Friday, 25 April 2014

Tirada Ni SlickMaster: The "Legal" Scenes

4/25/2014 5:35:40 PM

Kagabi ay nagtrend ang mga eksena mula sa palabas na ito.


WOW. Astig. May sampalan na naman! May iyakan! Batuhan ng matitinding kata at linya na naman! At higit sa lahat – nagkabukingan na. Nailantad ang dapat mailantad.

Ayos pa nga ang hashtag nila eh Parang yung pelikulang pinagbidahan lang nila Paul Walker, Vin Diesel at The Rock.

Eh kaso… ano na?

Siyempre, mas susubaybayan na yan ng mga tao dahil sa mag kapana-panabik ang mga eksenang nagaganap. Mas maglalagablag ang mga tagpo. Lalo na kung palapit na ito sa duluhang bahagi ng kwento.

Ano naman ngayon kung may ganitong eksena?

Dahil dyan, bumenta na naman ang ratings. Naging laman na naman ito ng sirkulasyon ng news feed ng Facebook, Twitter at ano pa mang social networking site ang hawak mo.

Kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit maraming tao ang tila naghihimutok sa parehong awa, inis, galit at pagkalungkot.

Ano nga ba ang kayang iimplika nito sa ating kamalayan?

Na una, laging nag-eexist ang polygamy. Natural, dahil hindi naman lahat ng relasyon ay iisa lang ang dikta. Dahil rin sa magkakaiba rin naman tayong mga tao. At dahil yan, marami rin ang mga nagloloko sa mga partner nila.

At sinasalamin lang ng mga ganitong palabas ang magiging datingan nito sa bawat isa. Hindi sa sinasabi ko na mangyayari talaga yan (dahil lahat rin naman tayo ay may choice na mang-gago sa mga partner natin o hindi; at maari tayo ang gaguhin o hindi natin ito hahayaan), ang pinupunto ko dito ay isinasaad na ng palabas na ito ang dapat mong gawin bilang tao at bilang romantic partner – ke single ka man o married – sa hindi dapat gawin.

Kumbaga, nasa sa telebisyon mo na ang lahat ng posibilidad, at nasa sa iyo ang desisyon.

Pero, ito ang problema.

Nasi-stereotype na naman ang mga lalake bilang manloloko. Kaya minsan, tama rin yung isang naispatan ko sa Facebook at nagkumento ng “bakit panay lalake lang ang nagiging manloloko sa mga teleserye?”

Oo nga naman kasi, bakit kami lang? Parang ang perpekto naman ng dating ng mga babae ha? Ang sa lagay ba eh mga lalake lang ba ang may K na maging ‘jerk?’

Kung ganun, tanginang lipunan yan. Masyadong sexist o feminist ang datingan.

Saka isa pa. Ang ayos din tayong mga Pinoy, ano? Ayaw na ayaw nating nakakakita ng drama sa mga taong malapit sa atin pero pinagpipistahan naman natin ang drama ng mga tao sa telebisyon.

So, ano kaya yun? Pag may nagdadrama sa paligid mo, sasabihan mo ng “Putangina! Ititigil mo nga lyang kalokohan mo. Walang makikinig sa mga hinaig mo kahit maglupasay ka ng dugo! Gagang ‘to?!”

Tapos kapag nakakita ka ng isang eksena ng taksilan, ganito ang reaksyon mo:

“Galing talaga umiyak ni Jericho, ano?” o dili naman kaya’y “Shet! Magaling rin palang umarte sa drama si Angel Locsin ah!” o di naman ay “Ayan na! Tangina! Nagkabukingan na silang tatlo! Patay na!”

Ayos ah. ‘Di ba napapansin ng mga bugok na ‘to na kaya nga sila natuto magdrama ay dahil sa natutunan nila ito sa kapapanood ng teleserye? Mga hipkrito ampucha.

Sakai to pa ang mas malalang problema: masyado na tayong overpopulated sa teleserye, aprtikular sa mga ganitong tema, na tila wala na lang yatang inatupag kundi ang ipakita ang landian at samu’t saring karahasan (at kahit makipagtalo ka pa na “pucha! Mas bayolente pa nga ang sports tulad ng UFC at wrestling eh,” sasabihin ko lang naman dyan ay “at least ito kahit walang bayolente, walang namamatay, kung ikukumpara mo sa teleserye mo no na patayan ang bawat episode!” with matching “BITCH PLEASE!”).

Kung makikinig nga lang sana ang mga executive sa isang Jayson Benedicto na nagpanukalang “Less drama. More informative programs,” sa kanyang unang libro, baka mas masaya pa ang buhay at mas matiwasay ang ikot ng mundo.

Masyado na tayong nag-uumapaw sa teleserye. Kumbaga sa tubig, umaapaw na. At hindi ito information overload. Kundi, kardramahan overload.

Kaya tayo nagkakandaleche-leche eh.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment