Friday, 18 July 2014

Unconstitutional?!

7/15/2014 10:50:29 PM

Ayan na. Lumabas na ang desisyon ng Korte Suprema; aniya, “unconstitutional” daw ang Disbursement Acceleration Program fund o sa madaling sabi, ang DAP. At 13-0 yan, isang bonggang-bonggang unanimous decision, na kala mo ay sa mga laban sa UFC at boxing mo lang maririnig ang katagang yan.

O tapos, ano na? Unconstitutional pala yan eh!

Kung susundin ang ginawa sa Priority Development Assistance Fund, o PDAF, ay dapat i-scrap na rin ito: tanggalin na sa budget ng bansa.

Yan ay kung hindi magpapatalo ang executive government sa desisyon ng SC. Ngunit, yun lang—sa isang mala-State of the Nation Address (SONA) speech kagabi, ay tila kinalaban pa ni Pangulong Noynoy Aquino ang Supreme Court sa salita nito. So, pa’no na yan? Mukhang magkakandaleche-leche pa yata ang isyung yan ah. Kung si Senator Osmena ang tatanungin, maaring magkaroon ng isang masalimuot na senaryo na kung tawagin ay “constitutional crisis.”

Pero, ano pa nga ba ang problema sa DAP, maliban sa sinasabi na ang ponding yan ay isa rin sa mga ugat ng katiwalian sa ating bansa sa kasalukuyan? Ewan.

Dahil sa pera lang ba nagiging corrupt ang isang tao sa pamahalaan? Parang may pagka-illogical rin kung isisisi sa material na bagay ang lahat ng kagaguhan eh. Sa totoo lang, hindi ang pera ang ugat ng lahat ng kasamaan, kundi ang labis na pagmamahal rito.

Ngunit sa kabilang banda kasi, patunay rin lang yan na kung gaano dyino-Diyos ng tao ang mga makamundo’t makapangyarihang bagay tulad na lamang ng salapi sa ngalan ng DAP, at yung PDAF, o sabihin na lang natin na “pork barrel.”

Ano kaya kinakatwiran ng kuya mo, kaya tila nagmumukha siyang stubborn sa mata ng nakararami? Oo, as in parang ang tigas ng ulo niya na sinusuway ang tawag sa utos na ‘yan ng kan’yang mga boss?

Dahil magagamit na emergency fund raw ito? Kung ganun, nagamit ba ito sa panahon ng kalamidad noong nakaraang taon gaya ng lindol sa Visayas at ang pagtama ng super-bagyong Yolanda sa ating bansa? At pati na rin noong Habagat sa Luzon? Kung hindi, eh ano pa nga ba ang pinaglalaban niya kung ganun? Naalala ko lang na isa yun sa argumento niya noong minsa’y pinutakte na ang DAP na ‘yan.

Sa isang anggulo, masyado nga ba tayong mapagpuna, kaya ang mga bagay-bagay na magsisilbi sanang pakinabang sa atin ay tinitignan na rin natin ng masama? Alam ko, pera yan; at marami na ang patunay sa isang antigong kasabihan na binanggit ko sa mga naunang talata ng artikulong ito; pero… parang masaydo naman tayo naggeneralize o nagstereotype.

Na parang ganito: sabihin na natin na, okay, maganda naman ang hangarin ni PNoy kaya niya itinatag ang DAP.

Pero sabagay rin kasi, unconstitutional na eh, sabi ng isang sangay ng pamahalaan natin. That already said enough. Sapat na preba na ‘yan, kaya nga nag-alburoto ang mga tao kay Secretary Abad ng Department of Budget and Management, ‘di ba?

Pero sa akto ng disagreement ng pangulo, tila kinakalaban niya ang paahalaan niya. Kahit sabihin pa natin na sa lahat ng tatlong sangay ng gobyerno natin, ang huradikatura ang tila pinakamahina pagdating sa pag-exercise ng kapangyarihan.

Naku, mahaba-habang dayalogo at debate na naman ito panigurado.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment