Showing posts with label Tirada Ni Slick Master. Show all posts
Showing posts with label Tirada Ni Slick Master. Show all posts

Friday, 25 July 2014

Erroneous

6/14/2014 11:50:32 AM

Noong unang mga araw ng buwan ng Hunyo ay ginulantang ang mga tao ng mga balita na may kinalaman sa isang seryosong gawain ng tao sa kanyang buhay—ang pag-aaral. Hindi ito usapin na maraming estudyante ang pumasok, kakulangan ng classroom, o kung may naiulat na kaso ng pangbubully sa eskwelahan. Kundi ang mga mali sa textbook.

Mararami raw na error sa mga larangan ng pagsasagot, grammatika at ultimong typographical. Bagay na talaga naman, sa mata ng mga magbabasa, ay mapapataka ka. Dahil inaasahan na ang mga textbook ay isang napakaperpektong produkto, gaya ng mga ibang klase ng libro, iba pang babasahin at kung anu-ano pang tinatangkilik natin.

Dapat ay 100% free from error ang mga ito, ika nga nila. At kunsabagay, ito na lamang yata ang dapat na maisagawa sa “perfection” kung ikukumpara sa mga tipikal na babasahin, dyaryo man, magasin, o artikulo sa mha samu’t saring news portal ang blog sites sa mundo ng internet.

Pero kung gaano man tayo kabilis sa pagpuna ng mga ito, ay lingid din sa kaalaman natin kung paano nga ba sila naisasagawa na maging isang libro, mula sa manuscript hanggang sa pormal na pag-imprinta papunta sa pagdeliver nito sa merkado at mga paaralan.

Sa madaling salita, hindi madali ang gawain ng mga tao sa likod ng book-publishing ang pagsasagawa nito. Para sa pag-intindi ng mararaming mahihilig tumungin sa mga simpleng kapuna-punang bagay sa parehong mababaw at malalalim na aspeto, ay may proseso ang paglilimbag ng libro. Hindi yan tulad na lamang ng pagpasa ng isang manuskripto ng isang awtor (o sa ilang kaso, ay lupon ng mga manunulat) sa isang publisher at presto maililimbag yan in an instant. Oo, kahit sa panahon ngayon, ay marami na rin ang nag-aalok ng “self-publishing” ways and means.

Sa usapan ng textbook, ilang beses pang sasalain pa yan ng mga editor, ang staff nito sa graphics at lay-out, ang lahat. Nakikipag-uganayan din sila sa mga awtor para sa feedback, kung ayos ba ang gawa niya o talaga namang isang “basura,” o “may potensyal,” pero kulang pa sa pukpok. May mga awtor na sobrang palpak sa paggawa ng isang sipleng pangungusap lamang. Mayroon din na natatypo sa kanilang pagsusulat. Meron din naman yung mga sirkumstansya na talaga namang tinatawagan ng concern sa itaas, kung paano ito mareresolba sa ngalan lamang ng trabahong maisagawa.

Ilang revisions pa ang isinasagawa diyan. May deadline pa silang hinahabol, na dapat ay matapos ang libro na iyan sa ganitong takda ng panahon. At ang isa nga lang problema dito ay ang pagbalanse sa kalidad at panahong nilalaan. Kung kailangang madaliin, may makokompromiso talaga.

Bakit ko sinasabi ang mga ito? Dahil simple lang: masyado tayong mapagpuna sa mga bagay-bagay na nakakalimot tayo na hindi yan basta-basta isinasagawa.

Alam ko, may bibira na “eh baka hindi naman inaayos ang trabaho nig mga to.” Di rin sasapat yun, tol. Tao rin naman sila (yung tagagawa ng libro) na tulad mo. Buti nga may textbook ka pang nahahawakan eh.
Baka magulat ka na lang kung sa mga susunod na taon ay sa halip na libro ang mabasa nila ay nasa tablet na. Senyales man iro ng pag-unlad, kaso patunay rin ito kung gaano tayo katamad magbasa.

Oo, lalo na kung can’t afford mo naman ang makaiskor ng modernong bagay tulad niyan.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 22 July 2014

Last Minute Syndrome

5/24/2014 6:04:59 AM


Isa sa mga sakit ng tao ay ang “katamaran.” Daig pa nya ang kanser, heart attack, at stroke kung tutuusin. Kung may pambasang sagisang ang mga karamdamansa ating lipunan, ito yun. Oo nga,ang katamaran. Bow. At isa sa mga kalunos-lunos na resulta ng ating pagiging “katam” ay ang pagkakaroon pa ng isang kumplikasyon na kung tawagin ay “last minute syndrome.”

Daig pa nito ang “last two minutes” (mas okay kung ang magsasabi nito ay yung lumang coliseum barker sa PBA; yung medyo monotonous ang dating) sa basketball. Dito, mas clutch ang mga tao. Mas nagmamadali. Mas maraming napapraning. At mas maraming umiinit ang ulo na humahantong sa kanilang pagkadismaya.


Kaya ang resulta ay magpaparinig sa Facebook at magwiwika ng “Putanginang COMELEC yan! Wala na raw extension! Samantalang dumating naman ako ng last day para magparehisto!”


Naku, buti na lang, wala akong nakikitang nagpost ng ganito sa network ko last time, kasi baka mapahirit din ako ng “Ang haba-haba ng panahon nilaan sa inyo ng Kumisyon ng Eleksyon (pasensya sa translation) , hindi mo ginawa ang isa sa mga mahahalang tungkulin mo bilang mamamayanng Republika ng Pilipinas?”

Aba'y kung hindi ka rin kasi nuknukan ng pagiging tamad at gago, eh no?

Pero hindi ang applicable sa voters registration ang tinatawag na “last minute syndrome.” Maari rin sa ordinaryong bagay na nagagawa natin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Pag ika’y estudyante at hindi ka nag-aaral until dumating ang time ng exam mo, malamang nagka-cram ka. Mabuti sana kung may “stock knowledge” ka talaga. Mahiya ka naman sa mga magulang mo ‘oy. Bulakbol kasi at kalandian ang pinapairal mo madalas eh.

Kapag nahuhuli sa mga “last trip.” Hindi kasalanan ng trapik yan. Mabagal ka rin kasi kumilos eh (o maari ring “hindi mo kasi inaalam kung anong oras ang huling byahe eh).

Kapag last minute ka dumating sa mga appointment mo, maliban na lang kung either confident ka at hindi ka haggard sa itsura mo.

Kapag nagsha-shoping twing panahon na malapit na malapit na ang Pasko, (o ika nga ng mga report ay “last minute shopping”). Tapos magrereklamo ka pa na mataas na ang presyo ng mga regaling binili mo? Tapos napakabigat pa ng trapiko? Uso ang magmanage sa sarili ha?

Last minute magbayad ng tuition. Alam mo na nga na “no permit, no exam” ang polisiya eh. Maliban na lang kung lehitimo talaga ang excuse mo.

Paano nga ba makakaiwas sa ganito? Simple lang: disiplinahin ang sarili. Matuto kasi tumingin sa oras at magprioritize ang dapat i-prioritize.

Sa madaling sabi, wag ang tatamad-tamad. Walang masama magpahingakung off mo. Pero kung may kailangan kang gawin,eh di magsakripisyo ka.

At least, sa huli, hindi ka magsisisi tulad na lamang ng mga bugok na nafeature sa mga report ng parehong mainstream at new media ukol sa pagiging late nila sa pagpaparehistro.

“Na-late lang kami, hindi na kami pinagbigyan!”

“Ang haba ng panahon na nilaan para sa inyo, ‘oy! Wag ka kayang maglupasay dyan! Para kang tanga!”

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Friday, 18 July 2014

Unconstitutional?!

7/15/2014 10:50:29 PM

Ayan na. Lumabas na ang desisyon ng Korte Suprema; aniya, “unconstitutional” daw ang Disbursement Acceleration Program fund o sa madaling sabi, ang DAP. At 13-0 yan, isang bonggang-bonggang unanimous decision, na kala mo ay sa mga laban sa UFC at boxing mo lang maririnig ang katagang yan.

O tapos, ano na? Unconstitutional pala yan eh!

Kung susundin ang ginawa sa Priority Development Assistance Fund, o PDAF, ay dapat i-scrap na rin ito: tanggalin na sa budget ng bansa.

Yan ay kung hindi magpapatalo ang executive government sa desisyon ng SC. Ngunit, yun lang—sa isang mala-State of the Nation Address (SONA) speech kagabi, ay tila kinalaban pa ni Pangulong Noynoy Aquino ang Supreme Court sa salita nito. So, pa’no na yan? Mukhang magkakandaleche-leche pa yata ang isyung yan ah. Kung si Senator Osmena ang tatanungin, maaring magkaroon ng isang masalimuot na senaryo na kung tawagin ay “constitutional crisis.”

Pero, ano pa nga ba ang problema sa DAP, maliban sa sinasabi na ang ponding yan ay isa rin sa mga ugat ng katiwalian sa ating bansa sa kasalukuyan? Ewan.

Dahil sa pera lang ba nagiging corrupt ang isang tao sa pamahalaan? Parang may pagka-illogical rin kung isisisi sa material na bagay ang lahat ng kagaguhan eh. Sa totoo lang, hindi ang pera ang ugat ng lahat ng kasamaan, kundi ang labis na pagmamahal rito.

Ngunit sa kabilang banda kasi, patunay rin lang yan na kung gaano dyino-Diyos ng tao ang mga makamundo’t makapangyarihang bagay tulad na lamang ng salapi sa ngalan ng DAP, at yung PDAF, o sabihin na lang natin na “pork barrel.”

Ano kaya kinakatwiran ng kuya mo, kaya tila nagmumukha siyang stubborn sa mata ng nakararami? Oo, as in parang ang tigas ng ulo niya na sinusuway ang tawag sa utos na ‘yan ng kan’yang mga boss?

Dahil magagamit na emergency fund raw ito? Kung ganun, nagamit ba ito sa panahon ng kalamidad noong nakaraang taon gaya ng lindol sa Visayas at ang pagtama ng super-bagyong Yolanda sa ating bansa? At pati na rin noong Habagat sa Luzon? Kung hindi, eh ano pa nga ba ang pinaglalaban niya kung ganun? Naalala ko lang na isa yun sa argumento niya noong minsa’y pinutakte na ang DAP na ‘yan.

Sa isang anggulo, masyado nga ba tayong mapagpuna, kaya ang mga bagay-bagay na magsisilbi sanang pakinabang sa atin ay tinitignan na rin natin ng masama? Alam ko, pera yan; at marami na ang patunay sa isang antigong kasabihan na binanggit ko sa mga naunang talata ng artikulong ito; pero… parang masaydo naman tayo naggeneralize o nagstereotype.

Na parang ganito: sabihin na natin na, okay, maganda naman ang hangarin ni PNoy kaya niya itinatag ang DAP.

Pero sabagay rin kasi, unconstitutional na eh, sabi ng isang sangay ng pamahalaan natin. That already said enough. Sapat na preba na ‘yan, kaya nga nag-alburoto ang mga tao kay Secretary Abad ng Department of Budget and Management, ‘di ba?

Pero sa akto ng disagreement ng pangulo, tila kinakalaban niya ang paahalaan niya. Kahit sabihin pa natin na sa lahat ng tatlong sangay ng gobyerno natin, ang huradikatura ang tila pinakamahina pagdating sa pag-exercise ng kapangyarihan.

Naku, mahaba-habang dayalogo at debate na naman ito panigurado.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 17 July 2014

Gangster Daw?!

7/15/2014 11:14:35 PM

Anong meron sa poster na ito?

www.pinoyscoops.com
Gangster daw.

Whoa. Talaga ha? Gangster ampucha. Bakit ganun namana ng itsura, parang albularyo daw?

Ang daming argumento ukol rito, maliban pa siyempre sa mga papuri mula sa mga tagahanga, sa pelikulang She’s Dating A Gangster ng Star Cinema. Oo, marmaing umaangal, mula na ‘yan sa mga kaliwa’t kanang lupon ng tao mula sa mga lehitimong gangster mula sa mga wannaebeng mga jejemon at ultimong mga KathNiel fans mismo at dun na rin sa mga tagahanga ng nagsulat ng kwentong yan (na by the way, ay isang produkto ng WattPad bago napunta sa Summit Media at Star Cinema).

Oo nga naman. Pucha, bakit ganyan kasi ang itsura?

May isang argumento na ganyan raw ang pagkakadescribe ng nobelista sa karakter na ginampanan ni Daniel Padilla.

Ganun? Oo, ganun nga.

So, kung kidding aside, mukha siyang galing sa panahon ng retro. Ganun? Pero, ganun nga ba ang gangster sa panahon na yun? Parang ang labo lang ah. Mahaba ang buhok, tapos yung headband niya ay parang isang gerilya o isang lehitimong albularyo nga. Parang hindi raw bumagay sa kanya.

Kaso kung ganun man ang pinaglalaban mo, may magagawa ka pa ba?

Kung dikta man ng awtor yan, magagawa ka pa rin ba? Kung sa totoo lang ay hindi naman talaga gangster ang papel niya dyan (at tinawag lang siya na “gangster” kung tutuusin), may magagawa ka pa rin ba?
Ala naman sabihin mong bobo o mangmang ang manunulat o ni ang researcher o wardrobe at production designer ng pelikulang yan, ano?

Pero kung taliwas man ito sa mga prinensentang anggulo, aba’y parang hindi rin naman tama yan. Kasi kung gangster lang naman ang usapan, tumingin ka na lang sa paligid ng Maynila o Nangka, o sa Commonwealth, o sa Sanggadaan, o kung saan pa yan. Makikita mo na karamihan sa mga gangster ay kahalintulad ang itsura sa Grand Theft Auto San Andreas o yung mga ghetto sa West Coast.

Hindi ako fan, at ni hindi rin hater. Pero kung gusto talaga pagmukhain ng pelikula na gangster si DP, eh di gawin nila na kahit papaano ay lehitimong G naman (kahit na OG, mga dre). Dahil sa totoo lang, mukha na yang mediocre eh. Joke time ba. Baka nga kung may nagsusuot ng ganung fashion style sa totoong buhay ay hindi niya ipagyayabang na gangster siya eh.

Kaya sa totoo lang tuloy, nakakkarimarim na lang pansinin na ginagawang katawa-tawa ang mainstream eh. Oo, sabihin na natin na “teka, mali ka, Slickmaster.Namimisinterpret mo lang yata ang pinoportray niya.” Pero ito rin ang problema, at hindi ito para sa sanity ko, kundi para na rin sa mga manunood n’yo (tutal hindi ko naman kaedaran ang SDTG): alam n’yo naman na ang patron niyo ay hindi nakakaunawa ng malalalim na bagay, at siguro yan ang gusto niyong ipalabas (at siguro, este, panigurado, ay marketing strategy na rin yan para manood ang karamihan sa atin ng peklikulang yan). Pero bottom line is, ang labo pa rin eh. Yan, gangster? Come on, give me a break!

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 16 July 2014

Mga Bagay Na Dapat Mong Gawin Kapag Wala Kang Pasok

7/15/2014 11:58:14 PM

Sa buhay ng isang batang-isip, walang mas sasaya pa kesa sa masuspinde ang pasok mo sa eskwelahan. Aminin!

Pero hindi porket no classes ka na dahil sa bagyo ay magpapakatambay ka na lang. Maawa ka naman sa magulang mo, kaya narito ang dapat mong gawin sa mga ganitong klaseng panahon.


Maglinis ka ng kwarto mo. Lalo na kung makalat ka. Alam kong nagmamaktol ka pag nakikita mong malinis ang kwarto mo. Hindi dahil sa malinis yan, kundi dahil may nawawala kang gamit na naitago pala ng iyong tita/yaya/magulang. At ang tanging solusyon lang d’yan ay umayos ka – at linisin mo ang makalat mong espasyo.

Gumawa ka ng gawaing bahay. Okay lang na manood ng TV o mag-DoTA, pero paminsan-minsan sa araw na ‘yan, mgpautos ka naman sa iyong magulang, at wag kang tatamad-tamad. Dahil tama man ang kasabihang “ang batang tamad, pag tumanda ay boss,” ay magiging isang hamak na mangmang naman ang boss na yan kung ang alam lang niya ay ngumanga at humilata.

Tigilan ang pagtetext. Magpamiss ka naman sa mga kaibigan mo. Tigilan mo ang pakikipaglandian sa crush mo. Ang araw na yan ay para sa sarili mo (maliban sa birthday mo siyempre), kaya gamitin naman para sa mga mahahalagang bagay tulad ng mga nabanggit.

Kung nabigyan ka na ng baon, huwag gastusin. Buti ka pa nga may pera kahit walang pasok eh. Maawa ka naman sa magulang mo na nagbibigay sa ‘yo palagi nyan. Alam mo ba kung magkano ang presyo ng mga pangunahing bilihin? Ng paborito mong pagkain? Kahit sabihin pa natin na mas mahal pa ang tiket ng paborito mong 1D na concert d’yan, ito ang isang bagay na magpapatotoo lang: hindi nagtatae ng pera ang magulang mo. Kung iba pa yan, sasampalin pa pa ng mga salitang "hindi basta-basta napupulot ang pera." Kaya matuto kang mag-ipon sa halip na gamitin sa alinmang kalandian ang salaping bigay sa iyo.

Kung relihiyoso ka, magdasal. Kahit saglit lang. maaring nakatutulong ang ulan sa ating kapaligiran, pero ang labis ay nakasasama (siyempre!), at talaga namang hindi maganda ang maidudulot nito sa iyong kapaligiran. Kaya panalangin mo na lang din na either lumihis ang bagyo o walang grabeng mangyari sa inyo dyan.

Wag ka masyadong magpakasaya. Alam ko, dumanas din ako sa ganyan, na natutuwa ako dahil wala kaming pasok. Pero alam mo, sa paglipas ng panahon, mare-realize mo na lang din, hindi kaya nakakatuwa yung panahon na lagi kayong inabot ng brownout, tapos binaha pa ang bahay niyo, at lagi kayong nag-aakyat ng gamit pag grabe ang pagtaas ng baha sa labas. At hindi mo man yan dinanas sa kasalukyan, wag ka, nagbabago ang panahon. Dahil minsan, utltimo ang mga dating hindi binabahang lugar, tinatamaan din ng baha. Kaya maghanda ka pa rin. Speaking of which…

Tumulong ka sa paghahanda sa nalalapit na sakuna. Lalo na kung bahain pa ang bahay mo. Unfair naman kung lahat sila ay nagkukumahog at napapraning dahil sa halos bahain na ang bahay mo samantalang ikaw ay nagke-Candy Crush, o Temple Run, o nagdo-Dota sa laptop mo (or tablet, in case ng naunang dalawang nabanggit). Makisama ka, ‘oy! Kahit sabihin pa natin na “nah, ‘di tayo aabutan yan!”

Wag ka talagang magpakasaya lalo na kung sobrang lakas ng ulan. Masyado kang inconsiderate kung naghihiyaw ka sa tweet mo na “sarap ng walang pasok,” samantalang yung kaibigan mo sa kabilang barangay ay halos lubog na sa tubig baha ang tirahan nila. Ganun din ang iba mong kaibigan. Sa halip na magpakasaya ka, umasa ka na lang (at manalangin, in case na isa kang relihiyosong tao) na wala sanang mangyaring masama sa mga tropa mo ganitong klaseng panahon.

Masyado bang marami? Wag kang mag-inarte. Palamunin ka pa nga lang kung tutuusin eh.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Sunday, 13 July 2014

VIP (Very Important Prisoner?!) v. 2014

06/23/14 02:38:46 PM

So, ayan na. May umaalingawngaw na isang hinang. Mainit raw masyado. Baka naman pe-puwedeng magka-aircon sa kulungan nila.

Pero dahil lahat tayo may mahihilig umapila, baka naman pwede na rin nating samahan ng stock ng sabong mabango (yung panligo, ayon sa mga kapitbahay ko sa bukid), pagkain na may unlirice, wifi connection, saka extended na visiting hours. Oo, kung manghihingi ka rin naman, sagarin mo na.

Ganun? Demanding ang datingan nila, eh no? Mas makapal pa ba sa makakapal na mukha nila?

“Beggars can't be choosers, ika nga.” May kasabihan din na “huwag kang choosy kung hindi ka naman yummy.” Ibig sabihin nito ay simple: nasa kulungan ka, kaya magdusa ka! (Oo, alam ko. Tunog pelikula ni Sharon Cuneta yan.)

Pero alam mo, ang sentimyento ni Sen. Bong Revilla na humihingi ng aircon para sa kanyang detention facility ay malay mo, sentimiyento rin ng libu-libong nakakulong sa kanilang mga respektibong piitan sa alinmang isla at lupalop sa bansang Pilipinas. Oo, marami kayang naiintan, at naartehan rins a kani-kanilang mga kulungan eh.

Sa kanilang banda, masasabi rin na “Putangina naman. Tama lang yan sa inyo. Dapat nga sa impyerno na kayo eh; para at least mabilis kayong mabubulok dun.” Lalo na kung nabiktima ka ng isa sa kanila.

Pero panibagong anggulo: kung sakaling maisakatuparan ito, dalawang bagay lang nakikita ko. Una, dito magre-reflect kung gaano katindi ang hustisya sa ating bansa—may pinapanigan, basta may pera ka; at pangalawa, talaga namang mainit sa Pilipinas (obvious naman kasi eh. Kung mag-aaral ka ng heograpiya, malalaman mo kayang malapit tayo sa Tropic of Cancer, kaya maituturing na isang “tropical country” ang tinitirhan nating bansa.).

Saka isa pa pala: patunay lamang ito kung gaano kagarbo ang buhay ng mga tulad nila (pero hindi naman lahat). Sagana sa kumportableng lugar. At walang masama dun, lalo na kung wala ka naman talagang ginagawang masama sa mata ng batas. Eh paano kung meron? Baka karma na yan.

Pero sa totoo lang, ano 'to? Ba't naman masyado silang pa-VIP? Kung ganun lang din, eh di sana kahit yung mga nasa maximum security (at kahit medium at yung mga nasa minimum na rin) ay sana tinatrato rin parang VIP.

Pero siyempre, dapat yung mga tao, in general, partikular yung mga nasa labas ng rehas, ng dapat makaranas niyan noh. Unfair naman: kung sino pa ang may ginawang katarantaduhan, sila pa ang mas may karapatan pa yata sa lipunan kesa sa aming mga matitino?

Yan tuloy, naasar na ang lola mo. Naglabas ng sentimyento sa media. Plano pa nga ata maghain ng panukala. Ginagawa kasing five star hotel ang detention cell?

Ano ba yan.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Saturday, 12 July 2014

Umuwi Na Si LeBron. Eh Ano Ngayon?

7/13/2014 11:02:56 AM

So, ayan na. After four years, balik siya sa kanyang tirahan (hoy, bahay yan, iba kagad iniisip mong hinayupak ka eh). From Miami, he’s back to the Cavaliers.

So, ano na? Ano naman ngayon kung babalik siya sa Cleveland? Ano o anu-ano ang mga posibleng mangayri, maliban sa malamang na maapektuhan na naman ang takbo ng NBA nito gaya ng paglipat niya sa Heat noong 2010.

