Showing posts with label problem. Show all posts
Showing posts with label problem. Show all posts

Friday, 6 June 2014

Basa-Basa 'Din 'Pag May Time

5/13/2014 6:22:21 AM




Ito ang isa sa mga pinakasakit nating mga Pilipino: ang katamaran magbasa. Hindi lang siyang isang simpleng karamdaman, dahil madalas ito rin ang nagiging ugat ng ating pagiging mangmang o ignorante, at kung minsan pa nga ay ang pagiging arogante.



Hindi na bago ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay. Sa simpleng konteksto lang, may mga pagkakataon na nagrerklamo tao sa isa o sa iilang bagay na hindi naman natin lubusang naiintindihan. Okay nga ang sana kung hindi naiintindihan eh. Pero mas masaklap ay yung ni hindi mo binasa.

Sa advent ng social media, sa panahon na maraming mga manunulat sa mga blogs ang ginagamit na venue ang mga tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Pinterest, at kung anu-ano pang katulad, madalas ay mapapansin mo ito: ke viral man ang artikulo o hindi, may mga magrereact d’yan na mga mangmang – as in hindi nagbabasa. As in sa title lang sila nagrereact; o kung minsan, sa mga meme o litrato na kalakip ng post mo.

Lalo na sa Facebook. Pumunta ka sa mga thread ng pambalitaan gaya ng ABS-CBN News, GMA News, Inquirer.NET, at sa kung saan pa; ganun din sa mga entertainment portal gaya ng LionhearTV, sa mga community blogsite gaya ng Definitely Filipino, at ultimo ang mga satire gaya ng So Whats News. Oo, more evident dito, hindi sa maraming naloloko, kundi sa daming tangang nagkukumento.

Oo, nga pala. Kasi walang satire gene ang kamaramihan. At ayon yan sa isang pagsusuri.

Yung tipong halos patayin na niya ang nagsulat dahil sa hindi nagustuhan ang pamagat, pero huwag ka: ang mga remark nila, aba’y akala mo naiintindihan nila ang lahat.

Sa madaling sabi, wala silang pakialam sa alinman ang nilahad mo. Basta, dahil malayang lipunan tayo, may “say” pa rin kami kahit hindi namin binasa ang alinmang sinabi mo.

Pucha. Parang mga gago lang e no?

Ngunit ano o anu-ano ba ang madalas na excuse ng mga tao kung bakit hindi sila ganun nagbabasa? Una, short lang ang attention span ng tao, at in general ko ito sinasabi. Ayon na yan sa isang artikulong nabasa ko sa isang isyu ng Philippine Online Chronicles.

So, ano ang mga posibleng excuse nila? Either busy sila para sa ibang bagay tulad na lamang ng pagtatrabaho at pagpe-Facebook. Maari rin na nanaka-mobile sila at hindi ma-access ang site (or minsan, mabagal ang pag-load ng page) sa mga telepono nila.

Pero, ang sa lagay ba, kaming mga manunulat at publisher pa ang may-kasalanan? Dahil ba ito sa hindi pagsunod sa aling alintuntunin ng online writing tulad na lamang ng: pagbabanggit ng keywords sa halip na sabihin ang buong kwento, at kung anu-ano pa, ganun?

Leche.

Pero dahil sa napakaikli lang naman ang attention span (generally) ng mga tao, tendency ay hindi talaga nito nababasa ang anumang nilalahad mo. Kumbaga sa pagre-review, nag-scan lang siya ng notes niya, bagay na masasabi (para sa mata nila) na sapat na para magkumento.

Maaring tama rin ito o maari ring hindi, depende kung gaano niya naida-digest o nako-comprehend ang lahat ng nabasa niya.

At dahil napakaikli nga ng attention span ng tao para magbasa, chances are tatamarin sila magbasa ng artikulo mong singhaba ng tatlong chapter ng nobela yung tipong aabot sa mahigit 600 na salita, 2 pahina, at libu-libong characters (kabulang na ang spaces, at punctuation marks). Kaya sa totoo lang din, kung tamad lang din magbasa ng ganung kahabang artikulo ang tao, tulad na lamang ng ga akda ng inyong lingkod, dalawang bagay: either masyado na akong nagpapaka-awtor, o likas na tamad lang talaga sila – at ito rin ang magpapatunay na hindi sila hahanga.

Pero sabagay, hindi naman ako nagsusulat para hangaan ako ng tao. At kung sakaling may fan ako, salamat. Pero yan ang bagay na mas maalala yata sa akin ng tao – ang kahabaan ko magsulat ng artikulo.

Sa madaling sabi, ang pagiging short-attention span ng karamihan, implikasyon ito kung gaano ang lebel ng pag-unawa natin: superficial, o mababaw. Ano ‘to? Masyado na kasi tayong nalulong sa pagmamadaling bagay? Dahil ba ito sa tinawatag na “instant gratification” theory? Gusto natin lahat, madali, porket may Internet na?

Sa kaso natin dito sa Pilipinas, yan ang napapala kapag naka-free data ka sa Facebook. Pero dahil free data lang, siyempre ayaw nila na gumastos para luamabs as ibang site—lalo nas asa isyu natin na ang RP ay isa sa mga bansang may pinakamabagal na Internet speed.

Ang hihilig niyo kasi mag-Facebook e. Ang hihilig niyo mag-Internet samantalang hindi ka pa tapos sa trinatrabaho mo. Tsk.

Subalit ano pa maliban dun? Simple lang: kung hindi ka marunong magbasa, illiterate ka. Yun nga lang, nagbabago ang antas ng edukasyon kaya mananatili na namng itong isang kumplikadong isyu sa mata ng mga tamad.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 23 October 2012

Usapang Grammatika? Ang Labo!


(Ang blog na ito ay may halaw ng inspirasyon at konteksto mula sa “Ispokening Inglis” episode ng Word Of the Lourd na unang sumahimpapawid sa TV at YouTube noong Marso 2011)

Ang gulo lang talaga ng mundo ng salita. Singgulo ng mga bagay na kung tawagin ay “kritisismo.” Minsan na sumapul sa isipan ko ang tanong na ito:

“Bakit parang napakalaking kasalanan ‘pag maling-mali ‘yung grammar mo sa Ingles? Pero bakit ‘pag nagkakamali ka sa Tagalog, okey lang?” – Lourd de Veyra

Oo nga naman, mula sa “long-legged” ni Melanie Marquez hanggang sa pagiging over-confident ni Janina San Miguel; sa isang speech ng dating Pangulong Estrada, hanggang sa mga patawang istilo ng pagsasalita ng wikang Ingles ni Jimmy Santos… at isama mo na diyan ang pagti-tweet ni Manny Pacquiao noon na pinutakte ng mga netizens. Bakit nagiging mistulang “Grammar Nazi” ang karamihan?


Sabagay, “public figure” ang mga ito sa ating lipunan, kaya siguro inaasahan natin ang kanilang pagiging tama at perpekto sa lahat ng oras.

Pero ‘tol, tao pa rin naman sila e. Natural, hindi perpekto. Oo nga, andun na tayo. Kaya lang dahil nga tinitingala sila ng mga tao, ang anumang pagkakamali na magawa nila –  kahit sa pagbigkas lang ng salita – ay isang big deal, lalo na sa lengwahe ng mga Amerikano’t Briton. Parakang nagpartisipa sa isang laro na may alintuntunin na “one mistake and you’re dead.” As in bawal magkamali, nakamamatay.

Teka, may mga tao rin naman sa ibang lahi na sablay (at kung minsan, mas sablay pa sa ating mga Pinoy) pagdating sa pagsasalita ng pangalawang pinaka-ginagamit na wika sa buong mundo ha. Mula sa ilang spiel ni Jackie Chan sa pelikula, hanggang sa interview ng CNN sa isang namayapang lider saLibya. Pero, ang mga tanong: PINAGTATAWAN BA SILA NG MGA KABARO NILA at PINAGTATAWAN DIN BA SILA NG IBANG LAHI, PATI NA TAYO? Maaring OO, pero madalas, hindi. Kung bakit?

Sisihin ang walang kamatayang “Colonial Mentality” na nagreresulta sa pagkakaroon ng “hangover” sa ganitong klase ng kaisipan. Tama ang isang interstitial na napanood ko, na “mas gugustuhin pa nating maging matalas sa wika ng ating mananakop kesa sa ating sariling lengwahe, kaya naman tayo ay nagkakandaleche-leche.”

Pero kung sa Ingles ay ganyan ang senaryo, sa wikang Filipino ay dedma naman. Sabagay… mula sa paggamit ng tamang termino o salita, hanggang sa wastong pananda, at kahit sa pagkonstrukta ng mga ideya at salita sa isang pangungusap... DEDMA. Ano ‘kala niyo, ligtas tayo? Paluin kayo diyan ng nanay namin na si Mommyjoyce, ewan ko na lang.

Pero ‘pag nagkamali sa Tagalog, okey lang? Hmm… suwerte lang siguro tayo dahil nandito tayo as panahon na nagiging tolerant ang karamihan sa mga internet users na kapwa nating Pinoy. Parang mga usong troll sa Facebook na sadyang ginagawang katatawanan ang mga problema sa lipunan para lang matakasan ang mga ito. Oo, ang masaklap at masakit na realidad na kung tawagin ay “hubad na katotohanan.” 

At natural, tao rin tayo e. Nagkakamali rin. Yun nga lang, may mga pagkakataon na hindi mo pwedeng gawing exuse ang salitang "tao lang" sa mga panahon na sablay na sablay ka na.

Ika nga ni Manny Pacquiao, “It doesn’t matter of the grammar as long as they understand the message thanks.” So ang ibig sabihin pala nito ay simple lang, may mga pagkakataon na mas naiintindihan pa natin ang mga mensahe kahit ang pamamaraan ng paglahad nito ay mas mali-mali pa sa “waley.” At may mga tao na sadyang hindi perpeksyonista sa buhay na kayang i-tolerate ang isa o katiting na pagkakamaling nagawa. Maaring nakakatanga nga minsan ang panlabas na anyo ng sinulat mo, pero kung may puso at sense naman ito – balewala. Bagay na… well, okay lang siguro. Sa madaling salita, MAS IMPORTANTE ANG MENSAHE KESA SA GRAMMATIKA.

Ganun?

Pero siyempre, depende yan sa kung gaano ka-tolerate ang isang tao. E pa’no kung maka-engkwentro ka ng mga superficial, yung ultimo punctuation mark mo ay pinupuna?

Ewan ko, at ewan ko. Pero siguro sa kabilang dako, ayos lang iyun kung makakapagbigay siya ng tinatawag na “constructive criticism.” Ang tipo ng kritisismo na base lamang sa kung ano ang nakalahad. Walang lalabas sa isyu o personal na tirada. Kung pinuna niya ang istilo ng pagsusulat mo, hanggang doon lang. Bagay na minsan ay mas ayos pang tanggapin kesa sa mga papuri. Pero iyan ay kung may makakapagbigay ng tama.

Minsan sa parte ng mga manunulat, amateur man o professional, may iniida pa ring problema na mas malala pa sa tinatawag na writer’s block. Kapag nagkamali ka sa pagta-type ng mga salita sa blog mo, sa dalawang bagay mo lang puwedeng isisi iyan: sa sarili mong mga daliri (unless kung may sakit na Carpal Tunnel Syndrome), o sa Auto-correct option ng word processing program mo.

At parang ako rin mismo ay naguluhan sa sinulat ko. ARGH! *shooks in disbelief*

Author: slickmaster | Date: 10/23/2012 | Time: 05:13 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 16 October 2012

TV Review: Public Atorni

10/16/2012 | 11:04 AM

“Asunto o Areglo?”

Ang pinakatanyag na linya pagdating sa mga hearing o mediation na napapanood ko sa isang palabas na tumatalakay sa mga nangyayaring sigalot sa legal na pamamaraan: ang Public Atorni.

Madalas ko mapanood ito dati tuwing Huwebes ng gabi sa isang TV network. Ang pinakauna ay noong estudyante pa ako at nakatambay sa bahay ng kaklase ko bago ako umuwi. Pero dahil nakita ko na isa ito sa mga tila magagandang kalidad na palatuntunan sa panahon ngayon, ayos ito para sa akin. Bagamat lately ay ilang episodes na lamang yata ang nirereplay nila at maraming binago sa mga portion ng pagsasalaysay ng mga kinabibilangan na partido.


Tila pamilyar sa isang talakserye sa channel na ding iyun ang naturang palabas. May dalawang partido sa ngalan ng nagrereklamo at inirereklamo. May mga problema o gulo na tinatalakay. At laging may resolusyon sa bandang dulo o pagtatapos ng kada mediation. May panahon na nakakaimbyerna sa bigat ng drama, at meron ding nakakaloka lang. Ang pinagkaiba nga lang ay mas sibilisado ang mga partidong lumalahok dito. At sa totoo lang, walang taga-awat na bouncer o namamamgitan na iba pa kundi ang ikatlong partido lamang na kinabibilangan ng Public Attorney Office (PAO) Chief Atty. Persida R. Acosta.

Siya din ang nagsisilbing tagahatol ng mga kaso base sa mga salaysay na binibitawan ng mga partido na nagrereklamo at inirereklamo. Maliban dito, nagpapangaral siya kung ano ba dapat ang gawin ng bawat isa na maging responsableng mamamayan sa mata ng batas. Dahil ika nga niya, “pagdating sa batas, lahat patas.”

Maganda na may mga programang tulad ng Public Atorni na umeere sa telebisyon ngayon, dahil kahit papano ay maging maalam ang mga tao pagdating sa usapang may kinalaman sa batas. Na ang mga karapatan natin sa kapwa at anupaman ang gagawin natin ay kaakibat na responsibilidad o pananagutan lalo na kung ikinapahamak ng nagrereklamo. Ang simpleng away na posible pang mauwi sa mas malalang senaryo ay madaling naireresolba, kaso man o kasunduan ang nagiging kahinatnan.

Hindi man ito nagbibigay ng prangkahang pamamaraan ng aliw na usong-uso pa naman sa panahon ngayon, pero ito ay nagbibigay kaalaman sa sinuman. Madali lang itong naipapaliwanag ni Atty. Acosta sa tinatawag na layman’s term o mga salita na angkop sa karamihan, lalo na ang mga pangkaraniwan o ordinaryong tao lamang. Sa ganitong pamamaraan, naiiwasan ang pagiging ignorante ng tao pagdating sa legal na usapin, o sabihin na natin ay mga alintuntunin sa lipunan.

Sa ngayon, kahit ilang beses nang paulit-ulit ang mga nahuling episodes nito kung ipalabas sa TV (sabagay, ilang mga magkakatulad na kaso na rin kasi ang naitalakay sa programang ito e), ay ito pa rin para sa akin ang isa sa mga tipo ng palatuntunan sa telebisyon na sana ay lumalaganap sa panahon ngayon.

The verdict: 7.5 stars out of 10.

Hindi man ganun kaappealing para sa aking ang teknikal na parte ng programang Public Atorni, mas tumitingin naman ako sa mga nilalaman nito, yung mga bagay na may makukuha akong aral, bagay na napatunayan ng nsasabing TV program para sa akin.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions