Showing posts with label Pera. Show all posts
Showing posts with label Pera. Show all posts

Sunday, 20 April 2014

Tirada Ni SlickMaster: $30M o Misa?

4/17/2014 2:43:58 PM

Isang pasada na naman sa maiinit na tirada kahit sa panahon pa ng Semana Santa (eh wala eh. Mainit ang panahon eh).

Nadismaya si Cardinal Tagle sa mga kabataan. At ang pinakadahilan? Pera.

Iba talaga pag nagagawa ng pera ano? Pero sandali, di pa tapos ang storya eh.

Isa sa mga balita kasi sa Rappler ang pagkadismaya diumano ng arsobipso ng Maynila ukol sa isang tanong na binato niya sa kanyang Homiliya noong Linggo ng Palaspas. Aniya, milyong pera o misa?

And as usual, dahil relihiyon ang usapan, may mini-word war na naman sa cyberspace.

Ngaunit hindi na ako nagtaka kung bakit mas pinili ng mga kabataan ang $30 milyon.

Teka, may nakapagtataka pa ba sa desisyon ng mga bata? Sa panahon kasi ngayon na ultimo ang gastadorang henerasyon tulad na lamang ng mga bata ay nagpapakapraktikal lang naman kahit papaan eh. Obviously, yan talaga ang pipiliin nila. At walang halong kahipokrituhan yan, ‘di tulad ng mga tao sa sekta na pangharap nila ay gumagawa nga ng kabanalan, pero nuknukan din naman ng kasamaan pag wala na sila sa altar o simbahan (and please, hindi kailanman katanggap-tanggap ang excuse na tao lang sila at nagkakakamai sa puntong yun. Oo, alam kong nagkakamali, pero hindi naman siguro yung palagian eh no?).

Kung ganun man talaga ang sagot ng mga bata, wala na sigurong kinalaman ang kalandian nila rito. Siguro, ang ‘kalsalanan’ na maging sakim ang may kaugnayan. Sakim sa makamundong bagay tulad na lamang ng gadget, pamporma, o ultimong mga libro.

Di naman kaya ay nagkamali lang sa pag-intindi o pag-interpreta si Father? Kasi pwede naman maging argumento riyan ay, pipiliin ko yung pera, tapos idodonate ko sa simbahan? O maari rin na pagkatapos (pillin ang $30M) ay magsisimba ako para magpasalamat?

So ang sa lagay ba e makitid ang pag-unawa niya? Hindi naman siguro ganoon. Pero kanya-kanyang pananaw din kasi yan eh.

O di naman kaya ay… nagkamali siya sa pagbibitaw ng tanong? $30M o misa? Kung lalaliman mo ang dalawang matimbang na bagay na ito, masasabi na ang $30M ay obviously, pera o kayamanan o anumang makamundong bagay na maaring magpaligaya sa tao. Ang misa naman ay, ang pananampalatay mo sa Diyos (dahil ang misa ay isang akto ng panalangin o aktibidad na may kinalaman sa pananampalataya mo).

And let’s face it: yan ang problema pag tinanong mo ang mga tao gamit ang simile, hyperbole o alinmang malalaim na figures of speech. Hindi lahat makakagets niyan dahil ang karamihan sa mga tao sa lipunan natin ang parang swimming pool na 3 feet ang lalim – sa madaling sabi, mababaw. Ampaw lang ang kaalaman o pag-unawa.

I would think na posibleng nagkamali siya sa pagbitaw ng tanong.

To say na nagiging materyalistiko ang mga tao sa panahon ngayon ay maaring isang malaking katotohanan. Pero ang paghuhusga sa kanila ay hindi nakatutulong o ni hindi makakapagpadagdag sa status mo bilang banal. Ika nga ng isa sa mga turo ng mga isktriptura ang huwag humusga, di ba?

Kasi ang dating ay parang ganun eh. (Pero actually, kahit ako ay napahusga din bigla ah. Nah, maliban sa human nature eh I doubt na nasususnod ito lalo na sa estado ng relihiyon sa bansa.)



Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 9 October 2012

Walang Pera.


Minsan ko napakinggan ito habang namamalengke sa Cruz na Daan sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan. “Masakit tanggapin ang katotohanan: Kung wala kang pera, wala ka ring kaibigan.” Chorus ng kantang “Kanto” ng Siakol, isa sa mga banda na gumawa ng marka sa rock music noong dekada ‘90.

Sa totoo lang, matinding patama ang nasabing linya. Sa panahon kasi ngayon, halos kahit sino ay nagkukumahog na makadiskarte para lang magkaroon ng salapi. At ang ilan, dumarating sa punto na manlalamang sa kapwa.

Ito kasi ang hirap e. Parang wala kang kapangyarihan kung wala kang pera. Hindi ka kilala ng mga kaibigan mo kapag wala kang pera. Buti sana kung may mga ilan dyan na galante na kaya kang sustentuhan sa kada pagkakataon na magkasama kayo, mula sa paggawa ng thesis hanggang sa gimik at inuman (Pasalamat na lang ako at nagkaroon ako ng mga ganun). Parang hindi ka ganap na tao, lalo na sa panahon ngayon na ang suweldo ay bihira lang tumaas pero ang presyo ng mga bilihin ay kadalasang tumataas. Hindi masarap ang buhay kung wala kang datong. Kung wala ka nito, mas kawawa ka pa yata sa pulubi.


Kapag wala kang datong, hindi mo mabibili ang pinapangarap mong mga cellphone, laptop, camera, bahay, sasakyan at iba pang mga material na bagay na kagustuhan at kailangan natin sa buhay. Kapag wala kang salapi, wala ka ring makukuha na tsikas. Kung wala kang pera, hindi ka basta-basta makaksama sa mga lakad ng barkada.

Anyare na ba sa kasabihang “the best things in life are free?” Ewan ko. E teka, di ba ang taong mahal mo ay-... Teka, best thing ba siya? E tao yan e. At kahit gusto mo makuha ang puso at matamis na “oo” niya, gagastos ka pa rin, kahit yung load na pantext man lang.

Pero, sukatan ba ng pagkatao ang pagkakaroon ng kayamanan tulad ng pera? Hindi sana e. Pero dahil nga sa hirap ng buhay, ito na ang pinakakailangan ng tao. Hindi naman siya bubuhayin ng “swagger” niya e. Aanhin niya yun pagdating ng panahon na may anak na siyang bubuhayin? Kapag wala kang trabaho kahit gaano pa kalinis ang budhi mo, masasambitan ka pa rin ng “pabigat” kahit anong mangyari. At bakit ganun? Dahil ito ang realidad ng buhay na mas mapapansin pa sa atin ang mga negatibong bagay-bagay-sa ating buhay kesa sa mga positibo
.
May kasabihan na “Money can’t buy happiness.” Oo nga naman, marami pang mga bagay sa mundo na makakapgpasasaya pa sa buhay ng isang tao na hindi kayang tumbasan ng halaga ng pera. Hindi kayang presyuhan. Pero hindi rin kasi makakaila na kung wala ka nito, hindi ka rin basta-basta makakaramdam ng kasarapan ng buhay. Masaklap na katotohanan nga lang.

Author: slickmaster | Date: 10/10/2012 | Time: 11:26 a.m.
(c) 2012 september twenty-eight productions