Sunday, 19 August 2012

The Thin Line #2 - Tamang Reaksyon Lang o Sobra Na?

Uulitin ko ang sinabi ko sa Wanted: The Road Rager. Isa ako sa mga taong sumasaludo kay Saturnino Fabros at kumokondena sa marahas na gawain ni Robert Blair Carabuena. Ang ugali ng abusadong motorist ay hindi kainlamn dapat tularang ng sinuman. Bakit, ang tindi na ng karma ngayon. Hindi lang Diyos ang gumagawa, tao na mismo. At makikita ang mga iyan sa mga social networking sites.

Minsan napaisip ako. Tama lang ba ang paghihiganti ng mga tao para sa naagrabyadong si Saturnino Fabros o sobra na rin?

Sabagay, sa lipunang mahilig sumakay sa isyu, malalaman mo kung sino ang nakakaintindi sa hindi; at base iyan sa mga nilalaman na mga kumento nila. Yung iba, kinakastigo ang ginawa mismo ng tao. Hmm… oo nga naman. I mean, kelan pa naging tama ang tahasang pangtatampalasan ng isang mataas pero abusadong motorist sa isang alagad ng batas-trapiko na ginagawa lang ang kanyang trabaho?

Yung iba, halatang may masabi lang. kinakastigo ang itsura ng maangas na mama. Sabagay, sumakto ang kulay ng damit niya kay Barney. Nakakatawa din kung papansinin.

Yung iba, sakto lang. Parang oo nga naman din. Isa kang tao sa mataas na parte ng lipunan; isang executive sa HR ng Phillip Morris; nakatapos ng pag-aaral sa Ateneo, na kinikilala bilang isa sa mga pinakamataas na pamantasan kung sa edukasyon ang usapan. As in, ikaw na tila elitista ka, papatol ka sa isang pobreng traffic enforcer? Kinakaya mo? Anak ng pating naman oh. Tibay mo ha!

Sa sobrang init ng balita na ito, umaapaw ang mga nagbabagang reaksyon ng mga tao sa social networking sites.

Pero sa kabilang banda, hindi kaya cyber-bullying na rin ang ginagawa ng tao?

Mantakin mo ha? Ultimo ang mga contact details sa kanyang mga social networking profiles e walang pakundangan na nilalantad! Mula Facebook profile hanggang cellphone number hanggang sa address ng bahay niya? Hindi na kaya sobra naman yata yan?! Hindi naman kaya biktima na siya ng cyber bullying?

Hmm… possible, dahil sa tindi ng mga binabato ng tao laban sa kanya na tila out of hand na.

Pero sa kabilang banda, parang tama lang din ang ginawa ng tao. Maliban sa itsura ng tipikal na bully na nakita kay carabuena, e sobra-sobra din naman kasi ang ginawa niya kay Saturnino Fabros e. Kaya parang tama lang din. Balanse ika nga. Sobra ang ipinukol mo sa kanya, sobra din ang ibabato nila sa iyo. Ayan, gago ka rin kasi e. Tama lang yan. Karma, ika nga. Mas mabilis pa sa ngayon dahil sa advent ng social media.

Hmmm…. Pero ke tama lang o sobra na, magsilbi sanang leksyon sa atin ang mga nangyari dun. Una, maging kalmado lang. Alam ko nakakapang init ng ulo ang mga sitwasyon sa trapik lalo na sa oras ng nagiinit na tanghali pero walang mas titino pa sa matinong usapan. At, umintindi muna bago magreact. Que sa traffic man o mga sa social networking sites.

Author: slickmaster
Date: 08/19/2012
Time: 05:03 p.m.

No comments:

Post a Comment