Showing posts with label freedom of speech. Show all posts
Showing posts with label freedom of speech. Show all posts

Wednesday, 21 May 2014

Libel: To Decriminalize Or Not To Decriminalize?

5/15/2014 7:42:43 AM

Sa panahon ngayon na malaya tayo magsalita, isang bagay ang kikitil sa ating karapatan: ang libel. Pero paano nga ba sumagi sa isipan ng mga tao sa social media at blogging ang usaping ito? Mula lang naman noong ipinasa ang Republic Act 10175, o mas kilala bilang Cybercrime Prevention act of 2012.

Oh eh ano naman kung may libel?

Criminal offense yan; meaning, kaya ka niyan ipakulong pag nakagawa ka ng isang gawain na magdadala ngepekto ng defamation sa kapwa mo.Actualy, kahit simpleng pangaasar ay posibleng counted din, depende sa intesyon at manner.


derived from the book Journalism for Filipinos by A. Malinao 

At ito ang problema: kung aayon sa mga lumang balita, bahagi pa raw ito ng 1935 constitution (ha? talaga?!). Ibig sabihin, sobrang luma na. nagka-World War 2 na, lumaya na ang bansa mula sa kamay nila Uncle Sam, nagka-Martial Law at nagkaroon na nga ng bagong malayang republika lahat-lahat, criminal offense pa ring maituturing ang libel.

At may kaukulan itong parusa na prison correctional at multang umaabot mula 200 hanggang 600 piso, ayon yan sa Philippine Libel Law. At baka sa malamang, mas harsh pa ang penalty na nakasaad sa Cybercrime Act.

Pero ito siguro ang magpapatotoo dyan: hindi maaring matanggal ang clause ng online libel at ang pinakaposibleng resort na lamang ay pagdecriminzalize sa naturang kaso.

Isipin mo na lang kasi, kung criminal offense ang libel, maraming nilalang mula sa lebel ng akademya hanggang sa mga patapon ang buhay ay makukulong. Eh kulang na nga tayo sa kulungan eh.

Kung isang krimen ang libel? Baka wala nang magpe-Facebook, o Twitter. Dahil lahat takot na maghayag eh. Parang ang dating ay nasa lumang tipan tayo.

Para na rin tayong sinampal ng isa sa mga stipulasyon ng Miranda rights, na alinman ang sasabihin mo ay posibleng gamitin bilang preba o ebidensya laban sa iyo.

Asus, parang ang dating din ay dapat ay napakakumporme naman natin. Parang dapat magkakaisa tayo sa pananaw (okay sana, kaso di basta-basta mangyayari yan), at ito ang mas masaklap – dapat ang alinmang iwiwika natin ay makapapagpa-please sa iba, particular sa otoridad. Bagay na tahasan kong inaayawan, hindi dahil sa against ako sa kasalukuyang pamamalakad, isang rebelde o makakaliwa (dahil hindi naman ako ganun), pero dahil sa katotohanan na “you can’t please everyone.”

Dapat nga isulong ang pagdecriminzalie ng libel. Gawin nalang itong sibil. Dahil kung hindi, maraming magiging nasa piitan, marmaing maluluging negosyo (anong konek? Pag ang isang empleyado ay nagpostng pagkadismaya sa kanyang trabaho dala ng stress, baka masabing e-libel yan), luluwag nga ang trapik pero bad problem naman na maituturing yun sa hanay ng populasyon, maraming magkakaroon ng derogatory record sa kanilang NBI clearance, at kikita nga ang piskalya pagdating sa pag-impose ng fine peromabuti sana kung uunlad naman ang Pilipinas pagdating sa mga proyekto (eh paano kung may mga ungas pana tiwali? Patay tayo dyan).

At anti-poor maituturing ‘to ha? Sa multang dalawang daang piso sa libel (o mas mataas kungsa cyber libel), hindi basta-basta pinupulot ang pera, ‘oy!

Saka let’s face it: media lang siguro ang posibleng maisalba ng libel, pero hindi ang mga modernong media tulad na lamang ng mga tao sa social media at mga blogs, considering na may mangilan din na gago dun ay walang kaalam-alam sa basic ethics particular ng journalism.

On the downside, yan din ang dapat matutunan ng mga mokong na ‘to.

Pero still, dapat madecriminzalize ang libel. Dahil overall, in a long-run, hindi magiging maganda ang turnout kapag pinagpatuloy nila ang uugod-ugod na sistemang ‘to.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 2 October 2012

MASISISI MO BA SILA?


Ang mga tao sa mga social networking sites, na ang lalakas ng pwersa kahit hindi nagsasalita. Sa isang post o comment lang, kaya na nila banggain ang sinuman. Mga nambubully man, na-caught in the act na kawatan, at kahit ang mga sikat na personalidad. Masisisi mo ba sila kung bakit gan’on na lang ang reaksyon nila sa batas na tila kikitil sa kalayaan nila na maglahad ng anumang naiisip at nararamdaman nila sa internet?

Oo at hindi lang ang posibleng sagot na nakikita ko.


Sabagay, masisisi mo ba ang mga tao na naglalabas ng saloobin sa Facebook matapos ang nakakastress na araw para sa kanila? Kahit sabihin natin na walang nagagawang tama ang magbuhos ng emosyon sa isang social media post? Ito kasi ang nagsisilbing getaway nila sa masasamang bagay sa realidad ng kanilang buhay. Dito sila nagte-take out ng kani-kanilang mga frustrations at problema.

Masisisi mo ba ang mga sadyang opinionated lamang na tao, na nakikipagpatutsadahan ng mga kumento at personal na tirada sa kada nagbabanggaang trending topic sa Twitter? Pero mas mabuti sana kung tatanggalin na natin ang pamemersonal, ano po. Yan kasi ang hirap sa iilan. Sakit na yata nila iyan.

Masisisi mo ba na ginagawang katatawanan na lamang ang mga problema sa buhay ng ilang mga users? Yung mga may ayaw sa negative vibes at bad news na umeere sa mga balita? Sabagay, there’s a world of difference between having fun and making fun. Pero kadalasan kasi ang troll ay wala na rin sa hulog kung makapang-trip. Kahit sino na lang, titirahin, bumenta lang ang post. Walang pakialam sa mga sasagasaaan na tao kung sakali. Mas mabigat na damage yun, talagang prone sila sa cyber-libel. At ang mga matatamaan ng pagto-troll, parang maituturing na biktima ng isang kaso na tinatawag na “cyber-bullying.”

Masisisi mo ba ang mga taong mahihilig kumondena sa kada kalokohang nagaganap at naganap sa lipunan, virtual man o realidad? Oo nga naman, ‘di ba? May mga tao na mala-akitibista kung makapagreact, pero ayos lang ‘yan kesa naman sa mga taong nakikiuso lang at wapakels deep inside, as in may masabi lang.

Sabihin man natin na may halong conspiracy at mob mentality ang karamihan sa mga social networking users. But the real thing is, iyan na lang yata ang natitirang way nila para mai-express ang sarili nila. Maliban na lang kung mayaman sila sa load para magsagawa ng mala-group message na text brigade. At kahit ang mga blogs, na naging venue na para sa iba na maglahad, lalo na ang mga taong sadyang may passion sa pagsusulat.

Ngayon, bakit sila madedeprived para mailahad ang saloobin nila? Masisisi mo ba talaga sila? Oo at hindi.

OO, dahil karamihan sa kanila ay naglalahad sa mala-barbarong pamamaraan. Hindi man lang responsable sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam kung hindi ba nila nalalaman na ang lakas ng kapangyarihan ng mga “salita” o nagpapanggap lang na ignorante ang mga ito. Sadyang totoo na may matatamaan talaga sa anumang mailalahad ng bawat tao, pero hindi ibig sabihin noon na hindi na tayo magdadahan-dahan. Alalahanin mo, ito ang panahon ngayon na maraming napapahamak dahil lamang sa pagsasabi ng totoo.

At HINDI dahil sa modernong panahon, sa mga gadget na lang tulad ng cellphone at computer na lang ang pamamaraan nila para makapaglahad. At bilang mamamayan ng bansang ito, iyan ang isa sa mga nakapaloob sa ating Bill of Rights. Parte yan ng karapatan natin bilang tao. Pero sa totoo lang, mas masuwerte pa tayo kesa sa ibang bansa na talagang banned ang paggamit ng social media by all means (o kung hindi man, e kontrolado pa rin).

There’s a thin line between telling the plain truth and defaming somebody else, whether by intention or not. Ibig sabihin, may pagkakaiba kasi ang pagsasabi ng totoo sa magsabi ka ng mga bagay na paninira na kung maituturing, sadya man o hindi. Kaya sa totoo lang, mag-ingat din kasi tayo sa anumang ilalahad natin, dahil iba-iba tayo ng pananaw bilang tao, parang malayang lipunan natin. 

Author: slickmaster | Date: 10/03/2012 | Time: 10:05 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions.

Sunday, 30 September 2012

Deprivation to “Freedom of Speech” or “Freedom to Abuse?”


Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming umaalma ng “no more freedom of speech?!” sa mga Pinoy na laging naka-online pagdating sa usapin ng cybercrime act. Kahit po ang inyong lingkod ay tumutuligsa sa mga probisyon ng electronic libel. Oo nga naman, bakit parang pipigilan mo kami magsalita?

Sira ba ‘tong mga ‘to? Parang literal na sinungalngal o nilagyan mo ng busal ang mga bibig naming niyan. Pa’no ka aaksyon kung hindi mo alam ang mga hinaing ng mga kalipon mo. At… oo nga pala, akala ko ba kami ang boss mo, at hindi ka pwedeng makinig sa mg utos namin? Labo.

Pero, ang punto kasi, pagdating sa mga panukalang batas, kadalasan ay pumipirma lamang siya bilang punong ehekutibo ng bansang ito. At may veto process na sinusunod kung sakaling hindi aprubahan.

(Ayun ito sa usapan namin ng isa sa mga followers ko sa Twitter na itatago ko sa inisyal na I.M.A., ito ang mga posibleng pangyayari at pamamaraan  sa estado ng pagpirma at ng veto process)



1st way: Isa-sign ng president within 10-day period then balik sa congress for ratification.
2nd way: Hindi niya pipirmahan pero may veto message and reasons, buong bill yung dapat yung i-reject and not specific amendments then pass ulit sa Congress within 10 days.
3rd: hindi siya pipirma dahil adjourned ang Congress.
4th way: pocket veto, habang adjourned yung Congress, balewala na lang then magpapasa ulit ng panibagong bill, if nag-resume na.

Unless, 'pag wala masyadong angal si Kuya, deretso na yan  sa pirmahan at pag-implementa.

Unconsitional! Yan ang bira ni Senator TG Guingona. Oo nga naman, e ‘di ba bilang mamamayan ng bansang ito, may Bill of Rights tayo at isa sa mga nakalagay dun ay ang kalayan natin na magsalita o maglahad.

Pero hindi baka naman kaya nagkaroon ng ganitong batas ay dahil abusado na rin ang ilan sa atin? Napansin ko rin kasi na ang daming mga abusado sa mga social networking sites. Mga barbaro kung maka-asta, mga balasubas kung makapagsalita, lalo na kung ayaw nila ang mga artikulo o post na nabasa nila. At karamihan pa sa mga ito, katakut-takot na mura ang mga wini-wika.

Not to mention, marami rin kasi ang mga mapupusok na kabataan sa internet, mga taong hindi pa nila tuluyang naiintidihan ang mga pinagsasabi nila kahit sabak lang sila ng sabak sa kada thead o usapang pinapasok nila. Kung makapagbanta sa mga kaaway nila, daig pa ang mga tunay na kawatan. Pambihira.

Pero dapat kasi matuto din tayo na walang bagay sa mundo ang tinatawag na “absolute freedom.” (Ano ka, Diyos?) At ika nga ng palabas na Spiderman, “with great power comes great responsibility.” Ang lakas kaya ng kapangyarihan ng anumang salita na nilalahad natin, lalo na sa panahon ngayon na napaka-accessible na ng internet sa atin. Kaya kahit ang ultimong “hehehe!” ay kaya nang i-build up ang isang bagay o sirain naman sa kabilang banda. Oo nga pala, ayon kay Sen. TG, ang ultimong “hehehe” ay posibleng makapagpahamak sa iyo lalo na kung agree ka sa isang post na sa mata ng iba ay libelous. Ouch!

At hindi porket tila libre na at malaya tayong gumamit ng mga bagay tulad ng internet ay aabusuhin na natin ito ng sobra-sobra. Alalahanin mo, lahat ng mga kalabisan na bagay ay nakakasama.

Kaya isang leksyon na maituturing din ito sa karamihan… na maging responsible sa mga sinasabi. Tama din kahit papa’no yang wika na iyan ni Spokesperon Lacierda.

Author: slickmaster | Date: 09/30/2012 | Time: 9:32 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

OCTOBER 3, 2012


October 3, 2012. Ang petsa na kinatatakutan ng karamihan sa mga Filipino netizens.

October 3, 2012. Mas nakakasindak pa yata ‘to kesa sa doomsday kuno na December 21, 2012 para as mga adiks a social networking sites, fourms at ultimo ang mga bloggers at commenter nito.

October 3, 2012. Ang pang-40 sa 52 araw ng Miyerkules sa taong ito. Teka, malapit na pala ‘to e. Sa darating na Miyerkules na pala ito! Pero ano nga ba ang meron sa petsang October 3, 2012 na ito?


Sa October 3, 2012 na kasi ang nakatakdang pagsisimula ng pag-implementa ng Republic Act # 10175 o ang Cyber Crime Protection Act of 2012. Ito ay 17 araw mula nang pinirmahan ng Pangulong Noynoy Aquino ang nasabing batas.

E, ‘yun lang naman pala e. Ano naman ngayon? May pakialam at pakinabang ba kami kung sakaling mangyayari iyan?

Oo naman. Aba, naka magulat ka bigla na sa simpleng pagkumento mo sa isang post ay possible kang makasuhan na paglabag sa cyber crime act na iyan at makulong nang hanggang 12 taon. Iyan ay kung mapatunayan na libelous ang sinabi mo. Kung mapanira ba ito sa taong kinakausap mo o nilahad mo mismo sa internet.

At siyempre may pakialam ka, at dapat lang hindi dahil mamamayan ka ng bansang ito, kundi dahil sasagasaan nito ang kalayaan natin na magsalita. Ang i-express ang ating mga kanya-kanyang saloobin. Isa iyan sa mga nakapaloob sa ating Bill of Rights.

Maaring nakakatakot. Pero ang tila mas masaklap pa ay hindi rin malinaw ng husto ang pamantayan sa mga salita. Nagiging mangmang na nga ang inyong lingkod para lang piltin intindihin ang lahat ukol diyan. Pero… ay, ewan.

Kaya kaliwa’t kanan na ang mga protesta ng mga netizens, lalo na sa mga social networking sites. May gumawa na nga ng signing petition na ibasura iyan. At may mga kilos protesta pa nga yata na gaganapin sa Martes, Oktube a-2. Sa dalawang bagay lang umiikot ang hiling ng mayorya: (1) ang i-repaso ang mga ilang probisyon, particular na sa libel, o (2) tuluyang i-basura ang RA 10175 na iyan.

Grabe, cyber people power ba ang peg? Mukhang ganun nga. Pero, as usual, hindi naman kasi lahat ng mga tao sa netizens ay may pakialam talaga. Sing-laya ng realidad ng lipunan natin ang karamihan sa mga internet users ngayon. At siguro, iyan ang pinakamahirap sa lahat.

October 3. Naku, ingat-ingat na lang tayo. Lalo na siguro ang mga tulad ko na malalakas bumitaw ng opinyon.

Pero isang bagay lang din ang pinakasigurado. Kung asal-gago ka rin sa internet, e tapos na talaga ‘yang mga maliligayang araw mo.

Author: slickmaster | Date: 09/30/2012 | Time: 6:34 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions