Sunday, 29 July 2012
WATERPROOF!
Aminado ako na noong bata ako, isa ako sa mga taong tuwang-tuwa kapag walang pasok. Pero hindi nga lang din sa lahat ng pagkakataon. May mga panahon din kasi nun na kung kelan nagsuspend ng klase ang DECS (Yun pa ang pangalan nila bago maging DepEd e) saka naman tila umaayos ang panahon. Nakakahilo lang na parang, ano ba talaga ate o kuya? Minsan natatanga na lang ako sa gilid at napapaisip nun na “Naku. Baka may pasok na ha? Dinaya lang ako ng TV.”
Pero siyempre, mali ako dun.
Hindi naman ako masipag na estudyante, pero kataka-taka lang na mas trip ko pang pumasok sa klase nun. Kahit sa totoo lang, mas enjoyable pa ang elementary [ara sa akin kung ikukumpara ko sa buhay ko noong high school. Ewan.
College time na para sa akin nun. Hindi ko sukat akalain na sa kabila ng masamang lagay nun ng panahon e kailanagn ko pumunta sa eskwelahan at mag-aral, kahit mag-aral kuno lang yan. Hehehe!
Unang taon at unang beses kong lumayas papunta sa aking pinapasukan sa Mendiola habang malakas ang buhos ng ulan, ba, hindi pa ko nakakalayo ha? Bastos lang ang isang sasakyang dumaan malapit sa aming kanto. Sa sobrang pagmamadali ng mokong nagmamaneho, nabasa niya ako kahit nasa sidewalk ako naglalakad nun. ” P****!” Ang napasigaw ng bunganga ko. Pwede nga lang susunggaban ko ang loko nun e, kaya lang mas inuna ko na lang ang umuwi at magpalit ng uniprome. Bwisit!
At mas nakakaasar nun? Susuungin mo ang baha sa ilang mga kalye sa Maynila, makarating lang. At sa malamang sa mga tropa kong Tomasino at iba pa, nagtitiis na makasakay ng sasakyan, wag lang malusong sa baha sa kalye ng EspaƱa. O yung iba, mga papuntang intramuros? Taft? O kahit saan pa yan sa U-Belt. Isama mo na rin dyan ang iba’t ibang mga pamantasan sa kalakhang Maynila.
Pero kung dyan nababadtrip ka, what more pa kaya kung biglang nasuspinde ang klase mo habang nasa byahe ka? Well, suwerte ka pa kahit papano, maliban na lang kung walking distance ka na lang saka mo nalaman yun. Pero paano kung nasa eskwelahan ka na at dun lang inanunsyo ang pagsuspinde ng klase? Ba, sayang baon yun para sa akin! Kung pinangkain ko na lang sana o naglaro ako ng paboritong online game ko na Freestyle o makipagbahaan ng mga kumento sa nauusong Friendster nun, baka ayos pa ang araw ko. Pero hindi e.
Minsan nga, masuspindi ang klase ko nun by 12 noon, literal half-day talaga sa gitna ng isang rainy day. Nakaka-asar ba? Hindi naman sa lahat ng oras. Siguro, kapag natiyempuhan na nasiraan pa ako ng payong sa daan at kailangang magpatila ng ulan sa istasyon ng LRT Katipunan sa loob ng ilang oras. Hindi ka rin makapng-tsiks nun. Ba, nasiraan na nga ko ng payon ano pa maio-offer ko? Cellphone number? E pano kung may kasama pang boylet? PFT. Pero anyway.
Naging madalas na to sa buhay ng halos kada estudyante sa kolehiyo. At yang salita na ’yan? (Oo. Yang “waterproof” nga na yan?) The best word para i-describe ang sinuman na pumapasok sa ganyang estado ng panahon. Yung mga nasa-opisina kasi e talagang kailangan din e. As in no choice din tulad ng college students.
Ilang bagyo na ang pinasukan ko sa buong 4 na taong pamamalagi ko sa pamanatasang pinag-aralan ko noong nasa kolehiyo pa ako, kasama na dyan ang ever-destrcutive na “Ondoy” noong isang tangahli ng araw ng Sabado noon, a-26 ng Setyembre, taong 2009, na umuwi akong nakayapak mula Mendiola hanggang Marikina. (Ilalahad ko ang kwentong iyun sa takdang panahon)
Pero yung iba, kung hindi bagyo, mga ulang dala ng hanging habagat. Pero aakalain mo na parang may bagyo nun. Palibhasa nagbabago na kasi ang klima ng mundo e.
Kaya sa totoo lang, proud ako na masabihang “Waterproof!” Been there, and done that. At pasalamat na din ako, at least safe pa rin ako sa mga panahon na yun.
Kaya mabuhay ang mga “Waterproof!” At sa mga estudyanteng ganyan at nakakaranas ng ganyang pangyayari sa kada araw na umuulan, ika nga ng idolo ng tropa ko na si John Llyod Cruz, ingat!
Author: slickmaster
Date: 07/30/2012
Time: 09:25 AM
© 2012 september twenty-eight productions
Labels:
college life,
school,
slick master,
waterproof
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment