Showing posts with label death. Show all posts
Showing posts with label death. Show all posts

Wednesday, 23 April 2014

Alaala Ni Warrior

4/24/2014 9:23:06 AM

Sino mag-aakala na ang mamang ito ay mamamatay nang biglaan? As in hindi mo inaasahan bilang isang wrestling fan.

Oo, si James Brian Hellwig nga. Kung batang 80s o 90s ka at nanunood ng WWF (yan pa pangalan nila nun, bago sila nagkaroon ng naming dispute sa World Wildlife Fund) sa TV, ke sa channel 9 o 13 man yan, alam mo kung gaano kakilala ang mamang ito.

Yung taong laging nakaface-paint at may suot na maskarang akala mo ay aatend ng isang masquerade party? Yung tipong pag nasa squared circle ay ipapadyak ang paa ng bonggang-bongga habang tila inaalog ang taling nagsisilbing bakod nito. Yung sa sobrang wild ng personality dala ng kanayng hype at energy  pagdating sa arena, samahan mo pa ng musical entrance niya. At yung boses niya na kjala mo ay nakawala sa koral.


Yan nga – si Ultimate Warrior.
Mas maalala siya sa mga matitinding laban sa WWF nun, kabilang na ang champion-vs-champion fight nila ni Hulk Hogan sa Wrestlemania 6 noong Abril 1, 1990.

Ironically, bumili ako ng isang throwback na WWE magazine nun (Abril a-8 din yun, oras sa Pilipinas) sa isang branch ng Book Sale sa Cubao. Kung di ako nagkakamali, yun ang isyu nila last year (as in April 2013) at ang cover nun ay ang mga nagtipon-tipon sa kanilang mga sagupaan sa Wrestlemania 29 na ginanap naman sa Metlife Staidum sa East Rutherford, New Jersey.

At doon ko nakita ang pahinang naglalarawan ng isa sa mga di mabilang na litrato ng labanan nilang dalawa.
Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang sinapit niya, namatay siya matapos atakehin sa puso sa labas ng isang hotel sa Scottsdale, Arizona alas-5:50 ng hapon noong Abril 8, 2014. Kasama niya na naglalakad nun ang kanyang asawa papunta sa kanilang sasakyan nung nangyari ito.

Kala mo scripted to tulad ng ilang mga death prank dati?  Actually, not this time around. Dahil ultimo mga mainstream news outlets mula sa traditional na tri-media hanggang sa mga sports at entertainment news blogs ay naging mainit ang item na ito.

Dahil nga dyan, marami na naming nabuhay na dating professional wrestling fan na biglang nakarelate sa balita. Sabagay, entertainment na nga rin kasi sa totoo lang ang mundo ng WWE. Pero ika nga ni Cesca Liton nung binalita niya ito sa programang Solar Sports Desk, “it may be entertainment, but it’s still a sport.”

Sino ba naman kasing mag-aakala na si Warrior ay mamamatay ng biglaan? Eh nung Sabado, Abril 5, ay isa siya sa 7 kataong na-induct sa latest na edisyon ng taunang WWE Hall of Fame sa New Orleans Arena? 

Kasama pa nga niya nun sila Lita, Jake “The Snake” Roberts, Scott Hall – o mas kilala sa WWE bilang si “Razor Ramon,” Carlos Colon, Mr. T, at ang tanging “namatay” na inductee lang nung kapanahunang yun ay ang dating manager nila Undertaker, Kane at Mankind na si William Moody – o mas kilala bilang si (oh, yeeeeesssss!) “Paul Bearer.”

Sino ba naman kasing mag-aakala na papanaw siya sa edad na 54, dalawang araw matapos silang humarap sa 75,1676 katao sa loob ng Mercedes Benz-Superdome para sa ika-30 edisyon ng taunang “Super Bowl ng sports entertainment” – ang Wrestlemania XXX?

At ang talumpati niya sa loob ng New Orleans Arena noong Abril 7, Lunes, sa episode ng WWE Monday Night RAW, nagsilbi nga bang “premonition?”



Oy, ang lalalim din ng mga biniibitawan niyang kataga ha?

Kaya nga naman nagbigay din ng tribute ang WWE sa kanya eh.



‘Di lang yan. Marami ring mga kanya-kanyang ‘tribute video’ na gawa ng mga samu’t saring user (na mga pro wrestling fan rin)sa YouTube.

At ayon sa TMZ din nun, ang sitcom na “The Goldbergs” ay nagbigay din ng kanilang bersyon ng pagbibigay-pugay sa kanila.

Pero ang gawa ng WWE mismo – samahan pa ng musika mula sa isa sa mga bago kong paboritong banda na 7Lions – ang talaga namang nakapagbigay ng ‘goosebumps’ sa akin. Shoot, walang katulad.

At sa totoo lang, kahit di ako fan ni Ultimate Warrior, malaki rin ang paghanga ko sa wrestler na ito. Just... WOW.

Rest in Peace, (and Power, too) and much respect.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 5 March 2014

Throwback: Tribute To Francis Magalona

3/6/2014 2:04:04 PM

It’s been six years when his untimely death shocked us. Mainstream fans, hip-hoppers, real artists, whoever you are. At least for once you appreciated his KALEIDOSCOPE WORLD under those THREE STARS AND A SUN; when he, a MAN FROM MANILA, wanted a GIRL like you to BE MINE (or should I say, “Be with him”). He really has a WHOLE LOTTA LOVIN' to warm those COLD SUMMER NIGHTS.

Yeah, talk about some kind of ‘reference bars,’ eh?


Here’s the thing. I can’t help but to watch this tribute clip for over and over again. And it’s really good.
Gloc-9 showed his passion right there. What a fitting tribute. Forget the bad-ass move that Andrew E made there. Hip-hop may have that ‘rap battle’ thing to outwit the others; but it doesn’t mean that the culture is meant to be violent.

I’m not a hip-hopper but I do believe in music, that it can bind every human being with love and respect.
Let’s set the shit aside for a while. Here’s Gloc-9, Andrew E, Hi-C, and Ron Henley on this Eat Bulaga special dated March 7, 2009 (Yes, it was a Saturday).




Rest in Peace, Master Rapper. Long live the rap music!


Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

Wednesday, 31 October 2012

Kung Mamamatay Ka Bukas, Bakit Hindi Pa Ngayon?

10/31/2012, 03:07 p.m.

Aminin mo, tunog misleading siya sa iyo ‘no?

Oo nga naman kasi. Parang gusto mo naman yata mamatay ang taong masasabihan mo niyan. Ayos lang sanakung sa biruan mo gamitin yan. E paano kung, kaaway mo ang pinagsasabihan mo niyan. Baka makasuhan ka pa ng grave threat niyan sa sama ng dating ng mga saltiang iyan.

Una kong narinig ito sa isa sa mga bars ng rapper na si Shehyee sa isang laban niya sa rap battle league na FlipTop noong 2010.

“Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon?”


Hmmm… Bakit nga ba? Dahil hindi ka pa handang kunin ni Lord? Hindi ka pa ba handa na ipasa sa mga anak, asawa, apo ang mga pinagyamanan mo? E hindi mo naman talaga madadala yan kung saan man ang iyong susunod na destinasyon. O dahil nagreresign ka na sa misyon mo sa mundong ito? Sige ka, baka magsisi ka din. Masarap mabuhay sa mundo, ‘no.

May kasabihan na “live each day as if it is your last.” Ibig sabihin, ibigay mo lagi ang best mo sa kada araw na nabubuhay at mabubuhay ka. Oo nga naman, dahil hindi mo naman matatantiya kung kelan ka lilisan sa mundo.

Parang ang dating ay tinaningan ka ng doctor mo dahil sa tila terminal stage na ang sakit na dinaranas mo. Pero ang tanong, mangyayari ba talaga iyun? Mamatay ka ba talaga after six months or so?

May pagkasuicidal tendency naman kapag sinabihan mo ang sarili mo ng ganyan. As in parang gusto mo na lang talaga magpakamatay. At yun ang delikado diyan.

Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon? E kung sa ang sarap mabuhay e. Ika nga, may nagtrending na salitang YOLO, o You Only Live Once. Oo, minsan ka nga lang talaga mabubuhay sa mundong ito kaya ‘wag mo itong wakasan kaagad. Dahil pag nangyari yun, hindi ka na rin makakapagsisi na parang taong nagkamali sa desisyon sa pagpili ng kotseng bibilhin. Pero dahil sa… wala ka na e. Buti sanakung bigla kang bigyan ng tinatawag na second chance to live in just a snap short period of time. E paano kung hindi?

E ‘di goodbye na talaga. (Teka lang. Parang suicide note naman yata ang dating ng ending portion na ito. Tsk.)

Author: slickmaster | © 2012 septmeber twenty-eight productions