Showing posts with label culture. Show all posts
Showing posts with label culture. Show all posts

Saturday, 7 June 2014

NBA Finals Na! Eh Ano Ngayon? (v. 2014)

6/8/2014 11:03:32 AM

It’s that time of the year-slash-season again. NBA Finals na naman! I mean, for the 67th (?) time. At sa pagkakataong ito, rematch ang NBA Finals, dahil ang muling magtutuos sa hardcourt ay ang dalwang koponan na naglaban din sa NBA Finals last year. Tama, ang Miami Heat at ang San Antonio Spurs. Ang isa dyan na nagmula sa Eastern Conference Southeast Division ay nanaig at tinanghal na NBA Champions sa taon na rin na iyun; samantalang ang isa naman na nagmula sa Western Conference at Southwest Division ay naging runner-up sa liga matapos ang pukpukan sa Game 7 ng serye na ito.

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Ang mga tanong: sa ikalawang pagkakataon ay manaig kaya ang Miami Heat para masungkit ang ikatlong sunod na kampeonato – at ika-apat sa kanilang franchise history? O makakakganti ang San Antonio Spurs para kunin ang unang titulo sa nakalipas na pitong taon – at para na rin sa kanilang ikalimang kampeonato sa kasaysayan ng kanilang pagpartisipa sa pinakaunang play-for-pay basketball league sa buong mundo?

At kung sakali man isa sa kanila ang manalo, sino kaya ang magpapakitang gilas nang bonggang-bonga?

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Pustahan, yan ang usapan ng tao sa ngayon, mula sa mga kwentong tambay hanggang sa social media. Galit-galit muna ang mga tao dahil may papanigan sila sa puntong ito–bagay na ginagawa rin ng mga PBA fans pag game time na (“San ka? Kampihan na!”). Yan yung mga panahon na magiging aman ng news feedmo sa Facebook at Twitter ang mga laro ng NBA, mga naglalabang koponan, at samahan mo na rin ng mahaba-habang asaran at pikunan. Oo, pustahan tayo, madalas mangyayari talaga yan. Speaking of which…

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Pustahan. Oo, mauuso muli ang pustahan, na halos walang pinagkaiba kung ikukumpara sa ibang mga sporting events gaya ng UFC, WrestleMania, PBA Finals, UAAP at NCAA finals, at ultimong laban nila Pacquiao at iba pang boksingero. Siyempre, matik na yan. Depende pa yan kung sino ang mananalosa game na ito, o kung anong koponan ang makakasungkit ng kampeonato at kung ilang games lang itatagal ang serye na ito.

Yun nga lang, pustahanklang boys ha? Baka naman mauwi pa yan sa patayan na para kayong mga sinidkato o mafia.

NBA Finals na! Eh ano ngayon? Mauuso ang mga viewing party sa mga piling venue tulad na lamang ng mga sports bistro, o ordinaryong restaurant. Minsan nga, kahit sa tinatambayan mo lang na tindahan eh; o sa main lobby ng inyong opisina (at yung chicks na nasa reception desk n’yo, makikiuso na rin tutal pansamantala lang naman yan eh at magkukunwaring fan ni Tony Parker o LeBron James yan); at ultimo sa mga eskwelahan.

Tama, kung may TV ang canteen n’yo, o kung mas galante pa ang paaralang pinapasukan n’yo—sa classroom, magiging instant viewing session yan. Gawain yan madalas ng mga nasa high school na; yung tipong makikiusap sa mga guro nila (at tipong magasasabi na “Ma’am, next eeting na lang quiz natin. NBA Finals na eh!” at aagree naman dito ang buong klase kaya wala nang magagawa pa si Madam kundi sumunod sa mga engot, este sa mga alipores niya). At bakit ganun? Siyempre, sila ang nagbabayad ng tuition sa school na ‘yan na pinapasweldo naman sa kanilang guro (maliban na lamang kung napakastrikto ng eskwelahan na ‘yan, kung wala talagang TV, at kung principal ang teacher n’yo).

Pero either way kasi, masarap manood ng isang malaking sporting event tulad na lamang ng NBA Finals kapag marami kayo. At hindi ko dini-diss ang channel 2 ukol dito. In fact, kung trip mo lang naman na manood sa bahay n’yo kahit walang cable, eh okay lang yan. Buti nga kahit papaano eh andyan sila, at least, nagprovide na matinong alternatibo kesa sa mga sobrang adbstract na cartoons at maaga-agang dramahan sa morning. Gawin naman nating mas exciting tulad nito.

At dahil NBA Finals na, at pagnanalo na ang panalong koponan, ay pustahan, lahat ay magiging instant sports analyst. Yung tipong naging matalino sila sa kung paano iexecute ang play. Oo, maraming ganyan, regardless kung nakapaglaro sila ng sport na yan o hindi. At may hindi sasang-ayon, d’yan magsisimula ang isang kumukulong debate na minsan ay mauuwi sa personalan na sumbatan, at kung minsan ay magkakasakitan pa na parang sa mga eksena ng mga lasheng mo lang nakikita. Ayos, ‘di ba?

O, tama na. Quit talking. Let’s do the watching na lang instead.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Friday, 6 June 2014

Basa-Basa 'Din 'Pag May Time

5/13/2014 6:22:21 AM




Ito ang isa sa mga pinakasakit nating mga Pilipino: ang katamaran magbasa. Hindi lang siyang isang simpleng karamdaman, dahil madalas ito rin ang nagiging ugat ng ating pagiging mangmang o ignorante, at kung minsan pa nga ay ang pagiging arogante.



Hindi na bago ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay. Sa simpleng konteksto lang, may mga pagkakataon na nagrerklamo tao sa isa o sa iilang bagay na hindi naman natin lubusang naiintindihan. Okay nga ang sana kung hindi naiintindihan eh. Pero mas masaklap ay yung ni hindi mo binasa.

Sa advent ng social media, sa panahon na maraming mga manunulat sa mga blogs ang ginagamit na venue ang mga tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Pinterest, at kung anu-ano pang katulad, madalas ay mapapansin mo ito: ke viral man ang artikulo o hindi, may mga magrereact d’yan na mga mangmang – as in hindi nagbabasa. As in sa title lang sila nagrereact; o kung minsan, sa mga meme o litrato na kalakip ng post mo.

Lalo na sa Facebook. Pumunta ka sa mga thread ng pambalitaan gaya ng ABS-CBN News, GMA News, Inquirer.NET, at sa kung saan pa; ganun din sa mga entertainment portal gaya ng LionhearTV, sa mga community blogsite gaya ng Definitely Filipino, at ultimo ang mga satire gaya ng So Whats News. Oo, more evident dito, hindi sa maraming naloloko, kundi sa daming tangang nagkukumento.

Oo, nga pala. Kasi walang satire gene ang kamaramihan. At ayon yan sa isang pagsusuri.

Yung tipong halos patayin na niya ang nagsulat dahil sa hindi nagustuhan ang pamagat, pero huwag ka: ang mga remark nila, aba’y akala mo naiintindihan nila ang lahat.

Sa madaling sabi, wala silang pakialam sa alinman ang nilahad mo. Basta, dahil malayang lipunan tayo, may “say” pa rin kami kahit hindi namin binasa ang alinmang sinabi mo.

Pucha. Parang mga gago lang e no?

Ngunit ano o anu-ano ba ang madalas na excuse ng mga tao kung bakit hindi sila ganun nagbabasa? Una, short lang ang attention span ng tao, at in general ko ito sinasabi. Ayon na yan sa isang artikulong nabasa ko sa isang isyu ng Philippine Online Chronicles.

So, ano ang mga posibleng excuse nila? Either busy sila para sa ibang bagay tulad na lamang ng pagtatrabaho at pagpe-Facebook. Maari rin na nanaka-mobile sila at hindi ma-access ang site (or minsan, mabagal ang pag-load ng page) sa mga telepono nila.

Pero, ang sa lagay ba, kaming mga manunulat at publisher pa ang may-kasalanan? Dahil ba ito sa hindi pagsunod sa aling alintuntunin ng online writing tulad na lamang ng: pagbabanggit ng keywords sa halip na sabihin ang buong kwento, at kung anu-ano pa, ganun?

Leche.

Pero dahil sa napakaikli lang naman ang attention span (generally) ng mga tao, tendency ay hindi talaga nito nababasa ang anumang nilalahad mo. Kumbaga sa pagre-review, nag-scan lang siya ng notes niya, bagay na masasabi (para sa mata nila) na sapat na para magkumento.

Maaring tama rin ito o maari ring hindi, depende kung gaano niya naida-digest o nako-comprehend ang lahat ng nabasa niya.

At dahil napakaikli nga ng attention span ng tao para magbasa, chances are tatamarin sila magbasa ng artikulo mong singhaba ng tatlong chapter ng nobela yung tipong aabot sa mahigit 600 na salita, 2 pahina, at libu-libong characters (kabulang na ang spaces, at punctuation marks). Kaya sa totoo lang din, kung tamad lang din magbasa ng ganung kahabang artikulo ang tao, tulad na lamang ng ga akda ng inyong lingkod, dalawang bagay: either masyado na akong nagpapaka-awtor, o likas na tamad lang talaga sila – at ito rin ang magpapatunay na hindi sila hahanga.

Pero sabagay, hindi naman ako nagsusulat para hangaan ako ng tao. At kung sakaling may fan ako, salamat. Pero yan ang bagay na mas maalala yata sa akin ng tao – ang kahabaan ko magsulat ng artikulo.

Sa madaling sabi, ang pagiging short-attention span ng karamihan, implikasyon ito kung gaano ang lebel ng pag-unawa natin: superficial, o mababaw. Ano ‘to? Masyado na kasi tayong nalulong sa pagmamadaling bagay? Dahil ba ito sa tinawatag na “instant gratification” theory? Gusto natin lahat, madali, porket may Internet na?

Sa kaso natin dito sa Pilipinas, yan ang napapala kapag naka-free data ka sa Facebook. Pero dahil free data lang, siyempre ayaw nila na gumastos para luamabs as ibang site—lalo nas asa isyu natin na ang RP ay isa sa mga bansang may pinakamabagal na Internet speed.

Ang hihilig niyo kasi mag-Facebook e. Ang hihilig niyo mag-Internet samantalang hindi ka pa tapos sa trinatrabaho mo. Tsk.

Subalit ano pa maliban dun? Simple lang: kung hindi ka marunong magbasa, illiterate ka. Yun nga lang, nagbabago ang antas ng edukasyon kaya mananatili na namng itong isang kumplikadong isyu sa mata ng mga tamad.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Friday, 25 April 2014

Summer Na! Eh Ano Ngayon?

4/2/2014 10:43:12 PM

Sa wakas, ito na naman ang pinakahinihintay ng maraming tao – ang bakasyon na kung tawagain ay ‘summer break.’

Pero… eh ano naman ngayon? May bago pa ba sa tipikal na kalakaran natin bilang mga mamamyan ng mundo at pagiging Pilipino pagdating ng summer? Maaring meron din total nagbabago naman talaga ang panahon.

Summer na! Eh ano ngayon? Uso ang pumunta sa beach. Pero ‘wag ka, hindi lang ‘to simpleng ekskarsyon trip. Talagang beach party na ring maituturing lalo na pagsapit ng gabi kung saan makakitaka ng mga hunks at chikababes na pinagpapantasyahan mo sa kada silip ng COSMOPOLITAN, Playboy, UNO at FHM.

Summer na! Eh ano ngayon? Uso na namanang mga summer workshop (ala naming magpa-summer workshop ka sa panahon ng tag-ulan o tag-sibol no?), walang masama dito, lalo na kung gusto naman ng mga bata. Kaso sa panahon ngayon na nagtataasan ang mga gastos, madalas na no choice rin ang mga magulang kundi ipalagay na lang sa gamay ng mga computer shop ang lahat – mas cheap kasi yun (ilang oras lang ang pagrenta no?).

Summer na! eh ano ngayon? Maliban sa mahaba-habang traffic kada weekend, good luck dahil mas lalong magiging mabigat pa ang daloy ng trapiko nito. Siyempre, maraming babyahe paluwas ng kamaynilaan at papuntang mga probinsya at partikular sa mga resort at beach.

Kaya kikita rin ang mga resort nito. Peak season, ika nga. Walang masama dito, dahil business naman nila talaga yun. Yun nga lang, maging metikuloso din sa pagpili ng mga tatambayan. Piliin ang mga lokasyon na makapagbibigay sa iyong magandang serbisyo maliban pa sa malinaw ang tubig na pagtatampisawan.

Summer na! eh ano ngayon? Hindi excuse ang ‘wala na akong baon’ dahil let’s face it – hindi ka naman nag-aaral sa panahon na ‘yun eh unless mag-summer classes ka. Bagay na alam ko, at alam nila, na ayaw mo din (maliban na lang kung gusto mo makita ang crush mo, at hindi maiwasan na pumalya ka sa mga subject mo. Aral-aral din kasi pag may time, hindi yung harot lang ang alam. Ang landi mo kasi eh.).

Wala ka ngang baon, pero may magulang ka na maari mong hingan ng pera. Hindi sa sinasabi ko na mabuting gawain yun. Pero mga hijo’t hija naman: Hiya-hiya din pag may time. Matuto kasing mag-ipon kung gusto mo na may pera ka t’wing summer ha?

Summer na! eh ano ngayon? Dahil mainit ang summer, malamang, marami rin ang mag-iinit. Ang masaklap nga lang dito: yung mga nasa puberty stage pa lang (at yung mga taong katatapos lang dun) ang mas nakararanas nito kesa sa mga lehitmong indibidwal na may kakayahan nang bumuong pamilya. Hindi yata nila ma-differentiate kung nasa fertility period sila o sadyang nalilibugan lang, kaya ang reuslta: pagdating ng enrollment, di namakapag-aral dahil… (alam n’yo na ‘yun. Kunwari pa kayo?)

Summer na! Eh ano ngayon? Eh di… tara, swimming na!

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 12 April 2014

Dahil Laban Ni Pacquiao...

4/13/2014 10:15:09 AM

Ayun, so Linggo na naman. At may laban na naman ang tinatawag nating ‘pambansang kamao.’ Baka sa malamang, may magtatanong – “eh ano naman ngayon kung laban ni Pacman?”

Ilang bagay lang ang panigurado dito – sa malamang, maraming mangyayari na namang hindi normal kung ikukumpara sa araw-araw na pamumuhay natin.

At dahil laban ni Pacquiao... ‘national holiday’ na naman ito. Oo, as in holiday muna o ‘break muna’ mula sa iba’t ibang kamunduhan ang mga Pinoy niyan. Karamihan ay nakatutok sa radio, computer, telebisyon o kahit sa mga naglalakihang projector, at doon nag-iingay. Speaking of ingay...

Dahil laban nga ni Pacquiao, maraming instant na viewing party ang magsisiulputan. Kanya-kanyang promo nga lang. Kanya-kanya ring viewing fee. Pero minsan, may exclusivity rin. At paunahan na mapuno yan. Kaya good luck sa paghahanap.

Pero meron din naman yung mga libre, pero good luck pa rin dahil sa malamang ay punuan yan.

Sa malamang, papatok rin ang mga pay-per-view event. Lalo na yung mga taong willing magbayad ng malaki basta mapanood lamang ang laban ni Pacquiao. At lalo na rin yung mga taong naiinip sa tagal ng pag-ere nito sa free at local TV (eh sa dami ba naman kasi ng commercial gap eh).

Dahil laban nga ni Pacquiao... tahimik na naman ang kalye. Sa madaling sabi, walang trapik sa lansangan. Ay, kay sarap bumiyahe, ano? Sana araw-araw ganito eh no (pero hindi ko sinasabi na dapat araw-araw ay may laban ng boxing)? Kasi naman, wala na rin kasing nakakainis pa kesa sa mastuck ka sa trapiko. At tila ang mga pangyayari lang na tulad ng laban ni Pacquiao ang nakakapagpalinis ng kalsada.

At dahil nga laban ni Pacquiao, at tahimik ang kalye, wala rin masyadong nagaganap na krimen. Kasi kahit ultimo ang mga bastardo, haling ang bituka, kumakapit sa patalim na mga gago ay nakikinood ng laban ni Pacquiao. Ika nga ng Philippine National Police, zero crime rate daw palagi pag laban ni Pacquiao.

Ang sa lagay ba eh si Pacquiao ang may kakayahan na patahimikin ang lahat ng mga maiitim ang budhi, including ang mga bwakananginang pagala-galang criminal, yung mga halang ang bituka?  Yung mga patapon ang buhay pero nanlalamang sa kapwa nila sa ngalan ng material na bagay na tila nagsisilbving kapangyarihan sa bawat tao?

Isa lang masasabi ko: EWAN

Dahil laban nga ni Pacquiao, marami naman dyan ang magiging instant sports analyst. Yung tipo na dahil nagsisulputan ang mga lehitimong kritiko sa larangan ng palakasan sa mga palatuntunan ng telebisyon at internet ay makikiride na rin ang karamihan sa mga sambayanan. As in lahat, may say na rin ukol sa mga nangyari, parang ang usapan ng mga kumag na ito.

Kumag 1: Wow, pare, tindi ng panalo ni Pacquiao eh no?
Kumag 2: Oo nga eh. Kahit nakulangan ako sa turn out ng laban (aba, juma-jargon ang isang ‘to ah).
Kumag 3: Okay na rin, at least mapatumba ni Pacman yung kalaban.
K1: Nakita mo ba yung combo na (sabay nagdemonstrate ng quick left-right-right-left-l;eft-left0-right na punch combination)
Kumag 4: O, easy boy. Baka matamaan mo kami nyan. Si Pacquiao at ang laban niya pinag-uusapan natin dito, hindi kung paano sumuntok si FPJ!
Kumag 5: Oy, ba’t nadamay idol ko dyan?!
K2: oh, oh, oh, away na yan!
K3: Tara na! BOX na yan!
Lahat: Tara!
K4: Pero bago ang lahat… shot muna!
K5: Eh teka, san na nga ba yung usapan natin kay Pacquiao?!

Ay, ewan. Mas mahirap lang talaga ‘to pagv nakainom kayo nng mga kasama niyo. Baka literal ay magboboxing din kayo para lang manalo sa mga pinaglalaban niyo ukol sa laban ni Pacquiao.

Pero dahil laban nga ni Pacquiao, asahan mo na rin na magtetrend ito sa social media. Of course, dahil maliban sa sikat na bansa ang Estados Unidos, ay ang mga Pilipino ang bansa na may pinakamaraming users sa larangan ng mga website gaya ng Facebook, Twitter, at iba pa. Kaya trending worldwide ang pangalan niya o ang event na pinaglalaban nila.

Pero dahil laban ni Pacquiao… two things may happen (actually, tatlo talaga, pero bihira lang naman ang draw; maliban pa sa ideya na parang tunog porkchop duo joke ang ‘two things’ na yan).

Pag natalo ba isya ay masisindak na naman ba tayo tulad na lamang ng biglaang pagkatalo ni Undertaker kay Brock Lesnar? Gayun din ng pagkadismaya ng paglipat ni LeBron James nun? O ang pagkabali ng binti ni Anderson Silva?

O baka wala lang na rin tutal twice in 2012 ay naolats din siya. Ang masaklap nga lang nun ay knock out yung pangalawa (at napikon na naman ang sanlahi kay Justin Bieber dahil sa meme nya).

Pero… pag nanalo ba siya, may engrandeng hero’s welcome ba ulit? Instant fame na naman ito? O marami na naming bandwagon riders na magsasabing “Proud to Be Filipino?”

Pero natalo, parang walang ganun e no? How rude.

Hindi ko nga lang alam kung laban ni Pacquiao ba ay nananatiling mataas pa rin ba ang ekspektasyon ng Pinoy ukol sa resulta. Sabagay, sino ba naman din kasi ang ayaw ng ‘knock out,’ di ba?

Pero dahil laban ni Pacquiao, paunahan na rin sa pag-update ang mga tao. Magsisilabasan ang mga instant spoiler. Mamaya niyan, mapapnsin mo na lamang na magsisilabasan sa mga news feed ang resulta.

Ayun lang naman, dami no?

Pero dahil laban nga ni Pacquiao mamaya, narito na ang ating ulat-panahon: ngayoing araw ay asahan na ang mas intense at maingay na reaksyon kasabay sa init ng temperatura sa oras ng katanghalian, lalo na pagdating ng ala-una o alas-dos ng hapon.

Tapos asahan mo na rin na maraming instant spoiler na magbabalita thru Facebook, Twitter, text messaging at ultimong word of mouth (bagay na applicable sa mga tsismoso't tsismosa) ukol sa laban ni Pacquiao.

Habang yung mga nagtatiyaga sa Philippine Cable at Free TV, iinit din ang kanilang ulo sa pagkainis dahil sa nalaman na nila ang resulta samantalang umaabot pa ng 10 minuto ang isang commercial gap kumpara sa coverage ng isang round ng boxing na aabot lamang ng 4 na minuto.

At yan ang magiging lagay ng panahon tulad na lamang ng mga nakalipas na laban ni Pacquiao.

Sa madaling sabi, WALANG PINAGBAGO.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Sunday, 13 January 2013

Sa akin ang almusal, sa iyo ang hapunan. (Just My Opinion: The "Kabit" Film Story)

07:49 AM | 01/06/2013
Kabit dito, kabit doon. Dinaig pa ang mga jumper o magnanakaw ng kuryente, telepono at internet connection kung maki-"kabit" sa ibang tao. Lagi na lang na may ganitong klaseng tema sa mga ilang mga naglalabasang pelikula at telenobela na pang-telebisyon sa ngayon.

Si lalake na CEO at married na, ka-affair ang kanyang secretary. O hindi naman kaya ay, si babae naman na may asawa (at housewife lang ata) e na-fall sa ka-flirtan niyang lalake sa bar. Hanggang sa nagkaroon ng hidwaan ang isa't isa. Iskandalo, matatalim na salita't mga linya, at ang siste pa kamo, minsan dumarating pa sa patayan ang eksena. At sa bandang huli, yung dalawang orihinal pa rin ang magkakatuluyan. At halos ganito na lang palagi ang istorya.

Pero nakakaburyong na sa mata, inaykupo. Sa sobrang tindi kasi ng mga ganitong pelikula e hindi na rin kataka-taka kung bakit nauuso ang mga tulad ng "third party," "affair," "love triangle," "nangaliwa," at iba pa na tumutukoy sa relasyon ng tatlong taong nagmamahalan. Oo, tatlo nga.

Sinasabing ang pag-ibig na ganito ay pang-dalawahan lamang. Pero bakit nga ba laging may sumasabit na extra? Ano 'to, sadyang may ganito sa mundo para maranasan ng tao kung paano masiraan ng relasyon? 

Hindi naman siguro, ano? 'Wag tayo mag-generalize sa panghuhusga. Bagamat karamihan sa mga "ikatlong partido" ay sadyang naninira lang ng buhay ng may buhay, mayroon din namang nagsisilbing tagapamagitan at tagapag-ayos sa dalawang nagmamahalan. Depende nga lang kung ano ang kanyang sadya sa buhay, kung magpapakasarili ba o magpaparaya. Take for example, ang isa sa mga kaibigan ko na kahit naging "kabit" siya e hindi niya hinayaan na masira ang pamilya ng minsa'y kinasama niya. Alam niya ang tama at sa huli, ang nararapat pa rin ang kanyang ginawa. (Saludo ako sa mga taong ganun).

Yun nga lang, dahil talamak talaga ang nanggagago sa kapwa nila sa ganitong pamamaraan, talagang hindi maiiwasan ng mga iba (wag na natin isamsa ang mga sawsawero't mga mangmang) na maging masama ang pananaw nila ukol dito.

Kaya maliban pa sa mga bagay na tulad ng jejemon, maagang nagkaka-pamilya (yung wala pa sa wastong edad ang tinutukoy ko ha?), mga kenkoy sa mainstream culture, at kung ano-ano pa... ang mga palabas sa telebisyon at pelikula na naglalarawan ng "relasyong threesome" ay ang pinakabaduy na bagay na nauso na sa ngayon. Hindi na 'ko magtataka. Maraming tao nag-aaway, maraming relasyong nasisira. May pang-aagawan, ahasan, awayan, gantihan, panibagong resbakan, at kung anu-ano pa. Basta, sa ngalan ng pag-ibig sa kanilang kasintahan o kinakabitan.

Kaya maliban pa sa mga overly-attached na partner (na obviously e "obsessed" na), ito pa ang isang bagay na nakakalungkot (pero... ganun talaga e, nauuso siya) ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sumasama ang impresyon at depinisyon ng salitang "pagmamahal" e.

At sino ang dapat sisihin dito? Aba, e sino pa ba ang gumagawa ng mga ganitong bagay sa parehong realidad at sa pinilakang tabing? Ikaw na lamang ang tanging makakasagot diyan.

Hindi porket may matinding emosyon na ang isang linya na naglalarawan ng agawan at pighati sa pag-ibig e ayos na o maganda na. For the sake of commercial value, mabenta nga. Pero morality wise speaking... e ano? May sense ba talaga? Kailan pa ba naging okay sa lipunang ito ang maglokohan sa pag-ibig? Ang mang-agaw ng kasintahan ng may kasintahan? Ang maki-apid, o sa nasabing kahdahilanan ay makipagpatayan pa? Anak ng puta naman.

Ngapala, hindi rin siya maikaklasipika sa tinatawag na "high-class entertainment" para sa akin.

Kaya, anak ng puta naman ulit, tigil-tigilan na nga natin ang kabit na yan. Matuto naman tayo magmahal ng tapat at 'wag manood ng mga kabullshitan na ganyan.

author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Wednesday, 2 January 2013

Nakakabobo.


10:22 a.m. 01/03/2013

Ang blog na ito ay may halaw na konspeto at inspirasyon sa kantang “Bobo Song” ni Marlon “Loonie” Peroramas.

Sadya bang ganito na ang panahon ngayon? Ang daming saliwa. Mga bagay na nakikita ay sobrang taliwas sa mga bagay na minimithi ng bawat isa? Kada araw na lang, paulit-ulit na... kaya ayun, nakakabobo na nga.


Una, ang buhay ng isang tipikal na pamilya sa lipunan ngayon ay mahahalintulad sa isang telenobelang ipinapalabas sa telebisyon? Na laging may bida, kontrabida at sandamukal na mga extra? Isama mo pa ang pinapaikot na kwento (oo , lagi na lang). Dumarating sa punto na sobrang marahas na ang ginagawa ng mga taong ayaw sa bida, at ito naming si bida e pa-underdog effect? Maghihiganti nga pero kailangan pang masaktan ng matindi?

Mga Juan Tamad kung maituring. Nakatutuok na lang sa mga dramang palabas, imbes na tutukan ang sinasaing na bigas.

Mga Pilipino nga, pero mas tinatangkilik pa ang mga banyagang bagay kesa sa sariling atin. Mga self-proclaimed na Kayumanngi dati pero itinatanggi na para maging wannabe chinito at chinita. Akala mo namn, bagay sa kanilang itsura.

Mga tipong pumapasok na lang sa eskwelahan pero walang natututunan. Kaya ba madalas ito rin ang dahilan kung bakit tinatamad na ring mag-aral ang mga estudyante? Maliban pa sa “baon” na lang ang dahilan kung bakit kahit papaano e sumasaya sila?

Ni hindi na yata natin alam kung may linya pa ba na naghihiwalay sa magkaibang mundo ng showbiz at pulitika sa ating lipunan. Ang artista ay may kaakibat na okupasyon na pagiging “public servant (kuno)” pagdating ng pangangampanya at lalo na pag nanalo siya sa halalan. Meron din naming mga nakaupo sa pwesto na inookupa ang mga entablado na dapat sana ay nakalaan para sa mga taong umaarte dun.
Ito nga rin ang panahon na para ang isang tao ay sumikat e, ‘wag mong ipakita ang talent mo. Ano ang dapat gawin mo? Magpakita ng akto ng katangahan at pakapalin ang mukha (at patatgin ang loob) sa darating na batikos at pangungutiya sa iyong harapan. Uso kasi e.

Mas mahilig pa nga yata ang karamihan ng mga tao sa tsismis kesa sa atupagin ang mga takdang gawain sa kani-kanilang mga bahay at kaniya-kaniyang mga buhay, mula sa magkakapit-bahay hanggang sa mga balita sa showbiz, walang pinapalagpas. Mga naganap kina Aling Nena, pinag-uusapan nila Manang Sonya sa halip na pansinin ang kaniyang mga labada.

Tapos ang mga tumatangkilik naman ng mga nakakabobong palabas na ito e sumusunod na lang sa agos, kahit alam na nila na hindi na tama. Nagpapimpluwensya sa mga nakikita, kaya ayun. Sing-tulad ni Coco Martin at Marian Rivera (at kung sinumang aritsta pa iyan) kung makapagdrama sa harap ng magulang.

At saka mo lang naappreciate ang mga bagay-bagay sa ating kamalayan kapag maganda ang resulta nito. Parang nagiging proud to be Pilipino ka lang kapag nananalo si Pacquiao sa mga laban niya. Naku, sino kaya ang niloloko mo, ‘no? At pa’no yan kung natatalo na ang pride natin, katulad ng 0-2 win-loss record niya last year?

Sa kabilang banda, ikaw naman ay natatakot. Takot mag-tanong, magpaulit, sumagot sa pagsusulit. Dapat ka nga ba matakot na gawin ang mga ’to, e tao ka pa rin lang naman, at kahit papa’no e hindi nagmamarunong? Matututo ka pa, ‘di ba?

Maraming aral ang kantang ito, na kung inaakala mo sa unang pagdinig e dini-diss o kinamumuhian niya ang lahat-lahat ng nasa popular na kultura at mainstream media (well, mali ka sa unang impresyon mo, tsong.). At nasasaad ito sa ilang mga linya nito.

Hindi porket Tagalog o nasa lokalidad natin e baduy na kaagad. At lalo naman hindi ka itataas ng pagiging Inglisero mo. Feelingero ka na nga, mas baduy pa tignan.

Hangga’t wala kang nagagawang hakbang sa bawat araw na lumilipas sa buhay mo, e talagang masa-stucked up sa mga bagay na sa tingin mo e nakakabobo. Ibig sabihin, ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong landas, at kung hindi mo babaguhin iyan, ikaw mismo ang biktima ng sarili mong katangahan.

“‘Di naman importanteng magpakadalubhasa, ang sa’kin lang naman ikaw ay malinawan.” Ibig sabihin? Hindi mo kailangan alamin ang lahat. Ang importante e may alam ka. (Malabo ba? Intindihin mo kasi.)

“’Wag na ‘wag mong gawing dahilan ang kahirapan. Maniwala, pero ’wag umasa sa himala. Wala pang nananalo sa lotto na ‘di tumataya.” Sabagay, may kasabihan kasi na choice mo mamuhay sa kung saan mo gusto. Kung ginusto mo maging mahirap, e magiging mahirap ka talaga. At hindi ko tinutukoy dito ang mga materyal na bagay lamang ha? Okay, sabihin na natin na, “Oo nga naman, lahat naman kasi tayo ay naghihirap din e.” Pero huwag kang umasa na isasalba ka ng iyong panalangin kung wala ka naming ginagawang hakbang para mairaos ang iyong buhay. “Hindi porket mahirap ka e hanggang d’yan ka na lang.”

At walang masama magtanong (basta sensible na tanong ha?) kung ikaw naman ay namomroblema sa kung ano ang dapat gagwin mo? “Tandaan, Mas masahol pa sa bobo ang bobo(-ng) nagmarunong.” Magmamarunong ka pa, e bobo ka rin naman! “Kung ang pag-iisip para sayo’y nakakangawit,
Ibenta mo ang utak mo kung’ di mo ginagamit.”
Siyempre, gamitin kasi ang utak, no!

At hindi porket lahat ng mga nakikita mo sa TV e tama na rin para sa iyong kamalayan. Huwag kang magpadala sa mga bobong palabas, kommersyal, at ultimo ang mga personalidad na nakikita mo sa tinatawag na “idiot box.” Lalo na kung buong araw kang nakatunganga sa harap niyan.

Kung lahat na lang ng nakikita mo e nakakabobo… e di ikaw mismo gumawa ka na ng hakbang para baguhin ito. At least, simulan mo iyan sa sarili mong gawin sa buhay.

Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Thursday, 8 November 2012

NU 107 After 2 Years…

11/08/2012, 12:27 p.m.

Hindi ako isang masugid na tagahanga ng istaysong ito. Minsan lang ako kung makinig sa kanila, pero maliban kasi sa mga website na tulad ng YouTube, ito ang pinakaprimerong source ng rock music para sa karamihan ng mga Pinoy e. Of course, maliban pa ‘to sa pag-attend ng mga gig ng mga banda sa underground man, o opisyal na concert.

Pero ang bilis ng panahon, ‘no? Dalawang taon na pala ang nakalilipas mula noong pormal na nagpaalam na sa himpapawid ng FM radio ang tinawag nilang “Home of NU Rock” – ang NU 107. Naalala ko pa nga ang mga hindi mawaring pakiramdam noon, lalo na sa parte nila na likas ang pagiging rakista sa sariling karapatan, na ang isa sa mga pinakasandigan nila sa musika ay mawawala na lamang matapos ang 23 taon na pamamayagpag.

Ilang mga personalidad ang nagsalita, mula sa mga dating nakasama bilang mga DJs, mga kilala sa larangan ng pakikipagrakrakan, at kahit ultimo ang mga DJs mula sa ibang istasyon na nakikinig din pala sa kanila. Mga kasama sa hanapbuhay ba.



Ilang sandali bago mag alas-dose ng hatinggabi ng Linggo, Nobyembre a-7, (or technically speaking, a-8 ng Nobyembre) taong 2010, sa huling sign-off spiel ng station manager nitong si Chris Hermosisima (a.k.a. Chris Cruise)…
“So let’s do this, for the last time. It’s a minute before 12. NU107 is DWNU FM, at 107 dot 5 megahertz in Pasig… once the loudest and proudest member of the KBP. This has been NU107, the Philippines’ one and only Home of New Rock. This is NU107. We are signing off.”
…agad umapaw ang emosyon ng karamihan sa paglisan ng NU, pati na rin siguro ang mga nakikinig sa kanila sa oras na iyun. Partikular na siguro ang mga taong nakaantabay sa labas ng kanilang istasyon at opisina sa Ortigas, Pasay City.

Ang huling kantang umalingawngaw sa tanyag na pangalan na namuhay sa dial na 107.5 MHz – maliban pa sa Pambansang Awit ng Pilipinas – ay ang antigong kanta ng Eraserheads noong 1997, Ang Huling El Bimbo. Bago mag alas-dose kinse ng madaling araw, ang nakakabinging off-air silence-slash-static na tunog na ang naririnig ko.

Hindi ko masasabing perfect farewell ito, dahil nga minsan lang ako nakapakinig sa istayon nila. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ako naging tagahanga ng Pinoy rock sa aking sariling karapatan. Pero matindi kasi ang epekto nito e. Sa panonood ko nga ng report nito sa music channel na Myx, nakita ko ang pagmamahal ng tao sa kanila. Marami sa malamang ang mamimiss ito, mga luhang tumula mula sa mga taong humanga. Maraming mga alaala ang nabuo. Isa nga silang maituturing na “legacy” sa rock industry.

Hindi lang talaga makakaila ang katotohanan na mahirap magpatakbo o magtrabaho sa iosang bagay na talagang mahal mo, kung hindi ka naman kikita rito. ‘Yan ang isang matimbang na halimbawa, maliban pa sa mga minsa’y naging alamat sa popular na kultura tulad ng 93.9 KC Fm, at 97.1 Campus Radio WLS FM.

Nagsilbi din itong avenue para sa mga banda na magkaroon ng break sa industriya at magkaroon ng jumpstar sa kani-kanilang mga karera bilang mga rockstar.

Dalawang taon na ang nakalipas, hindi ko na puwedeng husgahan ang mga pangyayari o ikumpara ba ang NU 107 sa istayon na pumalit sa kanilang channel na WIN Radio. Dahil obviously magiging bias na ako diyan, maliban pa sa katotohanan na bihira na lang ako makapakinig ng radyo, at kung nakikinig man, hindi ako madalas naka-tune in sa mga istasyon ng pang-masa.

Katulad ng mga sinasabi ko sa ibang mga blog na may paksang kinalaman sa media, partikuar sa radyo, ang pagpapatakbo ng mga ganitong klaseng kumpanya ay “business.” Hindi ka pwedeng hindi kumita, kahit ang puso mo ay para sa isang specified na genre ng musika lamang. Lalo na sa panahon ngayon na lumolobo ang populasyon sa lugar na pagnenegosyohan mo. Ayos lang sana kung mataas pa rin ang bilang ng mga tao na may kakayahan sa buhay. E paano kung ang madlang pipol mo ay nasa classes C, D at E na? Hindi na tulad noon na kahit papano na ang mga elitista ay papatol pa sa taste ng mayorya? Mahirap iyan, lalo na yata noong panahon na unti-unti na nababawasan ng mga taong mag-aadvertise sa istasyon nila? Malulugi ka siyempre, kung negosyante ka. Kapag hindi nakayanan, baka matulad ka na lang sa kanila na maibebenta na lang yang pinaghirapan mo.

Dalawang taon na ang nakalipas, may DIG Radio naman na pwede kang mapakinggan sa internet. Andun ang iilan sa mga naging disc jockeys ng NU 107. Ngapala, speaking of which, ang mga matitinong musika na namimiss mo sa radyo ay nsa kani-kanilang mga internet radio stations na rin. Kaya ‘wag kang masyadong mag-worry. Nangyayari talaga iyan. Baka nga sa DIG Radio mo pa mapapakinggan ang mga bagay na una mong natipuhan sa istasyon ng NU e.

Sa kabila kasi ng mga emosyon ay dumaan din ang NU 107 sa matinding kritisismo sa paglipas ng mga taon. Ke naging “mainstream rock” na ba (pero ‘di ba, may pagkakataon na okay naman talaga ang rock music sa mainstream? Sabagay kasi ang mga matitinding musika nun ay mas namumuhay sa underground e, pero parang isa din yan sa mga purpose ng NU e – ang ipakilala ang rock music sa pangkalahatan); “sellout,” “too commercial,” o kung ano pa man iyan.

Pero ganun naman talaga e – nagbabago ang mga bagay-bagay sa ating buhay, tulad lang yan ng mga pagbabago na dumadaan sa kada tika ng oras at paglipat ng mga pahina sa kalendaryo. Ika nga ni Radioactive Sago Project frontman/commentarist na si Lourd de Veyra, e iba ang NU 107 ng 2010 sa NU 107 ng 1987. Granted na iyan. Pero kung panay pangungulimbat sa mga development ng NU 107 na lang ang ating isusumbat nun, ay ‘di ba mas okay na yan kesa sa kada umaga, siesta at gabi ay ang mga love song at iba pa na sadyang mabenta sa tenga, ang maririnig mo? Hindi natin yata na-appreciate iyun.

Basta, NU 107 is still NU 107 at hindi yan mapapalitan sa puso ng sinumang Pinoy na rakista. Keep rocking even if you’re no more at the mainstream airwaves, NU 107!

Special citation of sources:
Eulogy for NU 107: There is a light that never goes out, Lourd Ernest H. de Veyra.
This is a crazy planets, (spot.ph and Summit books)





Video of Nu107 Sign Off via Chiara Zambrano’s YouTube channel


(This article was posted at the Community blog site Definitely Filipino dated November 8, 2012.)



P.S. NU 107 (10/31/1987 - 11/07/2010), isa ka nang alamat sa contemporoary na kultura!

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions