Showing posts with label social networking sites. Show all posts
Showing posts with label social networking sites. Show all posts

Tuesday, 2 October 2012

MASISISI MO BA SILA?


Ang mga tao sa mga social networking sites, na ang lalakas ng pwersa kahit hindi nagsasalita. Sa isang post o comment lang, kaya na nila banggain ang sinuman. Mga nambubully man, na-caught in the act na kawatan, at kahit ang mga sikat na personalidad. Masisisi mo ba sila kung bakit gan’on na lang ang reaksyon nila sa batas na tila kikitil sa kalayaan nila na maglahad ng anumang naiisip at nararamdaman nila sa internet?

Oo at hindi lang ang posibleng sagot na nakikita ko.


Sabagay, masisisi mo ba ang mga tao na naglalabas ng saloobin sa Facebook matapos ang nakakastress na araw para sa kanila? Kahit sabihin natin na walang nagagawang tama ang magbuhos ng emosyon sa isang social media post? Ito kasi ang nagsisilbing getaway nila sa masasamang bagay sa realidad ng kanilang buhay. Dito sila nagte-take out ng kani-kanilang mga frustrations at problema.

Masisisi mo ba ang mga sadyang opinionated lamang na tao, na nakikipagpatutsadahan ng mga kumento at personal na tirada sa kada nagbabanggaang trending topic sa Twitter? Pero mas mabuti sana kung tatanggalin na natin ang pamemersonal, ano po. Yan kasi ang hirap sa iilan. Sakit na yata nila iyan.

Masisisi mo ba na ginagawang katatawanan na lamang ang mga problema sa buhay ng ilang mga users? Yung mga may ayaw sa negative vibes at bad news na umeere sa mga balita? Sabagay, there’s a world of difference between having fun and making fun. Pero kadalasan kasi ang troll ay wala na rin sa hulog kung makapang-trip. Kahit sino na lang, titirahin, bumenta lang ang post. Walang pakialam sa mga sasagasaaan na tao kung sakali. Mas mabigat na damage yun, talagang prone sila sa cyber-libel. At ang mga matatamaan ng pagto-troll, parang maituturing na biktima ng isang kaso na tinatawag na “cyber-bullying.”

Masisisi mo ba ang mga taong mahihilig kumondena sa kada kalokohang nagaganap at naganap sa lipunan, virtual man o realidad? Oo nga naman, ‘di ba? May mga tao na mala-akitibista kung makapagreact, pero ayos lang ‘yan kesa naman sa mga taong nakikiuso lang at wapakels deep inside, as in may masabi lang.

Sabihin man natin na may halong conspiracy at mob mentality ang karamihan sa mga social networking users. But the real thing is, iyan na lang yata ang natitirang way nila para mai-express ang sarili nila. Maliban na lang kung mayaman sila sa load para magsagawa ng mala-group message na text brigade. At kahit ang mga blogs, na naging venue na para sa iba na maglahad, lalo na ang mga taong sadyang may passion sa pagsusulat.

Ngayon, bakit sila madedeprived para mailahad ang saloobin nila? Masisisi mo ba talaga sila? Oo at hindi.

OO, dahil karamihan sa kanila ay naglalahad sa mala-barbarong pamamaraan. Hindi man lang responsable sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam kung hindi ba nila nalalaman na ang lakas ng kapangyarihan ng mga “salita” o nagpapanggap lang na ignorante ang mga ito. Sadyang totoo na may matatamaan talaga sa anumang mailalahad ng bawat tao, pero hindi ibig sabihin noon na hindi na tayo magdadahan-dahan. Alalahanin mo, ito ang panahon ngayon na maraming napapahamak dahil lamang sa pagsasabi ng totoo.

At HINDI dahil sa modernong panahon, sa mga gadget na lang tulad ng cellphone at computer na lang ang pamamaraan nila para makapaglahad. At bilang mamamayan ng bansang ito, iyan ang isa sa mga nakapaloob sa ating Bill of Rights. Parte yan ng karapatan natin bilang tao. Pero sa totoo lang, mas masuwerte pa tayo kesa sa ibang bansa na talagang banned ang paggamit ng social media by all means (o kung hindi man, e kontrolado pa rin).

There’s a thin line between telling the plain truth and defaming somebody else, whether by intention or not. Ibig sabihin, may pagkakaiba kasi ang pagsasabi ng totoo sa magsabi ka ng mga bagay na paninira na kung maituturing, sadya man o hindi. Kaya sa totoo lang, mag-ingat din kasi tayo sa anumang ilalahad natin, dahil iba-iba tayo ng pananaw bilang tao, parang malayang lipunan natin. 

Author: slickmaster | Date: 10/03/2012 | Time: 10:05 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions.

Saturday, 11 August 2012

ASAL SA INTERNET 101

“Think Before You Click,” ika nga ng GMA-7. Ginamit ng istasyon na iyan ang mga nasabing salita bilang slogan nito sa kanilang adbokasiya ukol sa internet etiquette – bagay na dapat gawin at hindi dapt gawin ng mga tao sa harap ng computer na naglilink sa kanila sa cyberspace.

Parang asta lang din ng tao yan sa kalye. Kung gaano ka magsalita ay kahalintulad sa kung gaano ka maglahad ng mga salita sa inyong mga tweet, status o ultimo mga blog. Kung ano ang iyong itsura sa kalye o mga pampublikong lugar ay ayon naman sa mga litrato mo, lalo na sa album mo na Profile Pictures. Kung may kwenta ba ang sinasabi mo o wala, kung pangit ba ang itsura mo o maganda, diyan ang basehan, lalo na kung asal-gago ka ba o sadyang matinong tao lang talaga.

THINK BEFORE YOU CLICK, o mag-isip bago mag-click.

Bago ka gumawa ng kung anu-anong mga account, siguraduhin mong naiitindihan mo ang mga ito. Parang kapag sumabak ka sa giyera, siguraduhin mo na alam mo ang pinapasok mong gulo. Sigurado ka ba na gusto mong magkaron ng Facebok account? Handa ka ba na tanggapin ang mga taong magmamahal sa iyo at yung mga taong makikipagplastikan din sa iyo sa lob ng social network mo? Handa ka ba sa mga kumento ng mga matitinong mambabasa at ng mga taong “may masabi lang” sa iyong mga blogs? O dapat alalhanin mo na ang Twitter ay parang isang battlefiel a la wannabe World War III. Lahat ng mga iyan ay maliban pa sa pag-tsek ng box na “I agree on the terms and conditions applied.” Diyan pa nga lang, malalaman mo kung sino ang malinis ang budhi sa ihindi. O mas maganda, kung sino ang sinungaling sa hindi.

Intindihin mo muna ang iyong mga sinusulat bago mo ito ipaskil. Halos katulad iyan ng isang kasabihan na “Wag magdedesisyon na ang basehan mo lang ay ang iyong pansamantalang emosyon.” Kung puwede nga lang e i-double-check, i-triple-check, quadruple-check o... basta, siguraduhin mo lang na tama ang mailalhd mo ayon sa kagustuhan mo. Ang dami pa namng superficial na tao sa mundo. Hindi lang sa sila ay hindi sumasang-ayon sa mga punto na ipinapahiwatig mo, kundi mga instant Grammar Nazi din sila. Ultimo ang spelling mo, pag na-typo ka kahit sa ni isang salita man lang, pinag-iinteresan na kaagad. Parang mga hindi makaintindi, e no?

Huwag ipost lahat ng mga bagay na sa tingin mo ay magpaphamak sa iyo. Bigyan mo ng respeto ang sarili mo. Sa panahon na ang karamihan ay mga Photoshop lietrate na nasa wannabe-expert level, kay nitong manipulahain pa lalo ang mga litratong inupload mo. Kung mas mamalas-malasin pa, pagmumukhain ka pa na tanga. Ang lalakas manghusga, palibhasa hindi yata nila naranasan ang malagay sa kahihiyan dahil sila mismo ang nanghihiya sa kapwa nila.

Kung pa-cute ang post mo, well, siguraduhin mo na cute ka. Dahil kung hindi, alam mo naman ang karamihan, sadyang mapanglait sa kapwa.

Mag-tag lang ng litrato ng naayon sa kanyang kagustuhan o yung mga bagay-bagay ka kahit papano ay interesante talaga. Kung iyan pa ang mga litrato na wasak na wasak siya sa kalasingan noong nag-night out kayo e parang nilalaglag mo na rin ang pagkatao niya bilang kaibigan mo. Respeto lang, men.

Simple thought is better. Parang “less is more.” Ganyan din ang kadalasang istilo sa pagsusulat ng mga balita. Sa isang foreign news pa yata, pag zigzag ang istorya mo, may KISS ka... as in Keep It Straight, Stupid. Yun nga lang hindi sa laht ng oras ay applicable yan sa mga social networking sites dahil ang daming mga gunggong din dun. At hindi sa lahat ng mga blogs... aba, medyo taliwas sa istilo ko to ha? 'de. Ang punto lang nyan (at kung bakit may konek yan sa akda na ito) ay kung pwede naman ay gawing simple at straight na lang ang mga puntong gustong sabihin. Wala na sanng paliguy-ligoy pa. Kung magsasabi ng katotohanan, 'wag idaan sa panglalait. Gawin mong a la Simon Cowell. Pero be polite ha?

Kung hindi talaga mapigilan ang magpost ng mga matitinding bagay na ukol sa iyo, e siguraduhin mo lang na at least ang mga makakapansin na mga tao diyan ay yung mga taong mapapagkatiwalan lang. Siguraduhin mo na nasa tamang lugar yan. I-customize mo ang audience/privacy options mo sa mga taong may karapatan lang na makakakita ng mga sexy pose mong litarto, yung naka-2piece na bikini ka kahit may strechmarks ka, ang bidyo mo na panay prangkahan at mga gag ang nilalaman, ang cover mo ng paborito mong kanta na may pagaksintunado pa ang isang chorus o stanza, at ultimo ang scandal niyo ng iyong kasintahan. Libre lang ang mag-upload pero libre lang din ang manglait. Alalahanin mo iyan. Maaring magbigay sa iyo ng pansamantalang kasikatan o kahihiyan ang mga iyan pag nakita ng iba. Pero hangga't may privacy settings, gamitin mo.

Kung may gusto kang i-add na friend sa Facebok mo, e 'di i-add mo! Hindi yung ikaw pa ang magme-message sa kanya na “”uy, pa-add naman sa Facebok. Hehehe. Salamat!” Ano ka, Superstar? VIP ka ba? Kahit may pangalan ka sa world wide web e wala ka pa ring karapatan na magdikta sa kanya ang “first move” sa pakikisalamuha sa mundo ng social networking sites. Ganito lang, pre. Magpakita ka ng tamang motibo at intensyon na gusto mo siya maging parte ng social network mo, bilang Facebook friend man, Twitter follower, o kung ano pa man iyan.

Speaking of Private Messaging, e 'wag mag-PM ng “pakilike naman ng status ko please.” Anak ng pating, e pano na lang kung patama sa akin yang status na yan. Ano ako, tanga?

Magpost ng naayon sa tamang intensyon, magrespond ng mkaayos at naayon sa tamang approach. Dahil sa mundo ngayon, uso ang pamimilosopo na a la Vice Ganda o minsan si Papa Jack ang istilo (Ako ba? Hindi, hindi... Siya, pati yung kalabaw.). Akala mo ang tatalino na ng mga tao porket kaharap nila buong araw ang computer. Ika nga ng idolo kong si Lourd de Veyra, “Kung tarantado ang tanong, tarantado din ang sagot.”

'Wag magpost ng walang ka-kwenta-kwentang mga kumento. “FIRST” ka nga... e pucha, ano naman ngayon? Karerahan ba 'to? Pakibigyan na nga lang ng jacket ito!

Isa pa, kung alam mo na galit ang nilalman ng post na ito, bakit ka magpopost ng “U MAD?” Hindi siya galit, nagpapaliwanag lang. Tuwang-tuwa pa nga e! Lakas maka-tanga lang ah.

Kung admin ka ng isang page sa Facebok at may order na binigay ang owner nito, sumunod ka. Hindi porket ginawang admin ka ng page e kung anu-ano na lang ang gagawin mo diyan. Parang ganito. Kung inutos niya muna na “wag magpaskil ng mga bagay-bagay na ukol sa pag-ibig ngayong araw” e sumunod naman sana. Natiyempuhan niya na nagpaskil ka ng taliwas sa utos niya isang oras matapos nun, dinelete niya yun, at ikaw pa ang may ganang magreklamo? Kapal namn yat ng mukha mo. Magbasa ka kaya muna bago mag-rant, ano?

Kung liker ka ng mga page sa Facebok at may mga batas o rules sila, sumunod ka. Hindi yung magpapasaway ka pa na a la TROLLOLOL style. Kapag binan ka, ikaw pa ang may lakas ng loob na maghimutok. Gago ka rin kasi e. Yan tuloy.

Huwag masyadong gumamit ng mga pausong salita... kung sa mga jejemon e ang lalakas niyong mangastigo't magsalita! Shunga, muntanga lang? Halatang saby sa uso e 'no na parang gumagamit ng hashtag sa Facebok na dapat lang sana e sa Twitter lang iyun? Mas gugstuhin ko pa kay na gumamit ng kolokyal na wika kesa sa mga “makabago kuno” na lengwahe. DAFUQ did I just read? Oh, shut the fuck up, man. Sablay pa nga ang grammatika mo! The Fuck stil sounds better than that.

May mga bagay kasi na talagang nilulugar sa tama, joke time man o seryoso ang usapn. At ang pagme-meme, ayos lang yan, kung nasa wasto nga lang. Pero maraming kontra dyan sa malmang. Ang pag-to-troll kasi ay literally, wala sa lugar.

Huwag gawing chat box ang isang status lalo na kung wala na sa paksang nilalaman ang pinag-uusapan naman na. RH Bill lang ang pinagtatalunan kanina, naging personalan na? Pa-awat na nga kayo, hoy!

Ayos lang mag-share, wag nga lang mag-SPAM lalo na kung wala namang kabuluhan ang mga bagay-bagay na ikinakalat. Mabuti pa, kumain na lang tayo ng SPAM.

'Wag basta-basta magpost ng mga where-abouts mo. Kung saan ka ngayon, anong event ang pinapasok mo kasama ng iyong mga kasama. Maaring nagiging updated nga ang mga kaibigan mo ukol sa mga nangyayari sa iyo, pero dapat nasa tama lang din dahil baka hindi mo nalalman, napuput at risk din ang sarili mo kung seguridad ang usapan. Alalahanin mo, uso ang stalking kahit hindi ganun ka-astig ang iyong beauty.

'Wag basta-basta magtitiwala sa mga tao sa social network mo. Pakiramdaman mo muna. Mahahlata mo yan sa mga mangyayaring inetraction sa pagitan ninyong dalawa. Hindi kasi lahat ng mga kaibigan ay “kaibigan” talaga. Ganun din sa mga “followers,” at “likers.” Yung niba dyan, akala mo tao lanmg? Baka pakitang tao lang. Palihim na tumitira ng mga gawa mo. Binabalasubas ka pag offline ka. Niloloko ka sa ibang mga kaibigan mo sa wall, group man o sa chat room lang. Manggagantso pala. Pag nagpadala ka, olats ka.

Speaking of posts, kung orihinal na gawa niya ang gusto mong kopyahin at ikalat, humingi ka muna ng permiso o pasintabi. Kapag kinopya yan, paki-cite kung saan mo orihinal na kinuha iyan. Hindi yung angkinin mo pa. Kapal naman ng mukha mo kung ganun. Ikaw kaya ang maging manunulat? Tignan natin kung makakaisip ka ng mga ganyang klaseng bagay. Tigas, ha?

Huwag mong palitan kagad ang relationship status kung hindi pa naman ganun talaga ng sitwasyon ninyong dalawa ng partner mo. Nag-away kayo ukol sa napakababaw na bagay, palit na kagad sa “single” at pagkatapos ng ilang araw at nagkabati na kayong dalawa, “in a relationship” na ulit. Tapos, nangyari na naman yan sa mga sumunod na linggo, ganyang-ganyan na naman ang senaryo. Anak ng tokwa naman oh. Pinapahiya nyo lang ang sarili nyo kung halata naman mismo na on-and-off kayo base sa mga wall-to-wall posts niyo. Alam ko na ang pag-ibig ay isang napakakumplikadong isyu, sa sobrang kumplikado nito ang mga maliliit na bagay, nagiging malaki o big deal. Pero hindi iyan sapat na dahilan para palitan yan ka-agad-agad. At pwede ba, yung nasa wasto lang Mag-syota pa lang kayo, pero “married” na? Married your face. Panindigan mo iyan ha? Kapag naghiwalay kayo dapat ang makikita ko ay “seperated” o “widowed.”

Ang lawak kasi ng mga posibilidad ng internet. Puwede nitong -build ang reputasyon mo, o puwede ring ikasira nito ang buhay mo. Depende sa kung ano ang asta mo kung ang pagbabasehan ay ang mga bagay na pinagkaka-abalahan mo, kung kalokohan man iyan, kadramahan, o kung ano pa man iyan. Mag-isip muna bago gumawa ng mga pagpapaskil o mag-click sa mga sites sa world wide web.

Siya nga pala, bago ko tapusin ito, last tip. Huwag niyo kalimutang mag-log-out, lalo na kapag may ibang tao na gagamit sa PC na inupuan mo. Kasi ang dating niyan ay parang ganito lang. Instant hack kagad ang account mo (as in nakaw na), o hindi naman kay ay na-hack din pero palakasan ng trip yan. Parang mga status ng... ganito:

“I'm sexy and I know it.”
“In love ako kay **name censored**”
“Ang gwapo ni **name censored**”
“Bakla ako.”
“P******** ano ba naman klaseng grupo ito? Parang yung may-ari lang ang sarap ********.”
...at iba pa.



author: slickmaster | date: 08/11/2012 | time: 02:10 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions