7/27/2013 2:36:32 PM
Dahil tag-ulan na naman ulit, uso na rin ang mga pagbaha. At usong uso rin sa mga uri ng panahon ang tila kaakit na nitong sari-saring serye ng mga reaksyon na napapansin natin. Kunyaring halimbawalang, pag umaaaraw, uso rin ang panaon ng tagtuyot. Tapos, uso rin ang mga pagkain tulad ng ice cream, halo-halo, at iba pa. Parang domino effect o chain rection ang datingan nga lang. Sanga-sanga ang epektong maidudulot ng isang karampot na sanhi.
Dahil tag-ulan na nga, usong-uso ang baha. At pag may baha, may mga lalangoy. Siyempre, hilig ng mga bata ang magtampisaw sa tubig e. Wala nang pakelamanan kung galing ba sa imburnal ng bahay mo yan, sa malapit na creek, o sa ilog mismo. basta, gusto lang nilang maligo. Period. Tapos!
Pag may baha, may trapik. Siyempre, babagal ang takbo ng sasakyan sa kalye pag ganun. Kotse naman at hindi bangka ang kanilang minamaneho. At ilang dipa o talampakan lang ang lalim nito kung ikukumpara mo sa mga daluyan ng tubig mismo na ilang metro ang kalaliman.
Pag may baha, may trapik. At pag may trapik na may kinalaman sa pagbaha, may nasastranded na pasahero. Di makasakay, di rin makalakad. Therefore I conclude, hindi rin sila makatuloy-tuloy sa kanilang lakarin o pasukan kung nai-stranded sila.
Pag may baha, may mga maglilipanang motorsiklo at pedicab. Kung sa lingsod ng Maynila pa, merong tinatawag na “kuliglig.” Alternatibong transportasyon kung sakali na di ka makasakay ng jeep o bus. Ganun din kapag hindi ka makapaglakad. Yun nga lang, sa halanagang abot-kaya (teka, abot-kaya nga ba?) makapagpapatuloy ka sa biyahe mo.
Pag may baha, usong-uso ang bentahan ng bota at tsinelas. Bakit ganun? Siyempre, ala namang isugod mo sa baha ang suot mong sapaots. Kung hindi ba naman masira yan sa mga susunod na araw (o jung japeyks pa yan, baka kinabukasan), no? O kung takot ka rin naman na magkaalipunga o masugatan sa daan? At bakit mo naman irirsk ang sarili mo na sumugod kung may ganitong bagay ka naman sa bahay mo?
Pag may baha, may mga sakit na dala ito. Tulad na nga lang ng alipunga o leptospirosis. Masyado nga lang teknikal, este, medical para maipaliwanag ang mga yan. Baka masabihan mo pa ko na “Speak English” o “Mag-Tagalog ka nga!” niyan, kahit hindi ka naman si Captain America at hindi rin naman si Iron Man ang iyong kausap. (Ano ‘to, ang pelikulang Avengers?)
Pag may baha, may basura. At hindi pa ron alam ng karamihan na ang katiting na piraso ng basura ay nagiging ugat ng katakot-takot na delubyo. Hindi na tayo nagtanda, sinalanta na nga tayo ng ulan ni Ondoy. Ni ultimong habagat nga, pinerwisyo pa tayo e. At saan ba nanggagaling ang mga basurang yan? Na bumabara sa mga estero at daluyan ng tubig? Ops, huwag lang sa mga informal settler ibuntong ang sisi d’yan. Ni ultimo tayong may-kaya, mga edukado at sibilisadong nilalang nga e nakakalimot tayo kung saan dapat natin itapon ang ating mga basura. Isa ring malalang sakit sa ating lipunan ang pagiging hipokrito.
Pag may baha, usong-uso ang kapraningan. Praning na nagbibigay kaalaman s atin. Kapraningan na gumigising sa natutulog nating diwa. Na maging alerto at mapagmatayag sa mga baltiang may kinalaman sa panahon. Tama lang yan.
Author: slickmaster | © 2013, 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment