Showing posts with label Tirada Ni SlickMaster. Show all posts
Showing posts with label Tirada Ni SlickMaster. Show all posts

Wednesday, 23 July 2014

Tirada Ni SlickMaster: National Language Ban?!

7/12/2014 10:11:02 AM

Isang kagimbal-gimbal na balita na lamang ang gumulantang noong nakaraang (o kung masyado kang mapagbilang sa kasaysayan – ika-116) Araw ng Kasarinlan — pinapatinanggal sa kurikulum ng mga kolehiyo ang subject na Filipino.

The irony, ‘di ba? Mukha lang siyang nanggaling sa So What’s News, Abril Uno, at sa kung saang satire site.

Pero kung sakaling totoo at lehitimo man ito: ano, ang subject na yan, ipapatanggal mo? Gago ba kayo?! 


Kung totoo man na ipapatanggal ito, aba’y para mo na ring pinatay ang pagkaPilipino ng bawat tao, tutal yun lang naman ang nagsislbing tanda ng kilanlan natin bilang tao, dahil lahat naman ay hindi naman orihinal kundi either Oriental o Kanluranin na, maliban na lang siyempre kung ikaw ay nasa probinsya o taga-lungsod na pinepreserba ang pagiging makabayan; at walang masama dun.

Nagpapatawa yata ang CHED sa desisyon na ‘to ah. Ano ‘to? Ieechapwera ang Filipino language (and at the same time, pag-aralan ang mga gaya ng Ingles) para masabing “globalized” country tayo? Tangina, e global nga, sa larangan ng third world naman!

Naknampucha, patawa much ha?

Wala sanang masama kung pag-aaralan ang mga banyagang wika. Pero wag naman kalimutan ang national language natin. Aba, mas dapat nga rin buhayin ang mga tinatawag na “mother tongue” eh, tutal aminin man natin o hindi na hindi lahat ngmga nagsasalitang wikang Pilipino ay Tagalog (ewan ko ba kung sinong inutil ang nagpalit ng ganyang kataga; pero sa kabilang banda kasi, sabagay, yan ang nag-uugnay rin kasi sa ating lahi eh).

Pero, ang Filipino, ieechapwera mo sa college curriculum? Tol, iilan na nga lang ang umaangat sa antas ng pag-aaral (at mas kaunti pa riyan ang nakapagtatapos), tapos, ipapatanggal pa ba yan? Bakit, wala na bang pasensya ang mga tao dito para turuan ang mga banyagang nag-aaral sa ating bansa? Kung sa Japan nga ay mas pinaiiral ang Nihonggo o sa China ay Mandarin eh, bakit kaya dito, hindi pwede?

Dala ba ito ng pagiging utak-kolonyal natin, na porket Inglisero tayo ay angat na rin tayosa iba? Oo, sa mata nila, siyempre.

Walang masama sa globalisasyon, pero isang bagay palagi ang tinuturo ng ating nasyonal na wika: wag kalimutan ang sariling pagkakakilanlan ayon sa lugar na kinalakihan mo.

Oo, lalo na kung Filipino ka.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Sunday, 20 July 2014

"Saan Po Kayo Kumukuha Ng Kapal Ng Mukha?"

7/12/2014 10:31:08 AM

Ito ang narinig  mo sa State of the Nation Addres ng Kuya mo last year (Lunes yun to be exact, July 22, 2013).

Manila Bulletin, philipinenewscentral.wordpress.com

“Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?”

Hanep. Panalong soundbyte ah. Pwedeng gawing ringtone pag may nagtetext sa yo na alam mo na isang tiwaling tao, o manlolokong ex, o yung plastik mong kaibigan.

Parang minsan maiisip mo na lang: saan kaya may ganun? Wala sa tindahan eh, sa supermarket, o sa wet and dry market, o kahit sa mga underground shops, o warehouse na may illegal na droga?

Nasa ilalim kaya ito ng dagat? O nakatago sa mga magma ng bulkan, o nakabaon kaya ito sa sementeryong walang puntod? O baka naman sa outer space?

Pero seryosong usapan lang (as in pulitikal), lumabas ang ganitong tirada noong may pinapatamaan siya sa mga tila tiwaling ahensya noon (di nga lang ako sigurado kung DPWH yun o Bureau of Customs).


Pero, sa panahon na ito, akmang-akma yun ah. Oo, mararaming makakapal ang mukha sa lipunan natin, at hindi lang ito yung mga nakaupo sa alinmang opisina ng pamahalaan ha?

Minsan naiisip ko, masarap siguro itanong yan sa mga kupal sa ating lugar. Oo, yung mga tipon:

Kina-cut sa mula sa blind side tapos sila pa ang may ganang magalit sa ‘yo at hahamunin ka pang manu-a-mano oara pandagdag danyos. Tangina lang eh no?

Yung mga nagnanakaw sa kaban ng bayan (pero siyempre, sino ba namang aamin sa kalokohang yun), pati yung mga nanlalamang sa mga customer nila, pati na rin sa kapwa nila, yung namumulitika sa opisina. Yung mga tipong hindi pumasok dahil may sakit raw siya (pero actually, ang sakit niya ay “katam” — short for katamaran.)

Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?

Pero mas applicable ito sa mga larangan ng pamhalaan. Kasagsagan rin kasi ito nun ng pork barrel scam. Nakapagtataka nga naman, kasi yung mga snatcher, holdaper na mula sa mabababang antas ng pamumuhay ay nakukulong at nabubulok talaga sa kulungan (maliban na lang kung may taga-bail sila sa sindikato, o bata sila ng ilang kapulisan), tapos katiting lang ang nakukuha nila ha?

Kung ikukumpara yan sa mga high-profile? Wag ka, mga pare’t mare, parang hotel room lang ang detention facility nila. Tapos sikat pa sila lalo, kulang na lang ay tuluyang i-glorify pa ng mainstream media.

Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga ito?

Pahingi naman, nakakahiya naman sa inyo ha?

Author: slickmaster |© 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 11 June 2014

Pambansang Kahibangan

8/13/2013 4:24:01 PM

Uso pa ba ang salitang “pambansa?” O may saysay pa ba ang kasaysayan, pati na rin ang mga bagay na nagsisilbing sagisang ng ating bayan? O baka hindi niyo rin alam ang salitang “sagisag?”

Kung tutuusin, nagbago na ang panahon. Kaya nagbago na rin ang mga bagay na nakasanayan ng karamihan sa atin. Ang mga pambansang bagay na yan? Asus, sa Sibika lang yan tinatalakay. Hindi naman yan na-apply sa ating buhay at sa ating bayan sa ngayon.

Pero nakakahibang lang din e. Tulad ng mga ‘to. Taob pa nga nito ang mga saigisang nila Allan K (bilang pambansang ilong) at Diego (bilang pambansang bading) eh.

Pambansang Bayani


Maliban kay “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao, sinu-sino pa ba ang tinatagurian nating pambansang bayani sa panahon ngayon? Sila Rizal pa ba, kasama sila Bonifacio, Mabini, at ultimong si Ninoy Aquino? O baka naman ang mga modernong nilalang sa panahon ngayon tulad na lamang ng iyong paboritong artista sa pelikula, telebisyon at musika? O baka naman ang mga OFW dahil may naiaambag sila sa ekonomiya ng ating kasalukuyang kabihasnan?

Pero kung tutuusin, hindi isyu dito kung sinu-sino ang mga katulad ng ating mga naituring na "patriot" or rebolusyunaryong tao. Kundi uso pa ba sa panahon ngayon ang mga gawain na nagsisilbing "makabayan" tulad ng ginawa ng mga nabanggit sa naunang talata?

At oo nga pala, kung olats si Pacuqiao sa mga natitirang laban niya, bayani pa rin ba kaya ang turing sa kanya ng karamihan? Malabo lang kasi alam mo naman ang mga tao sa ating bayan, ipagbubunyi ka pag nanalo ka; at lalaitin ka naman kung palagi kang umuuwing talunan.

Pambansang bulaklak


Sampaguita.

Sure ka? Eh pansabit lang naman kay Sto. NiƱo o sa kung kani-kaninong rebulto o mga pigura sa simbahan ang Sampaguita ha? At pati na rin sa mga graduate ng isang pamantasan sa Maynila na simbolo ng isang graduation ritual. Ganun?

Tingin ko, hindi na napapahalagaan ng tao ang sampaguita bilang isang pambansang bulaklak. Alanaman yan ang ibigay mo sa iyong sinisinta, ‘di ba? Eh di nadagukan ka pa ng babaeng yan dahil sa tanong niya na “Ano ako? Santo?!”

Hindi sampaguita ang ating pambansang bulaklak, kundi rosas. Dahil yan ang mabenta sa merkado. Yan ang mas pinipilahan sa Dangwa, sa halos kahit anong okasyon ng taon, rosas. Kung hindi rosas, marami pang iba, maliban nga lang sa sampaguita na afford na afford mo naman e. ‘Yan ay kung una ay palasimba ka; at pangalawa, kung mabait ka sa mga bata.

Pambansang sasakyan


Jeepney, yung pampasahero of course, gawang Pinoy eh. At revolutionized pa. May mala-boom box na super surround pa ang sound system niyan. Kahit mukha siyang scrap metal, go lang. At yan ang mas madalas mong makikita sa halos kahit saang lugar sa Pilipinas, lungsod man o munisipal. Nasa Kamaynilaan ka man, o nasa probinsya.

Pero maliban sa jeep, meron pa ba? Maliban sa kuliglig at… teka, phase out na yata ang Tamaraw FX e.

Pambansang trabaho


Dalawa ito: kung hindi tambay, call center. At bakit ganun? Dahil marami na rin ang mga tambay at marami-rami na rin ang mga call center sa ating bayan. Walang masama dun sa huling binanggit ko, dahil ang problema nga lang ay yung nauna. Lalo na kung ang bukambibig niya ay "hayahaaaaayyyy...."

Pambansang subject


Kung tutuusin, hindi na yata ang mga asignatura na Filipino o  Makabayan ang pinakapaboritong subject ng karamihan. Alam mo kung ano? Recess.

Bakit? Dahil mas masaya pang kumain kesa sa mag-aral.

Putek, may usap-usapan pa nga na ibaban ang Filipino sa curriculum sa kolehiyo.

Pambansang tambayan


Ang Facebook. Mas marami pang oras na ginugugol ng tao sa pagpe-Facebook kesa sa mga mahahalagang bagay tulad ng magtrabaho o mag-aral, magsimba, gumala at kahit ang mga pangunahing kailangan ng tao na tulad ng kumain, matulog, tumungga ng alak, tumae, at kahit ang magsarili. Kaya ito ang pambansang tambayan ng mga tao sa Pilipinas sa panahon ngayon.

Kahit mga sikat na personalidad, bago sila lumipat sa Twitter at Instagram, sa Facebook sila nagsimulang maging aktibo. Hindi na ba kataka-taka kung bakit numero uno tayo sa mundo kung paramihan ng mga user sa social networking sites ang usapan?

At hindi na rin kata-taka kung bakit mas marami pang tao ang tinatamad na umalis ng bahay o kung aalis man ay tatambay sa mga mall na may wi-fi at sa mga computer shop; oo, dun pa sila mas lulugar kesa sa mga opisina, paaralan at kahit sa mga basketball court.

Pambansang musika


K-pop (eh?! I doubt it) at ang mga kabaduyan sa mainstream. Isama mo na rin ang mga “tunog-jeepney na rap,” ayon sa mga kaibgan kong commuter. Walang masama dito, maliban na lamang kung magpapakasasa ka sa mga romantikong konsepto na tunog sa kahit anong genre pa yan.

Saka hindi patay ang OPM. Try mo kayang makinig ng indie. Speaking of which…

Pambansang usapin


Ay, matik na yan… lovelife na ang sagot d’yan. Ang daming problema ng Pilipinas, pero lovelife pa rin ang mas pinag-uusapan? Mabenta sa karamihan ng Pinoy e, may magagawa ka pa ba? Wala silang pakialam kung magtataas ng presyo ang mga bilihin (dahil “lagi naman eh” ang sagot ng iilan d’yan) o kung gaano ka-corrupt ang binoto mo noong nakaraaang eleksyon; dahil mas pinapansin ng mga Pinoy ang usaping lovelife, lalo na kung may koneksyon sa paborito nilang artista ang usapan.

Samahan mo pa ng kontrobersyal na bagay tulad ng away nila sa loob ng kwarto ng kanilang condo unit, o kahit ang sex scandal na inupload mula sa ninakaw na hard drive. Hay naku, may konek yan sa pag-ibig siyempre.

Pambansang palabas


Marami eh, may YouTube pa kung internet ang usapan natin dito. Marami kang pagpipilian, mula sa rap battle hanggang sa mga kontrobersyal na eksena, hanggang sa mga bulok na parody, hanggang sa mga sobrang gasgas na love story movie, at pati na rin ang mga replay clip, at music video ng mga baduy na mainstream artists.

Pero kung sa telebisyon lang ang sakop ng ating usapin ukol dito, wala nang tatalo pa sa mga teleserye. Oo, araw-gabi, panahon pa ng Hapon hanggang sa Panahon ni Macoy at mapahanggang ngayon, teleserye ang mas pinapatos ng karamihan sa atin. Kahit pinalitan lang naman ang mga artista, off-cam personnel at pamagat; at kahit pare-pareho lang naman ang mga commercial sa gap, mga anggulo ng camera, at generic na plotlines. Kumbaga sa Ingles, “same old shit.” Oo, parang tae lang.

Pambansang debate


'Di ko nga alam kung ano ang talagang isasagot dito e. Ang alam ko lang ay ganito: kapag pareho silang nagpapangalandakan ng kani-kanilang mga punto sa kanilang pinagtatalunang usapan, humahantong ito sa personalan na sumbatan tulad nito:
Pare A: “Tanga ‘pre. Hindi ganyan yan…”
Pare B: “Hindi, bobo ka e. hindi mo ba naiintindihan ang mga sinasabi ko?”

Hanggang humantong sa isang pisikal (o kung mas malala pa, patayan) ang isang maintin pero maliit na argumento. Hay naku, sino ba namang nag-aakala na may magpapatayan pa pala dahil lang sa ga-pisong halaga ng pulutan, yosi, o kung ano pa man yan?

Pambansang krimen


Sa dinami-dami ng krimen sa ating bansa, yung "riding-in-tandem" ang mas naglilipana. Kahit saan, tumitira, basta may motorsiklo lang. At siyempre, dapat dalawa kayo. mahirap nga naman kung isa lang ang aatake, ‘di ba? Eh 'di natulad ka sa mga nabugbog ng mga biktima at taumbayan sa kanilang pagkasadista sa krimeng iyong ginawa laban sa kanila.

Pambansang himig


Pusong Bato, at yung iba pang mga kanta na lagi mong naririnig sa radyo. Oo, hindi na nga “Lupang hinirang.” Sino ba naman kasi ang kakanta ng national anthem ng Pilipinas sa isang videoke? Kung sa mata ng mga kabaro mo yan, masabihan ka pa ng “abnormal” o “ano ka, kakanta sa laban ni Manny Pacquiao?”

Pambansang salita


Ang sagot diyan ay kahit anong mura, at sa kahit anong lengwahe o dayalekto pa yan. Pansinin mo, hindi natatapos ang isang araw para sa isang tao kung hindi niya mabaabnggit ang mga “tarantado,” “gago,” “puntanginamo,” at kung anu-ano pang msasakit na salita. Minsan nga kahit sa TV ay nakakalusot pa yan e. Kahit may MTRCB pa (“ito ay rated SPG…”).

Maliban na lang siyempre, kung ikaw ay disiplinadong personalidad sa media at yung mga santo talaga na pare at madre sa ating lipunan.

Pambansang gamit


Cellphone. Mas hi-tech, mas okay. Sa halos bawat Pinoy yata ay may cellphone na silang hinahawakan kesa sa pitaka o pagkain.

Pambasang kaaway

Mga tiwaling tao sa lipunan. Kabilang na rito ang mga kawatan, mga gahaman sa negosyo, mga alagad ng batas na mapang-abuso at mga pulitiko.

Isama na rin pala natin dito ang mga kontrabida sa paborito mong palabas. Yung tipo na pag nakita mo siya off-cam, susugurin mo at bubuhusan mo ng asido o sasagasaan mo ng pison. Lalo na kung kabit pa yung role niya sa relasyon niyo ng jowa niyo.

At may addition pa dito: yung mga tao na nagpapahayag ng mga opinyon sa Internet. Pag ayaw ng marami sa sibabi mo, pustahan, d'yan nagsisimula ang mga personal na tirada laban sa 'yo at tinuturing ka na rin na public enemy number one hanggang 'di ka mamatay-matay o hangga't di nila maamin ang kanilang kabobohan sa pamamagitan ng pagmu-move on.

Pambansang laro


Mga online game, o ‘di naman kaya ay yung mga app sa gadget mo. Wala na sa radar ng sinuman ang Pinoy Henyo. 'Pag oras lang ng Eat Bulaga‘yun.

Wala ring sinabi ang basketball o boxing (dahil t’wing laban lang ni Pacquiao uso yun) sa mga online games. Daig nga rin nito ang chess e.

Mas napapansin ko pa nga yata na marami ang naglalaro sa computer o cellphone nila kesa sa mga tulad namin noon na ang hilig ay agawan base, piko, sipa at kung anu-ano pang mga larong pambata nun. Ni habulang-gahasa nga, walang sinabi sa mga modernong laro ngayon e.

Pambansang sakit


Pati ba naman ito? Oo, meron yan, at ang sagot d’yan ay “katamaran.” Iyan ang tunay na ugat ng kahirapan. Maraming tao ang tamad, mas piniling maging tambay, hindi mag-aral, at lumandi hanggang sa magkalaman ang sinapupunan.

Sa katamaran din nagmula ang sakit na pagiging ignorante, mangmang at arogante ng karamihan. Mangmang dahil pinili nila maging walang alam, at arogante dahil ipinapangalandakan ang kanilang ka-ignorantehan.

Sa totoo lang, ito ang dahilan ng mga tinatawag na “cancer ng lipunan.” Tulad ng trapiko sa kalye, pamumulitika, korpasyon, at ang pagiging walang disiplina ng ating mga kababayan.

Talo nito ang mga tulad ng cancer, ulcer, stoke, heart attack at kahit ang osteoporosis; dahil ang katamaran ay tulad nila, isang lifestyle disease din. Isang lifestyle disease na ang tanging gamot ay ang idisplina ang sarili.

Pambsansang inumin


Alak, at alak lang. meron nga diyan ginagawang tubig ang mga alcoholic drinks e. Daig pa ang softdrink at juice. Pansinin mo, may mga tao sa ating lipunan na walang ginawa kundi ang tumungga buong araw. Tapos 'pag nagkandaleche-leche na ang buhay nila, isinisisi sa alak.

Parang mga gago lang e no?

Pambansang hayop


Hindi na tamaraw ang pambsang hayop natin. Alam mo kung ano? Apat sila – kung hindi baboy, e di buwaya. Kung hindi buwaya, e di pagong. Kung hindi pagong, eh… mamaya ko sasabihin. Tignan mo na nga lang ang mga katabi mo dyan e parang baboy na kung umasta. As in ang “swapang” lang niya. Ganid ba. Kung kumain, akala mo mauubusan ng pagkain sa hapag? Kung makalabas ng bahay, putik yung pinanligo sa katawan.

Sa modernong bokabularyo ng mga pakelamaerong Pinoy, ang buwaya ay tumutkoy sa dalawang aspeto. Kung sa basketball ang usapan, yan ay yung taong swapang sa bola. Hindi namamasa sa kakampi, sa kalaban o kahit sa referee. At yung pangalawa naman ay tumtukoy sa mga tiwaling tao sa larangan ng pulitika.

Sa totoo lang, nagtataka rin ako kung bakit dinagdag ko pa ang pagong dito e. Siguro, dahil na sa pamabasag-linya na “Kwento mo sa pagong!”

Ay, may pang-apat pa pala no? Ano yung huling pambasang hayop? Yung ex mo. Kaya nga minsan nauso ang joke na ito e:
Tanong: Anong hayop ang nagsisimula sa X?
Sagot: eX-boyfriend!
Hay, naku.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Tuesday, 13 May 2014

Tirada Ni SlickMaster: The Racist Owner

5/13/2014 3:07:28 AM

So nalagay na naman sa alanganin ang National Basketball Association (NBA) matapos ang kontrobersyal na remark mula kay Donald Sterling, ha? Siya lang naman, na nagmamay-ari ng Los Angeles Clippers, ang nagbitaw ng isang “racist” na statement ukol sa mga “black people,” o sa madaling sabi, maiitim.

Paano nga ba siya na-ban sa NBA at pinagmulta ng tumataginting na 2.5 million dollars?


Ayaw n’ya kasi pahintulutan ang kanyang gelpren na magdala ng mga ganung uri (o race) ng tao sa kanyang mga laro. Ayon ito sa isang recording na nakuha ng celebrity gossip site na TMZ na naglalalam ngkanilang pagtatalo ukol sa pagiging… black.

Kung di ka kumbinsido, pakinggan mo na lang ito. Mahaba-haba nga lang, at naka-transcribe pa ‘to para maintindihan mo (kaya wag kang magrereklamo na tinatamad ka).



Sa ilang katiting na segundo ng kabuuan na siyam na minutong recording na ‘yan naging basehan ang lahat-lahat ng reaksyon mula sa mga NBA player hanggang sa mga ultimong kilalalang personalidad sa larangan ng pulitka at entertainment.

Oo, ultimo sila Snoop Dogg at US President Barrack Obama ay nabagot sa sinabi ni Sterling. At sino ba nga naman ang hindi, lalo na’t isa sa mga adbokasiya ng NBA mula noon pa man ang pakikibaka laban sa racism o racist discrimination?

Take note, ha? Hindi lang sila LeBron James, Kobe Bryant, mga nagretiro tulad ni Baron Davis, at kahit ang mga alamat ng laro na sila Magic Johnson, Shaquille O’Neal at Charles Barkley ang mga uminit ang ulo. Dahil kahit ang mga tauhan sa sariling koponan niya ay sukdulan ang pagkadismaya tulad na lamang ng point guard nilang si Chris Paul at head coach Doc Rivers.

Ano ‘to, sagot ni Sterling sa isang kasabihan noon na “white men can’t jump?”

Pero ang akto kasi ng page-generalize, at ultimo ang simpleng akto lang ng pagdidiskrimina sa kapwa mo ay isa nang malaking kasalanan sa lipunan, regardless kung ikaw ay sumasabay lang sa alon tulad ng mga mainstream patrons o isa kang taliwas sa nakararami tulad ng mga sinasabi nilang hipster. As in mas matindi pa ‘to sa ‘mortal sin’ kung tawagin, dahil hindi lang ito base sa relihiyon kundi sa pangkalahatang kamalayan na ng bawat tao.

Kaya nga naman inimpose ni NBA commissioner Adam Silver ang maituturing na pinaka-harsh na penalty sa kasaysayan ng larangan ng palakasan sa Estados Unidos na lifetime ban para sa 80-anyos na si Sterling, samahan mo pa ng pinakamataas na fine na allowed sa konsitutsyon ng liga ($2.5 million), at ito pa: pepwersahin ka na ibenta mo ang sarili mong koponan.

Saklap, ‘di ba?  Tatlumput tatlong taon mo yang pinaghirapan, pinagmanduhan; pero dahil sa katarantaduhan na binitawan mo sa gelpren mo (tsk, parang mistress ang datingan considering na may legal wife ka pa), na in return ay ni-record pala ang usapan n’yo saka pina-obtain sa TMZ, eh sinipa ka palabas ng isa sa mga pinakasikat na liga sa mundo?

Parang “early death present” ang datingan ah, considering na walong dekada ka na at tila ilang taon na lang ang ilalagi mo. Inaykupo.

Ngunit sa kabilang banda, ang isang pribadong usapan ay dapat nakatago na lang, ‘di ba? Wala itong pinagkaiba sa mga sex scandal videos na nirecord n’yong dalawa nooong panahon na nagha-honeymoon kayo, ke sa motel man yan o sa lehitimong hotel (as in nung honeymoon nyo mismo).

Subalit, sa kablang banda, hindi ito mahahalungkat kung hindi dahil sa advent ng teknolohiya ngayon. Isipin mo ha? Kaliwa’t kanan ang pahayag ng mga tao, ordinary man o prominente sa social media? At parang citizen journalism na rin ang datingan nito considering na mula ito sa recording ng babae mismo.

Ito lang ang mga maari nating matutunan mula sa kalokohang ito: ang racism ay isang malaking kasalanan na magagawa mo. Kaya ingat ka sa mga sinasabi mo, lalo na’t baka mamaya ay magkakaroon pala ito ng backlash mula sa ‘yo. Maaring resulta yan ng pangbaba-backstab ng iba laban sa ‘yo, pero alalahanin mo ha? Na minsan, ang mga akto ng tila ‘kamalasan’ sa mata natin, ay resulta lang din ng ating katarantaduhan.

At hindi lang si Donald Sterling ang racist na namumuhay sa mundo. In fact, lahat tayo ay racist, sa ayaw o sa gusto mo. Oo, kahit ang inyong lingkod, kahit ikaw na nagbabasa nito, kahit yang mga katabi mo, kamag-anak at kaibigan mo ay may pagkaracist – sa kanya-kanyang pamamaraaan nga lang, mula sa simpleng pang-aasar hanggang sa mabibigat na personal na panunumbat.

Kaya mag-iingat ka.

Author: slickmaster  | © 2014 september twenty-eight productions

Ang Mahiwagang Listahan

5/13/2014 7:04:09 AM

(Speaking of which, as of time na pinublish ko ito ay lumabas ang kontrobersyal na listahan.)

Ang mahiwagang listahan. Bow.

(Photo credits: Christian Esguerra/Twitter)
Pero hindi ito tula, ni hindi isang episode ng paborito kong palabas na anime na si Doraemon, kundi isa itong tirada (malamang! Dahil ano pa bang aasahan n’yo sa akin, ‘di ba?). Mula sa mga spekulasyon ng posibleng pagiging state witness daw, ngayon ay may listahan na siya. Aba, daig pa nya ang mga tindero at tindera, ano?

Ano ang nilalaman ng listahan niya? Mga pangalan daw ng mga opisyales na sangkot sa pork barrel scam na kung saan ang pinakapuno’t dulo ng lahat ay walang iba kundi ang lola niyo na si (drumroll, please) Janet Lim-Napoles.

Parang may-ari lang ng tindahan eh no? At yung mga nakapaskil na pangalan dun, mula sa mga staff member hanggang sa mga kongresista’t senador, ay parang mga may utang lang sa kanya, e ano po?

Pero bakit nga ba parang inaabot ng siyam-siyam ang pagsisiwalat sa usapin na ito? Nagkadevelopment na ang kaso nila Vhong, Deniece at Cedric lahat-lahat, sinamahan pa ng kontrobersyal na post ni Kris Aquino sa Instagram, at nanganak na lahat-lahat si Maya, nahalungkat na nga muli ang sigalot sa mga utol na Barretto (tangina naman, pwede bang gawing media blackout na rin ang isyung yan at hayaan na lamang sa mga programa na may kinalaman sa showbiz ang mga ganyang balita?), hindi pa rin nabubunyag ang dapat mabuyag?!

Sa totoo lang, hindi mo na rin masisisi ang tao kung bakit hindi sila nainiwala sa due process ng judicial department eh. Napakatagal ng prosesong yan, na parang Maguindanao massacre lang. Maiinip sila sa tagal. Baka mamuti na ang buhok ng apo nila lahat-lahat ay wala pa ring nangyayari.

Pero yan ang mundo ng pulitika, masanay ka na. Pustahan, sa panahon na magkakabukingan at magkakalaglagan na, hindi makukulong ang dapat makulong. Hindi rin masususpend ang dapat masuspend. 


At baka matapos na ang sesyon at termino ng mga taong nakaupo at magbago na nang tuluyan ang administrasyon ay baka hindi pa maresolba ang misuse scandal ng tinatawag na Priority Development Assistance Fund (sa madaling sabi, PDAF),na nagkakahalaga pa ng sampung bilyong piso; samahan mo pa ng pag-abuso sa fund ng Malampaya powerplant.

Ano pa bang bago?

Pag ka nabunyag na ni JLN, DOJ secretary Leila De Lima at Senator Panfilo Lacson ang sagradong listahan ba ay mababago na ba ang takbo ng ekonomiya sa atin? Mababago din ba nito ang takbo ng pulitika? Mapupuksa na ba ang katiwalian? Mag-aalburoto ba ang tao na parang People Power Revolution sa Epifanio Delos Santos Avenue (o EDSA, para maintindihan mo sa halip na mag-alubroto ka at magtanong na “yan ba yung kalsada sa Kalahang Maynila na laging matrapik?”)?

Walang katiyakan. Yan ang sigurado.

Pero dahil karapatan nating malaman ang katotohanan (kahit lintik nay an, inaabot din ng siyam-siyam yang jeskeng Freedom of Information bill na yan), sige na, hayaan nyo na magsiwalat ang bruha. Hindi naman siguro magsisinungaling at magpapanggap na “wala siyang nalalaman” this time kung in fact, may listahan na siya, ‘di po ba?

Sige, ibunyag na ang dapat ibunyag. Amin na yang listahan na yan!

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Friday, 25 April 2014

Tirada Ni SlickMaster: The "Legal" Scenes

4/25/2014 5:35:40 PM

Kagabi ay nagtrend ang mga eksena mula sa palabas na ito.


WOW. Astig. May sampalan na naman! May iyakan! Batuhan ng matitinding kata at linya na naman! At higit sa lahat – nagkabukingan na. Nailantad ang dapat mailantad.

Ayos pa nga ang hashtag nila eh Parang yung pelikulang pinagbidahan lang nila Paul Walker, Vin Diesel at The Rock.

Eh kaso… ano na?

Siyempre, mas susubaybayan na yan ng mga tao dahil sa mag kapana-panabik ang mga eksenang nagaganap. Mas maglalagablag ang mga tagpo. Lalo na kung palapit na ito sa duluhang bahagi ng kwento.

Ano naman ngayon kung may ganitong eksena?

Dahil dyan, bumenta na naman ang ratings. Naging laman na naman ito ng sirkulasyon ng news feed ng Facebook, Twitter at ano pa mang social networking site ang hawak mo.

Kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit maraming tao ang tila naghihimutok sa parehong awa, inis, galit at pagkalungkot.

Ano nga ba ang kayang iimplika nito sa ating kamalayan?

Na una, laging nag-eexist ang polygamy. Natural, dahil hindi naman lahat ng relasyon ay iisa lang ang dikta. Dahil rin sa magkakaiba rin naman tayong mga tao. At dahil yan, marami rin ang mga nagloloko sa mga partner nila.

At sinasalamin lang ng mga ganitong palabas ang magiging datingan nito sa bawat isa. Hindi sa sinasabi ko na mangyayari talaga yan (dahil lahat rin naman tayo ay may choice na mang-gago sa mga partner natin o hindi; at maari tayo ang gaguhin o hindi natin ito hahayaan), ang pinupunto ko dito ay isinasaad na ng palabas na ito ang dapat mong gawin bilang tao at bilang romantic partner – ke single ka man o married – sa hindi dapat gawin.

Kumbaga, nasa sa telebisyon mo na ang lahat ng posibilidad, at nasa sa iyo ang desisyon.

Pero, ito ang problema.

Nasi-stereotype na naman ang mga lalake bilang manloloko. Kaya minsan, tama rin yung isang naispatan ko sa Facebook at nagkumento ng “bakit panay lalake lang ang nagiging manloloko sa mga teleserye?”

Oo nga naman kasi, bakit kami lang? Parang ang perpekto naman ng dating ng mga babae ha? Ang sa lagay ba eh mga lalake lang ba ang may K na maging ‘jerk?’

Kung ganun, tanginang lipunan yan. Masyadong sexist o feminist ang datingan.

Saka isa pa. Ang ayos din tayong mga Pinoy, ano? Ayaw na ayaw nating nakakakita ng drama sa mga taong malapit sa atin pero pinagpipistahan naman natin ang drama ng mga tao sa telebisyon.

So, ano kaya yun? Pag may nagdadrama sa paligid mo, sasabihan mo ng “Putangina! Ititigil mo nga lyang kalokohan mo. Walang makikinig sa mga hinaig mo kahit maglupasay ka ng dugo! Gagang ‘to?!”

Tapos kapag nakakita ka ng isang eksena ng taksilan, ganito ang reaksyon mo:

“Galing talaga umiyak ni Jericho, ano?” o dili naman kaya’y “Shet! Magaling rin palang umarte sa drama si Angel Locsin ah!” o di naman ay “Ayan na! Tangina! Nagkabukingan na silang tatlo! Patay na!”

Ayos ah. ‘Di ba napapansin ng mga bugok na ‘to na kaya nga sila natuto magdrama ay dahil sa natutunan nila ito sa kapapanood ng teleserye? Mga hipkrito ampucha.

Sakai to pa ang mas malalang problema: masyado na tayong overpopulated sa teleserye, aprtikular sa mga ganitong tema, na tila wala na lang yatang inatupag kundi ang ipakita ang landian at samu’t saring karahasan (at kahit makipagtalo ka pa na “pucha! Mas bayolente pa nga ang sports tulad ng UFC at wrestling eh,” sasabihin ko lang naman dyan ay “at least ito kahit walang bayolente, walang namamatay, kung ikukumpara mo sa teleserye mo no na patayan ang bawat episode!” with matching “BITCH PLEASE!”).

Kung makikinig nga lang sana ang mga executive sa isang Jayson Benedicto na nagpanukalang “Less drama. More informative programs,” sa kanyang unang libro, baka mas masaya pa ang buhay at mas matiwasay ang ikot ng mundo.

Masyado na tayong nag-uumapaw sa teleserye. Kumbaga sa tubig, umaapaw na. At hindi ito information overload. Kundi, kardramahan overload.

Kaya tayo nagkakandaleche-leche eh.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Sunday, 20 April 2014

Tirada Ni SlickMaster: $30M o Misa?

4/17/2014 2:43:58 PM

Isang pasada na naman sa maiinit na tirada kahit sa panahon pa ng Semana Santa (eh wala eh. Mainit ang panahon eh).

Nadismaya si Cardinal Tagle sa mga kabataan. At ang pinakadahilan? Pera.

Iba talaga pag nagagawa ng pera ano? Pero sandali, di pa tapos ang storya eh.

Isa sa mga balita kasi sa Rappler ang pagkadismaya diumano ng arsobipso ng Maynila ukol sa isang tanong na binato niya sa kanyang Homiliya noong Linggo ng Palaspas. Aniya, milyong pera o misa?

And as usual, dahil relihiyon ang usapan, may mini-word war na naman sa cyberspace.

Ngaunit hindi na ako nagtaka kung bakit mas pinili ng mga kabataan ang $30 milyon.

Teka, may nakapagtataka pa ba sa desisyon ng mga bata? Sa panahon kasi ngayon na ultimo ang gastadorang henerasyon tulad na lamang ng mga bata ay nagpapakapraktikal lang naman kahit papaan eh. Obviously, yan talaga ang pipiliin nila. At walang halong kahipokrituhan yan, ‘di tulad ng mga tao sa sekta na pangharap nila ay gumagawa nga ng kabanalan, pero nuknukan din naman ng kasamaan pag wala na sila sa altar o simbahan (and please, hindi kailanman katanggap-tanggap ang excuse na tao lang sila at nagkakakamai sa puntong yun. Oo, alam kong nagkakamali, pero hindi naman siguro yung palagian eh no?).

Kung ganun man talaga ang sagot ng mga bata, wala na sigurong kinalaman ang kalandian nila rito. Siguro, ang ‘kalsalanan’ na maging sakim ang may kaugnayan. Sakim sa makamundong bagay tulad na lamang ng gadget, pamporma, o ultimong mga libro.

Di naman kaya ay nagkamali lang sa pag-intindi o pag-interpreta si Father? Kasi pwede naman maging argumento riyan ay, pipiliin ko yung pera, tapos idodonate ko sa simbahan? O maari rin na pagkatapos (pillin ang $30M) ay magsisimba ako para magpasalamat?

So ang sa lagay ba e makitid ang pag-unawa niya? Hindi naman siguro ganoon. Pero kanya-kanyang pananaw din kasi yan eh.

O di naman kaya ay… nagkamali siya sa pagbibitaw ng tanong? $30M o misa? Kung lalaliman mo ang dalawang matimbang na bagay na ito, masasabi na ang $30M ay obviously, pera o kayamanan o anumang makamundong bagay na maaring magpaligaya sa tao. Ang misa naman ay, ang pananampalatay mo sa Diyos (dahil ang misa ay isang akto ng panalangin o aktibidad na may kinalaman sa pananampalataya mo).

And let’s face it: yan ang problema pag tinanong mo ang mga tao gamit ang simile, hyperbole o alinmang malalaim na figures of speech. Hindi lahat makakagets niyan dahil ang karamihan sa mga tao sa lipunan natin ang parang swimming pool na 3 feet ang lalim – sa madaling sabi, mababaw. Ampaw lang ang kaalaman o pag-unawa.

I would think na posibleng nagkamali siya sa pagbitaw ng tanong.

To say na nagiging materyalistiko ang mga tao sa panahon ngayon ay maaring isang malaking katotohanan. Pero ang paghuhusga sa kanila ay hindi nakatutulong o ni hindi makakapagpadagdag sa status mo bilang banal. Ika nga ng isa sa mga turo ng mga isktriptura ang huwag humusga, di ba?

Kasi ang dating ay parang ganun eh. (Pero actually, kahit ako ay napahusga din bigla ah. Nah, maliban sa human nature eh I doubt na nasususnod ito lalo na sa estado ng relihiyon sa bansa.)



Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Sunday, 13 April 2014

BUWIS-IT (v. 2014)

4/14/2014 10:35:02 AM

Bukas ang pinakadeadline sa pagbabayad ng buwis.

Eh ano ngayon? Wala lang. Pinapalala lang naman nila, gamit ang kanilang nakakaka-LSS na jingle nila.


Aba, in fairness ha? May pagka-astig din.

Pero seryosong usapan lang, mukha talagang naghihigpit sila sa kampanya nila no? Matakin mo, ultimo si Punisher ay suportado ang galaw niya. Well, walang masama dun kung tutuusin. Obligasyon naman kasi ng bawat mamamayan na magbayad ng buwis eh.

Yun nga lang, sana naman kasi ay nasa tamang bulsa o kaban ito nalalagay. At maaring masabi na tapat naman kahit papaano sa trabaho niya si Commissioner Kim Henares. Ngunit, subalit at dapatapwat... yung mga nasa ibaba rin o yung ibang opsiayales ang may topak din kasi eh.

Nung minsan nga na nautusan lang ako sa BIR dati (nung panahon na rumaket ako bilang isang liason officer), ay nuknukan din ng sungit yung nakauspa kong officer.

Pero hindi ko sinasabi na lahat ay ganyan. Malay mo, either meron lang talaga si loko (merong topak! Ano kala mo, menstruation period?). Pero minsan kasi, nakaakinis rin na ibinabaling ng isang ‘to sa mga nag-aasikaso lamang ng mga binabayarang buwis tulad nbamin ang lahat ng ikaiinis nila sa buhay e. Kaya puwede bang itabi mo muna yang problema mo sa isang sulok at magtrabaho kang tangina ka?

Pero... masasabi bang napakarahas ng BIR sa kampanya nila? Mnaari, pero ganun talaga eh. Ito ang isa sa dalawang bagay na hindi mo kailanman matatakasan (maliban pa siyempre, sa kamatayan).

Kaya ganun na lamang ba ang angal ng mga taga-Philippine Medical Association at ultimo ang kampo ni Manny Pacquiao?

Kung tutuusin para lang yung kasabihan na “dura lex sed lex,” meaning.... ang batas ay marahas, pero yan ang batas. At ang pagbabayad ng buwis ay parang batas lang din – marahas lang talaga. Sa ayaw at sa gusto natin; kahit isipin natin na mas mahalaga pa rin na makakain ng tatlong beses sa isang araw kesa sa magbayad ng buwis.

Uulitin ko, sana naman kasi ay nilalagay na ito sa tamang kaban, at hindi sa mga ungas na pasimpeng dekwat ng bilyong halaga lang naman sa pork barrel, tapos pag nagkasakit pa ay sa buwis pa nating ito kukuhanan ng paggasta (actually yung detention itself pa lang eh, 150K na kada araw ang gastusin ayon nay an sa Philippine National Police).

Parang either way, olats pa rin tayo, ‘di ba?

Masasabi ba natin talaga na ‘we get what we paid for?’ Maari din, dahil sa karamihan sa atin ay hindi naman talaga nagbabayad ng buwis. At sinu-sino lang ba ito, maliban sa mga taong nasa middle class (aba, wag mong iismulin ang mga tulad nila, dahil kung hindi dahil sa kanila aba, walang ganung pondo ang gobyerno), at mga ilang prominenteng personalidad?

Sabi nga nila, THIS IS WHERE YOUR TAXES GO (or kung plural ang usapan, THESE ARE WHERE YOUR TAXES GO).

Screen-grab from WOTL EP DEATH AND TAXES
So, ang sa lagay ba ay sa illustrasyon lang ng pader na ito napupunta ang buwis natin? Kaya ba yung MRT natin ay bulok, ika nga ni Angelo Suarez? Kaya ba ganun na lang ang calibre ng mga imprastarktuka at serbisyong ibinibigay sa atin?

O masyado na rin akong namimilosopo?

Pero either way naman kasi no. Anyare sa buwis natin?

Hanggang drawing na nga lang ba talaga ‘to?


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Monday, 24 February 2014

Tirada Ni SlickMaster: Chismax Overload

2/24/2014 9:10:08 PM

Marami nang nagtatanong. Marami na rin ang nagiging instant na tsismoso. Ito na ang laman ng mga usapan at pati mga national news item. Tama, yan nga.

E sa loob ba naman ng isang buwan ay ‘yan ang maging laman ng mga sirkulasyon e, mula balitan hanggang sa social media.

Anak ng puta naman. Hindi na ba tayo nagsasawa sa mga iskandalo at tsismis? Di ba tayo nasusuraan sa pagiging makakapal ang apog ng mga ‘to?

Masyado nang over-hyped ang isyung ito. Sobra-sobra pa sa pagiging blown out of proportion.

At ito ang mas mahirap pa. Patayin mo man ang TV, ito naman ang magiging laman ng pahayagan. Alisinmn mo man ang papel, laganap naman sila sa internet.

At kahit hindi ka tumangkilik sa media sa loob ng isang araw, may isang pagkakataon pa rin na maririnig mo pa rin ito mula sa mga bungangera mong kapitbahay.

Unless kung nakapiit ka sa sariling kulungan at all-day forever alone lang ang peg mo.

Pero... tangina naman, nakakaurat na yan!

Sa sobra nang daming twist nito, para na siyang paborito mong teleserye – pinapaikot na lang ang kwento, bumenta lang sila. Kahit walang-wala sa ugnayan ang mga pangyayari.

At oo, para na rin itong pagkain – pagkain na hindi na kaya pang sikmuraan; as in nakakaumay na sa panlasa. As in tila isang junk food na ang lahat – as in literal na basura, pero tinatangkilik n’yo pa (oo, kayo lang. Huwag n’yo kong idamay mga supot kayo).

Ito ang problema: kikita ba ang Pilipinas pag patuloy pa ring pinag-uusapan ang tatlong mokong na ito? Aangat ba ang ekonomiya, maiibsan ba ang mabigat na daloy ng trapiko, magkakatrabaho ba ang mga desperado’t sawang-sawa na sa pagiging tambay, bababa ba ang presyo ng mga bilihin, at higit sa lahat, ikauunlad ba natin ang pagsubaybay sa mala-teleseryeng tagpo sa kani-kanilang mga asunto?

Anak ng puta naman. Let’s get fucking real here, ano po, mga itoy at ineng?

Marami pang mahahlagang problema na dapat pang pagtuunan ng pansin ang Pilipinas. Oo, seryoso. Mula pork barrel scam (bagay na hindi ka pwedeng magsawa kahit nakakaumay na ang pork barrel na yan), hanggang sa mga proyektong magpapaubos ng pasensya sa iyo sa daan hanggang sa mga kung anu-anong mas makabuluhan pa.

Pero ang pagpatol natin sa iyung ito ay patunay na isa tayong malaking ISKWATER. Tunog elitista ba ang datingan? Oo., dahil ganun talaga.

Tama ang mamang nagsabi ng “Poor people talk about other people,” at sa kaso natin, hindi lang tayo poor (in general). Eh ano? Kundi SKWATER na.

At hindi ito usapin ng pera o pinansyal ha? Sa utakan ang tinutukoy ko. Besides, ilang beses na ba nating pinuputakte ang mga ganitong klaseng isyu?

Sobrang babaw nga para patulan ang argumentong ito, pero ito rin ang patunay na sobrang babaw din natin as a whole. May gana ka pang makipag-usap ukol sa buhay ng ibang tao samantalanag nagugutom ang mga anak mo sa bahay? May gana ka pang makialam sa buhay ng paboritong artista sa halip na ang dapat na pinapakialaman mo ay ang trabaho mo?

Dito pumapasok ang ‘needs versus wants’ na sitwasyon. Mas gusto natin ang entertainment kesa sa mga bagay na makapagbibigay sa atin ng kaalaman.

Actually, ang entertainment ay ganun din naman, nagiging maalam ka. Pero iba ang kaalaman na dapat mong malaman kesa sa mga ampaw na bagay na tulad ng pangingialam mo sa showbiz. Magiging showbiz reporter ka ba tulad ng mga chikas sa beat ng dos singko at suyete kung magiging talakera’t tsismosa ka?  Magkakapera ka ba kung maging una ka sa balita ukol sa kanila? Eh wala ka ngang follower sa Twitter mo eh (anong konek? Siyempre, dun ang madalas na venue ng mga naglalagablab na balita eh).

Tama ang sinabi rin ng isa sa mga analistang hinahangaan ko, na ang ‘poor people’ ay mahihilig sa mga ‘entertainment.’ Sabagay, repleksyon nga kasi ito ng pagiging mababaw natin.

Tulad ng pag-patol natin sa awayan dati ng dating mag-asawang Kris at James, sex scandal nila Chito and Wally, at pati na rin ang bangayan ng mga mag-utol na Barretto.

As in SKWATER lang.

Basura.

Ampaw.

Kaya p’wede ba? Na tama na ’yan? Utang sa boundary naman oh!

Enough of excessive publicity, please?

Wala na dapat tayong pakialam kung may nagahasa pa si Vhong, kung chubby si Deniece, o na-demonize si Cedric ng media.

Eh sa totoo lang, hindi naman magiging malaking isyu ito kung:

Una, hindi gumawa ng kalokohan ang isa sa kanila; at

Pangalawa, hindi sila prominenteng nilalang? (pero teka, hindi naman sikat ang huling dalawang nabanggit ah.)

Oo, hindi nga sila kilala, pero dahil isa sa kanila ay sikat, damay-damay na. Alam nyo naman ang kapangyarihan ng media eh.

Dapat nga may media blackout na ukol dito eh. Pero... asa pa tayo sa ganun, no. Dito kumikita ang media eh – tama, sa mga konrotbersyal na bagay.

Bottom line, pagpyestahan man nga natin ang mga item nila, matatapos pa rin ang araw na kayo’y naka... NGANGA !

In short... olats.

Oo, huwag nyo ko idamay, bagamat nagbato pa rin ako ng statement of generalization...

KAYO LANG YAN.

Angal ka? Sipain kita d’yan eh.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 1 January 2013

Hip-hop Fan Kuno?!

01/01/2013 01:21 PM

REAL TALK. “90% ng rap battle fans ay walang alam sa hip-hop. Kaya ironic lang na sila pang nagsasabi na puro luto ang laban sa FlipTop. Pero on second thought, may luto nga, pero yung pangluluto ay galing mismo sa mga tao. Kasi kahit hindi kayo tunay na hiphop, kayo pa yung malakas mandikta kung sino dapat ang manalo. Kaya nagda-downgrade ng lyrics ang ibang emcees para lang kayo'y patawanin. Hindi ako gan'on. Hindi ako mag-aadjust sa inyo... putangina kayo ang mag-adjust sa’kin! At sa mga kapwa ko emcees, imbis na i-showcase nyo ang tunay n'yong talento at turuan ang mga tao, kayo pa mismo nag-eexploit at nanggagahasa sa art-form na 'to. Theatrics, antics, paggamit ng crowd sa kalaban, paggamit ng Props. Sa mga binanggit ko na yan, tangina walang kinalaman sa lirisismo at pagra-rap! At sa mga tinamaan na emcees, sorry... pasensya na mga p're. Joke lang mga putangina n'yo, wala akong pake! Kasi kung may English subtitles lang ang mga laban dito, malamang marami sa 'ting mamimintas. Kasi makikita ng buong mundo kung ga'no kabobo mga rap battles sa Pinas. At pasensya Anygma, kung sa tingin mo sinisiraan ko kumpanya mo... mali ka. Binabalik ko lang 'yung pundasyon at istraktura ng FlipTop kaya nga tayo may arkitekto sa sa liga. Ngayon ang pagsakripisyo ko sa round na to ay patunay na no match ka sa'kin sa pagra-rap. Kasi isa lang ang kabattle mo ngayong gabi, ako binattle ko ang lahat. Kasi isa ka lang parasite sa liga, period. Wala nang meta-metaphor Habang ako, i'm here to rearrange the scene parang movie editor. At sabi ni Dhictah dati, parang UFC daw ang FlipTop. Hindi! Ngayon, parang WWE na rin. Puro stunts, puro gimmicks para lamang mapansin!”

I’m just speaking based on observation, not as a legitimate fan of hip-hop. Aminado ako na maaring parte ako sa 90% ng mga hip-hop fans pero what’s even disgusting is yung the fact na majority sa naturang numero e sadyang nakikiuso lang talaga. 


Parang yung mga tipo na tutal nanunood ka naman via internet e try mo i-research ang mga bagay-bagay sa hip-hop. Making ka ng mga kanta, huwag lang dumedepende sa mga battle. Kung suporta ba ang usapan, parang nasa gawa din ba. Yung tipong binanggit ko sa aking blog dati na mga barbarong fans (baka masyado na akong brutal kong ilalahad ang mga iyun dito).

Siguro ito ang nagagawa ng pagiging adik sa panunood ng video sa YouTube. Nagiging instant fan ka nito kung sakaling naaliw ka at nagustuhan mo sila. Well, walang masama dun. Pero kung panay asa lang naman sa bagong upload at hindi mo naman talaga sinusuportahan ang kanilang adhikain dun, e fan ka nga ba talaga?

Parang ang tanong e… Real fan ka ba talaga, o sadyang bandwagon rider ka lang? As in yung nakikiuso lang. Sumasakay sa kung ano ang trending o porket everyone likes it, at masabing "in" ka din?

Isa sa mga naka-agaw ng pansin sa akin ay ang video ng FlipTop na ang laban ay Apoc versus Sayantipiko. Ang naturang berso na aking nabanggit sa unang parte ng blog na ito ay galing sa mga bara ng ikatlong round ni Apoc. Ang tindi lang ng mensahe na binanat niya.

Hindi sa pagiging arogante ng dating nito ha? Pero ang punto kasi nun ay may mga tao na tila barbaro na porket naaliw sila sa mga video ng FlipTop. Yung tipo na sa sobrang pagka-aliw ay ginagaya na nila ang anumang nasasabi ng isang nakikipagbanatan dun. 

At kung makapagdemand ng bagong video e akala mo sila ang nagpapatakbo ng ligang pinapanood nila.Ayos lang sana kung magtanong ka ng “May bago bang video na ilalabas kayo ngayon?” E kaso kasi ang mga mokong na yun ay parang mga boss kung makatanong e. Kung hindi may halong mura, sadayang bastos ang pananalita. 

Nakakalimot yata na nilalantad ng mga ‘to ang baho nila sa pamamagitan  ng pagpopost nila ng kumento sa YouTube o Facebook. (buti na lang sa Twitter kahit mas matindi ang away dun e sibilisado naman ang pamamaraan ng paglalahad ng bawat user)

Kaya ba nada-downgrade ang dating ng hip-hop sa Pinas, dahil sa mga ilang kanta na may beat na ginaya lang mula sa mga RnB na kanta mula sa banyaga? Mga mababahong lirisismo? Walang artform per se? 

Nahaluan na rin ba ng ideya ng sobrang kommersyalismo?

Hmmm… mahirap husgahan kung ako ang tatanungin (kasi nga hindi ko pa makukunsidera ang sarili ko na isang lehitimong hip-hop na fan). Basta ang alam ko lang e maraming magagandang musika na nalilikha sa underground at kasama na rin dito ang mga rapper na nakikipag-engage sa mga rap battle event tulad ng FlipTop at Sunugan. At para mas maappreciate mo ng husto, huwag lang pakinggan. Intindihin din ang pinapakinggan. Laliman ang pag-unawa.

At sa totoo lang, ang internet ay mundo para sa mga intellektwal, hindi para sa mga nagpapanggap na tanga. At laging may linyang namamagitan sa mga taong tunay na fan sa mga taong nakikiuso lang.

Para sa enjoyment niyo, panoorin ang naturang mensahe ni Apoc sa laban na ito sa FlipTop. (see 11:50 - 13:37)




Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Monday, 5 November 2012

Sila-sila Na Lang!

11/05/2012, 10:50 AM

 “Sila sila na lang!” Yan ang litanya ng magulang ko, at pati na rin ng ilang mga mamamayan na maalam sa mga maiinit na balita ukol sa magaganap na Midterm Elections sa Mayo 13, 2013.

Ano ba yan? Parang sila na lang ang magkakalaban at magkakapartido sa darating na halalan ha?

Oo nga e. Sino o sinu-sino ba ang mag-aakala sa ganito? Ang tatakbong mayor ay anak ni congressman? Yung asawa ni mayor, kakalabanin naman ang kabilang partido na tatakbo naming congessman? O gobernador, city councilor? Palibhasa may pangalan at kamag-anak na sa nasabing larangan e.

Pero matagal na kaya ang isyu ng political dynasty sa bansa. Oo, since time in memorial, p’re’t mare. Usong-uso na mula sa mga lungsod, at mas talamak pa nga ito sa mga probinsya. May mga pagkakataon pa nga na minsan, kung sino pa ang magkakadugo, sila pa ang magkakatunggali. E alam mo naman ang kalakaran d’yan. Sa ngalan ng kapangyarihan, may mga tao talaga na hahamakin ang lahat, makuha ang puwestong hinahangad.

At teka, ang pagkakaalam ko ay may tinakdang alintuntunin sa ating saligang batas na nagbabawal sa ganyan ha? Ika nga…

The state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may defined by law.

Iyun naman pala e. BAWAL, sa madaling sabi.

Pero ang sey naman nila dyan, “eh ang tao (mamamayan) din ang nagluluklok sa amin dito e.”

Hmmm… oo nga naman, ano? Tayo din kasi ang may kasalanan sa ganito, kaya ‘wag tayo basta reklamo ng reklamo. Kung tayo ay nagpauto sa mga patutsada ng pulitko, e talagang masasabi na tanga tayo. O kung mas partikular (dahil hindi tayo pwede na humusga sa pangkalahatan ng basta-basta lang), tanga ang karamihan sa mga botante. Sobrang laya ba kamo?

Pero may makikipagtalo diyan. Eh kasi sila na lang ang nasa listahan ng kandidato e. Kapag hindi naman tayo bumoto, wala rin naman tayong karapatang magreklamo.

Pero dahil sadyang pasaway tayo sa sobrang laya natin, buti kamo naiisip mo pa ang ganyan, ‘no?

‘De. Ang punto kasi dito ay kung may mga pulitko naman diyan na maprinsipyo sa mata natin, yung tipong makakatulong talaga sa pag-unlad ng lupang kinatitirikan natin, e yun ang dapat iboto. Bagamat ang masaklap na realidad lang kasi ay may mga tao din na may ganung kalidad, as in kwalipikado siya talaga… pero dahil sa pangalan o reputasyon ng mga kaanak nya sa pulitika, e talagang mapupunta siya sa alanganin sa ayaw at sa gusto niya. Bawal ang political dynasty e. May magagawa ba siya?

Meron actually, yan ay kung kaya pa niya maibaligtad ang ikot ng mundo. I mean, iwaksi ang tila stigma sa isyu ng dinastiyang pultikal. At paano mangyayari iyun? Maghintay siya na dumating ang panahon na siya na lang ang tatakbo sa ngalan ng angkan niya. ‘Wag yung tipo na ang erpat niya, tatakong senador; ermat naman niya, kongresista; tapos ang utol niya, vice mayor; habang siya ay planonaman sa pagiging alkade ng lungsod. As in all of the same time. Masyado naman tayong gahaman niyan.

One at a time lang, mga ma’am at sir. Alam ko gusto niyo maglingkod sa taumbayan pero bilang respeto na rin sa saligang-batas, sundin naman natin yun.

Author slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions