Tuesday, 1 July 2014

Half-Shot Fired! (The 14 Worthless Stories on the First Half of 2014)

07/02/1409:50:35 AM

Parang kailan lang, ano? Nangalahati na pala ang taong dos-mil-katorse, o dalawang libu't labing-apat, o simplehan na lang natin... 2014. Pinuno na naman tayo ng mga balita't kontrobersiya. May mangilan-ngilang patok talaga, at maari pa ring pag-usapan hanggang ngayon. 


At mayroon din naman yung nakakatangina lang. Parang mga 'to.

1) Handicap match

http://newsinfo.inquirer.net/
Okay. So may nabugbog sa isang condominium sa Taguig, tapos ang biktima ay ang Showtime host na si Vhong Navarro. At ang mga kontrabida diumano sa teleseryeng ito? Sila Denice Cornejo at Cedric Lee.

Shet, 2-on-1 ang peg, parang handicap match lang ng wrestling ah. Kaso, ginatungan na naman ng media. Oo, sa ngalan ng ratings. Tanginang yan.

Ano naman kung nabugbog siya? Ano naman kung nagahasa siya? Ano naman kung nabulatlat ang mga kabalsatusgan ng tatlong mokong na ito? Tapos ano naman kung may mga nakisawsaw na sa kanila?

Yan tayo eh. Ang hihilig nating pumiyesta sa mga walang kakwenta-kwentang bagay tulad na lamang ng bugbugan nila. Ano kaya kung kumain na lang tayo sa condo, at gawin yun ng isang minuto. Pero, hoy, ginusto mo yan ha? Kaya wag kang aalma ng “rape” (sipain kita dyan eh).

Dahil nga dyan ay naglipana ang mga side-issues sgaya ng paglantad ni ganito, ni ganire, tapos yung mga kumento ng mga ex ni ganito... Naknangpucha naman. Mas malala pa sa taba ang lasa nito ah.

http://bandera.inquirer.net/
2) Rebelasyon

Matapos ang mga serye ng relasyon na nauwi sa sari-saring pagkumpisal, tulad na lamang ng may anak siyang mentally-challenged, nagka-tulo, at naging babaero ang pinakasalang asawa, ayan na naman siya... umamin na may karelasyong alkalde. At hindi lang ito basta “mayor” ha? Mantakin mong hawak niya ang isa sa mga pinakamalaking siyudad sa bansa. At dati rin siyang aktor.

Kaso... ano naman ngayon? Kailangan bang ibulatlat yan sa mainstream media? Sabagay, anak ng dating presidente at kapatid ng kasalukuyang presidente. Yung pangalan pa lang na yun ay isa nang news-worthy element eh.

Kaso ang sinasabi ba niya ay “ay worth” ba naman? Nung umamin na nakipagbreak, ayun, kawawa na naman ang imahe ng mga kalalakihan. Haba raw ng hair ni Mayor Bistek? Yun ang pinakawalang kwentang segment sa programang The Buzz nung nakaraang Linggo.

http://www.philshowbiz.com/
3) Interview

Naturingang “queen of all media” raw. Oprah of the Philippines pa nga. Kaso, may problema tayo, madam: nakalimot ka na ba sa interview etiquette? Kahit isang pipitsugin o tatanga-tangang broadcast practitioner ay hindi gagawin yan eh. Oo, kahit si Jun Sabayton o Michael Fajatin pa yan.

Saka isa pa: alam kong proud ka sa achievement ng anak mo. Pero hindi kailanman naging okay ang sabihing tinalo ang Spider-Man ng My Little Bossings. Try mo ipalabas yan sa panahon na ineere rin sa sinehan ang iba pang comedy mainstream local films gaya ng Da Possessed, at pustahan, hindi ganun tatabo sa takilya yan. Ang mga banyagang pelikula ay hindi kailangang lumahok sa mga komersyong-tema ng patimpalak para lang kumita nang kumita nang kumita.

www.huffingtonpost.com
4) Caught in the act

Ayun, so nagga-ganja raw ang dalawang miyembro ng sikat na pop music band One Direction. Eh kaso, ano naman? May magagawa ba yan sa solidong fan base na kinabibilangan ng mga malalanding bata? Asa pa tayo, 'oy.

At anong ipapaban mo ang 1D na magkonsyerto sa Pilipinas? Baka mamaya nyan ay sunugin ng mga gunggong ang simbahang pinaglilingkuran mo. Kaya ingat-ingat ka kung magsasabi niyan. Kitam mo ngang may gana pa silang gumasta ng dissyete mil para sa ilang oras na libangan na kung tawagin ay konsyerto?

At pag hindi pinagbigyan ng mga magulang nila ay daig pa sila Totoy Golem at Asiong Salongga kung mag-siga (sipain ko kayo dyan eh).

Masamang ehemplo ba? Eh bakit niyo kasi hinayaan na panoorin ng mga bata ang mga music video nila? Saka isa pa: ang kalakaran sa panahon ngayon ay ganito—ang pag-aartista (kahit sa larangan ng pagkanta) ay para kumita ng pera, hindi para kumita ng tagahanga.

At may nagalit nung nagbitaw lang sila ng kumentaryo? Patunay lang siguro yan kung gaano rin kabias ang media sa pagbibitaw ng opinyon alinsunod sa kulturang nakagawin natin. Pero patunay rin yan kung gaano ka-immature ang taste natin sa pop culture!

5) Trending scenes

So, nagtetrend ang mga tagpo sa palabas na ito, ano? Sabagay, reality bites nga naman kasi. Maraming mga gago at manloloko sa aspeto ng relasyon; at kahit sa buhay mag-asawa pa kamo.

Pero, ano pa bang magagawa mo maliban sa manood, 'di ba? Basura na nga ang pinapakain sa 'yo ng mainstream media, 'di ba? Ay, may option pala. Either balita, o mga sporting events. Yun pa mas okay.

May ka-level ba? Yung Diary Ng Pangit, na overrated raw diumano sa mata ng iilan? Nah, hindi ako aakma sa ganyan, mga tol. Hayaan ko na lang magbigay ng kuro-kuro yung mga nanuod niyan mismo.

http://www.untvweb.com/
6) Sexual attempt

Nagbanta ang isang bruha na ilalaabas ang sex video ni Leila De Lima. Okay sana kung nasa kabataan pa ang mga 'to eh.

Kaso, nakaksura kaya. Lalo na't sinabi pa yan ni Sandra Cam, na hanggang sa ngayon ay napapataka pa rin ako kung sino ba ang babaeng ito, in the first place.

Away-bata na naman ang anggulo ng kwentong ito. Kumbaga sa pagkain na ang pinakamain dish ay pork barrel scam, ay sila yung desert na tinitira madalas ng mga bata. Tapos, yung mga “bata” na yan, ay yung mga taong nagse-sensationalize ng kwentong yan – ang media (where else?).

wheninmanila.com
7) Bad Filipino Taste

Maraming na-badtrip sa isang food blog. Di raw masarap ang Filipino food. Alam mo, as much as gusto kong magdisagree sa sinabi niya, naintindihan ko rin kung bakit ganun na lamanag siya ka-hasty mag-generalize.

Pero dahil likas tayong mga patola, ayan na naman tayo eh. Parang mga gago lang ah. Ano bang magagawa mo kung ganun ang taste buds niya? Ikauunlad ba ng cusine natin ang kanyang pag-criticize samantalang may pinaglalaban ang aleng ito sa kanyang mga foodie adventures?

8) Racist!

philstar.com
Sa totoo lang, wala akong nakikitang punto kung bakit pa natin kelangang patulan ang Singaporean blog na nagbitaw ng racist mark sa mga Pinoy. Siguro, kung may matinong grounds dito ito ay yung: una, pag ginamit niya ang pangalan ng bansa; at pangalawa, kapag nag-generalize siya.

Pero ang pagreact natin sa sinabi nila ay patunay lamang na racist din tayo. Oo, racist nga tayo, sa ating mga sari-sariling karapatan. Ang lalakas nating mangbulyaw, mang-asar-mang-alipusta, o manapak ng ibang tao, samatalang pikon rin pala tayo sa kanila pag sila'y gumanti?

Gago pala 'tong mga 'to eh.

pep.ph / facebook.com/pulpolitika
9) “Privilege” Speech

Ayos na sana ang pagbibitaw ng pahayag sa isang privilege speech. Kaso, may sabit: bakit ginawa mo pa itong entertaining? May music video pa na sariling komposisyon! Astig!

Pero para sa isang lugar na seryosohan ang palagiang diskurso gaya ng Senado, tangina sino bang tanga ang hihirit ng ganyan? Ano 'to, comedy bar? Variety show?

At mas masaklap, maliban sa pagtuligsa niya ay ito pa ang mas napagtuunan ng pansin? Sabagay, kung may nagsapakan sa opisinang yan ay bebenta rin sa takilya. Pero for fucking damn sakes naman: let's get fucking real here.

Patunay lang yan kung gaano na kashowbiz ang pulitka sa ating bansa, sa sobrang showbiz, aba'y hindi na rin kataka-taka kung bakit ganito rin ang takbo ng bulok na sistema sa atin.

10) Pacball

spin.ph
Mula boxing hanggang sa showbiz hanggang sa pulitika hanggang sa... basketball?! Seryoso ka ba d'yan, kuya? Well, wala sanang masama dun. Yan ay kung sasali rin siya sa tamang proseso gaya ng pag-apply sa rookie draft.

Kaso kung para-paraan lang naman ang usapan... ay, *tweet* technical foul na yan!

Saka pwede ba, tama na ang mga papogi maglaro sa PBA? Mas okay na yung mga “bisaya” maglaro eh (ayon yan sa mga tropa kong siga sa basketball court namin)!

http://www.pinoycelebritygossip.com
11)  Sibling rivalry strikes back!

Alam ko. Last year pa ang balitang ito. Pero dahil may bagong development na naman sa kwento nila, ayan na naman tayo eh, pinatulan ng publiko at ginatungan pa ng mainstream media. Hanggang sa nakanganga na naman tayo.

Anak ng pating. Ngayon lang ba tayo nakakita ng away-pamilya? Akala kasi natin sa teleserye lang ito nagaganap. Ay, mali, sa kapitbahay niyo rin pala tutal may pagkatsismosa ka. Aminin!

www.randomrepublika.com
12) Finally... they're ON! 

Kasabay ito sa pagputok ng balita ukol sa pag-aresto kay Senador Bong Revilla. Uy, sila na raw—sila Sarah Geronimo at Maetteo Gudicelli.

Eh kaso, ano ngayon? Ano na naman bang bago sa pagpuna sa lovelife ng mga artista? Buti na lang namatay ang pag-attempt na isensationalize nito. Tama yan, mas tutukan natin ang mala-Kap's Amazing Story episode ng pag-aresto.

13) Challenge accepted?!

Dahil sa isang challenge, nalagay sa alanganin ang palabas na Pinoy Big Brother. Dumating sa punto na kailangan pang ipatawag sila ng MTRCB, ay mali, ng Senado, para lang ma-sanction ang PBB. Nilabag daw ang Magna Carta. Patay tayo dyan.

pep.ph
Kaso, pustahan, sa ilang taon na susunod, may panibagong palabas na masasangkot sa kahalintulad na isyu. Kaya siya naging isang walang kwentang balita—dahil ang mainstream ay hindi matututo pagdating sa ethical standards. Basta for the sake of ratings at revenue, go lang nang go.

Speaking of which...

14) Scripted!

So, umere na ang PBB bago magtapos ang buwan ng Abril. Eh kaso, ano ngayon? Naglipana ang mag tweet ukol sa pagiging “scripted” nito diumano.

http://ffemagazine.com/
Asus, ano pa bang bago sa mga ito? Mas malala pa nga ang pagkascript nito kung ikukumpara sa WWE eh. Ang pinagkaiba lang nito ay hindi nabigyan ng hustisya masyado ang mga nag-audition na ordinaryong Pinoy (mantakin mong naging venue pa nito ang Araneta Coliseum para pumili lang ng housemate?!).

Saka, karamihan sa mga reality show ngayon ay naglalarawan man nag totoong kilos, pero may kanya-kanyang plot pa rin yan na sinusunod. So, bottom line: may script pa rin.

Saka ilang beses na nating naririg yan, hindi pa rin kayo makaget-over? Try mo patayin yang telebisyon mo at matuto ka naman magsaing at magluto ng ulam mo, at baka sakaling sumaya ka pa.

Minsan, naisip ko tuloy. Parang lumang kanta ng Bee Gees lang. Ang siste, the joke was on us. At ano na lang ang maari nating sabihin? Walang iba kundi... Boom Panes!

http://excretaonline.com/

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment