Showing posts with label pork barrel scam. Show all posts
Showing posts with label pork barrel scam. Show all posts

Sunday, 13 July 2014

VIP (Very Important Prisoner?!) v. 2014

06/23/14 02:38:46 PM

So, ayan na. May umaalingawngaw na isang hinang. Mainit raw masyado. Baka naman pe-puwedeng magka-aircon sa kulungan nila.

Pero dahil lahat tayo may mahihilig umapila, baka naman pwede na rin nating samahan ng stock ng sabong mabango (yung panligo, ayon sa mga kapitbahay ko sa bukid), pagkain na may unlirice, wifi connection, saka extended na visiting hours. Oo, kung manghihingi ka rin naman, sagarin mo na.

Ganun? Demanding ang datingan nila, eh no? Mas makapal pa ba sa makakapal na mukha nila?

“Beggars can't be choosers, ika nga.” May kasabihan din na “huwag kang choosy kung hindi ka naman yummy.” Ibig sabihin nito ay simple: nasa kulungan ka, kaya magdusa ka! (Oo, alam ko. Tunog pelikula ni Sharon Cuneta yan.)

Pero alam mo, ang sentimyento ni Sen. Bong Revilla na humihingi ng aircon para sa kanyang detention facility ay malay mo, sentimiyento rin ng libu-libong nakakulong sa kanilang mga respektibong piitan sa alinmang isla at lupalop sa bansang Pilipinas. Oo, marami kayang naiintan, at naartehan rins a kani-kanilang mga kulungan eh.

Sa kanilang banda, masasabi rin na “Putangina naman. Tama lang yan sa inyo. Dapat nga sa impyerno na kayo eh; para at least mabilis kayong mabubulok dun.” Lalo na kung nabiktima ka ng isa sa kanila.

Pero panibagong anggulo: kung sakaling maisakatuparan ito, dalawang bagay lang nakikita ko. Una, dito magre-reflect kung gaano katindi ang hustisya sa ating bansa—may pinapanigan, basta may pera ka; at pangalawa, talaga namang mainit sa Pilipinas (obvious naman kasi eh. Kung mag-aaral ka ng heograpiya, malalaman mo kayang malapit tayo sa Tropic of Cancer, kaya maituturing na isang “tropical country” ang tinitirhan nating bansa.).

Saka isa pa pala: patunay lamang ito kung gaano kagarbo ang buhay ng mga tulad nila (pero hindi naman lahat). Sagana sa kumportableng lugar. At walang masama dun, lalo na kung wala ka naman talagang ginagawang masama sa mata ng batas. Eh paano kung meron? Baka karma na yan.

Pero sa totoo lang, ano 'to? Ba't naman masyado silang pa-VIP? Kung ganun lang din, eh di sana kahit yung mga nasa maximum security (at kahit medium at yung mga nasa minimum na rin) ay sana tinatrato rin parang VIP.

Pero siyempre, dapat yung mga tao, in general, partikular yung mga nasa labas ng rehas, ng dapat makaranas niyan noh. Unfair naman: kung sino pa ang may ginawang katarantaduhan, sila pa ang mas may karapatan pa yata sa lipunan kesa sa aming mga matitino?

Yan tuloy, naasar na ang lola mo. Naglabas ng sentimyento sa media. Plano pa nga ata maghain ng panukala. Ginagawa kasing five star hotel ang detention cell?

Ano ba yan.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Saturday, 21 June 2014

Naaresto Na Si Bong! Eh Ano Ngayon?!

6/21/2014 3:45:31 PM

So, ­­natapos ang serye ng mga kontrobersiya at balita, at sa wakas… may nakulong din pala sa salang pandarambong (tama ba?). Noong nakaraang Biyernes, pormal na sumuko-slash-naaresto si Senador Ramon Bong Revilla Jr.

Kaso, ano na? Ano nang mangyayari pagkatapos nito?

Sa madaling sabi: eh ano ngayon?!

Panibagong hakbang ba ito para sa krusadang “daang matuwid” laban sa korapsyon? O isa itong mala-conspiracy na atake laban sa oposisyon.

Kung mapapansin kasi, sa mata ng ilan, maaring masabi nila na pinupulitika raw si Revilla dahil sa hangad niya na tumakbo sa darating na 2016 presidential elections. At ang pag-aresto sa kanya? Patunay lamang daw na isa itong maitim na plano laban sa kanya. Dagok din na maituturing.

Ngunit, sa kabilang banda, kung papaniwalaan ang mga kasong isinampa sa kanya sa Sandiganbayan, patunay lamang ito kung gaano kabulok ang sistemang pulitikal sa ating bansa. Yan kasi binoto natin eh. Mga papogi na dumaan sa showbiz. Tapos pag gumawa ng kasalanan, naglulupasay tayo sa pagsisisi.

At teka, non-bailable ang kasong plunder, ‘di ba? Pero bakit nga ba sila nakapagpetition for bail? Aba, para namang nakipagsuntukan sa hangin ang mga ‘to—imposibleng mangyari.

Subalit sa tulong ng mga abugado at kung sinu-sino pang nakakalam sa mga butas ng batas, possible yan.
At wrong timing pa ata ang suot niya na damit, na naglalaman ng isang kasabihan na galing sa isa sa mga libro sa Bibliya. Ayos lang sana maniwala, kaso may kasabihan: practice what you preach, at siyempre, dapat parang Seiko wallet ang pananampalataya mo sa itaas – “genuine” ba.

Madaling husgahan si Bong bilang isang tiwaling opisyal na parang lulusot pa kahit nahuli na. Samahan mo pa ng asawang naging opisyales pa ng lalawigan ng Cavite na minsa’y nag-angas pa nun sa kasagsagan ng isyu ng pork barrel (yung nagsabo ng “huwag kayong hihingi ng pera sa amin ha?!”). Oo, madaling husgahan lalo na’t kungkapos pa ang ating pag-unawa sa isyu.

Pero mas madaling siyempre kung alam mo ang parehong panig. At least, naiintindihan mo (bagay na sa kasamaang palad, ay kapos rin tayo maliban na lang kung isa kang lehitimong political analyst).

Kaso, paano nga ba kung tatakbo ito sa 2016? Mananalo pa rin ba siya? Maari raw, ayon sa mga sari-saring reaksyon na nababasa ko sa Twitter noong araw na ‘yun. 

Bakit kanyo? Mahihilig kasi tayo sa mga “underdog.” Nasa mentalidad kasi natin ang ating pagiging biktima sa lahat-lahat at dapat ang takbo ng kwento natin ay parang fairy tale na nababasa natin noong bata pa tayo – magpapa-api kami, pero sa bandang huli, kami ang magwawagi.

Sa madaling sabi: mahihilig rin tayo makisimpatiya, kaya tignan mo ang takbo ng lipunan natin ngayon: nadadala ng simpatiya na yan. Maariong factor rin dito yung pagpapaalam niya sa kanyang amang si Don Ramon. Sabagay, mahirap nga naman maksi sa isang ama, o sa isang magulang na makikita mo ang anak mo; at lalong nakakastress na ito kung sa edad ang usapan. Kung iba yan, baka natuluyan sa kunsumisyong dala ng kumusyon..

At napaka-evident ang ganitong storyline sa sarswela, este, moro-moro, este, teleseye, este… pucha, sabihin na nga lang nating “pulitika” sa ating bansa. Lalo na noong 2013 midterm elections.

Kaso, naaresto na si Bong. At may film crew pa raw na dala ito. So, anong eksena ‘to: Kap’s Amazing Stories, at ang producer ay ang Daang Matuwid productions?

Pero, naaresto na siya eh. Ano na ngayon? Mauuwi rin ba sa ganitong kapalaran ang mga aksuadong senador na sila Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile? Eh paano yung mga opisyales at empelyado na sangkot din sa ganitong kaso ng katiwalian. Kunsabagay, kung tama lang naman ito, at naayon sa batas, at hindi magpapadala sa alinmang “way out alibi,” go ahead.

Kaso, kung sa oposisyon ka lang aatake, at kung mayroon rin naman sa mgakabaro mo na “corrupt” pala (come to think na good thing ay majority sa mainstream media ay kahit papano hindi bias; as in kung may mali ke oposisyon man o administrasyon ay isinisiwalat nila), ay hindi rin yata tama yan. Oo, parang conspiracy theory lang ang pinakabasehan ng isang mala-political attack na ito kung ganun man.


Kaya ang labo lang din e no?


At kung may isa pang magandang bagay na fala ng pagtutok ng mga news portal sa isyung ito, yun ay ang pagsapaw sa mga ampaw na balitang gaya ng pag-amin ni Sarah Geronimo na boyfriend na niya sa Matteo Guidicelli (okay, sila na pala. EH ANO NAMAN NGAYON?).

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Saturday, 24 May 2014

Don’t Mess With Media

5/21/2014 4:09:51 PM

Isa yan sa mga pinakamagigiting na makakalaban mo sa buhay. Isa yan sa pinakamatitindi. Sila ang nagseset ng trend sa ating lipunan. Sila ang nagkunundisyon ng utak ng bawat taong nanunood, nakikinig at nagbabasa (unless kung totally abstain ka sa kanila at piniling maging hipster).

Oo, ang tinagurian nilang fourth estate – ang media.

Kamakailanlang ay isang pahayagan ang naglabas ng listahan ng mga media “payout,” o mga personalidad sa media na binayaran diumano ni Janet Lim-Napoles.

At paano nasagap ito ng Philippine Daily Inquirer? Parte ito ng samu’t saring mga personalidad mula sa iba’t ibang hanay, paritkular sa pamahalaan.

Mula rito, ay iilang mga pangalan ang nadawit, mula sa ilang radio reporter hanggang sa mga TV anchor at executives. At kung magse-specify tayo ng ilan, yan ay sila Mike Enriquez, Korina Sanchez, at Luchi Cruz-Valdes.

Ayon na rin yan sa ulat ng reporter ng major daily na yan na si Nancy Carvajal noong Linggo.

Tahasang dineny ng mga nabanggit na personalidad ang mga alegasyon. May mga kanya-kanyang statement rin sila. Binackupan pa ng kanilang mga network.

Kaya sa totoo lang, hindi ka dapat basta-basta makikipagbanggan sa media. At hindi ko ito sinasabi dahil sa isyu ng yabang asta. Hindi naman kasi lahat ng mga tao dun ay ipinapangalandakan ang pagiging media nila.

Pero what if kung isang malaking broadsheet ang nagsisiwalat ng balitang ito? Hindi na bago ito eh. Sa nakalipas na mga taon at buwan ay nagiging kontrobersyal ang mga balita ng Inquirer. As in daig pa nila ang tabloid kung magdeliver.

Maalala nyo ba kung bakit naechapwera sa kanila ang Pugad Baboy matapaos ang halos tatlong dekada ng pamamayagpag ng comic strip sa kanila? May media payout din na may kinalaman dito ang naisawalat nung nakalipas na buwan.

Ang dating ba ang sila ang may ‘niche?’ Game-changer ba ang peg?

Ewan. Pero kung malalaking network ang kalaban mo, good luck. Patibayan na rin yan ng pride, ratings at kredibildad (eh?).

Sa mga naganap, ano ‘to? Magkakaisa (as in’co-exist’) na ba ang network para sa adhikain nila laban sa PDI? Sa ngalan ng patas na pamamayahag? Sa interes ng publiko na audience nito?

Don’t mess with the media? Oo, dahil mahirap kalaban ito. Ang lawak ng kapangyarihan ng media. Kaya ka nitong i-build-up at sa parehong pagkakataon, kaya kang patayin sa sindak. Make or break, ika nga.

Mas malawak pa nga ito kung ikukumpara sa internet at social media eh. Dahil ang taga-media, magsabi lang ay kapani-paniwala na for nine times out of ten. At kaya nila itong back-upan ng “impormasyon.”

Teka nga: Sa kabilang banda, si Napoles nga ba nagsabi nito? Dahil kung totoo ang spekulasyon, aba’y good luck na lang sa kanya. Nabahiran na ang reputasyon mo, ateng, mula pa noong pumutok ang isyung yun. Nahusgahan ka na, hidni nga lang ng nakapiring na Libra, kundi ng mga tao. Tapos, ito pa ang pasasaringan mo? Naku. Patay tayo dyan.

Pero, hindi raw. Kasi ito’y galing sa mga files ni Benhur Luy. At nililinaw naman yata nila na hindi necessary na sangkot ang mga pangalan na nakasaad sa listahan at bagkus ay parte lamang ng mga transaksyon ni Benhur Luy regardless kung sangkot sa scam mismo o may iba pang transaksyon.

Naku. Kumukumplikado na ang kwentong ito ah. Pero kaabang-abang siya. Pramis.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 13 May 2014

Ang Mahiwagang Listahan

5/13/2014 7:04:09 AM

(Speaking of which, as of time na pinublish ko ito ay lumabas ang kontrobersyal na listahan.)

Ang mahiwagang listahan. Bow.

(Photo credits: Christian Esguerra/Twitter)
Pero hindi ito tula, ni hindi isang episode ng paborito kong palabas na anime na si Doraemon, kundi isa itong tirada (malamang! Dahil ano pa bang aasahan n’yo sa akin, ‘di ba?). Mula sa mga spekulasyon ng posibleng pagiging state witness daw, ngayon ay may listahan na siya. Aba, daig pa nya ang mga tindero at tindera, ano?

Ano ang nilalaman ng listahan niya? Mga pangalan daw ng mga opisyales na sangkot sa pork barrel scam na kung saan ang pinakapuno’t dulo ng lahat ay walang iba kundi ang lola niyo na si (drumroll, please) Janet Lim-Napoles.

Parang may-ari lang ng tindahan eh no? At yung mga nakapaskil na pangalan dun, mula sa mga staff member hanggang sa mga kongresista’t senador, ay parang mga may utang lang sa kanya, e ano po?

Pero bakit nga ba parang inaabot ng siyam-siyam ang pagsisiwalat sa usapin na ito? Nagkadevelopment na ang kaso nila Vhong, Deniece at Cedric lahat-lahat, sinamahan pa ng kontrobersyal na post ni Kris Aquino sa Instagram, at nanganak na lahat-lahat si Maya, nahalungkat na nga muli ang sigalot sa mga utol na Barretto (tangina naman, pwede bang gawing media blackout na rin ang isyung yan at hayaan na lamang sa mga programa na may kinalaman sa showbiz ang mga ganyang balita?), hindi pa rin nabubunyag ang dapat mabuyag?!

Sa totoo lang, hindi mo na rin masisisi ang tao kung bakit hindi sila nainiwala sa due process ng judicial department eh. Napakatagal ng prosesong yan, na parang Maguindanao massacre lang. Maiinip sila sa tagal. Baka mamuti na ang buhok ng apo nila lahat-lahat ay wala pa ring nangyayari.

Pero yan ang mundo ng pulitika, masanay ka na. Pustahan, sa panahon na magkakabukingan at magkakalaglagan na, hindi makukulong ang dapat makulong. Hindi rin masususpend ang dapat masuspend. 


At baka matapos na ang sesyon at termino ng mga taong nakaupo at magbago na nang tuluyan ang administrasyon ay baka hindi pa maresolba ang misuse scandal ng tinatawag na Priority Development Assistance Fund (sa madaling sabi, PDAF),na nagkakahalaga pa ng sampung bilyong piso; samahan mo pa ng pag-abuso sa fund ng Malampaya powerplant.

Ano pa bang bago?

Pag ka nabunyag na ni JLN, DOJ secretary Leila De Lima at Senator Panfilo Lacson ang sagradong listahan ba ay mababago na ba ang takbo ng ekonomiya sa atin? Mababago din ba nito ang takbo ng pulitika? Mapupuksa na ba ang katiwalian? Mag-aalburoto ba ang tao na parang People Power Revolution sa Epifanio Delos Santos Avenue (o EDSA, para maintindihan mo sa halip na mag-alubroto ka at magtanong na “yan ba yung kalsada sa Kalahang Maynila na laging matrapik?”)?

Walang katiyakan. Yan ang sigurado.

Pero dahil karapatan nating malaman ang katotohanan (kahit lintik nay an, inaabot din ng siyam-siyam yang jeskeng Freedom of Information bill na yan), sige na, hayaan nyo na magsiwalat ang bruha. Hindi naman siguro magsisinungaling at magpapanggap na “wala siyang nalalaman” this time kung in fact, may listahan na siya, ‘di po ba?

Sige, ibunyag na ang dapat ibunyag. Amin na yang listahan na yan!

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 6 May 2014

State Witness? Seryoso??!

5/5/2014 8:52:34 AM

Maraming haka-haka na magiging state witness raw si Janet Lim-Napoles.

Ha? Seryoso?

Yan ay kung papayagan ni DOJ secretary Leila DeLima.

Isipin mo kasi, nag-confess ang fugitive businesswoman sa Justice secretary nung binisita siya nito noong nakaraang buwan. Aniya, dito niya dinetalye ang mga nalalalaman raw niya ukol sa PDAF scam. Pinangalanan din daw niya ang tatlong senador na sila…(teka, kailangan pa ba nating banggitin dito, eh usong-uso naman sa kamalayan natin ang tinatawag na ‘trail by publicity.’).

Pero, Napoles? Para magiging state witness? Tangina, nagpapatawa ka ba?

Ano na lang sasabihin ng iba sa sistema ng huradikatura natin nyan? Para namang nakaka-timang yan, mga ‘tol.

Isipin mo: si Napoles, magiging state witness?! Eh ‘di po ba siya ang tinaguriang “most guilty person” sa scam na to na nagkakahalaga ng sampung bilyong piso? At dahil sa most guilty siya, obvious na ang meaning nun – siya ang may pinakapuno’t dulo ng lahat ng kagaguhan sa kasalakuyan at pinakahuling kaganapan ng korapsyon.

At hindi counted sa argumentong ito ang magsasabi na “tao lang naman siya. Nagkakamali din. Baka gusto niyang baguhin ang lahat.”

Pero, ‘tol. Hindi lang too late ito. At wala naman tayo sa isang mediation o arraignment na lahat ay iaareglo na lang. Masaklap man sabihin, ang sistema ng  hudisyal natin ay nasa sa tipikal na hatol na kung saan ay may dalawang partido, at sa huli ang desisyon ay may isang guilty, na madalas ay nakataon sa taong nasasakdal.

Si Napoles, magiging state witness? Parang mas okay kung mas hahatulan na lang iya ng less sentence kung sakaling maparusahan siya. At least pag nagpakatotoo siya, pwede pa siyangma-immune, medyo okay pa. Pero dahil maypagkakasala siya sa mata ng batas, eh definitely kailangan niyang pagbayaran yun, sa ayaw man o sa gusto niya.

Mas marami pa daw siyang nalalaman kung ikukumpara sa mga sinabi ni Benbur Luy, ang pinaka-whistleblower ng kontrobersiyang ito. So ang sa lagay ba eh sinala din ni Luy angmga sinasabi niya?

Ganun? Ay, ewan.

Pero alam mo, hindi na rin kataka-taka kung ganun. Natural na ang mga pagkakataon tulad nito na mas maalam ang mga “culprit” kesa sa witness, dahil obviously, eh sila ang mas nakakalama ng kalokohan nila. Yun nga lang, at the same time, alam din nila kung ano ang sasabihin nila para lang makalusot sa batas.

Si Napoles, magiging state witness? Kung mangyayari yan, patunay lamang ito na ang pulitika at hustisya sa ating bansa ay parang paborito mong sitcom: as in moro-moro sila. Pwede ring WWE: as in sobrang scripted na. At pwede ring teleserye: masyado na nilang pinapahaba ang kwento, masyado nang predictable. At dahil sa kanila, ang buhay natin ay nagkakandaleche-leche na. nakakatawa kung ignorante at mangmang ka sa mga kaganapan sa bayan mo. Pero kung meron man at inili mong maging ‘wapakels’ pa rin, alam ko, nakakadismaya talaga.

Pero alam n'yo: malabo na rin talaga mangyari yan.

At kung sakaling maging totoo man yan , as in si Napoles, naging isang ganap na “state witness?” Putangina, parang masasabi na lang niya sa parte n’ya ay…. “BOOM PANESS!”

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Monday, 20 January 2014

10 Worthless Stories of 2013

1/21/2014 12:55:26 PM

Sa dinami-dami ng mga balita noong nakaraang taon, hindi rin makakaila na mayroon ding naglipanang mga walang kwentang kwento na nauso pa sa sirkulasyon ng ating media.

Una kong inanusyo sa Facebook ang mga nakalistang ‘wa kents’ na balita bago pa matapos ang 2013. Pero dahil sa pabago-bago ang listahan, may mga pagbabagao akong sinuri nbago ako mag-come up sa pag-paskil nito (kaya actually, yun din ang dahilan kung bakit na-late ako ng matindi sa paggagawa nito).

Bakit nga ba sila nakakairita sa mata ng publiko? At bakit pa naging parte sila ng kasaysayan ng mga newscast at news feed sa Facebook at Twitter? Ayon sa aking propesor sa isang major subject, ang balita ay dapat naglalaman ng “prominence.” Kaya kahit magtaka at magreklamo ka pa ng bonggang-bongga, hindi kasi makakaila na ang karamihan sa listahn na ito ay naglalaman ng mga prominenteng pangalan, personalidad man o material na bagay.

Pero kung hindi mo mapigilan ang emosyon mo… problema mo na ‘yun (wag kasing pairalin yan na parang nagrereact ka sa Facebook kahit hindi mo pa nababasa ng buo ang isang post). Anyway, narito ang sampung over-rated-pero wala naman talagang substansiyang balita noong 2013.


1. Barretto Family Feud – wala nang mas nakakairita pa kesa sa isang awayang pamilya na iboino-broadcast pa sa showbiz portion ng mga balita. Aba, ano sila? National news item? Mula sa sumbatan ng mag-ate hanggang  sa nakisali ang mga magulang hanggang sa pakikipagpatutsadahan sa kani-kanilang mga statement sa mga reporter. Naknampota naman.

2. Sex Scandal Videos from Wally Bayola and Chito Miranda – oo, may sex scandal sila. Eh pucha, ano naman ngayon? Ano ‘to? Nabubuhay pa rin tayo sa medieval ages? O renaissance? O naglalabasan na naman ba ang mga hipokritong konserbatibo at magsasabing “tangina naman. Nakakahiya naman ang dalawang ‘to!” Huwag nga tayong mag gaguhan dito. Parang wala kayong alam sa salitang ‘sex’ ah (at sinuman ang magdedeny ay karapat-dapat na i-gangbang dito),k and as if na “Christmas gift” ang datingan sa inyo ng mga balitang yan. OO, may sex scandal nga si Kalbo at Chito – E ANO NAMAN NGAYON?

3. Kris-Aquino-James Yap feud –  Sobra-sobra na ang publicity ng media ukol dito. Malamang, tuwang-tuwa ang PR ng magkabilang kampo na nagte-trend sila sa kamalayan ng masa. Pero anak ng pating naman, nagmumukhang Drama Queen si Kris habang sinusumbatan ang asawa sa kaniyang kamalian; samantalang si James naman, parang action star na umiiyak sa press con. Ano, yan ba gusto n’yo? Mag-aaway nang bonggang-bongga sa harap ng publiko na hindi alintana ang pakiramdam ng pagkahiya?

4. Senate hearing re: Pork Barrel Scam – ito ang patunay na isang malaking JOKE ang ating pulitika sa Pilipinas. Mantakin mo, ang Senado, mag-iimbestiga sa kaso na kinasasangkutan ng mga kabaro nila? Ano ‘to? Sarswela o moro-moro ng mga hipokrito? Pustahan, baka mamaya niyan ay makakalimutan rin nila ang isyung yan dahil ang ilans a kanila, tropa si Napoles. Plus, masyado pang over-rated pa ang kanyang pagsuko.

5. 2013 Midterm Election Results – actually, maliban sa #4, ito ang mas hiit na magpapatunay kung anong klaseng laro ang pulitika sa ating bansa. Kaso, may magagawa pa ba tayo kung marmaing botanteng tatanga-tanga eh. Huwag ka nang mag-rant d’yan. Move on-move on din pag may time.

6. Harlem Shake and Gwiyomi Worldwide Craze – nauso lang mula sa isang blog post, ayan na, nagsisinuruan na. Sa kaso natin sa Pilipinas, pinauso lang ng ilang personalidad at pati na rin yung nasa isang noontime TV show, ayan na, nagsisnuruan na rin sila. Kaso noong pinanood ng mundo ang kanilang sarili, aba’y parang tanga lang pala.

7. Clash at the Senate: Miriam Defensor Santiago versus Juan Ponce Enrile (plus Panfilo Lacson) – may kaugnay to sa sinulat ko sa #4. Pero anak ng pating naman, ang tatanda niyo na, pero umaasal kayo na parang batang nagkikipagharutan sa playground? Let’s get real here – wala kaming pakialam sa political o personal na drama niyo. Mabuti pa, MAGTRABAHO NGA KAYO!

8. Pugad Baboy's Termination – nang dahil sa alburoto ng isang eskwelahan, ayan, natsugi sa dyaryo ang komiks ni Pol Medina. Kinalimutan yata ng mga ‘to ang sandamukal na effort, reputasyon, at kita nila nang dahil sa isang katiting na pagkakamali. Pagkakamali na dapat ay napunta sa parte ng mga roofreader. Sila pa ang may sala kung bakit nalimbag ang kontrobersyal na strip eh. Kaya ang daming OA na nagreact laban sa Pugad Baboy. ‘di bale, baka maglalaway sila sa kanilang pagsisisi dahil ang PB, nanaig pa rin kahit sa Rappler nga lang; habang sila, andyan pa rin.

9. Break-up on air – nang dahil sa pagkahumaling sa isang bumisitang bokalista, nahalungkata ng kanilang away sa ere. At ay naku naman, kelangan bang malaman ng mundo na break na sila, samantalang kahit public figure ang babae, e private person pa rin naman g amituturing ang boyfriend? Kung ako sa ex ni Janine, ito ang isasagot ko kay Kris nung tinanong n’ya ito: Masakit ba? HINDI, PUTANNGINA – MASARAP KAYA! TRY MO!  Sa madaling sabi, there’s a thin line between “expressing your love” and being a “show-off.”

10. Miley’s twerking – o ang dating Disney star ay nagtwerk sa isang kanta ni Robin Thicke sa MTV awards. Alam ko, hindi siya cool. Pero ano naman ngayon? Kailangan bang iblow to out of proportion? Kagaguhan talaga ng mga netizens oh. Alam ko hindi natin tanggap ang nagawa niya. Pero look – Miley Cyrus today is not the same as Miley Cyrus we saw in our screens yesterday.


Author: slickmaster | © 2013, 2014 september twenty-eight productions