Actually, ewan ko. Basta, ito lang ang mga siguradong mangyayari.

Yes, alam ko. Marami na naman dyan ang magiging hater, err, HEATer pala. Lagi naman eh. Ano pa bang bago sa mga ito? Noong nadraft siya sa NBA, maraming pumuna sa kakayahan niya. Noong lumipat siya sa Miami, desperado raw. Eh ngayong babalik siya ng Cleveland, ano na?

And actually, pustahan, nangyayari rin yan sa ibang player. Ang pinagkaiba lang: dahil maboka siya at lagi niyang kadikit ang media hype... ay, matik na ‘yan: sa kada desisyong nagaganap, laging may tatlong panig – ang mga taong susuporta sa iyo, yung madidsmaya sa ‘yo, at yung mga simply... walang pakialam.
Eh ano naman kung lilipat si LeBron sa Cavs? Gaya ni Pau Gasol sa Chicago? At ni Melo sa... teka, saang koponan nga ba? I think babalik siya sa New York eh. Ganun din si Chris Bosh.

Wala na bang pag-asa magchampion muli ang Miami Heat dahil disbanded na ang superstar trio nila, gaya na lamang ng nangyari sa Boston Celtics? Sa tingin ko, mas lalawak muli ang kumpetisyon nito para sa kampeonato na napanalunan ng San Antonio Spurs nitong nakaraang buywan lang. Pero mas malaki ang pagkakataon para sa OKC nito. Yan ay kung makapag-paMVP muli si Durant, at kaya nilang kontaminahin ang Spurs.

Pero, ano naman ngayon kung aalis si LeBron ng Miami? Kung gusto niyang bumalik sa bahay niya – sa Cleveland? Pustahan, yung mga hater nya sa Cavs, malamang karamihan dun, magbabalik-loob muli sa kanilang pagiging malanding fanboy. Ayos din kayong mga bandwagon-riders e no?

At malamang, karamihan dyan ay magsasabi ng ganito:

Hindi na ako fan ng Heat.
Bakit?
Eh wala na dyan si LeBron eh.

Wow, okay sana eh. Kaya sa totoo lang, mas prefer ko na lang na maging fan ng mga player kesa sa team.
Mukhang buong summer na naman magiging talakayan ito sa larangan ng palakasan ah.

Anyway, ayos lang yan. Pero uso magmove on, mga tol, ha?


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Sunday, 6 July 2014

National Addicted Artistic Snub

06/26/14 01:05:53 PM

Okay. So marami na namang umaalma. Hindi raw naging National Artist for Film si Ate Guy (wag kang ma-confuse. Si Nora Aunor lang naman ang tinutukoy ko.) sa kasalukuyang batch ng mga taong tinanghal. Sa madaling sabi, naechapwera siya sa pagkakataon na matawag na isa sa mga “Pambansang Alagad ng Sining.”

Paano nga ba nangyari yun? Ayon sa mga balita, at sa mga tropa ko na rin sa mundo ng media at pagba-blog (na obviously ay hindi ko na ring matatawag na “source” since kalap na kalap naman na ang balitang ito), nominado naman ang ate mo eh. Yun nga lang, drinop na ni Pangulong Noynoy Aquino ang pangalan niya sa pinal na listahan ng mga National Artist.

Ganun? Oo, ganun nga.

So, ano pang pinagmumukmok natin? Maraming anggulo na nagsasabing may halong pulitika ang motibong ito (ayon kasi sa mga spekulasyon, pati na rin sa mga politically-correct na rents-pa ko, ay loyalista raw si ehem, Maria Leonora Teresaaaaa, noong Marital law; to which nagretaliate ako sa isip ko: Kung ganun, eh bakit may naisapatan siya na litrato kasama si Ninoy Aquino? Ano 'to, lokohan?). 

Meron din namang nagsasabi na dahil daw ito sa character.

Pero... pulitika? Seryoso ka ba? Baka pinulitika, yun, pe-puwede pang maging dahilan ng anggulo sa argumentong ito.

Ngunit kung dahil ito sa iyu ng kanyang pangkalahatang karakter, o ang kanyang pagkatao (sabagay, dahil kaliwa't kanan rin ang isyu ng kanyang pagkaadik sa droga dati, lalo na nung US siya), parang hindi naman yata sapat na basehan yun para i-deprive siya sa kanyang karapatang maging Pambansang Alagad.

Teka, dahil adik siya, kaya siya tinanggal sa listahan? Dahil lang may history siya ng drug addiction ay hindi na siya pe-puwedeng maging national artist?

Aba! Eh hindi pala tayo naghahanap ng National Artist kung ganun. Kundi, National Perfect Human Being! At kahit worldwide pang gawin ang search na ito, magpustahan pa tayo: walang tatanghaling “alagad” na may titulo na ganun.

Masyado talaga tayong mapaghusga, kahit sa kapwa nating kalahi (kaya no wonder na isa atyo sa mga pinakaracist na bansa sa mundo eh). At sa sobrang pagpupuna, nakakalimutan natin na mali ang pamantayan na sinusundan para maging national artist ang isa.

Oo, mga tanga!

Anu-ano bang basehan para matanghal ka na National Artist? Di ba kadalasan niyan ay yung kung ano ang naimambag niya sa larangan ng sining, kasama na rin dito ang inudstriya ng pelikula? At alinmang isyu na labas sa usaping ito ay... malamang, echapwera na dapat.

At hindi man ako fan ng artistang yan, pero hindi porket may record na siya ng kaadikan ay ganap na siyang masamang tao. Bakit, ang mga nagsisimba ba rito ay mga banal na rin ba in an instant? Hindi naman, 'di ba? Nagmumura pa rin tayo pag tayo'y nanggagalaiti sa galit (minsan nga, nabibitawan pa nga ng mga mokong at lokang 'to ang mga salitang gaya ng “putangina,” “tarantado,” “gago” at alinpang mga kahalintulad. Sa madaling sabi, nakagagawa pa rin naman tayo ng kasalanan eh.

Bakit ang mga ibang tanyag na manlilikha ng sining, ke direktor man yan, artista, o ultimong manunulat sa larangan ng literatura, may kanya-kanya rin naman silang “problema” o “gawi” ah. Oo, parehong lokal at banyaga, may mangilan-ngilang sikat na artista ang aminadong may problema sa alcohol at/o drugs. Pero kahit ganun man, may pagkakataon na ginugunita pa rin sila ng mgha tao dahil sa kanilang naiambag.

Oo, ultimong ang namayapang si Nick Joaquin, ang pambansang alagad ng sining sa larangan ng literatura. (Sumalangit nawa.) Ayon sa libro ng batikang journo at propesor na si Crispin Maslog, sa kanyang librong Philippine Communication Today, si Joaquin ay mas nakakakapagsulat kapag siya ay nakainom. Mantakin mong may supply siya ng beer mula sa SMB noon eh. At ang siste, tsismis daw noon na kamuntikang maging endorser siya ng San Miguel Beer noong circa dekada '70  o '80.

Ilagay natin yan sa konteksto ng kasalukuyang panahon: ang batikang manunulat na yan, sa mata ng mga hangal at mangmang–may alam man sa literatura o wala–ay isa siyang “tomador,” o “tanggero,” o “lasinggero,” ay magiging Pambansang Alagad pa rin ba? Kung ganyan lang ang basehan natin, baka HINDI. Kasi masyado tayong naghahanap ng malilinis. Mga hipokritong tanga! Mali kayo ng paghusga.

Ngapala, bakit si ang ginawa kong halimbawa? Bakit hindi ang mga kabaro ni Ate Guy sa showbiz na nagaadik rin? O yung mga may problema sa behavior? Sa totoo lang din kasi, tama ang kasabihan na kung sino pa ang mga magagaling na personalidad ay siya pang mayhinaharap na matinding sigalot sa buhay. Oo, kahit bisyo pa yan.

Malamang, may malalim talaga na dahilan kung bakit hindi nagawaran si Nora ng National Award. At yun ang mas dapat nating talakayin.


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Friday, 4 July 2014

Pag May Baha, May…

7/27/2013 2:36:32 PM

Dahil tag-ulan na naman ulit, uso na rin ang mga pagbaha. At usong uso rin sa mga uri ng panahon ang tila kaakit na nitong sari-saring serye ng mga reaksyon na napapansin natin. Kunyaring halimbawalang, pag umaaaraw, uso rin ang panaon ng tagtuyot. Tapos, uso rin ang mga pagkain tulad ng ice cream, halo-halo, at iba pa. Parang domino effect o chain rection ang datingan nga lang. Sanga-sanga ang epektong maidudulot ng isang karampot na sanhi.

Dahil tag-ulan na nga, usong-uso ang baha. At pag may baha, may mga lalangoy. Siyempre, hilig ng mga bata ang magtampisaw sa tubig e. Wala nang pakelamanan kung galing ba sa imburnal ng bahay mo yan, sa malapit na creek, o sa ilog mismo. basta, gusto lang nilang maligo. Period. Tapos!

Pag may baha, may trapik. Siyempre, babagal ang takbo ng sasakyan sa kalye pag ganun. Kotse naman at hindi bangka ang kanilang minamaneho. At ilang dipa o talampakan lang ang lalim nito kung ikukumpara mo sa mga daluyan ng tubig mismo na ilang metro ang kalaliman.

Pag may baha, may trapik. At pag may trapik na may kinalaman sa pagbaha, may nasastranded na pasahero. Di makasakay, di rin makalakad. Therefore I conclude, hindi rin sila makatuloy-tuloy sa kanilang lakarin o pasukan kung nai-stranded sila.

Pag may baha, may mga maglilipanang motorsiklo at pedicab. Kung sa lingsod ng Maynila pa, merong tinatawag na “kuliglig.” Alternatibong transportasyon kung sakali na di ka makasakay ng jeep o bus. Ganun din kapag hindi ka makapaglakad. Yun nga lang, sa halanagang abot-kaya (teka, abot-kaya nga ba?) makapagpapatuloy ka sa biyahe mo.

Pag may baha, usong-uso ang bentahan ng bota at tsinelas. Bakit ganun? Siyempre, ala namang isugod mo sa baha ang suot mong sapaots. Kung hindi ba naman masira yan sa mga susunod na araw (o jung japeyks pa yan, baka kinabukasan), no? O kung takot ka rin naman na magkaalipunga o masugatan sa daan? At bakit mo naman irirsk ang sarili mo na sumugod kung may ganitong bagay ka naman sa bahay mo?

Pag may baha, may mga sakit na dala ito. Tulad na nga lang ng alipunga o leptospirosis. Masyado nga lang teknikal, este, medical para maipaliwanag ang mga yan. Baka masabihan mo pa ko na “Speak English” o “Mag-Tagalog ka nga!” niyan, kahit hindi ka naman si Captain America at hindi rin naman si Iron Man ang iyong kausap. (Ano ‘to, ang pelikulang Avengers?)

Pag may baha, may basura. At hindi pa ron alam ng karamihan na ang katiting na piraso ng basura ay nagiging ugat ng katakot-takot na delubyo. Hindi na tayo nagtanda, sinalanta na nga tayo ng ulan ni Ondoy. Ni ultimong habagat nga, pinerwisyo pa tayo e. At saan ba nanggagaling ang mga basurang yan? Na bumabara sa mga estero at daluyan ng tubig? Ops, huwag lang sa mga informal settler ibuntong ang sisi d’yan. Ni ultimo tayong may-kaya, mga edukado at sibilisadong nilalang nga e nakakalimot tayo kung saan dapat natin itapon ang ating mga basura. Isa ring malalang sakit sa ating lipunan ang pagiging hipokrito.

Pag may baha, usong-uso ang kapraningan. Praning na nagbibigay kaalaman s atin. Kapraningan na gumigising sa natutulog nating diwa. Na maging alerto at mapagmatayag sa mga baltiang may kinalaman sa panahon. Tama lang yan.

Author: slickmaster | © 2013, 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 3 July 2014

Silence Is Better Than BS

06/23/14 05:05:03 PM

http://www.krisaquino.net
Silence is better than BS daw.

Wow, taray ng ate mo no. Minsan ay nagbitaw ng salita si Kris Aquino kay Sen. Bong Revilla: “Silence is better than BS.”

Ows. Talaga lang ha?

Pero in fairness, tama rin naman siya. Mas okay pang tumahimik kesa sa kung anu-ano pang masabi ng iyong bunganga. Ay sorry, bibig pala, o puwede rin ng yong utak, tutal nag-iisip naman tayo muna bago magsalita, 'di ba?

Maliban na nga lang kung isa kang saksakan ng emosyonal na tao. Pero etierh way kasi, dun pa rin manggagaling yun. Tama, ang emosyon ay dala rin ng iyong pag-iisip, though sa konteksto ng romantisismo, mas lumalabas na nanggagaling rin ito sa iyong puso.

Silence is better than BS daw. Oo nga naman. Tama naman siya eh. Kaso, parang may “irony lang.” Parang... kung para sa mga tulad niyang “opinyonada,” tatalab kaya yun? Yung laging may “say” sa lahat, yung mga mahihilig pumatol sa isyu, pati yung mga “may masabi lang.” Tingin n'yo tatalab kaya sa kanila yun?

Oo naman. Hindi naman kasi porket nanahimik ang iyong bunganga (ay, tangina naman slickmaster! Bibig lang. Masyado ka naman eh. “OO NA! SORRY NA!”), ay hindi ka na nagbibigay ng kuro-kuro mo sa mga bagay-bagay.

Alalahanin mo ang kasabihang “silence means YES.” at pati ang kahalintulad na counterpart na “NO,” o kung ano pa man yan. Malabo ba? Depende kasi yan sa tanong at usapan. Basta, ang bottom line: may saysay pa rin ang pananahimik, ang pagtikom ng bibig, ang pagpiling manahimik kesa sa sumagot. At walang kinalaman rito ang Miranda rights, ha? (“You have the right to remain silent.”)

Oo, kahit manahimik ka lang, may ibig sabihin yan. May sagot ka pa rin. Kung ano yun? OO? Hindi? O wala kang alam? O pinili mo lang na hindi makialam? Nasa sa'yo na ang kasagutan d'yan.

Silence is better than BS. Applicable 'to sa alinmang usapan, mula pulitika hanggang showbiz. Maliban nga lang kung iniinterview ka ng boss o HR ng kumpanyang inaaplyan mo (Mahiya ka naman 'oy. Sumagot ka kung gusto mong makapagtrabaho, ano?).

Silence is better than BS. May bibira: Bakit hindi niya kaya sabihin yan sa sarili n'ya? Pati na rin sa mga tao sa showbiz na mahihilig magbitaw ng mga tipikal an sagot—yung kunwari pa silang “hindi,” pero oo naman. Sa totoo lang kasi, hindi lang sa pulitka applicable ang mga mala-kasinungalingan na sagot. Pati na rin sa mga tao dun sa hanay nila, at kahit sa mga ordinaryong nilalang. Aminin, ni hindi ka pa nagsinungaling o ni sumagot sa ganoong pamamaraan.

Huwag naman tayo masyadong harsh. Tama naman yung sinabi niya eh: “Silence is better than BS.”

Teka, BULLSHIT ba talaga meaning nun?

O, ang BS ay... acronym ng isang tao?


Ay, ibig sabihin, mas okay pala ang manahimik kesa sa kanya?

Ang labo naman nun ah.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 1 July 2014

Half-Shot Fired! (The 14 Worthless Stories on the First Half of 2014)

07/02/1409:50:35 AM

Parang kailan lang, ano? Nangalahati na pala ang taong dos-mil-katorse, o dalawang libu't labing-apat, o simplehan na lang natin... 2014. Pinuno na naman tayo ng mga balita't kontrobersiya. May mangilan-ngilang patok talaga, at maari pa ring pag-usapan hanggang ngayon. 


At mayroon din naman yung nakakatangina lang. Parang mga 'to.

1) Handicap match

http://newsinfo.inquirer.net/
Okay. So may nabugbog sa isang condominium sa Taguig, tapos ang biktima ay ang Showtime host na si Vhong Navarro. At ang mga kontrabida diumano sa teleseryeng ito? Sila Denice Cornejo at Cedric Lee.

Shet, 2-on-1 ang peg, parang handicap match lang ng wrestling ah. Kaso, ginatungan na naman ng media. Oo, sa ngalan ng ratings. Tanginang yan.

Ano naman kung nabugbog siya? Ano naman kung nagahasa siya? Ano naman kung nabulatlat ang mga kabalsatusgan ng tatlong mokong na ito? Tapos ano naman kung may mga nakisawsaw na sa kanila?

Yan tayo eh. Ang hihilig nating pumiyesta sa mga walang kakwenta-kwentang bagay tulad na lamang ng bugbugan nila. Ano kaya kung kumain na lang tayo sa condo, at gawin yun ng isang minuto. Pero, hoy, ginusto mo yan ha? Kaya wag kang aalma ng “rape” (sipain kita dyan eh).

Dahil nga dyan ay naglipana ang mga side-issues sgaya ng paglantad ni ganito, ni ganire, tapos yung mga kumento ng mga ex ni ganito... Naknangpucha naman. Mas malala pa sa taba ang lasa nito ah.

http://bandera.inquirer.net/
2) Rebelasyon

Matapos ang mga serye ng relasyon na nauwi sa sari-saring pagkumpisal, tulad na lamang ng may anak siyang mentally-challenged, nagka-tulo, at naging babaero ang pinakasalang asawa, ayan na naman siya... umamin na may karelasyong alkalde. At hindi lang ito basta “mayor” ha? Mantakin mong hawak niya ang isa sa mga pinakamalaking siyudad sa bansa. At dati rin siyang aktor.

Kaso... ano naman ngayon? Kailangan bang ibulatlat yan sa mainstream media? Sabagay, anak ng dating presidente at kapatid ng kasalukuyang presidente. Yung pangalan pa lang na yun ay isa nang news-worthy element eh.

Kaso ang sinasabi ba niya ay “ay worth” ba naman? Nung umamin na nakipagbreak, ayun, kawawa na naman ang imahe ng mga kalalakihan. Haba raw ng hair ni Mayor Bistek? Yun ang pinakawalang kwentang segment sa programang The Buzz nung nakaraang Linggo.

http://www.philshowbiz.com/
3) Interview

Naturingang “queen of all media” raw. Oprah of the Philippines pa nga. Kaso, may problema tayo, madam: nakalimot ka na ba sa interview etiquette? Kahit isang pipitsugin o tatanga-tangang broadcast practitioner ay hindi gagawin yan eh. Oo, kahit si Jun Sabayton o Michael Fajatin pa yan.

Saka isa pa: alam kong proud ka sa achievement ng anak mo. Pero hindi kailanman naging okay ang sabihing tinalo ang Spider-Man ng My Little Bossings. Try mo ipalabas yan sa panahon na ineere rin sa sinehan ang iba pang comedy mainstream local films gaya ng Da Possessed, at pustahan, hindi ganun tatabo sa takilya yan. Ang mga banyagang pelikula ay hindi kailangang lumahok sa mga komersyong-tema ng patimpalak para lang kumita nang kumita nang kumita.

www.huffingtonpost.com
4) Caught in the act

Ayun, so nagga-ganja raw ang dalawang miyembro ng sikat na pop music band One Direction. Eh kaso, ano naman? May magagawa ba yan sa solidong fan base na kinabibilangan ng mga malalanding bata? Asa pa tayo, 'oy.

At anong ipapaban mo ang 1D na magkonsyerto sa Pilipinas? Baka mamaya nyan ay sunugin ng mga gunggong ang simbahang pinaglilingkuran mo. Kaya ingat-ingat ka kung magsasabi niyan. Kitam mo ngang may gana pa silang gumasta ng dissyete mil para sa ilang oras na libangan na kung tawagin ay konsyerto?

At pag hindi pinagbigyan ng mga magulang nila ay daig pa sila Totoy Golem at Asiong Salongga kung mag-siga (sipain ko kayo dyan eh).

Masamang ehemplo ba? Eh bakit niyo kasi hinayaan na panoorin ng mga bata ang mga music video nila? Saka isa pa: ang kalakaran sa panahon ngayon ay ganito—ang pag-aartista (kahit sa larangan ng pagkanta) ay para kumita ng pera, hindi para kumita ng tagahanga.

At may nagalit nung nagbitaw lang sila ng kumentaryo? Patunay lang siguro yan kung gaano rin kabias ang media sa pagbibitaw ng opinyon alinsunod sa kulturang nakagawin natin. Pero patunay rin yan kung gaano ka-immature ang taste natin sa pop culture!

5) Trending scenes

So, nagtetrend ang mga tagpo sa palabas na ito, ano? Sabagay, reality bites nga naman kasi. Maraming mga gago at manloloko sa aspeto ng relasyon; at kahit sa buhay mag-asawa pa kamo.

Pero, ano pa bang magagawa mo maliban sa manood, 'di ba? Basura na nga ang pinapakain sa 'yo ng mainstream media, 'di ba? Ay, may option pala. Either balita, o mga sporting events. Yun pa mas okay.

May ka-level ba? Yung Diary Ng Pangit, na overrated raw diumano sa mata ng iilan? Nah, hindi ako aakma sa ganyan, mga tol. Hayaan ko na lang magbigay ng kuro-kuro yung mga nanuod niyan mismo.

http://www.untvweb.com/
6) Sexual attempt

Nagbanta ang isang bruha na ilalaabas ang sex video ni Leila De Lima. Okay sana kung nasa kabataan pa ang mga 'to eh.

Kaso, nakaksura kaya. Lalo na't sinabi pa yan ni Sandra Cam, na hanggang sa ngayon ay napapataka pa rin ako kung sino ba ang babaeng ito, in the first place.

Away-bata na naman ang anggulo ng kwentong ito. Kumbaga sa pagkain na ang pinakamain dish ay pork barrel scam, ay sila yung desert na tinitira madalas ng mga bata. Tapos, yung mga “bata” na yan, ay yung mga taong nagse-sensationalize ng kwentong yan – ang media (where else?).

wheninmanila.com
7) Bad Filipino Taste

Maraming na-badtrip sa isang food blog. Di raw masarap ang Filipino food. Alam mo, as much as gusto kong magdisagree sa sinabi niya, naintindihan ko rin kung bakit ganun na lamanag siya ka-hasty mag-generalize.

Pero dahil likas tayong mga patola, ayan na naman tayo eh. Parang mga gago lang ah. Ano bang magagawa mo kung ganun ang taste buds niya? Ikauunlad ba ng cusine natin ang kanyang pag-criticize samantalang may pinaglalaban ang aleng ito sa kanyang mga foodie adventures?

8) Racist!

philstar.com
Sa totoo lang, wala akong nakikitang punto kung bakit pa natin kelangang patulan ang Singaporean blog na nagbitaw ng racist mark sa mga Pinoy. Siguro, kung may matinong grounds dito ito ay yung: una, pag ginamit niya ang pangalan ng bansa; at pangalawa, kapag nag-generalize siya.

Pero ang pagreact natin sa sinabi nila ay patunay lamang na racist din tayo. Oo, racist nga tayo, sa ating mga sari-sariling karapatan. Ang lalakas nating mangbulyaw, mang-asar-mang-alipusta, o manapak ng ibang tao, samatalang pikon rin pala tayo sa kanila pag sila'y gumanti?

Gago pala 'tong mga 'to eh.

pep.ph / facebook.com/pulpolitika
9) “Privilege” Speech

Ayos na sana ang pagbibitaw ng pahayag sa isang privilege speech. Kaso, may sabit: bakit ginawa mo pa itong entertaining? May music video pa na sariling komposisyon! Astig!

Pero para sa isang lugar na seryosohan ang palagiang diskurso gaya ng Senado, tangina sino bang tanga ang hihirit ng ganyan? Ano 'to, comedy bar? Variety show?

At mas masaklap, maliban sa pagtuligsa niya ay ito pa ang mas napagtuunan ng pansin? Sabagay, kung may nagsapakan sa opisinang yan ay bebenta rin sa takilya. Pero for fucking damn sakes naman: let's get fucking real here.

Patunay lang yan kung gaano na kashowbiz ang pulitka sa ating bansa, sa sobrang showbiz, aba'y hindi na rin kataka-taka kung bakit ganito rin ang takbo ng bulok na sistema sa atin.

10) Pacball

spin.ph
Mula boxing hanggang sa showbiz hanggang sa pulitika hanggang sa... basketball?! Seryoso ka ba d'yan, kuya? Well, wala sanang masama dun. Yan ay kung sasali rin siya sa tamang proseso gaya ng pag-apply sa rookie draft.

Kaso kung para-paraan lang naman ang usapan... ay, *tweet* technical foul na yan!

Saka pwede ba, tama na ang mga papogi maglaro sa PBA? Mas okay na yung mga “bisaya” maglaro eh (ayon yan sa mga tropa kong siga sa basketball court namin)!

http://www.pinoycelebritygossip.com
11)  Sibling rivalry strikes back!

Alam ko. Last year pa ang balitang ito. Pero dahil may bagong development na naman sa kwento nila, ayan na naman tayo eh, pinatulan ng publiko at ginatungan pa ng mainstream media. Hanggang sa nakanganga na naman tayo.

Anak ng pating. Ngayon lang ba tayo nakakita ng away-pamilya? Akala kasi natin sa teleserye lang ito nagaganap. Ay, mali, sa kapitbahay niyo rin pala tutal may pagkatsismosa ka. Aminin!

www.randomrepublika.com
12) Finally... they're ON! 

Kasabay ito sa pagputok ng balita ukol sa pag-aresto kay Senador Bong Revilla. Uy, sila na raw—sila Sarah Geronimo at Maetteo Gudicelli.

Eh kaso, ano ngayon? Ano na naman bang bago sa pagpuna sa lovelife ng mga artista? Buti na lang namatay ang pag-attempt na isensationalize nito. Tama yan, mas tutukan natin ang mala-Kap's Amazing Story episode ng pag-aresto.

13) Challenge accepted?!

Dahil sa isang challenge, nalagay sa alanganin ang palabas na Pinoy Big Brother. Dumating sa punto na kailangan pang ipatawag sila ng MTRCB, ay mali, ng Senado, para lang ma-sanction ang PBB. Nilabag daw ang Magna Carta. Patay tayo dyan.

pep.ph
Kaso, pustahan, sa ilang taon na susunod, may panibagong palabas na masasangkot sa kahalintulad na isyu. Kaya siya naging isang walang kwentang balita—dahil ang mainstream ay hindi matututo pagdating sa ethical standards. Basta for the sake of ratings at revenue, go lang nang go.

Speaking of which...

14) Scripted!

So, umere na ang PBB bago magtapos ang buwan ng Abril. Eh kaso, ano ngayon? Naglipana ang mag tweet ukol sa pagiging “scripted” nito diumano.

http://ffemagazine.com/
Asus, ano pa bang bago sa mga ito? Mas malala pa nga ang pagkascript nito kung ikukumpara sa WWE eh. Ang pinagkaiba lang nito ay hindi nabigyan ng hustisya masyado ang mga nag-audition na ordinaryong Pinoy (mantakin mong naging venue pa nito ang Araneta Coliseum para pumili lang ng housemate?!).

Saka, karamihan sa mga reality show ngayon ay naglalarawan man nag totoong kilos, pero may kanya-kanyang plot pa rin yan na sinusunod. So, bottom line: may script pa rin.

Saka ilang beses na nating naririg yan, hindi pa rin kayo makaget-over? Try mo patayin yang telebisyon mo at matuto ka naman magsaing at magluto ng ulam mo, at baka sakaling sumaya ka pa.

Minsan, naisip ko tuloy. Parang lumang kanta ng Bee Gees lang. Ang siste, the joke was on us. At ano na lang ang maari nating sabihin? Walang iba kundi... Boom Panes!

http://excretaonline.com/

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Saturday, 28 June 2014

National Sporting Amnesia

06/16/14 04:05:07 PM

Minsan, hindi lang katamaran ang ating pambansang sakit. Alam mo kung ano? Kundi... “amnesia.” Oo, may sakit tayo na nakakalimot. Ika nga ng isang dating interstitial na pinapanood ko, mayroon tayong “National Amnesia.” Parang noong ika-25 anibersaryo ng People Power revolution lang. Kung noong 1986 ay mas mainit pa sa alab ang ating damdamin na makalaya tayo, ngayon, tila nakalimot tayo sa espiritu o ni pangalan ng EDSA. Dahil pag sinabing EDSA ngayon, may karugtong na mura na dahil sa sobrang bigat ng daloy ng trapiko.

Ngayon, hindi lang sa pulitika tayo nagkakaroon ng pambansang amnesia. Saan mas higit na evident ito? Sa mundo ng palakasan o “sports.”

Totoo nga naman, na pagdating sa mundo ng sports ay pustahan, dalawang bagay lang alam natin: kung basketball, boxing. At dito nanalaytay ang mga pangalan nila Manny Pacquiao, Brgy. Ginebra at ultimo ang Gilas Pilipinas.

Pero, pagkatapos nun, ano na? Wala.

At sa panahon ngayon na mas trip pa ng mga bata na mag-Candy Crush o Temple Run sa iPad nila kesa makipaglaro ng tumbang preso, agawan base, Chinese garter (tangina, kasama pala 'to, samantalang pangbabae lang ang larong ito ah), text, at kung anu-ano pang mga larong kalye nung kabataan natin, ay isa rin ang palakasan sa mga bagay na nakakalimutan na ng kamalayan natin.

Pustahan, pag binaggit mo ang pangalan nila, o ipakita mo ang mga larawan nila, ang unang dalawang salita na sasabhin nila sa 'yo ay “sino yan?” At d'yan nabubuo ang tinatawag na generation gap. Bagay na sa mga libro lamang ng Sibika lang masasagot, kung hindi ang Wikipedia.

Pero ito ang mas malalang senaryo: mas napapansin natin ang mga negatibong bagay kesa sa positibo, bagay na kayang dalhin ng sports. Mas nakikitsismis pa tayo pag nagsalita ang mga tulad ni Kris Aquino, Boy Abunda, at kung sinu-sinong showbiz reporter kesa sa mga pangyayari sa mundo ng sports.

Mas nababagot pa tayo sa mga nangyari sa pork barrel scam at kung anu-ano pang kinasasangkutan ng mga pulitiko kesa sa pansinin kung gaano kagaling ang mga boksingero natin, maliban na lang kung si Manny Pacquiao ang lumalaban (pero ito ang mas nakakapanlumo: mas pinansin pa natin ang mga kontrobersiyang dala ng pangalan niya, salamt sa panggagatong ng mainstream media).

Sa madaling sabi, likas kasi tayong mga negastar. At sa sobrang pagiging nega natin, nakakalimot tayo na mararami palang magagandang bagay na nagaganap sa sating lipunan, at isa dun ay ang sports.

Sino bang mag-aakala nun, na maliban sa mga elitista (siyempre, sila lang naman ang nakaka-afford ng mga babasahing susyalan eh gaya ng mga broadsheet) ay sinu-sino nga lang ang may-alam sa mga balita na ilan sa mga kababayan natin ay mga medalyang nauwi mula sa mga naunang edityon ng Olympics? Na ang liksi natin ay siyang tunay na astig na characteristic ng mga atletang Pinoy? Na noon pa man, mula pa noong panahon ng katanyagan nila Flash Elorde at Pancho Villa ay isa na ang mga lahing Filipino sa mga maangas sa combat sports? At ang tinutukoy ko ay ang boxing.

And come to think na ang Republika ng Pilipinas ay ang tanging Asyanong bansa na nakarating sa pinakamataas na ranggo sa Olympics nun (oo, ang fifth place noong dekada '50? Tangina, hindi biro yan kung ikukumpara sa panahon ngayon na tila napapag-iwanan na tayo kung sa ranggo ang usapan).

Kaya nga may mga astig tayo na bowler at billiard players, eh. Pati na rin sa swimming, track and field, at ultimong chess. Ano, di ka pa bilib? Yan ang napapala pag masyado tayong nakakalimot sa kasaysayan eh.

Tama lang ang mga adhikain na gaya lamang ng Pagpupugay na itinaguyod ni Chino Trinidad, isang batikang sports-beat journo at dating kumisyuner ng PBL, o ang Philippine Basketball League (PBL), at siya ring founder ng TaasNoo, Inc.

Ang palatuntunang nagbibigay-pagpupugay na ginawa niya noong nakaraang Araw ng Kasarinlan ay naglayon din na ipaalala sa mga kasalukuyang henerasyon ng kabataan na mararami pang bagay na dapat nating ipagdiwang. Na hindi mo kailangang makipagsapalaran sa giyera para lang matawag kang bayani sa sariling bayan (at ang konotasyon din ng mga OFW ay may halaw din ng pagkakamali).

Ang kagitingan nila ay huwag sanang mabaon sa limot; na kahit sa gitna ng dagok at sakit, 'wag rin natin sanang makalimutan ang mga naimabag nila sa kabila ng kundisyon na kanilang tinatamasan.

Dahil minsan, sila ang nagbuhat ng “pride” ng Pinoy.

Bagay rin siguro na magsisilbing aral ito para sa inyong lingkod.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 21 June 2014

Naaresto Na Si Bong! Eh Ano Ngayon?!

6/21/2014 3:45:31 PM

So, ­­natapos ang serye ng mga kontrobersiya at balita, at sa wakas… may nakulong din pala sa salang pandarambong (tama ba?). Noong nakaraang Biyernes, pormal na sumuko-slash-naaresto si Senador Ramon Bong Revilla Jr.

Kaso, ano na? Ano nang mangyayari pagkatapos nito?

Sa madaling sabi: eh ano ngayon?!

Panibagong hakbang ba ito para sa krusadang “daang matuwid” laban sa korapsyon? O isa itong mala-conspiracy na atake laban sa oposisyon.

Kung mapapansin kasi, sa mata ng ilan, maaring masabi nila na pinupulitika raw si Revilla dahil sa hangad niya na tumakbo sa darating na 2016 presidential elections. At ang pag-aresto sa kanya? Patunay lamang daw na isa itong maitim na plano laban sa kanya. Dagok din na maituturing.

Ngunit, sa kabilang banda, kung papaniwalaan ang mga kasong isinampa sa kanya sa Sandiganbayan, patunay lamang ito kung gaano kabulok ang sistemang pulitikal sa ating bansa. Yan kasi binoto natin eh. Mga papogi na dumaan sa showbiz. Tapos pag gumawa ng kasalanan, naglulupasay tayo sa pagsisisi.

At teka, non-bailable ang kasong plunder, ‘di ba? Pero bakit nga ba sila nakapagpetition for bail? Aba, para namang nakipagsuntukan sa hangin ang mga ‘to—imposibleng mangyari.

Subalit sa tulong ng mga abugado at kung sinu-sino pang nakakalam sa mga butas ng batas, possible yan.
At wrong timing pa ata ang suot niya na damit, na naglalaman ng isang kasabihan na galing sa isa sa mga libro sa Bibliya. Ayos lang sana maniwala, kaso may kasabihan: practice what you preach, at siyempre, dapat parang Seiko wallet ang pananampalataya mo sa itaas – “genuine” ba.

Madaling husgahan si Bong bilang isang tiwaling opisyal na parang lulusot pa kahit nahuli na. Samahan mo pa ng asawang naging opisyales pa ng lalawigan ng Cavite na minsa’y nag-angas pa nun sa kasagsagan ng isyu ng pork barrel (yung nagsabo ng “huwag kayong hihingi ng pera sa amin ha?!”). Oo, madaling husgahan lalo na’t kungkapos pa ang ating pag-unawa sa isyu.

Pero mas madaling siyempre kung alam mo ang parehong panig. At least, naiintindihan mo (bagay na sa kasamaang palad, ay kapos rin tayo maliban na lang kung isa kang lehitimong political analyst).

Kaso, paano nga ba kung tatakbo ito sa 2016? Mananalo pa rin ba siya? Maari raw, ayon sa mga sari-saring reaksyon na nababasa ko sa Twitter noong araw na ‘yun. 

Bakit kanyo? Mahihilig kasi tayo sa mga “underdog.” Nasa mentalidad kasi natin ang ating pagiging biktima sa lahat-lahat at dapat ang takbo ng kwento natin ay parang fairy tale na nababasa natin noong bata pa tayo – magpapa-api kami, pero sa bandang huli, kami ang magwawagi.

Sa madaling sabi: mahihilig rin tayo makisimpatiya, kaya tignan mo ang takbo ng lipunan natin ngayon: nadadala ng simpatiya na yan. Maariong factor rin dito yung pagpapaalam niya sa kanyang amang si Don Ramon. Sabagay, mahirap nga naman maksi sa isang ama, o sa isang magulang na makikita mo ang anak mo; at lalong nakakastress na ito kung sa edad ang usapan. Kung iba yan, baka natuluyan sa kunsumisyong dala ng kumusyon..

At napaka-evident ang ganitong storyline sa sarswela, este, moro-moro, este, teleseye, este… pucha, sabihin na nga lang nating “pulitika” sa ating bansa. Lalo na noong 2013 midterm elections.

Kaso, naaresto na si Bong. At may film crew pa raw na dala ito. So, anong eksena ‘to: Kap’s Amazing Stories, at ang producer ay ang Daang Matuwid productions?

Pero, naaresto na siya eh. Ano na ngayon? Mauuwi rin ba sa ganitong kapalaran ang mga aksuadong senador na sila Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile? Eh paano yung mga opisyales at empelyado na sangkot din sa ganitong kaso ng katiwalian. Kunsabagay, kung tama lang naman ito, at naayon sa batas, at hindi magpapadala sa alinmang “way out alibi,” go ahead.

Kaso, kung sa oposisyon ka lang aatake, at kung mayroon rin naman sa mgakabaro mo na “corrupt” pala (come to think na good thing ay majority sa mainstream media ay kahit papano hindi bias; as in kung may mali ke oposisyon man o administrasyon ay isinisiwalat nila), ay hindi rin yata tama yan. Oo, parang conspiracy theory lang ang pinakabasehan ng isang mala-political attack na ito kung ganun man.


Kaya ang labo lang din e no?


At kung may isa pang magandang bagay na fala ng pagtutok ng mga news portal sa isyung ito, yun ay ang pagsapaw sa mga ampaw na balitang gaya ng pag-amin ni Sarah Geronimo na boyfriend na niya sa Matteo Guidicelli (okay, sila na pala. EH ANO NAMAN NGAYON?).

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions