Saturday, 14 July 2012

Jawo and Dolphy: Ang mga natatanging alamat.


Legends die hard. They survive as truth rarely does.

Isa sa mga “Final Word Tonight” posts na nakita, nabasa at nalike ko sa Facebook page ng isang local na news channel kamakailan lang. At sa tingin ko, umakma ito sa mga nakalipas na pangyayari na may dalawa sa mga kilalang personalidad sa pampalakasan at pagpapatawa ang naging laman ng mga headlines sa mga balita. isang pasada muna sa pangyayari bago ito tuluyang lumipas.

15 taon na mula noong huling naglaro ang living legend na si Robert Jaworski sa Phillipine Basketball Association. At noong nakaraang Linggo, a-8 ng Hulyo, dinumog ng humigit-kumulang 15,000 katao, karamihan sa mga yan ay mga tagahanga ni Jawo, ang Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City para saksihan ang pormal na pagreretiro ng 1978 PBA MVP sa paglalaro ng basketball.
Si Robert Jaworski sa kanyang retirement ceremony.
Photo credit:  http://www.interaksyon.com/interaktv/video-robert-jaworskis-full-speech-at-his-jersey-retirement-ceremony   

Sa 23 taon na pamayayagpag niya sa hardcourt, kabilang si Jaworski sa mga pioneer batch sa PBA kung saan ay parte siya ng pinakatanyag na rivalry ng Crispa-Toyota. At 15 taon sa kanyang panahon ng paglalaro sa PBA ay naging kasapi ito ng Ginebra, na kung saan ay pinauso niya ang “never-say-die” spirit ng paglalaro. At sa 30 beses na nakatuntong si Big J sa finals, nakasungkit ito ng 13 kampeonato. Ba, ayos.
Hindi ko alam kung ito ba ay kauna-unahan o pang-ilang beses na sa kasaysayan ng liga na gawaran ng mga tribute at retirement ceremony ang isang manlalaro. Kasi sa mga nasasaksihan kong mga ganyang event sa TV, e madalas sa NBA ko napapanood. Yung huli, noong panahon pa ni Phil Jackson bilang coach ng Chicago noon.

Matakin mo ha? Maliban sa mga matitindi niyang galaw sa hardcourt at knotrobersyal na tawag at reaksyon e madalas raw na tinatanggap niya ang mga alok ng mga tagahanga na magpa-autograph sa kanya, at kahit ultimo ang magpakuha pa ng litrato. Ganyan ang pagmamahal niya sa mga tagahanga. Literally, never say die talaga mula pre-game hanggang post-game. Ayos di ba?

Ayon pa sa isang sports analyst na si Quinito Henson, na siya din ang naghost ng naturang event. Tila napaka-magical daw ang gabing yun ng pagpaparangal kay Jawo. Sa isang artikulo niya sa dyaryong the Philippine Star noong Hulyo a-10, ay talgang nagkaroon ng significance ang numero 7 sa karera niya bilang basketbolista. Numbers game ba kamo ang usapan?

At may mga spekulasyon na papasok ulit sa pulitika ba si Jawo? Hmmm... malalaman natin yan sa 2016. Nagpapraktis daw e ayon sa Dokumentado. Fencing ba yun kung tama ang napanood kong teaser? Haha.
Okay, speaking of July 10, fast-forward tayo sa petsang iyan na tila gumawa ng bagong marka sa historya ng mga pangyayari sa showbiz.

Isa sa mga alamat sa pagiging komedyante at actor ay tuluyan nang namaaalam sa mundo na ginagalawan niya matapos ang halos 84 na taon.

Nagluksa ang milyun-milyon na tago na napatawa at napahanga ni Rodolfo Vera Quizon, Sr. nang pumanaw ito sa oras ng alas-8:34 (o 8:40 sa mga ibang source ng balita) noong Martes ng gabi, 1 buwan at 1 araw mula ng makaratay ito sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center. Dito tuluyang nagwakas ang paglalakbay ng Hari ng Komedya sa 83 taon at 11 at kalahating buwan (15 araw na lang sana bago niya ipagdiwang ang kanyang ika-84 na kaarawan), at 66 na taon sa mga ito ay nilaan niya sa pagtatrabaho bilang comedian, entertainer, at aktor sa radio, teatro, pelikula at telebisyon.
Dolphy. Photo credit: http://www.balitangamerica.tv/wp-content/uploads/cache/29447_BnHover.jpg

Bumuhos ang taos-pusong pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Mang Dolphy, mula sa mga special report ng mga newscast sa telebisyon, nakarating sa New York Times ang mga balita, hanggang sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at iba pa. Naging pinakatrending topic pa nga ito sa Twitter noong gabing iyon matapos ang kaliwa’t kanag tweet mula sa mga kilalang perosnalidad mula sa pagbabalita, musika, showbiz, at kahit sa mga tagahanga. Nagumapaw din ng mga tribute sa Hari ng Komedya mula sa videong pinapalabas sa TV hanggang sa mga blogs ng iba’t ibang mga tao.

Nagbigay din ng mga necrological services ang mga network na ABS-CBN at TV5 para kay Mang Pidol. Ilang mga personalidad sa pulitika at showbiz din ang nagbigay ng ilang salita bilang pag-alala sa kanya.

Aminado ako na hindi ako ganun ka-fan ni Dolphy pero nagging parte ako ng mga hindi mabilang na henerasyon na napatawa niya sa kanyang mga pelikula’t sitcom sa telebisyon. Hindi ganun kadali ang maging katulad niya na artista na kadalasan din ay binabato ng kaliwa’t kanang mga kontrobersiya sa buhay and yet naggagawa pa niyang maipagaan ang ilan sa mga mabibigat na sitwasyon sa buhay. Saludo ako sa mga ginawa niya. Sa panahon na hindi pa uso ang TV, na sa mga moviehouse lang ang pinakapaboritong lugar ng mga tao pagdating sa paghahanaw ng mga bagay na makakapagpa-aliw sa kanilang buhay, na gumawa ng 4 o 5 o 6 na pelikula sa kada taon? Ba, hindi biro yun ha.

Tila isa lang si Dolphy sa mga tila “endangered species” ng Pioneer na Philippine Entertainment.  Ang mga ilan sa mga nakasabayan niyang sila Panchito, Babalu, Delia Atay-Atayan, Nida Blanca, at iba pa niyang nakasama sa entablado’t on-camera? Nauna pa sa kanya. Maliban pa daw kay Fernando Poe, Jr., si Dolphy daw ang isa sa mga pinakamababait na tao na nakilala ng sinuman, on-cam man o off-cam.

Sa sports, si Big J. Sa show business, si Pidol. Kilalang Big J sa basketball, siya naman ay may trono bilang Hari ng Komedya. Ayon sa ilan, ang lokal na bersyon ni Jordan at ni Charlie Chaplin, bagamat hindi sa eksaktong parehong istilo. May kanya-kanya silang mga daan na tinahak, at may kanya-kanyang panahon sila. Sa kabila ng mga pagkakataon na binato sila ng mga kontrobersiya ay nanatili sila at promal na tinapos ang kanilang mga karera.

Ano ang pagkakapareho ng isang Robert Salazar Jaworski, Sr. at ng isang Rodolfo Vera Quizon, Sr. sa isa’t isa? Maliban pa sa mga nabanggit?

Pareho silang minahal ng kanilang mga taga-hanga, at nanatiling namamayagpag sa kabila ng mga pangyayari, at sa mahabang panahon pa.

At sa tingin po, sapat na iyan para sila’y tingalain ng mga tao at bansagan silang mga “alamat.”

Author:slickmaster
Date: 07/12/2012
Time: 09:54 p.m.
(c) 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment