Saturday, 12 July 2014

Umuwi Na Si LeBron. Eh Ano Ngayon?

7/13/2014 11:02:56 AM

So, ayan na. After four years, balik siya sa kanyang tirahan (hoy, bahay yan, iba kagad iniisip mong hinayupak ka eh). From Miami, he’s back to the Cavaliers.

So, ano na? Ano naman ngayon kung babalik siya sa Cleveland? Ano o anu-ano ang mga posibleng mangayri, maliban sa malamang na maapektuhan na naman ang takbo ng NBA nito gaya ng paglipat niya sa Heat noong 2010.

Actually, ewan ko. Basta, ito lang ang mga siguradong mangyayari.

Yes, alam ko. Marami na naman dyan ang magiging hater, err, HEATer pala. Lagi naman eh. Ano pa bang bago sa mga ito? Noong nadraft siya sa NBA, maraming pumuna sa kakayahan niya. Noong lumipat siya sa Miami, desperado raw. Eh ngayong babalik siya ng Cleveland, ano na?

And actually, pustahan, nangyayari rin yan sa ibang player. Ang pinagkaiba lang: dahil maboka siya at lagi niyang kadikit ang media hype... ay, matik na ‘yan: sa kada desisyong nagaganap, laging may tatlong panig – ang mga taong susuporta sa iyo, yung madidsmaya sa ‘yo, at yung mga simply... walang pakialam.
Eh ano naman kung lilipat si LeBron sa Cavs? Gaya ni Pau Gasol sa Chicago? At ni Melo sa... teka, saang koponan nga ba? I think babalik siya sa New York eh. Ganun din si Chris Bosh.

Wala na bang pag-asa magchampion muli ang Miami Heat dahil disbanded na ang superstar trio nila, gaya na lamang ng nangyari sa Boston Celtics? Sa tingin ko, mas lalawak muli ang kumpetisyon nito para sa kampeonato na napanalunan ng San Antonio Spurs nitong nakaraang buywan lang. Pero mas malaki ang pagkakataon para sa OKC nito. Yan ay kung makapag-paMVP muli si Durant, at kaya nilang kontaminahin ang Spurs.

Pero, ano naman ngayon kung aalis si LeBron ng Miami? Kung gusto niyang bumalik sa bahay niya – sa Cleveland? Pustahan, yung mga hater nya sa Cavs, malamang karamihan dun, magbabalik-loob muli sa kanilang pagiging malanding fanboy. Ayos din kayong mga bandwagon-riders e no?

At malamang, karamihan dyan ay magsasabi ng ganito:

Hindi na ako fan ng Heat.
Bakit?
Eh wala na dyan si LeBron eh.

Wow, okay sana eh. Kaya sa totoo lang, mas prefer ko na lang na maging fan ng mga player kesa sa team.
Mukhang buong summer na naman magiging talakayan ito sa larangan ng palakasan ah.

Anyway, ayos lang yan. Pero uso magmove on, mga tol, ha?


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment