Showing posts with label showbiz. Show all posts
Showing posts with label showbiz. Show all posts

Sunday, 6 July 2014

National Addicted Artistic Snub

06/26/14 01:05:53 PM

Okay. So marami na namang umaalma. Hindi raw naging National Artist for Film si Ate Guy (wag kang ma-confuse. Si Nora Aunor lang naman ang tinutukoy ko.) sa kasalukuyang batch ng mga taong tinanghal. Sa madaling sabi, naechapwera siya sa pagkakataon na matawag na isa sa mga “Pambansang Alagad ng Sining.”

Paano nga ba nangyari yun? Ayon sa mga balita, at sa mga tropa ko na rin sa mundo ng media at pagba-blog (na obviously ay hindi ko na ring matatawag na “source” since kalap na kalap naman na ang balitang ito), nominado naman ang ate mo eh. Yun nga lang, drinop na ni Pangulong Noynoy Aquino ang pangalan niya sa pinal na listahan ng mga National Artist.

Ganun? Oo, ganun nga.

So, ano pang pinagmumukmok natin? Maraming anggulo na nagsasabing may halong pulitika ang motibong ito (ayon kasi sa mga spekulasyon, pati na rin sa mga politically-correct na rents-pa ko, ay loyalista raw si ehem, Maria Leonora Teresaaaaa, noong Marital law; to which nagretaliate ako sa isip ko: Kung ganun, eh bakit may naisapatan siya na litrato kasama si Ninoy Aquino? Ano 'to, lokohan?). 

Meron din namang nagsasabi na dahil daw ito sa character.

Pero... pulitika? Seryoso ka ba? Baka pinulitika, yun, pe-puwede pang maging dahilan ng anggulo sa argumentong ito.

Ngunit kung dahil ito sa iyu ng kanyang pangkalahatang karakter, o ang kanyang pagkatao (sabagay, dahil kaliwa't kanan rin ang isyu ng kanyang pagkaadik sa droga dati, lalo na nung US siya), parang hindi naman yata sapat na basehan yun para i-deprive siya sa kanyang karapatang maging Pambansang Alagad.

Teka, dahil adik siya, kaya siya tinanggal sa listahan? Dahil lang may history siya ng drug addiction ay hindi na siya pe-puwedeng maging national artist?

Aba! Eh hindi pala tayo naghahanap ng National Artist kung ganun. Kundi, National Perfect Human Being! At kahit worldwide pang gawin ang search na ito, magpustahan pa tayo: walang tatanghaling “alagad” na may titulo na ganun.

Masyado talaga tayong mapaghusga, kahit sa kapwa nating kalahi (kaya no wonder na isa atyo sa mga pinakaracist na bansa sa mundo eh). At sa sobrang pagpupuna, nakakalimutan natin na mali ang pamantayan na sinusundan para maging national artist ang isa.

Oo, mga tanga!

Anu-ano bang basehan para matanghal ka na National Artist? Di ba kadalasan niyan ay yung kung ano ang naimambag niya sa larangan ng sining, kasama na rin dito ang inudstriya ng pelikula? At alinmang isyu na labas sa usaping ito ay... malamang, echapwera na dapat.

At hindi man ako fan ng artistang yan, pero hindi porket may record na siya ng kaadikan ay ganap na siyang masamang tao. Bakit, ang mga nagsisimba ba rito ay mga banal na rin ba in an instant? Hindi naman, 'di ba? Nagmumura pa rin tayo pag tayo'y nanggagalaiti sa galit (minsan nga, nabibitawan pa nga ng mga mokong at lokang 'to ang mga salitang gaya ng “putangina,” “tarantado,” “gago” at alinpang mga kahalintulad. Sa madaling sabi, nakagagawa pa rin naman tayo ng kasalanan eh.

Bakit ang mga ibang tanyag na manlilikha ng sining, ke direktor man yan, artista, o ultimong manunulat sa larangan ng literatura, may kanya-kanya rin naman silang “problema” o “gawi” ah. Oo, parehong lokal at banyaga, may mangilan-ngilang sikat na artista ang aminadong may problema sa alcohol at/o drugs. Pero kahit ganun man, may pagkakataon na ginugunita pa rin sila ng mgha tao dahil sa kanilang naiambag.

Oo, ultimong ang namayapang si Nick Joaquin, ang pambansang alagad ng sining sa larangan ng literatura. (Sumalangit nawa.) Ayon sa libro ng batikang journo at propesor na si Crispin Maslog, sa kanyang librong Philippine Communication Today, si Joaquin ay mas nakakakapagsulat kapag siya ay nakainom. Mantakin mong may supply siya ng beer mula sa SMB noon eh. At ang siste, tsismis daw noon na kamuntikang maging endorser siya ng San Miguel Beer noong circa dekada '70  o '80.

Ilagay natin yan sa konteksto ng kasalukuyang panahon: ang batikang manunulat na yan, sa mata ng mga hangal at mangmang–may alam man sa literatura o wala–ay isa siyang “tomador,” o “tanggero,” o “lasinggero,” ay magiging Pambansang Alagad pa rin ba? Kung ganyan lang ang basehan natin, baka HINDI. Kasi masyado tayong naghahanap ng malilinis. Mga hipokritong tanga! Mali kayo ng paghusga.

Ngapala, bakit si ang ginawa kong halimbawa? Bakit hindi ang mga kabaro ni Ate Guy sa showbiz na nagaadik rin? O yung mga may problema sa behavior? Sa totoo lang din kasi, tama ang kasabihan na kung sino pa ang mga magagaling na personalidad ay siya pang mayhinaharap na matinding sigalot sa buhay. Oo, kahit bisyo pa yan.

Malamang, may malalim talaga na dahilan kung bakit hindi nagawaran si Nora ng National Award. At yun ang mas dapat nating talakayin.


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 17 June 2014

Senadong Loko-loko

06/13/14  03:51:10 PM 

Ito na yata ang kakahinatnan natin matapos tayong mauto sa kanilang mabulaklak na salita sa ere at markahan ang panagalan nila sa balota. Akala kasi natin ay may ibubuga talaga ang kasikatan nila pag sila'y niluklok natin sa kani-kanilang mga upuan sa opisina. Akala natin, may makukuha tayong kapaki-pakinabang para sa bayan/lungsod/lalawigan na kinagisnan natin, at sa mas mahalaga at malawakang sakop, sa buong bansa.

Ops, 'wag mo kong hiritan ng “'Wag mo kong idamay d'yan!” Tarantadong hipokritong 'to. May kasalanan ka pa rin dito dahil kabilang ka pa rin bilang mamamayan ng republikang ito.

Sa mga resulta ng eleksyon natin malalaman ang ganitong klaseng polisiya: “kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat.” Parang noong elementarya't high school lang, eh no? Pag may ginawang kagaguhan ang isa mong kaklase at pumutok ang butsi ng titser mo dahil dun (na mas matindi pa kapag siya ay nagkaroon ng menstruation period nun o dili naman kaya'y pag nag-away sila ng jowa o asawa niya), ay tiyak na matunog na sermon ang maririnig mo. Oo, kahit alam ko na pagkatapos ng “scolding session 101” n'yo ay pustahan—parang walang nangyari lang ah.

Pero balik tayo sa mga naganap (simpleng analogy o metaphor pa lang ay humahaba na naman ang usapang ito). May privilege speech na naganap, tapos nagtapos sa isang “song number.” At take note, sariling kumposisyon pa n'ya yun. As in daig pa niya yung mga artista na pangit na nga ng tinig pero 'wag ka, nakakabenta ng concert at CDs (ahhh... “[insert name of that kind of artist] WHO?!”)

Kaya nauso rin ang hashtag na “#BongPanes.” Asus, ang tagal-tagal na ng pariralang yan eh (maliban sa pagagamit ng pangalan bilang reference siyempre).

Yun nga lang, mabenta nga siya. Kaso sa pangungutya. Ano pa bang maasahan mo? Una, ang karamihan sa mga sentimyento ng mga netizens ay halos walang pinagkaiba sa tipikal na alingawngaw ng mga literal na ordinaryong nilalang (maliban pa yan sa dahilan na parehong klase lang ng tao ang tinutukoy ko). Sa madaling sabi, galit ang mga tao sa gobyerno—at yan ang masaklap na katotohanan, kahit may argumento rin na “bakit tayo magagalit sa kanila, eh dapat ay magalit tayo sa kapwa natin,” bagay na naiintindihan ko kasi may ganun din akong punto de vista.

Yan pa kasi binoto natin eh. Actually, pwede ko ring sabihing “n'yo” dahil hindi ko rin naman siya nilista gaya na lamang ng mga taong umaangal ng “wag ako, iba na lang.” Kaso maliban pa sa mga birahan ng “hipokrito,” kung generalization ang usapan, ay sorry na lang din ako. Damay-damay na.

Yan kasi napapala natin eh. Kung sino ang sikat, yun ang binoboto. Kahit wala pa siyang napapatunayan talaga. Basta matunog ang pangalan, ika nga ng isang telecomuunications company, go lang ng go.

Yung isa naman, nagprivilege speech din, kaso maliban sa mga panalong soundbyte na gagawan na naman ng mga tao ng kani-kanilang version ng rebuttal (take note: hindi mo kailangan maging sing-galing ni Dello para lang gawin yun. At sino si Dello? Manood ka ng ilan sa mga sinaunang video ng FlipTop nang malaman mo), ay isang napakaboring na presentasyon lang. Buti pa nga yung isa may soung number na pangkaraoke eh.

Alam ko, anak ng dating artista yan na naging presidente rin ng Pilipinas at ngayon ay alkalde na ng Maynila. Kaya siguro may kaugnayan pa rin ang dugong Showbiz sa kanila.

Pero, ayun, aarestuhin na raw sila. Ano ngayon? Aba'y ewan ko. Ngunit, aasahan ba natin na mananaig talaga ang hustisya na yun, sa lipunan na mararaming maruruming tao ang naglalaro, asa pa no.

Maari na ang punto rito ay ganun sana. Kaso magsisilbi na naman yun na leksyon sa atin (kabilang sa mga aralin na hindi natin magawang ipasa) na mangilatis sa pagboto sa mga kanidatong ihahalal natin. Oo, tama nga yung kuya mo, na hindi tayo nagpapadala sa mga tao na kumakanta lang. Kaso... eh?! Labo din nun eh. Kitam mo nga yung ibang mahahalagang batas at proyekto ayu inaabot na rin ng siyam-siyam.

Yan pa kasi binoto natin eh. Yan tuloy. Kung kaya lang magwikang Tagalog ng mag elitista at katutubo na taliwas sa kamalayang kinagisnan natin, baka ang masasabi lang nila ay “BOOM PANIS!” At malamang, mas pagtutunan na lamang nila ng pansin ang mga may katuturang bagay kesa sa kasalukuyang mundo ng pulitika na nagiging isa nang malaking moro-moro't sarswela.

Oo, ganun nga sila sa ngayon, kaso taob pa rin sila sa mga hit na teleserye sa panahon ngayon.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 28 May 2014

Huli Kayo, Balbon!

5/5/2014 8:30:42 AM

So may bagong balita na raw sa kanila, ano? Nahuli na raw si Cedric Lee, pati yung isa sa nga kasama nilang si Zimmer Raz noong isang lingo habang patakas kuno sa Samar.

At ilang araw matapos ang "nagbabagang balita" na yun, ay sumuko naman sa Camp Crame si Deniece Cornejo. 

Eh kaso, ano naman ngayon?

Ano na ang mangyayari sa atin? Magiging national item na naman ba ito, kasabay ng mga balita ukol ay Kris Aquino, ang panukalang gawing state witness si Janet Lim-Napoles (eh?), ang pagbisita ni President Obama ng Estados Unidos sa ating bansa, at ng kung anu-ano pa.

Oo, ultimo ang The World Tonight, ang isa sa mga pinakapremyadong newscast na kilala dati sa pagtukoy sa mga lehitimong “national issue,” nagging top story ‘to eh.  Pambihira naman oh.

Nahuli na si Cedric Lee, eh ano ngayon? Mapipilitan na bang sumuko ang dating chicks na si Deniece Cornejo nito, bagay na pinapanawagan ng kanyang lolo? Oo, itsura pa lang, chicks nga. Yun nga lang, dahil sa nangyaring iskandalo na kinabibilangan talaga niya, ni Lee ant ng actor na si Vhong Navarro, samahan mo pa ng trial publicity, eh talaga namang nagbago na ang tingin ng mundo sa kanya.

Pero, alam mo, sa panahon na inupdate ko ang post na ito ay nahuli na rin sila eh. At gumugulong na ang kanialng teleserye sa hukuman. Taray, baka daig n’yo pa ag programa ni Atty. Jose Sison nyan ah? Pero tangina naman. Ano naman ngayon?!

Nahuli na sila. Eh ano ngayon? Aamin ba ang gago? Asa. Nakangiti pa yata nung humarap sa camera eh. At kung ano ang kliyente, ganun din ang abugadang datingan ah. Naalala ko kahit na sobrang urat ko sa isyung ‘to, basta pag si Howard Calleja ang nagsasalita, eh di mapigilang mag-init ang tao (malamang, nababasa ko pa rin sa Facebook posts ‘to eh. Mabuti sana kung kayang i-filter muna ang mga pst na may kinalaman sa isyung ‘to bago i-hide).

Nahuli na sila. Eh ano ngayon? Tingin n’yo ba mareresolba ang isyung ‘to? Asa. Dahil para lang itong paborito mong teleserye na magkakaroon pa ng mahaba-habang twist para lang ma-prolong ang kwento (kahit wala naman kwenta talaga, in fact). Pambihira yan, ayos din ang mga “spin doctors” ng tatlong stooges na ‘to e no?

Nahuli na sila. Ang tanong, garantiya ba na mapapakain na ng tatlong beses sa isang araw ng mga Pinoy? Mapapapalamig ba nito ang nagdidiliryong init sa ating lugar? Magkakaroon na ba ng matiwasay na internet connection ang Pilipinas? At higit sa lahat…. Kikita ba tayo dito?

Nahuli na sila. Eh kaso, ano ngayon? Kung siya ay nahuhuli, eh bakit hindi nila ito magawa sa mga mas higit na most wanted criminal sa atin? Yung mga talagang pinaghahanap ng batas mula kay Palparan hanggang sa mag-utol na Reyes? Ano ‘to, palpak lang sa plano na magtago sila Lee sa kabila ng national spotlight na binato sa kanila na parang ang datingan ay naging Philippines’most wanted na rin sila?

Buti pa nga yung nantrip kay Kae Davantes last year, e nakalaboso din kahit may reward na 2 milyong piso mula sa Malakanyang eh, partida – hindi pa sila kabilang sa Most Wanted.

At buti na lang, hindi na rin masyadong pinansin ng national administration ang balita kay Lee, dahil at least pinagmukha nilang tanga sa puntong ito ang national media, na laging inii-sccop ang mga senseless na balitang tulad nito.

O siya, ano na? Nahuli na siya. Tama na ang kagaguhang ito. Move on move on din pag may time.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Monday, 24 February 2014

Tirada Ni SlickMaster: Chismax Overload

2/24/2014 9:10:08 PM

Marami nang nagtatanong. Marami na rin ang nagiging instant na tsismoso. Ito na ang laman ng mga usapan at pati mga national news item. Tama, yan nga.

E sa loob ba naman ng isang buwan ay ‘yan ang maging laman ng mga sirkulasyon e, mula balitan hanggang sa social media.

Anak ng puta naman. Hindi na ba tayo nagsasawa sa mga iskandalo at tsismis? Di ba tayo nasusuraan sa pagiging makakapal ang apog ng mga ‘to?

Masyado nang over-hyped ang isyung ito. Sobra-sobra pa sa pagiging blown out of proportion.

At ito ang mas mahirap pa. Patayin mo man ang TV, ito naman ang magiging laman ng pahayagan. Alisinmn mo man ang papel, laganap naman sila sa internet.

At kahit hindi ka tumangkilik sa media sa loob ng isang araw, may isang pagkakataon pa rin na maririnig mo pa rin ito mula sa mga bungangera mong kapitbahay.

Unless kung nakapiit ka sa sariling kulungan at all-day forever alone lang ang peg mo.

Pero... tangina naman, nakakaurat na yan!

Sa sobra nang daming twist nito, para na siyang paborito mong teleserye – pinapaikot na lang ang kwento, bumenta lang sila. Kahit walang-wala sa ugnayan ang mga pangyayari.

At oo, para na rin itong pagkain – pagkain na hindi na kaya pang sikmuraan; as in nakakaumay na sa panlasa. As in tila isang junk food na ang lahat – as in literal na basura, pero tinatangkilik n’yo pa (oo, kayo lang. Huwag n’yo kong idamay mga supot kayo).

Ito ang problema: kikita ba ang Pilipinas pag patuloy pa ring pinag-uusapan ang tatlong mokong na ito? Aangat ba ang ekonomiya, maiibsan ba ang mabigat na daloy ng trapiko, magkakatrabaho ba ang mga desperado’t sawang-sawa na sa pagiging tambay, bababa ba ang presyo ng mga bilihin, at higit sa lahat, ikauunlad ba natin ang pagsubaybay sa mala-teleseryeng tagpo sa kani-kanilang mga asunto?

Anak ng puta naman. Let’s get fucking real here, ano po, mga itoy at ineng?

Marami pang mahahlagang problema na dapat pang pagtuunan ng pansin ang Pilipinas. Oo, seryoso. Mula pork barrel scam (bagay na hindi ka pwedeng magsawa kahit nakakaumay na ang pork barrel na yan), hanggang sa mga proyektong magpapaubos ng pasensya sa iyo sa daan hanggang sa mga kung anu-anong mas makabuluhan pa.

Pero ang pagpatol natin sa iyung ito ay patunay na isa tayong malaking ISKWATER. Tunog elitista ba ang datingan? Oo., dahil ganun talaga.

Tama ang mamang nagsabi ng “Poor people talk about other people,” at sa kaso natin, hindi lang tayo poor (in general). Eh ano? Kundi SKWATER na.

At hindi ito usapin ng pera o pinansyal ha? Sa utakan ang tinutukoy ko. Besides, ilang beses na ba nating pinuputakte ang mga ganitong klaseng isyu?

Sobrang babaw nga para patulan ang argumentong ito, pero ito rin ang patunay na sobrang babaw din natin as a whole. May gana ka pang makipag-usap ukol sa buhay ng ibang tao samantalanag nagugutom ang mga anak mo sa bahay? May gana ka pang makialam sa buhay ng paboritong artista sa halip na ang dapat na pinapakialaman mo ay ang trabaho mo?

Dito pumapasok ang ‘needs versus wants’ na sitwasyon. Mas gusto natin ang entertainment kesa sa mga bagay na makapagbibigay sa atin ng kaalaman.

Actually, ang entertainment ay ganun din naman, nagiging maalam ka. Pero iba ang kaalaman na dapat mong malaman kesa sa mga ampaw na bagay na tulad ng pangingialam mo sa showbiz. Magiging showbiz reporter ka ba tulad ng mga chikas sa beat ng dos singko at suyete kung magiging talakera’t tsismosa ka?  Magkakapera ka ba kung maging una ka sa balita ukol sa kanila? Eh wala ka ngang follower sa Twitter mo eh (anong konek? Siyempre, dun ang madalas na venue ng mga naglalagablab na balita eh).

Tama ang sinabi rin ng isa sa mga analistang hinahangaan ko, na ang ‘poor people’ ay mahihilig sa mga ‘entertainment.’ Sabagay, repleksyon nga kasi ito ng pagiging mababaw natin.

Tulad ng pag-patol natin sa awayan dati ng dating mag-asawang Kris at James, sex scandal nila Chito and Wally, at pati na rin ang bangayan ng mga mag-utol na Barretto.

As in SKWATER lang.

Basura.

Ampaw.

Kaya p’wede ba? Na tama na ’yan? Utang sa boundary naman oh!

Enough of excessive publicity, please?

Wala na dapat tayong pakialam kung may nagahasa pa si Vhong, kung chubby si Deniece, o na-demonize si Cedric ng media.

Eh sa totoo lang, hindi naman magiging malaking isyu ito kung:

Una, hindi gumawa ng kalokohan ang isa sa kanila; at

Pangalawa, hindi sila prominenteng nilalang? (pero teka, hindi naman sikat ang huling dalawang nabanggit ah.)

Oo, hindi nga sila kilala, pero dahil isa sa kanila ay sikat, damay-damay na. Alam nyo naman ang kapangyarihan ng media eh.

Dapat nga may media blackout na ukol dito eh. Pero... asa pa tayo sa ganun, no. Dito kumikita ang media eh – tama, sa mga konrotbersyal na bagay.

Bottom line, pagpyestahan man nga natin ang mga item nila, matatapos pa rin ang araw na kayo’y naka... NGANGA !

In short... olats.

Oo, huwag nyo ko idamay, bagamat nagbato pa rin ako ng statement of generalization...

KAYO LANG YAN.

Angal ka? Sipain kita d’yan eh.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Monday, 3 February 2014

Tunay na Showbiz Couple - Drew and Iya

2/4/2014 8:21:25 AM

Kung ilalarawan ang mga tao sa panahon ngayon, para sa akin, ito ang tunay na showbiz couple. Tama... sila parang Drew Arellano at si Iya Villania ay isang tunay na ‘showbiz couple.’

Tama, sila nga (unli ka rin e no?). Bakit sila? Ewan ko. ‘De.


Isipin mo. Hindi ito sa usapin na kung gaano sila katagal sa isa’t isa. Alam ko, walang binatbat ang mga magkasintahang naghihiwalay ng dalawa o limang taon kung ikukumpara sa kanila. Ito? Halos, sampung taon bago sila magpakasal.

At alam ko ang birada mo – eh yung iba nga dyan ilang dekada nang nagkakasama tapos naghihiwalay pa rin eh. Eh ganun talaga eh, may magagawa ka ba maliban sa umastang tsismoso o tsismosa sa buhay nila?

Ang speaking of the wedding, gulat ka no? Nabalita ni Ricky Lo na ikakasal sila noong Disyembre 2013? Akalain mo, sila pa rin pala matapos ang mga taong nagdaan. Well, ganun talaga.

Ganyan naman talaga dapat ang mga relasyon e. Itinatago ang mga detalye na dapat ay isinasapribado. Okay lang siguro na sabihin na “uy, kami na,” o basagin ang mga tropa mong magtatanong ng mga tanong ukol sa lovelife mo. ‘Di ba makapaghintay ang mga ito na ikaw mismo ang magkusa na magkuwento?

Pero para alamin pa ng media at publiko ang mga blow-by-bblow account na pangyayari sa estado ng relasyon nyo? Nah. Di yan pagmamalaki. “SHOW OFF” ang tawag dyan! At ang tulad nila Drew at Iya, hindi ganun. PRIVATE, ika nga.

Eh, public figure naman sila ah. The public has right to know!

Yeah right, but these guys have the rights to remain silent either!

Miranda rights ba ang peg? Mali. Ang punto rito ay may karapatan sila na hindi isiwalat ang mga bagay na hindi na dapat pang pinapakialaman ng ibang tao. Kung may karapatan kang mangulit sa lovelife nila, may karapatan rin sila na basagin ang trip mo (at bakit ‘basagin ang trip mo?’ Eh baka naman sa pangungulit mo sa kanila e binabasag mo na rin ang trip nilang itikom ang bibig at magkaroon ng privacy).

Hindi sila yung tipong ‘tell-all’ na kailangan pang maging headline ng mga showbiz talk shows para lang mabulatlat ang mga bagay na gusto ng nakararaming mga ignorante at mangmang – ang mga mababaw na bagay tulad na lamang na mga bagay na may kinalaman sa entertainment.

At yung dalawa na nagpakasal sa Tagytay sa isang pribadong seremonyas? Patunay lang na sila ang tunay na ‘showbiz couple.’ Na nagpapatunay lamang na hindi kayang hadlangan ng mga tsismoso at tsismosa ang kanilang pagtitinginan.


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

Monday, 27 January 2014

Sabi Ng Isa, Sabi Ng Kabila

1/28/2014 12:57:11 PM

Nakakalito na. Mabuti na lang ay hindi ako bumibiyahe sa oras na sinusualt ko ito dahil sa malamang, kulang pa ang Bonamine at kung ano pa ang mga gamut na pangontra hilo para dito.

Pero nakakalito nga ba ang mga pinagsasabi nila? Sino ba sa kanila ang nagsasabi ng totoo?

O SADYANG ‘OVERLY BOLOWN OUT OF PROPORTION’ NA ANG LAHAT NG ITO? Tama, OA na kung sa OA.


Sabi ng isa, pumunta lang siya. Sabi naman ng kabila, inimbitihan.

Nasuntok ang sikat na artista. Na-opsital dahil dun. Ang bwelta naman ng kabila,nagtangka siyang manggahasa sa isang babae dun. At ‘citizen arrest’ lang ang mga nangyari.

Ito ang problema: kung nangrape si Vhong Navarro, bakit hindi nakalock ang pinto? Ano ‘to?  Na siya nakapagpigil? Ganun?

Citizen arrest lang daw ang nangyari? Pero ayon kila Cedric Lee, nagtatangkang pumiglas si Vhong kaya tinalian nila ito gamit ng duct tape.

Teka, saan nga ba ginagamit ang citizen arrest? Saka kung sasaklawan ang mga ito, dinadala sa presinto ang alinmang gumagawa ng katarantaduhan. Hindi ito sinasamahan ng kung anu-anong physical struggle. Ganun? Pero napakakumplikado lang, depende siguro sa sitwasyon kung paano ieexecute talaga ang citizen arrest.

Attempted rape ba? Pero teka, bakit hindi nagpamedico-legal si Deniece Cornejo? Di ba madalas na SOP sa ganun kung masyado kang nasaktan o masyado kang naharass, ke magpapablotter ka lang, nagpamedico legal pa?

Dahil inurong ba ang reklamo? Ganun? Nagpablotter ka pa. Pero sabagay, parang ang dating niyan ay sa susunod na magaganp ulit ang pagkakataong ito, ikaw ay masasakdal sa pangalawang pagkakataon.
Ganun? Pero still ebidensya mo pa rin eh. Preba.

Bakit hindi rin nagpamedico-legal si Vhong? Hmm, pero teka, ‘di rin ba sapat ang itsura niya sa ospital? O baka naman may hihirit ng “baka make-up lang yan.” At ang tell all interview niya? Alam kong nagdrama siya minsan, pero I doubt it this time around. Nah.

Yung anggulong attempted rape. Yung report dun, bias nga ba? Ewan ko. Maaring bobo din ba ang mga manunood? Mas maari din, considering na malakas ang kapangyarihan ng media. Madaling makapagpa-impluwensya ng tao.

Eh kung sa yun ang source nila eh. Ang tanong nga lang ay “pirma nga ba ni Vhong yun?” Sapat ba ang ebidensya ng mga litrato ng kanyang pagkakahuli diumano sa police station?

Kaya para sabihin na worst network ang siyete ay isang malaking kagaguhan. Ganun din sa side ng dos at singko, at kung ano pang network dyan. Network wars should be putted aside, at sinumang ogag na magsasabi na “asus! Dos versus Siyete na yan!” ay obiviously, isang gago. Palibahasa, nagpapakababaw. Nagpapakasasa sa mga bagay na nakikita nila. Palibhasa na-inject sila ng virus na kung tawagin ay “mainstream.”

Pero kung tutuusin, hindi sila bias. Ang problema dito ay ang media nga lang ang nagpapalaki ng isyu dito – at yan ang pinakatotoong pangyayari sigurado.

Maaring hindi nagsasabi ng ‘absolute truth’ ang magkabilang kampo at dinadaan sa abugado (and considering na ang alinmang nalalamn nila ay isasala pa at yung matitira ay yun lang ang tangi nilang pwedeng sabihin sa korte). Pero walang kasalanan dito ang mga abugado. Trabaho nila yan eh.

Maaring may tinatago ang magkabilang kampo, which is talaga naming nakakalito. Actually kahit sa hanay ng pulis, may magsasabing nakuha nila ang blotter, may nagsasabi naman na hindi nila ito natanggap. Labo pa rin, di ba? Pero again, kahit may pagkukulang sila sa senaryong ito, hindi sila ang tunay na may sala.

Biyernes lang ito nabalita, samantalang Miyerkules pa ito mismo nangyari. Ang tanong: anyare? Abkit ngayon lang? Ano ‘to, ang dating ay ‘may mapag-usapan lang?’

Naalala ko ang prof ko nun sa isang major subject: isa sa mga element ng pagbabalita ay ang ‘proximity.’ Meaning, dapat ay mabilis pa sa alas-kwatro ang maghahatid ng mga kaganapan. Kaya sa totoo lang, mukha na siyang panis (I mean yung balita) noong panahon na yun kung susuriin. Stale, ika nga.

Nah, pareho lang sila may mali eh. Pareho ring may tinatago. Pareho silang nagsusumbatan. Pareho lang silang nagbababuyan ng pangalan sa harap ng mga mata ng publiko, pati na rin ang mga tumututok sa social media. In other words, pare-pareho lang naman nila kayong ginagago eh (wag mo kong idamay dyan).

I’m not taking sides, pero dapat ma-settle na rin ‘to in such a way na sila na lang ang mas nakakaalam – tual nung nangyari naman ito ay sila-sila rin naman ang mga nagkakasangkutan eh (unless ilabas ang CCTV footage); habang sa totoo lang ay marami pang mas mahahalagang balita ang dapa ibinabalita pa kesa dito. Diversionary tactic ang dating eh. Mas mahalaga pa ring pag-usapan ang pork barrel scam kesa sa mga nangyari sa isang host ng Showtime.

Pustahan, ilang lingo magtatagal ang isyung ito. At dahil dyan, marami na  naman ang mga siraulong tatamad-tamad magtrabaho. At dahil d’yan... aabangan nila ang susunod na kabanata!

Nalito ka ba? Ako din eh.

Sabi ng isa, sabi ng kabila, ay pucha, nakakalito na! TAMA NA!


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 14 July 2012

Jawo and Dolphy: Ang mga natatanging alamat.


Legends die hard. They survive as truth rarely does.

Isa sa mga “Final Word Tonight” posts na nakita, nabasa at nalike ko sa Facebook page ng isang local na news channel kamakailan lang. At sa tingin ko, umakma ito sa mga nakalipas na pangyayari na may dalawa sa mga kilalang personalidad sa pampalakasan at pagpapatawa ang naging laman ng mga headlines sa mga balita. isang pasada muna sa pangyayari bago ito tuluyang lumipas.

15 taon na mula noong huling naglaro ang living legend na si Robert Jaworski sa Phillipine Basketball Association. At noong nakaraang Linggo, a-8 ng Hulyo, dinumog ng humigit-kumulang 15,000 katao, karamihan sa mga yan ay mga tagahanga ni Jawo, ang Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City para saksihan ang pormal na pagreretiro ng 1978 PBA MVP sa paglalaro ng basketball.
Si Robert Jaworski sa kanyang retirement ceremony.
Photo credit:  http://www.interaksyon.com/interaktv/video-robert-jaworskis-full-speech-at-his-jersey-retirement-ceremony   

Sa 23 taon na pamayayagpag niya sa hardcourt, kabilang si Jaworski sa mga pioneer batch sa PBA kung saan ay parte siya ng pinakatanyag na rivalry ng Crispa-Toyota. At 15 taon sa kanyang panahon ng paglalaro sa PBA ay naging kasapi ito ng Ginebra, na kung saan ay pinauso niya ang “never-say-die” spirit ng paglalaro. At sa 30 beses na nakatuntong si Big J sa finals, nakasungkit ito ng 13 kampeonato. Ba, ayos.
Hindi ko alam kung ito ba ay kauna-unahan o pang-ilang beses na sa kasaysayan ng liga na gawaran ng mga tribute at retirement ceremony ang isang manlalaro. Kasi sa mga nasasaksihan kong mga ganyang event sa TV, e madalas sa NBA ko napapanood. Yung huli, noong panahon pa ni Phil Jackson bilang coach ng Chicago noon.

Matakin mo ha? Maliban sa mga matitindi niyang galaw sa hardcourt at knotrobersyal na tawag at reaksyon e madalas raw na tinatanggap niya ang mga alok ng mga tagahanga na magpa-autograph sa kanya, at kahit ultimo ang magpakuha pa ng litrato. Ganyan ang pagmamahal niya sa mga tagahanga. Literally, never say die talaga mula pre-game hanggang post-game. Ayos di ba?

Ayon pa sa isang sports analyst na si Quinito Henson, na siya din ang naghost ng naturang event. Tila napaka-magical daw ang gabing yun ng pagpaparangal kay Jawo. Sa isang artikulo niya sa dyaryong the Philippine Star noong Hulyo a-10, ay talgang nagkaroon ng significance ang numero 7 sa karera niya bilang basketbolista. Numbers game ba kamo ang usapan?

At may mga spekulasyon na papasok ulit sa pulitika ba si Jawo? Hmmm... malalaman natin yan sa 2016. Nagpapraktis daw e ayon sa Dokumentado. Fencing ba yun kung tama ang napanood kong teaser? Haha.
Okay, speaking of July 10, fast-forward tayo sa petsang iyan na tila gumawa ng bagong marka sa historya ng mga pangyayari sa showbiz.

Isa sa mga alamat sa pagiging komedyante at actor ay tuluyan nang namaaalam sa mundo na ginagalawan niya matapos ang halos 84 na taon.

Nagluksa ang milyun-milyon na tago na napatawa at napahanga ni Rodolfo Vera Quizon, Sr. nang pumanaw ito sa oras ng alas-8:34 (o 8:40 sa mga ibang source ng balita) noong Martes ng gabi, 1 buwan at 1 araw mula ng makaratay ito sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center. Dito tuluyang nagwakas ang paglalakbay ng Hari ng Komedya sa 83 taon at 11 at kalahating buwan (15 araw na lang sana bago niya ipagdiwang ang kanyang ika-84 na kaarawan), at 66 na taon sa mga ito ay nilaan niya sa pagtatrabaho bilang comedian, entertainer, at aktor sa radio, teatro, pelikula at telebisyon.
Dolphy. Photo credit: http://www.balitangamerica.tv/wp-content/uploads/cache/29447_BnHover.jpg

Bumuhos ang taos-pusong pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Mang Dolphy, mula sa mga special report ng mga newscast sa telebisyon, nakarating sa New York Times ang mga balita, hanggang sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at iba pa. Naging pinakatrending topic pa nga ito sa Twitter noong gabing iyon matapos ang kaliwa’t kanag tweet mula sa mga kilalang perosnalidad mula sa pagbabalita, musika, showbiz, at kahit sa mga tagahanga. Nagumapaw din ng mga tribute sa Hari ng Komedya mula sa videong pinapalabas sa TV hanggang sa mga blogs ng iba’t ibang mga tao.

Nagbigay din ng mga necrological services ang mga network na ABS-CBN at TV5 para kay Mang Pidol. Ilang mga personalidad sa pulitika at showbiz din ang nagbigay ng ilang salita bilang pag-alala sa kanya.

Aminado ako na hindi ako ganun ka-fan ni Dolphy pero nagging parte ako ng mga hindi mabilang na henerasyon na napatawa niya sa kanyang mga pelikula’t sitcom sa telebisyon. Hindi ganun kadali ang maging katulad niya na artista na kadalasan din ay binabato ng kaliwa’t kanang mga kontrobersiya sa buhay and yet naggagawa pa niyang maipagaan ang ilan sa mga mabibigat na sitwasyon sa buhay. Saludo ako sa mga ginawa niya. Sa panahon na hindi pa uso ang TV, na sa mga moviehouse lang ang pinakapaboritong lugar ng mga tao pagdating sa paghahanaw ng mga bagay na makakapagpa-aliw sa kanilang buhay, na gumawa ng 4 o 5 o 6 na pelikula sa kada taon? Ba, hindi biro yun ha.

Tila isa lang si Dolphy sa mga tila “endangered species” ng Pioneer na Philippine Entertainment.  Ang mga ilan sa mga nakasabayan niyang sila Panchito, Babalu, Delia Atay-Atayan, Nida Blanca, at iba pa niyang nakasama sa entablado’t on-camera? Nauna pa sa kanya. Maliban pa daw kay Fernando Poe, Jr., si Dolphy daw ang isa sa mga pinakamababait na tao na nakilala ng sinuman, on-cam man o off-cam.

Sa sports, si Big J. Sa show business, si Pidol. Kilalang Big J sa basketball, siya naman ay may trono bilang Hari ng Komedya. Ayon sa ilan, ang lokal na bersyon ni Jordan at ni Charlie Chaplin, bagamat hindi sa eksaktong parehong istilo. May kanya-kanya silang mga daan na tinahak, at may kanya-kanyang panahon sila. Sa kabila ng mga pagkakataon na binato sila ng mga kontrobersiya ay nanatili sila at promal na tinapos ang kanilang mga karera.

Ano ang pagkakapareho ng isang Robert Salazar Jaworski, Sr. at ng isang Rodolfo Vera Quizon, Sr. sa isa’t isa? Maliban pa sa mga nabanggit?

Pareho silang minahal ng kanilang mga taga-hanga, at nanatiling namamayagpag sa kabila ng mga pangyayari, at sa mahabang panahon pa.

At sa tingin po, sapat na iyan para sila’y tingalain ng mga tao at bansagan silang mga “alamat.”

Author:slickmaster
Date: 07/12/2012
Time: 09:54 p.m.
(c) 2012 september twenty-eight productions