Showing posts with label Filipinos. Show all posts
Showing posts with label Filipinos. Show all posts

Tuesday, 22 July 2014

Last Minute Syndrome

5/24/2014 6:04:59 AM


Isa sa mga sakit ng tao ay ang “katamaran.” Daig pa nya ang kanser, heart attack, at stroke kung tutuusin. Kung may pambasang sagisang ang mga karamdamansa ating lipunan, ito yun. Oo nga,ang katamaran. Bow. At isa sa mga kalunos-lunos na resulta ng ating pagiging “katam” ay ang pagkakaroon pa ng isang kumplikasyon na kung tawagin ay “last minute syndrome.”

Daig pa nito ang “last two minutes” (mas okay kung ang magsasabi nito ay yung lumang coliseum barker sa PBA; yung medyo monotonous ang dating) sa basketball. Dito, mas clutch ang mga tao. Mas nagmamadali. Mas maraming napapraning. At mas maraming umiinit ang ulo na humahantong sa kanilang pagkadismaya.


Kaya ang resulta ay magpaparinig sa Facebook at magwiwika ng “Putanginang COMELEC yan! Wala na raw extension! Samantalang dumating naman ako ng last day para magparehisto!”


Naku, buti na lang, wala akong nakikitang nagpost ng ganito sa network ko last time, kasi baka mapahirit din ako ng “Ang haba-haba ng panahon nilaan sa inyo ng Kumisyon ng Eleksyon (pasensya sa translation) , hindi mo ginawa ang isa sa mga mahahalang tungkulin mo bilang mamamayanng Republika ng Pilipinas?”

Aba'y kung hindi ka rin kasi nuknukan ng pagiging tamad at gago, eh no?

Pero hindi ang applicable sa voters registration ang tinatawag na “last minute syndrome.” Maari rin sa ordinaryong bagay na nagagawa natin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Pag ika’y estudyante at hindi ka nag-aaral until dumating ang time ng exam mo, malamang nagka-cram ka. Mabuti sana kung may “stock knowledge” ka talaga. Mahiya ka naman sa mga magulang mo ‘oy. Bulakbol kasi at kalandian ang pinapairal mo madalas eh.

Kapag nahuhuli sa mga “last trip.” Hindi kasalanan ng trapik yan. Mabagal ka rin kasi kumilos eh (o maari ring “hindi mo kasi inaalam kung anong oras ang huling byahe eh).

Kapag last minute ka dumating sa mga appointment mo, maliban na lang kung either confident ka at hindi ka haggard sa itsura mo.

Kapag nagsha-shoping twing panahon na malapit na malapit na ang Pasko, (o ika nga ng mga report ay “last minute shopping”). Tapos magrereklamo ka pa na mataas na ang presyo ng mga regaling binili mo? Tapos napakabigat pa ng trapiko? Uso ang magmanage sa sarili ha?

Last minute magbayad ng tuition. Alam mo na nga na “no permit, no exam” ang polisiya eh. Maliban na lang kung lehitimo talaga ang excuse mo.

Paano nga ba makakaiwas sa ganito? Simple lang: disiplinahin ang sarili. Matuto kasi tumingin sa oras at magprioritize ang dapat i-prioritize.

Sa madaling sabi, wag ang tatamad-tamad. Walang masama magpahingakung off mo. Pero kung may kailangan kang gawin,eh di magsakripisyo ka.

At least, sa huli, hindi ka magsisisi tulad na lamang ng mga bugok na nafeature sa mga report ng parehong mainstream at new media ukol sa pagiging late nila sa pagpaparehistro.

“Na-late lang kami, hindi na kami pinagbigyan!”

“Ang haba ng panahon na nilaan para sa inyo, ‘oy! Wag ka kayang maglupasay dyan! Para kang tanga!”

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Friday, 6 June 2014

Basa-Basa 'Din 'Pag May Time

5/13/2014 6:22:21 AM




Ito ang isa sa mga pinakasakit nating mga Pilipino: ang katamaran magbasa. Hindi lang siyang isang simpleng karamdaman, dahil madalas ito rin ang nagiging ugat ng ating pagiging mangmang o ignorante, at kung minsan pa nga ay ang pagiging arogante.



Hindi na bago ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay. Sa simpleng konteksto lang, may mga pagkakataon na nagrerklamo tao sa isa o sa iilang bagay na hindi naman natin lubusang naiintindihan. Okay nga ang sana kung hindi naiintindihan eh. Pero mas masaklap ay yung ni hindi mo binasa.

Sa advent ng social media, sa panahon na maraming mga manunulat sa mga blogs ang ginagamit na venue ang mga tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Pinterest, at kung anu-ano pang katulad, madalas ay mapapansin mo ito: ke viral man ang artikulo o hindi, may mga magrereact d’yan na mga mangmang – as in hindi nagbabasa. As in sa title lang sila nagrereact; o kung minsan, sa mga meme o litrato na kalakip ng post mo.

Lalo na sa Facebook. Pumunta ka sa mga thread ng pambalitaan gaya ng ABS-CBN News, GMA News, Inquirer.NET, at sa kung saan pa; ganun din sa mga entertainment portal gaya ng LionhearTV, sa mga community blogsite gaya ng Definitely Filipino, at ultimo ang mga satire gaya ng So Whats News. Oo, more evident dito, hindi sa maraming naloloko, kundi sa daming tangang nagkukumento.

Oo, nga pala. Kasi walang satire gene ang kamaramihan. At ayon yan sa isang pagsusuri.

Yung tipong halos patayin na niya ang nagsulat dahil sa hindi nagustuhan ang pamagat, pero huwag ka: ang mga remark nila, aba’y akala mo naiintindihan nila ang lahat.

Sa madaling sabi, wala silang pakialam sa alinman ang nilahad mo. Basta, dahil malayang lipunan tayo, may “say” pa rin kami kahit hindi namin binasa ang alinmang sinabi mo.

Pucha. Parang mga gago lang e no?

Ngunit ano o anu-ano ba ang madalas na excuse ng mga tao kung bakit hindi sila ganun nagbabasa? Una, short lang ang attention span ng tao, at in general ko ito sinasabi. Ayon na yan sa isang artikulong nabasa ko sa isang isyu ng Philippine Online Chronicles.

So, ano ang mga posibleng excuse nila? Either busy sila para sa ibang bagay tulad na lamang ng pagtatrabaho at pagpe-Facebook. Maari rin na nanaka-mobile sila at hindi ma-access ang site (or minsan, mabagal ang pag-load ng page) sa mga telepono nila.

Pero, ang sa lagay ba, kaming mga manunulat at publisher pa ang may-kasalanan? Dahil ba ito sa hindi pagsunod sa aling alintuntunin ng online writing tulad na lamang ng: pagbabanggit ng keywords sa halip na sabihin ang buong kwento, at kung anu-ano pa, ganun?

Leche.

Pero dahil sa napakaikli lang naman ang attention span (generally) ng mga tao, tendency ay hindi talaga nito nababasa ang anumang nilalahad mo. Kumbaga sa pagre-review, nag-scan lang siya ng notes niya, bagay na masasabi (para sa mata nila) na sapat na para magkumento.

Maaring tama rin ito o maari ring hindi, depende kung gaano niya naida-digest o nako-comprehend ang lahat ng nabasa niya.

At dahil napakaikli nga ng attention span ng tao para magbasa, chances are tatamarin sila magbasa ng artikulo mong singhaba ng tatlong chapter ng nobela yung tipong aabot sa mahigit 600 na salita, 2 pahina, at libu-libong characters (kabulang na ang spaces, at punctuation marks). Kaya sa totoo lang din, kung tamad lang din magbasa ng ganung kahabang artikulo ang tao, tulad na lamang ng ga akda ng inyong lingkod, dalawang bagay: either masyado na akong nagpapaka-awtor, o likas na tamad lang talaga sila – at ito rin ang magpapatunay na hindi sila hahanga.

Pero sabagay, hindi naman ako nagsusulat para hangaan ako ng tao. At kung sakaling may fan ako, salamat. Pero yan ang bagay na mas maalala yata sa akin ng tao – ang kahabaan ko magsulat ng artikulo.

Sa madaling sabi, ang pagiging short-attention span ng karamihan, implikasyon ito kung gaano ang lebel ng pag-unawa natin: superficial, o mababaw. Ano ‘to? Masyado na kasi tayong nalulong sa pagmamadaling bagay? Dahil ba ito sa tinawatag na “instant gratification” theory? Gusto natin lahat, madali, porket may Internet na?

Sa kaso natin dito sa Pilipinas, yan ang napapala kapag naka-free data ka sa Facebook. Pero dahil free data lang, siyempre ayaw nila na gumastos para luamabs as ibang site—lalo nas asa isyu natin na ang RP ay isa sa mga bansang may pinakamabagal na Internet speed.

Ang hihilig niyo kasi mag-Facebook e. Ang hihilig niyo mag-Internet samantalang hindi ka pa tapos sa trinatrabaho mo. Tsk.

Subalit ano pa maliban dun? Simple lang: kung hindi ka marunong magbasa, illiterate ka. Yun nga lang, nagbabago ang antas ng edukasyon kaya mananatili na namng itong isang kumplikadong isyu sa mata ng mga tamad.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 27 March 2014

Bad Filipino Taste

3/28/2014 10:41:04 AM

Yan na naman tayo eh. Lumabas na naman ang pagiging balat-sibuyas nating mga Pinoy eh. Parang two years ago, nagngingit tayo sa galit sa isang foreigner na nagsabi ng mga bagay na ayaw niya sa Pilipinas.

Tapos, taong dos-mil-katorse na, may blogger lang na inayawan ang pagkain natin eh nagngitngit naman tayo sa galit.

Oo, nagalit tayo sa aleng ito.

Si Agness Walewinder, ang Polish na awtor ng isang travel  blogger na pinamagatang “eTramping.” At para sa mga angaw-angaw na magagaling na mambabasa, ang blog nila na yun ay naglalayon na makapagtravel sa alinmang bansa at mamuhay sa lugar na yun sa halagang $25 sa loob ng isang araw (or less pa).

Eh ngayon, bakit nga ba ayaw niya sa pagkain ng Pinoy? Dahil raw sa  napakababang numero ng mga kaininan na nanghahain ng tradisyunal na Filipino cusine; isama mo na rin dyan yung mababang kalidad diumano ng mga kasangkapan at pagkain mismo.

Sa totoo lang, kung nagbabasa lang kasi naman ang mga Pinoy mula start to finish, may mga ilang parte ng entry niya na naglarawan naman ng pagkagusto niya sa mga piling pagkain sa Pilipinas.

Yan ang napapala ng mga tao na pamagat lang ang binasa, tapos magrereact na kagad. Yan ang tipikal na Pinoy, na lagi kong naoobserbahan sa isang site na pinagsusulatan ko din (galit ka? Bakit, tinamaan ka ba?).

React nang react pero hindi naman naiintindihan. Kaya kayo nalulunod sa kumunoy ng kaignorantehan eh.

Kunsabagay, napakabihira lang yata ang mga kainan na naghahain ng mga pinakahinahain ng mga Pinoy. Kung lechon gusto mo, wag kang umasang makakakita ka sa kung saan-saan lang, dahiul madalas nyan ay nasa La Loma, Cebu, Batangas, o kung nasaan pa man yan.

Pero may adobo naman ‘di ba? At madali lang siyang ihain? Kunsabagay, kaya nga may nagpanukala na gawin siyang “national food,” di ba?

Pero paano nga naman ang iba pang pagkaing Pinoy? Ano ‘to, sa mga tulad na lamang ng Barrio Fiesta, Adobo Connection, Sinigang Express, at ultimong Mang Inasal lang tayo aasa?

Ito pa ang problema, kung hindi trip nila Agnes at Cez ang pagkain sa Pilipinas, e mas gusto naman nila ang tila Stunning Scenery ng Banaue.

Ngayon, ano ang ibig sabihin nito? Masyado tayong picky sa mga negatibong bagay? Yan kasi ang napapala na mga taong hindi marunong magmahal sa sariling bansa. Parang inaantay pa yata natin na batikusin pa tayo ng mga taga-ibang lahi. Sa madaling sabi, para tayong mga gago.

Hindi mo ito napansin? May gana kang manumbat at mangistalk sa mga post niya sa site niya and yet hindi mo mismo naappereciate kung gaano niya ipinagmalaki ang bansa natin kahit sa ganito lang?

Eh mga gago pala kayo eh.

Pero ano pa nga ba ang ikinagagalit natin?

Ahh, alam ko na – yung pag-generalize niya sa pagkain natin. Ayaw nya ng Filipino food as a whole. Sabagay, kalian pa nga ba nating magandang practice pagdating sa journalism at ultimo sa mga impormal na pamamaraan tulad ng blogging ang tinatawag na “generalization?”

Pero sa kabilang banda kasi, marami na rin siyang triny e.

Tama siguro yung isang banyaga na gumawa ng response letter para kay Agness (Hindi yung dahil sa nagkataon na may PMS siya ha?) – na maaring di pa sapat ang panahon na nagstay siya sa Pilipinas. Pero kunsabagay, katulad ng agenda ng blog nila, less than $25 a day, so sa malamang ay nasa tight budget lang din sila. Anyway, kanya-kanyang pananw na rin nila yan.

Pero alam mo, wala na dapat pang pagtalunan pa eh. Masyado lang tayong OA mag-react, akala mo naman mga tunay na Pilipino kayo talaga.

Sa madaling sabi, para kayong mga gago.

Hindi na talaga tayo natuto, parang two years ago lang, may lumabas na video na “20 Things I dislike about the Philippines,” eh nagngingitngit na tayo sa galit kahit hindi pa natin napapanood ang mga ito.

At parang last year lang, sinabi lang ni Dan Brown na Gates of Hell ang Manila, ito na naman tayo.

At isa pa, maliban sa Pilipinas ay sinabi niya na hindi rin trip ni Agness ang Sri Lankan food. Pero may narinig ka ba mula sa mga tao dun? Malamang wala, dahil hindi naman natin naiintindihan ang anumang lengwahe nila e.

A piece of unsolicited advice for all of you: ang pagiging nasyonalismo, hindi sinasalita, kundi... isainasagawa. At hindi kailanman nagging parte ng isipirtung yan ang pagiging balat-sibuyas, tagahanap ng butas at ang akto ng pangangalandakan ang kabobohan.

“Pinoy Pride?” Pinoy Pride your face!

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions