Showing posts with label relationships. Show all posts
Showing posts with label relationships. Show all posts

Monday, 28 January 2013

Mind Your Own Lovelife!



10:02 a.m. | 01/29/2013

Isa sa mga nakakabuwisit na pangyayari sa araw-araw ay ang pangingialam ng lovelife ng ibang tao sa lovelife mo. Well...

Walang sanang masama sa pakikialam sa buhay ng ibang tao. Pero maliban na lang kung ang usapan ay tungkol sa lovelife nito, at kung pribadong tao siya at isa yan sa mga paksang isinasapribado niya. Napapansin ko lang, dumarami na naman ang barabrong nilalang pagdating sa lovelife ha?


Palagiang tanong ng mga ‘to ay “Kumusta lovelife natin?” O kung alam na inlove na inlove ka, magtatanong pa rin ng mga “pa-obvious” (Gusto mo birahin kita ng snappy answer dyan?).

Ito pa ang hirap dyan e. Kapag nagbitaw ka ng sagot, hahalukayin pa ang topic na yan. At mas mangungulit pa sa iyo kapag sinabi mo na “Ayaw kong pag-usapan iyan. Period.”  Minsan pa nga e nahuhusgahan ng isa ang sekswalidad ng ibang tao depende sa lovelife nito. Kung ang isang tao ay pinili na hindi magkaroon ng karelasyon, iisipin ng mga kumag na bakla siya. Punyetang lohika yan!

Hindi sa pambabasag ng trip o pagiging bitter ha (Pero supot lang ang utak ng mag-iisip nung sinabi ko sa pangalawa)? Pero bakit nga ba ang daming makukulit na nilalang ang mahihilig pumutakte ng lovelife ng ibang tao?

Una, kung sino pa ang nakikialam ng lovelife ng ibang tao e sila mismo ang wala nito. Oo, sila nga ang mga walang lovelife. Mga inggitero at inggiterang palaka. Either curious sila o gusto lang nila mamutakte. Ah, so ang sa lagay ba e inaalam nila ang feeling na magkakaroon ng lovelife mula sa karanasan ng ibang tao? Maaring oo, at maari ring hindi.

Pwede rin ang pinakadahilan ay dahil gusto lang sila makaramdam ng kilig. Aba, kapal ng mga ‘to ha! Kayo ang kasintahan, mga ate’t kuya? Pwede naming umihi na lang sila diyan sa CR e.

Pangalawa, “concern” lang sila. Okay, given. Pero ang pagiging concern ay tulad din ng ibang bagay – dapat nilulugar. Hindi pwede sa lahat ng oras ay lagi dapat pupunahin ang mga kaganapan sa lovelife. Anong excuse? Dapat raw maging “open” ang tao pagdating sa usapang iyun?

Weh! Open mo yang mukha mo. Ang pagiging “open” ay may kaakibat na pagrespeto sa pananaw ng iba na isapribado ang mga bagay na tulad nito. Kung hindi mo ma-take yun, get off from him/her.

Pangatlo, wala lang silang mapag-usapan. Ang boring ng mga bagay na tulad ng asignatura sa klase, o mga nagbabagang balita para sa kanila, (at parte na rin ng pagiging demokratikong lipunan natin ang mga taong pinili na maghing parte ng mga salot na kung tawagin ay “walang pakialam.”) Mas interesado pa silang makialam sa lovelife ng iba kesa sa kung ano ang gagawin nilang diskarte para magkaroon ng pagkain sa hapag-kainan. Tsismis, ika nga. Para may makwento lang ang mga mokong at loka sa iba. Sarap lang sabihan ng mga katagang “Pwes! Hindi ako sikat na tao para putaktehin ang lovelife niyo.” Baka showbiz pa yang sagot na iyan ha? Pektusan kita diyan e.

At oo nga pala, kung lovelife ang usapan e parte rin ako ng mga salot sa lipunan sa mata ng mga apaw-apaw-na-emosyonal at sobrang-romantiko. Oo, mga “walang pakialam” nga ang tinutukoy ko.
Pang-apat. Hindi sila marunong maghintay. Hindi lang sa paghihintay na dumarating ang lovelife sa kanila, kundi ang maghintay rin na ang pagkakataon na mag-open ang tao mismo sa usapan na iyun. Gusto nila, sila mismo ang mauuna na makikialam nang makikiaalam (kahit sa totoo lang e hindi naman talaga dapat ito pinapakialaman). Ke may nabasa lang sila na patamang status sa Facebook o sobrang nakakapagdamdaming mga kataga na tweet... hala sige, open forum na yan!

Ang pakikialam sa lovelife ay may tamang lugar at panahon. Hindi porket ayaw niyang i-open yun e sarado na ang utak niya. May mga taong likas na hindi binubuklat ang mga iyun sa publiko, lalo naman kung hindi naman kailangan talaga. At huli, dapat iginagalang din. Kung hindi niya trip na pag-usapan ang lovelife niya, irespeto niyo yun.

Kaya utang-sa-boundary naman, pwede ba... MIND YOUR OWN LOVELIFE!

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Sunday, 13 January 2013

Sa akin ang almusal, sa iyo ang hapunan. (Just My Opinion: The "Kabit" Film Story)

07:49 AM | 01/06/2013
Kabit dito, kabit doon. Dinaig pa ang mga jumper o magnanakaw ng kuryente, telepono at internet connection kung maki-"kabit" sa ibang tao. Lagi na lang na may ganitong klaseng tema sa mga ilang mga naglalabasang pelikula at telenobela na pang-telebisyon sa ngayon.

Si lalake na CEO at married na, ka-affair ang kanyang secretary. O hindi naman kaya ay, si babae naman na may asawa (at housewife lang ata) e na-fall sa ka-flirtan niyang lalake sa bar. Hanggang sa nagkaroon ng hidwaan ang isa't isa. Iskandalo, matatalim na salita't mga linya, at ang siste pa kamo, minsan dumarating pa sa patayan ang eksena. At sa bandang huli, yung dalawang orihinal pa rin ang magkakatuluyan. At halos ganito na lang palagi ang istorya.

Pero nakakaburyong na sa mata, inaykupo. Sa sobrang tindi kasi ng mga ganitong pelikula e hindi na rin kataka-taka kung bakit nauuso ang mga tulad ng "third party," "affair," "love triangle," "nangaliwa," at iba pa na tumutukoy sa relasyon ng tatlong taong nagmamahalan. Oo, tatlo nga.

Sinasabing ang pag-ibig na ganito ay pang-dalawahan lamang. Pero bakit nga ba laging may sumasabit na extra? Ano 'to, sadyang may ganito sa mundo para maranasan ng tao kung paano masiraan ng relasyon? 

Hindi naman siguro, ano? 'Wag tayo mag-generalize sa panghuhusga. Bagamat karamihan sa mga "ikatlong partido" ay sadyang naninira lang ng buhay ng may buhay, mayroon din namang nagsisilbing tagapamagitan at tagapag-ayos sa dalawang nagmamahalan. Depende nga lang kung ano ang kanyang sadya sa buhay, kung magpapakasarili ba o magpaparaya. Take for example, ang isa sa mga kaibigan ko na kahit naging "kabit" siya e hindi niya hinayaan na masira ang pamilya ng minsa'y kinasama niya. Alam niya ang tama at sa huli, ang nararapat pa rin ang kanyang ginawa. (Saludo ako sa mga taong ganun).

Yun nga lang, dahil talamak talaga ang nanggagago sa kapwa nila sa ganitong pamamaraan, talagang hindi maiiwasan ng mga iba (wag na natin isamsa ang mga sawsawero't mga mangmang) na maging masama ang pananaw nila ukol dito.

Kaya maliban pa sa mga bagay na tulad ng jejemon, maagang nagkaka-pamilya (yung wala pa sa wastong edad ang tinutukoy ko ha?), mga kenkoy sa mainstream culture, at kung ano-ano pa... ang mga palabas sa telebisyon at pelikula na naglalarawan ng "relasyong threesome" ay ang pinakabaduy na bagay na nauso na sa ngayon. Hindi na 'ko magtataka. Maraming tao nag-aaway, maraming relasyong nasisira. May pang-aagawan, ahasan, awayan, gantihan, panibagong resbakan, at kung anu-ano pa. Basta, sa ngalan ng pag-ibig sa kanilang kasintahan o kinakabitan.

Kaya maliban pa sa mga overly-attached na partner (na obviously e "obsessed" na), ito pa ang isang bagay na nakakalungkot (pero... ganun talaga e, nauuso siya) ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sumasama ang impresyon at depinisyon ng salitang "pagmamahal" e.

At sino ang dapat sisihin dito? Aba, e sino pa ba ang gumagawa ng mga ganitong bagay sa parehong realidad at sa pinilakang tabing? Ikaw na lamang ang tanging makakasagot diyan.

Hindi porket may matinding emosyon na ang isang linya na naglalarawan ng agawan at pighati sa pag-ibig e ayos na o maganda na. For the sake of commercial value, mabenta nga. Pero morality wise speaking... e ano? May sense ba talaga? Kailan pa ba naging okay sa lipunang ito ang maglokohan sa pag-ibig? Ang mang-agaw ng kasintahan ng may kasintahan? Ang maki-apid, o sa nasabing kahdahilanan ay makipagpatayan pa? Anak ng puta naman.

Ngapala, hindi rin siya maikaklasipika sa tinatawag na "high-class entertainment" para sa akin.

Kaya, anak ng puta naman ulit, tigil-tigilan na nga natin ang kabit na yan. Matuto naman tayo magmahal ng tapat at 'wag manood ng mga kabullshitan na ganyan.

author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

Tuesday, 8 January 2013

Unsolicited advice 101: "Sumbat."


12:47 PM | 01/09/2012

Hindi ako isang love expert, bagamat alam ko na natural na sa isang relasyon ang nagkakaroon ng away. Pero moderation lang ha? Ang sobra pa naman na ay nakakasama. Lalo na kung ang salita na lagi mong binibitawan pag hindi niyo kaharap ang isa’t isa ay ang tinatwag na “panunumbat.” Wala itong pinagkaiba sa tinatawag na “backstab” na kadalasan ay ginagawa ng isang tao sa taong kinaiinisan lang niya, mortal na kaaway o kahit sa kaibigan lang pag nabadtrip siya.

Pero isa sa mga karaniwang kamalian ng tao pagdating sa away ay ang pagbibitaw ng mga bagay na as if na sila lang ang may nagawang matino sa pagsasama nila. Wag naman ganun, mga ‘tol. Ano kayo, Diyos? O superior? Dapat ba e ikaw lagi ang nagingibabaw sa relasyon niyong dalawa? E nagsama pa kayo kung ganun lang. Alalahanin niyo na “give and take” palagi ang isang relationship. At ang mga under de saya na yan? Mukha nyo! Pauso lang yan.

Madalas ko na itong napapansin sa mga babae kapag nag-oopen sila ng mga problema sa pag-ibig. Bagamat may mga lalake rin naman na nakararanas ng ganito. Ke siya lang daw ang gumagawa ng way para gawin ang ganito, ayusin ang ganiyan… anak ng pating naman oh. *sabay hampas ng kamay sa lamesa*

Kaya here’s a piece of unsolicited advice para sa mga taong mahihilig magdrama sa harap ng mga kaibigan nila dahil sa nag-away lang sila ng kanilang mga girlfriend o boyfriend . Bago kayo magbitaw ng mga tinatawag na "sumbat" sa partner niyo, gawin muna ang mga ito sa inyong mga sarili:


Una, isipin mo muna kung may nagawa ka ba na ikinasakit ng kalooban niya. Meron ba, aber? Nabadtrip ba siya sa iyo matapos mo siyang pakainin ng sinigang na baka na naglasa naman na may kahalintulad sa bulalo? O ‘di naman kaya ay ginastos mo ang pera niya na nakalaan sana para sa pag-aaral ngt kanyang kapatid?

Pangalawa, isipin mo muna kung may nagawa ba ang partner mo sa iyo na ikinasaya o ikinabuti mo.In short, ‘wag kang “nega” (o kung hindi mo yan maintindihan – negative thinker) na lagi mo lang pupunahin ang kanyang mga kamalian sa buhay. Ulit, may nagawa ka ba na ganyan? Natuwa ka ba noong  binigyan ka niya ng push-up bra para sa dibdib mo sing patag na ng mga pananim sa Bulacan? Kung sumaya ka ba dahil magkasama kayo buong araw habang nagwi-window shopping sa Mall Of Asia?

Kung isa sa dalawang naunang tanong ay may sinagot ka ng OO, ibig sabihin ay “ang TANGA mo!”Ngayon wala kang karapatan na manumbat sa partner mo, dahil ipinapakita mo lang sa mundo ang pagiging hipokrito mo. Tanong ika nga ng Black Eyed Peas sa kanta nilang Where Is The Love sa iyo, “Will you practice what you preach?”

At pangatlo... MAG-ISIP MUNA BAGO BUMITAW NG SALITA. Maaring nagdesisyon ka na maging kayo base lamang sa emosyon na nararamdaman mo, pero hindi yan excuse para magbitaw ng masasamang bagay sa kanya para lang mairaos ang emosyon mo. Alalahanin mo na sa 9 sa 10 beses na nagbibitaw ka ng desisyon mula sa iyong bugso ng damdamin e wala itong magandang naidulot sa iyo.

Sa madaling sabi.... MAG-ISIP MUNA BAGO GUMAWA NG HAKBANG O GUMAWA NG INGAY.

Yun  lang. Corny ba? Hindi. Mas corny ang mga tulad niyo na laging manunumbat sa partner niyo pagkana-bad trip na ng sobra-sobra. Leche! Mag-mature nga kayo! At P.S. Kung hihirit mo ay dahil emosyonal kayo... weh? Emotional your face. Hindi pa rin excuse yan. Tsk.

Author: slick master | © 2013 september twenty-eight productions

Friday, 23 November 2012

Friendzone

11/24/2012 12:44 AM 

Friendzone. 


Isa sa mga nausong salita ngayong taon. Una itong lumabas sa palabas ng MTV, pero mas pumatok ito sa mga Pinoy noong ipinakilala ito sa lengwaheng local ni Ramon Bautista.

www.mtv.com
Teka, bakit nga ba naging minsan ay trending ito? At ano ba ang ibig sabihin nito?

Ayon sa definition ng best friend ng sinumang salat ang kaalaman na itatago ko sa pangalang “Wikipedia,”
In popular culture, the "friend zone" refers to a platonic relationship where one person wishes to enter into a romantic relationship, while the other does not. It is generally considered to be an undesirable situation by the lovelorn person. Once the friend zone is established, it is said to be difficult to move beyond that point in a relationship.**

Sa depinisyon naman ng librong Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? ni Ramon Bautista, “FRIENDZONE is the new BASTED.” Ibig sabihin? Ito ang baging termino kapag ikaw ay tnirundown ng iyong nililigawan, lalo na kapag sinabihan ka na “hanggang friends lang tayo e.”

In short, kapag sinabihan kang na-FRIENDZONE ka, eh ni-reject ka! Basted, ika nga.

So, trigger factor ba ito para maging EMO ang isang tao?

Depende, kung kaya mong i-take ang ganitong sitwasyon. Pero dapat lang din na tanggapin mo kung ganun. Lahat naman tayo ay nakakaranas ng rejection sa buhay e. Oo, kahit sa pag-ibig pa ang kaso.

May mga senyales naman kung paano mo malalaman na na-Friendzone ka e. Parang nabasted lang. ito, dalawang bagay lang:

  • Una, pumunta kas a formspring ni Ramon Bautista at magbackread ka sa mga Q&A na may kinalaman sa salitang “friendzone.”
  • Pangalawa, manood ka ng Tales From The Friendzone sa channel ni RA Rivera sa YouTube.
  • At kung gusto mo pa ng extra tip… aba, demanding ka? Haha! ‘de, ito lang – bumili ka ng libro ni Prof RB na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? at syempre, basahin mo iyan.

Diyan mo malalaman ang mga solusyon sa nga hinaing ng mga tao na ukol sa… well, FRIENDZONE.

Kung hindi mo pa ma-gets yan, ewan ko na lang. Para kang yung babae na frinendzone ako ng hindi niya nalalaman. Parang… ito:
Siya: Slick, ano yung FRIENDZONE?Ako: Yung ni-reject mo yung taong nililigawan mo at sinabing “hanggang magkaibigan lang tayo e.”Siya: Huh? Di ko magets, slick.Ako: Bagong termino yan sa tinatawag na BASTED.Siya: Huh?! Di ko pa rin magets. Nangyari ba ‘to sa iyo?Ako: OO! GINAWA MO NGA YAN SA AKIN E!!! :-( (with matching feelings, of course.)
O, ano? Alam mo na? All together now. (Sabay nagplay ang kantang “Kaibigan Lang Pala” ni Jaramie) “Kaibigan lang pala, kaibigan lang pala. Napawi ang aking pangangamba, aking nadarama, ngayon’y pag-asa na, pagka’t siya ay kaibigan lang pala… HIGHER TONE, PLEASE! HAHAHA!

**sources: http://en.wikipedia.org/wiki/Friend_zone; Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?; authored by Ramon Bautista, published 2012 at PSICOM.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Wednesday, 17 October 2012

Walang Masama Sa Pagiging SINGLE

10/18/2012 | 12:28 a.m.

Oo nga naman. Walang masama dun. And same goes sa iba pang mga relationship status basta wala kang ginugulong ibang tao. Single man, taken, it’s complicated, o kung anupaman iyan.

At teka nga: 

Sino bang herodes na nagpauso ng isang maruming kaisipan na laging hilig tirahin ang mga taong pinili ang maging single?


Ang inyong lingkod ay ilang beses na naging biktima ng ganitong klase ng istupidong panghuhusga. Maraming mga tanong, marami rin ang mga pahabol na pasakalye kapag nalaman na single ka. Lalo na sa panahon ngayon na marami na ang nagiging batang ama, nag-aasawa, nagasasawa nagiging babaero, at kaunti naman ang nakakapagtapos ng pag-aaral at nakakakuha ng trabaho na nais nila. Que...
  • Bakit single ka pa rin? Magpapari ka ba? Actually, minsan ko na naisip yan. Pero dahil nagging pasaway na bata na rin ako, sa malamang, ilang sungay pa ang masusunog sa akin bago ko ituloy yan kung sakali. Pero katulad ng mga naglabasang kontrobersiya dati e may mga pari rin na may-asawa.
  • Bakit wala ka pang girlfriend? Sayang iyang kagwapuhan mo. At sa 5 taong nagsabi sa akin niyan, 4 dun, babae, at 3 dun, kaedad ko pa. On a flattering note... (sabay facepalm) oo nga naman, ano. Saying naman kung walang susunod sa lahi ko. Pero mawalang galang po –hindi naman po ako pogi ha. Anong saysay ng kasabihan na iyan? Minsan mas maniniwala pa ako sa kasabihan ni Choppy ng Porkchop Duo, na “pangit man at dukha sa paningin, naklabubuntis din.” At kung may pogi man para sa pananaw ko, iyun yung idol kong si Ramon Bautista, (ayon na rink ay Lil Coli, RA Rivera at sa brand na Nivea).
  • Wala ka pang napupusuan ha. Baka naman bakla ka? PUTANGINANG TARANTADONG ‘to. Kalian pa naging sukatan ng sekswalidad ng isang btao ang pagkakaroon ng partner sa buhay, aber?

Maliban pa dyan, may mga senaryo pa na tulad nito...
  • Single ka? Ang boring naman ng buhay mo. Mas malala pa kung malaman nila na sa haba-haba ng panahon na nabuhay ka mapahanggang ngayon, hindi ka lang single, virgin ka pa. Ang sa lagay ba e peer pressure?
  • Kapag wala ka ngang gurlaloo, e di masasabihan ka pa ng isa dyan ng 'tol, ang dami mong tsiks, wala ka man lang dun nadagit?Yun nga e. Sa dami nga nila hirap akong pumili. Ha! Ha! Ha!
  • Siyempre, ‘pag wa-partner,try mo naman magka-girlfriend, bro. Eh pa'no kung ayaw ko? Trip ko lang mambabae? O ‘di naman kaya ay wala talaga akong maramdaman. Maipipilit mo ba iyun sa akin?
  • At kapag nagka-girlfriend ka naman, sasabihin nila aymag-asawa ka na. Pucha, naintindihan ba ng mga putok sa buhong 'to ang mga pinagsasabi nila? Akala ba ng mga mokong at lokang ito na madali ang buhay mag-asawa?
  • At kapag kinasal ka naman, lalo na kung bago-bago pa lang, may bibira naman ng Bigyan mo naman ang magulang nyo ng apo.Putragis yan. Ano kala niyo sa amin, henerasyon ng baby-maker lang? Hoy, ang pagpapamilya ay panghome-makler na task. Hindi sa offspring lang, ha? Kayo na lang ang bumuo kung gusto niyo. Pft! And take not – lahat ng mga bagay sa pagpapamilya – mula sa family planning at sa proper sex positioning – ay may tamang lugar at panahon para gawin.
At iyan ang hirap kapag binubugbog ka ng mga ideya ng peer pressure, romansa at machismo. Hindi ito usapin kung single by choice o dahil no choice. Basta, walang masama sa pagiging single. May karelasyon nga, hindi naman masaya. May partner ka nga, under de saya ka naman. May katuwang ka nga sa buhay, kabit naman. At it’s complicated na nga ang buhay mo, wala ka mang ginagawa para ayusin yan. Hoy, gising!

Walang masama sa pagiging SINGLE. Kung may masama man sa mundong ito, yun yung mga maruruming utak na siraulo na mapanghusgang tanga. (best with sound effect of gunshot a la Isumbong Mo Kay Tulfo)

(This blog entry was also published at the community blog site Definitely Filipino dated 10/18/2012. URL : http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/18/walang-masama-sa-pagiging-single/)

Author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 16 September 2012

Load

09/15/2012 | 7:07 PM

Ako po si Jun, 21 anyos, single since birth bagama't hindi naman ako maituturing na isang ganap na desperadong romantiko. 

May nakilala ako sa internet. Siya si Glenda, 19 anyos, kakagraduate lang mula sa isang pamantasan sa kursong nursing. Pero hindi sa istorya ng pag-iibigan iikot at kuwentong ito. Saan ba? E di magbasa ka ng malaman mo.


Noong panahon kasi na pinopormahan ko ang ale, e sa Facebook at telepono lamang ang pamamaraan na possible dahil sa estado ng pamumuhay ko noon. Mag-isa lang ako namumuhay sa probinsya noon at siya naman ay nasa banding norte ng Kamynilaan.

Isang nakakapagtatakang insidente lang ang naganap sa akin noong nagdaang Sabado de Gloria. May nagpaload sa numero ko na angg halaga ay isang daang piso. Pero imbes na magtaka talaga ay nagpasalamat na lang ako sa kung sinuman iyun.

Lunes ng pagkabuhay, ito na naman. 50 pesos. Parang, aba, teka muna. Seryoso ba to? Nagtanong na ako sa mga katropa at kamag-anak ko, at ang sagot nila… HINDI POAKO/KAMI IYUN.     Aba, itong mga to? Hindi sila. Ayaw kong manghinala na may nagsisinungaling. Pero pinalampas ko na lang din.

Pangatlong pagkakataon, napag-isip-isipan ko na kumprontahin na ang sitwasyong ito. Hindi na yata biro ang paloadan ka ng 100 piso ulit na hindi mo nalalaman kung kanino nanggaling yun. Malay mo baka modus pala ng sinumang gago yan.

Tinext ko ang retailer tutal andun naman ang numero niya sa mga text messages na iyun.
At nagtanong…

“Hello. Maraming salamat p sa load. Pero maari po ba magtanong kung sino po nagpaload sa numero ko po na ito?”

Sagot niya, “Walang anuman. Pero may babae na pumunta dito. Parang bata ang itsura,. Salamat sa concern.”

Reply ko, “Ah. Taga-saan po ba?”

“Bakit ang dami mong tinatanong?”

“Naninigurado lang po ako. Sige, salamat po.”

Hindi ko na nagawang ibalik ang load niya dahil sa malamang, binayaran din naman ng sinuman iyun para sa akin. At bagamat ganun, nagpasalamat pa rin ako. Dahil kung hindi sa load na iyun, baka hindi kami nagkapalagayan ng loob ni Glenda. Nagkamabutihan, nagtangka na makipagkita pero nagkaroon gn mga aberya, hanggang sa nagkaroon nga isang matinding hidwaan, nagkawalaan na.

Hanggang sa tuluyan na hindi nakausap kahit na gamitin pa ang load sa mobile internet. Hindi na rin siya sumagot sa tawag ko nun na dati ay literal na telebabad mula alas-otso ng gabi hanggang alas-kwatro ng umaga.

Ilang buwan na ang lumipas… napadayo ako sa lugar ng aking mga kamag-anak ko na by coincidence ay malapit pala sila sa lugar na kinatitirikan nila Glenda. Akalain mo oh. Napapunta ako as isang tindahan para magpaload sa pagkakataong ito.

“Ate, paload po.”

“Magkano?”

“50 piso po.”

“Pakitype lang po ang numero mo, iho.”

Sabay tinype ko: 09273690069

Makalipas ang ilang minuto, noong nareceive ko na yung load. Nagsalita ang tindera sa akin. “Iho, ikaw pala yung taong pinapaloadan ni Glenda?”

“Ano po?” sabay tingin ko sa inbox ko at pinagmatch ko ang mga mensahe na ang petsa pa ng mga pangyayaring iyun ay Abril 7, 2012.

Sabay nagtanong ulit. “Ate, kayo po ba yung may-ari ng numerong ito?” at ipinakita ko sa kanya ang nakalagay na 09050103070 dun.

“Ay, ito nga po iyun.” Ang nasagot niya.

Sabay bigla akong kinilabutan sa mga nangyari. At sinabi pa ng tindera, “Iho, yan si Glenda.” Pinatingin niya ko sa isang dalagang palabas pa lang ng gate ng bahay nila na katapat lang pala ng tindahan na kinatatayuan ko.

Unang paglingon niya sa tindahan ay nakatitig siya sa isang tao… sa akin.

“Glenda?” ang tanging nasambit ko.

“Jun?” naman ang nabitawan mula sa bibig niya.

Nagkatinginan kami, mata sa mata. Hindi maipinta ang mukha kung paano magrereact. Parakaming mga statwa sa loob ng ilang segundo, mga rebulto na ang distansya mula sa isa’t isa ay tawiran ng isang kalye lamang.

Nagkatinginan pa rin kami, mata sa mata…. At diyan po nagtatapos ang kwentong ito.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions.

Tuesday, 11 September 2012

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig...

Sa totoo lang, kumplikado nga ba, o ‘yung mga tao lang ang nagpapagulo nito? Extreme emotions kasi ang kayang idulot ng pag-ibig sa iloang mga tao e, depende na iyan kung kasiyahan ba o kabiguan.

Pero sa kabilang banda, iba din ang takbo ng isip ng bawat tao. Kaya kahit magpaka-mind-reader ka pa, walang katiyakan. Lahat ay nagbabago sa kada tika ng oras.

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, walang dahilan may kayang magpaliwanang kung bakit minamahal mo siya. Mas nararamdaman ito kasi kaysa sa iniisip. Pwedeng may maisagot naman, pero hindi ito tiyak o konkreto. Hindi nito matutugunan ng ganap ang pag-crave ng tao sa paghahanap ng kasagutan. Ganda ng itsura? Kabaitan? Kaya kang buhayin? Aba, ano pa ba?

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, hindi kayang tumbasan ng mga material na bagay ang nararamdaman mo sa kanya. May rosas ka nga, tsokolate, at DVD ng paborito niyang pelikula. Pero ang tanong, mapi-please ba siya sa mga ganyang bagay? Mapapamahal mo ba siya? Yung iba nga dyan, nahuhulog na matapos lang mag “good morning” sa kanya, ke sa text man yan, sa chat, sa tawag ng telepono, o sa personal man sabihin. Yung iba nga dyan, kahit bati lang, sinagot na kagad e. pero hindi yan PBB teens, ha? Para sa kanila, iba na ang dating nun.

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, lagging naiiba ang takbo ng oras niyong dalawa. Minsan, ok kayo… at minsan naman, hindi. One moment ang sweet niyong dalawa, and the next time around, may sigalot. Natural na iyun. Parte na ng buhay iyan. Wala naming permanenteng bagay sa mundong ito e.

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, ang maliliit na bagay, nagiging malaki. Akala mo hindi ka mapapaselos sa tropa niya na sobrang close sa kanya o kahit ultimo sa isang mukhang paa na lumalandi sa kanya. Nag-“hi” nga lang siya, napapag-awayan na ng iba dyan e. Ang mga mababaw na bagay, napapag-initan. Ang mga simpleng unawaan na lang sana ay nagiging kumplikado tuloy.

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, ang pinapangarap mo na FOREVER, nawala na parang isang bula nang dahil sa isang iglap… as in naglaho… as in NEVER-MORE. (sounds “quote the raven” ba?) Kasi ito lang naman iyan e. Ang samahan na produkto ng romantikong pag-ibig (o relasyon) ay may dalawang bagay na kinahihinatnan: (1) Walang hanggan, as in “‘til death do us part” (p.s. no disrespect sa pamagat ng palabas na iyun) o (2) Walang katiyakan kung gaano magtatagal. May pagkakaiba ba? Meron kasi as long as matibay pa ang nararamdaman at pakikisama niyo sa isa’t isa, talaganag kakayanin niyo ang maging magkatuwang.

Pero bakit ang mga mag-asawa, kahit wala na ang romatikong ginagawa, e sila pa rin? E nagsumpaan sila e. kaya nga may kasal, ‘di ba? Pero ang romance kasi nawawala e. Ang natitira, friendship. Pero nagiging malalim iyan, at nauunawaaan na nila. Siyempre, kilala na nila ang isa’t isa e. At ang pinakapundasyon ng pagmamahalan ay ang kanilang pagiging mag-kaibigan.

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, kahit sinasampal na nga sa iyo ng mga tropa mo ang mga sagot sa mga pinoproblema mo sa kanya, hindi pa rin malinaw ang lahat. Oo, Malabo pa rin hangga’t hindi siya mismo ang nagsasabi niyan sa harap mo mismo. Maari nga na present na ang mga senyales na hindi na siya interesado sa iyo. Maari nga na nakailang payo na sa iyo ang iyong mga kaibigan at ang mga sinasabi nila ay “tigilan mo na siya.” Pero hangga’t hindi siya mismo ang nagasalita, hindi ka matatauhan. Hanggang hindi mo naririnig ang mga katagang “tama na,” magho-hold on ka pa rin sa kanya. Nakakatanga ba? Hmmm… wala akong karapatan na isumbat iyan sa iyo dahil magkaiba tayo ng kamalayan. At kahit ilang beses ka pang humingi ng payo kila Papa Jack o Joe D’ Mango at iba pa, e kung hindi mo naman kayang gawin, e what’s the use of advice? Para saan? Wala pa rin.

Sa sobrang kumplikado ng pag-ibig, hindi madaling isambit ang mga salitang “naka-move on” ka na, lalo na kung hindi ka pa talaga sigurado sa mga nararamdaman mo. Dahil baka minsan, bigla siya magpakita sa iyo at nagtangka makipagbalikan sa iyo, baka kahit isa sa sampung beses dyan e kiligin ka pa. May kasabihan na “past is past. You can’t bring it back anymore” Pero on the contrary, may kasabihan din na “love is sweeter the second time around.” Depende nga lang kung hanggang ilang pagkakataon ang kaya mong ibigay. Dahil pag-umabuso yan, it’s zero tolerance time na dapat. Dahil kawawa ka naman o. Literal, masasabihan ka talaga na “tanga.”

At kahit basahin mo pa ng ilang beses ang blog na ito pati na rin ang ibang mga artikulo na tungkol sa kumplikadong estado ng pag-ibig, tiyak na hindi mo ito basta-basta na maiintindihan lalo na kapag nasa ganung estado ka na. magulo nga e. kaya nga “it’s complicated,” ‘di ba? Buti pa ang ka-relationship status ng tropa ko na si pareng toilet bowl…. It’s constipated.

Author: slickmaster | date: 08/02/2012 | time: 04:36 p.m.

Sunday, 19 August 2012

LOVE STARTS…

Ang pag-ibig, ‘pag minsan ay nagsimulang umusbong, mahirap pigilan kahit ano pa ang paraan para kitilan ang nararamdaman mo. At sa panahon ngayon na marami na ang paraan para makipag-ugnayan ang kapwa tao, imposible na wala ni isa sa mga ito ang paraan para ma-in-love ang isang tao.

Ang mga nilahad sa blog na ito ay iilan lang sa mga nakaenkwentro at naikwento sa akin ng mga tao ukol sa kanilang mga pagsisimula sa kanilang mga love story. Pero sila ang nag-open niyan sa akin, ha? Hindi ko kinulit ang mga iyan.

LOVE STARTS ON THE FIRST DAY OF CLASS. Kung mahiyain ka na makipagkilala sa kaklase mo, tiyak parang outcast ka sa madalas na pagkakataon. Pero kung isa ka sa mga tulad na may nararamdaman kagad… (hind iyan PBB Teens, no?) hindi lang siya ang kinikilig, pati buong klase. Alam mo naman ang tao.

LOVE STARTS ON A SIMPLE GET GET-TOGETHER. Yung tipong minsan mo lang siya nakasama, sa isang lugar man yan o sa kalsada, o kung saang byahe man yan (pero hindi biyaheng langit, ha?) yung tipong sa gitna ng mala-alamang usapan niyo, lumalim din ang pagkakakilala niyo. Yung feeling na andyan ang tawanan, seryosong usapan, pag kinilig ang ale, grabe kung makahampas sa iyo, hanggang sa makatulog siya at nakasandal siya sa tabi mo. As in, nag-eenjoy lang kayo, ang company niyo.

LOVE STARTS ON A SIMPLE “HELLO.” AND ALSO, WITH A SMILE. Tipikal na ba masyado? Sabagay, paano ka nga naman magsa-start ng isang conversation maliban sa mga usual na pagbati tulad ng Hi, Good morning/afternoon/evening/day, at iba pa? Ke personal man yan o sa modernong komunikasyon tulad ng telepono at maski na ang internet, basta may kakaiba lang na naramdaman mula sa impit ng tunog, intonasyon, kahit boses-ipis pa siya o sing bilog ng tulad kay Bossing o Rey Langit; hanggang sa kanyang intension na kausapin ka.

LOVE STARTS ON A TEXT MESSAGE. Parang yung previous lang ‘to e. Pero sa text kasi, depende kung ano ang pambungad mo. May mga pagkakataon kasi na magsisimula ka lang na maging close sa kanya kasi may kailangan kayong gawin at magkagrupo o magkapartner kayo. Pero may mga sirkumstansya na love starts on a simple text message dahil uso na rin lang naman ang mga cellphone (ke low-end man o yung mga high-tech), siyempre uso din talaga ang text messaging. Kahit sa mas modernong pamamaraan kaya ng pakikisalamuha tulad ng video call, social networking o mobile browsing, sadyang hindi makakaila na mas patok at mas epektibo pa rin ang text. It shows sa mga nagiging magkarelasyonsa text. Mas nailalahad ng maayos, at matipid. Kung suki ka pa ng mga unlimited services, e talagang sulit. Yun nga lang, easy lang ha? Baka kiligin ka masyado sa pagbabasa, at baka ma-wrong send ka (mas mahirap iyun). Pero may mga tao na tataliwas diyan dahil iba pa rin ang dating ng mga salita sa ma-boses na pamamaraan. Pero kanya-kanyang trip lang kasi iyan e. Perfect example diyan? Ang ilan sa mga tropa ko na jejemon, since sila lang naman ang madalas magtext sa ganyang pamamaraan. Aba, daig pa ang mga college friends ko pagdating sa itsura ng mga nauto, este, nakulimbat na tsikababes nila. Pero ibang usapan na iyun.

LOVE STARTS ON A NIGHT OUT. Sobrang tipikal na ang istorya ‘to, lalo na kung gimikero ka. Malamang dahil iyan ang pinaka-antigong aktibidad pagdating sa social networking. Makikipagkilalaka, aalukin mo na uminom, makikipagsayaw, and anything goes beyond… well, depende na iyan, lalo na kung may naispatan ka na kakaiba sa charm niya. After-party ba ang usapan?

LOVE STARTS ON A ONE-NIGHT STAND. May pagkakaiba iyan, ha? May mga nangyayari kasi matapos ang gimikan e. Pero, ops. X-Rated na iyan. Hehehe! Ano to?Parang ilan sa mga telenovela na ang ganitong tema ah. Unofficial yours ba ang kwento? Ewan ko. Pero mas madalas kong napapakingan yan sa Confession Session ng Boys Night Out.

LOVE STARTS ON A WEDDING RECEPTION. Parang peg lang ng parlor games lang ah. Yung tipong nakasalo ng bulaklak ng bride at yung lalake naman ang nagsusuot ng lace sa tinutukoy na babae (Teka, correct me if I’m wrong ha?). Hmm… may ganun pala?

LOVE STARTS AS... ENEMIES? Hindi ito usapin ng break-up o “cool off” ha? O lalo naman yung tipong muling ibalik. Hindi rin po iyun. Ito ang patunay na hindi lahat ng pakikipag-ugnayan ng tao ay nagsisimula sa pagiging magkaibigan. Yung iba dyan, magka-away pa talaga. Pero ika nga ni Hesukristo, “love your enemies,” bagamat hindi sa lahat ng oras ay epektibo ang romantisismo bilang klase ng pag-ibig. Siyempre, pag hindi na talagang nag-work out, kelangang maghiwalay, pero yung iba dun, back to strangers again e.

LOVE STARTS ON BEING A LIFE-SAVER. Action-romance-themed-film ba ang peg? Minsan, isa yan sa mga senyales ng Pinoy na Pinoy ang isang pelikula. Niligtas mo ang buhay niya, ni-return niya ang favor sa pamamagitan ng pagmamahal niya sa iyo.

LOVE STARS ON A FRIEND REQUEST. O pwede ring chat message, like, comment, o wall post. Dahil usong-uso rin lang din naman ang online relationships. Sa internet, kahit mataas din ang tiyansa ng panloloko, hindi yan alintana para sa mga tao na ang tindi ng nararamdaman kahit sa computer lang naman ang pamamaraan. Mas tipid at convenient pa nga e. Mas publicized nga lang kasi pwedeng mahalintulad ang isang wall post na naka-set sa public ang view/privacy options sa isang akto ng PDA o public display of affection. At taliwas ang ilan sa ideya ng panliligaw sa mga tulad ng Facebook, Twitter o kung anu pa mang sites o internet-based-programs yan. Ke madali lang ang lokohan diyan, masyadong matipid… as in effortless, o ano pa man iyan. Pero sa panahon na naghihirap ang iilan para makaipon ng perang pambili ng rosas, pang-harana na gitara, tsokolate at iba pa... e nagiging mautak lang din naman at least ang tao. Praktikal nga ba ang usapan? Ewan. Pero ang pag-ibig kasi kahit sa salita, pero as long as nararamdaman mo ang intension niya para sa iyo, at naiintindihan niya, matindi pa rin.

LOVE STARTS ON A FIRST SIGHT. Lastly, and as usual, may mga ganyan pa rin. Nasa mata rin kasi malalaman kung nagpapakatotoo ba siya sa mga sinasabi o inaakto niya o hindi. Pero kungsi John Lloyd Cruz ka sa pelikulang My Amnesia girl, mas maniniwalaka pa sa second sight. Hmm, pwede.

Uulitin ko: iilan lang siguro yan sa mga talagang nagyayari sa lipunan. Meron pa siguro ako na hindi nababanggit diyan. Pero either way, LOVE STARTS in various ways we never know nor saw it coming.

Author: slickmaster | date: 08/12/2012 | time: 12:30 a.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Saturday, 28 July 2012

Nang dahil kay MISS-COMMUNICATION.


Minsan kong narinig ang isang kasabihan na ito kay Papa Jack nung minsan ako nakinig ng kanyang True Love Conversation sa 90.7 Love Radio noong 2009: “Maraming mga taong nag-aaway at relasyong nasisira nang dahil sa dalagang nagngangalang MISS-COMMUNICATION (MISCOMMUNICATION).”

Medyo nakakatawa din, pero kahit papano, matindi rin ang patama e. OO nga naman.kapag hindi nagkaintindihan ng mensahe ang isa sa inyo, aasahan mo ba na hindi magkakaroon ng ‘di pag-kakaunawaan? Lalo na kung makitid pa ang kamalayan ng isa sa inyo? Delikado iyan.

Sa basketball nga pag nagkaroon kayo ng isang miscommunication sa isang play, malaking pagkakamali na iyun, lalo na kapag crunch time. Ganun din sa ibang sports, at pati sa ibang aspeto ng buhay natin.

Kapag hindi ka tumupad sa usapan nang walang pasintabi kahit sa text man lang, aasahan mo bang magiging ok pa kayong dalawa? Swerte mo kung ganoon pa ang mangyayari, kung maiintindihan niya ang iyong mga dahilan. Pero paano kung hindi o wala na sa tamang lohika ang eksplanasyon? Patay.

Sa panahon na tila mas mahalaga pa ang pangload kesa sa pambayad ng mga pangunahin serbisyo tulad ng tubig, kuryente, renta (kung nagungupahan lang ng tirahan), buwis at iba pa, wala ka nang excuse pa para hindi makapagtext. May network pa nga na nag-aalok ng serbisyo kahit zero-balance ka na e.

Sa mga tulad ko na nagtiya-tiyaga sa libreng pagpe-Facebook, hindi na pwede ang pagkakataon na hindi mo i-update ang mga kaibigan mo kung ano ang nangyayari sa iyo.

Pero, maliban na lang kung tulad mo ako na walang hilig sa pagtetext at nagsasawa na rin sa kaka-Facebook. Mahirap yun, parang outcast lang sa lipunang tipikal na ang mga taong matalak at mahilig makipagkwentuhan sa kapwa.

Ah, basta. Kung kaya mong pahalagahan ang mga ugnayan ng mga tao sa iyo, gawin mo. Ika nga, communication is the key to a successful relationship. Sabagay, wala namang relasyong nagmumula sa dalawang taong nakatunganga lang sa isa’t-isa. Baka sa ngitian, pwede pa? E kaso hindi naman lahat ay ganun.

As for me, “Just keep in touch with me and I’ll keep in touching you.” Teka, may mali ata ah. (LOL!)

Author: slickmaster
Date: 07/22/2012
Time: 01: 33 p.m.
(c) 2012 september twenty-eight productions