7/12/2014 10:31:08 AM
Ito ang narinig mo sa State of the Nation Addres ng Kuya mo last year (Lunes yun to be exact, July 22, 2013).
“Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?”
Hanep. Panalong soundbyte ah. Pwedeng gawing ringtone pag may nagtetext sa yo na alam mo na isang tiwaling tao, o manlolokong ex, o yung plastik mong kaibigan.
Parang minsan maiisip mo na lang: saan kaya may ganun? Wala sa tindahan eh, sa supermarket, o sa wet and dry market, o kahit sa mga underground shops, o warehouse na may illegal na droga?
Nasa ilalim kaya ito ng dagat? O nakatago sa mga magma ng bulkan, o nakabaon kaya ito sa sementeryong walang puntod? O baka naman sa outer space?
Pero seryosong usapan lang (as in pulitikal), lumabas ang ganitong tirada noong may pinapatamaan siya sa mga tila tiwaling ahensya noon (di nga lang ako sigurado kung DPWH yun o Bureau of Customs).
Pero, sa panahon na ito, akmang-akma yun ah. Oo, mararaming makakapal ang mukha sa lipunan natin, at hindi lang ito yung mga nakaupo sa alinmang opisina ng pamahalaan ha?
Minsan naiisip ko, masarap siguro itanong yan sa mga kupal sa ating lugar. Oo, yung mga tipon:
Kina-cut sa mula sa blind side tapos sila pa ang may ganang magalit sa ‘yo at hahamunin ka pang manu-a-mano oara pandagdag danyos. Tangina lang eh no?
Yung mga nagnanakaw sa kaban ng bayan (pero siyempre, sino ba namang aamin sa kalokohang yun), pati yung mga nanlalamang sa mga customer nila, pati na rin sa kapwa nila, yung namumulitika sa opisina. Yung mga tipong hindi pumasok dahil may sakit raw siya (pero actually, ang sakit niya ay “katam” — short for katamaran.)
Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?
Pero mas applicable ito sa mga larangan ng pamhalaan. Kasagsagan rin kasi ito nun ng pork barrel scam. Nakapagtataka nga naman, kasi yung mga snatcher, holdaper na mula sa mabababang antas ng pamumuhay ay nakukulong at nabubulok talaga sa kulungan (maliban na lang kung may taga-bail sila sa sindikato, o bata sila ng ilang kapulisan), tapos katiting lang ang nakukuha nila ha?
Kung ikukumpara yan sa mga high-profile? Wag ka, mga pare’t mare, parang hotel room lang ang detention facility nila. Tapos sikat pa sila lalo, kulang na lang ay tuluyang i-glorify pa ng mainstream media.
Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga ito?
Pahingi naman, nakakahiya naman sa inyo ha?
Author: slickmaster |© 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment