Showing posts with label lifestyle. Show all posts
Showing posts with label lifestyle. Show all posts

Thursday, 13 February 2014

Valentine’s Day Na! E Ano Ngayon? (v. 2014)

2/14/2014 9:11:05 AM

Babala: Ang post na ito ay rated SPG. Bawal sa mga tanga-tanga at kapos sa pag-unawang mambabasa.

Disclaimer: ang mailalahad sa post na ito ay pawang pananaw lamang ng awtor. Kung kontra ka, wala akong pake. Kung magkukumento ka na naglalaman ng salitang “bitter,” o ng alinmang kahalintulad, huwag mo nang ituloy dahil hindi rin ako nagbabasa ng mga ganyang kumento, maliban pa sa dahilan na may sagot lang din ako dyan sa iyong saradong isipan.

Wow, akalain mo, Valentine’s Day na naman!


Weh, ano naman ngayon?!


Masyado bang espesyal ang araw na ito? Sabagay, malamig ang temperature sa kalakhang Maynila eh. Parang Pasko lang at noong naglulupasay ang karamihan dahil sa SMP sila nun.

Yun lang? Parang ang babaw naman nun. Oo, mababaw talaga dahil sa likas tayong mababaw, lalo na kapag naiinlab tayo (well, in general lang naman).


Valentine’s Day na! Aba, akalain mo... uso pa pala yun? Sa mga taong nagmamahalan kahit sobrang nag-aaway sila at workaholic at kalaban ang mga modernong bagay tulad ng drugs, alak, at gadget, ibang hobbies at kung anu-anong bisyo pa, oo, usong-uso talaga yan.

Kahit makipag-argumento ka pa na “anak ng, eh after 24 hours o after midnight e tapos na rin ang Valentine’s day eh.” Ganun talaga. Kung tutuusin, ang bawat araw at gabi na dumadaan sa ating kamalayan ay sadyang ordinaryo lang naman eh. Anong bago? At ano ang pinagkakaiba niya sa mga lehitimong holiday at mga araw na tulad ng Valentine’s Day? Ang kultura natin, kasama na rin ang hype na dala ng media. Masyado na nakundisyon ang utak natin sa mga ganito.

At alam ko, unang pumapasok sa isipan ng siyam sa sampung tao sa inyo ay “ang bitter naman nito.” Aminin!

So... Valentine’s Day na! Eh ano naman ngayon? Pustahan, lilindol na naman sa Sta. Mesa niyan. Daming... um-hmmm, alam niyo na yun (ops, bawal pa-inosente).

Valentine’s Day na! Eh ano naman ngayon? Puno na naman ang sinehan niyan. Lalo na pag romantic ang pinapalabas dyan. At pag may kissing scene na umeksena sa pinilakang tabing, sasabay dyan ang magsyotang naglalabing-labing. Pero ops, hanggang halik lang ha? Bawal yung mas malalim pa d’yan.

Valentine’s Day na! Eh Ano naman ngayon? Puno ang mga restawran nyan. Kaya wag ka nang kumain sa labas. Mas okay pa sa bahay, lalo na kung misis mo naman ang magluluto ng hapunan niyo. Tunog ordinaryo ba? Mali. Pwede naman gawing espeyal ang alinmang kainan lalo na kung pamilya nyo naman ang magsasama-sama. Hindi lang sa magsing-irog ang V-Day no?

Valentine’s Day Na! Eh Ano naman ngayon? Speaking of which... kelangan bang may syota ka twing Valentine’s Day? Di ba pwedeng date lang muna? Mas okay pa yung pangalawa na piliin kesa sa mga nauna.

And kahit wala kang date, dapat ay maging masaya ka pa rin. Actually, kahit wala kang partner, dapat ay masaya ka pa rin! Syota lang ba ang tanging bashean ng kasiyahan natin? Siraulo lang ang magsasabi na ang basehan natin kung ang tao ay isang straight o bading ay ang pagkakaroon ng romantic partner sa buhay.

Kung sa tingin mo, walang nagmamahal sa iyo, e ano ang pamilya mo? O kung hindi ang pamilya mo, eh mga tropa mo? Dahil taken sila at ikaw ay single? Marahil ay magsasabi na makakatagpo sila ng ‘the one’ nila soon, pero hindi yun ang pinupunto ko. Bottom line ay may nagmamahal pa rin sa iyo. Anong Forever alone? FOREVER ALONE your face!

Valentine’s Day Na! Eh ano naman ngayon? Usong-uso na naman ang mga concert na ang tema ay pag-ibig. Parang kanta lang ng Rivermaya (“Panahon na naman.... ng pag-ibig...”). At sobrang mainstream na nga lang ng mga labsung sa ngayon, mula masa stations hanggang hit charts ng Myx.

Actually, ang buong idea ng Valentine’s Day ay ‘so mainstream.’ Oo, sa ayaw at sa gusto mo, sobrang mainstream na niyan. Obvious naman eh, mula TV hanggang sa outside world (oh, don’t tell me, ‘di mo napapansin yan?). Nagpapadala ka sa pakulo at pautot ng mga negosyong may kinalaman sa Valentine’s day and yet di ka pa rin aware? Nagpapadala ka na nga sa ideya at konsepto ng romantisismo sa bawat araw na lumilipas and yet di ka pa rin aware? 

Wow ha?!

Valentine’s Day na! Eh ano naman ngayon? Puso lang ba ang mahalaga sa araw na ito? Pa'no ang utak? Ang atay, ang balun-balunan, ang bato, at kung anu-ano pang parte? Ay, teka, may nakalimuta pala ako. Yung sex organ din pala ay mahalaga din sa araw na ito. Kapag... alam na.

Valentine’s Day na! Eh Ano naman ngayon? Masaydo bang mahaba? Tamad ka na bang magbasa?

O “eh slickmaster, ano bang bago sa sinulat mong ito ngayon? Parang wala namang pinagkaiba ‘to sa naunang dalawang bersyon ng rant mo eh.”

Exactly my point! Eh ano rin bang bago sa Valentine’s Day ngayon? Exactly the same old shit lang din naman di ba? So 2012, or so 2013. Eh kung pinaikot ko lang din naman ang mga pinagsasabi ko sa nakalipas na tatlong taon, it’s because ganyan din ang ikot ng kamalayan niyo (ops, huwag niyo kong idamay) pag sumasapit ang Valentine’s day. The world is a huge cycle, man. Same as your mind.

Valentine’s day na! E ano ngayon?

BITTER KA LANG!

Mali! TANGA KA LANG TALAGA!

P.S. 'wag nyo na lang ipangalandakan ang kabobohan niyo.


This entry was also posted at the community blog site Definitely Filipino. (URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2014/02/13/valentines-day-na-e-ano-ngayon-v-2014/)

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Thursday, 26 July 2012

Anong Pake Ko Sa Instagram Mo?

27/07/2012 | 12:07 AM

And same goes sa mga taong may hawak ng mga pumapatok na mga gadget at apps ngayon. Ano naman kung may ganyan kayo? Kailangan bang ipagyabang sa akin yan? Ha?

Lumaki ako na ang pinakapatok na cellphone na hawak ay ang Nokia N70 na limang taon ko nang ginagamit... mapa-hanggang ngayon. Wala na nga akong alam sa mga updated na specs ng mga personal computer ngayon e.

Gustuhin ko mang magkaroon ng sariling laptop, pero ang pinakasimpleng bagay lang ang makapagpapasaya at makapagpapakuntento sa akin. Yung tipong makapagtatype ako ng mga artikulo ko sa mga blogs; makagagamit ng Adobe Photoshop kahit sa sinaunang CS Portable version man lang; yung sapat na para makapag-edit ako ng mga video gamit ang Adobe Premiere o Sony Vegas; yung kakayanin ang browser na Google Chrome; ayun lang. Oo, simple lang, hindi naman ako maluhong tao na nagpapakasasa sa mga games o masyadong nagpapaka-in sa mga bagay-bagay e.

Ayos na sana ang lahat. Hindi naman ako naiinggit sa mga taong panay Instagram ang mga post sa news feed ng Facebook ko. Yung mga napapansin kong naka-iPad, iPhone, Blackberry, upgraded version ng iPod, Samsung Galaxy Tab at iba pa sa kalye? Ayos lang naman sa paningin ko. Mas naalibadbaran pa nga ko sa mga magsyotang nagpi-PDA sa harapan ko e. Kung may otoridad lang sana ako na magpaka-siga oh.

Pero kung ikaw yung tipong iinggitin ako, yung tipon na dapat daw e palitan ko na ang cellphone ko at bumili na daw ako ng iPad o kahit ultimo ang pinapangarap ko na SLR camera… ‘tol, madali ngang mang-ingganyo, pero yan ay kung ireregalo mo sa akin yun.

Maaaring hindi nga ako laki sa hirap o namuhay nang matagal sa probinsya. Maituturing pa nga ko na isang “jeprox,” panay layaw ang alam at laking-siyudad na bata. Pero sa totoo lang, kuntento na ko sa mga bagay na simple lang, yung matutugunan ang aking pinakakailangan – ang komunikasyon. Yun na. Makakapag-Facebook pa naman ako sa N70 ko kahit walang wi-fi. Makakapag-soundtrip pa naman ako kahit XpressMusic o Walkman phone ang aking hawak. Mayroon akong iPod na classic video ako dati, pero mas prefer ko pa yun kaysa sa mga naglalabasang mga bagong edisyon nun. makakapanood pa naman ako ng mga dinowload ko na video ng FlipTop, Word Of The Lourd, NBA highlight mixes na personal na ginawa ko, music videos at iba pang nilalaman nun. Makakukuha pa naman ako ng matinong litrato sa N70 ko at mas napagkakamalan pa nga kong “pro” dun kaysa sa mga kuha ko sa Nikon DSLR ng katropa ko e. Akalain mo oh.

Alam ko na may bibira diyan na “’tol, maglevel-up ka naman.” Ulit, "Pare, kung bibigyan mo ko ng salapi para bilhin ang mga yan, oo, papatusin ko talaga. Pero sa hirap ng buhay ngayon, mas iisipin ko pa na umorder ng maraming ulam at extra rice, at kumain na lang kaysa sa gumastos para sa mga pinakalatest na gadget." Hindi naman lahat ng yan e kailangan ko e. buti sana kung propesyonal na photographer ako, o sound engineer, videographer at ano pa yan. Baka maintindihan ko pa yang argumento mo.

Kahit naman kasi magka-iPhone 4s ako, pero kung lagi namang walang load pang text man lang o sa tawagang blues… e nag-iPhone pa ko? Pambihira. Ano ‘ko, social climber? Wannabe-“in” o pa-sosyal? Huwag na ‘uy!

At ito pa. Ang gastos naman niyan para magpakasasa ako sa mga mararangyang bagay. Maipagmamayabang ko ba 'yan sa magulang ko? O sa mga tsikababes ko pag gumimik ako? Ba, hindi rin sa lahat ng oras. Having class is still better than just owning swag.

Pag may lumabas pa na bagong edisyon ng mga tab o cellular phone at nagkataong nakabili ako ng mga ganun ilang lingo bago sila naglabas ng panibagong bersyon, wala rin. As in, nawala rin kaagad ako sa uso, at nakawaldas pa ko ng pera dahil doon. Kung sa unlimited rice ko na lang ginasta e baka sana nabusog pa ko, ‘di ba?

Kuntento na ako sa mga simpleng bagay. Hindi naman porke't updated na ko sa mga gamit at application e sikat na ako. Minsan nga, mas sikat pa ang mga taong nagtatanga-tangahan sa harap ng camera kaysa sa mga taong malulupit na kumuha ng mga litrato at bidyo gamit ang mga updated na camera e.

Kung mayroon ka nang mga ganyan, well, good for you. Congratulations. Pero please, huwag mo na ipangalandakan sa pagmumukha ko iyan. Hindi mo lang ako ipinagmumukhang laos at naiinggit, baka mabira pa kita diyan ng “Ano'ng pake ko sa Instagram mo?”; o hindi naman kaya’y “Aanhin ko yang iPod na yan e kung sa simpleng mp3 player lang e solb na ko sa pagsa-soundtrip?” “Mas nakapagtatype pa nga ko nang maayos sa harap ng PC na walang internet kesa sa isang Lenovo na saksakan sa dami ng widget.” e ‘di mas nasaktan ko pa ang damdamin mo, ‘di ba?

Author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions