Showing posts with label tribute. Show all posts
Showing posts with label tribute. Show all posts

Sunday, 15 June 2014

The Scene Around: Gabi Ng Pagpupugay

06/13/14 01:32:20 PM


The Independence Day was the very important holiday for the citizens of Republic of the Philippines. It was indeed the date which showcased one of the most pivotal events in the history of this country–our independence of the three-century colonization of then-European imperialist Spain.

It was every June 12th of the year when several events were held in observance of our Independence day, such as job fairs, the annual rituals of giving tributes and respect to RP's official signs, and even advocacy-driven rallies and concerts.

Though most of them were on the political and artistic themes, no one seemed to put a hand on sports. It's like everyone forgotten something–that is to pay tribute to the people who made recognition through the means of playing the physical (and mental) activities in life called “sports.”


This is what the objective of a veteran sports-beat journalist and former commissioner of the now-defunct Philippine Basketball League (PBL) Chino Trinidad when he waged a sporting tribute event called “Pagpupugay”at the Newport Performing Arts Theater located inside the Newport Mall of Resorts World Manila on Thursday evening, which by the way was also the Independence Day (June 12).


Prior to the main event, the organizer himself put up a Memorabilia Exhibit on the Newport Mall's Ground Floor, which runs from June 1 to 15. Yours truly have seen some of the most precious things which these athletes brought to the country alongside their highest pride, from medals to uniforms to even the ball they used during the 1954 World Basketball Championships in Brazil (and don't be confused though, 'coz for your information: soccer was the ball used during the early decades of basketball).


Aside from the literally memorabilia, some of the artworks were part of the exhibit such as paintings from Anthony Galvez, Jun Aquino, and the gigantic King Caloy sculpture by Reynald Bon Mujeres.


It was near six in the evening when people started to flock the venue's lobby (which situated on the mall's third floor). Stars from past to the present and from all sorts of sports were there along with their supportive families and friends. Aside from them, personnel from both the mainstream and new media were in attendance to witness the star-studded evening.


The formal show started around eight in the evening, with veteran sports broadcaster Sev Sarmenta serving as the anchor alongside organizer Chino Trinidad.

From there, several Philippine-raced athletes were given tributes, with some of them represented by their respective families. In particular order:

1st – boxing: Pancho Villa (tribute presented by Denver Cuello)
2nd – football: Paulino Alcantara (Chieffy Calindong)
3rd – swimming: Teofilo Yldefonzo (Eric Buhain)
4th – track and field: Simeon Toribio (Elma Muros-Posadas)
5th – track and field: Miguel White
6th – boxing: Ceferino Garcia
7th – tennis: Felicisimo Ampon (Felix Barrientos)
8th – golf: Ben Arda
9th – boxing: Anthony Villanueva
10th – boxing: Gabriel "Flash" Elorde
11th – chess: Eugene Torre
12th – bowling: Rafael “Paeng” Nepomuceno
13th – bowling: Olivia “Bong” Coo
14th – billiards: Efren “Bata” Reyes (Francisco “Django” Bustamante)
15th – bowling: Arianne Cerdeña
16th – boxing: Mansueto “Onyok” Velasco (brother Roel)
17th – bowling: Lita Delas Alas (Coo and Cerdeña)
18th – basketball: Carlos Loyzaga (also, selected past members of the Philippine Basketball team; present: PBA player Chris Tiu and Marc Pingris of Gilas Pilipinas).
(Other tribute presenters were Sev Sarmenta and Chino Trinidad)

However, as the program was about to give tribute for Loyzaga, Trinidad broke the news that the basketball player known as “The Great Difference,” never made it to the venue and was instead confined to Cardinal Santos Medical Center, though the former commissioner quoted that his condition was nothing serious.

Going back, as the ceremonial rites rolled during the evening, emotions poured around some of the industry's key personnel; specifically, one of them was on the segment about the boxer Anthony Villanueva, whom passed away a few weeks prior to the event. He bared the trust fund intended for the boxer who just passed away a month ago, and vowed he will never let another misery on any Filipino athlete pass by.

He also announced the first beneficiary of the trust fund were the former boxer and now COPD fighter in Leopoldo Serantes.

In addition, several members of the London Paralympic teams, as well as the mentally-impaired-but-winning Filipino athletes, members of the Philippine Army, young football players (students of Calindong), and other vintage athletes—both in good form or in deteriorating condition—were given recognition.


The Manila Philharmonic Orchestra, led by conductor Sebastian Trinidad, provided the musical scoring, with the Mandaluyong Children's Choir providing the vocal accompaniment; and the Resorts World's resident band The Draybers providing the rocking color, with The Voice Philippines' winner Mitoy Yonting as the front man.


Overall, the program rolled for almost two and a half hours, with the post-program set slated for photo ops, autograph sessions and even interview questions fielded by both broadcast, journalism and online media. Yours truly though was grateful to meet several personalities, including Ramon “El Presidente” Fernandez, and “The Dean” Quinito Henson, and Chino Trinidad, to name a few.

The downside though is that I never knew some of the classic athletes our country ever had, like for instance, I never noticed it was Bong Coo until she was introduced (perhaps the photos between my old Sibika book and the present one could really tell the difference), and even Yoyong Martirez and Danny Florencio, whose happened to be seated next to me minutes before the program started (I moved since my friend whose invited me to the “Pagpupugay” came). Alright, I know, I suck at that point.


Anyway, the program had its own good cause. I think there should be a second “Pagpupugay” soon since we still have a lot of world-class athletes who excelled very well.

Post-script: Before I formally culminate this post, I would like to give a shout out to one of my friends who blogs as the SportyGuy. He was the one who invited me for this prestigious event.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 23 April 2014

Alaala Ni Warrior

4/24/2014 9:23:06 AM

Sino mag-aakala na ang mamang ito ay mamamatay nang biglaan? As in hindi mo inaasahan bilang isang wrestling fan.

Oo, si James Brian Hellwig nga. Kung batang 80s o 90s ka at nanunood ng WWF (yan pa pangalan nila nun, bago sila nagkaroon ng naming dispute sa World Wildlife Fund) sa TV, ke sa channel 9 o 13 man yan, alam mo kung gaano kakilala ang mamang ito.

Yung taong laging nakaface-paint at may suot na maskarang akala mo ay aatend ng isang masquerade party? Yung tipong pag nasa squared circle ay ipapadyak ang paa ng bonggang-bongga habang tila inaalog ang taling nagsisilbing bakod nito. Yung sa sobrang wild ng personality dala ng kanayng hype at energy  pagdating sa arena, samahan mo pa ng musical entrance niya. At yung boses niya na kjala mo ay nakawala sa koral.


Yan nga – si Ultimate Warrior.
Mas maalala siya sa mga matitinding laban sa WWF nun, kabilang na ang champion-vs-champion fight nila ni Hulk Hogan sa Wrestlemania 6 noong Abril 1, 1990.

Ironically, bumili ako ng isang throwback na WWE magazine nun (Abril a-8 din yun, oras sa Pilipinas) sa isang branch ng Book Sale sa Cubao. Kung di ako nagkakamali, yun ang isyu nila last year (as in April 2013) at ang cover nun ay ang mga nagtipon-tipon sa kanilang mga sagupaan sa Wrestlemania 29 na ginanap naman sa Metlife Staidum sa East Rutherford, New Jersey.

At doon ko nakita ang pahinang naglalarawan ng isa sa mga di mabilang na litrato ng labanan nilang dalawa.
Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang sinapit niya, namatay siya matapos atakehin sa puso sa labas ng isang hotel sa Scottsdale, Arizona alas-5:50 ng hapon noong Abril 8, 2014. Kasama niya na naglalakad nun ang kanyang asawa papunta sa kanilang sasakyan nung nangyari ito.

Kala mo scripted to tulad ng ilang mga death prank dati?  Actually, not this time around. Dahil ultimo mga mainstream news outlets mula sa traditional na tri-media hanggang sa mga sports at entertainment news blogs ay naging mainit ang item na ito.

Dahil nga dyan, marami na naming nabuhay na dating professional wrestling fan na biglang nakarelate sa balita. Sabagay, entertainment na nga rin kasi sa totoo lang ang mundo ng WWE. Pero ika nga ni Cesca Liton nung binalita niya ito sa programang Solar Sports Desk, “it may be entertainment, but it’s still a sport.”

Sino ba naman kasing mag-aakala na si Warrior ay mamamatay ng biglaan? Eh nung Sabado, Abril 5, ay isa siya sa 7 kataong na-induct sa latest na edisyon ng taunang WWE Hall of Fame sa New Orleans Arena? 

Kasama pa nga niya nun sila Lita, Jake “The Snake” Roberts, Scott Hall – o mas kilala sa WWE bilang si “Razor Ramon,” Carlos Colon, Mr. T, at ang tanging “namatay” na inductee lang nung kapanahunang yun ay ang dating manager nila Undertaker, Kane at Mankind na si William Moody – o mas kilala bilang si (oh, yeeeeesssss!) “Paul Bearer.”

Sino ba naman kasing mag-aakala na papanaw siya sa edad na 54, dalawang araw matapos silang humarap sa 75,1676 katao sa loob ng Mercedes Benz-Superdome para sa ika-30 edisyon ng taunang “Super Bowl ng sports entertainment” – ang Wrestlemania XXX?

At ang talumpati niya sa loob ng New Orleans Arena noong Abril 7, Lunes, sa episode ng WWE Monday Night RAW, nagsilbi nga bang “premonition?”



Oy, ang lalalim din ng mga biniibitawan niyang kataga ha?

Kaya nga naman nagbigay din ng tribute ang WWE sa kanya eh.



‘Di lang yan. Marami ring mga kanya-kanyang ‘tribute video’ na gawa ng mga samu’t saring user (na mga pro wrestling fan rin)sa YouTube.

At ayon sa TMZ din nun, ang sitcom na “The Goldbergs” ay nagbigay din ng kanilang bersyon ng pagbibigay-pugay sa kanila.

Pero ang gawa ng WWE mismo – samahan pa ng musika mula sa isa sa mga bago kong paboritong banda na 7Lions – ang talaga namang nakapagbigay ng ‘goosebumps’ sa akin. Shoot, walang katulad.

At sa totoo lang, kahit di ako fan ni Ultimate Warrior, malaki rin ang paghanga ko sa wrestler na ito. Just... WOW.

Rest in Peace, (and Power, too) and much respect.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Tuesday, 11 February 2014

Gone Too Soon, Tado.

2/12/2014 9:54:40 AM

Tutal lahat naman ay may kwento ukol sa namanaty na sikat na personalidad na iniiolo nila. Aba, wala ako eh. Isang karanasan lang ang maipapaskil ko.

At alam ko, hindi throwback Thursday ngayon. E ano naman?

Naalala ko pa ang kauna-unahang beses kong naengkwentrong ang mamang ito. Once upon a time, sa Save More Riverbanks (taong 2000 yun kung tama pa ang memorya ko; kung hindi? Mas maaga pa dun, mga 1999), ang ermat at pinsan ko ang unang nakapansin sa komedyanteng yun, samantalang ako ay walang kaide-ideya na nakikita nila ang isa sa mga pinapanood nila sa telebisyon.


Sambit ng ermat ko, “Nes, si Tado oh!”

Ako, aanga-anga naman, “saan?”

“Ayun oh,” wala lang, salita lang nila, di nila manguso o maituro man lang (aba, pag ginawa nila yun, malamang mapagkamalan pa silang iskanadloso at iskandalosa no?), kaya dinaan na lang nila sa tingin.

Palapit at patapat ang magtatatlong dekadang edad na komedyante sa shopping cart naming, doon ko nga lang napain na (sa isip-isip ko lang naman), “aba, pucha, totoo nga.”

Sabi ko sa kanila, “oo nga no.”

Sabay reply naman ng mamang nakasalamin at saksakan ang pagkahaba ng buhok, “oo nga no.”

Oo, ginaya lang ako. Pero tanginang yan, na-starstruck ako dun ah.

Sa totoo lang, hindi naman ako ganung iniidolo si Arvin Jimenez eh. Pero naastigan lang ako sa istilo ng pananalita niya sa paghohost at pagpapatawa. Yun nga lang, kung saksakan ng kababawan lang ang alam mo, baka mapataka ka na “what the heck. Nagpapatawa ba talaga ang mamang ‘to?”

Ni aminado nga ako, na hindi ko alam na kasama siya sa Sineskwela until nung nireplay yan sa Knowledgea Channel at Studio 23 nun. Oo, minsan ay kasama niya ang mga bata pa nung si Palikpik at Agaton, isama mo na rin si Kuya Bon, Ugat-Puno, at Kulitsap. Siyempre, si Tintin Bersola at Winnie Cordero kasama din dun no.

Noong 2007 nga lang ako mas nahook-up sa radio nun, sabayan kong napapakinggan ang RT at Magic nun. At sa pagsisimula ng isang programa dun sa RT nun ay napansin ko ang dalawa sa tatlong boses nun na pamilyar sa akin – tama, si Ramon Bautista at Tado. At isama mo na rin si Erning, bagamat hindi ako masyado nakapanood nun ng Strangebrew.

Meron pa ngang pagkakataon na pinopormahan pa nga ata ni Tado nun si Kelly (na DJ din sa 99.5 na nagging Hit FM na nun). Mangilanbg beses ko rin na nirecord ang ilang segment ng programa nila nun para lang may mareplay ako pag nagsasoundtrip ako nun sa biyahe (medyo nagasasawa na rin ako sa nakakasurang tunog ng mainstream nun eh), at napapatawa na lang mag-isa sa kapapakinig nun.

Sayng nga lang dahil sa sorang obsolete na ng PC ko (at nalubog pa nga ang isang CPU ko noong Ondoy), hindi ko na naretrieve ang mga ito.

At noong kasagsakagan ng bangaan nila ni Vice Ganda, hindi ko napanood ang live footage nun sa Kapamilya channel, at nireplay lang ni Tado yun sa programa niya sa Brewrats na nakaistayson na nun sa U92.

Huling beses na nakita ko sa personal ang mamang ito ay noong book launch ni Ramon Bautista noong Nobyembre 2012. Kasama ang kanyang produkto mula sa Limitado (hindi lang yung T-Shirt nya ang tinutukoy ko ha?) na mala-Voodoo na isturang manika. May nakaumbok pa nga eh.

Sa totoo lang, wala ako sa posisyon na magsalita ukol sa taong ito (teka, sino nga ba ako, di ba, maliban sa minsa’y naging tagahanga nya), pero siguro, isa na siya sa mga taong makabayan at may matabang utak ng isang manlilikha sa panahon ngayon. Bagay na mas malawak pa sa mga tulad ni Kiko (na kapwa artista niya at may makabayang tema sa mga gawa niyang musika).

Isa rin siya sa mga tumutulong sa kanyang mga kababayan nun (kung hindi ako nagkakamali ay isa rin siya sa mga tumulong sa mga evacuees ditto sa lugar naming noong nanalasa si Habagat noong Agosto 2012).
Sayang nga lang, hindi siya pinalad manalo. At sayang din na marami pala siyang nais gawin (na may kabuluhan) sa buhay.

Minsan, mapapataka ka na lang, bakit hindi pa mamatay ang mga tarantado (as in mga gago, bastardo, at siraulo talaga; hindi yung mga dala lang ng pagkakataon kung bakit sila napasama) sa lipunan, at bakit ang mga tulad pa ni Tado ang dapat mawala sa pamamgitan ng aksidente sa Bontoc?

Kaso ganun talaga ang buhay eh. Bagamat sa totoo lang, hidni ako masyaod nagpapakakumbinsido sa kasabihang ‘ang masamang damo, matagal mamatay.’

Napadayo pa nga ako sa public viewing niya kahapon. Blockbuster ang pila, ‘tol. Yan ang patunay na maraming nagmamahal sa kanya. Siyemrpe, malaki rin ang fan base niya sa Brewrats at Strangebrew eh. Hindi pa dyan kasama ang mga adbokasiya niya sa buhay at pati na rin ang mga kaalyado sa pulitika.
Grabe lang.

Mabuhay ka, Tado. Ika mo nga , “ang mabuhay nang dahil sa iyo.” Saludo ako sa iyo at sa mga adhikain mo sa buhay.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 3 October 2012

ALAMAT. (A fan’s tribute to Master Rapper)

10/04/2012 |  12:39 p.m.
(Photo credits: francismagalona.multiply.com and facebook.com/theslickmaster28)
Isang alamat na maituturing. Isa sa mga tao na nakapagpabago ng takbo ng musika sa Pilipinas. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa kanyang mga kanta na nagsasalamin sa iba’t ibang mga tema at mensahe? Nakipagsabayan kila Andrew E at sa mga tulad ng bandang Rivermaya at Yano noong Dekada ’90? Ang nakasama nila Ely Buendia ng Eraserheads, ang bandang Greyhounds, Si Chito Miranda at ang kanyang Parokya ni Edgar, ang grupong Death Threat na kinabibilangan ng isa sa kanyang mga nagging kaibigan at tagahanga at ngayon, ay sumusunod sa yapak niya na si Gloc-9?

Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Francis Magalona sa indistriya ng musika. Napakalupit lang.
Siya ang nagdala ng musika ng rap at hip hop sa mainstream side ng Pilpinas noong dekada ’90, bagay na panibago sa mata ng mga tao dun dahil ilang taon na pala ito sa bansa noon. At sa isang pambihirang pagkakataon, napagsama niya ang mga genre ng rap at Pinoy rock noong kalagitnaan ng dekada ’90 sa tindi ng mga mensahe na may kinalaman sa pulitika, lipunan, buhay at iba pa. Maliban pa diyan, nabuo nya ang mga bandang Hardware Syndrome. At marami pang mga artista ang sinama sa kanyang mga collaborations, mula kay Joey Ayala, Ryan Cayabyab, Mike Hanopol, Andrew E, Michael V at sa mga bandang Eraserheads, Parokya Ni Edgar, Greyhoundz, rapper na si Gloc-9 at sa iba pang mga pangalan sa OPM, sikat man o pasikat pa lang.

Ilang mga parangal ang nakuha niya mula sa iba’t ibang grupo at ahensya na nagbibigay pagkilala sa musika. Bagay na nagbigay sa kanya ng mataas na respeto sa makabagong kultura na tiula hindi pa ganun katanggap ng karamihan, maliban na lang kung ikaw ay batang ipinanganak noong dekada ’80 at ’90.

Maliban pa diyan, isa rin siyang breakdancer, aktor sa telebisyon at pelikula, host sa Eat Bulaga, naging hurado sa Philippine Idol, direktor ng mga music video, DJ sa istasyon ng radio na 89.1 DMZ, nagging pinakaunang Filipino VJ sa MTV, at naging miyembro pa nga ng That’s Entretainment, at Bagets 2. Astig din pala na maituturing ang naging takbo ng karera nya sa pagharap sa kamera, ano.

Sa tindi ng paghubog niya ng hip-hop sa Pilipinas, maraming pangalan ang nabuo at nakilala mula noon pa man. At marami rin siyang nahubog na mga talento sa nasabing indsutriya tulad nila Marlon “Loonie” Peroramas ng Stick Figgas sa pamamagitan ng isang segment sa Eat Bulaga na Rap Public of the Philippines. Ang tindi lang.

Sa panahon ngayon na iilan na lamang ang mga akda musika na may kahulugan, ang hip-hop na mas nakikita sa mga videos ng rap battle league na FlipTop, mas maganda pa rin ang balikan ang mga nagdaang dekada at sariwain ang alaala ng kalupitan ng musika sa Pinas. At isa sa mga ito, ay hindi makakaila, ang pagra-rap ng isang Francis Magalona. Kahit 3 taon na siya namaalam, at kahit 48 taon na pala siya sa araw na ito.

Sources:
Author: slickmaster |  © 2012 september twenty-eight productions

Saturday, 14 July 2012

Jawo and Dolphy: Ang mga natatanging alamat.


Legends die hard. They survive as truth rarely does.

Isa sa mga “Final Word Tonight” posts na nakita, nabasa at nalike ko sa Facebook page ng isang local na news channel kamakailan lang. At sa tingin ko, umakma ito sa mga nakalipas na pangyayari na may dalawa sa mga kilalang personalidad sa pampalakasan at pagpapatawa ang naging laman ng mga headlines sa mga balita. isang pasada muna sa pangyayari bago ito tuluyang lumipas.

15 taon na mula noong huling naglaro ang living legend na si Robert Jaworski sa Phillipine Basketball Association. At noong nakaraang Linggo, a-8 ng Hulyo, dinumog ng humigit-kumulang 15,000 katao, karamihan sa mga yan ay mga tagahanga ni Jawo, ang Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City para saksihan ang pormal na pagreretiro ng 1978 PBA MVP sa paglalaro ng basketball.
Si Robert Jaworski sa kanyang retirement ceremony.
Photo credit:  http://www.interaksyon.com/interaktv/video-robert-jaworskis-full-speech-at-his-jersey-retirement-ceremony   

Sa 23 taon na pamayayagpag niya sa hardcourt, kabilang si Jaworski sa mga pioneer batch sa PBA kung saan ay parte siya ng pinakatanyag na rivalry ng Crispa-Toyota. At 15 taon sa kanyang panahon ng paglalaro sa PBA ay naging kasapi ito ng Ginebra, na kung saan ay pinauso niya ang “never-say-die” spirit ng paglalaro. At sa 30 beses na nakatuntong si Big J sa finals, nakasungkit ito ng 13 kampeonato. Ba, ayos.
Hindi ko alam kung ito ba ay kauna-unahan o pang-ilang beses na sa kasaysayan ng liga na gawaran ng mga tribute at retirement ceremony ang isang manlalaro. Kasi sa mga nasasaksihan kong mga ganyang event sa TV, e madalas sa NBA ko napapanood. Yung huli, noong panahon pa ni Phil Jackson bilang coach ng Chicago noon.

Matakin mo ha? Maliban sa mga matitindi niyang galaw sa hardcourt at knotrobersyal na tawag at reaksyon e madalas raw na tinatanggap niya ang mga alok ng mga tagahanga na magpa-autograph sa kanya, at kahit ultimo ang magpakuha pa ng litrato. Ganyan ang pagmamahal niya sa mga tagahanga. Literally, never say die talaga mula pre-game hanggang post-game. Ayos di ba?

Ayon pa sa isang sports analyst na si Quinito Henson, na siya din ang naghost ng naturang event. Tila napaka-magical daw ang gabing yun ng pagpaparangal kay Jawo. Sa isang artikulo niya sa dyaryong the Philippine Star noong Hulyo a-10, ay talgang nagkaroon ng significance ang numero 7 sa karera niya bilang basketbolista. Numbers game ba kamo ang usapan?

At may mga spekulasyon na papasok ulit sa pulitika ba si Jawo? Hmmm... malalaman natin yan sa 2016. Nagpapraktis daw e ayon sa Dokumentado. Fencing ba yun kung tama ang napanood kong teaser? Haha.
Okay, speaking of July 10, fast-forward tayo sa petsang iyan na tila gumawa ng bagong marka sa historya ng mga pangyayari sa showbiz.

Isa sa mga alamat sa pagiging komedyante at actor ay tuluyan nang namaaalam sa mundo na ginagalawan niya matapos ang halos 84 na taon.

Nagluksa ang milyun-milyon na tago na napatawa at napahanga ni Rodolfo Vera Quizon, Sr. nang pumanaw ito sa oras ng alas-8:34 (o 8:40 sa mga ibang source ng balita) noong Martes ng gabi, 1 buwan at 1 araw mula ng makaratay ito sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center. Dito tuluyang nagwakas ang paglalakbay ng Hari ng Komedya sa 83 taon at 11 at kalahating buwan (15 araw na lang sana bago niya ipagdiwang ang kanyang ika-84 na kaarawan), at 66 na taon sa mga ito ay nilaan niya sa pagtatrabaho bilang comedian, entertainer, at aktor sa radio, teatro, pelikula at telebisyon.
Dolphy. Photo credit: http://www.balitangamerica.tv/wp-content/uploads/cache/29447_BnHover.jpg

Bumuhos ang taos-pusong pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Mang Dolphy, mula sa mga special report ng mga newscast sa telebisyon, nakarating sa New York Times ang mga balita, hanggang sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at iba pa. Naging pinakatrending topic pa nga ito sa Twitter noong gabing iyon matapos ang kaliwa’t kanag tweet mula sa mga kilalang perosnalidad mula sa pagbabalita, musika, showbiz, at kahit sa mga tagahanga. Nagumapaw din ng mga tribute sa Hari ng Komedya mula sa videong pinapalabas sa TV hanggang sa mga blogs ng iba’t ibang mga tao.

Nagbigay din ng mga necrological services ang mga network na ABS-CBN at TV5 para kay Mang Pidol. Ilang mga personalidad sa pulitika at showbiz din ang nagbigay ng ilang salita bilang pag-alala sa kanya.

Aminado ako na hindi ako ganun ka-fan ni Dolphy pero nagging parte ako ng mga hindi mabilang na henerasyon na napatawa niya sa kanyang mga pelikula’t sitcom sa telebisyon. Hindi ganun kadali ang maging katulad niya na artista na kadalasan din ay binabato ng kaliwa’t kanang mga kontrobersiya sa buhay and yet naggagawa pa niyang maipagaan ang ilan sa mga mabibigat na sitwasyon sa buhay. Saludo ako sa mga ginawa niya. Sa panahon na hindi pa uso ang TV, na sa mga moviehouse lang ang pinakapaboritong lugar ng mga tao pagdating sa paghahanaw ng mga bagay na makakapagpa-aliw sa kanilang buhay, na gumawa ng 4 o 5 o 6 na pelikula sa kada taon? Ba, hindi biro yun ha.

Tila isa lang si Dolphy sa mga tila “endangered species” ng Pioneer na Philippine Entertainment.  Ang mga ilan sa mga nakasabayan niyang sila Panchito, Babalu, Delia Atay-Atayan, Nida Blanca, at iba pa niyang nakasama sa entablado’t on-camera? Nauna pa sa kanya. Maliban pa daw kay Fernando Poe, Jr., si Dolphy daw ang isa sa mga pinakamababait na tao na nakilala ng sinuman, on-cam man o off-cam.

Sa sports, si Big J. Sa show business, si Pidol. Kilalang Big J sa basketball, siya naman ay may trono bilang Hari ng Komedya. Ayon sa ilan, ang lokal na bersyon ni Jordan at ni Charlie Chaplin, bagamat hindi sa eksaktong parehong istilo. May kanya-kanya silang mga daan na tinahak, at may kanya-kanyang panahon sila. Sa kabila ng mga pagkakataon na binato sila ng mga kontrobersiya ay nanatili sila at promal na tinapos ang kanilang mga karera.

Ano ang pagkakapareho ng isang Robert Salazar Jaworski, Sr. at ng isang Rodolfo Vera Quizon, Sr. sa isa’t isa? Maliban pa sa mga nabanggit?

Pareho silang minahal ng kanilang mga taga-hanga, at nanatiling namamayagpag sa kabila ng mga pangyayari, at sa mahabang panahon pa.

At sa tingin po, sapat na iyan para sila’y tingalain ng mga tao at bansagan silang mga “alamat.”

Author:slickmaster
Date: 07/12/2012
Time: 09:54 p.m.
(c) 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 10 July 2012

Idol Pa Rin Si Pidol: 5 Things I Remember On Dolphy (and more).

07/11/2012  | 11:14 AM 

Oo, idol pa rin siya. Sa halos lahat yata ng mga kasabayan niya sa nakalipas na halos 67 taong pamamayagpag sa entablado, pinilakang tabig, at telebisyon, siya na lang ata ang isa sa mga tila endangered species ng Philippine entertainment, maliban pa kay Manong Eddie Garcia na nasa 80 na rin ang edad. Ilang pelikula ang ginawa niya mula 1946? 243 ayon sa aking kaibigan na si mommyjoyce. Aba, mas mahaba pa sa listahan ng utang ko sa tindahan para isa-isahin ang mga yan. Ilang serye ng mga palabas na kasama ang iba’t ibang mga kapwa artista tulad ni Panchito, Pancho Magalona, Babalu, Nida Blanca, Nova Villa at iba pa? Pustahan, kulang pa ang isang buwan para i-playback ang lahat ng mga ‘to sa mga koleksyon ng VCD o kung meron man, streaming sa YouTube. Iba’t ibang mga role ang ginampanan niya bilang actor sa TV, radio (tama, minsan niya pinasok ang larangan na maging dubber) at pelikula, be it straight or gay.

Aminado ako na konti na lang sa mga mala-alamat na gawa ni Mang Dolphy ang naabutan ko na umeere. Hindi kumpleto ang Huwebes ng gabi naming nung kapag hindi naming napapanood ang isa sa 2 palabas na inaabangan namin sa ABS-CBN: ang Home Along Da Riles. Oo, si Kevin Kosme, kasama sila Mang Tomas, Aling Ason, Richy, Elvis, Baldo, at iba pang mga tao dun sa riles.

Sa malamang, 1 lang ang Home Along Da Riles sa 2 pinakatanyag na programang pang-komedya sa telebisyon na pinagbidahan niya sa loob ng 24 na taon mula noong 1979 hanggang 2003. At yung isa pa na longest-running sitcom? Siyempre, ang John & Marsha, bagamat di ko naabutan to. Pero hindi ka laking 80s kung minsan hindi mo nasulyapan to sa RPN.

Sa pelikulang aspeto ang naabutan ko na lang ay Tataynik, Home Along The Riber, Dobol Trobol, Nobody Nobody But Juan at Wanted Perfect Father. Alam ko noong dekada ’90 marami pa dyan ang nagawa niya kasama na ang movie version ng kanyang sikat na palabas sa dos, pero dahil napakabihira lang ang pagkakataon na makapunta ako ng sinehan o magka-cable para mapanood ito sa mga tulad ng Cinema One, hindi ko nasulyapan ang iba.

Ang Tataynik, naabutan ko pa sa sinehan, nung nasa ground floor pa ang cinema 2 sa Ali Mall. Kasama niya dito ang isa rin sa mga iniidolo at minsan ay ginagaya kong komedyante na si Babalu.

Ang Nobody, Nobody but Juan na may cameo appearance pa ng Wowowee host na si Willie Revillame, napanood ko din. Yun nga lang, ito na rin ang era na tila tumutumal na siya sa big screen, at isama mo na dyan ang Father Jejemon pero wag ka Best Actor yan, at isama mo na ang isa pa niyang pelikula noong kaparehong taon na Rosario ang nakapagpabigay naman sa kanya ng Best Supporting Actor. 2 major acting awards, hinakot niya. Saan ka pa?

Yung Home Along the Riber, sa TV ko na lang naabutan e. Yung Dobol Trobol, sa DVD ng kapitbahay ko. Pero ang mas gusto ko sa lahat ng napagtripan ko, Wanted: Perfect Father. Sa cable ko na naabutan yan. Yung Father and Son nila ni Vandolph? Hindi ko napanood ng buo yun e. Pero bet na bet ko ang kanyang Banayd Whiskey scene. Minsan ko siya sinariwa at parang baliw lang ako na natatawa habang naka-headphones sa computer shop na pinanonoodan ko nito.

Yung Quizon Avenue din pala, Sabado ng gabi sa Channel 2 yun kung hindi ako nagkakamali kasama ang kanyang mga anak.

Sa malamang, minsan sa ibang panahon, magbabalik-tanaw pa ako sa mga B&W pictures ng Sampaguita, RVQ at iba pang mga gawa niya pati na rin sa ibang mga tao, bagay na ginagawa ko naman talaga minsan kahit sa mga gawa pa ni Redford White, Babalu, Porkchop Duo at iba pa. Habang sinusulat ko nga ito, pinapakinggan ko ang mga spiel at dialogue ng isang antigong John N Marsha episode. Wala lang. Ayos din pala. Asan na kaya ang mga ganitong klaseng palabas ngayon, na dapat sana e nagpapakain sa isipan ng bawat manunood nito? Iba ang uupo sa trono niya sa mga susunod na taon, pero isang bagay lang ang sigurado. Hindi kayang tapatan ng sinuman ang kalupitan niya sa pagpapatawa’t pag-aarte sa nakalipas na halos 7 dekada. Rest in Peace, Idol ka parin, Pidol.

Pero, isang bagay pa rin ang nasa isip ko: ‘Di ba dapat nagawaran na ang mamang ito ng National Artist? Hmmm…. Matalakay nga yan minsan.

Author: slickmaster  | © 2012 september twenty-eight productions