Wednesday, 3 October 2012

ALAMAT. (A fan’s tribute to Master Rapper)

10/04/2012 |  12:39 p.m.
(Photo credits: francismagalona.multiply.com and facebook.com/theslickmaster28)
Isang alamat na maituturing. Isa sa mga tao na nakapagpabago ng takbo ng musika sa Pilipinas. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa kanyang mga kanta na nagsasalamin sa iba’t ibang mga tema at mensahe? Nakipagsabayan kila Andrew E at sa mga tulad ng bandang Rivermaya at Yano noong Dekada ’90? Ang nakasama nila Ely Buendia ng Eraserheads, ang bandang Greyhounds, Si Chito Miranda at ang kanyang Parokya ni Edgar, ang grupong Death Threat na kinabibilangan ng isa sa kanyang mga nagging kaibigan at tagahanga at ngayon, ay sumusunod sa yapak niya na si Gloc-9?

Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Francis Magalona sa indistriya ng musika. Napakalupit lang.
Siya ang nagdala ng musika ng rap at hip hop sa mainstream side ng Pilpinas noong dekada ’90, bagay na panibago sa mata ng mga tao dun dahil ilang taon na pala ito sa bansa noon. At sa isang pambihirang pagkakataon, napagsama niya ang mga genre ng rap at Pinoy rock noong kalagitnaan ng dekada ’90 sa tindi ng mga mensahe na may kinalaman sa pulitika, lipunan, buhay at iba pa. Maliban pa diyan, nabuo nya ang mga bandang Hardware Syndrome. At marami pang mga artista ang sinama sa kanyang mga collaborations, mula kay Joey Ayala, Ryan Cayabyab, Mike Hanopol, Andrew E, Michael V at sa mga bandang Eraserheads, Parokya Ni Edgar, Greyhoundz, rapper na si Gloc-9 at sa iba pang mga pangalan sa OPM, sikat man o pasikat pa lang.

Ilang mga parangal ang nakuha niya mula sa iba’t ibang grupo at ahensya na nagbibigay pagkilala sa musika. Bagay na nagbigay sa kanya ng mataas na respeto sa makabagong kultura na tiula hindi pa ganun katanggap ng karamihan, maliban na lang kung ikaw ay batang ipinanganak noong dekada ’80 at ’90.

Maliban pa diyan, isa rin siyang breakdancer, aktor sa telebisyon at pelikula, host sa Eat Bulaga, naging hurado sa Philippine Idol, direktor ng mga music video, DJ sa istasyon ng radio na 89.1 DMZ, nagging pinakaunang Filipino VJ sa MTV, at naging miyembro pa nga ng That’s Entretainment, at Bagets 2. Astig din pala na maituturing ang naging takbo ng karera nya sa pagharap sa kamera, ano.

Sa tindi ng paghubog niya ng hip-hop sa Pilipinas, maraming pangalan ang nabuo at nakilala mula noon pa man. At marami rin siyang nahubog na mga talento sa nasabing indsutriya tulad nila Marlon “Loonie” Peroramas ng Stick Figgas sa pamamagitan ng isang segment sa Eat Bulaga na Rap Public of the Philippines. Ang tindi lang.

Sa panahon ngayon na iilan na lamang ang mga akda musika na may kahulugan, ang hip-hop na mas nakikita sa mga videos ng rap battle league na FlipTop, mas maganda pa rin ang balikan ang mga nagdaang dekada at sariwain ang alaala ng kalupitan ng musika sa Pinas. At isa sa mga ito, ay hindi makakaila, ang pagra-rap ng isang Francis Magalona. Kahit 3 taon na siya namaalam, at kahit 48 taon na pala siya sa araw na ito.

Sources:
Author: slickmaster |  © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment