Tuesday, 8 July 2014

Four Years Ago...

07/01/14 10:16:37 AM

Nasaan ka nung nangyari ito? Noong panahon na sinundo ng ate mo ang kuya mo papubntang Luneta, at in return naman ay pormal na nanumpa ang then-nanalong kanidato ng Liberal party bilang pangulo ng bansang kinatitirikan mo?

Masyadong tahimik nun ang kalyeng Legarda sa Maynila (at bakit ito pa ang halimbawa ko? Dahil maliban sa nasa lungsod ako noong panahon na yun, ay malapit lamang dyan ang Malakanyang, o ang tinatawag na “presidential palace.” Isang kaliwa lang sa intersekyon ng Legarda-Azcarraga (o sa kasalukuyang pangalan, C.M. Recto) at Mendiola) noong Miyerkules na umaga na yun. Kakatila pa lamang ng ulan din nun. At totoo lang din, matapos ng eleksyon nun ay wala akong kamalay-malay sa mga pangyayari sa politika.

Basta, ang alam ko lang nun ay nagpaplano kami ng kabarkada namin nun sa paggawa ng thesis, samahan mo pa ng panaka-nakang pagiinternet gamit ang nakaw na wi-fi mula sa kanyang tropa, at ilang shot ng isang kilalang brandy. Malay ko ba na naging pangulo na nun si Noynoy Aquino.

Ahh, kaya pala may putukang naganap nun, tapos ang hinala ko ay yung mga explosion sound waves nun (“explosion sound waves” talaga?!) ay mula pa sa Luneta, o kung sa mas spesipikong lokasyon, Quirino Grandstand. Wala sa radar ko nun na may mga tarantado na namang nagiiskandalo sa mga kalye ng Sampaloc (sabagay, kahit riding in tandem ay hindi makakaalpas sa madulas na kalsada roon).

Pero, ayos lang din eh no? Sa kanyang pormal na unang talumpati bilang pangulo ng republikang ito (o kung masyado kang diplomatiko kuno, estado), mararami rin siyang binitawang salita. As in “panalong sound bytes” lang.

Walang wang-wang. Walang counterflow. Walang toll. Hanep, ang daming pinagbawal. Sabagay, sino ba naman din kasi ang hindi mababagot sa mga sasakyang akala mo kung sinong hari ng kalsada (maliban pa sa mga pampasaherong jeep), na kulang na lang ay sumabog ang mga bintana sa tindi ng speaker niya.

Pero four years later, anyare na nga ba? Wala namang wang-wang na sasakyan na umaariba sa kalsada sa panahon ngayon eh. Pero exemption to the rule dyan ang mga bumbero, ambulansya at police mobile. Oo, siyempre naman, sila nga lang ang mas may higit na karapatan na magpaandar na may wang-wang eh.

Pero ang wang-wang nga ba ay nasa sasakyan lamang? Kung ang kuya mo ang tatanungin mo, malamang, mayroon din siyang sasabihing “utak wang-wang.” At hindi na ito kataka-taka sa mga nakalipas na talumpati niya sa taunang State Of the Nation Address (SONA).

Pero, ang tanong (ulit): may wang-wang pa rin ba sa lipunan? Oo, as long as may tiwala pa rin. Ayan, sa mata niya, ang wang-wang.

Pero... walang counterflow? Nagpapatawa ka ba? Pati yung... walang toll? Sa kalsada, laging may ganyan, lalo na pag may emergency no. kailangan din nito paminsan-minsan.

At yung toll? Eh marami na ngang bagong expressway na naipatayo sa administrasyon niya eh. Good news yun, ex ept for one thing: may toll kaya ang mga yun.

'de. Baka naman yung mga kalsada rito sa lungsod at sa kung saan pa na hindi naman sakop ng mga tollways ang ginagawan ng toll. Yung mga nairereklamo minsan sa mga programa ng mag-utol na Tulfo. Siyempe, bad naman yung paglalagay ng ganun sa mga lugar na hindi naman dapat paglagyan.

At... ay, oo nga pala. May kulang.

“Kayo ang boss ko!” Wow, taray. So, chimay ka ba namin? Ganun? Hindi ganun yun, mga tol. Ang ibig sabihin ng winika niyang yan ay nagpapatunay lamang sa kanyang katayuan bilangpublic servant. Sa kasalukuyan kasi sa mundo ng pulitika, isang malaking kalokohan ang mga salitang “public servant.” dahil kung tutuusin, tayo pa ngang mga mamayan ang nagmumukhang ganun.

Pero four years after, tayo pa rin ba kaya boss niya? Madaling magsabi ng “HINDI!” dahil sa dami ng hinaing natin sa gobyerno na kahit siya mismo ay hindi basta-basta matugunan. Aminin natin: ako, ikaw, sila, siya, at halos bawat isa sa atin ay mahilig pumuna at hindi nasasatisfy kahit na may ginawang solusyon ang pamahalaan.

Pero sa kabilang banda, hindi rin madali ang mundong ginagalawan niya.

Anyway, may dalawang taon pa naman para magawa ang mga dapat na tungkulin niya. Pero sana naman, dalawang bagay lang: mag-iwan siya ng magsisilbing legacy niya, kung bakit siya ang niluklok ng marami.

At pangalawa: kung seryoso siya sa pag-combat ng korapsyon, dapat lahat ng tao, mapa-oposisyon o administrasyon ay kaya niyang kastiguhin—hindi lamang sa salita, kundi sa gawa rin.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment