07/28/2012 9:30 PM
Panahon ng mga viral, tulad ng isang magkasintahang nagngangalang Jamvhille Sebsatian at Paoline Michelle Liggayu. Sa panahon ng viral hits, kasikatan at hate-fest sa magkabilang mundo ng social media.
Sa totoo lang isa lang naman silang YouTube sensation e, at sa panahon ngayon uso na ang mga taong mahilig magpapansin sa internet tulad ng mga video blogs, patamang-quotes-on-wall-photos, at kahit ang mga blogs tulad nito.
Ang love story nilang "By Chance" with matching choreographed dance move? Well, ganun talaga. Napapansin sila e. Pero pano nga ba nagsimula ang mala-kontrobersyal na spotlight para sa isang internet couple na tinawag na Jamich?
Ewan ko kung may mas maaga pa sa nakita ko, pero noong bandang patapos na ang buwan ng Pebrero, may lumabas na isang post na tila kinabagutan ng mga “fans” ng internet couple.
Talking business nga ba ang usapan? Tila showtime na lang mga ginagawang love story ng Jamich samga videos? Hmmm….
Mula dito nagsulputan na ang mga haters ng Jamich. Nabuo ang JaBITCH page sa Facebook. At ang sinumang nag-attempt na magtanggol sa kanila? Ayun, tahasang pinapahiya sa internet. Like a boss ba? Ewan. Kahit sino na lang yata kayang gumawa ng ganung motibo sa world wide web. Ang lawak kasi ng mga posibilidad e. hindi na ko magtataka.
Matindi ang hatred ng ilang mga tao sa kanila. Kahit sa kabila ng mga ito, nakakapag-guesting pa ang kontrobersyal na couple sa mga palabas ng telebisyon, at ibang mga music videos. At nagte-trending pa ang Jamich sa Twitter.
Well, yan ang patunay na mas sumisikat pa sila. At sa tingin ko, malaks kasi silang manghatak e.
Pero sa kabila ng mga ganitong pangyayari sa mainstream e bumubuhos pa rin ang mga pambabatikos sa kanila.
Minsan nga, noong namatay si comedy king Dolphy e nasaktuhan pa sila ng pangbabash sa Twitter ng mga Jamich haters at iba pang mga users sa nasabing social networking site. Nagkasabay daw yata kasi ng petsa ng monthsary nila as an official couple sa petsa ng pagakamatay ng beteranong aktor.
Pero meron din namang nakaintindi at nagtanggol sa kanila.
Ito lang siguro ang sa akin, ano? Hindi ako fan ng Jamich. Wala nga sa interes ko ang manood ng mga romantikong palabas tulad ng mga ginagawa nila (kung ikaw ay isa sa mga mabibilang sa daliring mga follower ng mga blogs ko, masasabi mo na anti-romantic nga ako ‘di ba, at kung gaano ako tumutuligsa sa ideya ng romantisismo?) pero minsan ako nanood ng isa sa mga gawa nila. Ayos lang naman. Bagamat hindi ako ganun kakumbinse.
Hindi ko sila huhusgahan base sa mga karakter nila, dahil karamihan naman sa mga personalidad ay dumaranas ng mga ganyang personalidad. Sa maniwala ka o sa hindi, ang mga magagaling na personalidad base sa kanilang mga akda ay bagsak naman pagdating sa ibang aspeto ng buhay. At yun ang patunay na patas ang mundo, kahit papano. Natural, tao lang e.
Pero dahil tulad na rin ng mga tipikal na public figure sa kahit anumang larangan sa buhay, dapat silang maging mabuting ehemplo sa marami. Kaya ang tsismis, ayon sa kanila, ay ang magsisilbing kakontrapelo ng anumang nagawa mo sa buhay, whether blind item o talagang showbits, etse, showbiz news. Parang, kung sandamukal ng episode na sa internet ang ginawa mo, pero kung may intrigang tulad ng isang post na dala ng bugso ng emosyon, wala rin. Ika nga, kayang sirang ng isang pagkakamali, kahit katiting lang nito, ang anumang mga mabubuting bagay na nagawa mo. Pero kung tunay na tagapanghusga ka, babalansehin mo ang lahat. Marnunong kang tumimbang.
Ika nga, "you can’t please everyone." May mga sarili tayong emosyon, kaisipan at kamalayan para pumili ng mga bagay na gusto natin at mga bagay na ayaw natin.
Ang tahasang panghuhusga ng mga iilan sa kada galaw ng internet sensation na ito ay nagpapatunay na hindi lang sikat ang Jamich at lalo pang pinapasikat ng mga pambubulyaw, kundi pati lumalabas ang pagiging insekyura ng mga haters.
You can keep on hating them, ika nga. Parang sinabi ni Bossing. “It’s a free country,” di ba? Pero, kahit ilang beses mong kastiguhin ang… ayon na rin sa inyo, ang “jejemon couple” na iyan , wala rin e. lalo lang silang sisikat. Para sa mga tagasuporta ng Jamich, keep supporting lang sa kanila kung tunay na fan ka nga.
Huling bara. Para sa mga hindi pa rin makaintindi, hindi ako fan ng Jamich. Pero hindi ko rin sila ipinagtatanggol. Ang sa akin lang, wala na rin kayong magagawa masyado kahit i-hate niyo yan. Kung hindi niyo sila trip, wag niyo na lang pansinin. Lalo lang silang sisikat sa ginagawa niyong yan e. sa maniwala kayo o sa hindi, mas sisikat kayo sa paggawa ng mga matitinong bagay, basta wag lang ang mga katunog ni Rebecca Black ha?
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment