Showing posts with label current events. Show all posts
Showing posts with label current events. Show all posts

Friday, 18 July 2014

Unconstitutional?!

7/15/2014 10:50:29 PM

Ayan na. Lumabas na ang desisyon ng Korte Suprema; aniya, “unconstitutional” daw ang Disbursement Acceleration Program fund o sa madaling sabi, ang DAP. At 13-0 yan, isang bonggang-bonggang unanimous decision, na kala mo ay sa mga laban sa UFC at boxing mo lang maririnig ang katagang yan.

O tapos, ano na? Unconstitutional pala yan eh!

Kung susundin ang ginawa sa Priority Development Assistance Fund, o PDAF, ay dapat i-scrap na rin ito: tanggalin na sa budget ng bansa.

Yan ay kung hindi magpapatalo ang executive government sa desisyon ng SC. Ngunit, yun lang—sa isang mala-State of the Nation Address (SONA) speech kagabi, ay tila kinalaban pa ni Pangulong Noynoy Aquino ang Supreme Court sa salita nito. So, pa’no na yan? Mukhang magkakandaleche-leche pa yata ang isyung yan ah. Kung si Senator Osmena ang tatanungin, maaring magkaroon ng isang masalimuot na senaryo na kung tawagin ay “constitutional crisis.”

Pero, ano pa nga ba ang problema sa DAP, maliban sa sinasabi na ang ponding yan ay isa rin sa mga ugat ng katiwalian sa ating bansa sa kasalukuyan? Ewan.

Dahil sa pera lang ba nagiging corrupt ang isang tao sa pamahalaan? Parang may pagka-illogical rin kung isisisi sa material na bagay ang lahat ng kagaguhan eh. Sa totoo lang, hindi ang pera ang ugat ng lahat ng kasamaan, kundi ang labis na pagmamahal rito.

Ngunit sa kabilang banda kasi, patunay rin lang yan na kung gaano dyino-Diyos ng tao ang mga makamundo’t makapangyarihang bagay tulad na lamang ng salapi sa ngalan ng DAP, at yung PDAF, o sabihin na lang natin na “pork barrel.”

Ano kaya kinakatwiran ng kuya mo, kaya tila nagmumukha siyang stubborn sa mata ng nakararami? Oo, as in parang ang tigas ng ulo niya na sinusuway ang tawag sa utos na ‘yan ng kan’yang mga boss?

Dahil magagamit na emergency fund raw ito? Kung ganun, nagamit ba ito sa panahon ng kalamidad noong nakaraang taon gaya ng lindol sa Visayas at ang pagtama ng super-bagyong Yolanda sa ating bansa? At pati na rin noong Habagat sa Luzon? Kung hindi, eh ano pa nga ba ang pinaglalaban niya kung ganun? Naalala ko lang na isa yun sa argumento niya noong minsa’y pinutakte na ang DAP na ‘yan.

Sa isang anggulo, masyado nga ba tayong mapagpuna, kaya ang mga bagay-bagay na magsisilbi sanang pakinabang sa atin ay tinitignan na rin natin ng masama? Alam ko, pera yan; at marami na ang patunay sa isang antigong kasabihan na binanggit ko sa mga naunang talata ng artikulong ito; pero… parang masaydo naman tayo naggeneralize o nagstereotype.

Na parang ganito: sabihin na natin na, okay, maganda naman ang hangarin ni PNoy kaya niya itinatag ang DAP.

Pero sabagay rin kasi, unconstitutional na eh, sabi ng isang sangay ng pamahalaan natin. That already said enough. Sapat na preba na ‘yan, kaya nga nag-alburoto ang mga tao kay Secretary Abad ng Department of Budget and Management, ‘di ba?

Pero sa akto ng disagreement ng pangulo, tila kinakalaban niya ang paahalaan niya. Kahit sabihin pa natin na sa lahat ng tatlong sangay ng gobyerno natin, ang huradikatura ang tila pinakamahina pagdating sa pag-exercise ng kapangyarihan.

Naku, mahaba-habang dayalogo at debate na naman ito panigurado.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Sunday, 6 July 2014

National Addicted Artistic Snub

06/26/14 01:05:53 PM

Okay. So marami na namang umaalma. Hindi raw naging National Artist for Film si Ate Guy (wag kang ma-confuse. Si Nora Aunor lang naman ang tinutukoy ko.) sa kasalukuyang batch ng mga taong tinanghal. Sa madaling sabi, naechapwera siya sa pagkakataon na matawag na isa sa mga “Pambansang Alagad ng Sining.”

Paano nga ba nangyari yun? Ayon sa mga balita, at sa mga tropa ko na rin sa mundo ng media at pagba-blog (na obviously ay hindi ko na ring matatawag na “source” since kalap na kalap naman na ang balitang ito), nominado naman ang ate mo eh. Yun nga lang, drinop na ni Pangulong Noynoy Aquino ang pangalan niya sa pinal na listahan ng mga National Artist.

Ganun? Oo, ganun nga.

So, ano pang pinagmumukmok natin? Maraming anggulo na nagsasabing may halong pulitika ang motibong ito (ayon kasi sa mga spekulasyon, pati na rin sa mga politically-correct na rents-pa ko, ay loyalista raw si ehem, Maria Leonora Teresaaaaa, noong Marital law; to which nagretaliate ako sa isip ko: Kung ganun, eh bakit may naisapatan siya na litrato kasama si Ninoy Aquino? Ano 'to, lokohan?). 

Meron din namang nagsasabi na dahil daw ito sa character.

Pero... pulitika? Seryoso ka ba? Baka pinulitika, yun, pe-puwede pang maging dahilan ng anggulo sa argumentong ito.

Ngunit kung dahil ito sa iyu ng kanyang pangkalahatang karakter, o ang kanyang pagkatao (sabagay, dahil kaliwa't kanan rin ang isyu ng kanyang pagkaadik sa droga dati, lalo na nung US siya), parang hindi naman yata sapat na basehan yun para i-deprive siya sa kanyang karapatang maging Pambansang Alagad.

Teka, dahil adik siya, kaya siya tinanggal sa listahan? Dahil lang may history siya ng drug addiction ay hindi na siya pe-puwedeng maging national artist?

Aba! Eh hindi pala tayo naghahanap ng National Artist kung ganun. Kundi, National Perfect Human Being! At kahit worldwide pang gawin ang search na ito, magpustahan pa tayo: walang tatanghaling “alagad” na may titulo na ganun.

Masyado talaga tayong mapaghusga, kahit sa kapwa nating kalahi (kaya no wonder na isa atyo sa mga pinakaracist na bansa sa mundo eh). At sa sobrang pagpupuna, nakakalimutan natin na mali ang pamantayan na sinusundan para maging national artist ang isa.

Oo, mga tanga!

Anu-ano bang basehan para matanghal ka na National Artist? Di ba kadalasan niyan ay yung kung ano ang naimambag niya sa larangan ng sining, kasama na rin dito ang inudstriya ng pelikula? At alinmang isyu na labas sa usaping ito ay... malamang, echapwera na dapat.

At hindi man ako fan ng artistang yan, pero hindi porket may record na siya ng kaadikan ay ganap na siyang masamang tao. Bakit, ang mga nagsisimba ba rito ay mga banal na rin ba in an instant? Hindi naman, 'di ba? Nagmumura pa rin tayo pag tayo'y nanggagalaiti sa galit (minsan nga, nabibitawan pa nga ng mga mokong at lokang 'to ang mga salitang gaya ng “putangina,” “tarantado,” “gago” at alinpang mga kahalintulad. Sa madaling sabi, nakagagawa pa rin naman tayo ng kasalanan eh.

Bakit ang mga ibang tanyag na manlilikha ng sining, ke direktor man yan, artista, o ultimong manunulat sa larangan ng literatura, may kanya-kanya rin naman silang “problema” o “gawi” ah. Oo, parehong lokal at banyaga, may mangilan-ngilang sikat na artista ang aminadong may problema sa alcohol at/o drugs. Pero kahit ganun man, may pagkakataon na ginugunita pa rin sila ng mgha tao dahil sa kanilang naiambag.

Oo, ultimong ang namayapang si Nick Joaquin, ang pambansang alagad ng sining sa larangan ng literatura. (Sumalangit nawa.) Ayon sa libro ng batikang journo at propesor na si Crispin Maslog, sa kanyang librong Philippine Communication Today, si Joaquin ay mas nakakakapagsulat kapag siya ay nakainom. Mantakin mong may supply siya ng beer mula sa SMB noon eh. At ang siste, tsismis daw noon na kamuntikang maging endorser siya ng San Miguel Beer noong circa dekada '70  o '80.

Ilagay natin yan sa konteksto ng kasalukuyang panahon: ang batikang manunulat na yan, sa mata ng mga hangal at mangmang–may alam man sa literatura o wala–ay isa siyang “tomador,” o “tanggero,” o “lasinggero,” ay magiging Pambansang Alagad pa rin ba? Kung ganyan lang ang basehan natin, baka HINDI. Kasi masyado tayong naghahanap ng malilinis. Mga hipokritong tanga! Mali kayo ng paghusga.

Ngapala, bakit si ang ginawa kong halimbawa? Bakit hindi ang mga kabaro ni Ate Guy sa showbiz na nagaadik rin? O yung mga may problema sa behavior? Sa totoo lang din kasi, tama ang kasabihan na kung sino pa ang mga magagaling na personalidad ay siya pang mayhinaharap na matinding sigalot sa buhay. Oo, kahit bisyo pa yan.

Malamang, may malalim talaga na dahilan kung bakit hindi nagawaran si Nora ng National Award. At yun ang mas dapat nating talakayin.


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 1 July 2014

Half-Shot Fired! (The 14 Worthless Stories on the First Half of 2014)

07/02/1409:50:35 AM

Parang kailan lang, ano? Nangalahati na pala ang taong dos-mil-katorse, o dalawang libu't labing-apat, o simplehan na lang natin... 2014. Pinuno na naman tayo ng mga balita't kontrobersiya. May mangilan-ngilang patok talaga, at maari pa ring pag-usapan hanggang ngayon. 


At mayroon din naman yung nakakatangina lang. Parang mga 'to.

1) Handicap match

http://newsinfo.inquirer.net/
Okay. So may nabugbog sa isang condominium sa Taguig, tapos ang biktima ay ang Showtime host na si Vhong Navarro. At ang mga kontrabida diumano sa teleseryeng ito? Sila Denice Cornejo at Cedric Lee.

Shet, 2-on-1 ang peg, parang handicap match lang ng wrestling ah. Kaso, ginatungan na naman ng media. Oo, sa ngalan ng ratings. Tanginang yan.

Ano naman kung nabugbog siya? Ano naman kung nagahasa siya? Ano naman kung nabulatlat ang mga kabalsatusgan ng tatlong mokong na ito? Tapos ano naman kung may mga nakisawsaw na sa kanila?

Yan tayo eh. Ang hihilig nating pumiyesta sa mga walang kakwenta-kwentang bagay tulad na lamang ng bugbugan nila. Ano kaya kung kumain na lang tayo sa condo, at gawin yun ng isang minuto. Pero, hoy, ginusto mo yan ha? Kaya wag kang aalma ng “rape” (sipain kita dyan eh).

Dahil nga dyan ay naglipana ang mga side-issues sgaya ng paglantad ni ganito, ni ganire, tapos yung mga kumento ng mga ex ni ganito... Naknangpucha naman. Mas malala pa sa taba ang lasa nito ah.

http://bandera.inquirer.net/
2) Rebelasyon

Matapos ang mga serye ng relasyon na nauwi sa sari-saring pagkumpisal, tulad na lamang ng may anak siyang mentally-challenged, nagka-tulo, at naging babaero ang pinakasalang asawa, ayan na naman siya... umamin na may karelasyong alkalde. At hindi lang ito basta “mayor” ha? Mantakin mong hawak niya ang isa sa mga pinakamalaking siyudad sa bansa. At dati rin siyang aktor.

Kaso... ano naman ngayon? Kailangan bang ibulatlat yan sa mainstream media? Sabagay, anak ng dating presidente at kapatid ng kasalukuyang presidente. Yung pangalan pa lang na yun ay isa nang news-worthy element eh.

Kaso ang sinasabi ba niya ay “ay worth” ba naman? Nung umamin na nakipagbreak, ayun, kawawa na naman ang imahe ng mga kalalakihan. Haba raw ng hair ni Mayor Bistek? Yun ang pinakawalang kwentang segment sa programang The Buzz nung nakaraang Linggo.

http://www.philshowbiz.com/
3) Interview

Naturingang “queen of all media” raw. Oprah of the Philippines pa nga. Kaso, may problema tayo, madam: nakalimot ka na ba sa interview etiquette? Kahit isang pipitsugin o tatanga-tangang broadcast practitioner ay hindi gagawin yan eh. Oo, kahit si Jun Sabayton o Michael Fajatin pa yan.

Saka isa pa: alam kong proud ka sa achievement ng anak mo. Pero hindi kailanman naging okay ang sabihing tinalo ang Spider-Man ng My Little Bossings. Try mo ipalabas yan sa panahon na ineere rin sa sinehan ang iba pang comedy mainstream local films gaya ng Da Possessed, at pustahan, hindi ganun tatabo sa takilya yan. Ang mga banyagang pelikula ay hindi kailangang lumahok sa mga komersyong-tema ng patimpalak para lang kumita nang kumita nang kumita.

www.huffingtonpost.com
4) Caught in the act

Ayun, so nagga-ganja raw ang dalawang miyembro ng sikat na pop music band One Direction. Eh kaso, ano naman? May magagawa ba yan sa solidong fan base na kinabibilangan ng mga malalanding bata? Asa pa tayo, 'oy.

At anong ipapaban mo ang 1D na magkonsyerto sa Pilipinas? Baka mamaya nyan ay sunugin ng mga gunggong ang simbahang pinaglilingkuran mo. Kaya ingat-ingat ka kung magsasabi niyan. Kitam mo ngang may gana pa silang gumasta ng dissyete mil para sa ilang oras na libangan na kung tawagin ay konsyerto?

At pag hindi pinagbigyan ng mga magulang nila ay daig pa sila Totoy Golem at Asiong Salongga kung mag-siga (sipain ko kayo dyan eh).

Masamang ehemplo ba? Eh bakit niyo kasi hinayaan na panoorin ng mga bata ang mga music video nila? Saka isa pa: ang kalakaran sa panahon ngayon ay ganito—ang pag-aartista (kahit sa larangan ng pagkanta) ay para kumita ng pera, hindi para kumita ng tagahanga.

At may nagalit nung nagbitaw lang sila ng kumentaryo? Patunay lang siguro yan kung gaano rin kabias ang media sa pagbibitaw ng opinyon alinsunod sa kulturang nakagawin natin. Pero patunay rin yan kung gaano ka-immature ang taste natin sa pop culture!

5) Trending scenes

So, nagtetrend ang mga tagpo sa palabas na ito, ano? Sabagay, reality bites nga naman kasi. Maraming mga gago at manloloko sa aspeto ng relasyon; at kahit sa buhay mag-asawa pa kamo.

Pero, ano pa bang magagawa mo maliban sa manood, 'di ba? Basura na nga ang pinapakain sa 'yo ng mainstream media, 'di ba? Ay, may option pala. Either balita, o mga sporting events. Yun pa mas okay.

May ka-level ba? Yung Diary Ng Pangit, na overrated raw diumano sa mata ng iilan? Nah, hindi ako aakma sa ganyan, mga tol. Hayaan ko na lang magbigay ng kuro-kuro yung mga nanuod niyan mismo.

http://www.untvweb.com/
6) Sexual attempt

Nagbanta ang isang bruha na ilalaabas ang sex video ni Leila De Lima. Okay sana kung nasa kabataan pa ang mga 'to eh.

Kaso, nakaksura kaya. Lalo na't sinabi pa yan ni Sandra Cam, na hanggang sa ngayon ay napapataka pa rin ako kung sino ba ang babaeng ito, in the first place.

Away-bata na naman ang anggulo ng kwentong ito. Kumbaga sa pagkain na ang pinakamain dish ay pork barrel scam, ay sila yung desert na tinitira madalas ng mga bata. Tapos, yung mga “bata” na yan, ay yung mga taong nagse-sensationalize ng kwentong yan – ang media (where else?).

wheninmanila.com
7) Bad Filipino Taste

Maraming na-badtrip sa isang food blog. Di raw masarap ang Filipino food. Alam mo, as much as gusto kong magdisagree sa sinabi niya, naintindihan ko rin kung bakit ganun na lamanag siya ka-hasty mag-generalize.

Pero dahil likas tayong mga patola, ayan na naman tayo eh. Parang mga gago lang ah. Ano bang magagawa mo kung ganun ang taste buds niya? Ikauunlad ba ng cusine natin ang kanyang pag-criticize samantalang may pinaglalaban ang aleng ito sa kanyang mga foodie adventures?

8) Racist!

philstar.com
Sa totoo lang, wala akong nakikitang punto kung bakit pa natin kelangang patulan ang Singaporean blog na nagbitaw ng racist mark sa mga Pinoy. Siguro, kung may matinong grounds dito ito ay yung: una, pag ginamit niya ang pangalan ng bansa; at pangalawa, kapag nag-generalize siya.

Pero ang pagreact natin sa sinabi nila ay patunay lamang na racist din tayo. Oo, racist nga tayo, sa ating mga sari-sariling karapatan. Ang lalakas nating mangbulyaw, mang-asar-mang-alipusta, o manapak ng ibang tao, samatalang pikon rin pala tayo sa kanila pag sila'y gumanti?

Gago pala 'tong mga 'to eh.

pep.ph / facebook.com/pulpolitika
9) “Privilege” Speech

Ayos na sana ang pagbibitaw ng pahayag sa isang privilege speech. Kaso, may sabit: bakit ginawa mo pa itong entertaining? May music video pa na sariling komposisyon! Astig!

Pero para sa isang lugar na seryosohan ang palagiang diskurso gaya ng Senado, tangina sino bang tanga ang hihirit ng ganyan? Ano 'to, comedy bar? Variety show?

At mas masaklap, maliban sa pagtuligsa niya ay ito pa ang mas napagtuunan ng pansin? Sabagay, kung may nagsapakan sa opisinang yan ay bebenta rin sa takilya. Pero for fucking damn sakes naman: let's get fucking real here.

Patunay lang yan kung gaano na kashowbiz ang pulitka sa ating bansa, sa sobrang showbiz, aba'y hindi na rin kataka-taka kung bakit ganito rin ang takbo ng bulok na sistema sa atin.

10) Pacball

spin.ph
Mula boxing hanggang sa showbiz hanggang sa pulitika hanggang sa... basketball?! Seryoso ka ba d'yan, kuya? Well, wala sanang masama dun. Yan ay kung sasali rin siya sa tamang proseso gaya ng pag-apply sa rookie draft.

Kaso kung para-paraan lang naman ang usapan... ay, *tweet* technical foul na yan!

Saka pwede ba, tama na ang mga papogi maglaro sa PBA? Mas okay na yung mga “bisaya” maglaro eh (ayon yan sa mga tropa kong siga sa basketball court namin)!

http://www.pinoycelebritygossip.com
11)  Sibling rivalry strikes back!

Alam ko. Last year pa ang balitang ito. Pero dahil may bagong development na naman sa kwento nila, ayan na naman tayo eh, pinatulan ng publiko at ginatungan pa ng mainstream media. Hanggang sa nakanganga na naman tayo.

Anak ng pating. Ngayon lang ba tayo nakakita ng away-pamilya? Akala kasi natin sa teleserye lang ito nagaganap. Ay, mali, sa kapitbahay niyo rin pala tutal may pagkatsismosa ka. Aminin!

www.randomrepublika.com
12) Finally... they're ON! 

Kasabay ito sa pagputok ng balita ukol sa pag-aresto kay Senador Bong Revilla. Uy, sila na raw—sila Sarah Geronimo at Maetteo Gudicelli.

Eh kaso, ano ngayon? Ano na naman bang bago sa pagpuna sa lovelife ng mga artista? Buti na lang namatay ang pag-attempt na isensationalize nito. Tama yan, mas tutukan natin ang mala-Kap's Amazing Story episode ng pag-aresto.

13) Challenge accepted?!

Dahil sa isang challenge, nalagay sa alanganin ang palabas na Pinoy Big Brother. Dumating sa punto na kailangan pang ipatawag sila ng MTRCB, ay mali, ng Senado, para lang ma-sanction ang PBB. Nilabag daw ang Magna Carta. Patay tayo dyan.

pep.ph
Kaso, pustahan, sa ilang taon na susunod, may panibagong palabas na masasangkot sa kahalintulad na isyu. Kaya siya naging isang walang kwentang balita—dahil ang mainstream ay hindi matututo pagdating sa ethical standards. Basta for the sake of ratings at revenue, go lang nang go.

Speaking of which...

14) Scripted!

So, umere na ang PBB bago magtapos ang buwan ng Abril. Eh kaso, ano ngayon? Naglipana ang mag tweet ukol sa pagiging “scripted” nito diumano.

http://ffemagazine.com/
Asus, ano pa bang bago sa mga ito? Mas malala pa nga ang pagkascript nito kung ikukumpara sa WWE eh. Ang pinagkaiba lang nito ay hindi nabigyan ng hustisya masyado ang mga nag-audition na ordinaryong Pinoy (mantakin mong naging venue pa nito ang Araneta Coliseum para pumili lang ng housemate?!).

Saka, karamihan sa mga reality show ngayon ay naglalarawan man nag totoong kilos, pero may kanya-kanyang plot pa rin yan na sinusunod. So, bottom line: may script pa rin.

Saka ilang beses na nating naririg yan, hindi pa rin kayo makaget-over? Try mo patayin yang telebisyon mo at matuto ka naman magsaing at magluto ng ulam mo, at baka sakaling sumaya ka pa.

Minsan, naisip ko tuloy. Parang lumang kanta ng Bee Gees lang. Ang siste, the joke was on us. At ano na lang ang maari nating sabihin? Walang iba kundi... Boom Panes!

http://excretaonline.com/

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Sunday, 13 April 2014

BUWIS-IT (v. 2014)

4/14/2014 10:35:02 AM

Bukas ang pinakadeadline sa pagbabayad ng buwis.

Eh ano ngayon? Wala lang. Pinapalala lang naman nila, gamit ang kanilang nakakaka-LSS na jingle nila.


Aba, in fairness ha? May pagka-astig din.

Pero seryosong usapan lang, mukha talagang naghihigpit sila sa kampanya nila no? Matakin mo, ultimo si Punisher ay suportado ang galaw niya. Well, walang masama dun kung tutuusin. Obligasyon naman kasi ng bawat mamamayan na magbayad ng buwis eh.

Yun nga lang, sana naman kasi ay nasa tamang bulsa o kaban ito nalalagay. At maaring masabi na tapat naman kahit papaano sa trabaho niya si Commissioner Kim Henares. Ngunit, subalit at dapatapwat... yung mga nasa ibaba rin o yung ibang opsiayales ang may topak din kasi eh.

Nung minsan nga na nautusan lang ako sa BIR dati (nung panahon na rumaket ako bilang isang liason officer), ay nuknukan din ng sungit yung nakauspa kong officer.

Pero hindi ko sinasabi na lahat ay ganyan. Malay mo, either meron lang talaga si loko (merong topak! Ano kala mo, menstruation period?). Pero minsan kasi, nakaakinis rin na ibinabaling ng isang ‘to sa mga nag-aasikaso lamang ng mga binabayarang buwis tulad nbamin ang lahat ng ikaiinis nila sa buhay e. Kaya puwede bang itabi mo muna yang problema mo sa isang sulok at magtrabaho kang tangina ka?

Pero... masasabi bang napakarahas ng BIR sa kampanya nila? Mnaari, pero ganun talaga eh. Ito ang isa sa dalawang bagay na hindi mo kailanman matatakasan (maliban pa siyempre, sa kamatayan).

Kaya ganun na lamang ba ang angal ng mga taga-Philippine Medical Association at ultimo ang kampo ni Manny Pacquiao?

Kung tutuusin para lang yung kasabihan na “dura lex sed lex,” meaning.... ang batas ay marahas, pero yan ang batas. At ang pagbabayad ng buwis ay parang batas lang din – marahas lang talaga. Sa ayaw at sa gusto natin; kahit isipin natin na mas mahalaga pa rin na makakain ng tatlong beses sa isang araw kesa sa magbayad ng buwis.

Uulitin ko, sana naman kasi ay nilalagay na ito sa tamang kaban, at hindi sa mga ungas na pasimpeng dekwat ng bilyong halaga lang naman sa pork barrel, tapos pag nagkasakit pa ay sa buwis pa nating ito kukuhanan ng paggasta (actually yung detention itself pa lang eh, 150K na kada araw ang gastusin ayon nay an sa Philippine National Police).

Parang either way, olats pa rin tayo, ‘di ba?

Masasabi ba natin talaga na ‘we get what we paid for?’ Maari din, dahil sa karamihan sa atin ay hindi naman talaga nagbabayad ng buwis. At sinu-sino lang ba ito, maliban sa mga taong nasa middle class (aba, wag mong iismulin ang mga tulad nila, dahil kung hindi dahil sa kanila aba, walang ganung pondo ang gobyerno), at mga ilang prominenteng personalidad?

Sabi nga nila, THIS IS WHERE YOUR TAXES GO (or kung plural ang usapan, THESE ARE WHERE YOUR TAXES GO).

Screen-grab from WOTL EP DEATH AND TAXES
So, ang sa lagay ba ay sa illustrasyon lang ng pader na ito napupunta ang buwis natin? Kaya ba yung MRT natin ay bulok, ika nga ni Angelo Suarez? Kaya ba ganun na lang ang calibre ng mga imprastarktuka at serbisyong ibinibigay sa atin?

O masyado na rin akong namimilosopo?

Pero either way naman kasi no. Anyare sa buwis natin?

Hanggang drawing na nga lang ba talaga ‘to?


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Monday, 5 November 2012

Sila-sila Na Lang!

11/05/2012, 10:50 AM

 “Sila sila na lang!” Yan ang litanya ng magulang ko, at pati na rin ng ilang mga mamamayan na maalam sa mga maiinit na balita ukol sa magaganap na Midterm Elections sa Mayo 13, 2013.

Ano ba yan? Parang sila na lang ang magkakalaban at magkakapartido sa darating na halalan ha?

Oo nga e. Sino o sinu-sino ba ang mag-aakala sa ganito? Ang tatakbong mayor ay anak ni congressman? Yung asawa ni mayor, kakalabanin naman ang kabilang partido na tatakbo naming congessman? O gobernador, city councilor? Palibhasa may pangalan at kamag-anak na sa nasabing larangan e.

Pero matagal na kaya ang isyu ng political dynasty sa bansa. Oo, since time in memorial, p’re’t mare. Usong-uso na mula sa mga lungsod, at mas talamak pa nga ito sa mga probinsya. May mga pagkakataon pa nga na minsan, kung sino pa ang magkakadugo, sila pa ang magkakatunggali. E alam mo naman ang kalakaran d’yan. Sa ngalan ng kapangyarihan, may mga tao talaga na hahamakin ang lahat, makuha ang puwestong hinahangad.

At teka, ang pagkakaalam ko ay may tinakdang alintuntunin sa ating saligang batas na nagbabawal sa ganyan ha? Ika nga…

The state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may defined by law.

Iyun naman pala e. BAWAL, sa madaling sabi.

Pero ang sey naman nila dyan, “eh ang tao (mamamayan) din ang nagluluklok sa amin dito e.”

Hmmm… oo nga naman, ano? Tayo din kasi ang may kasalanan sa ganito, kaya ‘wag tayo basta reklamo ng reklamo. Kung tayo ay nagpauto sa mga patutsada ng pulitko, e talagang masasabi na tanga tayo. O kung mas partikular (dahil hindi tayo pwede na humusga sa pangkalahatan ng basta-basta lang), tanga ang karamihan sa mga botante. Sobrang laya ba kamo?

Pero may makikipagtalo diyan. Eh kasi sila na lang ang nasa listahan ng kandidato e. Kapag hindi naman tayo bumoto, wala rin naman tayong karapatang magreklamo.

Pero dahil sadyang pasaway tayo sa sobrang laya natin, buti kamo naiisip mo pa ang ganyan, ‘no?

‘De. Ang punto kasi dito ay kung may mga pulitko naman diyan na maprinsipyo sa mata natin, yung tipong makakatulong talaga sa pag-unlad ng lupang kinatitirikan natin, e yun ang dapat iboto. Bagamat ang masaklap na realidad lang kasi ay may mga tao din na may ganung kalidad, as in kwalipikado siya talaga… pero dahil sa pangalan o reputasyon ng mga kaanak nya sa pulitika, e talagang mapupunta siya sa alanganin sa ayaw at sa gusto niya. Bawal ang political dynasty e. May magagawa ba siya?

Meron actually, yan ay kung kaya pa niya maibaligtad ang ikot ng mundo. I mean, iwaksi ang tila stigma sa isyu ng dinastiyang pultikal. At paano mangyayari iyun? Maghintay siya na dumating ang panahon na siya na lang ang tatakbo sa ngalan ng angkan niya. ‘Wag yung tipo na ang erpat niya, tatakong senador; ermat naman niya, kongresista; tapos ang utol niya, vice mayor; habang siya ay planonaman sa pagiging alkade ng lungsod. As in all of the same time. Masyado naman tayong gahaman niyan.

One at a time lang, mga ma’am at sir. Alam ko gusto niyo maglingkod sa taumbayan pero bilang respeto na rin sa saligang-batas, sundin naman natin yun.

Author slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 30 September 2012

Deprivation to “Freedom of Speech” or “Freedom to Abuse?”


Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming umaalma ng “no more freedom of speech?!” sa mga Pinoy na laging naka-online pagdating sa usapin ng cybercrime act. Kahit po ang inyong lingkod ay tumutuligsa sa mga probisyon ng electronic libel. Oo nga naman, bakit parang pipigilan mo kami magsalita?

Sira ba ‘tong mga ‘to? Parang literal na sinungalngal o nilagyan mo ng busal ang mga bibig naming niyan. Pa’no ka aaksyon kung hindi mo alam ang mga hinaing ng mga kalipon mo. At… oo nga pala, akala ko ba kami ang boss mo, at hindi ka pwedeng makinig sa mg utos namin? Labo.

Pero, ang punto kasi, pagdating sa mga panukalang batas, kadalasan ay pumipirma lamang siya bilang punong ehekutibo ng bansang ito. At may veto process na sinusunod kung sakaling hindi aprubahan.

(Ayun ito sa usapan namin ng isa sa mga followers ko sa Twitter na itatago ko sa inisyal na I.M.A., ito ang mga posibleng pangyayari at pamamaraan  sa estado ng pagpirma at ng veto process)



1st way: Isa-sign ng president within 10-day period then balik sa congress for ratification.
2nd way: Hindi niya pipirmahan pero may veto message and reasons, buong bill yung dapat yung i-reject and not specific amendments then pass ulit sa Congress within 10 days.
3rd: hindi siya pipirma dahil adjourned ang Congress.
4th way: pocket veto, habang adjourned yung Congress, balewala na lang then magpapasa ulit ng panibagong bill, if nag-resume na.

Unless, 'pag wala masyadong angal si Kuya, deretso na yan  sa pirmahan at pag-implementa.

Unconsitional! Yan ang bira ni Senator TG Guingona. Oo nga naman, e ‘di ba bilang mamamayan ng bansang ito, may Bill of Rights tayo at isa sa mga nakalagay dun ay ang kalayan natin na magsalita o maglahad.

Pero hindi baka naman kaya nagkaroon ng ganitong batas ay dahil abusado na rin ang ilan sa atin? Napansin ko rin kasi na ang daming mga abusado sa mga social networking sites. Mga barbaro kung maka-asta, mga balasubas kung makapagsalita, lalo na kung ayaw nila ang mga artikulo o post na nabasa nila. At karamihan pa sa mga ito, katakut-takot na mura ang mga wini-wika.

Not to mention, marami rin kasi ang mga mapupusok na kabataan sa internet, mga taong hindi pa nila tuluyang naiintidihan ang mga pinagsasabi nila kahit sabak lang sila ng sabak sa kada thead o usapang pinapasok nila. Kung makapagbanta sa mga kaaway nila, daig pa ang mga tunay na kawatan. Pambihira.

Pero dapat kasi matuto din tayo na walang bagay sa mundo ang tinatawag na “absolute freedom.” (Ano ka, Diyos?) At ika nga ng palabas na Spiderman, “with great power comes great responsibility.” Ang lakas kaya ng kapangyarihan ng anumang salita na nilalahad natin, lalo na sa panahon ngayon na napaka-accessible na ng internet sa atin. Kaya kahit ang ultimong “hehehe!” ay kaya nang i-build up ang isang bagay o sirain naman sa kabilang banda. Oo nga pala, ayon kay Sen. TG, ang ultimong “hehehe” ay posibleng makapagpahamak sa iyo lalo na kung agree ka sa isang post na sa mata ng iba ay libelous. Ouch!

At hindi porket tila libre na at malaya tayong gumamit ng mga bagay tulad ng internet ay aabusuhin na natin ito ng sobra-sobra. Alalahanin mo, lahat ng mga kalabisan na bagay ay nakakasama.

Kaya isang leksyon na maituturing din ito sa karamihan… na maging responsible sa mga sinasabi. Tama din kahit papa’no yang wika na iyan ni Spokesperon Lacierda.

Author: slickmaster | Date: 09/30/2012 | Time: 9:32 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Paano silang mga bata?


Magtatanong lang po, tutal uso naman pag-usapan ang batas na ito.

Teka, paano na nga lang ba ang mga kabataan kung ma-implementa ang Republic Act 10175 o ang Cybercrime Protection Act of 2012?

Karamihan kasi sa mga bata ngayon na napapansin ko ay sadayng mapusok. At hindi lang to usapin ng PBB Teens, ha? Sa mundong umiikot ang karamihan sa kanila sa mga aktibidades pagkatapos ng klase gaya ng DotA, walang kwentang relasyon, teenage sex, usapang “crush,” “face-off” sa wall photos ng Facebook, sa mga “frat,” mga pipitusging musika ng popular na kultura, ultimo mga tunog-dyip na hip-hop at iba pa… May mga… well, (err) ganyan, na mga kabatan. Nakikita ko pa ang mga yan base sa mga laman ng news feed ko sa Facebook pati na rin sa Twitter. Karamihan kasi sa mga iyun ay mga tao na mas bata pa sa akin.


Ilang mga senaryo ay yung maghahamon pa ng away, mga parinigan sa status at tweet. Akala mo ang aangas magsalita e wala naman sa tamang porma ang mga tina-type. Pati ang pangalan ng Diyos, jine-jejemon pa. Mahiya naman kayo kahit sa salitang yan lang, ‘oy!

At yung iba pa sa kanila, mapangahas na makikipag-away pa… literal sa mga post. Nasasara ko na lang ang browser ko sa dismaya at sa iwas na makihalubilo ako bilang tagapammagitan sa mga ito. Kahit kasi ituring ka pa ng mga ito na “kuya” sa mga ito, e hindi ka naman talaga sigurado kung makikinig ang mga ito. Wala itong pinagkaiba sa sirang-plaka na sermon. Entrance sa left ear, exit sa right. At, bakit ka nga ba makikialaam, ‘di ba?

Oo nga, paano na lang kung maiimplementa ang RA 10175 at masasapul din talaga nito ang mga kabataan (as in qualified sa electronic libel at cyber bullying ang ginawa nila), lalo na sila pa mng mas expressive na tao sa social media ngayon kesa sa mga tao na talagang lehitimo o nasa wasting edad para gumamit nito? Kahit sabihin natin na “ay, sus. Slick Master, wa-pakels naman yang mga bata e,” O sige, let’s give that as the benefit of the doubt. Pero ‘tol, sa hanay ko kasi hindi lang karamihan sa mga online friends ko ay ang mga bata, pati na rin ang mga pamangkin ko. Kaya hindi ko rin maiwasan na maging concern lalo na sabay sa uso rin ang karamihan sa kanila.

Kung maimplementa nga naman ang RA 10175 at nagkataon na maaktuhan sa krimen ang mga ‘to? May magagawa ba talaga ang batas diyan, o baka matulad lang din yan sa mga batang hamog sa Guadalupe na iwawagayway ang birth certificate nila and presto, deresto sa DSWD or else, lalaya din. Hindi ko lang alam kung may naka-foresee nito sa mga mambabatas.

Bagamat sa pagkakaalam ko ay mas matimbang ang posibleng kaharapan ng sinuman sa batas na ito. E ayun lang.

Siguro, tama na rin ang sinabi ng tropa ko na katext ko sa usapang ito. Tignan na lang natin ang resulta. Sana lang matuto ang mga bata ngayon dahil mkung hindi, nah, malalaman nila na ang bagay na kinaadikan nila sa internet ay ang tiyak na makakapagpahamak din sa kanila kapag sila ay umabuso lalo. Naku.

Nagtatanong lang po.

Author: slickmaster | Date: 10/01/2012 | Time: 11:48 a.m.
(c) 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 25 September 2012

Tama na ang sisihan. (The LRT suicide story)


Suicide. Isang akto ng pagkitil ng tao sa kanyang sariling buhay. Madalas ito ay ginagawa sa isang pribadong lugar. Pero isa rin sa mga antigong pamamaraan ng pagpapatiwakal ng isa ay ang ipasagasa ang sarili sa isang sasakyan, particular sa tren.

Noong Agosto 30, 2012, ilang minuto bago mag alas-6 sa isang Huwebes na umaga, isang insidente ng suicide ang nangyari sa EDSA station ng Light Rail Transit line 1 sa Pasay City. Isang nangngangalang  Victoria Lucy Aroma, tinatayang nasa 50 taong gulang, ang tumalon sa riles sa eksaktong paparating na tren sa nasabing isatsyon. Nang dahil diyan, nasuspinde ang operasyon ng LRT sa ilang mga istasyon noong mga umagang iyon. Nalalagay din sa alanganin ang train operator nito dahil naharap siya sa kaso ukol dito.

Teka, ang operator, naasunto? Sira ba sila? Iba ang batas ng riles sa batas ng kalsada. Ano ba iyan! Kung sa mga tulad ng kotse, trak, bus, dyip o ultimo ang motorsiklo, pwede ka makapagpreno ng biglaan, sa tren… hindi kagad makakapagpigil iyan kahit nakatodo n gang pag-tangka na huminto. Nagii-slide pa nga yan e dahil sa riles nga ito dumadaan at iba rin ang makina niyan kung ikukumpara sa mga tipikal na sasakyan.

Ayon sa salaysay ng kamag-anak ng nagpatiwakal na biktima, ilang araw na itong balisa. May iniida kasi itong bukol o tumor sa kanyang mukha at umabot na ito ng dalawang dekada. Hmmm… kaya sa totoo lang, hindi mo rin siya masisisi kung bakit niya ginawa e. kasi pag once na dumapo sa isang depressed na tao ang patayin ang kanyang sarili, naku hindi pwedeng isawalang bahala iyan. At ‘pag once kasi na nasa ganung estado na ng pag-iisip, ay madalas sa pagkakataon, wala na sa katinuan yun e. Malakas ang suicidal tendencies ng isang tao kapag depressed ito.

Kaya sa totoo lang kung sinisisi mo siya kung bakit ka na-late sa trabaho o pasok sa klase mo, e ayun naman pala e. May pinagdadaanan ang ale. Hinay-hinay kasi sa pangangastigo dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay.

Pero sananga naman ‘di ba? Kung pwede lang huwag na lang magpakamatay. Maraming mga magagandang bagay sa mundo na maari mong mapansin kahit sobrang down ka. At malay mo, isa sa mga ito ang makapagpanumbalik ng iyong sigla.

Sa datos ng Light Rail Transit Authority, 10 sa 24 na pangkalahatan na beses ng suicide attempts sa LRT, nagtagumpay. At ayon na rin sa kanila, isa sa mga taon noong dekada '90 ay 7 beses ang naitala ng pagpapatiwakal sa LRT, at 5 sa mga ito ay natuluyan.

Kung may ipapanukala na dapat daw ay may bagay na po-protekta sa mga pasahero sa LRT, I think dapat matagal na ito e. kahit noong panahon pa na wala pang nagtatangka na magpakamatay sa nasabing linya ng transportasyon. Nabuhay lang naman ang isyu na ito nang dahil diyan e. Ganun? Mag-aantay pa ba kayo na may maging successful sa kanilang pagtatangka ng pagpapakamatay bago niyo sabihin iyan? Naku naman.

Pero kung walang pondo ang usapan, e sa tingin ko ayos rin naman ang mga itsura ng mga platform area ng kasa isatsyon e. Ano lang kailangan? DISIPLINA ng mga pasahero. Kung may itinakdang linya na hindi pwedeng tapakan at tayuan ng mga pasahero dun, e dapat sumunod.

Pero kung titignan mo ang CCTV e biglaan ang mga nangyari e. Kagimbal-gimbal nga na a la horror scene ang dating sa morning TV. Nyai. Inay kupo!

Wala e. Nangyari na. Huwag na tayo magpin-point ng mga daliri. Matuto na lang sanatayo sa mga nangyari.

Author: slickmaster | Date: 09/23/2012 | Time: 11:45 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions


Wednesday, 15 August 2012

Playback: Wanted: The Road Rager

08/15/2012 | 10:47 AM

Another bad case of road rage was up in the air after the news and public service TV program T3 of TV5 aired on its first segment the video of what their crew witnessed at the intersection of Tandang Sora and Capitol Hill streets in Quezon City.

A certain Robert Blair Carabuena flared up and hit a traffic enforcer of the Metro Manila Development Authority by the name of Saturnino Fabros. All in that and more in this video, which is my pick for this week of August 12-18.

This was the very initial report of the said road rage case, which spared another wildfire of reactions all over the mainstream media and on the social media as well. Carabuena has been the main target of the raging comments on its article on INTERAKSYON.com (link: http://www.interaksyon.com/article/40433/caught-on-video--motorist-mauls-mmda-enforcer)


You'd be the judge, folks. I'll had already my take in The SlickMaster's Files. See the next post!

author: slick master |  (c) 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 5 August 2012

BAKIT BA HINDI MATAPOS-TAPOS ANG DEBATE SA RH BILL?


Bago po ang lahat, hinihikayat ko po ang lahat na maglahad ng opinyon sa isyung ito sa maayos na pamamaraan. Igalan po natin ang pananaw ng bawat isa at wag pong mamemersonal. Maraming Salamat po, mga tol.

Babala: Ang mga nailahad sa blog na ito ay pawang opinyon lamang ng awtor. Striktong Pag-unawa at pag-Galang ko ang kailangan. 

Reproductive Health Bill (Photo credit: kuro-kuro.org)
Ang tagal na nito ah! Ilang taon nang pinaguusapan to. Nagbago na rin ang mga pamagat at administrasyon. Nakatatlong SONA na ang kuya mo. Pero ang tanong, bakit hindi maipasa-pasa ang House Bill No. 4244 or An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and For Other Purposes, o sa medaling salita, ang RH Bill?

Ang HB 4244 ay unang inilatag sa Kamara de Representantes ni Albay Congressman Edcel Lagman, habang si Miriam Defensor Santiago ay may Senate Bill  No. 2378 or An Act Providing For a National Policy on Reproductive Health and Population and Development. Unang prinoposed ang RH Bill noong 1998 sa nasa panahon pa ng 15th Congressat ang mga taong nagpanukala nito ay sina House Minority Leader Edcel Lagman of Albay, HB 96; Iloilo Rep. Dale Bernard Tuddao, HB 101, Akbayan Representatives Kaka Bag-ao & Walden Bello; HB 513, Muntinlupa Representative Rodolfo Biazon, HB 1160, Iloilo Representative Augusto Syjuco, HB 1520, Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. **

Pero 1998 pa yun. Anong petsa na? nauna pa nilang iimpeach sina dating Ombudsman Merceditas Guttierez at ex-Supreme Court Chief Justice Renato Corona? Nakulong na nga ang kabaro nila at nakalaya na nga ulit lahat-lahat, natalo na si Pacquiao na isa rin sa mga colleague nila sa Kongreso. Pero itong isa sa mga dapat pinagtutuunan ng pansin na panukalang batas… PENDING pa rin? Anak ng pating naman oh.

14 years na naipanukala ito kaya sa malamang long overdue na rin ito kung maituturing. Halos walang pinagkaiba sa mga batas na napagiwanan na ng panahon at kung recent issues ang usapan, isama mo na ang National Artist Award para kay Comedy King (pero hindi na nila saklaw yun).

Buti na lang, isa ang Reproductive Health Bill sa mga top priority bills ngayong taon. Aba, dapat lang, ano. Pero yun nga lang, may bibira dyan, hindi kaya hinahapit na ang ganitong klaseng panukala? Sa lipunang napakalaya at iilang naghahanap ng butas, hindi na ko magtataka sa mga ganitong klaseng sentimiyento. Inunahan ko na lang.
Isa ang RH bill sa mga pinakakailangang batas ng bansa ngayon. Yun nga lang, kailangan itong maimplementa ng maayos at huwag san matulad sa pumaplya na tulad ng RA 9344 o ang batas ukol sa Juvenile Justice.

Maraming mga tinig na umalingawngaw mula sa magkakabilang panig ng nasabing isyu. Mula kay Carlos Celdran hanggang sa mga pari sa Catholics Bishops Conference of the Philippines, hanggang sa mga business groups, mga kilalang personalidad sa lipunan at pulitika, at pati na rin sa mga netizens sa mga social networking sites. Kung meron man walang pakialam dito,  yan ay yung mga taong salat pa sa isyung ito. (aray ko po!) Malamang, dapat asahan mo nay an, lalo na sa isang demokratikong lipunan tulad ng Republika ng Pilipinas. “It’s a free country, you can do whatever you want,” ika nga ng isang tanyag na noontime show.**

Hindi kaya ito rin ang dahilan kung bakit hindi madesisyunan ang RH Bill? Sa sobrang dami ng opinion, argument at nakikialam, e hindi makausad o masagot kung dapat ba itong ipasa o hindi?

Hindi rin e. dahil hindi naman lahat ay either YES or NO ang boses sa RH Bill. Yung iba dyan, katulad ng sinabi ko kanina, “wapakels.” (Aray na naman, double black eye na ha?) ‘de, ito yung sa akin. Hindi ko pa tuluyang mailalahad ang sagot ko. Noong una kong sumulat ng blog ukol sa batas na iyun, sa “neutral” side pa ako. Hindi naman saw ala akong pakialam. Pero aminado po ang inyong lingkod na bago ako ilahad ang pananaw ko ukol sa isyung ito e kailangan ko ng mabusising pag-aaral sa batas na ito. At kailangan ko din na timbangin ang mga opinion ng iba na posibleng makaimpluwensya rin. Kung rpo-choice ba, o pro-life.

Minsan, kinwestiyon ko ang pakikialam ng Simbahan ukol sa nasabing batas na ito. Ayon sa isa sa mga kaibigan ko na blogger din dito sa Definitely Filipino, hindi naman sa nakikialam ang simbahan pagdating sa teknikalidad, pero kapag moralidad na raw ang usapan, ditto na raw sila nanghihimasok. Hmmm… may punto rin pala. Pero saklaw pa rin ba kaya yun ng separation of the church and state? Hindi ko masasabi kahit napag-aralan ko ng husto ang Pol Sci noon. Nalalabuan pa rin ako parang mata ko lang sa isyung ito.

Sa pag-oobserba ko, ang mga kaibigan ko ay PRO sa RH Bill. At meron din naming ANTI, pero aabutin tayo ng siyam-siyam kasi sa pagbibilang ng mga dahilan nito e. Blog post lang ang kaya kong isulat sa oras na ito, hindi po chapter ng nobela. Hehehe! **

Isang magandang batas pala na pagtalunan ang RH bill, pero utang na loob, dapt matapos na ang pag-aaway ng mga tao ukol sa isyu na ito soon. Pero, isang magandang batas nga ba ito para sa bansa kung ganoon? Masasabi na rin na oo. Kaya lang, mahirap pumanig sa isang side nang hindi mo lubusang naiintindihan ang paksang pinagtatalunan. Napakasensitibo ang topic na ito, sa sobrang sensitive, yung iba, halos magpatayan na sa salita.

Kaya para sa neutral pa na tulad ko, ito na lang siguro.

Welcome po na sumagot kayo sa isyung ito, pero hinihinikayat kop o na walang personalan na mga tirada, ha?  Igalang po natin ang opinion ng bawat isa, que ANTI man kayo o PRO. Yun lang, maramaing salamat po sa mga sasagot, at Mabuhay po kayo.

Sources:
1 - http://en.wikipedia.org/wiki/Reproductive_Health_Bill
2 - http://www.youtube.com/watch?v=hDHSRYXn2PM
3 - https://www.facebook.com/photo.php?fbid=482895178387335&set=a.163406853669504.38385.163404643669725&type=1&ref=nf\
4 - https://www.facebook.com/antirhbill
5 - https://www.facebook.com/groups/196738137099371/
Author: slickmaster
Date: 08/06/2012
Time: 01: 25 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 24 June 2012

Ang patutsada sa isyu ng opisina’t relihiyon.

Isang pasada sa isang kamakailang mainit na balita. Kamakailan lang ay may panukala ang isang kongresista na ipagbawal ang anumang mga bagay na may kinalaman sa relihiyon sa loob ng mga opisina ng pamahalaan. Ayon kay Kabataan partylist representative Mong Palatino, ang House Bill 6330 ay naglalayon na i-ban ang ang mga gawaing may kinalaman sa relihiyon, kasama ang mga panalangin, misa, pagbababasbas at paglalagay ng mga anumang bagay na tulad ng crucifix, Bibliya, Koran at iba pa sa loob ng mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kasi kay Palatino, ang mga relihiyosong simbolong nakikita sa mga lugar na ito ay tila nagendorse ng isang particular na pananampalataya. Yung ibang empeyado daw e napipilitan daw na umattend ng mga misa at iba pang mga relihiyosong aktibidades ng kanilang mga superiors. Yung iba, hindi makagawa ng mga dapat na transaksyon tuwing lunch break dahil sa nasa misa ang mga kawani nito.

Naging isang mainit na balita na naman to sa iba. Kaliwa’t kanan ang mga taong naglahad ng opinion sa panukalang ito sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at iba pa; at pati na rin sa mga blogs, at diyaryo sa iba’t ibang panig ng bansa.



May mga sumang-ayon. OO nga naman, ‘di ba dapat ang isang opisina ay isang lugar para magtrabaho? Bakit hahaluan to ng ibang mga bagay tula ng relihiyon? At isa pa, hindi lahat ng mga nagtatrabaho sa ating bansa ay magkakasapi rin sa pananampalataya. Talagang may tao sa ating mga pamayanan na iba ang Panginoon na sinasamba, yung iba, walang relihiyon pa nga e. Hindi nga naman magiging pantay yun, di ba?

At sa kabilang banda, meron ding tumuligsa. Sabagay, sa isang bansa na ang dominanteng relihiyon ay ang Kristiyanismo at Katoliko, hindi yata pwede yan. Lalo na kung ikaw ay yung tipong nagsa-sign of the cross bago mo buksan ang mga papeles at PC mo para simulan ang isang nakakastress na araw dahil kailangan mong magtrabaho para may mai-contribute ka sa iyong kumpanya at pamilya.

As usual, talagang kokontrahin ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Asahan mo na iyan. Ayon sa kanila, hindi freedom ang nasabing panukala. Pagkitil daw ito sa sa kalayaan ng tao para manampalataya.

At yung iba, ang OA lang. May masabi lang kasi. Isa sa mga matutunog ay yung tila sinusumbatan ang mambabatas na Palatino ng “anti-God.” Oo, OA na nga. Pag-aralan niyo kaya yang mga salita niyo bago niyo isumbat yan sa iba, ano?

Pero dahil sa tahasang pagbatikos ng nakararami e humingi siya ng paumanhin at hindi na niya ipatuloy na ipagsabatas ang Constitutional Provisions on Religious Freedom in Government Offices. Nilinaw ni Mong na hindi niya intensyon na i-ban si God. Sa malamang, ay hindi naintindihan ng karamihan ang batas na ito. Names-interpret.

Hmmm... sa tingin ko, oo. Baka nga hindi ito lubusang naintindihan ng iba. Iba kasi ang mga bagay sa ganitong aspeto e. At isa pa, mahirap makipag-argumento sa mga bagay-bagay na may relasyon sa pulitika at relihiyon.

Ito lang siguro, ano? May mga bagay kasi na dapat e nilulugar. Katulad ng opisina, simbahan at iba pa. Kung idadagdag mo ang bahay na “bakit may mga taong nagrorosaryo sa kani-kanilang mga tahanan?” e ibang usapan nay an. Ang sa akin, pwede ipatupad yan. Dapat talaga ipagbawal mo ang misa, Bible Study at iba pa dahil nga hindi naman lahat ay nakakrelate sa mga ganitong bagay.

Pero sa kabilang banda kung hindi mo trip ang nakikita mong mga ganito sa workplace mo, e respeto na lang din sa relihyon mga tol, at tanggapin mo na lang din ang katotohanan na hindi mo kasi garantiya na masusunod yan ng mga manggagagawa yan e. Kasi nga naman, may mga tao na pinaka-top priority si God, which is tama lang din naman para sa akin. Ayon na rin sa mga obserbasyon ko, may mga tao kasi na nagdadasal muna bago magtrabaho at yung iba, pagkatapos ng isang mahaba-habang araw ng pagtatrabaho. At hindi mo na matatanggal yun sa kanila, hindi dahil sa nakasanayan nila pero dahil sa magandang kapakanan nila.

At, bago ko pala tapusin ang lahat, isang bagay na lang dapat ang ipagbawal sa relihiyon. Ang pagiging IPOKRITO.