Wednesday, 19 September 2012

The Senator and The Cyber Mob


Babala: Ang mga nilalaman ng blog na ito ay pawing opinion lamang ng awtor.

Nagsimula sa isang usapin sa RH Bill, napunta sa plagiarism, cyber-bullying, at hanggang sa nauwi sa isang panibagong batas. Iyan ang isa sa mga kalbaryong nagaganap sa Pilipinas ngayon. Isang pasada sa isang… whew, maiinit ng mga pangyayari.

Kontra kasi ang mambabatas na si Senator Vicente Sotto III sa matinding usapin sa RH Bill. At isa sa mga privilege speech niya ukol dun ay halaw pala sa isang blog na naglalarawan ng halos kaparehong sentimiyento sa pananaw niya. Umalma si Sarah Pope, isang blogger at ang reklamo niya: Kinopya ng mga manunulat ni Sen. Sotto ang ilang mga linya mula sa kanyang akda at hindi man lang ito kinilala. Ayon naman sa napag-uusapang senador, bakit ko iko-quote ang blogger na iyun? Blogger lang yun. Bagay naman na inalmahan ng karamihan, kasama na ang inyong lingkod. Oo nga naman, parang hindi naman yata tama ang ganung argumento. Ang dating kasi ay parang minaliit ang mga kakayahan ng mga "blogger." And with all due respect, maraming mga magagaling na manunulat na nagsimula sa pagba-blog. At may mga magagaling na nagba-blog pa rin.

Pero ang pamumutakte kasi ng karamihan sa kanya ay sobra na rin e. Mantakin mo ha? Na-target siya ng mga “memes,” literal binubully siya kahit sa ganung pamamaraan. Naging incorporated ang kanyang apilyedo sa kada pangtitrip ng karamihan ukol sa plagiarism o copyright infringement pa yan. Aba, sa google nga, nakita ko talamak na ang post na ganyan e.

Kaya ba siya tumawag ng “foul” ukol dun at sinabi na biktima siya ng cyber-bullying? Maari.
Hanggang sa isa siya sa mga may-akda ng Republic Act 10175 o ang Cyber-crime Protection Act of 2012 na nilagdaan lang kamakailan lang ni Pangulong Benigno Aquino III. At sa pang-ilang pagkakataon na ay umaalma na naman ang mayorya sa batas na ito, lalo na sa probisyon ng electronic libel o online defamation. Tila sagasa ito sa kalayaan ng tao na magsalita.

Kaya ayan, batikos na naman ang mga alburoto ng mga bulkan, este, ng mga tao nito.

Pero, ito lang ang sa akin. Mali man ang ginawa ng senador kung ako ang tatanungin, pero mas mali naman ang ginawa ng mga tao sa kanya. Bakit kanyo? Kalian pa naging mabuti ang tahasang pambubully? Maging trending nga, pero sa panig naman ng kalokohan? Hindi sa masyadong seryoso, ha? Alam ko na karamihan kasi sa atin ay ginagawang katatawanan ang mga nagaganap minsan, pero alalahanin din natin na may hangganan din ito. Kung inaapura mo kasi ang tao, talagang may magagwa ito na hindi maganda laban sa iyo. At kapag nangyari iyun, wala kang karapatan na magreklamo pa laban sa kanya. Inapura mo nga e, gago ka ba?

Sa totoo lang, ke kung isa man siya sa mga may-akda talaga ng cybercrime act o hindi pa kumpirmado sa listahan (pakiupdate po), e hindi na rin ako magtataka. Binully niyo e. Sobra-sobra din kasi kayo kung manghusga. Ayan tuloy, ano ang napala niyo? Sino ang mas na-gago? Sino ang umuwing luhaan? Kayo din.

Author: slickmaster | Date: 09/19/2012 | Time: 03:02 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment