Showing posts with label filipino. Show all posts
Showing posts with label filipino. Show all posts

Wednesday, 23 July 2014

Tirada Ni SlickMaster: National Language Ban?!

7/12/2014 10:11:02 AM

Isang kagimbal-gimbal na balita na lamang ang gumulantang noong nakaraang (o kung masyado kang mapagbilang sa kasaysayan – ika-116) Araw ng Kasarinlan — pinapatinanggal sa kurikulum ng mga kolehiyo ang subject na Filipino.

The irony, ‘di ba? Mukha lang siyang nanggaling sa So What’s News, Abril Uno, at sa kung saang satire site.

Pero kung sakaling totoo at lehitimo man ito: ano, ang subject na yan, ipapatanggal mo? Gago ba kayo?! 


Kung totoo man na ipapatanggal ito, aba’y para mo na ring pinatay ang pagkaPilipino ng bawat tao, tutal yun lang naman ang nagsislbing tanda ng kilanlan natin bilang tao, dahil lahat naman ay hindi naman orihinal kundi either Oriental o Kanluranin na, maliban na lang siyempre kung ikaw ay nasa probinsya o taga-lungsod na pinepreserba ang pagiging makabayan; at walang masama dun.

Nagpapatawa yata ang CHED sa desisyon na ‘to ah. Ano ‘to? Ieechapwera ang Filipino language (and at the same time, pag-aralan ang mga gaya ng Ingles) para masabing “globalized” country tayo? Tangina, e global nga, sa larangan ng third world naman!

Naknampucha, patawa much ha?

Wala sanang masama kung pag-aaralan ang mga banyagang wika. Pero wag naman kalimutan ang national language natin. Aba, mas dapat nga rin buhayin ang mga tinatawag na “mother tongue” eh, tutal aminin man natin o hindi na hindi lahat ngmga nagsasalitang wikang Pilipino ay Tagalog (ewan ko ba kung sinong inutil ang nagpalit ng ganyang kataga; pero sa kabilang banda kasi, sabagay, yan ang nag-uugnay rin kasi sa ating lahi eh).

Pero, ang Filipino, ieechapwera mo sa college curriculum? Tol, iilan na nga lang ang umaangat sa antas ng pag-aaral (at mas kaunti pa riyan ang nakapagtatapos), tapos, ipapatanggal pa ba yan? Bakit, wala na bang pasensya ang mga tao dito para turuan ang mga banyagang nag-aaral sa ating bansa? Kung sa Japan nga ay mas pinaiiral ang Nihonggo o sa China ay Mandarin eh, bakit kaya dito, hindi pwede?

Dala ba ito ng pagiging utak-kolonyal natin, na porket Inglisero tayo ay angat na rin tayosa iba? Oo, sa mata nila, siyempre.

Walang masama sa globalisasyon, pero isang bagay palagi ang tinuturo ng ating nasyonal na wika: wag kalimutan ang sariling pagkakakilanlan ayon sa lugar na kinalakihan mo.

Oo, lalo na kung Filipino ka.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 10 June 2014

Malaya Ka Nga Ba?

6/8/2014 12:27:48 PM

Gaano nga ba kahalaga para sa atin ang isang malayang bansa? Simple lang: mayroon tayong “araw ng kasarinlan,” o tinatawag na “Independence Day.”

Para sa mga hindi nakakalaam: noong Hunyo 12 taong 1898 ay ipinagdiwang ng arhipelagong ito ang araw ng ating pagkalaya mula sa tatlong dekadang pananakop ng bansang Spain (o Espanya) sa atin, ilang buwan matapos ang matindihang pagaklas ng mga Pinoy na karamihan ay galing sa walong lalawigan.

Pero naging malaya nga ba tayo? Actually, hindi rin eh. Dahil pagkatapos nun ay sinakop naman tayo ng mga alagad ni Uncle Sam. At naging July 4 ang Independence Day natin sa halip na June 12.

Sa isang batas lamang nung dekada 60 ito nabago, at naibalik muli sa June 12. At sa darating na araw na rin na ‘yun (na Huwebes) ay ika-116 na taon na pala n gating kasarinlan, no?

Ngunit,ano nga ba ang ‘malaya’ para sa atin? Isa ba itong titulo, karapatan, pamagat ng Diyaryo, ng kalye o isang payak na salita lamang na hindi natin talaga alam ang kahulugan.

Maraming nagsasabing malaya tayo dahil nagagawa natin ang mga gusto natin. Pero yung nga lang, sobrang absolute na dahil nakakatapak sila ng ibang tao, ke simpleng pangungutya man yan o pagkitil na ng buhay.
Maraming nagsasabing malaya din tayo dahil may angas tayong magngawa sa ating pamahalaan. Lalo na pag sila’y nakakagawa ng kasalanan.

Ngunit, malaya nga ba tayong maituturing kung tila nakakulong tayo sa isang bulok na sistema? Kung tila nilamon ba tayo nito, gaya na lamang ng lumang kanta ng yumaong Francis Magalona. Malaya nga ba tayo kung may hawak naman tayo ng mga tiwaling gago sa ating mga kwelyo?

Malaya nga ba tayong nakalagalaw kung may nakasunod na baril ang nakatutok sa ating mga kukote?

Malaya nga ba tayo mula sa mga lumang kaisipan na nagkukubli muli sa atin sa pamamagitan ng mga lumang sablay na tradisyon at mga tila misleading na relihiyosong gawain?

Sa totoo lang, hangga’t hindi tayo nagbabago mula sa mga nakagawian natin noong panahon na para tayong sinalpak sa isang koral, hindi taaga tayo malaya.

Tignan mo: isa tayo sa mga racist na bansa, pero hindi natin magamit ang bully instinct na ‘yan pagdating sa agawan sa teitoryo ang usapan. Hindi tayo malaya hangga’t hindi tayo nagtatanda mula sap ait at akit na ating naranasan noong nakalipas na kontrobersiya sa pulitika.

Hindi tayo malaya pagka’t iniisip natin na tayo ay isang ‘biktima.’ Low-profile kuno. Lagi tayong nag-paapi.
Tama ang nabanggit sa libro ng isang histroyador na si Gregorio Zaide: may cultural diversity tayo — at yan ang nagiging ugat kung bakit hindi tayo nagkakaisa para sa kalayaan natin. Pagkatapos ng isang pag-aaklas, balik tayo sa dating gawi. Parang wala lang. parang tayong mga gago ulit na magsasabi na “magsimula ulit tayo” hanggang sa wala namang nangyayari makalipas ang ilang araw.

Sana ngayong “Independence Day,” kung isa ka ngang tunay na makabayan, isipin mo: Malaya ka nga ba? Malaya nga ba tayo?

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 12 April 2014

Dahil Laban Ni Pacquiao...

4/13/2014 10:15:09 AM

Ayun, so Linggo na naman. At may laban na naman ang tinatawag nating ‘pambansang kamao.’ Baka sa malamang, may magtatanong – “eh ano naman ngayon kung laban ni Pacman?”

Ilang bagay lang ang panigurado dito – sa malamang, maraming mangyayari na namang hindi normal kung ikukumpara sa araw-araw na pamumuhay natin.

At dahil laban ni Pacquiao... ‘national holiday’ na naman ito. Oo, as in holiday muna o ‘break muna’ mula sa iba’t ibang kamunduhan ang mga Pinoy niyan. Karamihan ay nakatutok sa radio, computer, telebisyon o kahit sa mga naglalakihang projector, at doon nag-iingay. Speaking of ingay...

Dahil laban nga ni Pacquiao, maraming instant na viewing party ang magsisiulputan. Kanya-kanyang promo nga lang. Kanya-kanya ring viewing fee. Pero minsan, may exclusivity rin. At paunahan na mapuno yan. Kaya good luck sa paghahanap.

Pero meron din naman yung mga libre, pero good luck pa rin dahil sa malamang ay punuan yan.

Sa malamang, papatok rin ang mga pay-per-view event. Lalo na yung mga taong willing magbayad ng malaki basta mapanood lamang ang laban ni Pacquiao. At lalo na rin yung mga taong naiinip sa tagal ng pag-ere nito sa free at local TV (eh sa dami ba naman kasi ng commercial gap eh).

Dahil laban nga ni Pacquiao... tahimik na naman ang kalye. Sa madaling sabi, walang trapik sa lansangan. Ay, kay sarap bumiyahe, ano? Sana araw-araw ganito eh no (pero hindi ko sinasabi na dapat araw-araw ay may laban ng boxing)? Kasi naman, wala na rin kasing nakakainis pa kesa sa mastuck ka sa trapiko. At tila ang mga pangyayari lang na tulad ng laban ni Pacquiao ang nakakapagpalinis ng kalsada.

At dahil nga laban ni Pacquiao, at tahimik ang kalye, wala rin masyadong nagaganap na krimen. Kasi kahit ultimo ang mga bastardo, haling ang bituka, kumakapit sa patalim na mga gago ay nakikinood ng laban ni Pacquiao. Ika nga ng Philippine National Police, zero crime rate daw palagi pag laban ni Pacquiao.

Ang sa lagay ba eh si Pacquiao ang may kakayahan na patahimikin ang lahat ng mga maiitim ang budhi, including ang mga bwakananginang pagala-galang criminal, yung mga halang ang bituka?  Yung mga patapon ang buhay pero nanlalamang sa kapwa nila sa ngalan ng material na bagay na tila nagsisilbving kapangyarihan sa bawat tao?

Isa lang masasabi ko: EWAN

Dahil laban nga ni Pacquiao, marami naman dyan ang magiging instant sports analyst. Yung tipo na dahil nagsisulputan ang mga lehitimong kritiko sa larangan ng palakasan sa mga palatuntunan ng telebisyon at internet ay makikiride na rin ang karamihan sa mga sambayanan. As in lahat, may say na rin ukol sa mga nangyari, parang ang usapan ng mga kumag na ito.

Kumag 1: Wow, pare, tindi ng panalo ni Pacquiao eh no?
Kumag 2: Oo nga eh. Kahit nakulangan ako sa turn out ng laban (aba, juma-jargon ang isang ‘to ah).
Kumag 3: Okay na rin, at least mapatumba ni Pacman yung kalaban.
K1: Nakita mo ba yung combo na (sabay nagdemonstrate ng quick left-right-right-left-l;eft-left0-right na punch combination)
Kumag 4: O, easy boy. Baka matamaan mo kami nyan. Si Pacquiao at ang laban niya pinag-uusapan natin dito, hindi kung paano sumuntok si FPJ!
Kumag 5: Oy, ba’t nadamay idol ko dyan?!
K2: oh, oh, oh, away na yan!
K3: Tara na! BOX na yan!
Lahat: Tara!
K4: Pero bago ang lahat… shot muna!
K5: Eh teka, san na nga ba yung usapan natin kay Pacquiao?!

Ay, ewan. Mas mahirap lang talaga ‘to pagv nakainom kayo nng mga kasama niyo. Baka literal ay magboboxing din kayo para lang manalo sa mga pinaglalaban niyo ukol sa laban ni Pacquiao.

Pero dahil laban nga ni Pacquiao, asahan mo na rin na magtetrend ito sa social media. Of course, dahil maliban sa sikat na bansa ang Estados Unidos, ay ang mga Pilipino ang bansa na may pinakamaraming users sa larangan ng mga website gaya ng Facebook, Twitter, at iba pa. Kaya trending worldwide ang pangalan niya o ang event na pinaglalaban nila.

Pero dahil laban ni Pacquiao… two things may happen (actually, tatlo talaga, pero bihira lang naman ang draw; maliban pa sa ideya na parang tunog porkchop duo joke ang ‘two things’ na yan).

Pag natalo ba isya ay masisindak na naman ba tayo tulad na lamang ng biglaang pagkatalo ni Undertaker kay Brock Lesnar? Gayun din ng pagkadismaya ng paglipat ni LeBron James nun? O ang pagkabali ng binti ni Anderson Silva?

O baka wala lang na rin tutal twice in 2012 ay naolats din siya. Ang masaklap nga lang nun ay knock out yung pangalawa (at napikon na naman ang sanlahi kay Justin Bieber dahil sa meme nya).

Pero… pag nanalo ba siya, may engrandeng hero’s welcome ba ulit? Instant fame na naman ito? O marami na naming bandwagon riders na magsasabing “Proud to Be Filipino?”

Pero natalo, parang walang ganun e no? How rude.

Hindi ko nga lang alam kung laban ni Pacquiao ba ay nananatiling mataas pa rin ba ang ekspektasyon ng Pinoy ukol sa resulta. Sabagay, sino ba naman din kasi ang ayaw ng ‘knock out,’ di ba?

Pero dahil laban ni Pacquiao, paunahan na rin sa pag-update ang mga tao. Magsisilabasan ang mga instant spoiler. Mamaya niyan, mapapnsin mo na lamang na magsisilabasan sa mga news feed ang resulta.

Ayun lang naman, dami no?

Pero dahil laban nga ni Pacquiao mamaya, narito na ang ating ulat-panahon: ngayoing araw ay asahan na ang mas intense at maingay na reaksyon kasabay sa init ng temperatura sa oras ng katanghalian, lalo na pagdating ng ala-una o alas-dos ng hapon.

Tapos asahan mo na rin na maraming instant spoiler na magbabalita thru Facebook, Twitter, text messaging at ultimong word of mouth (bagay na applicable sa mga tsismoso't tsismosa) ukol sa laban ni Pacquiao.

Habang yung mga nagtatiyaga sa Philippine Cable at Free TV, iinit din ang kanilang ulo sa pagkainis dahil sa nalaman na nila ang resulta samantalang umaabot pa ng 10 minuto ang isang commercial gap kumpara sa coverage ng isang round ng boxing na aabot lamang ng 4 na minuto.

At yan ang magiging lagay ng panahon tulad na lamang ng mga nakalipas na laban ni Pacquiao.

Sa madaling sabi, WALANG PINAGBAGO.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 9 January 2013

My pick (#12) – Pakipot.

10:16 a.m. 01/11/2013

Maiba naman tayo ngayong 2013. Kung dati ay panay hip-hop ang aking naitatampok sa segment na ito, ngayon naman ay kakaiba sa mga tipikal na pini-feature ang gagawin ko. Isang banda na kilala bilang All For Patricia at ang rapper na si Loonie Peroramas ay nagsanib pwersa para sa isang natatanging kanta na pinamagatang “Pakipot.”


Pasensya na panibago lang din kasi ito sa tenga ko e.




Ayos din naman,  yung babae eh parang may katunog siya na kanta mula sa mga nagdaang taon o nakalipas na dekada. Bagamat may mga letra at linya sa kantang ito na hindi ko pa lubusang naiintindihan. Well, try ko na lang i-put sa LSS playlist ko. LOL!

At ang angas lang ng dating ni Loonie dito. Mas naintindihan ko pa nga ang parte niya dtto e.  Not to mention, marami rin palang personalidad ang nakasama sa video an ito tulad nila Abra, Ron Henley, Miles, Cash Crew, at iba pa.

Worth it para suportahan ang bandang ito. Ayos rin ang timpla nila sa tenga ko ha.

Ang tanging masasabi ko muna for the mean time e suportahan natin ang local na musika. Tama, sariling atin namn diyan oh. Marami kayang magagandang musika sa Pilipinas, kung susubukan niyo lang na mag-YouTube.

Ang music video ng kantang "Pakipot" ay makikita sa Youtube.com/user/loonieversalstudios o tignan sa ityaas na bahagi ng blog na ito.. Ang mgamusika ng bandang All For Patricia ay makikita sa http://www.youtube.com/user/allforpatricia

author: slick master | (c) 2013 september twenty-eight productions

Wednesday, 2 January 2013

Nakakabobo.


10:22 a.m. 01/03/2013

Ang blog na ito ay may halaw na konspeto at inspirasyon sa kantang “Bobo Song” ni Marlon “Loonie” Peroramas.

Sadya bang ganito na ang panahon ngayon? Ang daming saliwa. Mga bagay na nakikita ay sobrang taliwas sa mga bagay na minimithi ng bawat isa? Kada araw na lang, paulit-ulit na... kaya ayun, nakakabobo na nga.


Una, ang buhay ng isang tipikal na pamilya sa lipunan ngayon ay mahahalintulad sa isang telenobelang ipinapalabas sa telebisyon? Na laging may bida, kontrabida at sandamukal na mga extra? Isama mo pa ang pinapaikot na kwento (oo , lagi na lang). Dumarating sa punto na sobrang marahas na ang ginagawa ng mga taong ayaw sa bida, at ito naming si bida e pa-underdog effect? Maghihiganti nga pero kailangan pang masaktan ng matindi?

Mga Juan Tamad kung maituring. Nakatutuok na lang sa mga dramang palabas, imbes na tutukan ang sinasaing na bigas.

Mga Pilipino nga, pero mas tinatangkilik pa ang mga banyagang bagay kesa sa sariling atin. Mga self-proclaimed na Kayumanngi dati pero itinatanggi na para maging wannabe chinito at chinita. Akala mo namn, bagay sa kanilang itsura.

Mga tipong pumapasok na lang sa eskwelahan pero walang natututunan. Kaya ba madalas ito rin ang dahilan kung bakit tinatamad na ring mag-aral ang mga estudyante? Maliban pa sa “baon” na lang ang dahilan kung bakit kahit papaano e sumasaya sila?

Ni hindi na yata natin alam kung may linya pa ba na naghihiwalay sa magkaibang mundo ng showbiz at pulitika sa ating lipunan. Ang artista ay may kaakibat na okupasyon na pagiging “public servant (kuno)” pagdating ng pangangampanya at lalo na pag nanalo siya sa halalan. Meron din naming mga nakaupo sa pwesto na inookupa ang mga entablado na dapat sana ay nakalaan para sa mga taong umaarte dun.
Ito nga rin ang panahon na para ang isang tao ay sumikat e, ‘wag mong ipakita ang talent mo. Ano ang dapat gawin mo? Magpakita ng akto ng katangahan at pakapalin ang mukha (at patatgin ang loob) sa darating na batikos at pangungutiya sa iyong harapan. Uso kasi e.

Mas mahilig pa nga yata ang karamihan ng mga tao sa tsismis kesa sa atupagin ang mga takdang gawain sa kani-kanilang mga bahay at kaniya-kaniyang mga buhay, mula sa magkakapit-bahay hanggang sa mga balita sa showbiz, walang pinapalagpas. Mga naganap kina Aling Nena, pinag-uusapan nila Manang Sonya sa halip na pansinin ang kaniyang mga labada.

Tapos ang mga tumatangkilik naman ng mga nakakabobong palabas na ito e sumusunod na lang sa agos, kahit alam na nila na hindi na tama. Nagpapimpluwensya sa mga nakikita, kaya ayun. Sing-tulad ni Coco Martin at Marian Rivera (at kung sinumang aritsta pa iyan) kung makapagdrama sa harap ng magulang.

At saka mo lang naappreciate ang mga bagay-bagay sa ating kamalayan kapag maganda ang resulta nito. Parang nagiging proud to be Pilipino ka lang kapag nananalo si Pacquiao sa mga laban niya. Naku, sino kaya ang niloloko mo, ‘no? At pa’no yan kung natatalo na ang pride natin, katulad ng 0-2 win-loss record niya last year?

Sa kabilang banda, ikaw naman ay natatakot. Takot mag-tanong, magpaulit, sumagot sa pagsusulit. Dapat ka nga ba matakot na gawin ang mga ’to, e tao ka pa rin lang naman, at kahit papa’no e hindi nagmamarunong? Matututo ka pa, ‘di ba?

Maraming aral ang kantang ito, na kung inaakala mo sa unang pagdinig e dini-diss o kinamumuhian niya ang lahat-lahat ng nasa popular na kultura at mainstream media (well, mali ka sa unang impresyon mo, tsong.). At nasasaad ito sa ilang mga linya nito.

Hindi porket Tagalog o nasa lokalidad natin e baduy na kaagad. At lalo naman hindi ka itataas ng pagiging Inglisero mo. Feelingero ka na nga, mas baduy pa tignan.

Hangga’t wala kang nagagawang hakbang sa bawat araw na lumilipas sa buhay mo, e talagang masa-stucked up sa mga bagay na sa tingin mo e nakakabobo. Ibig sabihin, ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong landas, at kung hindi mo babaguhin iyan, ikaw mismo ang biktima ng sarili mong katangahan.

“‘Di naman importanteng magpakadalubhasa, ang sa’kin lang naman ikaw ay malinawan.” Ibig sabihin? Hindi mo kailangan alamin ang lahat. Ang importante e may alam ka. (Malabo ba? Intindihin mo kasi.)

“’Wag na ‘wag mong gawing dahilan ang kahirapan. Maniwala, pero ’wag umasa sa himala. Wala pang nananalo sa lotto na ‘di tumataya.” Sabagay, may kasabihan kasi na choice mo mamuhay sa kung saan mo gusto. Kung ginusto mo maging mahirap, e magiging mahirap ka talaga. At hindi ko tinutukoy dito ang mga materyal na bagay lamang ha? Okay, sabihin na natin na, “Oo nga naman, lahat naman kasi tayo ay naghihirap din e.” Pero huwag kang umasa na isasalba ka ng iyong panalangin kung wala ka naming ginagawang hakbang para mairaos ang iyong buhay. “Hindi porket mahirap ka e hanggang d’yan ka na lang.”

At walang masama magtanong (basta sensible na tanong ha?) kung ikaw naman ay namomroblema sa kung ano ang dapat gagwin mo? “Tandaan, Mas masahol pa sa bobo ang bobo(-ng) nagmarunong.” Magmamarunong ka pa, e bobo ka rin naman! “Kung ang pag-iisip para sayo’y nakakangawit,
Ibenta mo ang utak mo kung’ di mo ginagamit.”
Siyempre, gamitin kasi ang utak, no!

At hindi porket lahat ng mga nakikita mo sa TV e tama na rin para sa iyong kamalayan. Huwag kang magpadala sa mga bobong palabas, kommersyal, at ultimo ang mga personalidad na nakikita mo sa tinatawag na “idiot box.” Lalo na kung buong araw kang nakatunganga sa harap niyan.

Kung lahat na lang ng nakikita mo e nakakabobo… e di ikaw mismo gumawa ka na ng hakbang para baguhin ito. At least, simulan mo iyan sa sarili mong gawin sa buhay.

Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 9 December 2012

OLATS!

12/10/2012 10:54 AM

Si Manny Pacquiao ay ang tinaguriang “Fighter of the Decade,” pero sa pagkakataong ito, baka siya rin ang magmay-ari ng tinatawag na “shocking upset of 2012” sa larangan ng boxing.

Sa kauna-unahang pagkakaton sa nakalipas na isang dekada, nakatikim ng isang matinding knock out loss ang Pambansang Kamao sa kamay ng kanyang matinding karibal na si Juan Manuel Marquez.
At sa malamang shocking talaga ang upset na ito dahil sa... una, ang isa sa mga tinaguraing pound-for-pound fighter  sa kasaysayan ng boxing, ang minsan na may hawak ng 8 titulo ng kampeonato (bagay na siya lang ang nakapagtala), ang tinaguriang “Mexicutioner” nang dahil sa ilang boksingero mula sa bansang Mexico ang kanyang naipatumba na sa lona, isang lehitimong hall-of-famer na sa nasabing larangan... mana-knocked out na lang?

Maraming factor kung bakit ganyan ang nangyari. May isa nga akong nakita na link na sinend via comment sa aking huling post so far na “Controversial the Fourth Time Around.”  Nagpapakita ito ng ”stepping on the opponent’s foot” bago ang tinaguriang “lucky punch” ni Manila Mayor Alfredo Lim. Sa totoo lang, matagal nang uso ang mga tinaguraing “dirty tactics” sa boxing pero on the other side, baka coincidence lang din at hindi sadya yun. Mahirap manghusga.

Sa unang round pa nga lang e nakita ko na kung gaano niya gusto manalo sa laban na ito, kahit napatumba pa nya si Pacquiao, ilang round pa lang ang nakalilipas, at kahit namamaga na ang mukha niya matapos mapatumba siya ng Pambansang Kamao sa round 5.

Maari rin na dahil sa likas na drive ni JuanMa para manalo laban kay Pacquiao, as in para maka-isa lang siya. Matanda na rin ang mama (nasa 39 ayon sa Tale of the Tape ng laban na ito), at ikaw kaya ang mabaon sa rivalry niyo? Alalahanin – si MP may hawak na 2 wins at 1 draw na record bago siya na-olats kay JMM. At makikita mo naman yan sa mga pinakitang agresibong galaw ni Marquez sa ika-apat na duelo nila.

Habang Si Pacman naman? Ayun, katulad ng mga sinabi ko sa huli kong post – humina na. Naging subpar ang performance niya sa kanyang mga huling laban (at nagresulta na nga ito sa kanyang dalawang sunod na pagkatalo). Actually pwedeng ganun nga o sadyang malalakas na rin ang mga kalaban niya na tila isang dobleng-tibay na pader na ang kanyang binabangga.

At not to mention, katulad nga ng mga blog na nabasa ko sa DF ukol sa kahalinutlad na paksa , marami na rin kasi siyang pinasok na linya – pamahalaan, showbiz, at ultimo relihiyon. Aagree ako sa blog na iyun at sa mga nagkumento dun na “You cannot serve two masters at the same time.” Kasi naman, kung sa boxing ka nakilala e dun ka pwede mag-focus. Hindi sa sinasabi ko na pwede siyang sumabak sa showbiz, pero tol, kung kailangan mong magfocus sa isang bagay, mas maganda kung dun ka na lang total doon ka na rin lang lubos na nakilala.

Pero parang sisihin ang mga pastor dahil sa pagkatalo ni Pacman, e parang hindi na makatarungan iyun. Alam ko, hindi na ganun kaganda ang performance ni Manny sa ring mula noong lumipat siya ng relihiyon, at laging may halaga na kasama ang pakikipag-anib (ayon sa kanyang ina) pero para sisihin ang relihiyon sa naganap? HINDI NA YATA TAMA IYAN, ‘OY!

At kung hindi matanggap ng tao ang pagkatalo ni Pacquiao... e talaga bang mga boxing fans kayo? Dapat alam niyo na ang anumang tao – kulelat man o alamat sa larangan ng pampalakasan – ay nakararanas ng dalawang matitimbang na bagay – ang panahon na sila ay nananalo at ang kanilang pagkatalo. Parang yin at yang, up and down, kasiyahan at kalungkutan at kung anu-ano pang mga magkakakontradiktong mga bagay na nangyayari sa ating buhay.

Kung tunay nga na isa kang tagahanga ni MP, tatanggapin mo ang kanyang pagkatalo gaya ng ginawa mismo ng iniidolo mo. Dapat nga ke manalo siya o hindi e dapat may hero’s welcome pa rin ang mga Pilipino pagdating niya sa bansa e. E hirap kasi sa atin, pag natatlo, magiging hater na tayo. Pag nanalo ulit, dalawang bagay “chamba lang yan,” o sasabay ka sa agos ng tinatawg na “bandwagon.” Hay, mga tao nga naman, ano? RESPETO NAMAN!

May nagsabi nga na hindi na para sa bansa ang kanyang ginawa sa pagkakataong iyun – yun ay para na sa ego niya bilang isang boksingero. Well, tama lang din. May punto ba. Ke para maisalba ang kanyang naghihingalong reputasyon nun dahil sa dismayado na rin ang ilang mga fans o kung ano pa iyan.

Maganda at napakaganda ang ipinakita ni Juan Manuel Marquez sa labang ito, at talaga naming pinatunayan sa sarili niya at sa lahat ng nakasaksi sa duelo nila ni Pacquiao.

Para  sa akin, manalo o matalo, si Manny Pacquiao ay isa pa ring kampeon para sa mga Pinoy. Isang malaking PINOY PRIDE. Sa totoo lang, hindi makikilala ng mga tao ngayon ang larangan ng boxing kung hindi dahil sa kanya. Oo, as in hindi siya dadagsain ng mga advertisers para lang makabenta sa mga laban niya (na sobrang tagal na ang pag-aantay mo para sa isang round dahil sa sandamukal na mga commercial gap).

As in hindi ito makikilala ng mayorya, makakapanood sa isa sa mga malalakas na TV network sa free TV ng Pilipinas. Hindi ito magiging laman ng balita sa kada sports newscast at pahayagan. Hindi rin mauuso ang mga live streaming sa internet at mga venue kung sakaling maiinip ka kung aasa ka sa terrestrial TV. At isama mo na rin ang katotohanan na hindi magiging super light traffic at zero crime rate ang bansa kung hindi dahil sa mga laban niya. Alalahanin mo, mga tao mula sa elitista hanggang sa masa, sibilisado man, rebelde o alagad ng batas, nagkakasama-sama sa isang natatanging kaganapan. 

Kaya para kay JuanMa, you have proved yourself enough. Good job, very well said statement. Saludo ako.
At para naman kay Manny, you still have my respect. Pinakita mo na isa ka talagang kampeon kahit ala-planking nga ang bagsak mo sa round 6. Hindi biro ang mag-train at lumaban para lang kumita ng pera at iahon sa hirap ang buhay mo na tinatamasan (yun naman talaga ang pakay diba?) pero nevertheless, saludo ako sa ginawa mo.

Hindi ako isang sports analyst – pero tingin ko, high time na, Manny. Kung pagbabasehan ang sinabi ng isang sportscaster na si Ron Delos Reyes, “marami ka pang gusting patunayan sa buhay sa labas ng boxing ring. I think it’s time for you to hang up that glove.”

Author: slickmaster | © 2012 september twenty eight productions

Tuesday, 27 November 2012

Filipinos - The Very Emotional Ones?!


Kamakailanlang ay naglabas ang isang research study na Gallup, at lumabas na ang Pilipinas ay ang pinaka-emosyonal na lipunan sa buong mundo.

Una ko itong napansin noong pinaskil ng isang istasyon ng radio ang isang wall photo sa kanilang Facebook page na naglalarawan ng ganitong balita. Habang inulat na rin ito sa ilang mga palabas sa telebisyon.
Ayon sa panayam ng ANC’s Dateline Philippines sa isang psychologist na si Dr. Randy Dellosa, mayroon daw tinatwag na “teleserye mentality” ang mga Pinoy.
"Meron tayong teleserye mentality e na dapat palaging may drama, palaging may nangyayari, kasi nagiging boring yung show ng buhay natin." - Dr. Randy Dellosa
Base naman sa For Your Information segment ng November 27, 2012 episode ng Reaksyon kasama si Luchi Cruz-Valdes, may kasama rin itong posibong epekto, tulad ng naiulat sa website na upi.com.

Ayon sa naturang website, sinuri ang limang positibo at negatibong emosyon na kadalasan na nararamdaman ng tao noong nakaraang araw. Kung nakapagpahinga ba sila ng maayos, nakakangiti ba sila, naisestress sa trabaho, nag-aalala, nakakagawa ng mga bagay na nakakapgbigay ng interes sa kanila, at iba pa.

Sa kabilang banda, ang bansang Singapore ay tinaguiang most emotionless country dahil sa mababa nitong rating na 36% sa lahat ng 151 na bansa na sinuri ng natuerang US-based na kumpanya.

Bakit tayo ang pinakamataas? Nakakuha kasi tayo ng 60% rating e.


Para sa akin, hindi ito masamang balita, at alam ko na taliwas ito sa mga inuulat ngayon sa mainstream media. Kung pupunahin kasi ang artikulo sa website na Rappler, magandang bagay ito sa atin na madalas nag-lalahad ng ating emosyon ke positibo man o negatibo.

Kung may negatibong bagay man akong nakikita dito, yun ay yung katotohanan na nao-obsessed tayo sa mga nakikita natin sa ating “idiot box.” Kaya ba nagging “senitibo” ang ating character? Maari.

At isa sa mga pangkaraniwang misconception sa buhay natin ay kapag sinabing emosyon, lagi itong may kaakibat na negatibong bagay o kung tawagin man ay “stigma” sa ating kamalayan. Dapat alalahain din natin na ang kasiyahan ay isang ring pakiramdam katulad ng kalungkutan, tulad ng pagiging excited kung ikukumpara sa mga tulad ng galit, poot, at iba pa.

Yan kasi, masyadong nagpapadala sa mga nakikita mo e – masamang balita man o mga madamdaming eksena sa telenovela iyan. Kaya ang mindset ng tao, naapektuhan na rin. At isa ring misconception ito – hindi lang sa puso ang pinakabasehan ng emosyon ng isang tao dahil may parte sa ating utak na responable rin sa ating mga nararamdaman. At hindi lahat ng emosyon ay nakabase rin sa relasyon at pag-ibig lamang. Maraming factor iyan, magtanong ka na lang sa tropa mong may alam sa sikolohiya o kung matigas ang ulo mo, iko-quote ko si Idol Stanley Chi dito – IGMG – short for “I-Google Mo, Gago!”

Basta, para sa akin... kahit taliwas ito sa mga nababalita sa nakararami, hindi ito ganap na masamang balita. Yun lang. Mas okay na nga na kahit papano ay maging emosyonal ang isang tao. Pero huwag nga lang tayo sosobra ha? Dahil totoo pa rin ang payo ng karamihan na “wag kang gagawa ng aksyon habang ikaw ay nasa height ng iyong emosyon.”

Kaya ang mabuti na lang gawin natin ay... just spread the good vibes!

10:31 a.m. 11/27/2012
Sources:

author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

Monday, 26 November 2012

Book Review: Ramon Bautista’s "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?"

11/27/2012 | 10:08 AM


balat14.blogspot.com
Isa sa mga bagong libro na panay magkahalong komikal at realidad ang tema ay ang isang babasahin na may kinalaman sa… well, payo sa buhay lalo na sa mga suliranin sa pag-ibig. Ang akda ni Ramon Bautista na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?

Well, matanong talaga ang librong ito. As in maraming tanong at sagot ang tinalakay dito mula sa kung bakit hindi ka crush ng crush mo (oo, yung eksaktong pamagat mismo); kung paano mo sasabihin sa magulang mo na bagsak ka sa studies mo; bakit ayaw na ayaw ni Monra ang LDR o kung tawagin ay Long Distance Relationship; kung bakit ka dapat maging proud kahit NBSB (o No Boyfriend Since Birth) ka; paano magmumove on sa mga sitwasyon na may nahuli ka na may ka-kerngkeng siya na iba o kahit ultimo ang na-friendzone ka; at kung anu-ano pa.

Ang halos lahat ng nilalaman ng librong “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?” ay ang mga bagay-bagay na nakapaloob sa formspring account ni Ramon Bautista mismo. Tanong ng kung sinu-sino, sinasagot niya sa paraan na alam niya, ke may natutunan ang sinumang magbabasa niyan o katuwaan lamang.

Dito mo rin makikita ang komprehensibong kahulugan ng mga terminong ginagamit ni RB sa kanyang palabas sa internet na “Tales From The Friend Zone.” Kung ano ang mga pananaw niya na nais ilahad sa sinumang magbabasa ng librong ito.

Maliban pa diyan ay may notebook pa ito na libre.

Hmm, ang aking opinyon ng paghuhusga sa librong ito? (tutal nakailang beses ko na nga ito binasa, at in fact e wala pang isang araw bago ko matapos bahain ito sa kauna-unahang pagkakataon) Ang tindi ng aliw factor ng akdang ito. Ito yung tipong mag-aakala ka na magsasawa ka sa halangang isangdaan at animnapung piso, yun pala… hindi. Oo, hindi talaga. Maraming tanong at sagot na ang sarap lang balikan dahil hindi lang sa hindi naman tayo ay natututo overnight e. Maliban pa sa dahilan na iyun e talagang nakakaaliw lang. Sa sobrang nakakaaliw niyan mapapatawa ka na lang habang kaharap nmo ang pahinang binabasa mo.

Pero ang mas okay pa sa ganito e, nakaka-entertain na, may sense pa ang sinasabi niya, kahit actually… mababaw lang ang mga yan. At ‘yan ang patunay na pwede mong tawanin ang problema kahit gaano pa kabigat ito.

Final verdict: 2 thumbs up! Sa aking account sa Goodreads, 5 stars siya.

Bago ko tapusin ang blog na ito, narito ang ilan sa mga nilalaman ng libro.
Q: Ano ang best way to get over a break-up? Nanghihinayang ako, 3 yrs din yun. 
A: 3 years versus the rest of your life. Ano mas sayang kung di ka magmu-move on?
Q: Sir, anong gamot sa tanga? 
A: Wala p*cha! Prevention na lang...Huwag ma-inlove. 
Q: Sir Mon, anong payo mo sa mga estudyanteng tamad mag-aral like me? 
A: Wala akong payo sa mga tamad mag-aral. Pananakot meron.

Q: Idol, for you..what is the key to happiness? 
A: Lowering your standards.
“If you can't move on. Move on some more.”  
“90 percent ng problema mo ay imbento lang.”
"Huwag mag-BF for the sake of having one."
"Study hard kung ayaw mong maging taong grasa." 
"Your mind is your weapon. Pagyamanin natin ito at magiging handa tayo sa gulo na dulot ng paghihimagsik ng puso at bird."
www.tumblr.com

www.tumblr.com
Iilan lang yan sa mga kawasakan na nilalaman ng librong ito. Ano pang inaantay mo? Basa na!

Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? is a book written by Ramon Bautista, printed and published by PSICOM Publishing.
See Ramon Bautista’s Q&A at http://www.formspring.me/ramonbautista
Book details and reviews can be seen at http://www.goodreads.com/book/show/16005699-bakit-hindi-ka-crush-ng-crush-mo

(This article was also published at Definitely Filipino dated November 27, 2012; URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/11/27/the-review-ramon-bautistas-bakit-hindi-ka-crush-ng-crush-mo/)

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 18 November 2012

Silang mga KENKOY.

“Hoy, hoy, hoy! Mister Kenkoy, bakit ka nangangamoy? Hoy, hoy, hoy, Mister Kenkoy! Ikaw ay nangangamoy kenkoy!”
Ang nasabing linya ay halaw mula sa (circa) 1976 na kanta ni Mike Hanopol - ang “Mr. Kenkoy.” Lumabas ito sa kanyang iba’t ibang mga compilation of hits album.
Isang kanta na sumasalamin sa kabulukan ng isang tao sa kanyang lipunang ginagalawan. Halaw sa impluwensya ng isang komikal na tauhan sa pahayagan ang salitang “Kenkoy.”


Unang lumabas ang salitang ito bilang monicker ng isang cartoon character na nilikha nila Romualdo Ramos, isang batikang manunulat at ng isang cartoonist na si Antonio “Tony”  Velasquez noong 1929 na nagngangala’y Francisco “Kenkoy” Harabas, at tinaguriang unang tunay na pop icon ng Pilipino. Ang ibig sabihin ng naturang salita ay isang nakakatawang tao, as in “joker” o “jester” ba.

Pero hindi lang sa patawa ang pinakapatutsada ng antigong kanta na ito, dahil kung maalala niyo ang panahon ng dekada ’70, ito ay ang panahon na nagsisilabasan ang mga mga palabas at kanta na may mala-pulitikang tema. Isa ang Mr. Kenkoy sa mga ito, at makikita ito sa lyrics niya.

At mapahanggang ngayon, applicable pa rin ang kantang ito. Dahil marami pa rin ang mga umaastang kenkoy sa lipunang ito. Siya, ako, ikaw, tayong lahat (maliban na lang kung ikaw ay likas na malinis ang budhi at sadyang napakaseryosong tao). Pero matinong usapan ba? Marami diyan.

Mula sa mga nagpapakatanga sa mainstream para lang sumikat; mga pulitikong mandarambong; mga mababango ang dila pero ang babaho naman ng mga motibo sa buhay; mga nagtatago ng kanya-kanyang mga kagaguhang nagawa sa kapwa man at/o sa lipunan, ke isa kang ordinaryong nilalang o kilala sa lipunang ginagalawan; mga nasobrahan sa pagtakas sa problema ng kanyang realidad; mga nasobrahan sa pakapalan ng mukha; mga nasobrahan sa kaalalaman; mga backstabber, hipokrito’t epal at kung anu-ano pang mga kabullshitang nagaganap sa ngayon, isama mo na dyan ang gumagawa ng mga lata-na-hangin-lang-ang-laman sa mainstream.

Pero mas patama ito sa mga nangyayari sa pulitika e. Hindi na kailangang ipaliwanag, andyan na nga sila sa mga papoging streamer nila pati na rin sa mga headlines ng pambalitaan. Hindi pa ba sapat iyun?
Ay, ewan. Basta, sila… kenkoy. Ito na lang ang sa kanila. (sabay pinatugtog ang kantang Mr. Kenkoy ni Mike Hanopol, sabay nasa full volume pagdating sa chours)

“Hoy, hoy, hoy! Mister Kenkoy, bakit ka ngangamoy? Hoy, hoy, hoy, Mister Kenkoy! Ikaw ay nangangamoy kenkoy!”

Tamaan nga naman sana ng lintik ang mga ‘to para matuahan, ano?

P.S. Pasalamat nga ako sa kantang ito dahil dito ko nalaman ang salitang “switik.”

11/19/2012, 09:57 a.m.
Sources:
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 23 October 2012

Usapang Grammatika? Ang Labo!


(Ang blog na ito ay may halaw ng inspirasyon at konteksto mula sa “Ispokening Inglis” episode ng Word Of the Lourd na unang sumahimpapawid sa TV at YouTube noong Marso 2011)

Ang gulo lang talaga ng mundo ng salita. Singgulo ng mga bagay na kung tawagin ay “kritisismo.” Minsan na sumapul sa isipan ko ang tanong na ito:

“Bakit parang napakalaking kasalanan ‘pag maling-mali ‘yung grammar mo sa Ingles? Pero bakit ‘pag nagkakamali ka sa Tagalog, okey lang?” – Lourd de Veyra

Oo nga naman, mula sa “long-legged” ni Melanie Marquez hanggang sa pagiging over-confident ni Janina San Miguel; sa isang speech ng dating Pangulong Estrada, hanggang sa mga patawang istilo ng pagsasalita ng wikang Ingles ni Jimmy Santos… at isama mo na diyan ang pagti-tweet ni Manny Pacquiao noon na pinutakte ng mga netizens. Bakit nagiging mistulang “Grammar Nazi” ang karamihan?


Sabagay, “public figure” ang mga ito sa ating lipunan, kaya siguro inaasahan natin ang kanilang pagiging tama at perpekto sa lahat ng oras.

Pero ‘tol, tao pa rin naman sila e. Natural, hindi perpekto. Oo nga, andun na tayo. Kaya lang dahil nga tinitingala sila ng mga tao, ang anumang pagkakamali na magawa nila –  kahit sa pagbigkas lang ng salita – ay isang big deal, lalo na sa lengwahe ng mga Amerikano’t Briton. Parakang nagpartisipa sa isang laro na may alintuntunin na “one mistake and you’re dead.” As in bawal magkamali, nakamamatay.

Teka, may mga tao rin naman sa ibang lahi na sablay (at kung minsan, mas sablay pa sa ating mga Pinoy) pagdating sa pagsasalita ng pangalawang pinaka-ginagamit na wika sa buong mundo ha. Mula sa ilang spiel ni Jackie Chan sa pelikula, hanggang sa interview ng CNN sa isang namayapang lider saLibya. Pero, ang mga tanong: PINAGTATAWAN BA SILA NG MGA KABARO NILA at PINAGTATAWAN DIN BA SILA NG IBANG LAHI, PATI NA TAYO? Maaring OO, pero madalas, hindi. Kung bakit?

Sisihin ang walang kamatayang “Colonial Mentality” na nagreresulta sa pagkakaroon ng “hangover” sa ganitong klase ng kaisipan. Tama ang isang interstitial na napanood ko, na “mas gugustuhin pa nating maging matalas sa wika ng ating mananakop kesa sa ating sariling lengwahe, kaya naman tayo ay nagkakandaleche-leche.”

Pero kung sa Ingles ay ganyan ang senaryo, sa wikang Filipino ay dedma naman. Sabagay… mula sa paggamit ng tamang termino o salita, hanggang sa wastong pananda, at kahit sa pagkonstrukta ng mga ideya at salita sa isang pangungusap... DEDMA. Ano ‘kala niyo, ligtas tayo? Paluin kayo diyan ng nanay namin na si Mommyjoyce, ewan ko na lang.

Pero ‘pag nagkamali sa Tagalog, okey lang? Hmm… suwerte lang siguro tayo dahil nandito tayo as panahon na nagiging tolerant ang karamihan sa mga internet users na kapwa nating Pinoy. Parang mga usong troll sa Facebook na sadyang ginagawang katatawanan ang mga problema sa lipunan para lang matakasan ang mga ito. Oo, ang masaklap at masakit na realidad na kung tawagin ay “hubad na katotohanan.” 

At natural, tao rin tayo e. Nagkakamali rin. Yun nga lang, may mga pagkakataon na hindi mo pwedeng gawing exuse ang salitang "tao lang" sa mga panahon na sablay na sablay ka na.

Ika nga ni Manny Pacquiao, “It doesn’t matter of the grammar as long as they understand the message thanks.” So ang ibig sabihin pala nito ay simple lang, may mga pagkakataon na mas naiintindihan pa natin ang mga mensahe kahit ang pamamaraan ng paglahad nito ay mas mali-mali pa sa “waley.” At may mga tao na sadyang hindi perpeksyonista sa buhay na kayang i-tolerate ang isa o katiting na pagkakamaling nagawa. Maaring nakakatanga nga minsan ang panlabas na anyo ng sinulat mo, pero kung may puso at sense naman ito – balewala. Bagay na… well, okay lang siguro. Sa madaling salita, MAS IMPORTANTE ANG MENSAHE KESA SA GRAMMATIKA.

Ganun?

Pero siyempre, depende yan sa kung gaano ka-tolerate ang isang tao. E pa’no kung maka-engkwentro ka ng mga superficial, yung ultimo punctuation mark mo ay pinupuna?

Ewan ko, at ewan ko. Pero siguro sa kabilang dako, ayos lang iyun kung makakapagbigay siya ng tinatawag na “constructive criticism.” Ang tipo ng kritisismo na base lamang sa kung ano ang nakalahad. Walang lalabas sa isyu o personal na tirada. Kung pinuna niya ang istilo ng pagsusulat mo, hanggang doon lang. Bagay na minsan ay mas ayos pang tanggapin kesa sa mga papuri. Pero iyan ay kung may makakapagbigay ng tama.

Minsan sa parte ng mga manunulat, amateur man o professional, may iniida pa ring problema na mas malala pa sa tinatawag na writer’s block. Kapag nagkamali ka sa pagta-type ng mga salita sa blog mo, sa dalawang bagay mo lang puwedeng isisi iyan: sa sarili mong mga daliri (unless kung may sakit na Carpal Tunnel Syndrome), o sa Auto-correct option ng word processing program mo.

At parang ako rin mismo ay naguluhan sa sinulat ko. ARGH! *shooks in disbelief*

Author: slickmaster | Date: 10/23/2012 | Time: 05:13 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 28 August 2012

Battle Review: FlipTop Dos Por Dos Semifinals: Loonie-Abra vs. Shehyee-Smugglaz

08/02/2012 5:12 PM 



Dapat ito ang nagtuos sa Finals e, pero may magagawa ka ba kung ganun talaga ang bracket ng tournament nila? Battle of the heavyweight shit, ika nga. Pangalan pa lang, malaman na. alam mo na kung gaano kabigat ang laban na ito. Ang isang tanmdem ay magkatropa sa Konektado. Ang isa naman ay kalahating 187 Mobstaz at FlipMusic.

Isa nga ba sa maitututring na rap battle of the year ito? Hmm... ang pangalan nila, panghatak ng tao. Ang talent nila, another thing. Kaya nga sila nagkaroon ng magandang pangalan sa kultura nila e. Matindi sa matindi. 

Sa unang tingin, alam na kung sino ang mananalo. Pero pag napanood mo yung video, mapapapataka ka bigla. Lalo na kung maka-Loonie ka. Pero hoy, hindi ito “luto” tulad ng inaakala ng ibang mga bitter dyan, ha? 

Round 1, kay team S/S. Mabigat ang binitawang multi. Balance ng bars at entertaining factor. 

Round 2, slight advantage sa team S/S. Malupit din ang round na to para sa L/A. Yun nga lang, kung pabigatan ang usapan, lamang pa rin sila Shehyee at Sumgglaz. 

Third round was a killer. Mas mabigat ang mga bars. And most of them, personal lines. 

Ito lang siguro ang sa akin. Kung oobsrebahan mo ang mga laban nila Loonie at Abra prior to this one, laging biktima ng generic joke na bakla si Abra. Si Smugglaz naman, steady ang speed niya sa pagrarap. Si Shehyee, nag-iimprove like Abra. Loonie has a great individual talent. Kaya lang, pag tandem-wise ang usapan, medyo tagilid siya sa mga mabibigat din na names pero exceptional ang talent – usually, ang isa dyan ay mas maalam sa rebuttals at yung isa, literal na tirador. 

Overall, andun yung elements. Parehong binitiwan ng parehong partido, pero mas notable yung sa team S/S dahil sa bigat ng mga reference nila, wordplay, multi, punchlines, personals, at may audience factor pa. For a while, naging quotable quotes ang mga linya ng 4 na battle MCs na yan, particular sa mga fans nila at mga nakapanood nito sa YouTube. 

Individually wise, nag-stand out the most si Smugglaz. Si Shehyee, still a good job for the fella. Yan ang dapat na magkatandem. Kung hindi magkapatas pagdating sa performance, nag-aangkasan, nagtutulungan. Though ang L/A for some point naging ganun din, pero may parte na kinapos sila at kung ikukumpara, mas maganda ang chemistry kasi ng S/S partnership e. 

One hell of a fight. Kumpleto sa rekados. Kung vid-watcher ka, it’s really worth the playback value. Props to the four of them. 

Author: slickmaster | © 2012 septmeber twenty-eight productions