Showing posts with label facebook. Show all posts
Showing posts with label facebook. Show all posts

Friday, 6 June 2014

Basa-Basa 'Din 'Pag May Time

5/13/2014 6:22:21 AM




Ito ang isa sa mga pinakasakit nating mga Pilipino: ang katamaran magbasa. Hindi lang siyang isang simpleng karamdaman, dahil madalas ito rin ang nagiging ugat ng ating pagiging mangmang o ignorante, at kung minsan pa nga ay ang pagiging arogante.



Hindi na bago ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay. Sa simpleng konteksto lang, may mga pagkakataon na nagrerklamo tao sa isa o sa iilang bagay na hindi naman natin lubusang naiintindihan. Okay nga ang sana kung hindi naiintindihan eh. Pero mas masaklap ay yung ni hindi mo binasa.

Sa advent ng social media, sa panahon na maraming mga manunulat sa mga blogs ang ginagamit na venue ang mga tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Pinterest, at kung anu-ano pang katulad, madalas ay mapapansin mo ito: ke viral man ang artikulo o hindi, may mga magrereact d’yan na mga mangmang – as in hindi nagbabasa. As in sa title lang sila nagrereact; o kung minsan, sa mga meme o litrato na kalakip ng post mo.

Lalo na sa Facebook. Pumunta ka sa mga thread ng pambalitaan gaya ng ABS-CBN News, GMA News, Inquirer.NET, at sa kung saan pa; ganun din sa mga entertainment portal gaya ng LionhearTV, sa mga community blogsite gaya ng Definitely Filipino, at ultimo ang mga satire gaya ng So Whats News. Oo, more evident dito, hindi sa maraming naloloko, kundi sa daming tangang nagkukumento.

Oo, nga pala. Kasi walang satire gene ang kamaramihan. At ayon yan sa isang pagsusuri.

Yung tipong halos patayin na niya ang nagsulat dahil sa hindi nagustuhan ang pamagat, pero huwag ka: ang mga remark nila, aba’y akala mo naiintindihan nila ang lahat.

Sa madaling sabi, wala silang pakialam sa alinman ang nilahad mo. Basta, dahil malayang lipunan tayo, may “say” pa rin kami kahit hindi namin binasa ang alinmang sinabi mo.

Pucha. Parang mga gago lang e no?

Ngunit ano o anu-ano ba ang madalas na excuse ng mga tao kung bakit hindi sila ganun nagbabasa? Una, short lang ang attention span ng tao, at in general ko ito sinasabi. Ayon na yan sa isang artikulong nabasa ko sa isang isyu ng Philippine Online Chronicles.

So, ano ang mga posibleng excuse nila? Either busy sila para sa ibang bagay tulad na lamang ng pagtatrabaho at pagpe-Facebook. Maari rin na nanaka-mobile sila at hindi ma-access ang site (or minsan, mabagal ang pag-load ng page) sa mga telepono nila.

Pero, ang sa lagay ba, kaming mga manunulat at publisher pa ang may-kasalanan? Dahil ba ito sa hindi pagsunod sa aling alintuntunin ng online writing tulad na lamang ng: pagbabanggit ng keywords sa halip na sabihin ang buong kwento, at kung anu-ano pa, ganun?

Leche.

Pero dahil sa napakaikli lang naman ang attention span (generally) ng mga tao, tendency ay hindi talaga nito nababasa ang anumang nilalahad mo. Kumbaga sa pagre-review, nag-scan lang siya ng notes niya, bagay na masasabi (para sa mata nila) na sapat na para magkumento.

Maaring tama rin ito o maari ring hindi, depende kung gaano niya naida-digest o nako-comprehend ang lahat ng nabasa niya.

At dahil napakaikli nga ng attention span ng tao para magbasa, chances are tatamarin sila magbasa ng artikulo mong singhaba ng tatlong chapter ng nobela yung tipong aabot sa mahigit 600 na salita, 2 pahina, at libu-libong characters (kabulang na ang spaces, at punctuation marks). Kaya sa totoo lang din, kung tamad lang din magbasa ng ganung kahabang artikulo ang tao, tulad na lamang ng ga akda ng inyong lingkod, dalawang bagay: either masyado na akong nagpapaka-awtor, o likas na tamad lang talaga sila – at ito rin ang magpapatunay na hindi sila hahanga.

Pero sabagay, hindi naman ako nagsusulat para hangaan ako ng tao. At kung sakaling may fan ako, salamat. Pero yan ang bagay na mas maalala yata sa akin ng tao – ang kahabaan ko magsulat ng artikulo.

Sa madaling sabi, ang pagiging short-attention span ng karamihan, implikasyon ito kung gaano ang lebel ng pag-unawa natin: superficial, o mababaw. Ano ‘to? Masyado na kasi tayong nalulong sa pagmamadaling bagay? Dahil ba ito sa tinawatag na “instant gratification” theory? Gusto natin lahat, madali, porket may Internet na?

Sa kaso natin dito sa Pilipinas, yan ang napapala kapag naka-free data ka sa Facebook. Pero dahil free data lang, siyempre ayaw nila na gumastos para luamabs as ibang site—lalo nas asa isyu natin na ang RP ay isa sa mga bansang may pinakamabagal na Internet speed.

Ang hihilig niyo kasi mag-Facebook e. Ang hihilig niyo mag-Internet samantalang hindi ka pa tapos sa trinatrabaho mo. Tsk.

Subalit ano pa maliban dun? Simple lang: kung hindi ka marunong magbasa, illiterate ka. Yun nga lang, nagbabago ang antas ng edukasyon kaya mananatili na namng itong isang kumplikadong isyu sa mata ng mga tamad.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 2 October 2012

MASISISI MO BA SILA?


Ang mga tao sa mga social networking sites, na ang lalakas ng pwersa kahit hindi nagsasalita. Sa isang post o comment lang, kaya na nila banggain ang sinuman. Mga nambubully man, na-caught in the act na kawatan, at kahit ang mga sikat na personalidad. Masisisi mo ba sila kung bakit gan’on na lang ang reaksyon nila sa batas na tila kikitil sa kalayaan nila na maglahad ng anumang naiisip at nararamdaman nila sa internet?

Oo at hindi lang ang posibleng sagot na nakikita ko.


Sabagay, masisisi mo ba ang mga tao na naglalabas ng saloobin sa Facebook matapos ang nakakastress na araw para sa kanila? Kahit sabihin natin na walang nagagawang tama ang magbuhos ng emosyon sa isang social media post? Ito kasi ang nagsisilbing getaway nila sa masasamang bagay sa realidad ng kanilang buhay. Dito sila nagte-take out ng kani-kanilang mga frustrations at problema.

Masisisi mo ba ang mga sadyang opinionated lamang na tao, na nakikipagpatutsadahan ng mga kumento at personal na tirada sa kada nagbabanggaang trending topic sa Twitter? Pero mas mabuti sana kung tatanggalin na natin ang pamemersonal, ano po. Yan kasi ang hirap sa iilan. Sakit na yata nila iyan.

Masisisi mo ba na ginagawang katatawanan na lamang ang mga problema sa buhay ng ilang mga users? Yung mga may ayaw sa negative vibes at bad news na umeere sa mga balita? Sabagay, there’s a world of difference between having fun and making fun. Pero kadalasan kasi ang troll ay wala na rin sa hulog kung makapang-trip. Kahit sino na lang, titirahin, bumenta lang ang post. Walang pakialam sa mga sasagasaaan na tao kung sakali. Mas mabigat na damage yun, talagang prone sila sa cyber-libel. At ang mga matatamaan ng pagto-troll, parang maituturing na biktima ng isang kaso na tinatawag na “cyber-bullying.”

Masisisi mo ba ang mga taong mahihilig kumondena sa kada kalokohang nagaganap at naganap sa lipunan, virtual man o realidad? Oo nga naman, ‘di ba? May mga tao na mala-akitibista kung makapagreact, pero ayos lang ‘yan kesa naman sa mga taong nakikiuso lang at wapakels deep inside, as in may masabi lang.

Sabihin man natin na may halong conspiracy at mob mentality ang karamihan sa mga social networking users. But the real thing is, iyan na lang yata ang natitirang way nila para mai-express ang sarili nila. Maliban na lang kung mayaman sila sa load para magsagawa ng mala-group message na text brigade. At kahit ang mga blogs, na naging venue na para sa iba na maglahad, lalo na ang mga taong sadyang may passion sa pagsusulat.

Ngayon, bakit sila madedeprived para mailahad ang saloobin nila? Masisisi mo ba talaga sila? Oo at hindi.

OO, dahil karamihan sa kanila ay naglalahad sa mala-barbarong pamamaraan. Hindi man lang responsable sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam kung hindi ba nila nalalaman na ang lakas ng kapangyarihan ng mga “salita” o nagpapanggap lang na ignorante ang mga ito. Sadyang totoo na may matatamaan talaga sa anumang mailalahad ng bawat tao, pero hindi ibig sabihin noon na hindi na tayo magdadahan-dahan. Alalahanin mo, ito ang panahon ngayon na maraming napapahamak dahil lamang sa pagsasabi ng totoo.

At HINDI dahil sa modernong panahon, sa mga gadget na lang tulad ng cellphone at computer na lang ang pamamaraan nila para makapaglahad. At bilang mamamayan ng bansang ito, iyan ang isa sa mga nakapaloob sa ating Bill of Rights. Parte yan ng karapatan natin bilang tao. Pero sa totoo lang, mas masuwerte pa tayo kesa sa ibang bansa na talagang banned ang paggamit ng social media by all means (o kung hindi man, e kontrolado pa rin).

There’s a thin line between telling the plain truth and defaming somebody else, whether by intention or not. Ibig sabihin, may pagkakaiba kasi ang pagsasabi ng totoo sa magsabi ka ng mga bagay na paninira na kung maituturing, sadya man o hindi. Kaya sa totoo lang, mag-ingat din kasi tayo sa anumang ilalahad natin, dahil iba-iba tayo ng pananaw bilang tao, parang malayang lipunan natin. 

Author: slickmaster | Date: 10/03/2012 | Time: 10:05 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions.

Tuesday, 31 July 2012

Ang pag-alala kay Friendster.

Bago nauso ang Facebook, may mga social networking sites pa patok na patok nun sa mga internet users. Andyan ang MySpcae, pati na rin ang Multiply, at iba pa; pero ang pinakanumero unong ginagamit ng tao ng mas madalas lalo na dito sa Pilipinas ay ang Friendster.

Halos 1 buong dekada namayagpag sa world wide web ang Friendster bilang isang social networking site. Isa sa mga malalaking porsyento ng mga taong tumatangkilik nito ay ang Pilipino. Hmmm… bakit kanyo? Ewan ko, basta mahilig ang karamihan sa atin na makipagkaibigan e.



Mula sa tipikal at standardized na profile, naging personal-customized ito noong gumawa ng mga bagong palataporma ang nasabing social networking site. Parang office-form na template nga ata dati ang istura e (para sa akin ha?). Pati ang mga pangalan, pwedeng ma-i-type ayon sa kagustuhan ng gusto mo, basta tamang letra ang gamit.

Dati, profile picture lang ang mga nilalaman ng isang photo album dun. Sabay nagkaroon ng photo album. Teka, parang alam ko, pwede naman magkaroon ng maraming album dun e. Pero sa kaso ko kasi e literal na mapapagkamalan talaga ako na isang banidosong tao dahil sa panay litrato ko lang ang nilalagay ko sa fs ko. Yung iba? Nakastuck sa PC at Multiply account ko. Pakialam ko ba sa kanila? ‘de, sa takot ko na rin na manakaw ang mga litratong kuha ko mismo. Nagsisimula rin kasi ako mag ekspermento sa photography nun e at sa advent ng internet, madali ngang mag-upload, madali ring magdownload at ipagyabang na kuha nila ang dapat ay pagmamay-ari mo mismo.

Ang mga tag sa Facebook? Parang photo grab lang ng Friendster ‘yan.

Status, tweet, o kahit plurk? Hmmm…. Parang halintulad lang sa shoutout ah. Mas malala, este, maingay ba? Bulletin board message.

Ang testimonial o comment? Laging dinedemand ng mga tao yan. Ako nga lang ang makapal ang mukha na hindi humihingi niyan e, dahil hindi rin ako nagbibigay ng mga ganun. LOL! Teka, mahahalintulad ba ito sa mga wall post ng Facebook? Buti naman walang nagdedemand ng “uy, magpost ka naman sa wall ko” pero mas ok na iyun kesa naman i-PM ka na “tol, pa-like naman ng status ko. Salamat!” Parang kelan lang, sikat na litanya ng tao ang “uy, penge namang testi dyan oh.”

Oo nga pala, nagkaroon din pala ng fan page ang Friendster no? Pati ang mga Friendster blogs. Masternestor pa ang username ko dun e. At bago naging social gaming site iyan noong 2011, literal, may games talaga ang Friendster nun. Kailangang makasabay sa alon ni pareng Facebook ang mga katulad nila e.

Naungusan nga ng Facebook ang Friendster noong 2009 pagdating sa numero at impact sa karamihan ng mga taong gumagamit. Mas madali kasi makipag-interact at mag-promote sa fb kaysa sa fs. Sabagay, sa panahon na nagsimula ulit ako na mag-blog noong taong din na iyun ay halos hirap ako gumawa ng paraan para i-plug ang mga akda ko sa blogspot. Kaya last resort ko ay ang i-repost ang mga to sa Friendster blogs at blog section ng Multiply account ko.

Sa sobrang pakikiuso ng karamihan noon sa Facebook, tila isinusumpa nila ang Friendster dahil sa lamang na lamang na talaga ang Facebook kung ikukumpara sa mga features nito. Aba, parang hindi dumating ang panahon na hanggang patilya ang ngit ng mga ‘to nung una silang nagkaroon ng Friendster account ah. At hindi makikilala ang mga Pilipino bilang social networking capital of the world kung hindi dahil sa pioneer na social networking site na ito, ‘no?

Tingin ko mas naging mainstream ang Facebook dahil sa iba’t ibang mga kumpanya, particular na mga taga-media na gumamit nito para sa kani-kanilang mga palataporma. Bihira kasi ang pagkakataon na i-promote ng mga tao dun ang Friendster account. Sabagay, kung 500 nga naman ang limit ng friends mo dun, what can you expect? I mean, ilang account ang kaya mong gawin tulad ng RX 93.1 nun? Naalala ko kasi na ilang account nila ang naging parte ng social network ko dun e.

Noong naglaon, hindi ko na alam kung ano ang bagong limit nila e. 10k ba o 5k o… ewan. Basta ako, kuntento sa 1172 na mga tropa ko dun.

Pero sayang lang din at hindi ko naretrieve ang mga info ko dun noong nagreformat sila. Masaydong nahaselan ang PC ko para idownload ang mga yun e. Pero ayos lang, ang ilang mga kaibigan ko dun, naging kaibigan ko pa rin sa Facebook e. At halos 3 ½ taon ko na ring ginagamit ang fb ko mapahanggang ngayon.

Malamang ang boring ng buhay ngayon kung wala ang mga katulad ng Friendster at isama mo na rin diyan ang Yahoo! Messenger. Dyan rin kasi ako naglalagi noon e. At matagal bago makilala ang Pinoy bilang mga top social networkers dahil ang tagal bago umusbong ang ibang mga sites. Pero ibang istorya na iyun, at sa malamang iba ang takbo ng buhay din nun.

Salamat sa 8 taong pinagsamahan, aking 3 Friendster account. Don’t worry, tuloy pa rin ang aking buhay sa social networking side. Hindi ko makakalimutan ang mga panahon na ating pinagsamahan. Hanggang sa muling pagkikita.

Author: slickmaster
Date: 08/01/2012
Time: 12:28 P.M.
© 2012 september twenty-eight productions.

Monday, 2 July 2012

Ang tunay na status, kusang nila-LIKE.

Oo nga naman. Sa panahon na nauso ang mga tila bentahan ng post fedbacks tulad ng mga like sa Facebook at favorite sa Twitter, e talagang may mga tao na aasta na parang magbebenta dyan, pero ang binebenta niya – ay ang status niya sa Facebook.

“tol/friend/pre, pa-like naman ng status ko oh. Thanks. J

Aminin mo, minsan sa buhay mo e nakabasa ka na sa mga chat messages mo ng ganito, kahit hindi sa eksaktong konteskto ng salita. Na minsan e may nagsend sa iyo ng mensaheng iyan. At... alam mko na idedny mo to, ikaw din mismo nakapagsend na ng ganyan sa mga friends mo sa fb.

Well, ganun talaga ang kalakaran sa mag social networking sites. Hindi mo lang binebenta ang sarili mo na base sa kung ano ang nakalagay sa About Me section mo,  pati na rin yung mga bagay na lumalabas sa isip mo na siyempre e natatranslate sa mga post mo, and at least hindi naman sa mahaliparot o mala-putang pamamaraan ha?

Pero may mga bagay kasi na dapat e nasa tamang lugar lang. Magpi-PM ka lang sa isang tropa mo para lang magpalike ng status? Hmmm...


Kung ibang bagay yan tulad ng may ipaplug ka na page/litrato/ibang entry, pwede pa. Pero, status lang? Pasensya ha, pero hindi kaya, masyado naman tayong desperado niyan para lang hindi tayo tumumal sa mga Facebook profile natin?

Sabagay, iba-iba kasi tayo ng persona e, kaya sa totoo lang hindi ko rin masisi ang mga taong yan o kung sinuman na naalibadbadran pa sa mga taong lagi nakakarecieve ng “palike naman ng status ko” message sa Facebook chat.

Sa kabilang banda kasi, ito ang paraan para sumaya sila. Yung tila pag naka-30 likes na ang post nilang iyun e, nagtatatalon sa tuwa’t galak at baka kinikilig pa.

Yun nga lang sa mata ng ilan, e hindi na to sibilisado, hindi na lubos na nakakatuwa, na tila nababasag na ang trip nila.

Sabagay kung sa isang sitwasyon na kunwari e... parang ganito. Heart-broken ka, tapos may nagsend sa iyo ng mensahe na pakilike naman ang status ko, at nung tinignan mo yun e isa palang sweet na banat quote para sa boylet niya, parang.... sama naman ng dating nun para sa iyo lalo na kung bitter na nga ang pakiramdam mo, galit ka sa pag-ibig at makakabasa ka ng ganung bagay. Maswerte pa siya kung hindi ka naasar ng panahon na iyun. E pano kung nadala ka sa bugso ng emosyon? Pustahan, laking away niyan, tsong.

O di naman kaya ay hindi maintindihan ang pinagsasabi sa status mo at ipapalike mo pa bas a iba? Kahit sabihin mo na hindi naman siguro tatanga-tanga ang mga yan kung magbasa e hindi mo rin maiwasan na kahit andyan na nakalahad na pero hindi pa rin maintindihan ang pinakapunto ng menshaeng sinasabi mo sa status mo.

At minsan nga nakaengkwentro ako ng isang tao na sa sobrang pagakahumaling sa fb status niya, pati pa naman sa text e yun pa rin ang sasabihin. “Pakilike naman ng status ko sa fb hehehe thanks.”

Wasak.

Kung gusto mo maging mabenta ang Facebook post mo, makipag interact ka din. Hindi pwedeng maging self-centered ka lang, pwera na lang kung sikat ka. As in lehitimong celebrity ka. E pano kung isa ka lang hamak na user ng social networking site na to? Magreresort ka sa mga autolike na cheat? Hmmm... nasa sa iyo yan pero iba pa rin ang essence ng tunay na tao na talagang nakakaintindi sa mga post mo.

At ito pa, siguraduhin mong makakarelate talaga ang mga tao sa post mo. E pano kung bibitaw ka ng isang mala-galit-sa-mundong linya dyan sa What’s-on-your-mind? Box mo at yung taong nakakabasa nyan ay yung mga taong taliwas sa saloobin at ideolohiya mo, e wag kang mag-expect na may bebenta talaga niyan. Baka pa nga e may magalit din sa mga sinasabi mo. Tahasang kokontrahin ka pa.

Basta, para sa akin... ANG TUNAY NA STATUS, KUSANG NILALIKE, HINDI PINAPALIKE. Take time lang kung gusto mo maging social media elite or maging pamoso sa mga ganitong bagay. Hindi lahat nadadaan sa sapilitan. Keep working on it and make it good and better.

Author: slickmaster
Date: 07/02/2012
Time: 09:35 pm
(c) 2012 september twenty-eight productions