“tol/friend/pre, pa-like naman ng status ko oh. Thanks. J”
Aminin mo, minsan sa buhay mo e nakabasa ka na sa mga chat messages mo ng ganito, kahit hindi sa eksaktong konteskto ng salita. Na minsan e may nagsend sa iyo ng mensaheng iyan. At... alam mko na idedny mo to, ikaw din mismo nakapagsend na ng ganyan sa mga friends mo sa fb.
Well, ganun talaga ang kalakaran sa mag social networking sites. Hindi mo lang binebenta ang sarili mo na base sa kung ano ang nakalagay sa About Me section mo, pati na rin yung mga bagay na lumalabas sa isip mo na siyempre e natatranslate sa mga post mo, and at least hindi naman sa mahaliparot o mala-putang pamamaraan ha?
Pero may mga bagay kasi na dapat e nasa tamang lugar lang. Magpi-PM ka lang sa isang tropa mo para lang magpalike ng status? Hmmm...
Kung ibang bagay yan tulad ng may ipaplug ka na page/litrato/ibang entry, pwede pa. Pero, status lang? Pasensya ha, pero hindi kaya, masyado naman tayong desperado niyan para lang hindi tayo tumumal sa mga Facebook profile natin?
Sabagay, iba-iba kasi tayo ng persona e, kaya sa totoo lang hindi ko rin masisi ang mga taong yan o kung sinuman na naalibadbadran pa sa mga taong lagi nakakarecieve ng “palike naman ng status ko” message sa Facebook chat.
Sa kabilang banda kasi, ito ang paraan para sumaya sila. Yung tila pag naka-30 likes na ang post nilang iyun e, nagtatatalon sa tuwa’t galak at baka kinikilig pa.
Yun nga lang sa mata ng ilan, e hindi na to sibilisado, hindi na lubos na nakakatuwa, na tila nababasag na ang trip nila.
Sabagay kung sa isang sitwasyon na kunwari e... parang ganito. Heart-broken ka, tapos may nagsend sa iyo ng mensahe na pakilike naman ang status ko, at nung tinignan mo yun e isa palang sweet na banat quote para sa boylet niya, parang.... sama naman ng dating nun para sa iyo lalo na kung bitter na nga ang pakiramdam mo, galit ka sa pag-ibig at makakabasa ka ng ganung bagay. Maswerte pa siya kung hindi ka naasar ng panahon na iyun. E pano kung nadala ka sa bugso ng emosyon? Pustahan, laking away niyan, tsong.
O di naman kaya ay hindi maintindihan ang pinagsasabi sa status mo at ipapalike mo pa bas a iba? Kahit sabihin mo na hindi naman siguro tatanga-tanga ang mga yan kung magbasa e hindi mo rin maiwasan na kahit andyan na nakalahad na pero hindi pa rin maintindihan ang pinakapunto ng menshaeng sinasabi mo sa status mo.
At minsan nga nakaengkwentro ako ng isang tao na sa sobrang pagakahumaling sa fb status niya, pati pa naman sa text e yun pa rin ang sasabihin. “Pakilike naman ng status ko sa fb hehehe thanks.”
Wasak.
Kung gusto mo maging mabenta ang Facebook post mo, makipag interact ka din. Hindi pwedeng maging self-centered ka lang, pwera na lang kung sikat ka. As in lehitimong celebrity ka. E pano kung isa ka lang hamak na user ng social networking site na to? Magreresort ka sa mga autolike na cheat? Hmmm... nasa sa iyo yan pero iba pa rin ang essence ng tunay na tao na talagang nakakaintindi sa mga post mo.
At ito pa, siguraduhin mong makakarelate talaga ang mga tao sa post mo. E pano kung bibitaw ka ng isang mala-galit-sa-mundong linya dyan sa What’s-on-your-mind? Box mo at yung taong nakakabasa nyan ay yung mga taong taliwas sa saloobin at ideolohiya mo, e wag kang mag-expect na may bebenta talaga niyan. Baka pa nga e may magalit din sa mga sinasabi mo. Tahasang kokontrahin ka pa.
Basta, para sa akin... ANG TUNAY NA STATUS, KUSANG NILALIKE, HINDI PINAPALIKE. Take time lang kung gusto mo maging social media elite or maging pamoso sa mga ganitong bagay. Hindi lahat nadadaan sa sapilitan. Keep working on it and make it good and better.
Author: slickmaster
Date: 07/02/2012
Time: 09:35 pm
(c) 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment