5/24/2014 6:04:59 AM
Isa sa mga sakit ng tao ay ang “katamaran.” Daig pa nya ang kanser, heart attack, at stroke kung tutuusin. Kung may pambasang sagisang ang mga karamdamansa ating lipunan, ito yun. Oo nga,ang katamaran. Bow. At isa sa mga kalunos-lunos na resulta ng ating pagiging “katam” ay ang pagkakaroon pa ng isang kumplikasyon na kung tawagin ay “last minute syndrome.”
Daig pa nito ang “last two minutes” (mas okay kung ang magsasabi nito ay yung lumang coliseum barker sa PBA; yung medyo monotonous ang dating) sa basketball. Dito, mas clutch ang mga tao. Mas nagmamadali. Mas maraming napapraning. At mas maraming umiinit ang ulo na humahantong sa kanilang pagkadismaya.
Kaya ang resulta ay magpaparinig sa Facebook at magwiwika ng “Putanginang COMELEC yan! Wala na raw extension! Samantalang dumating naman ako ng last day para magparehisto!”
Naku, buti na lang, wala akong nakikitang nagpost ng ganito sa network ko last time, kasi baka mapahirit din ako ng “Ang haba-haba ng panahon nilaan sa inyo ng Kumisyon ng Eleksyon (pasensya sa translation) , hindi mo ginawa ang isa sa mga mahahalang tungkulin mo bilang mamamayanng Republika ng Pilipinas?”
Aba'y kung hindi ka rin kasi nuknukan ng pagiging tamad at gago, eh no?
Pero hindi ang applicable sa voters registration ang tinatawag na “last minute syndrome.” Maari rin sa ordinaryong bagay na nagagawa natin sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Pag ika’y estudyante at hindi ka nag-aaral until dumating ang time ng exam mo, malamang nagka-cram ka. Mabuti sana kung may “stock knowledge” ka talaga. Mahiya ka naman sa mga magulang mo ‘oy. Bulakbol kasi at kalandian ang pinapairal mo madalas eh.
Kapag nahuhuli sa mga “last trip.” Hindi kasalanan ng trapik yan. Mabagal ka rin kasi kumilos eh (o maari ring “hindi mo kasi inaalam kung anong oras ang huling byahe eh).
Kapag last minute ka dumating sa mga appointment mo, maliban na lang kung either confident ka at hindi ka haggard sa itsura mo.
Kapag nagsha-shoping twing panahon na malapit na malapit na ang Pasko, (o ika nga ng mga report ay “last minute shopping”). Tapos magrereklamo ka pa na mataas na ang presyo ng mga regaling binili mo? Tapos napakabigat pa ng trapiko? Uso ang magmanage sa sarili ha?
Last minute magbayad ng tuition. Alam mo na nga na “no permit, no exam” ang polisiya eh. Maliban na lang kung lehitimo talaga ang excuse mo.
Paano nga ba makakaiwas sa ganito? Simple lang: disiplinahin ang sarili. Matuto kasi tumingin sa oras at magprioritize ang dapat i-prioritize.
Sa madaling sabi, wag ang tatamad-tamad. Walang masama magpahingakung off mo. Pero kung may kailangan kang gawin,eh di magsakripisyo ka.
At least, sa huli, hindi ka magsisisi tulad na lamang ng mga bugok na nafeature sa mga report ng parehong mainstream at new media ukol sa pagiging late nila sa pagpaparehistro.
“Na-late lang kami, hindi na kami pinagbigyan!”
“Ang haba ng panahon na nilaan para sa inyo, ‘oy! Wag ka kayang maglupasay dyan! Para kang tanga!”
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment