06/23/14 05:05:03 PM
Wow, taray ng ate mo no. Minsan ay nagbitaw ng salita si Kris Aquino kay Sen. Bong Revilla: “Silence is better than BS.”
Ows. Talaga lang ha?
Pero in fairness, tama rin naman siya. Mas okay pang tumahimik kesa sa kung anu-ano pang masabi ng iyong bunganga. Ay sorry, bibig pala, o puwede rin ng yong utak, tutal nag-iisip naman tayo muna bago magsalita, 'di ba?
Maliban na nga lang kung isa kang saksakan ng emosyonal na tao. Pero etierh way kasi, dun pa rin manggagaling yun. Tama, ang emosyon ay dala rin ng iyong pag-iisip, though sa konteksto ng romantisismo, mas lumalabas na nanggagaling rin ito sa iyong puso.
Silence is better than BS daw. Oo nga naman. Tama naman siya eh. Kaso, parang may “irony lang.” Parang... kung para sa mga tulad niyang “opinyonada,” tatalab kaya yun? Yung laging may “say” sa lahat, yung mga mahihilig pumatol sa isyu, pati yung mga “may masabi lang.” Tingin n'yo tatalab kaya sa kanila yun?
Oo naman. Hindi naman kasi porket nanahimik ang iyong bunganga (ay, tangina naman slickmaster! Bibig lang. Masyado ka naman eh. “OO NA! SORRY NA!”), ay hindi ka na nagbibigay ng kuro-kuro mo sa mga bagay-bagay.
Alalahanin mo ang kasabihang “silence means YES.” at pati ang kahalintulad na counterpart na “NO,” o kung ano pa man yan. Malabo ba? Depende kasi yan sa tanong at usapan. Basta, ang bottom line: may saysay pa rin ang pananahimik, ang pagtikom ng bibig, ang pagpiling manahimik kesa sa sumagot. At walang kinalaman rito ang Miranda rights, ha? (“You have the right to remain silent.”)
Oo, kahit manahimik ka lang, may ibig sabihin yan. May sagot ka pa rin. Kung ano yun? OO? Hindi? O wala kang alam? O pinili mo lang na hindi makialam? Nasa sa'yo na ang kasagutan d'yan.
Silence is better than BS. Applicable 'to sa alinmang usapan, mula pulitika hanggang showbiz. Maliban nga lang kung iniinterview ka ng boss o HR ng kumpanyang inaaplyan mo (Mahiya ka naman 'oy. Sumagot ka kung gusto mong makapagtrabaho, ano?).
Silence is better than BS. May bibira: Bakit hindi niya kaya sabihin yan sa sarili n'ya? Pati na rin sa mga tao sa showbiz na mahihilig magbitaw ng mga tipikal an sagot—yung kunwari pa silang “hindi,” pero oo naman. Sa totoo lang kasi, hindi lang sa pulitka applicable ang mga mala-kasinungalingan na sagot. Pati na rin sa mga tao dun sa hanay nila, at kahit sa mga ordinaryong nilalang. Aminin, ni hindi ka pa nagsinungaling o ni sumagot sa ganoong pamamaraan.
Huwag naman tayo masyadong harsh. Tama naman yung sinabi niya eh: “Silence is better than BS.”
Teka, BULLSHIT ba talaga meaning nun?
O, ang BS ay... acronym ng isang tao?
Ay, ibig sabihin, mas okay pala ang manahimik kesa sa kanya?
Ang labo naman nun ah.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment