Showing posts with label people. Show all posts
Showing posts with label people. Show all posts

Tuesday, 22 July 2014

Last Minute Syndrome

5/24/2014 6:04:59 AM


Isa sa mga sakit ng tao ay ang “katamaran.” Daig pa nya ang kanser, heart attack, at stroke kung tutuusin. Kung may pambasang sagisang ang mga karamdamansa ating lipunan, ito yun. Oo nga,ang katamaran. Bow. At isa sa mga kalunos-lunos na resulta ng ating pagiging “katam” ay ang pagkakaroon pa ng isang kumplikasyon na kung tawagin ay “last minute syndrome.”

Daig pa nito ang “last two minutes” (mas okay kung ang magsasabi nito ay yung lumang coliseum barker sa PBA; yung medyo monotonous ang dating) sa basketball. Dito, mas clutch ang mga tao. Mas nagmamadali. Mas maraming napapraning. At mas maraming umiinit ang ulo na humahantong sa kanilang pagkadismaya.


Kaya ang resulta ay magpaparinig sa Facebook at magwiwika ng “Putanginang COMELEC yan! Wala na raw extension! Samantalang dumating naman ako ng last day para magparehisto!”


Naku, buti na lang, wala akong nakikitang nagpost ng ganito sa network ko last time, kasi baka mapahirit din ako ng “Ang haba-haba ng panahon nilaan sa inyo ng Kumisyon ng Eleksyon (pasensya sa translation) , hindi mo ginawa ang isa sa mga mahahalang tungkulin mo bilang mamamayanng Republika ng Pilipinas?”

Aba'y kung hindi ka rin kasi nuknukan ng pagiging tamad at gago, eh no?

Pero hindi ang applicable sa voters registration ang tinatawag na “last minute syndrome.” Maari rin sa ordinaryong bagay na nagagawa natin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Pag ika’y estudyante at hindi ka nag-aaral until dumating ang time ng exam mo, malamang nagka-cram ka. Mabuti sana kung may “stock knowledge” ka talaga. Mahiya ka naman sa mga magulang mo ‘oy. Bulakbol kasi at kalandian ang pinapairal mo madalas eh.

Kapag nahuhuli sa mga “last trip.” Hindi kasalanan ng trapik yan. Mabagal ka rin kasi kumilos eh (o maari ring “hindi mo kasi inaalam kung anong oras ang huling byahe eh).

Kapag last minute ka dumating sa mga appointment mo, maliban na lang kung either confident ka at hindi ka haggard sa itsura mo.

Kapag nagsha-shoping twing panahon na malapit na malapit na ang Pasko, (o ika nga ng mga report ay “last minute shopping”). Tapos magrereklamo ka pa na mataas na ang presyo ng mga regaling binili mo? Tapos napakabigat pa ng trapiko? Uso ang magmanage sa sarili ha?

Last minute magbayad ng tuition. Alam mo na nga na “no permit, no exam” ang polisiya eh. Maliban na lang kung lehitimo talaga ang excuse mo.

Paano nga ba makakaiwas sa ganito? Simple lang: disiplinahin ang sarili. Matuto kasi tumingin sa oras at magprioritize ang dapat i-prioritize.

Sa madaling sabi, wag ang tatamad-tamad. Walang masama magpahingakung off mo. Pero kung may kailangan kang gawin,eh di magsakripisyo ka.

At least, sa huli, hindi ka magsisisi tulad na lamang ng mga bugok na nafeature sa mga report ng parehong mainstream at new media ukol sa pagiging late nila sa pagpaparehistro.

“Na-late lang kami, hindi na kami pinagbigyan!”

“Ang haba ng panahon na nilaan para sa inyo, ‘oy! Wag ka kayang maglupasay dyan! Para kang tanga!”

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 5 March 2014

Sisihin Ang Kalsada?

03/‎05/‎2014 ‎12:44:54 PM 

Sisihan ba ang kalsada sa katarantaduhan ng tao?


Alam mo, hindi na bago ang ganito eh. Para naman tayong nagagaguhan nito. Similar lang 'to sa mga gunggong na palamunin na palaging sinisisi ang gobyerno dahil sa di umano'y pagpapapabaya sa kanila sa kabila ng pagiging tamad at palaasa nila.

Masyado na yata tayong nilalamon ng ating pagiging parasite. Oo, ang utak natin ay parang ganun na. Isa nang parasitisimo.

Tama bang sisihin ang highway dahil sa naaksidente ka dala ng pagda-drive mo?

Teka, tama ba? Sisihin mo ang skyway dahil nahulog ka? Sabagay, may mala-bangin na paligid kasi eh. Ika nga, elevated highway.

Pero... ano ulit? TAMA BANG SISIHIN ANG KALSADA?

Eh teka ba. Alam kong pangit ang kalsadang nadadaanan mo.hindi siya international o world-class, lalo na kung disenyo ang usapan. Pero isipin mo na una, nasa third-wold country tayo kaya huwag kang umasa na magkakaroon tayo ng first-class highway in an instant, lalo na't una di ka nagbabayad ng buwis, at pangalawa, kinakamkam lang naman ng mga bwakananginang pulitko't negosyante ang mga proyektong pinagplanuhan ng gobyerno.

Pangalawa, 'wag mo nga kaming tarantaduhin dahil hindi tayo magkakaroon ng first class highway ng basta-basta kung bara-bara ka naman magmaneho. Sing-angas mo si Carabuena? Mukha mo, hanggang internet ka lang yata no.

Baka nga ni hindi ka marunong gumalang sa pedestrian lane.

At ang pagpipiling na magkaganyan tayo ay parang pagkakaroon din ng kolonyal na mentalidad. Isipin mo, sa mga siyudad tulad ng Los Angeles sa Claifronia tayo nakakita ng mala-langit na flyover o overpasss o cloverleap (kung makaluma ka), at tingin mo applicable ang mga ganyang itsura ng imprastraktura sa Pilipinas? Sabagay, kasi kailangang maibsan ang dumaraming populasyon ng Kamaynilaan, pati na rin ang mga sasakyan dito.

Pero tama bang sisihin ang kalsada? Asshole ampucha.

Tanungin nga kita. Una, buhay ba ang kalsada? As in 'living thing' ba ito tulad nating mga tao at ikaw na mala-hayop ang asta at ng mga lumilipad na ipis na kahit sa kabila ng pagiging brusko ay kinatatakutan mo nang matindi?

Pangalawa, sino ang mas may utak? Ang aspalto, semento, bakal na railing, o ikaw na may hawak ng makina, silinyador at manibela? Dahil tila di pinag-isipan ba ang dating ng proyekto? Eh ang mga tanong, ginawa mo ba ang parte mo bilang mamayan ng bansang Pilipinas? As in nagbayad ka ba ng buwis? O nagbabayad ng toll ng maayos? O bumoto ka ba ng karapat-dapat na pinuno?

O ikaw ba ay nakasisigurong alam mo ang pamantayan ng mga kalsada at imprastraktura at sigurado ka rin bang alam mo ang dapat gawain ng isang nagmamanehong nilalang?

Ulit, sino ang mas may utak? May kamalayan? May diskarte? Sila ba na basta tinayo lang sa gitna ng center island ng SLEX?

O ikaw na sobrang butaw ng driving IQ at sing tindi ng temper ng mangilan-ngiang road rager?

Isip-isip din pag may time bago mamintang ha?


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

Monday, 17 February 2014

Ang Walang Kamatayang Dahilan sa Isang Problema na Kung Tawagin ay "Trapiko"

2/18/2014 8:50:19 AM

Sa totoo lang, isa nang cancer na terminal stage ang trapiko sa ating mga lansangan. Bakit ganun? Aba, maraming dahilan. Oo, NAPAKARAMING DAHILAN.

Tamad maglakad ang mga tao. Gusto kasi ng mga 'to ay sa tapat ng gate ng bahay o sa pinakapunto ng opisina sila ibaba. Pag hindi pwedw dun, sige pa rin sila sa gawsin. At kahit sumunod ang drayber sa tama, ay bibirahin pa rin sila ng pasahero na "tanga!"

Okay sana kung marami kang kargada e. E kaso paano kung hindi? As in nag-iinarte lang talaga siya?

E mainit sa Pilipinas! Mainit ang paligid. Ayaw natin mapagpawisan. Ayaw natin mapagod na. At sino nga naman ang hindi mababagot kung haggard ka pagpasok mo, 'di ba?


Ulol. Hindi mo lang maamin na tamad ka. Sinisi pa ang traffic ampucha.

Business e. Dyan kumikita ang mga ganid na nilalang na itatago bilang mga tsuper. Baba dito, sakay doon. Kahit nakaharang sa kalye, sige pa rin. Kayo lang ba ang nagpagawa ng kalsada na yan?

At kapag sinita mo, aba eh ikaw pa anh nagmukhang masama. Either dinedeprive mo sila sa karapatan nilang kumita, o hindi lang sila makaamin sa kanilang kabobohan. Ang sa lagay ba e ikaw pa ang nagiging matapobre sa mata ng maralitang tulad nila? Tangina naman.

Kulang kasi ang ating programa pagdating sa transportasyon. Ang mg tren? Okay sana e, subalit maliban sa PNR at LRT line 2 ay kulang tayo sa mga tren. Dagdag dagok pa siguro yung malaking halaga ng subsidiya ng gobyerno sa mga to. Ouch.

Pero higit sa lahat, at ang ugat ng lahat ng yan ay kakulangan ng tao sa tinatawag na "disiplina." At yan ang pinakaproblema din pag tayo ay may labis-labis na kalayaan. Lahat ay au may karapatan para sumuway sa kung anu-anong bagay na nagko-control sa ating galaw.

Kaya hindi rin kataka-taka na nagkakandalenche-leche tayo bilang isang bansa. Tignan mo yung mga kapitbahay natin. Completely opposite mula sa atin pagdating sa asal sa kalye.

Tama na nga ang paninisi. Wala rin magandang idudulot yan. AT PAGKATAPOS NG LAHAT, MATIGAS PA RIN ANG MGA ULO NILA.

Author: slickmaster | (c) 2013, 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 2 January 2013

Nakakabobo.


10:22 a.m. 01/03/2013

Ang blog na ito ay may halaw na konspeto at inspirasyon sa kantang “Bobo Song” ni Marlon “Loonie” Peroramas.

Sadya bang ganito na ang panahon ngayon? Ang daming saliwa. Mga bagay na nakikita ay sobrang taliwas sa mga bagay na minimithi ng bawat isa? Kada araw na lang, paulit-ulit na... kaya ayun, nakakabobo na nga.


Una, ang buhay ng isang tipikal na pamilya sa lipunan ngayon ay mahahalintulad sa isang telenobelang ipinapalabas sa telebisyon? Na laging may bida, kontrabida at sandamukal na mga extra? Isama mo pa ang pinapaikot na kwento (oo , lagi na lang). Dumarating sa punto na sobrang marahas na ang ginagawa ng mga taong ayaw sa bida, at ito naming si bida e pa-underdog effect? Maghihiganti nga pero kailangan pang masaktan ng matindi?

Mga Juan Tamad kung maituring. Nakatutuok na lang sa mga dramang palabas, imbes na tutukan ang sinasaing na bigas.

Mga Pilipino nga, pero mas tinatangkilik pa ang mga banyagang bagay kesa sa sariling atin. Mga self-proclaimed na Kayumanngi dati pero itinatanggi na para maging wannabe chinito at chinita. Akala mo namn, bagay sa kanilang itsura.

Mga tipong pumapasok na lang sa eskwelahan pero walang natututunan. Kaya ba madalas ito rin ang dahilan kung bakit tinatamad na ring mag-aral ang mga estudyante? Maliban pa sa “baon” na lang ang dahilan kung bakit kahit papaano e sumasaya sila?

Ni hindi na yata natin alam kung may linya pa ba na naghihiwalay sa magkaibang mundo ng showbiz at pulitika sa ating lipunan. Ang artista ay may kaakibat na okupasyon na pagiging “public servant (kuno)” pagdating ng pangangampanya at lalo na pag nanalo siya sa halalan. Meron din naming mga nakaupo sa pwesto na inookupa ang mga entablado na dapat sana ay nakalaan para sa mga taong umaarte dun.
Ito nga rin ang panahon na para ang isang tao ay sumikat e, ‘wag mong ipakita ang talent mo. Ano ang dapat gawin mo? Magpakita ng akto ng katangahan at pakapalin ang mukha (at patatgin ang loob) sa darating na batikos at pangungutiya sa iyong harapan. Uso kasi e.

Mas mahilig pa nga yata ang karamihan ng mga tao sa tsismis kesa sa atupagin ang mga takdang gawain sa kani-kanilang mga bahay at kaniya-kaniyang mga buhay, mula sa magkakapit-bahay hanggang sa mga balita sa showbiz, walang pinapalagpas. Mga naganap kina Aling Nena, pinag-uusapan nila Manang Sonya sa halip na pansinin ang kaniyang mga labada.

Tapos ang mga tumatangkilik naman ng mga nakakabobong palabas na ito e sumusunod na lang sa agos, kahit alam na nila na hindi na tama. Nagpapimpluwensya sa mga nakikita, kaya ayun. Sing-tulad ni Coco Martin at Marian Rivera (at kung sinumang aritsta pa iyan) kung makapagdrama sa harap ng magulang.

At saka mo lang naappreciate ang mga bagay-bagay sa ating kamalayan kapag maganda ang resulta nito. Parang nagiging proud to be Pilipino ka lang kapag nananalo si Pacquiao sa mga laban niya. Naku, sino kaya ang niloloko mo, ‘no? At pa’no yan kung natatalo na ang pride natin, katulad ng 0-2 win-loss record niya last year?

Sa kabilang banda, ikaw naman ay natatakot. Takot mag-tanong, magpaulit, sumagot sa pagsusulit. Dapat ka nga ba matakot na gawin ang mga ’to, e tao ka pa rin lang naman, at kahit papa’no e hindi nagmamarunong? Matututo ka pa, ‘di ba?

Maraming aral ang kantang ito, na kung inaakala mo sa unang pagdinig e dini-diss o kinamumuhian niya ang lahat-lahat ng nasa popular na kultura at mainstream media (well, mali ka sa unang impresyon mo, tsong.). At nasasaad ito sa ilang mga linya nito.

Hindi porket Tagalog o nasa lokalidad natin e baduy na kaagad. At lalo naman hindi ka itataas ng pagiging Inglisero mo. Feelingero ka na nga, mas baduy pa tignan.

Hangga’t wala kang nagagawang hakbang sa bawat araw na lumilipas sa buhay mo, e talagang masa-stucked up sa mga bagay na sa tingin mo e nakakabobo. Ibig sabihin, ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong landas, at kung hindi mo babaguhin iyan, ikaw mismo ang biktima ng sarili mong katangahan.

“‘Di naman importanteng magpakadalubhasa, ang sa’kin lang naman ikaw ay malinawan.” Ibig sabihin? Hindi mo kailangan alamin ang lahat. Ang importante e may alam ka. (Malabo ba? Intindihin mo kasi.)

“’Wag na ‘wag mong gawing dahilan ang kahirapan. Maniwala, pero ’wag umasa sa himala. Wala pang nananalo sa lotto na ‘di tumataya.” Sabagay, may kasabihan kasi na choice mo mamuhay sa kung saan mo gusto. Kung ginusto mo maging mahirap, e magiging mahirap ka talaga. At hindi ko tinutukoy dito ang mga materyal na bagay lamang ha? Okay, sabihin na natin na, “Oo nga naman, lahat naman kasi tayo ay naghihirap din e.” Pero huwag kang umasa na isasalba ka ng iyong panalangin kung wala ka naming ginagawang hakbang para mairaos ang iyong buhay. “Hindi porket mahirap ka e hanggang d’yan ka na lang.”

At walang masama magtanong (basta sensible na tanong ha?) kung ikaw naman ay namomroblema sa kung ano ang dapat gagwin mo? “Tandaan, Mas masahol pa sa bobo ang bobo(-ng) nagmarunong.” Magmamarunong ka pa, e bobo ka rin naman! “Kung ang pag-iisip para sayo’y nakakangawit,
Ibenta mo ang utak mo kung’ di mo ginagamit.”
Siyempre, gamitin kasi ang utak, no!

At hindi porket lahat ng mga nakikita mo sa TV e tama na rin para sa iyong kamalayan. Huwag kang magpadala sa mga bobong palabas, kommersyal, at ultimo ang mga personalidad na nakikita mo sa tinatawag na “idiot box.” Lalo na kung buong araw kang nakatunganga sa harap niyan.

Kung lahat na lang ng nakikita mo e nakakabobo… e di ikaw mismo gumawa ka na ng hakbang para baguhin ito. At least, simulan mo iyan sa sarili mong gawin sa buhay.

Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 1 January 2013

Hip-hop Fan Kuno?!

01/01/2013 01:21 PM

REAL TALK. “90% ng rap battle fans ay walang alam sa hip-hop. Kaya ironic lang na sila pang nagsasabi na puro luto ang laban sa FlipTop. Pero on second thought, may luto nga, pero yung pangluluto ay galing mismo sa mga tao. Kasi kahit hindi kayo tunay na hiphop, kayo pa yung malakas mandikta kung sino dapat ang manalo. Kaya nagda-downgrade ng lyrics ang ibang emcees para lang kayo'y patawanin. Hindi ako gan'on. Hindi ako mag-aadjust sa inyo... putangina kayo ang mag-adjust sa’kin! At sa mga kapwa ko emcees, imbis na i-showcase nyo ang tunay n'yong talento at turuan ang mga tao, kayo pa mismo nag-eexploit at nanggagahasa sa art-form na 'to. Theatrics, antics, paggamit ng crowd sa kalaban, paggamit ng Props. Sa mga binanggit ko na yan, tangina walang kinalaman sa lirisismo at pagra-rap! At sa mga tinamaan na emcees, sorry... pasensya na mga p're. Joke lang mga putangina n'yo, wala akong pake! Kasi kung may English subtitles lang ang mga laban dito, malamang marami sa 'ting mamimintas. Kasi makikita ng buong mundo kung ga'no kabobo mga rap battles sa Pinas. At pasensya Anygma, kung sa tingin mo sinisiraan ko kumpanya mo... mali ka. Binabalik ko lang 'yung pundasyon at istraktura ng FlipTop kaya nga tayo may arkitekto sa sa liga. Ngayon ang pagsakripisyo ko sa round na to ay patunay na no match ka sa'kin sa pagra-rap. Kasi isa lang ang kabattle mo ngayong gabi, ako binattle ko ang lahat. Kasi isa ka lang parasite sa liga, period. Wala nang meta-metaphor Habang ako, i'm here to rearrange the scene parang movie editor. At sabi ni Dhictah dati, parang UFC daw ang FlipTop. Hindi! Ngayon, parang WWE na rin. Puro stunts, puro gimmicks para lamang mapansin!”

I’m just speaking based on observation, not as a legitimate fan of hip-hop. Aminado ako na maaring parte ako sa 90% ng mga hip-hop fans pero what’s even disgusting is yung the fact na majority sa naturang numero e sadyang nakikiuso lang talaga. 


Parang yung mga tipo na tutal nanunood ka naman via internet e try mo i-research ang mga bagay-bagay sa hip-hop. Making ka ng mga kanta, huwag lang dumedepende sa mga battle. Kung suporta ba ang usapan, parang nasa gawa din ba. Yung tipong binanggit ko sa aking blog dati na mga barbarong fans (baka masyado na akong brutal kong ilalahad ang mga iyun dito).

Siguro ito ang nagagawa ng pagiging adik sa panunood ng video sa YouTube. Nagiging instant fan ka nito kung sakaling naaliw ka at nagustuhan mo sila. Well, walang masama dun. Pero kung panay asa lang naman sa bagong upload at hindi mo naman talaga sinusuportahan ang kanilang adhikain dun, e fan ka nga ba talaga?

Parang ang tanong e… Real fan ka ba talaga, o sadyang bandwagon rider ka lang? As in yung nakikiuso lang. Sumasakay sa kung ano ang trending o porket everyone likes it, at masabing "in" ka din?

Isa sa mga naka-agaw ng pansin sa akin ay ang video ng FlipTop na ang laban ay Apoc versus Sayantipiko. Ang naturang berso na aking nabanggit sa unang parte ng blog na ito ay galing sa mga bara ng ikatlong round ni Apoc. Ang tindi lang ng mensahe na binanat niya.

Hindi sa pagiging arogante ng dating nito ha? Pero ang punto kasi nun ay may mga tao na tila barbaro na porket naaliw sila sa mga video ng FlipTop. Yung tipo na sa sobrang pagka-aliw ay ginagaya na nila ang anumang nasasabi ng isang nakikipagbanatan dun. 

At kung makapagdemand ng bagong video e akala mo sila ang nagpapatakbo ng ligang pinapanood nila.Ayos lang sana kung magtanong ka ng “May bago bang video na ilalabas kayo ngayon?” E kaso kasi ang mga mokong na yun ay parang mga boss kung makatanong e. Kung hindi may halong mura, sadayang bastos ang pananalita. 

Nakakalimot yata na nilalantad ng mga ‘to ang baho nila sa pamamagitan  ng pagpopost nila ng kumento sa YouTube o Facebook. (buti na lang sa Twitter kahit mas matindi ang away dun e sibilisado naman ang pamamaraan ng paglalahad ng bawat user)

Kaya ba nada-downgrade ang dating ng hip-hop sa Pinas, dahil sa mga ilang kanta na may beat na ginaya lang mula sa mga RnB na kanta mula sa banyaga? Mga mababahong lirisismo? Walang artform per se? 

Nahaluan na rin ba ng ideya ng sobrang kommersyalismo?

Hmmm… mahirap husgahan kung ako ang tatanungin (kasi nga hindi ko pa makukunsidera ang sarili ko na isang lehitimong hip-hop na fan). Basta ang alam ko lang e maraming magagandang musika na nalilikha sa underground at kasama na rin dito ang mga rapper na nakikipag-engage sa mga rap battle event tulad ng FlipTop at Sunugan. At para mas maappreciate mo ng husto, huwag lang pakinggan. Intindihin din ang pinapakinggan. Laliman ang pag-unawa.

At sa totoo lang, ang internet ay mundo para sa mga intellektwal, hindi para sa mga nagpapanggap na tanga. At laging may linyang namamagitan sa mga taong tunay na fan sa mga taong nakikiuso lang.

Para sa enjoyment niyo, panoorin ang naturang mensahe ni Apoc sa laban na ito sa FlipTop. (see 11:50 - 13:37)




Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

BAGONG TAON NA! EH ANO NAMAN NGAYON?


10:45 a.m., 01.01.2013

Sa wakas, bagong taon na naman! Panagdag taon sa ating buhay at alaala. Masaya, ‘di ba? Eh kaso… ano naman ngayon?

May nagbago ba sa ating mundong ginagalawan? Eh kung tutuusin ganun pa rin naman ang takbo ng araw at gabi, ha? Sumisikat ang araw sa umaga habang nagpapakitang-gilas naman ang buwan sa gabi. Gayundin naman ang mga operasyon ng mga makamundong bagay sa ating lipunan, mula sa biyahe ng mga sasakyan, sa oras ng pagpapatakbo sa isang kumpanya at negosyo, klase sa eskwelahan, at kahit ang istilo ng mga kawatan, paglalambingan ng magkasintahan, at kung anu-ano pang kaechosan. May nabago ba talaga? Well… meron pa rin naman. Ang aura ng tao at ng araw mismo depende kung ano ang nakatakdang petsa.  Pero…


Bagong taon na, eh ano naman ngayon? Kumpleto pa rin ba ang daliri mo? Virgin ka pa rin ba? Magandang nilalang ka pa rin ba? Mabait na tupa ka pa rin ba? Hindi pa ba nagsasawa sa iyo ang asawa mo? Nauurat ka pa rin ba sa trabaho mo? May tagpi na ba yang butas ng bulsa ng pantalon mo, at kung anu-ano pang mga tanong na pwede mong pagnilay-nilayan.

Bagong taon na! Eh ano naman ngayon, palagi naman may January 1 sa kada taon eh. 365 days pa rin naman (at 366 kung leap year) ang rebolusyon ng planeta natin sa axis ah. Daranas pa rin tayo ng maganda at masamang panahon. Ang tanong, may nabago ba talaga?

Oo nga naman, ano? Ano naman kung bagong taon na? May medya noche na naman (na magastos nga paghandaan pero worth it naman kung ikaw ay masiba rin at the same time). Maliban pa dun eh gising na naman ang diwa mo sa oras na dapat ikaw ay mahimbing na natutulog kasama ang pinakamatamis at pinakamamasa-masang bagay na kung tawagin ay “panaginip” (exception kung una, puyatero ka palagi, at pangalawa, sadyang night person ka lang talaga). Mauuso na naman ba ang new year’s resolution? At may magbabago ba talaga sa ating buhay? Kunsabagay, ika nga ng kantang “Ang Pasko Ay Sumapit,” bagong taon ay magbagong buhay, nang lumigaya ang ating bayan.

Pero kung tutuusin… nagbago lang naman ang ating kalendaryo. Nadagdagan lang naman tayo ng isang taon, which means may panibagong taon tayo para mamuhay ng ayon sa ating kagustuhan. Mula sa relihiyosong holiday, hanggang sa pang-nasyonal na pag-alala, at kahit sa mga araw na sagrado sana pero nilamon na ng ideya ng kommersyalismo.

At pustahan, same routine pa rin lang tayo tulad ng mga nagdaang taon, maliban na lang kung ikaw mismo ay may planong gawin “for a change.” At ang tinatawag na new year’s resolution? Walang kwenta kung hindi isinasagawa ang mga isnaad mo dun no! Maniwala ako sa iyo na hindi ka na maninigarilyo, o iinom ng alak sa hindi disenteng lugar. Maniwala ako na simula ngayong bagong taon e hindi ka namanchi-chiks, mag-aaral ka ng mabuti, magsisikap ka sa iyong trabaho at sususentuhan mo ang anak mo sa kabilang pinto, eh pagkalipas ng ilang mga linggo ay balik ka na naman sa dating gawi. Anyrae sa mga salita mo, tsong at tsang?

Bagong taon na, eh ano naman ngayon? Maraming mga pangayayari. May magaganap, ke inaasahan man natin yan o “suprprise” lang. Alalahanin natin na kahit pare-pareho na lang ang takbo ng araw at gabi sa buhay natin e, iba naman ang posibleng maranasan natin. “Tomorrow will be different,” ika nga. Isa pa, walang permanenteng bagay sa ating mundo. Kung mag-i-Ingles na naman ako dito e, “Nothing is permanent in the world except change.” Sa madaling sabi, may pagbabago pa rin. May bagong nagaganap at may pagbabagong magaganap.

Bagong taon na, eh ano naman ngayon? Kung ikaw ay isang relihiyosong nilalang e magpasalamat ka na lang sa iyong Dakilang Maylikha. At least, hindi pa tapos ang misyon sa mundong ito. May panahon ka pa para mag-enjoy.

Bagong taon na, eh ano naman ngayon? Swerte mo kaya no? yung iba dyan nangangarap na gusto mamuhay ng mahabang panahon pero pagdating ng holiday e kinapos na. Pasalamat ka no!

Ayun, bagong taon na! Eh ano naman ngayon? Eh di…. HAPPY NEW YEAR! Magsaya ka na lang, no!

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Sunday, 30 December 2012

No New Year’s Resolution.


New Year’s Resolution?! Uso pa ba iyun?

Uso yan, kung ikaw ay estudyante ka pa lang sa elementarya, tulad namin noon. Kapag unang araw ng klase sa buwan ng enero nun, ang panuto ng adviser-slash-homeroom titser namin ay “get one whole sheet of paper, and write your new year’s resolution.”

Patay. Ako pa naman nun e speechless pagdating s mga new year’s resolution. E kung sa wala maisip e. besides, ano bang babaguhin ko sa sarili nun? Maliban pa sa matinong bata namana ko nung mga araw na iyun (pero average student nga lang)? Tsk.


At pagdaan ng taon, kung kelan naman may naiisip akong baguhin sa aking sarili nun, (yun ang tulad ng mga sumusunod: maging maangas, i-minimize kahit papano ang magmura, magtipid, kumain ng marami, manala ng kaibigan dahil naglilipanan sa network ko ang mga “plastik” na nilalang, mag-aral, huwag basta magpadala sa bugso ng emosyon, at iba pa) saka ko naman hindi naisusulat ang new year’s resolution ko. Nasa utak ko na lang ang mga iyan, pero mas naisasagawa ko naman kesa sa mala-planadong pagbabago.

Sa totoo lang, isa sa nakakatawang parte ng ating buhay ay ito – gagawa ang isang tao ng new year’s resolution para sa darating na bagong taon (siyempre), pero wala pa nga sa kagaitnaan ng taon e hindi naman niya naisasakatuparan ito. Hindi nasu-sustain o nagiging “inconsistent” ang mga salitang plinano. Anyare?

Kaya ang dating e parang hanggang plano lang ang karamihan sa mga tao na gumagawa nito. (Hindi naman siguro lahat ng tao ay ganyan ano? I mean may mga tao rin naman na nagagawa nila ang mga resolusyon nila.)

Siguro, bago nila alisin ang bisyo nila (legal man o bawal), magpayaman, magpa-sexy (o magpa-chubby), maging matinong kaibigan/asawa/anak/kapitbahay sa kanilang kapwa, e ito ang dapat nila maikunsidera bago gumawa ng new year’s resolution: DISIPLINA sa sarili. Dahil kung gusto nga ng pagbabago ng isang tao sa sarili niya e dapat matuto siya kung paano kumontrol sa kanyang sarili.

Maganda nga naman ang may plano ka sa iyong sarili sa mga bagay-bagay na may nais kang baguhin. At least may ideya ka kung paano mo siya isasagawa, ‘di ba?

Pero alalahanin mo – ang pagbabago ay mas maganda kung idinadaan ito sa gawa kesa sa salita. Oo, isinasagawa nga kesa sa tahasanag paglalahad tulad ng isinusulat lang sa papel, gini-GM sa text, tini-tweet o ginagawang status sa Facebook.

Dahil hindi mo ginawa ang mga yan at bagkus e wala naming pagbabagong naganap sa iyo sa paglipas ng taon, tatlong salita ang tiyak na possibleng tatama sa iyo pabalik: mayabang, hanggang salita, o hipokrito ka pala e.

Kaya… New Year’s Resolution? Tigil niyo na yan!

Pero kung gagawa ka pa rin niyan, e siguraduhin mo lang na magbabago ka talaga ha?

09:39 a.m., 31/12/2012
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Saturday, 29 December 2012

For Ligaw's Sake?


Panliligaw? Uso pa ba iyun?

Sa totoo lang, nagbago ang pananaw ko ukol sa bagay na ito. Ang pagkakaalam ko lang e para kang isang produkto at binebenta mo ang sarili mo para maakit siya at mahalin ka tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Ihinahakbang mo ang iyong best foot pa-forward, ika nga. Yung tipong palapit sa kanya. Kung kelangan mo na gumastos ng pera at panahon, mag-effort mula bahay mo papunta sa bahay niya, o ultimo magpapansin sa text at Facebook, basta para lang makuha ang atenmsyon niya, gagawin mo. Oo ganun nga. Gagawin mo.

Ganun? LECHE! Tigilan na natin ito.


Sa totoo lang, hindi ko mawari ang mga nangyayari sa panliligaw ngayon? Yung tipong hindi dapat na maging pangkaraniwang para sa isang “manliligaw” lang.

Unang-una. Magtatanong kung “pwede bang manligaw?” Siguro bigyan natin ng benefit of the doubt na siguro ang taong iyun e takot ma-reject (sino ba naman sa atin ang gusto ma-turn down, ‘di ba?). Pero, pano kung ang prospect mo e yes lang ng yes? As in lahat ng taong nagtanong lang sa kanya na kung pwede daw ba siya ligawan e yun lagi ang sagot. Oo, yung nga – ang OO. Masasabi mo bang malandi siya kung ang intension niya ay mag-entyertain ng mga manliligaw?

O paano na lang kung talagang ayaw niya. May magagawa ka ba? BASTED! Kaya ang matinong tip dyan, ‘wag mo na lang itanong yun, gawin mo na lang.

Idagdag mo pa ang panahon na inaabot. Long courtship ba? Yung tipong pang-ubos ng kung anuman ang nasa kalooban mo. Ang hirap siguro nun no kung 2 years mo siya niligawan then all of the sudden, basted ka pala! Parang nasayang lang ang panahon na dapat sana e nilalaan mo para makaiskor ng Godlike game sa DoTA, maging susunod na NBA o UFC na superstar, na-promote na sa trabaho, maging cum laude sa pinapasukang eskwelahan, o tumira ng sandamukal na extra rice at bottomless iced tea.

Ito pa ang pangit dyan. Nagseselos na parang akala mo e boyfriend ka na niya, lalo na kapag kausap niya ang mga kasamahan niya sa work e obvious naman na ni yung mga lalakeng yun e hindi naman siya pinopormahan. Hoy, baka nakakalimutan mo na may linya na nagbibigay ng pagitan sa pagiging “suitor” sa pagiging “sweetheart,” ha?

Isa pa. Nanliligaw ka at ine-engage mo ang iyong sarili sa kanya at sa relasyong namamagitan sa inyong dalawa dahil sa nararamdaman mo sa kanya bilang taong mahal mo. Hindi para i-display mo siya bilang “trophy” (mas masaklap: collect and select), yung tipong may masabi ka lang na “uy, guys... girlfriend ko pala oh!” Iba ang mga akto ng nagmamayabang dahil “girlfriend” mo siya, sa nagmamayabang dahil sa “minamahal” mo siya.

At, ito pa. Hindi porket sinagot ka ng kasintahan mo e titigil ka na sa panliligaw sa kanya. Ika nga ni Papa Jack, tuloy-tuloy yan kahit maging mag-asawa na kayo. Bagay na hindi na yata nagagawa ng iilang mga tao sa kanilang partner. Baka naman t’wing montshsary lang magpakita ng lambing ‘tong mga to sa isa’t isa. Nagbago na ang mga lalake sa kanilang babaeng niligawan porket napasagot na nila.

Kaya what’s the point para manligaw pa?

For proper or “formality” ba? E una, kayong dalawa lang naman ang involved dyan, hindi ang sambayanan na usisero at tsismoso na makikibalita sa estado niyong dalawa? At huli, ang relasyon ay nagsisimula sa bagay na hindi kinakailangan ng kung anumang pormalidad na pamamaraan. Right timing and right place? Given, pero right manner to start it out? Weh.

Gayahin mo lang si Macoy (na base sa isang kumento na nabasa ko sa isang blog ukol sa panliligaw). Ansabe ng mga tao sa mga salita niyang, “I don't believe in courtship. It's a waste. If I love the person, I'll tell her right away. But for you I'll make an exception. Just love me now and ill court you forever.”

Sa madaling sabi, kaechosan lang daw ang panliligaw kung ang dating Diktador ang tatanungin. Kung gusto mo ng mas brutal na termino para dyan, give a big English word called BULLSHIT. Kung gusto mo sabihin na mahal mo talaga siya (pero siyempre, dapat totoo yang nararamdaman mo ha), e di gawin mo. Ipagtapat mo. At kung anuman ang mangyari pagakatapos nun, make sure na wala kang regret.

Minsan, mas naiisip ko pa na mas tama pa ang friendship bilang “getting-to-know-you” phase kesa sa panliligaw mismo e. May mga tao nga dyan e ilang araw na magkakilala, nagkaroon na ng aminan e. Gusto ni mokong ang loka. Ganun din naman ang ale sa manong. Then, nag-usap ukol sa estado nilang dalawa. Nag-agree na sila na pumasok sa isang relasyon. Hindi yung tipong nagpaliguy-ligoy pa.  At hindi “PBB Teens” yun, tulad ng mga sasabihin ng mga mababaw lang ang pag-unawa. (Siyempre, case-to-case basis naman yun bago mo husgahan no)

At ito nga pala... relasyon ang pinapatagal, hindi ang panliligaw.

Kaya… courtship stage? Asus. Tigil niyo na iyan.

03:13 p.m., 30/12/2012
Author: slick master| © 2012 september twenty-eight productions

Monday, 17 December 2012

The end? WEH.


Sinasabi na sa Disyembre 21, 2012 magkakaroon ng mala-apokaliptong kaganapan sa mundo. Kung iba ang tatanungin, magugunaw daw ang mundo.

Hmmm.... ano na namang kabalbalan ito?

Kabalbalan ba kamo? May mga patunay raw, na base sa siyensa at relihiyon.


Ayon sa mga propesiya ng mga Mayan, nakatakda na magtatapos ang kanilang kalendaryo sa ika-21 ng Disyembre 21, 2012. Pinag-aralan ng nasabing sibilisasyon ang mga bagay-bagay ayon sa siklo ng araw.
Isa naman sa mga prediksyon ay ang mga nagaganap na kalamidad. Mula sa hurricane sa bansang Amerika hanggang sa matinding pagyanig sa Japan, at sa mga matitinding pananalasa ng mga kalamidad sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas.

Isa pa? Ang mga prediksyon mula sa Merlin, ang libro ng Revelation sa Bibliya, at ang Chinese oracle na I Ching na nagpapahiwatig ng kung kelan magtatapos ang panahon ng sibilisasyon.

Hmmm... ganun?

Meron pa. Ang mga hula ni Nostradamus.

O, ano naman meron dun?

Marami kasing nagawa na mga propesiya si Nostradamus. Andiyan ang mga posibilidad ng mga paghhasik ng lagim, ke digmaan man at kalamidad ang usapan, ang mga bagay na nangyayari sa kasalukuyan.**

Pero.... teka muna. Di ba dati may mga hula na rin na magtatapos ang panahon natin sa taong 2000? 1998? 

O kahit sa Mayo a-21, 2011?

E kung ganun... ANYARE?

‘Wag kasi magpapaniwala sa mga ganyan.

Una, kung may pananampalataya ka sa Dakilang Mayliha, Bathala, o Panginoon (o kung ano pa man ang tawag sa “supreme being” mo), siya lang ang tanging may alam kung kelan ang panahyon ng panghuhusga sa ating mga tao. Ibig sabihin? Gawin natin siyang bahagi ng ating buhay. Ano pang sdilbi ng relihyon natin kung wala tayong paininiwala sa kanya?

Una-punto-kalahati, kahit wala namang sinasambang relihiyon, wala pa ring nakakaalam kung kelan mangyayari iyun. Yung iba dyan, baka ginagawang gimik ang judgment day para lang may sumapi e. Wag naman po ganun.

Pangalawa, alagaan mo kasi ang kapaligiran mo. Tapon ka ng tapon ng basura sa kung saan-saan e ang lakas ng loob mo naming isisi sa gobyerno ang lahat pag binaha ang lugar na kinatitirikan mo. E kung sabihin ko sa iyo na “ULOL! Ikaw rin gumawa ng ikapapahamak mo. Anak ng putang ina naman oh!”

Pangatlo, huwag kasi masyado magpapadala sa mga nakikita sa mainstream media. Anong konek? Ito lang yan. Ano ang mga nakikita mo sa mga palabas ngayon, maliban sa mga walang kwentang telenobela na lagi na lang pinapaikot ang istorya, at mga nilalang na handang pumatay ng tao sa ngalan ng pag-ibig? Masasamang balita. Isama mo na rin pala ang mga sci-fi movies na sadayang ini-inform ka lang na ganyan ang posibilidad na mangyayari sa ating mundo kapag patuloy pa tayo magloko. Kaya pumapangit ang nasabing genre kasi hindi maintindihan ng mga mababaw na nilalang ang kanilang tinatangkilik e. Tsk.

Pang-apat... Magpakatino ka na kasi. Ika nga nila, “Magbago ka na!” Self-explanatory.

At pang-huli... It’s all in the mindset. Baka sa kaka-isip mo na magunaw ang mundo, para tuluyan nga itong mangyari sa iyo (oo, sa iyo lang at huwag mo kaming idamay). Dumating ang araw na mag-break kayo ng syota mo, nang dahil dun magiging depressed ka at maaksidente ka, mawalan ka ng malay, maging desperado sa kakaisip na “wala na akong silbi sa mundong ito,” hanggang sa ma-deads. E kung ganyan lang din naman e hindi na rin ako magtataka. Tignan mo yung tao na naaksidente sa plane crash sa pelikulang “the secret”  at maging halimbawa sana sa iyo yun na masarap pa ring mabuhay sa mundong ito kung magkakaroon ka pa rin ng positibong pananaw sa buhay na bigay sa iyo ng Diyos at ng magulang mo.

Kaya sa totoo lang... isang malaking palaisipan, este, kalokohan ang END OF THE WORLD.

Bakit kalokohan? Simple lang. HINDI KASI AKO NANINIWALA DUN.

10:10 a.m. 12/18/2012
Author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 9 December 2012

OLATS!

12/10/2012 10:54 AM

Si Manny Pacquiao ay ang tinaguriang “Fighter of the Decade,” pero sa pagkakataong ito, baka siya rin ang magmay-ari ng tinatawag na “shocking upset of 2012” sa larangan ng boxing.

Sa kauna-unahang pagkakaton sa nakalipas na isang dekada, nakatikim ng isang matinding knock out loss ang Pambansang Kamao sa kamay ng kanyang matinding karibal na si Juan Manuel Marquez.
At sa malamang shocking talaga ang upset na ito dahil sa... una, ang isa sa mga tinaguraing pound-for-pound fighter  sa kasaysayan ng boxing, ang minsan na may hawak ng 8 titulo ng kampeonato (bagay na siya lang ang nakapagtala), ang tinaguriang “Mexicutioner” nang dahil sa ilang boksingero mula sa bansang Mexico ang kanyang naipatumba na sa lona, isang lehitimong hall-of-famer na sa nasabing larangan... mana-knocked out na lang?

Maraming factor kung bakit ganyan ang nangyari. May isa nga akong nakita na link na sinend via comment sa aking huling post so far na “Controversial the Fourth Time Around.”  Nagpapakita ito ng ”stepping on the opponent’s foot” bago ang tinaguriang “lucky punch” ni Manila Mayor Alfredo Lim. Sa totoo lang, matagal nang uso ang mga tinaguraing “dirty tactics” sa boxing pero on the other side, baka coincidence lang din at hindi sadya yun. Mahirap manghusga.

Sa unang round pa nga lang e nakita ko na kung gaano niya gusto manalo sa laban na ito, kahit napatumba pa nya si Pacquiao, ilang round pa lang ang nakalilipas, at kahit namamaga na ang mukha niya matapos mapatumba siya ng Pambansang Kamao sa round 5.

Maari rin na dahil sa likas na drive ni JuanMa para manalo laban kay Pacquiao, as in para maka-isa lang siya. Matanda na rin ang mama (nasa 39 ayon sa Tale of the Tape ng laban na ito), at ikaw kaya ang mabaon sa rivalry niyo? Alalahanin – si MP may hawak na 2 wins at 1 draw na record bago siya na-olats kay JMM. At makikita mo naman yan sa mga pinakitang agresibong galaw ni Marquez sa ika-apat na duelo nila.

Habang Si Pacman naman? Ayun, katulad ng mga sinabi ko sa huli kong post – humina na. Naging subpar ang performance niya sa kanyang mga huling laban (at nagresulta na nga ito sa kanyang dalawang sunod na pagkatalo). Actually pwedeng ganun nga o sadyang malalakas na rin ang mga kalaban niya na tila isang dobleng-tibay na pader na ang kanyang binabangga.

At not to mention, katulad nga ng mga blog na nabasa ko sa DF ukol sa kahalinutlad na paksa , marami na rin kasi siyang pinasok na linya – pamahalaan, showbiz, at ultimo relihiyon. Aagree ako sa blog na iyun at sa mga nagkumento dun na “You cannot serve two masters at the same time.” Kasi naman, kung sa boxing ka nakilala e dun ka pwede mag-focus. Hindi sa sinasabi ko na pwede siyang sumabak sa showbiz, pero tol, kung kailangan mong magfocus sa isang bagay, mas maganda kung dun ka na lang total doon ka na rin lang lubos na nakilala.

Pero parang sisihin ang mga pastor dahil sa pagkatalo ni Pacman, e parang hindi na makatarungan iyun. Alam ko, hindi na ganun kaganda ang performance ni Manny sa ring mula noong lumipat siya ng relihiyon, at laging may halaga na kasama ang pakikipag-anib (ayon sa kanyang ina) pero para sisihin ang relihiyon sa naganap? HINDI NA YATA TAMA IYAN, ‘OY!

At kung hindi matanggap ng tao ang pagkatalo ni Pacquiao... e talaga bang mga boxing fans kayo? Dapat alam niyo na ang anumang tao – kulelat man o alamat sa larangan ng pampalakasan – ay nakararanas ng dalawang matitimbang na bagay – ang panahon na sila ay nananalo at ang kanilang pagkatalo. Parang yin at yang, up and down, kasiyahan at kalungkutan at kung anu-ano pang mga magkakakontradiktong mga bagay na nangyayari sa ating buhay.

Kung tunay nga na isa kang tagahanga ni MP, tatanggapin mo ang kanyang pagkatalo gaya ng ginawa mismo ng iniidolo mo. Dapat nga ke manalo siya o hindi e dapat may hero’s welcome pa rin ang mga Pilipino pagdating niya sa bansa e. E hirap kasi sa atin, pag natatlo, magiging hater na tayo. Pag nanalo ulit, dalawang bagay “chamba lang yan,” o sasabay ka sa agos ng tinatawg na “bandwagon.” Hay, mga tao nga naman, ano? RESPETO NAMAN!

May nagsabi nga na hindi na para sa bansa ang kanyang ginawa sa pagkakataong iyun – yun ay para na sa ego niya bilang isang boksingero. Well, tama lang din. May punto ba. Ke para maisalba ang kanyang naghihingalong reputasyon nun dahil sa dismayado na rin ang ilang mga fans o kung ano pa iyan.

Maganda at napakaganda ang ipinakita ni Juan Manuel Marquez sa labang ito, at talaga naming pinatunayan sa sarili niya at sa lahat ng nakasaksi sa duelo nila ni Pacquiao.

Para  sa akin, manalo o matalo, si Manny Pacquiao ay isa pa ring kampeon para sa mga Pinoy. Isang malaking PINOY PRIDE. Sa totoo lang, hindi makikilala ng mga tao ngayon ang larangan ng boxing kung hindi dahil sa kanya. Oo, as in hindi siya dadagsain ng mga advertisers para lang makabenta sa mga laban niya (na sobrang tagal na ang pag-aantay mo para sa isang round dahil sa sandamukal na mga commercial gap).

As in hindi ito makikilala ng mayorya, makakapanood sa isa sa mga malalakas na TV network sa free TV ng Pilipinas. Hindi ito magiging laman ng balita sa kada sports newscast at pahayagan. Hindi rin mauuso ang mga live streaming sa internet at mga venue kung sakaling maiinip ka kung aasa ka sa terrestrial TV. At isama mo na rin ang katotohanan na hindi magiging super light traffic at zero crime rate ang bansa kung hindi dahil sa mga laban niya. Alalahanin mo, mga tao mula sa elitista hanggang sa masa, sibilisado man, rebelde o alagad ng batas, nagkakasama-sama sa isang natatanging kaganapan. 

Kaya para kay JuanMa, you have proved yourself enough. Good job, very well said statement. Saludo ako.
At para naman kay Manny, you still have my respect. Pinakita mo na isa ka talagang kampeon kahit ala-planking nga ang bagsak mo sa round 6. Hindi biro ang mag-train at lumaban para lang kumita ng pera at iahon sa hirap ang buhay mo na tinatamasan (yun naman talaga ang pakay diba?) pero nevertheless, saludo ako sa ginawa mo.

Hindi ako isang sports analyst – pero tingin ko, high time na, Manny. Kung pagbabasehan ang sinabi ng isang sportscaster na si Ron Delos Reyes, “marami ka pang gusting patunayan sa buhay sa labas ng boxing ring. I think it’s time for you to hang up that glove.”

Author: slickmaster | © 2012 september twenty eight productions

Saturday, 1 December 2012

IGMG.


Hindi sa pagiging suplado at perfectionista ha?

Sa panahon ngayon na nag-uumapaw na ang mga bagay na nagbibigay kaalaman sa halos bawat tao, wala na yata tayong excuse na maging mangmang o ignorante pa. Halos accessible na kasi para sa sinuman ang internet, napadali na ang mga gawain natin sa buhay nang dahil dito lalo na sa panahon na kailangan mong pag-aralan ang iilang mga bagay-bagay, mula sa makalumang desktop hanggang sa mga magagarbong laptop, at ultimo sa isa sa mga paboritong hawakan ng tao – ang cellphone, pwede ka nang mag-internet.

Maliban sa mga nabanggit, andyan pa rin ang mga diksyunaryo, iba’t ibang klase ng libro, plaka (o CDs), Encarta kung uso pa ba iyan sa PC mo, at iba pa.

Kaya ano pa ang excuse mo para magtanong at magtanong ng mga… well, tanong? Lalo na kung…

Una, andun na yung sagot? (maliban na lang kung mahina ang kukote mo pagdating sa pag-intindi)

Pangalawa, kung ayaw mong maniwala sa mga sagot ng kausap mo?

At pangatlo, kung tamad ka na mag-search sa internet? Oo nga naman, ano. May Yahoo! na nga, Google, ASK.com, Wikipedia, at kung anu-ano pa ang mga website na pwedeng makasagot sa mga tanong na nakapaloob sa mga takdang-aralin mo. (Wag kasi atupagin ang social networking at pornography web sites kung dapat may mahalaga ka pang gagawin.)


Unless kung nerdo o “walking encyclopedia” ang kausap mo diyan e, IGMG na lang yata ang pinakaprangkang sagot na mabibigay ng tao sa iyo at nauuso sa panahon ngayon.

Una itong lumabas bilang isa sa mga pahina ng librong Suplado Tips 2 ng isang komedyanteng si Stanley Chi. May slightly sarcastic version pa nga ito e, ayon sa naunang version ng kanyang libro (ang Suplado Tips book 1)…

SUPLADO TIP 6: Kung panay ang tanong sayo ng kakilala mo, hiritan mo ng “Don’t ask me, ask Mr. Webster!”

Sa sobrang tindi ng mensahe nito, ginamit ni Lourd de Veyra ang terminong IGMG sa kanyang speech na pagcongratulate sa mga graduate ng UP Diliman nitong taon lamang. Ang nilalaman kasi ng naturang speech ni de Veyra ay may tema na kinalaman sa pag-iwas sa pagiging ignorante at mangmang ng isang tao.

At maliban pa dun, isa rin ito sa mga signature shirts na binebenta ni Stanley Chi. Pati pa nga ang maliit na manika may ganitong nakalagay e.

Tunog perfectionista ba? O sobrang angas, suplado o kung ano pa man iyan?

Teka, ano nga ba ang IGMG?

Para masagot mo ‘yang tanong mo na iyan… I-GOOGLE MO, GAGO!

Oo, I-Google mo. Hanapin mo! Alamin mo!

11:21 A.M., 12/02/2012
Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 27 November 2012

Filipinos - The Very Emotional Ones?!


Kamakailanlang ay naglabas ang isang research study na Gallup, at lumabas na ang Pilipinas ay ang pinaka-emosyonal na lipunan sa buong mundo.

Una ko itong napansin noong pinaskil ng isang istasyon ng radio ang isang wall photo sa kanilang Facebook page na naglalarawan ng ganitong balita. Habang inulat na rin ito sa ilang mga palabas sa telebisyon.
Ayon sa panayam ng ANC’s Dateline Philippines sa isang psychologist na si Dr. Randy Dellosa, mayroon daw tinatwag na “teleserye mentality” ang mga Pinoy.
"Meron tayong teleserye mentality e na dapat palaging may drama, palaging may nangyayari, kasi nagiging boring yung show ng buhay natin." - Dr. Randy Dellosa
Base naman sa For Your Information segment ng November 27, 2012 episode ng Reaksyon kasama si Luchi Cruz-Valdes, may kasama rin itong posibong epekto, tulad ng naiulat sa website na upi.com.

Ayon sa naturang website, sinuri ang limang positibo at negatibong emosyon na kadalasan na nararamdaman ng tao noong nakaraang araw. Kung nakapagpahinga ba sila ng maayos, nakakangiti ba sila, naisestress sa trabaho, nag-aalala, nakakagawa ng mga bagay na nakakapgbigay ng interes sa kanila, at iba pa.

Sa kabilang banda, ang bansang Singapore ay tinaguiang most emotionless country dahil sa mababa nitong rating na 36% sa lahat ng 151 na bansa na sinuri ng natuerang US-based na kumpanya.

Bakit tayo ang pinakamataas? Nakakuha kasi tayo ng 60% rating e.


Para sa akin, hindi ito masamang balita, at alam ko na taliwas ito sa mga inuulat ngayon sa mainstream media. Kung pupunahin kasi ang artikulo sa website na Rappler, magandang bagay ito sa atin na madalas nag-lalahad ng ating emosyon ke positibo man o negatibo.

Kung may negatibong bagay man akong nakikita dito, yun ay yung katotohanan na nao-obsessed tayo sa mga nakikita natin sa ating “idiot box.” Kaya ba nagging “senitibo” ang ating character? Maari.

At isa sa mga pangkaraniwang misconception sa buhay natin ay kapag sinabing emosyon, lagi itong may kaakibat na negatibong bagay o kung tawagin man ay “stigma” sa ating kamalayan. Dapat alalahain din natin na ang kasiyahan ay isang ring pakiramdam katulad ng kalungkutan, tulad ng pagiging excited kung ikukumpara sa mga tulad ng galit, poot, at iba pa.

Yan kasi, masyadong nagpapadala sa mga nakikita mo e – masamang balita man o mga madamdaming eksena sa telenovela iyan. Kaya ang mindset ng tao, naapektuhan na rin. At isa ring misconception ito – hindi lang sa puso ang pinakabasehan ng emosyon ng isang tao dahil may parte sa ating utak na responable rin sa ating mga nararamdaman. At hindi lahat ng emosyon ay nakabase rin sa relasyon at pag-ibig lamang. Maraming factor iyan, magtanong ka na lang sa tropa mong may alam sa sikolohiya o kung matigas ang ulo mo, iko-quote ko si Idol Stanley Chi dito – IGMG – short for “I-Google Mo, Gago!”

Basta, para sa akin... kahit taliwas ito sa mga nababalita sa nakararami, hindi ito ganap na masamang balita. Yun lang. Mas okay na nga na kahit papano ay maging emosyonal ang isang tao. Pero huwag nga lang tayo sosobra ha? Dahil totoo pa rin ang payo ng karamihan na “wag kang gagawa ng aksyon habang ikaw ay nasa height ng iyong emosyon.”

Kaya ang mabuti na lang gawin natin ay... just spread the good vibes!

10:31 a.m. 11/27/2012
Sources:

author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 23 October 2012

Anyare? (Isang Tanong Para Sa Mundo Ng Mga Sinungaling)


Minsan ko narinig ang tanong na ito sa isang palabas na tumatalakay sa isyung panlipunan sa legal na pamamaraan. Iku-quote ko lang ang wikang iyun ni Atty. Persida Rueda Acosta (pero hindi sa eksaktong paglalarawan ng salita): “Paano ka makakapamuhay ng tama kung namumuhay ka naman sa mundo ng kasinungalingan?”

Hmm… Paano nga ba? *sabay nakapangalumbaba*

Iyan kasi ang hirap sa panahon ngayon e. Que sa usaping panlipunan man o sa pinakapabortio ng ilan na tsismis sa lovelife, walang katiyakan ang mga pahayag. Parang iyung sinabi lang sa akin ng isa sa mga kaibigan ko na “Si *name of boy*? HMP! Hindi ko nga gusto iyan e!” Pero ‘wag ka, makalipas lang ang ilang oras ay… sila na! PBB teens ba ang peg? At isa pa, ang taong walang habas na umiiyak sa balikat ko dahil hiniwalayan siya ng boyfriend niya. Ang sabi daw sa kanya e “pangako ko, hindi kita iiwan.” Sinampal ko nga nang matauhan ang ale, “Ikaw kasi, nagpapaniwala ka sa damuhong iyun! Ilang beses ka na ngang ginago eh.”


Pero hindi iyan ang saklaw ng gusto kong talakayin dito. Sa panahon ngayon, ang mga salita ay isa sa mga bagay na hindi mo puwedeng ihanay sa mga permanenteng bagay sa mundo. Bakit kanyo? Dahil lahat naman ay nagbabago e. Maliban na lang kung iyan ay yung kayang mangatawanan sa mga binitawan niya.

Parang itong mga ‘to: nagdeklara na hindi raw tatakbo ngayong darating na midterm elections, pero nag-file ng certificate of candidacy. Hindi ko tuloy alam kung ang ilan sa mga iyun ay nadala sa pakiusap ng publiko (yung tinatawag na simpatiya) o sadyang nasa parte na ng prinsipyo nila ang mga iyan.

At ito pa – ang mga taong nagbitiw ng mga salita noong panahon ng pangangampanya, pero halos tatlong taon na nakalipas, may natupad ba?

Meron pang pahabol: mga taong nagsasalita na “hindi raw political dynasty ang ginagawa naming.” Pero karamihan sa mga tumatakbo ay nasa listahan ng kanilang family tree. Sinong niloko niyo?

Para sa mga ito, ito lang ang itatanong ko: ANYARE?

Anyare sa mga mapangahas na binitawan niyong salita na hindi raw kayo tatakbo?

Anyare sa mga pangakong binitawan niyo noong 2010 elections, mula sa proyektong imprastaktura hanggang sa kinakailangang batas tulad ng RH bill at Freedom of Information bill?

Anyare sa batas na tahasan tumutuligsa sa politial dynasty? E naglipana na sila na parang kabute.

Kaya tuloy ang sama ng impresyon ng tao sa salitang “politics.” Mas marumi pa sa tipikal na pumumulitika sa mga kumpanya ng kung saang larangan. Mas malala pa sa mga pamumulitika ng ilang tao, kaya ang ilan sa aking mga kasasmahan ay bumibira na sila raw ay pinupulitika. As in, “puro pangako.”

Pero sa kabilang banda, tanggapin na lang natin ang katotohanan na wala talagang permanenteng bagay sa mundo. Oo, lahat nga ay nagbabago. Ang kuestiyon na lang dito, may magtatanda ba?

ANYARE?

Author: slickmaster | Date: 10/23/2012 | Time: 05:39 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Usapang Grammatika? Ang Labo!


(Ang blog na ito ay may halaw ng inspirasyon at konteksto mula sa “Ispokening Inglis” episode ng Word Of the Lourd na unang sumahimpapawid sa TV at YouTube noong Marso 2011)

Ang gulo lang talaga ng mundo ng salita. Singgulo ng mga bagay na kung tawagin ay “kritisismo.” Minsan na sumapul sa isipan ko ang tanong na ito:

“Bakit parang napakalaking kasalanan ‘pag maling-mali ‘yung grammar mo sa Ingles? Pero bakit ‘pag nagkakamali ka sa Tagalog, okey lang?” – Lourd de Veyra

Oo nga naman, mula sa “long-legged” ni Melanie Marquez hanggang sa pagiging over-confident ni Janina San Miguel; sa isang speech ng dating Pangulong Estrada, hanggang sa mga patawang istilo ng pagsasalita ng wikang Ingles ni Jimmy Santos… at isama mo na diyan ang pagti-tweet ni Manny Pacquiao noon na pinutakte ng mga netizens. Bakit nagiging mistulang “Grammar Nazi” ang karamihan?


Sabagay, “public figure” ang mga ito sa ating lipunan, kaya siguro inaasahan natin ang kanilang pagiging tama at perpekto sa lahat ng oras.

Pero ‘tol, tao pa rin naman sila e. Natural, hindi perpekto. Oo nga, andun na tayo. Kaya lang dahil nga tinitingala sila ng mga tao, ang anumang pagkakamali na magawa nila –  kahit sa pagbigkas lang ng salita – ay isang big deal, lalo na sa lengwahe ng mga Amerikano’t Briton. Parakang nagpartisipa sa isang laro na may alintuntunin na “one mistake and you’re dead.” As in bawal magkamali, nakamamatay.

Teka, may mga tao rin naman sa ibang lahi na sablay (at kung minsan, mas sablay pa sa ating mga Pinoy) pagdating sa pagsasalita ng pangalawang pinaka-ginagamit na wika sa buong mundo ha. Mula sa ilang spiel ni Jackie Chan sa pelikula, hanggang sa interview ng CNN sa isang namayapang lider saLibya. Pero, ang mga tanong: PINAGTATAWAN BA SILA NG MGA KABARO NILA at PINAGTATAWAN DIN BA SILA NG IBANG LAHI, PATI NA TAYO? Maaring OO, pero madalas, hindi. Kung bakit?

Sisihin ang walang kamatayang “Colonial Mentality” na nagreresulta sa pagkakaroon ng “hangover” sa ganitong klase ng kaisipan. Tama ang isang interstitial na napanood ko, na “mas gugustuhin pa nating maging matalas sa wika ng ating mananakop kesa sa ating sariling lengwahe, kaya naman tayo ay nagkakandaleche-leche.”

Pero kung sa Ingles ay ganyan ang senaryo, sa wikang Filipino ay dedma naman. Sabagay… mula sa paggamit ng tamang termino o salita, hanggang sa wastong pananda, at kahit sa pagkonstrukta ng mga ideya at salita sa isang pangungusap... DEDMA. Ano ‘kala niyo, ligtas tayo? Paluin kayo diyan ng nanay namin na si Mommyjoyce, ewan ko na lang.

Pero ‘pag nagkamali sa Tagalog, okey lang? Hmm… suwerte lang siguro tayo dahil nandito tayo as panahon na nagiging tolerant ang karamihan sa mga internet users na kapwa nating Pinoy. Parang mga usong troll sa Facebook na sadyang ginagawang katatawanan ang mga problema sa lipunan para lang matakasan ang mga ito. Oo, ang masaklap at masakit na realidad na kung tawagin ay “hubad na katotohanan.” 

At natural, tao rin tayo e. Nagkakamali rin. Yun nga lang, may mga pagkakataon na hindi mo pwedeng gawing exuse ang salitang "tao lang" sa mga panahon na sablay na sablay ka na.

Ika nga ni Manny Pacquiao, “It doesn’t matter of the grammar as long as they understand the message thanks.” So ang ibig sabihin pala nito ay simple lang, may mga pagkakataon na mas naiintindihan pa natin ang mga mensahe kahit ang pamamaraan ng paglahad nito ay mas mali-mali pa sa “waley.” At may mga tao na sadyang hindi perpeksyonista sa buhay na kayang i-tolerate ang isa o katiting na pagkakamaling nagawa. Maaring nakakatanga nga minsan ang panlabas na anyo ng sinulat mo, pero kung may puso at sense naman ito – balewala. Bagay na… well, okay lang siguro. Sa madaling salita, MAS IMPORTANTE ANG MENSAHE KESA SA GRAMMATIKA.

Ganun?

Pero siyempre, depende yan sa kung gaano ka-tolerate ang isang tao. E pa’no kung maka-engkwentro ka ng mga superficial, yung ultimo punctuation mark mo ay pinupuna?

Ewan ko, at ewan ko. Pero siguro sa kabilang dako, ayos lang iyun kung makakapagbigay siya ng tinatawag na “constructive criticism.” Ang tipo ng kritisismo na base lamang sa kung ano ang nakalahad. Walang lalabas sa isyu o personal na tirada. Kung pinuna niya ang istilo ng pagsusulat mo, hanggang doon lang. Bagay na minsan ay mas ayos pang tanggapin kesa sa mga papuri. Pero iyan ay kung may makakapagbigay ng tama.

Minsan sa parte ng mga manunulat, amateur man o professional, may iniida pa ring problema na mas malala pa sa tinatawag na writer’s block. Kapag nagkamali ka sa pagta-type ng mga salita sa blog mo, sa dalawang bagay mo lang puwedeng isisi iyan: sa sarili mong mga daliri (unless kung may sakit na Carpal Tunnel Syndrome), o sa Auto-correct option ng word processing program mo.

At parang ako rin mismo ay naguluhan sa sinulat ko. ARGH! *shooks in disbelief*

Author: slickmaster | Date: 10/23/2012 | Time: 05:13 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 16 October 2012

TV Review: Public Atorni

10/16/2012 | 11:04 AM

“Asunto o Areglo?”

Ang pinakatanyag na linya pagdating sa mga hearing o mediation na napapanood ko sa isang palabas na tumatalakay sa mga nangyayaring sigalot sa legal na pamamaraan: ang Public Atorni.

Madalas ko mapanood ito dati tuwing Huwebes ng gabi sa isang TV network. Ang pinakauna ay noong estudyante pa ako at nakatambay sa bahay ng kaklase ko bago ako umuwi. Pero dahil nakita ko na isa ito sa mga tila magagandang kalidad na palatuntunan sa panahon ngayon, ayos ito para sa akin. Bagamat lately ay ilang episodes na lamang yata ang nirereplay nila at maraming binago sa mga portion ng pagsasalaysay ng mga kinabibilangan na partido.


Tila pamilyar sa isang talakserye sa channel na ding iyun ang naturang palabas. May dalawang partido sa ngalan ng nagrereklamo at inirereklamo. May mga problema o gulo na tinatalakay. At laging may resolusyon sa bandang dulo o pagtatapos ng kada mediation. May panahon na nakakaimbyerna sa bigat ng drama, at meron ding nakakaloka lang. Ang pinagkaiba nga lang ay mas sibilisado ang mga partidong lumalahok dito. At sa totoo lang, walang taga-awat na bouncer o namamamgitan na iba pa kundi ang ikatlong partido lamang na kinabibilangan ng Public Attorney Office (PAO) Chief Atty. Persida R. Acosta.

Siya din ang nagsisilbing tagahatol ng mga kaso base sa mga salaysay na binibitawan ng mga partido na nagrereklamo at inirereklamo. Maliban dito, nagpapangaral siya kung ano ba dapat ang gawin ng bawat isa na maging responsableng mamamayan sa mata ng batas. Dahil ika nga niya, “pagdating sa batas, lahat patas.”

Maganda na may mga programang tulad ng Public Atorni na umeere sa telebisyon ngayon, dahil kahit papano ay maging maalam ang mga tao pagdating sa usapang may kinalaman sa batas. Na ang mga karapatan natin sa kapwa at anupaman ang gagawin natin ay kaakibat na responsibilidad o pananagutan lalo na kung ikinapahamak ng nagrereklamo. Ang simpleng away na posible pang mauwi sa mas malalang senaryo ay madaling naireresolba, kaso man o kasunduan ang nagiging kahinatnan.

Hindi man ito nagbibigay ng prangkahang pamamaraan ng aliw na usong-uso pa naman sa panahon ngayon, pero ito ay nagbibigay kaalaman sa sinuman. Madali lang itong naipapaliwanag ni Atty. Acosta sa tinatawag na layman’s term o mga salita na angkop sa karamihan, lalo na ang mga pangkaraniwan o ordinaryong tao lamang. Sa ganitong pamamaraan, naiiwasan ang pagiging ignorante ng tao pagdating sa legal na usapin, o sabihin na natin ay mga alintuntunin sa lipunan.

Sa ngayon, kahit ilang beses nang paulit-ulit ang mga nahuling episodes nito kung ipalabas sa TV (sabagay, ilang mga magkakatulad na kaso na rin kasi ang naitalakay sa programang ito e), ay ito pa rin para sa akin ang isa sa mga tipo ng palatuntunan sa telebisyon na sana ay lumalaganap sa panahon ngayon.

The verdict: 7.5 stars out of 10.

Hindi man ganun kaappealing para sa aking ang teknikal na parte ng programang Public Atorni, mas tumitingin naman ako sa mga nilalaman nito, yung mga bagay na may makukuha akong aral, bagay na napatunayan ng nsasabing TV program para sa akin.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Monday, 15 October 2012

Girls Versus Boys? Tigilan na natin ito.


Punyemas. Maraming bagay pa ang dapat na pagtalunan. Usapin sa mga nangyayari sa bansa, desisyon sa pamilya, pagresolba sa mga sigalot sa komunidad, utang ng kamag-anak… pero pagdating sa mga suliranin sa relasyon? Kung sino ang manloloko, kung lalake ba o babae? Kung sino ang maarte, madalas nagbibigay-daan? Nagpaparaya? Mang-aagaw? Aba, utang na loob naman. Magsiawat nga kayo, ano po?!

Since time in memorial pa yata ang isyung ito. Hindi na mamatay-matay, lalo na ang dami nang nagiging mapusok sa salitang “pag-ibig,” e hindi rin naman ganap na naiintindihan ang mga bagay-bagay sa isang relasyon. Dapat yata malaman ng mga putok sa buhong ito na sa malamang, maraming pagkakaiba ang lalake at babae, hitsura man o pag-uugali. May mga kanya-kanyang kakayahan sila Adan at Eba. Bagay na hindi kayang gawin ng mga babae ang ginagawa ng mga lalake at may mga bagay na kayang gawin ng lalake ang mga ginagawa ng babae.


Sabihin na natin na mas matindi si Ate kasi nanganganak siya, nagkakaroon ng period pa. Pero sa kabilang banda, hindi naman magkakaanak ang babae kung hindi dahil sa lalake. Buti sanakung may mga paraan pa dyan maliban sa pakikipagtalik o (sya, sabihin na natin ng straight) sexual intercourse. Pero hindi usapin ito ng panganganak.

Boys vs. Girls sa isang relasyon. Girls versus Boys, whichever suits your taste. Bakit nga ba pinagtatalunan ito? Dahil natural sa atin ang maging gutom sa mga kasagutan sa mga lahat ng problema natin sa buhay? Ewan, pero puwede na rin.

Dahil likas na may fault finder sa atin, mga naghahanap ng butas. Tkea, kung butas lang din naman ang usapan at hinahanap e ‘di sana sa mga manhole na lang ‘tong mga ‘to. Pambihira naman oh. Ay, mali. Dahil uso rin naman ang pangtitrip ng tao sa Facebook, ‘wag ka nang lumayo.

Pero siguro, ang mga sigalot tulad niyan ang isa sa mga patunay na hindi tayo perpektong tao sa mundong ito, kahit magpaka-perfectionista ka pa sa pag-uugali mo. Natural na magkakamali tayo sa ayaw man o sa gusto natin (bagamat maiiwasan din naman ang nauna kung kakayanin). In short, “human nature” na rin.

At sa isang relasyon, ke romantiko man o friendship lang, e hindi ba dapat ay ginagalang ng bawat isa ang pagkakaiba nila? Inuunawaan din ba. Ngayon kung hindi mo magawa ang lahat ng iyan sa kanya, e ewan ko lang kung may karapatan ka talagang manumbat.

Kung parte ng buhay niya ang mag-inarte, tanggapin mo. At kung sumosobra na, hindi mo kailangan iyan isumbat sa kanya, lalo na kung nagkahiwalay kayo. Kaya nga uso ang salitang ”usapan” hindi po ba?

Kung usapang manloloko na naman ito, aba, ganito lang kasi yan e. Hindi yan magloloko kung wala kang ginawang masama sa mata niya. Maliban na lang kamo kung… well, likas na sa kaniya ang gawain na iyun.

Baka naman nagger ka kasi, at yung taong masuwerte na nahumaling sa iyo ay hindi pala trip ang mga “nagger.” Good luck talaga sa iyo.

At oo nga pala, kung panunumbat lang naman ang usapan kung si lalake ba o si babae ang may problema sa isang relasyon, ito ang pinakabatas diyan: huwag gumamit ng mga “generealization statement.” May kanya-kanyang baho ang bawat tao, maliban na lang kung sadyang malinis siya sa loob man o sa panlabas. Pero yun ang kailangan mong tanggapin, unawain at pag-usapan ng masinsinan.

Isama mo na rin diyan ang katotohanan na “no one wins in an argument.” Sa madaling salita, walang sinuman ang nananalo sa isang pagtatalo. Kaya nga “pagtatalo,” ‘di ba? Talo nga e.

Tama na nga yang gender-and-relationship issues na iyan! Pambihira naman oh.

author: slickmaster | date: 10/13/2012 | time: 09:36 p.m.

© 2012 september twenty-eight productions

Plastic ban?!

Noong mga nagdaang buwan, inimplementa na ng ilang mga lokal na pamhalaan sa Metro Manila (pati na rin yata sa ibang mga lalawigan sa Pilipinas) ang pagbawal sa paggamit ng isang materyal na nakakasama sa ating kapaligiran. Ang plastik.

May kanya-kanyang gimik na rin ang bawat negosyante, lalo na sa mga supermarket. Hinihikayat nila na gumamit ang mga mamimili ng mga reusable na bag. At naniningil sila ng karagdagang halaga sa kada supot o plastic bag na magagamit. Aniya, gagamitin ang anumang makokolekta sa mga proyekto na may kinalaman sa pagtulong sa naghihingalong Inang Kalikasan.


Hmm… siguro, tama na rin na maisabatas ang pag-ban sa plastic dahil sa dumarami na rin ang tao sa Kamaynilaan, which means na marami rin ang mga nagtatapon ng basura kung saan-saan. At karamihan sa mga tinatapon na ito, plastik. Masaklap na hubo’t hubad na katotohanan nga lang, ano. At least, sananaman matuto ang mga tao. Maliban diyan, marami rin kasing hazard sa paggamit ng plastik sa ating kapaligiran e. nakakapahanak ba little by little. Isama mo na diyan na matagal-tagal-tagal na panahon ang aantayin mo bago matunal ito a la natural death.

Pero sa kabilang banda… err, sa totoo lang… tingin ko hindi dapat sisihin ang plastik dito e. Ano bang kinalaman nila, e ginagamit lang naman sila ng tao? May mga bagay kasi na mas mainam na ginagamitan ng mga supot o plastic bag tulad ng mga basang produkto, yelo, karne, pagkain na hinango sa wet section ng palengke o grocery, at iba pa.

Katulad nga ng sinabi ko kanina, marami rin kasi ang walang disiplina sa basura. Nasa paggamit din kasi yan e. Parang ugali lang ng iilan na maihahalintulad na sa… well, plastik.

Well, leksyon na lang sanasa atin ang mga ganyang bagay, na pangalagahan natin an gating kapaligiran. Maging maalam sa mga nangyayari at kung gaano katinding pinsala ang kaya nitong dalhin na makakapahamak sa atin.

Teka, plastik pa rin ba ang usapan ‘di ba? E di lubayan na sana ako ng iilan sa mga… alam niyo na, mga “plastic.”

Author: slickmaster | Date: 10/13/2012 | Time: 08:58 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions