Showing posts with label mindset. Show all posts
Showing posts with label mindset. Show all posts

Wednesday, 2 January 2013

Nakakabobo.


10:22 a.m. 01/03/2013

Ang blog na ito ay may halaw na konspeto at inspirasyon sa kantang “Bobo Song” ni Marlon “Loonie” Peroramas.

Sadya bang ganito na ang panahon ngayon? Ang daming saliwa. Mga bagay na nakikita ay sobrang taliwas sa mga bagay na minimithi ng bawat isa? Kada araw na lang, paulit-ulit na... kaya ayun, nakakabobo na nga.


Una, ang buhay ng isang tipikal na pamilya sa lipunan ngayon ay mahahalintulad sa isang telenobelang ipinapalabas sa telebisyon? Na laging may bida, kontrabida at sandamukal na mga extra? Isama mo pa ang pinapaikot na kwento (oo , lagi na lang). Dumarating sa punto na sobrang marahas na ang ginagawa ng mga taong ayaw sa bida, at ito naming si bida e pa-underdog effect? Maghihiganti nga pero kailangan pang masaktan ng matindi?

Mga Juan Tamad kung maituring. Nakatutuok na lang sa mga dramang palabas, imbes na tutukan ang sinasaing na bigas.

Mga Pilipino nga, pero mas tinatangkilik pa ang mga banyagang bagay kesa sa sariling atin. Mga self-proclaimed na Kayumanngi dati pero itinatanggi na para maging wannabe chinito at chinita. Akala mo namn, bagay sa kanilang itsura.

Mga tipong pumapasok na lang sa eskwelahan pero walang natututunan. Kaya ba madalas ito rin ang dahilan kung bakit tinatamad na ring mag-aral ang mga estudyante? Maliban pa sa “baon” na lang ang dahilan kung bakit kahit papaano e sumasaya sila?

Ni hindi na yata natin alam kung may linya pa ba na naghihiwalay sa magkaibang mundo ng showbiz at pulitika sa ating lipunan. Ang artista ay may kaakibat na okupasyon na pagiging “public servant (kuno)” pagdating ng pangangampanya at lalo na pag nanalo siya sa halalan. Meron din naming mga nakaupo sa pwesto na inookupa ang mga entablado na dapat sana ay nakalaan para sa mga taong umaarte dun.
Ito nga rin ang panahon na para ang isang tao ay sumikat e, ‘wag mong ipakita ang talent mo. Ano ang dapat gawin mo? Magpakita ng akto ng katangahan at pakapalin ang mukha (at patatgin ang loob) sa darating na batikos at pangungutiya sa iyong harapan. Uso kasi e.

Mas mahilig pa nga yata ang karamihan ng mga tao sa tsismis kesa sa atupagin ang mga takdang gawain sa kani-kanilang mga bahay at kaniya-kaniyang mga buhay, mula sa magkakapit-bahay hanggang sa mga balita sa showbiz, walang pinapalagpas. Mga naganap kina Aling Nena, pinag-uusapan nila Manang Sonya sa halip na pansinin ang kaniyang mga labada.

Tapos ang mga tumatangkilik naman ng mga nakakabobong palabas na ito e sumusunod na lang sa agos, kahit alam na nila na hindi na tama. Nagpapimpluwensya sa mga nakikita, kaya ayun. Sing-tulad ni Coco Martin at Marian Rivera (at kung sinumang aritsta pa iyan) kung makapagdrama sa harap ng magulang.

At saka mo lang naappreciate ang mga bagay-bagay sa ating kamalayan kapag maganda ang resulta nito. Parang nagiging proud to be Pilipino ka lang kapag nananalo si Pacquiao sa mga laban niya. Naku, sino kaya ang niloloko mo, ‘no? At pa’no yan kung natatalo na ang pride natin, katulad ng 0-2 win-loss record niya last year?

Sa kabilang banda, ikaw naman ay natatakot. Takot mag-tanong, magpaulit, sumagot sa pagsusulit. Dapat ka nga ba matakot na gawin ang mga ’to, e tao ka pa rin lang naman, at kahit papa’no e hindi nagmamarunong? Matututo ka pa, ‘di ba?

Maraming aral ang kantang ito, na kung inaakala mo sa unang pagdinig e dini-diss o kinamumuhian niya ang lahat-lahat ng nasa popular na kultura at mainstream media (well, mali ka sa unang impresyon mo, tsong.). At nasasaad ito sa ilang mga linya nito.

Hindi porket Tagalog o nasa lokalidad natin e baduy na kaagad. At lalo naman hindi ka itataas ng pagiging Inglisero mo. Feelingero ka na nga, mas baduy pa tignan.

Hangga’t wala kang nagagawang hakbang sa bawat araw na lumilipas sa buhay mo, e talagang masa-stucked up sa mga bagay na sa tingin mo e nakakabobo. Ibig sabihin, ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong landas, at kung hindi mo babaguhin iyan, ikaw mismo ang biktima ng sarili mong katangahan.

“‘Di naman importanteng magpakadalubhasa, ang sa’kin lang naman ikaw ay malinawan.” Ibig sabihin? Hindi mo kailangan alamin ang lahat. Ang importante e may alam ka. (Malabo ba? Intindihin mo kasi.)

“’Wag na ‘wag mong gawing dahilan ang kahirapan. Maniwala, pero ’wag umasa sa himala. Wala pang nananalo sa lotto na ‘di tumataya.” Sabagay, may kasabihan kasi na choice mo mamuhay sa kung saan mo gusto. Kung ginusto mo maging mahirap, e magiging mahirap ka talaga. At hindi ko tinutukoy dito ang mga materyal na bagay lamang ha? Okay, sabihin na natin na, “Oo nga naman, lahat naman kasi tayo ay naghihirap din e.” Pero huwag kang umasa na isasalba ka ng iyong panalangin kung wala ka naming ginagawang hakbang para mairaos ang iyong buhay. “Hindi porket mahirap ka e hanggang d’yan ka na lang.”

At walang masama magtanong (basta sensible na tanong ha?) kung ikaw naman ay namomroblema sa kung ano ang dapat gagwin mo? “Tandaan, Mas masahol pa sa bobo ang bobo(-ng) nagmarunong.” Magmamarunong ka pa, e bobo ka rin naman! “Kung ang pag-iisip para sayo’y nakakangawit,
Ibenta mo ang utak mo kung’ di mo ginagamit.”
Siyempre, gamitin kasi ang utak, no!

At hindi porket lahat ng mga nakikita mo sa TV e tama na rin para sa iyong kamalayan. Huwag kang magpadala sa mga bobong palabas, kommersyal, at ultimo ang mga personalidad na nakikita mo sa tinatawag na “idiot box.” Lalo na kung buong araw kang nakatunganga sa harap niyan.

Kung lahat na lang ng nakikita mo e nakakabobo… e di ikaw mismo gumawa ka na ng hakbang para baguhin ito. At least, simulan mo iyan sa sarili mong gawin sa buhay.

Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Monday, 17 December 2012

The end? WEH.


Sinasabi na sa Disyembre 21, 2012 magkakaroon ng mala-apokaliptong kaganapan sa mundo. Kung iba ang tatanungin, magugunaw daw ang mundo.

Hmmm.... ano na namang kabalbalan ito?

Kabalbalan ba kamo? May mga patunay raw, na base sa siyensa at relihiyon.


Ayon sa mga propesiya ng mga Mayan, nakatakda na magtatapos ang kanilang kalendaryo sa ika-21 ng Disyembre 21, 2012. Pinag-aralan ng nasabing sibilisasyon ang mga bagay-bagay ayon sa siklo ng araw.
Isa naman sa mga prediksyon ay ang mga nagaganap na kalamidad. Mula sa hurricane sa bansang Amerika hanggang sa matinding pagyanig sa Japan, at sa mga matitinding pananalasa ng mga kalamidad sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas.

Isa pa? Ang mga prediksyon mula sa Merlin, ang libro ng Revelation sa Bibliya, at ang Chinese oracle na I Ching na nagpapahiwatig ng kung kelan magtatapos ang panahon ng sibilisasyon.

Hmmm... ganun?

Meron pa. Ang mga hula ni Nostradamus.

O, ano naman meron dun?

Marami kasing nagawa na mga propesiya si Nostradamus. Andiyan ang mga posibilidad ng mga paghhasik ng lagim, ke digmaan man at kalamidad ang usapan, ang mga bagay na nangyayari sa kasalukuyan.**

Pero.... teka muna. Di ba dati may mga hula na rin na magtatapos ang panahon natin sa taong 2000? 1998? 

O kahit sa Mayo a-21, 2011?

E kung ganun... ANYARE?

‘Wag kasi magpapaniwala sa mga ganyan.

Una, kung may pananampalataya ka sa Dakilang Mayliha, Bathala, o Panginoon (o kung ano pa man ang tawag sa “supreme being” mo), siya lang ang tanging may alam kung kelan ang panahyon ng panghuhusga sa ating mga tao. Ibig sabihin? Gawin natin siyang bahagi ng ating buhay. Ano pang sdilbi ng relihyon natin kung wala tayong paininiwala sa kanya?

Una-punto-kalahati, kahit wala namang sinasambang relihiyon, wala pa ring nakakaalam kung kelan mangyayari iyun. Yung iba dyan, baka ginagawang gimik ang judgment day para lang may sumapi e. Wag naman po ganun.

Pangalawa, alagaan mo kasi ang kapaligiran mo. Tapon ka ng tapon ng basura sa kung saan-saan e ang lakas ng loob mo naming isisi sa gobyerno ang lahat pag binaha ang lugar na kinatitirikan mo. E kung sabihin ko sa iyo na “ULOL! Ikaw rin gumawa ng ikapapahamak mo. Anak ng putang ina naman oh!”

Pangatlo, huwag kasi masyado magpapadala sa mga nakikita sa mainstream media. Anong konek? Ito lang yan. Ano ang mga nakikita mo sa mga palabas ngayon, maliban sa mga walang kwentang telenobela na lagi na lang pinapaikot ang istorya, at mga nilalang na handang pumatay ng tao sa ngalan ng pag-ibig? Masasamang balita. Isama mo na rin pala ang mga sci-fi movies na sadayang ini-inform ka lang na ganyan ang posibilidad na mangyayari sa ating mundo kapag patuloy pa tayo magloko. Kaya pumapangit ang nasabing genre kasi hindi maintindihan ng mga mababaw na nilalang ang kanilang tinatangkilik e. Tsk.

Pang-apat... Magpakatino ka na kasi. Ika nga nila, “Magbago ka na!” Self-explanatory.

At pang-huli... It’s all in the mindset. Baka sa kaka-isip mo na magunaw ang mundo, para tuluyan nga itong mangyari sa iyo (oo, sa iyo lang at huwag mo kaming idamay). Dumating ang araw na mag-break kayo ng syota mo, nang dahil dun magiging depressed ka at maaksidente ka, mawalan ka ng malay, maging desperado sa kakaisip na “wala na akong silbi sa mundong ito,” hanggang sa ma-deads. E kung ganyan lang din naman e hindi na rin ako magtataka. Tignan mo yung tao na naaksidente sa plane crash sa pelikulang “the secret”  at maging halimbawa sana sa iyo yun na masarap pa ring mabuhay sa mundong ito kung magkakaroon ka pa rin ng positibong pananaw sa buhay na bigay sa iyo ng Diyos at ng magulang mo.

Kaya sa totoo lang... isang malaking palaisipan, este, kalokohan ang END OF THE WORLD.

Bakit kalokohan? Simple lang. HINDI KASI AKO NANINIWALA DUN.

10:10 a.m. 12/18/2012
Author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

Wednesday, 17 October 2012

Walang Masama Sa Pagiging SINGLE

10/18/2012 | 12:28 a.m.

Oo nga naman. Walang masama dun. And same goes sa iba pang mga relationship status basta wala kang ginugulong ibang tao. Single man, taken, it’s complicated, o kung anupaman iyan.

At teka nga: 

Sino bang herodes na nagpauso ng isang maruming kaisipan na laging hilig tirahin ang mga taong pinili ang maging single?


Ang inyong lingkod ay ilang beses na naging biktima ng ganitong klase ng istupidong panghuhusga. Maraming mga tanong, marami rin ang mga pahabol na pasakalye kapag nalaman na single ka. Lalo na sa panahon ngayon na marami na ang nagiging batang ama, nag-aasawa, nagasasawa nagiging babaero, at kaunti naman ang nakakapagtapos ng pag-aaral at nakakakuha ng trabaho na nais nila. Que...
  • Bakit single ka pa rin? Magpapari ka ba? Actually, minsan ko na naisip yan. Pero dahil nagging pasaway na bata na rin ako, sa malamang, ilang sungay pa ang masusunog sa akin bago ko ituloy yan kung sakali. Pero katulad ng mga naglabasang kontrobersiya dati e may mga pari rin na may-asawa.
  • Bakit wala ka pang girlfriend? Sayang iyang kagwapuhan mo. At sa 5 taong nagsabi sa akin niyan, 4 dun, babae, at 3 dun, kaedad ko pa. On a flattering note... (sabay facepalm) oo nga naman, ano. Saying naman kung walang susunod sa lahi ko. Pero mawalang galang po –hindi naman po ako pogi ha. Anong saysay ng kasabihan na iyan? Minsan mas maniniwala pa ako sa kasabihan ni Choppy ng Porkchop Duo, na “pangit man at dukha sa paningin, naklabubuntis din.” At kung may pogi man para sa pananaw ko, iyun yung idol kong si Ramon Bautista, (ayon na rink ay Lil Coli, RA Rivera at sa brand na Nivea).
  • Wala ka pang napupusuan ha. Baka naman bakla ka? PUTANGINANG TARANTADONG ‘to. Kalian pa naging sukatan ng sekswalidad ng isang btao ang pagkakaroon ng partner sa buhay, aber?

Maliban pa dyan, may mga senaryo pa na tulad nito...
  • Single ka? Ang boring naman ng buhay mo. Mas malala pa kung malaman nila na sa haba-haba ng panahon na nabuhay ka mapahanggang ngayon, hindi ka lang single, virgin ka pa. Ang sa lagay ba e peer pressure?
  • Kapag wala ka ngang gurlaloo, e di masasabihan ka pa ng isa dyan ng 'tol, ang dami mong tsiks, wala ka man lang dun nadagit?Yun nga e. Sa dami nga nila hirap akong pumili. Ha! Ha! Ha!
  • Siyempre, ‘pag wa-partner,try mo naman magka-girlfriend, bro. Eh pa'no kung ayaw ko? Trip ko lang mambabae? O ‘di naman kaya ay wala talaga akong maramdaman. Maipipilit mo ba iyun sa akin?
  • At kapag nagka-girlfriend ka naman, sasabihin nila aymag-asawa ka na. Pucha, naintindihan ba ng mga putok sa buhong 'to ang mga pinagsasabi nila? Akala ba ng mga mokong at lokang ito na madali ang buhay mag-asawa?
  • At kapag kinasal ka naman, lalo na kung bago-bago pa lang, may bibira naman ng Bigyan mo naman ang magulang nyo ng apo.Putragis yan. Ano kala niyo sa amin, henerasyon ng baby-maker lang? Hoy, ang pagpapamilya ay panghome-makler na task. Hindi sa offspring lang, ha? Kayo na lang ang bumuo kung gusto niyo. Pft! And take not – lahat ng mga bagay sa pagpapamilya – mula sa family planning at sa proper sex positioning – ay may tamang lugar at panahon para gawin.
At iyan ang hirap kapag binubugbog ka ng mga ideya ng peer pressure, romansa at machismo. Hindi ito usapin kung single by choice o dahil no choice. Basta, walang masama sa pagiging single. May karelasyon nga, hindi naman masaya. May partner ka nga, under de saya ka naman. May katuwang ka nga sa buhay, kabit naman. At it’s complicated na nga ang buhay mo, wala ka mang ginagawa para ayusin yan. Hoy, gising!

Walang masama sa pagiging SINGLE. Kung may masama man sa mundong ito, yun yung mga maruruming utak na siraulo na mapanghusgang tanga. (best with sound effect of gunshot a la Isumbong Mo Kay Tulfo)

(This blog entry was also published at the community blog site Definitely Filipino dated 10/18/2012. URL : http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/18/walang-masama-sa-pagiging-single/)

Author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions