Showing posts with label manny pacquiao. Show all posts
Showing posts with label manny pacquiao. Show all posts

Saturday, 31 May 2014

Just My Opinion: Pacman In The PBA?

5/21/2014 2:22:52 PM

Usap-usapan ngayon ang planong maglaro ni Manny Pacquiao ng professional basketball.
Naging vocal nga siya rito ilang araw matapos niyang matalo si Timothy Bradley sa kanilang ikalawang pagsagupa sa lona noong nakaraang Abril sa Las Vegas.

Amiya, may plano na nga rin siya kung ano ang kanyang isusuot na jersey number at kung saang team siya lalahok sa Philippine Basketball Association – at yun ay ang number 17 sa Kia Motors, isa sa mga bagong koponan sa PBA na makikipagsagupaan na sa hardourt sa ika-40 na season nito, o sa darating na Oktubre.

Ano, si Pacquiao, maglalaro sa PBA? Ganun?

OO nga.

Ang tayog ng pangarap niya no? Well, wala namang masama dun eh. Para lang siyang ilan sa atin na nangangarap na makapaglaro ng naturang sport dun, kahit sa kasamahang palad ay hindi pinalad na matupad ang mga pangarap ng iilan din.

Tama rin naman si Rick Olivarez sa artikulong nalimbag sa website ng PBA. Sino nga ba naman tayo para iderprive siya sa kagustuhan nya sa buhay? Kung yun ang makakapagpasaya sa kanya. Sa totoo lang din kasi, hindi na bago ang basketball sa eight-time pound-for-pound king. In fact, minsan ay may koponan siya sa Liga Pilipinas nun (kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan nun ay MP GenSan Warriors). At madalas, nagiging isa sa mga cross-training sport ni Pacman ang basketball. As in part ng training regimen niya para sa mga laban niya sa boxing.

Ngunit ayon kay Commissioner Chito Salud, kung seryoso man si Pacquiao na sumali sa PBA ay dapat siyang sumama sa proseso kung paano nga ba nakakapaglaro ang mga baguhan sa liga. Sa pamamagtan ba ng pag-draft, kasama na siguro dyan ang kaliwa’t kanang pag-eentertain mula sa mga scout hanggang sa mga team executives, hanggang sa pagdetermina ng iyong kwalipikasyon.

Ito nga lang ang problema: fixed na ang plano ni MP ukol sa kung saan niya gustong maglaro. Kaya ba nagplano siya na maging “playing coach” ng team Kia? Maari, para makalusot, kung aayon sa mga spekulasyon.

Unfair ba ang sitwasyon? Sabagay, ano nga naman kasi ang pagkakaalam ni Pacquiao sa coaching sa basketball? Mahirap yata yan, dahil napakalaking mundo ang ginagalawan mo pag ganun, at hindi lang isang laro ang pinag-aaralan mo dun.

Don’t worry, may Jaworski naman eh. Mas okay siguro kung magiging head coach si The Living Legend.
Mahirap nga naman isugal ang lahat-lahat. Isipin mo, ayon sakumento ng isa sa mga pinapakinggan kong sports broadcaster na si Dennis Principe, nakakatakot ang maaring mangyari kay Pacquiao pag nagkataon. Baka kantayawan lang.

Kunsabagay, obvious din naman kasoi sa atin ang maging mapagpuna sa mga ginagawa eh. Nung pumasok si Pacquiao sa showbiz, pustahan tayo, pinagtawanan din natin siya minsan lalo na pagdating sa acting niya. Ganun din nung nasa pulitika na ang lolo mo. Ano nga ang kaalam-alam niya sa pulitika? Wag ka, congressman na ang kinakantyawan mo.

And ironically, the joke was now, on us. Maaring pinagtatawanan pa rin natin ang pagiging all-around ng mamang ito, pero sa kabilang banda, karamihan din sa atin ay nadidismaya na rin dahil sa kabila ng lahat, kabilang na ang mga bagay na hindi naman talaga siya kwalipikado in the first place, ay andun siya sa rurok na kinabibilangan niya ngayon: atleta, politician, at arista. Astig ang achievement, ‘di ba?

Maaring masisi pa ang media dahil sa sobrang hype na binigay nila kay Pacman, at maari rin ang ganoong argumento pagdating sa pulitika. Ngunit may idadgdag lang ako: eh kasi binoto niyo eh.

Ngunit sa isyu na kagustuhan ni Pacquiao na maglaro sa PBA? Nagbabalita lang naman sila eh. At malaya naman tayo para magbigay ng saloobin.

Pero sino nga ba ulit tayo para kantyawan ulit at i-deprive angkanyang mga pangarap, ‘di ba?

At kung kuro-kuro lang naman ang usapan, sige, ito lang yung akin: walang masama mangarap. Pero kung marami kang ginagawa, at kung nagextend ka pa ng kontrata sa Top Rank – at sa kaparehong pagkakataon ay sa professional boxing career mo – ay mas okay pa muna kung maghunod sili ka amt magfocus muna d’yan. Tutal sabi mo naman ay hindi pa man pinal, pero tutuparin mo naman ang pangarap mo.

Eh why not? Yun nga lang, handa mo nga lang sarili mo sa samu’t saring kritisismo, hindi galing sa mga tulad namin, at sa mga nagmaang-maangan pang iba dyan na nagkukumeto sa Facebook kahit hindi naman nababasa ang mga artikulong nirereact nila, kundi galing sa mga pinakalehitimong nilalang pagdating sa sports.

Maaring mangyari pa rin na siya ang pinakamatandang rookie sa PBA at ang isa sa mga pinakamaliit na manlalaro ito, at maging pangalawa sa mga “crossover” star mula boxing papuntang basketball. Yan ay kung susunod talaga siya sa dapat sundan.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 19 April 2014

Vindication?!

4/20/2014 1:37:45 PM

Noong nakalipas na linggo, nasaksihan natin ito.

wiznation.com

Tama, ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley. Pero may nakakagulat pa nga sa pagkapanalo nito?

Maari, dahil iba na ang panahon noon sa panahon ngayon. Hindi na ito ang panahon na may killer instinct pa si Pacman (yung tipong kaya pa nyang ipatumba ang mga kalaban niya sa lona).

Kung may natitira pang hindi akakiba sa kilos ni Pacquiao, ito ay yung pagiging agresibo niya. As in mabilis na kilos ng mga suntok at depensa na rin. At walang masama dun tutal nagbabago naman talaga ang panahon eh nagbabago rin naman din ang mga istilo ng pakikidigma ng bawat boksingero.

Siguro, kung may nakakagulat man dito, dahil yun sa kauna-unahang pagkatalo ni The Desert Storm sa kanyang professional boxing career.

At alam ko, napakasakit palagi ng first time. Mas lalo na kung sa usapan pa ito ng sports, bugbog-sarado ka na nga, napuruhan ka na nga lahat-lahat, tapos okats ka pa.

Ang saklap naman nyan, ‘di po ba?

Ano kaya maaring matutunan ni Bradley mula dito? Balita raw ay naghahamon pa yata ng pangatlong pagkakataon (aba, seryoso?).

Siguro, kailangan nyang mag-adjust din ng fighting style pag kaharap ang mga matitinding southpaw fighter tulad ni Pacquiao. Sinasabing nakakaturn-off daw ang fighting style ng Kanong boxer. Oo nga naman kasi, suntukan ang usapan, ‘di ba? Hindi yakapan. Saka parang hindi bagay tignan, kung magpapaka-racist ka sa tingin (kaya, di ko na rin dudugtungan ang statement na ito. Bad yun. Sige ka).

Pero para naman sa parte ni Pacman, sinasabing magtatagal pa raw siya sa loob ng ring ng at least, dalawang taon. Sabagay, walang masama dito. Yan ay kung magpo-focus siya sa mundo ng boxing.

At yan ang problema. Hindi lang isang atleta ang tinagurian nating pambansang kamao. Isa rin siyang entertainer (kaya sa totoo lang, hindi lang sa professional wrestling, football at ultimong basketball applicable ang katagang “sports entertainment”), at kongresista. Maliban pa yan sa pagiging endorser, asawa, ama, at anak. Sa madaling sabi, all-around ang lolo mo.

Mas okay rin pala kung isama mo ang ermat mo sa laban. Moral support, ika nga. Never mind her antics. Sino ba naman ang gusting Makita na natatalo ang anak nila. Kaya nga andyan sila sa ringside para mag-cheer eh.

Yun nga lang, sa panahon na masyadong maputakte ang mga netizens, eh good luck na lang kung sa ssusunod na araw ay mapag-usapan ka. Either laman ka ng isang internet meme o topic sa mga discussion forums at Facebook pages.

Ika nga, “IKAW NA!!!!” (with matching Boy Abunda voice).

Pero, masasabi bang final answer na ang laban na tinaguriang “Vindication?” Oo. Yan ay kung gusto na nila makamove on. At isama mo na rin ang mga fans na pustahan ay nagsawa na ring pag-usapan ang paksang ito bago mag-Semana Santa.

Tama yan. Tutal alam na rin ng mundo kung sino talaga ang matibay, sino ang nanalo at kung sino ang mas mayabang pagdating sa trash-talkan.

O ano? Move on na ha?

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 12 April 2014

Dahil Laban Ni Pacquiao...

4/13/2014 10:15:09 AM

Ayun, so Linggo na naman. At may laban na naman ang tinatawag nating ‘pambansang kamao.’ Baka sa malamang, may magtatanong – “eh ano naman ngayon kung laban ni Pacman?”

Ilang bagay lang ang panigurado dito – sa malamang, maraming mangyayari na namang hindi normal kung ikukumpara sa araw-araw na pamumuhay natin.

At dahil laban ni Pacquiao... ‘national holiday’ na naman ito. Oo, as in holiday muna o ‘break muna’ mula sa iba’t ibang kamunduhan ang mga Pinoy niyan. Karamihan ay nakatutok sa radio, computer, telebisyon o kahit sa mga naglalakihang projector, at doon nag-iingay. Speaking of ingay...

Dahil laban nga ni Pacquiao, maraming instant na viewing party ang magsisiulputan. Kanya-kanyang promo nga lang. Kanya-kanya ring viewing fee. Pero minsan, may exclusivity rin. At paunahan na mapuno yan. Kaya good luck sa paghahanap.

Pero meron din naman yung mga libre, pero good luck pa rin dahil sa malamang ay punuan yan.

Sa malamang, papatok rin ang mga pay-per-view event. Lalo na yung mga taong willing magbayad ng malaki basta mapanood lamang ang laban ni Pacquiao. At lalo na rin yung mga taong naiinip sa tagal ng pag-ere nito sa free at local TV (eh sa dami ba naman kasi ng commercial gap eh).

Dahil laban nga ni Pacquiao... tahimik na naman ang kalye. Sa madaling sabi, walang trapik sa lansangan. Ay, kay sarap bumiyahe, ano? Sana araw-araw ganito eh no (pero hindi ko sinasabi na dapat araw-araw ay may laban ng boxing)? Kasi naman, wala na rin kasing nakakainis pa kesa sa mastuck ka sa trapiko. At tila ang mga pangyayari lang na tulad ng laban ni Pacquiao ang nakakapagpalinis ng kalsada.

At dahil nga laban ni Pacquiao, at tahimik ang kalye, wala rin masyadong nagaganap na krimen. Kasi kahit ultimo ang mga bastardo, haling ang bituka, kumakapit sa patalim na mga gago ay nakikinood ng laban ni Pacquiao. Ika nga ng Philippine National Police, zero crime rate daw palagi pag laban ni Pacquiao.

Ang sa lagay ba eh si Pacquiao ang may kakayahan na patahimikin ang lahat ng mga maiitim ang budhi, including ang mga bwakananginang pagala-galang criminal, yung mga halang ang bituka?  Yung mga patapon ang buhay pero nanlalamang sa kapwa nila sa ngalan ng material na bagay na tila nagsisilbving kapangyarihan sa bawat tao?

Isa lang masasabi ko: EWAN

Dahil laban nga ni Pacquiao, marami naman dyan ang magiging instant sports analyst. Yung tipo na dahil nagsisulputan ang mga lehitimong kritiko sa larangan ng palakasan sa mga palatuntunan ng telebisyon at internet ay makikiride na rin ang karamihan sa mga sambayanan. As in lahat, may say na rin ukol sa mga nangyari, parang ang usapan ng mga kumag na ito.

Kumag 1: Wow, pare, tindi ng panalo ni Pacquiao eh no?
Kumag 2: Oo nga eh. Kahit nakulangan ako sa turn out ng laban (aba, juma-jargon ang isang ‘to ah).
Kumag 3: Okay na rin, at least mapatumba ni Pacman yung kalaban.
K1: Nakita mo ba yung combo na (sabay nagdemonstrate ng quick left-right-right-left-l;eft-left0-right na punch combination)
Kumag 4: O, easy boy. Baka matamaan mo kami nyan. Si Pacquiao at ang laban niya pinag-uusapan natin dito, hindi kung paano sumuntok si FPJ!
Kumag 5: Oy, ba’t nadamay idol ko dyan?!
K2: oh, oh, oh, away na yan!
K3: Tara na! BOX na yan!
Lahat: Tara!
K4: Pero bago ang lahat… shot muna!
K5: Eh teka, san na nga ba yung usapan natin kay Pacquiao?!

Ay, ewan. Mas mahirap lang talaga ‘to pagv nakainom kayo nng mga kasama niyo. Baka literal ay magboboxing din kayo para lang manalo sa mga pinaglalaban niyo ukol sa laban ni Pacquiao.

Pero dahil laban nga ni Pacquiao, asahan mo na rin na magtetrend ito sa social media. Of course, dahil maliban sa sikat na bansa ang Estados Unidos, ay ang mga Pilipino ang bansa na may pinakamaraming users sa larangan ng mga website gaya ng Facebook, Twitter, at iba pa. Kaya trending worldwide ang pangalan niya o ang event na pinaglalaban nila.

Pero dahil laban ni Pacquiao… two things may happen (actually, tatlo talaga, pero bihira lang naman ang draw; maliban pa sa ideya na parang tunog porkchop duo joke ang ‘two things’ na yan).

Pag natalo ba isya ay masisindak na naman ba tayo tulad na lamang ng biglaang pagkatalo ni Undertaker kay Brock Lesnar? Gayun din ng pagkadismaya ng paglipat ni LeBron James nun? O ang pagkabali ng binti ni Anderson Silva?

O baka wala lang na rin tutal twice in 2012 ay naolats din siya. Ang masaklap nga lang nun ay knock out yung pangalawa (at napikon na naman ang sanlahi kay Justin Bieber dahil sa meme nya).

Pero… pag nanalo ba siya, may engrandeng hero’s welcome ba ulit? Instant fame na naman ito? O marami na naming bandwagon riders na magsasabing “Proud to Be Filipino?”

Pero natalo, parang walang ganun e no? How rude.

Hindi ko nga lang alam kung laban ni Pacquiao ba ay nananatiling mataas pa rin ba ang ekspektasyon ng Pinoy ukol sa resulta. Sabagay, sino ba naman din kasi ang ayaw ng ‘knock out,’ di ba?

Pero dahil laban ni Pacquiao, paunahan na rin sa pag-update ang mga tao. Magsisilabasan ang mga instant spoiler. Mamaya niyan, mapapnsin mo na lamang na magsisilabasan sa mga news feed ang resulta.

Ayun lang naman, dami no?

Pero dahil laban nga ni Pacquiao mamaya, narito na ang ating ulat-panahon: ngayoing araw ay asahan na ang mas intense at maingay na reaksyon kasabay sa init ng temperatura sa oras ng katanghalian, lalo na pagdating ng ala-una o alas-dos ng hapon.

Tapos asahan mo na rin na maraming instant spoiler na magbabalita thru Facebook, Twitter, text messaging at ultimong word of mouth (bagay na applicable sa mga tsismoso't tsismosa) ukol sa laban ni Pacquiao.

Habang yung mga nagtatiyaga sa Philippine Cable at Free TV, iinit din ang kanilang ulo sa pagkainis dahil sa nalaman na nila ang resulta samantalang umaabot pa ng 10 minuto ang isang commercial gap kumpara sa coverage ng isang round ng boxing na aabot lamang ng 4 na minuto.

At yan ang magiging lagay ng panahon tulad na lamang ng mga nakalipas na laban ni Pacquiao.

Sa madaling sabi, WALANG PINAGBAGO.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Monday, 10 December 2012

Just My Opinion: Mocks, Bashes, and Reactions - featuring Justin Bieber, Manny Pacquiao, and the Raging Netizens

12:03 p.m., 12/11/2012

I'm not surprised if some of the kids nowadays would disrespect people whom were known as "legends" at present time.

Take the case of Justin Bieber's bunch of memes for an example.




As shown on his Instagram account, 2 photos were exhibited. First, displaying the late King Of Pop Michael Jackson and then-knocked out Manny Pacquiao both leaning. And second, The Lion King's Simba was attached in that screenshot where the pound-for-pound was knocked down in his recent clash with his Mexican nemesis Juan Manuel Marquez and with the caption "Dad wake up."

And the photo draw the ire of reactions, especially for the Filipinos whom were badly hurt after seeing Pacman lost the fight that way.

And in fact, #RespectThePhilippinesBieber was one of the trending topics at the social networking site Twitter last night.

Now, my take.
It's easy to say to condemn what Bieber had done. And true enough, even yours truly did not found this funny at all.

Somebody might say "Okay, give the kid the benefit of the doubt that maybe he was just trying to lighten up the situation that the world (since not all of Pacquiao's fans are Filipinos alone)." But, he'd done that on a wrong timing basis. Indeed, not a very good timing.

Or somebody might react that "Filipinos are so insensitive! They should accept defeat, and with defeat comes an array of jokes." Well, this actually is nothing new on our culture. Some people used to react properly and some may not. And that's the hardest and saddest part.

I guess, those were another bunch of reasons why Justin Bieber was always bashed, aside from those controversies he had went through on his career. Not for the music he is making for the youngsters and the crap-contented "pop culture," but for the matters off the music charts.

Now after reading the thread of those controversial posts on his Instagram, I ended up with these statements.

Is he racist? No, I think he just hates Pacquiao. And he is just expressing his opinion in boxing, like any one of us who digs and still digging on Pacquiao-Marquez IV even if it's already 2 days after that shocking upset.

But too bad.

Photo credit(s): http://www.interaksyon.com/entertainment/justin-bieber-mocks-manny-pacquiao-on-instagram-draws-ire-of-boxers-fans/

This article was published at the community blog site Definitely Filipino dated Dec. 11, 2012 (URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/12/11/just-my-opinion-the-mocks-bashes-and-reactions-featuring-justin-bieber-manny-pacquiao-and-the-netizens/)

author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 9 December 2012

OLATS!

12/10/2012 10:54 AM

Si Manny Pacquiao ay ang tinaguriang “Fighter of the Decade,” pero sa pagkakataong ito, baka siya rin ang magmay-ari ng tinatawag na “shocking upset of 2012” sa larangan ng boxing.

Sa kauna-unahang pagkakaton sa nakalipas na isang dekada, nakatikim ng isang matinding knock out loss ang Pambansang Kamao sa kamay ng kanyang matinding karibal na si Juan Manuel Marquez.
At sa malamang shocking talaga ang upset na ito dahil sa... una, ang isa sa mga tinaguraing pound-for-pound fighter  sa kasaysayan ng boxing, ang minsan na may hawak ng 8 titulo ng kampeonato (bagay na siya lang ang nakapagtala), ang tinaguriang “Mexicutioner” nang dahil sa ilang boksingero mula sa bansang Mexico ang kanyang naipatumba na sa lona, isang lehitimong hall-of-famer na sa nasabing larangan... mana-knocked out na lang?

Maraming factor kung bakit ganyan ang nangyari. May isa nga akong nakita na link na sinend via comment sa aking huling post so far na “Controversial the Fourth Time Around.”  Nagpapakita ito ng ”stepping on the opponent’s foot” bago ang tinaguriang “lucky punch” ni Manila Mayor Alfredo Lim. Sa totoo lang, matagal nang uso ang mga tinaguraing “dirty tactics” sa boxing pero on the other side, baka coincidence lang din at hindi sadya yun. Mahirap manghusga.

Sa unang round pa nga lang e nakita ko na kung gaano niya gusto manalo sa laban na ito, kahit napatumba pa nya si Pacquiao, ilang round pa lang ang nakalilipas, at kahit namamaga na ang mukha niya matapos mapatumba siya ng Pambansang Kamao sa round 5.

Maari rin na dahil sa likas na drive ni JuanMa para manalo laban kay Pacquiao, as in para maka-isa lang siya. Matanda na rin ang mama (nasa 39 ayon sa Tale of the Tape ng laban na ito), at ikaw kaya ang mabaon sa rivalry niyo? Alalahanin – si MP may hawak na 2 wins at 1 draw na record bago siya na-olats kay JMM. At makikita mo naman yan sa mga pinakitang agresibong galaw ni Marquez sa ika-apat na duelo nila.

Habang Si Pacman naman? Ayun, katulad ng mga sinabi ko sa huli kong post – humina na. Naging subpar ang performance niya sa kanyang mga huling laban (at nagresulta na nga ito sa kanyang dalawang sunod na pagkatalo). Actually pwedeng ganun nga o sadyang malalakas na rin ang mga kalaban niya na tila isang dobleng-tibay na pader na ang kanyang binabangga.

At not to mention, katulad nga ng mga blog na nabasa ko sa DF ukol sa kahalinutlad na paksa , marami na rin kasi siyang pinasok na linya – pamahalaan, showbiz, at ultimo relihiyon. Aagree ako sa blog na iyun at sa mga nagkumento dun na “You cannot serve two masters at the same time.” Kasi naman, kung sa boxing ka nakilala e dun ka pwede mag-focus. Hindi sa sinasabi ko na pwede siyang sumabak sa showbiz, pero tol, kung kailangan mong magfocus sa isang bagay, mas maganda kung dun ka na lang total doon ka na rin lang lubos na nakilala.

Pero parang sisihin ang mga pastor dahil sa pagkatalo ni Pacman, e parang hindi na makatarungan iyun. Alam ko, hindi na ganun kaganda ang performance ni Manny sa ring mula noong lumipat siya ng relihiyon, at laging may halaga na kasama ang pakikipag-anib (ayon sa kanyang ina) pero para sisihin ang relihiyon sa naganap? HINDI NA YATA TAMA IYAN, ‘OY!

At kung hindi matanggap ng tao ang pagkatalo ni Pacquiao... e talaga bang mga boxing fans kayo? Dapat alam niyo na ang anumang tao – kulelat man o alamat sa larangan ng pampalakasan – ay nakararanas ng dalawang matitimbang na bagay – ang panahon na sila ay nananalo at ang kanilang pagkatalo. Parang yin at yang, up and down, kasiyahan at kalungkutan at kung anu-ano pang mga magkakakontradiktong mga bagay na nangyayari sa ating buhay.

Kung tunay nga na isa kang tagahanga ni MP, tatanggapin mo ang kanyang pagkatalo gaya ng ginawa mismo ng iniidolo mo. Dapat nga ke manalo siya o hindi e dapat may hero’s welcome pa rin ang mga Pilipino pagdating niya sa bansa e. E hirap kasi sa atin, pag natatlo, magiging hater na tayo. Pag nanalo ulit, dalawang bagay “chamba lang yan,” o sasabay ka sa agos ng tinatawg na “bandwagon.” Hay, mga tao nga naman, ano? RESPETO NAMAN!

May nagsabi nga na hindi na para sa bansa ang kanyang ginawa sa pagkakataong iyun – yun ay para na sa ego niya bilang isang boksingero. Well, tama lang din. May punto ba. Ke para maisalba ang kanyang naghihingalong reputasyon nun dahil sa dismayado na rin ang ilang mga fans o kung ano pa iyan.

Maganda at napakaganda ang ipinakita ni Juan Manuel Marquez sa labang ito, at talaga naming pinatunayan sa sarili niya at sa lahat ng nakasaksi sa duelo nila ni Pacquiao.

Para  sa akin, manalo o matalo, si Manny Pacquiao ay isa pa ring kampeon para sa mga Pinoy. Isang malaking PINOY PRIDE. Sa totoo lang, hindi makikilala ng mga tao ngayon ang larangan ng boxing kung hindi dahil sa kanya. Oo, as in hindi siya dadagsain ng mga advertisers para lang makabenta sa mga laban niya (na sobrang tagal na ang pag-aantay mo para sa isang round dahil sa sandamukal na mga commercial gap).

As in hindi ito makikilala ng mayorya, makakapanood sa isa sa mga malalakas na TV network sa free TV ng Pilipinas. Hindi ito magiging laman ng balita sa kada sports newscast at pahayagan. Hindi rin mauuso ang mga live streaming sa internet at mga venue kung sakaling maiinip ka kung aasa ka sa terrestrial TV. At isama mo na rin ang katotohanan na hindi magiging super light traffic at zero crime rate ang bansa kung hindi dahil sa mga laban niya. Alalahanin mo, mga tao mula sa elitista hanggang sa masa, sibilisado man, rebelde o alagad ng batas, nagkakasama-sama sa isang natatanging kaganapan. 

Kaya para kay JuanMa, you have proved yourself enough. Good job, very well said statement. Saludo ako.
At para naman kay Manny, you still have my respect. Pinakita mo na isa ka talagang kampeon kahit ala-planking nga ang bagsak mo sa round 6. Hindi biro ang mag-train at lumaban para lang kumita ng pera at iahon sa hirap ang buhay mo na tinatamasan (yun naman talaga ang pakay diba?) pero nevertheless, saludo ako sa ginawa mo.

Hindi ako isang sports analyst – pero tingin ko, high time na, Manny. Kung pagbabasehan ang sinabi ng isang sportscaster na si Ron Delos Reyes, “marami ka pang gusting patunayan sa buhay sa labas ng boxing ring. I think it’s time for you to hang up that glove.”

Author: slickmaster | © 2012 september twenty eight productions

Saturday, 8 December 2012

Controversial the fourth time around?


Sa pang-apat na pagkakaton sa kasaysayan ng boxing, dalawang mama na naman ang makikipagtunggalian sa isa’t isa. Isang parte na naman ng epiko ito dahil sa, as usual na rivalry sa pagitan ng bansang Pilipinas at Mexico – ang labananang Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez 4.

At sa halos lahat ng mga karibal ni Pacman sa boxing rin, ito ang isa sa mga pinakamatimbang sa lahat – dahil ito ay laging nagiging parte ng maiinit na balita. Oo, kontorbersyal nga.

Pero bakit nga ba naging ganun?


Dahil umangal ang Mehikanong boksingero matapos siyang matalo sa pambansang kamao? Not just once, but twice?

Dahil din ba naging draw ang resulta ng isa sa mga laban nila nun kahit ilang beses na napatumba ni Manny sa canvas si JuanMa?

Hmm... sa kartada bago ang ika-apat na duelo ng dalwang ito e, may dalawang panalo kay Pacquiao, habang hindi pa nakakaiskor ng panalo sa nasabing trilogy si JuanMa. Pero sa kabilang banda, ang draw ang nakapagpasira ng record ni Pacquiao sa tunggaliang ito.

At take note, sa huling laban ng dalawang ito, nanalo si Manny Pacquiao – kahit taliwas ito sa nakikita ng karamihan. Kung maalala niyo kasi e hindi rin maitatanggi na mas lumabas ang kalakasan ni Juan Manuel Marquez sa labang ito via majority decision. Pero bakit nga ba siya nanalo? At sa mala-kontrobersyal na pamamaraan na naman ito naganap?

Hindi ba tanggap ng tao ang kartada ng mga husgado? (114-all kay Robert Doyle, 115-113 at 116-112 mula kila Dave Moretti at Glenn Throwbridge – in favour kay Pacman)

Kung ang sports media kasi na nagcover ng laban ang pagbabasehan, dapat daw ay si Marquez ang panalo.
Sa sobrang badtrip nga ng nakararami e naging trending ito sa Twitter. At ang mga Meksikanong mamamayan na nanood sa Las Vegas nun? Ayun, sobrang badtrip lang nila na winagayway pa nga ng isa ang kaniyang gitnang daliri sa harap ng press.

At kahit ang ilang mga Pinoy na nakasaksi sa laban na yun ay hindi makaget-over sa resulta nito. Aniya, dapat raw nanalo si Marquez nun.

At diyan din na-uso ang pagiging instant sports analyst ng karamihan. Nagiging aware sila sa mga naganap nun. Sobrang awareness nga lang kasi kahit tapos na ang isyu e pilit pa rin nilang pinag-uusapan ito. Ke... “Luto raw ang laban.”

Ganun? Sabagay, noong mga nagdaang taon din kasi e nasanay tayo sa mga laban ni Manny Pacquiao na panay pabor na pabor sa kanya ang resulta? Yung tipong nagnanaknak na ang mukha ng kanyang mga kalaban. Yung tipong nanana-knock-out niya tulad ng ginawa niya kila Miguel Cotto, Oscar Dela Hoya at Ricky Hatton. Noong panahon na bato-bato na ang mga nakakabangga ni Pacquaio tulad ni Joshua Clottey hanggang sa kontrobersyal na pagkatalo kay Timothy Bradley e parang unti-unti nang lumamya ang performance ni Pacquiao para sa atin.

Hmm... ganun? So ang lumabalas e tumaas na rin ba ang ekspektasyon natin sa mga laban ni Pacquiao, tama ba? Kaya tulad ng kasabihan na “too much expectation can lead to disappointments,” e ganun nga ang nangyari sa malayang demokratikong lipunan na sumusubaybay sa laban ni Manny?
Kaya ito lang naman ang mga napapansin ko na katanungan pagdating bukas, a-9 ng Disyembre, 2012 oras sa Pilipinas:

Titigil na naman ba ang takbo ng mundo ng karamihan sa mga Pinoy, mula sa mga trapiko sa kalsada hanggang sa mga crime rate?

Magiging “instant boxing analyst” na naman ba ang mga tao nito? (sabagay, walang masama dun. In fact, ito ang kagandahan sa isang demokrasya. Ika nga ng isang EP ng Word Of The Lourd, “lahat may kanyang kuro-kuro.")

O magiging interesado pa ba ang taumbayan sa kabila ng mga naglalakihang streamer at pakulo na may kinalaman sa labanang Pacuqiao-Marquez IV? Kung papansin kasi e hanggang trilogy lang tumatagal ang karamihan sa boxing. Ilang dekada na nga yata mula noong huling nakasaksi ang mundo ng matinding rivalry sa boxing. Kung hindi pa ako nagkakamali nun ay 5 serye pa ito umabot.
Ay, ewan ko lang ha.

07:44 p.m., 12/08/2012
Author: slick master | (c) 2012 september twenty-eight productions

Saturday, 23 June 2012

Sa sobrang luto ng laban....

(side A ng aking opinion ukol sa Pacquiao-Bradley series)

LUTO!!!!!


Yan ang sentimiyento ng karamihan ng mga boxing fans sa buong mundo noong nanalo di umano si Timothy Bradley kay Manny Pacquiao. Na-strip-off-an si Manny ng isa sa kanyang world-record 8 boxing titles sa kontorbersyal na pagkatalo nito sa Amerikanong boxer.

At walang kinalaman ditto ang pagkanta ni Jessica Sanchez sa panig ng Estados Unidos, ha? (wag shunga, mga pare)

Luto nga daw maituturing ang laban, e pano ba naman? Dalawa sa tatlong hurado ang nagbigay ng iskor na pabor kay Bradley, na tila taliwas ito sa mga nakapanood ng laban mismo. Mas lamang pa nga daw ang mga yakap ni Bradley kay Pacquiao. At sa majority ng mga parte o round ng laban e lamang daw talaga si Pacquiao. Ayon na rin yan sa iba’t ibang mga punch stats, pati na rin ang scoring ng media sa nasabing laban.

Teka, statistika ba ang usapan? Ba, ayon sa artikulo ng isa sa aking mga idolo ng si Quinito Henson, taliwas nga sa mga puntos ng hurado ang mga numerong lumabansa performance ng laban. Wala pa nga sa kalahati ng mga nagawa ni Manny ang kay Timothy, mula sa punches landed (253-139), percentage ng accuracy ng mga ito (34-19), more connected jabs (63-51) at power shots (190-108).
(source: Roach calls for investigation, pp. A-33 of the June 11, 2012 issue of The Philippine STAR)

Sa sobrang luto ng laban e nag-alburoto ang mga tao sa social networking sites, mula sa mga ordinaryong tao na first time gumamit ng Facebook hanggang sa mga celebrity na tweet lang ng tweet ng kani-kanilang mga blow-by-blow account sa buhay nila. Ang expresyon nila, pagka-dismaya sa resulta ng laban.

Sa sobrang luto ng laban, ang unang hininging bagay ni Freddie Roach, ang coach ni Pacman? IMBESTIGASYON. Ayon kay manong Freddie, dapat daw ma-expel ang mga huradong humusga sa laban na tila bumura sa malinis na record ni Pacquiao sa nakalipas na 7 taon. Pero hind isinisisi ni Roach ang Kano dun.


Ang kontrobersyal na resultan ito ay maihahambing sa laban ni Erislandy Lara at Paul Williams noong nakaraang taon. Naging majority ang desisyon noon pabor kay Williams bagamat mas nagpakitang gilas si Lara nun.

Isa rin ang dating world champion nasi Roy Jones sa mga nakaranas ng pandaraya sa boxing noong 1988 Seoul Olympics. Natalo siya sa final match bagama tna-awardan siya bilang Best Boxer.

At di mo akalain, ang isa sa mga numero unong tagatuligsa ni Pacquaiona si Floyd Mayweather Sr., dismayado din! Ayon sa tweet ng ESPN correspondent na si Brett Okamoto, maganda ang ipinakitani Bradley pero ang panalo ay dapat daw kay Manny.

Pati si "Golden Boy" Oscar dela Hoya, hindi sang-ayon sa desisyon. Dapat daw binigay ni Bradley ang belt at iprinokalamang panalo si Pacquiao, ayon sa kanya.

Sa sobrang luto ng laban, si Mommy Dionesia, humihingi ng rematch! At iba ito sa mga nauunang litanya niya sa kada pagkatapos ng laban ng kanyang anak. Kung maalala mo, laging humihirit ang matandang Pacquiao na mag-retiro na sana siya. Ba, na iba yata ang ihip ng hangin.

Pero sa kabilang pagkaluto ng laban, si Pacquiao, dito kahahanga, ipinapasa-Diyos na niya ang lahat. Ba, yan ang dapat.

At ayon na rin sa review panel ng World Boxing Organization (WBO), dapat nga nanalo si Pacman. In fact, unanimous pa nga ang boto ng mga ito pabor sa pambansang kamao. Bagamat kahit ganun pa ang lumabas, isa lang ang maskalap na katotohanan diyan: hindi na mababawi pa ang resulta ng nasabing kontrobersyal na duelo noong Hunyo 9, 2012.

Ayon na rin sa ilang beteranong boxing analyst tulad nila Ronnie Nathanielsz, isa sa mga “worse boxing robberies of all-time” ang labanang Pacquiao-Bradley.

Well, let’s face it. Kahit sa sports, may pulitika. May dayaang naganap, nagaganap at magaganap.Mula game-fixing scandal sa basketball hanggang sa mga tulad nitong “nakaw na panalo.” Kung tatanungin mo ang inyong lingkod kung kelan mawawalaang mga ito, ah… ewan. Bagamat mas masaya pa rinsana kung malinis ang resulta ng mga laro, di ba?

Author: slickmaster
Date: 06/23/2012
Time: 08:25 AM
© 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 10 June 2012

Why so upset on Manny’s loss, man?

Luto nga ang laban, kaso wala e. As in wala tayong magagawa dyan.

Alam kong sobrang badtrip ka nung natalo si Manny Pacquiao kay Timothy Bradley noong nakaraang Linggo. Hindi masama ang madismaya, lalo na kung masugid ka na tagahanga ng isang atleta sa sports. Kaw ba naman ang makapansin na mas marami pa ata ang yakap ng Kanong boxer kesa sa mga suntok mismo niya e.

Sa sobrang “luto” nga ng laban, ang daming naglabas ng matinding sama ng saloobin nito sa mga social networking sites, at isama mo na dyan ang tweet ng batikang sportscaster na si Ronnie Nathanielsz na tila nagpoprotesta ito. Ayon sa kanya, kahit ang mga estudyante sa k-12 e alam na panalo si Pacquiao sa laban na iyan. Kaya nung lumabas ang resulta e parang ninakawan daw ang dating nito sa pambansang kamao.
Sabagay, hindi naman natin masisisi ang pananaw ni Manong Ronnie dyan. Pananaw niya yan e.

Ika nga ng isang TV commentator na si Teddy Atlas, boxing is a corrupt sport. Actually, sa kahit anong sport naman ay nag-eexist ang corruption e, by all means of dirty politics man yan, game fixing scandals, off-sport issues, etc. Hindi na bago ang mga ito. Kung aalamin mo ang mga ganitong bagay sa larangan ng pampalakasan, pustahan, marami kang matutuklasan.

Pero alam mo, dito ka rin hahanga kay Manny kahit sa mata ng karamihan sa atin e nalamangan siya. Ipinakita niya ang pagiging sportsmanship. Tila maluwag itong tinanggap ni Pacquiao. Nakakapanibago ba? Sabagay, nagbabagong buhay siya e.

Kaya siguro nauso ang hashtag nun na #MannyPacquiaoIsStillTheWorldsBest. Sabagay, marami naming napatunayan si Manny. Isa na siyang alamat sa larang ng pagboboxing. Aabutin pa ng siyam-siyam bago maalpasan ng sinuman ang record na ginawa niya. Dun pa lang, marami na siyang napatunayan. At ang mga talong tulad nito? Nah, maliit na bagay na lang yan. Pero sabagay, pride din kasi ng bansa ang isa sa mga nakataya din e. At, come on, either way naman kikita pa rin si Pacman e.


Losing is part of being a winner. Sa madaling salita, natural lang na natatalo ang magagaling na tao. After all, tao pa rin naman sila kahit sobrang taas na ng tingin at paggalang natin sa kanila. Halos wala yang pinagkaiba sa feeling ng natalo ang idol mong si Kevin Garnett sa mga tropa ni LeBron James, o di naman kaya ay…. (ito, para Pinoy naman ang dating) pag natalo ang paborito mong Brgy. Ginebra sa isang panibagong crowd favourite na B-Meg Llamados. Yan ay unless kung either iba ang kinakampihan mong koponan o di mo lang trip ang manood ng PBA.

O kung bibira ka pa na bakit ang mga tulad ni Bradley na ang linis ng record e tila wala naming beses na natatalo sila ah. Tol, hindi naman kasi lahat ng pagkatalo e magrereflect sa record mo. May mga pagkakataon na panalo ka nga sa ganito, e talo ka naman sa ibang aspeto ng buhay mo. Mas matindi yun. Talagang may pagdadaanan ka.

Kaya bakit nga ba tayo bibira sa Twitter na nahimatay daw si Mommy Dionesia dahil wala na itong Hermes na maiuuwi? Laughtrip ang dating, pero…easy, baka magalit ang ale, ha? Sabagay, lagi naman siyang laman ng ilang napapanahong jokes minsan e. Pero, tol, respeto pa rin.

And speaking of jokes, ba, tama din kayo. Idaan na lang sa laughtrip ang pagkabadtrip. Tulad ng mga ito.
photo courtesy of:  https://www.facebook.com/pages/Pinoy-Laugh-Page/147338178666849   
photo courtesy of the watermark text displayed at the lower left portion of this photo
photo courtesy of 9GAG
Pero, tama na ang pagsakay sa bandwagon. Mag-move on na tayo. Tumunog na ang bell, inanunsyo na ni Michael Bufford ang resulta. Naka-wheelchair na si Bradley sa press con. Hindi ka pa kuntento? Mamamatay din yang isyu na yan. Kaya bakit ka pa maglulupasay at magrarant diyan sa Facebook at Twitetr mo?

Move on na kasi, parang hindi ka naman sanay sa mga heart-breaking moments oh!
author: slick master | date and time: 06/11/2012, 07:23 AM