Isang malamig na Linggo ng hapon, habang umuulan sa labas ng bahay at sa kape’t footlong na may hot sauce nagbabakasakaling mainitan ang aking sikmura. Narinig ko ang isang kanta ng bandang True Faith na sumapul sa akin.
Umaakma ata sa sitwasyon ko na napakakumplikado. Itutuloy ko ba ang pagsuyo o hindi? Hindi kayang sagutin ng sinuman ang nasabing suliranin. Kahit humingi pa ko ng tulong sa mga tulad ni Papa Jack. Hindi ko na lang mapiligilan ngunit ikanta ang lahat, pero ayos ana kung nakikinig siya e no?
Halos nakamove on na kasi ako, hanggang sa biglang nagparamadam ang ale. Tila sinasambit na “wag ka namng mawawala.” Babalikan ko ba ang nakalipas at pormahan siya ulit na parang bago lang kami magkakilala ulit.
Pero sa kabilang banda, naduduwag na ako na masilayan siya ulit. Parang sa sobra ng kapal ng mukha ko noon, nabahag na ang buntot ko ngayon. Parang pulis na ang lakas mag-angas na mang-abuso, pero natitiklo naman pag tinawagan on-air ni Raffy Tulfo. Sa pag-ibig nga lang yata ako naging mahina.
Katorpehan ba ang usapan? Siguro, ewan. Ang gulo lang tulad ng takbo ng utak at nararamdaman ko habang isnusulat ko ang piyesang ito.
Hihingi nga ba ng payo? Parang wag na lang din. Hindi naman kasi garantiya ang mga yan ay nasusunod e. kaya siguro nauso ang mga kasabihang “Kahit ang mga matatalinong tao ay nagiging tanga pagdating sa pag-ibig.” Teka, hindi ba dapat parehong utak at puso ang gumagana pagdating sa pag-ibig? Ang problema kasi mas nararamdaman ng puso ang emosyong dala ng pagmamahal kesa sa mapag-isipan ito e.
Pero hahayaan ko na lang ba ang lahat, talikuran ang mga ito? “Wag na lang kaya?” Hmmm… Madaling magsalita, as in madali ring manghusga. Yun nga lang. Pag kumplikadong tulad ko at ng sitwasyon ko ang problema, tiyak kailangan pa ata ng mga tila pamatay-adiksyon na lunas.
Basta. Astig talaga ang musika ng Pinoy noong ‘90s. Yun na lang ang masasabi ko. (Sabay sumisipol to the tune of “Huwag na lang kaya.”)
Date: 07/22/2012
Time: 03:43 p.m.
Author: slickmaster
© 2012 september twenty-eight productions