Showing posts with label rants. Show all posts
Showing posts with label rants. Show all posts

Tuesday, 13 May 2014

Tirada Ni SlickMaster: The Racist Owner

5/13/2014 3:07:28 AM

So nalagay na naman sa alanganin ang National Basketball Association (NBA) matapos ang kontrobersyal na remark mula kay Donald Sterling, ha? Siya lang naman, na nagmamay-ari ng Los Angeles Clippers, ang nagbitaw ng isang “racist” na statement ukol sa mga “black people,” o sa madaling sabi, maiitim.

Paano nga ba siya na-ban sa NBA at pinagmulta ng tumataginting na 2.5 million dollars?


Ayaw n’ya kasi pahintulutan ang kanyang gelpren na magdala ng mga ganung uri (o race) ng tao sa kanyang mga laro. Ayon ito sa isang recording na nakuha ng celebrity gossip site na TMZ na naglalalam ngkanilang pagtatalo ukol sa pagiging… black.

Kung di ka kumbinsido, pakinggan mo na lang ito. Mahaba-haba nga lang, at naka-transcribe pa ‘to para maintindihan mo (kaya wag kang magrereklamo na tinatamad ka).



Sa ilang katiting na segundo ng kabuuan na siyam na minutong recording na ‘yan naging basehan ang lahat-lahat ng reaksyon mula sa mga NBA player hanggang sa mga ultimong kilalalang personalidad sa larangan ng pulitka at entertainment.

Oo, ultimo sila Snoop Dogg at US President Barrack Obama ay nabagot sa sinabi ni Sterling. At sino ba nga naman ang hindi, lalo na’t isa sa mga adbokasiya ng NBA mula noon pa man ang pakikibaka laban sa racism o racist discrimination?

Take note, ha? Hindi lang sila LeBron James, Kobe Bryant, mga nagretiro tulad ni Baron Davis, at kahit ang mga alamat ng laro na sila Magic Johnson, Shaquille O’Neal at Charles Barkley ang mga uminit ang ulo. Dahil kahit ang mga tauhan sa sariling koponan niya ay sukdulan ang pagkadismaya tulad na lamang ng point guard nilang si Chris Paul at head coach Doc Rivers.

Ano ‘to, sagot ni Sterling sa isang kasabihan noon na “white men can’t jump?”

Pero ang akto kasi ng page-generalize, at ultimo ang simpleng akto lang ng pagdidiskrimina sa kapwa mo ay isa nang malaking kasalanan sa lipunan, regardless kung ikaw ay sumasabay lang sa alon tulad ng mga mainstream patrons o isa kang taliwas sa nakararami tulad ng mga sinasabi nilang hipster. As in mas matindi pa ‘to sa ‘mortal sin’ kung tawagin, dahil hindi lang ito base sa relihiyon kundi sa pangkalahatang kamalayan na ng bawat tao.

Kaya nga naman inimpose ni NBA commissioner Adam Silver ang maituturing na pinaka-harsh na penalty sa kasaysayan ng larangan ng palakasan sa Estados Unidos na lifetime ban para sa 80-anyos na si Sterling, samahan mo pa ng pinakamataas na fine na allowed sa konsitutsyon ng liga ($2.5 million), at ito pa: pepwersahin ka na ibenta mo ang sarili mong koponan.

Saklap, ‘di ba?  Tatlumput tatlong taon mo yang pinaghirapan, pinagmanduhan; pero dahil sa katarantaduhan na binitawan mo sa gelpren mo (tsk, parang mistress ang datingan considering na may legal wife ka pa), na in return ay ni-record pala ang usapan n’yo saka pina-obtain sa TMZ, eh sinipa ka palabas ng isa sa mga pinakasikat na liga sa mundo?

Parang “early death present” ang datingan ah, considering na walong dekada ka na at tila ilang taon na lang ang ilalagi mo. Inaykupo.

Ngunit sa kabilang banda, ang isang pribadong usapan ay dapat nakatago na lang, ‘di ba? Wala itong pinagkaiba sa mga sex scandal videos na nirecord n’yong dalawa nooong panahon na nagha-honeymoon kayo, ke sa motel man yan o sa lehitimong hotel (as in nung honeymoon nyo mismo).

Subalit, sa kablang banda, hindi ito mahahalungkat kung hindi dahil sa advent ng teknolohiya ngayon. Isipin mo ha? Kaliwa’t kanan ang pahayag ng mga tao, ordinary man o prominente sa social media? At parang citizen journalism na rin ang datingan nito considering na mula ito sa recording ng babae mismo.

Ito lang ang mga maari nating matutunan mula sa kalokohang ito: ang racism ay isang malaking kasalanan na magagawa mo. Kaya ingat ka sa mga sinasabi mo, lalo na’t baka mamaya ay magkakaroon pala ito ng backlash mula sa ‘yo. Maaring resulta yan ng pangbaba-backstab ng iba laban sa ‘yo, pero alalahanin mo ha? Na minsan, ang mga akto ng tila ‘kamalasan’ sa mata natin, ay resulta lang din ng ating katarantaduhan.

At hindi lang si Donald Sterling ang racist na namumuhay sa mundo. In fact, lahat tayo ay racist, sa ayaw o sa gusto mo. Oo, kahit ang inyong lingkod, kahit ikaw na nagbabasa nito, kahit yang mga katabi mo, kamag-anak at kaibigan mo ay may pagkaracist – sa kanya-kanyang pamamaraaan nga lang, mula sa simpleng pang-aasar hanggang sa mabibigat na personal na panunumbat.

Kaya mag-iingat ka.

Author: slickmaster  | © 2014 september twenty-eight productions

Sunday, 13 January 2013

Sa akin ang almusal, sa iyo ang hapunan. (Just My Opinion: The "Kabit" Film Story)

07:49 AM | 01/06/2013
Kabit dito, kabit doon. Dinaig pa ang mga jumper o magnanakaw ng kuryente, telepono at internet connection kung maki-"kabit" sa ibang tao. Lagi na lang na may ganitong klaseng tema sa mga ilang mga naglalabasang pelikula at telenobela na pang-telebisyon sa ngayon.

Si lalake na CEO at married na, ka-affair ang kanyang secretary. O hindi naman kaya ay, si babae naman na may asawa (at housewife lang ata) e na-fall sa ka-flirtan niyang lalake sa bar. Hanggang sa nagkaroon ng hidwaan ang isa't isa. Iskandalo, matatalim na salita't mga linya, at ang siste pa kamo, minsan dumarating pa sa patayan ang eksena. At sa bandang huli, yung dalawang orihinal pa rin ang magkakatuluyan. At halos ganito na lang palagi ang istorya.

Pero nakakaburyong na sa mata, inaykupo. Sa sobrang tindi kasi ng mga ganitong pelikula e hindi na rin kataka-taka kung bakit nauuso ang mga tulad ng "third party," "affair," "love triangle," "nangaliwa," at iba pa na tumutukoy sa relasyon ng tatlong taong nagmamahalan. Oo, tatlo nga.

Sinasabing ang pag-ibig na ganito ay pang-dalawahan lamang. Pero bakit nga ba laging may sumasabit na extra? Ano 'to, sadyang may ganito sa mundo para maranasan ng tao kung paano masiraan ng relasyon? 

Hindi naman siguro, ano? 'Wag tayo mag-generalize sa panghuhusga. Bagamat karamihan sa mga "ikatlong partido" ay sadyang naninira lang ng buhay ng may buhay, mayroon din namang nagsisilbing tagapamagitan at tagapag-ayos sa dalawang nagmamahalan. Depende nga lang kung ano ang kanyang sadya sa buhay, kung magpapakasarili ba o magpaparaya. Take for example, ang isa sa mga kaibigan ko na kahit naging "kabit" siya e hindi niya hinayaan na masira ang pamilya ng minsa'y kinasama niya. Alam niya ang tama at sa huli, ang nararapat pa rin ang kanyang ginawa. (Saludo ako sa mga taong ganun).

Yun nga lang, dahil talamak talaga ang nanggagago sa kapwa nila sa ganitong pamamaraan, talagang hindi maiiwasan ng mga iba (wag na natin isamsa ang mga sawsawero't mga mangmang) na maging masama ang pananaw nila ukol dito.

Kaya maliban pa sa mga bagay na tulad ng jejemon, maagang nagkaka-pamilya (yung wala pa sa wastong edad ang tinutukoy ko ha?), mga kenkoy sa mainstream culture, at kung ano-ano pa... ang mga palabas sa telebisyon at pelikula na naglalarawan ng "relasyong threesome" ay ang pinakabaduy na bagay na nauso na sa ngayon. Hindi na 'ko magtataka. Maraming tao nag-aaway, maraming relasyong nasisira. May pang-aagawan, ahasan, awayan, gantihan, panibagong resbakan, at kung anu-ano pa. Basta, sa ngalan ng pag-ibig sa kanilang kasintahan o kinakabitan.

Kaya maliban pa sa mga overly-attached na partner (na obviously e "obsessed" na), ito pa ang isang bagay na nakakalungkot (pero... ganun talaga e, nauuso siya) ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sumasama ang impresyon at depinisyon ng salitang "pagmamahal" e.

At sino ang dapat sisihin dito? Aba, e sino pa ba ang gumagawa ng mga ganitong bagay sa parehong realidad at sa pinilakang tabing? Ikaw na lamang ang tanging makakasagot diyan.

Hindi porket may matinding emosyon na ang isang linya na naglalarawan ng agawan at pighati sa pag-ibig e ayos na o maganda na. For the sake of commercial value, mabenta nga. Pero morality wise speaking... e ano? May sense ba talaga? Kailan pa ba naging okay sa lipunang ito ang maglokohan sa pag-ibig? Ang mang-agaw ng kasintahan ng may kasintahan? Ang maki-apid, o sa nasabing kahdahilanan ay makipagpatayan pa? Anak ng puta naman.

Ngapala, hindi rin siya maikaklasipika sa tinatawag na "high-class entertainment" para sa akin.

Kaya, anak ng puta naman ulit, tigil-tigilan na nga natin ang kabit na yan. Matuto naman tayo magmahal ng tapat at 'wag manood ng mga kabullshitan na ganyan.

author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Wednesday, 21 November 2012

10 signs of an EPAL-ITIKO, (as seen on T3’s ANLABO NIYO!)

Ang blog na ito ay may halaw na mga konspeto at konteksto mula sa isang Anlabo Niyo segment na umere sa Nobyembre 5, 2012 na episode ng palabas na T3 sa TV5.

Nalalapit na ang eleksyon, dumarami na naman ang mga manliligaw sa bawat puso at isipan ng bawat botante. Pero, ang iilan naman sa mga ito ay tila walang delikadesa. Parang hindi yata nabasa ng mga ito ang tinatawag na Omnibus Election Code o hindi sila aware kung kelan ang campaigning period o ang panahon para pormal na magpakilala sa kanilang mga liligawan.

Kung si Mr. BITAG Ben Tulfo ang susundin, narito ang sampung bagong gimik ng mga epalitiko na nakunan ng palabas na T3.

Well, ano ang 10 tips na ito para maisapatan ang pulitko. As in ispatan lamang ang 10 bagay na... well, bagong gimik nila.

#10 – Mga sumasakay sa HAPPY FIESTA na mga tarpaulin, o kung ano pa man na pagbati iyan.Ito ang pinakatradisyonal sa lahat. Kumbaga sa plaka, sira na ‘to at sobrang gasgas! At ito ang pinakatumpak na halimbawa ng “riding the bandwagon… political style.”

#9 – Mga libreng school supplies, gaya ng notebook, lapis, at bag. Teka, matanong lang, sa inyo ba talaga nanggaling yan o sa budget ng bayang pinaglilingkuran niyo? Yung naka-allot na para sa edukasyon ng mga bata dun? Kasi kung yun ang sagot, ay… hindi po tama yan. Pera pala naming yan, ‘wag niyong angkinin! Lalo na kung mas malaki pa pala ang size ng mukha n’yo kesa sa litrato ng estudyante mismo sa kada ID ng mga ito. Sino ba talaga gagamit niyan?

#8 – Mga libreng gamot. Serbisyo pangginhawa ba, o pampastress lalo, kagaya ng sinabi ng voice-over?
#7 – Dextrose.  Aba, pambihira naman iyan! Nakatapal ang muka ng congresswoman?

#6 – Mga sasakyan, mula sa mga pangserbisyo ng gobyerno kagaya ng ambulansya, hanggang sa mga pampasaherong sasakyan tulad ng bus, at kahit ultimo ang mga tricycle at… pedicab! Ano, tara, sakay na! (Parang tunog lang ng dating TV commercial na SuperFerry ‘to ha.)

#5 – Basurahan.Kung amoy kampanya lang naman ang usapan, e di… tapon na nga ‘tong mga epal na ‘to. Pambihira, pati naman basurahan papatusin niyo?

#4 – Kape, lalo na yung mga tulad ng 3-in-1 mix. Ang dami nang kakumpetisyon nito sa merkado, goodluck sa stratehiya mong yan, Congressman.

#3 – Mga palaman tulad ng peanut butter. Para sa mala-epal na palaman at epal na panlasa. Ay, bawal kami dyan. Hindi ako kumakain ng masamang damo… este, palaman sa tinapay e.

#2 – Award trophy.Sa isang award trophy na para sa mga guro, may nakatapal na sirkuladong pigura na may mukha ni Mayora. Teka, sino ba ang nanalo, yung mga guro o si Mayora? Labo.

#1 – Kornik, at hand sanitizer. Pag kumain ka nito, iboboto mo si Congressman. At hindi iyan corny ha? Maghugas ka na rin ng kamay gamit ang sanitizer niya? (sabay turo sa… well, hand sanitizer na may mukha ng pulitiko.) Literal, HUGAS-KAMAY.

Ito naman ang akin. Yung nasa #10, since time in memorial pa andyan yan e, pati na rin yung mga nasa #s 9 at 6. Pero the rest? Bago sa paningin ko ha. Sabagay, may mga produkto talaga na ginagawang taktika pagdating ng pangangampanya.

Kung maalala ko, di ba dapat ibinibigay lang ang mga ito kapag panahon na ng pangangampanya? Hindi pa naman panahon ito para sa pagpapansin nila ha?

Well… ganun talaga… pero…

ANG LABO NIYO! Kaya nga dapat siguro ipasa na ang Anti-EPAL bill ni Senator Miriam Defensor-Santiago, dahil pumapapel na naman ang mga kenkoy ng wala naman sa tamang hulog.

Panoorin ng buo sa video na ito. (Courtesy:http://www.youtube.com/user/news5philippines)


8:50 p.m. 11/21/2012
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions.

Tuesday, 20 November 2012

KKK (Kapabayaan, Kamangmangan, at Katangahan)

11/21/2012 01:20 AM 

Tama si dating Land Transportation Office (LTO) chief Alberto Suansing na 3 bagay ang kailangan ng tao para makaiwas sa mga sakuna sa kalye, lalo na yung mga sumasakay at nagmamaneho ng motorsiklo. Anu-ano ang mga ito? Disiplina, respeto at kurtesiya (o courtesy). 

Kung sa news item na binalita ni Shalala yan sa kanyang programa na Todo Bigay noong madaling araw ng Miyerkules, a-21 ng Nobyembre, taong 2012, ito ay pag-iwas sa Kapabayaan, Kamangmangan at Katangahan.

Tunog Katipunan a la “KKK” ba?

Actually, tama lang din e. Sino ba naman ang hindi mababahala o ni mauurat man lang sa mga balita na laging nagkakaroon ng aksidente sa daan?

At sa totoo lang, hindi lang sa kaso ng motorcycle-related and road accidents ito applicable. Maging sa pangakalahatan na aspeto ng buhay natin sa kasalukuyan. Oo lalo na ngayon, na usong-uso ang anumang kalokohan at kababawan sa lipunang ito, na repleksyon ng mundo sa pangkalahatan na aspeto.

Kapabayaan. Sa konteksto kasi ng aksidente sa kalye, marami ang mga harabas kung magmaneho, kaya laging nagkakaroon ng kaso na "reckless imprudence" eh. 

Isa pa - Maraming tao ang nagiging iresponsable sa kanilang ginagawa, mula sa trabaho, sa relasyon, sa mga sitwasyon na kinakailangan ng agarang lunas at aksyon, at ultimo pagdating sa sex. Isa sa mga pinakamalala at pinakamalaking kasalanan na nagagawa ng tao. Nang dahil sa kapabayaan, maraming bagay ang nasisira, buhay na napupunta sa alanganin, at kung mamalas-malasin pa – namamatay. Kaya, maging maingat sa mga kilos na ginagalawan.

Kamangmangan. Sa dami rin kasi ng motorista, hindi nila alam ang mga traffic signs, kung ano ang gagawin mo pag nag-dilaw na ang traffic light, at kung anu-ano pa. E teka, bakit nbga ba nagkaroon ng prebilehiyo ang mga bwakananginang mga mokong at lokang ito na magkaroon ng lisensya para magmaneho? Pambihira naman oh. 

Kamangmangan... oo, dapat iwas-iwasan na natin ang pagpapahalata na salat tayo sa kaalaman, maliban na lang kung talagang hindi mo alam ang gagawin. Ika nga ng kasabihan, “ignorance of the law excuses no one.” Ibig sabihin? Kahit sinong tao na mahina ang kukote pa yan, walang lusot pagdating sa batas. 

At lalo na sa panahon ng internet na mas pipiliin pa yata ng mga bata ang mag-dota o magbrowse sa internet sa umaga kesa sa mag-almusal at pumasok sa eskwela. Ika nga ni Lourd de Veyra sa klanyang congratulatory speech na dineliver nya para sa mga graduates ng UP Diliman noong Abril 22 nitong taon lang, “BAWAL MAGING TANGA. Nagtatampisaw tayo sa baha ng impormasyon.” At ito pa, “Sa mundong umaapaw sa datos, wala na tayong excuse maging mangmang.” 

Kung panay tanong ka na lang palagi dyan ng tanong pero wala ka namnag ginagawang hakbang pagakatapos, ito na lang ang tanging sagot naming dyan: IGMG. Ano ‘yan? I-Google Mo, GAGO! (Pero ‘wag magagalit kagad, kasama kasi talaga yan sa kanyang graduation speech at yan ang kahulugan ng acronym na iyan)

Katangahan. Kailangan pa bang i-memorize... este, i-esplika yan? Basic road safety at courtesy lang. Kung maiba naman ang usapan, eh... ‘tol, matanda na tayo. Alam na natin ang tama sa mali. 

Kung tutuusin nga, dapat self-explanatory na nga ito e. at kahit pa sa numero unong paksa ng usapan – ang pag-ibig. Sa totoo lang, hindi ako ganap na nainiwala na nagiging tanga ang isang tao pagdating sa pag-ibig. 

At pwede ba, huwag niyong isisi sa pag-ibig ang anumang kagaguhang nagawa mo? Nanahimik ang malinis na reputasyon nito oh, sipain kita diyan e. At oo nga pala, ito pa - hindi porket uso ang katanagahn e makikiuso ka na rin.

Hindi sa pagiging perfectionista ha? Ito lang kasi ang hirap diyan e, ika nga ni de Veyra, “iba ang impormasyon sa karunugan – ganap na talino at dunong.”

Pero sa kabilang banda, hindi na po uso ang dahilan na parang kanta lang ni Marlon Loonie Peroramas – Tao lang. Alam ko nagkakamali tayo ng ilang beses sa ating buhay, pero ika nga rin ng isang kasabihan, minsan ka magkamali ay ayos lang, pero kapag umulit ka pa sa parehong pagkakamali, e kapabayaan na, kamangmangan at kanatangan na iyan sa parte mo. Hindi mo kailangang magpakadalubhasa para at elast ma-minimize mo ang kasablayan mo sa buhay, ang pinakakailangan mo lang ay ang tinatawag na “sentido kumon.” Kung ‘di mo magets, nasa common sense lang yan.


Sources:


Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions