang approach. Dahil sa mundo ngayon, uso ang pamimilosopo na a la Vice Ganda o minsan si Papa Jack ang istilo (Ako ba? Hindi, hindi... Siya, pati yung kalabaw.). Akala mo ang tatalino na ng mga tao porket kaharap nila buong araw ang computer. Ika nga ng idolo kong si Lourd de Veyra, “Kung tarantado ang tanong, tarantado din ang sagot.”

'Wag magpost ng walang ka-kwenta-kwentang mga kumento. “FIRST” ka nga... e pucha, ano naman ngayon? Karerahan ba 'to? Pakibigyan na nga lang ng jacket ito!

Isa pa, kung alam mo na galit ang nilalman ng post na ito, bakit ka magpopost ng “U MAD?” Hindi siya galit, nagpapaliwanag lang. Tuwang-tuwa pa nga e! Lakas maka-tanga lang ah.

Kung admin ka ng isang page sa Facebok at may order na binigay ang owner nito, sumunod ka. Hindi porket ginawang admin ka ng page e kung anu-ano na lang ang gagawin mo diyan. Parang ganito. Kung inutos niya muna na “wag magpaskil ng mga bagay-bagay na ukol sa pag-ibig ngayong araw” e sumunod naman sana. Natiyempuhan niya na nagpaskil ka ng taliwas sa utos niya isang oras matapos nun, dinelete niya yun, at ikaw pa ang may ganang magreklamo? Kapal namn yat ng mukha mo. Magbasa ka kaya muna bago mag-rant, ano?

Kung liker ka ng mga page sa Facebok at may mga batas o rules sila, sumunod ka. Hindi yung magpapasaway ka pa na a la TROLLOLOL style. Kapag binan ka, ikaw pa ang may lakas ng loob na maghimutok. Gago ka rin kasi e. Yan tuloy.

Huwag masyadong gumamit ng mga pausong salita... kung sa mga jejemon e ang lalakas niyong mangastigo't magsalita! Shunga, muntanga lang? Halatang saby sa uso e 'no na parang gumagamit ng hashtag sa Facebok na dapat lang sana e sa Twitter lang iyun? Mas gugstuhin ko pa kay na gumamit ng kolokyal na wika kesa sa mga “makabago kuno” na lengwahe. DAFUQ did I just read? Oh, shut the fuck up, man. Sablay pa nga ang grammatika mo! The Fuck stil sounds better than that.

May mga bagay kasi na talagang nilulugar sa tama, joke time man o seryoso ang usapn. At ang pagme-meme, ayos lang yan, kung nasa wasto nga lang. Pero maraming kontra dyan sa malmang. Ang pag-to-troll kasi ay literally, wala sa lugar.

Huwag gawing chat box ang isang status lalo na kung wala na sa paksang nilalaman ang pinag-uusapan naman na. RH Bill lang ang pinagtatalunan kanina, naging personalan na? Pa-awat na nga kayo, hoy!

Ayos lang mag-share, wag nga lang mag-SPAM lalo na kung wala namang kabuluhan ang mga bagay-bagay na ikinakalat. Mabuti pa, kumain na lang tayo ng SPAM.

'Wag basta-basta magpost ng mga where-abouts mo. Kung saan ka ngayon, anong event ang pinapasok mo kasama ng iyong mga kasama. Maaring nagiging updated nga ang mga kaibigan mo ukol sa mga nangyayari sa iyo, pero dapat nasa tama lang din dahil baka hindi mo nalalman, napuput at risk din ang sarili mo kung seguridad ang usapan. Alalahanin mo, uso ang stalking kahit hindi ganun ka-astig ang iyong beauty.

'Wag basta-basta magtitiwala sa mga tao sa social network mo. Pakiramdaman mo muna. Mahahlata mo yan sa mga mangyayaring inetraction sa pagitan ninyong dalawa. Hindi kasi lahat ng mga kaibigan ay “kaibigan” talaga. Ganun din sa mga “followers,” at “likers.” Yung niba dyan, akala mo tao lanmg? Baka pakitang tao lang. Palihim na tumitira ng mga gawa mo. Binabalasubas ka pag offline ka. Niloloko ka sa ibang mga kaibigan mo sa wall, group man o sa chat room lang. Manggagantso pala. Pag nagpadala ka, olats ka.

Speaking of posts, kung orihinal na gawa niya ang gusto mong kopyahin at ikalat, humingi ka muna ng permiso o pasintabi. Kapag kinopya yan, paki-cite kung saan mo orihinal na kinuha iyan. Hindi yung angkinin mo pa. Kapal naman ng mukha mo kung ganun. Ikaw kaya ang maging manunulat? Tignan natin kung makakaisip ka ng mga ganyang klaseng bagay. Tigas, ha?

Huwag mong palitan kagad ang relationship status kung hindi pa naman ganun talaga ng sitwasyon ninyong dalawa ng partner mo. Nag-away kayo ukol sa napakababaw na bagay, palit na kagad sa “single” at pagkatapos ng ilang araw at nagkabati na kayong dalawa, “in a relationship” na ulit. Tapos, nangyari na naman yan sa mga sumunod na linggo, ganyang-ganyan na naman ang senaryo. Anak ng tokwa naman oh. Pinapahiya nyo lang ang sarili nyo kung halata naman mismo na on-and-off kayo base sa mga wall-to-wall posts niyo. Alam ko na ang pag-ibig ay isang napakakumplikadong isyu, sa sobrang kumplikado nito ang mga maliliit na bagay, nagiging malaki o big deal. Pero hindi iyan sapat na dahilan para palitan yan ka-agad-agad. At pwede ba, yung nasa wasto lang Mag-syota pa lang kayo, pero “married” na? Married your face. Panindigan mo iyan ha? Kapag naghiwalay kayo dapat ang makikita ko ay “seperated” o “widowed.”

Ang lawak kasi ng mga posibilidad ng internet. Puwede nitong -build ang reputasyon mo, o puwede ring ikasira nito ang buhay mo. Depende sa kung ano ang asta mo kung ang pagbabasehan ay ang mga bagay na pinagkaka-abalahan mo, kung kalokohan man iyan, kadramahan, o kung ano pa man iyan. Mag-isip muna bago gumawa ng mga pagpapaskil o mag-click sa mga sites sa world wide web.

Siya nga pala, bago ko tapusin ito, last tip. Huwag niyo kalimutang mag-log-out, lalo na kapag may ibang tao na gagamit sa PC na inupuan mo. Kasi ang dating niyan ay parang ganito lang. Instant hack kagad ang account mo (as in nakaw na), o hindi naman kay ay na-hack din pero palakasan ng trip yan. Parang mga status ng... ganito:

“I'm sexy and I know it.”
“In love ako kay **name censored**”
“Ang gwapo ni **name censored**”
“Bakla ako.”
“P******** ano ba naman klaseng grupo ito? Parang yung may-ari lang ang sarap ********.”
...at iba pa.



author: slickmaster | date: 08/11/2012 | time: 02:10 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Monday, 2 July 2012

Ang tunay na status, kusang nila-LIKE.

Oo nga naman. Sa panahon na nauso ang mga tila bentahan ng post fedbacks tulad ng mga like sa Facebook at favorite sa Twitter, e talagang may mga tao na aasta na parang magbebenta dyan, pero ang binebenta niya – ay ang status niya sa Facebook.

“tol/friend/pre, pa-like naman ng status ko oh. Thanks. J

Aminin mo, minsan sa buhay mo e nakabasa ka na sa mga chat messages mo ng ganito, kahit hindi sa eksaktong konteskto ng salita. Na minsan e may nagsend sa iyo ng mensaheng iyan. At... alam mko na idedny mo to, ikaw din mismo nakapagsend na ng ganyan sa mga friends mo sa fb.

Well, ganun talaga ang kalakaran sa mag social networking sites. Hindi mo lang binebenta ang sarili mo na base sa kung ano ang nakalagay sa About Me section mo,  pati na rin yung mga bagay na lumalabas sa isip mo na siyempre e natatranslate sa mga post mo, and at least hindi naman sa mahaliparot o mala-putang pamamaraan ha?

Pero may mga bagay kasi na dapat e nasa tamang lugar lang. Magpi-PM ka lang sa isang tropa mo para lang magpalike ng status? Hmmm...


Kung ibang bagay yan tulad ng may ipaplug ka na page/litrato/ibang entry, pwede pa. Pero, status lang? Pasensya ha, pero hindi kaya, masyado naman tayong desperado niyan para lang hindi tayo tumumal sa mga Facebook profile natin?

Sabagay, iba-iba kasi tayo ng persona e, kaya sa totoo lang hindi ko rin masisi ang mga taong yan o kung sinuman na naalibadbadran pa sa mga taong lagi nakakarecieve ng “palike naman ng status ko” message sa Facebook chat.

Sa kabilang banda kasi, ito ang paraan para sumaya sila. Yung tila pag naka-30 likes na ang post nilang iyun e, nagtatatalon sa tuwa’t galak at baka kinikilig pa.

Yun nga lang sa mata ng ilan, e hindi na to sibilisado, hindi na lubos na nakakatuwa, na tila nababasag na ang trip nila.

Sabagay kung sa isang sitwasyon na kunwari e... parang ganito. Heart-broken ka, tapos may nagsend sa iyo ng mensahe na pakilike naman ang status ko, at nung tinignan mo yun e isa palang sweet na banat quote para sa boylet niya, parang.... sama naman ng dating nun para sa iyo lalo na kung bitter na nga ang pakiramdam mo, galit ka sa pag-ibig at makakabasa ka ng ganung bagay. Maswerte pa siya kung hindi ka naasar ng panahon na iyun. E pano kung nadala ka sa bugso ng emosyon? Pustahan, laking away niyan, tsong.

O di naman kaya ay hindi maintindihan ang pinagsasabi sa status mo at ipapalike mo pa bas a iba? Kahit sabihin mo na hindi naman siguro tatanga-tanga ang mga yan kung magbasa e hindi mo rin maiwasan na kahit andyan na nakalahad na pero hindi pa rin maintindihan ang pinakapunto ng menshaeng sinasabi mo sa status mo.

At minsan nga nakaengkwentro ako ng isang tao na sa sobrang pagakahumaling sa fb status niya, pati pa naman sa text e yun pa rin ang sasabihin. “Pakilike naman ng status ko sa fb hehehe thanks.”

Wasak.

Kung gusto mo maging mabenta ang Facebook post mo, makipag interact ka din. Hindi pwedeng maging self-centered ka lang, pwera na lang kung sikat ka. As in lehitimong celebrity ka. E pano kung isa ka lang hamak na user ng social networking site na to? Magreresort ka sa mga autolike na cheat? Hmmm... nasa sa iyo yan pero iba pa rin ang essence ng tunay na tao na talagang nakakaintindi sa mga post mo.

At ito pa, siguraduhin mong makakarelate talaga ang mga tao sa post mo. E pano kung bibitaw ka ng isang mala-galit-sa-mundong linya dyan sa What’s-on-your-mind? Box mo at yung taong nakakabasa nyan ay yung mga taong taliwas sa saloobin at ideolohiya mo, e wag kang mag-expect na may bebenta talaga niyan. Baka pa nga e may magalit din sa mga sinasabi mo. Tahasang kokontrahin ka pa.

Basta, para sa akin... ANG TUNAY NA STATUS, KUSANG NILALIKE, HINDI PINAPALIKE. Take time lang kung gusto mo maging social media elite or maging pamoso sa mga ganitong bagay. Hindi lahat nadadaan sa sapilitan. Keep working on it and make it good and better.

Author: slickmaster
Date: 07/02/2012
Time: 09:35 pm
(c) 2012 september twenty-eight productions