Tuesday, 24 July 2012

SONA 2012

Tatlong state of the nation addrss na ang nagdaan mula noong naluklok sa pwesto si Pangulong Noynoy Aquino noong 2010. Sa nakalaipas ng 2 taon, masasabi nga ba na marami na narating ang ating bansa sa kanyang pamamahala? Tignan natin. Ayon sa ilan sa mga nabanggit ni PNoy....

· Mahigit 3 milyong pamilya ang naging benepisyaryo ng Conditonal Cash Transfer program ng Department of Social Welfare and Development.

· Tumaas ng 43.61% ang budget sa edukasyon, partikular na sa mga State Universities and Colleges.

· Mahigit 434 libong katao ang nahasa ang talino sa ilalim ng programa ng TESDA.

· Umangat 6.4% ang Gross National Product.

· Bumaba ang unemployment rate sa mahigit 6%. Malaking tulong ang mga call center industries.

· 2.1 milyong turista

· Bumaba ang antas ng krimen.

· Sa darating na 2013, magkakaroon na ng baril ang bawat isang pulis.

· Ang 28 bilyong pisong pondo para sa modernization project sa AFP.

· Nilunsad ang project NOAH ng DOST.

· Ipapatupad ang performance-based incentives sa mga empleyado ng gobyerno.

· Ipinagmalaki ang gagawing LRT 1 extension project, mga imprastrakturang pang-transportasyon sa ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao.

· Ang 8 beses na credit upgrade rating.

· Ang pagkakaroon na ng mga modernong gamit at sasakyang pandigma. Dapat lang, kelangan natin yan laban sa mga maninindak na... wag na, kapitbahay na lang, libellous na kapag sinabi ko e.

· At higit sa lahat, ang paghuli sa mga tiwali, o ika nga, “big fish”

Pero kukulangin na ko sa oras para isinulat ang mga binitiwan niyang mga salita ukol sa proyekto at achievement niya sa isa’t kalahating oras na haba ng kanyang SONA, tol.

Tahasan ba sya sumusuporta sa Responsible Parenthood? Oo. Para din a raw magkaroon ng backlog sa mga estudyante. Anong konek? Siyempre, populasyon ang usapan diyan. At teka nga, bakit di pa matapos-tapos ang jeskeng debate sa RH bill? Inuna nyo pa ang pagsakdal kay Corona? Pambihira.

Syempre, maliban sa mga quotable quotes na mababasa niyo sa mga news feed ng mga media nun, e mawawala ba ang mga “pasaring?” signature move na niya yata to sa mga speech. Sa lahat na yata ng mga napanood ko na pagtatalumpati ng kuya ni Kris e lagi naman itong may tirade sa admimistrasyong Aquino.

Not to mention, ang kailangan daw baguhin, ang “forgive and forget” mentality.

Pero ito lang ang sa akin. Maraming mga magagandang tawrget na pangako at istatistikang pigura sa nakalipas na 2 taon.

Yun nga lang, hindi ito laganap sa atin. Masisi ba ang media. Maari, kasi panay bad news nga naman ang nilalaman e. Sa ibang bansa pa daw lumalabas ang mga positibong bagay.

Pero sino ba naman ang hindi maalibadbaran sa panay pagtaas ng presyo ng gasolina? Sa ganitong paraan ba mararamdaman natin ang pag-asenso? Actually, possible pa rin e. Pero napakakumplikado na usapan nay an, mga tsong at tsang.

May nabasa pa nga ako sa mga opinyon at mga balita. May pagkadiktadurya ba ang pamamahala niya sa nakalipas na 2 taon? Hindi ko rin alam. E wala namang martial law e.

Pero parang may kulang lang sa nireport ng kuya mo. Bakit wala sa usapan ang mga importanteng batas tulad ng Freedom of Information Bill? Akala ko ba the public has the right to know? Ang tagal na rin niyan ah.

Hindi ako maka-PNoy, in fact, hindi ko siya binoto noong eleksyon. Pero para sa akin, he’s still doing a good job at least. May panahon pa naman para maramdaman namin ang asenso sa tuwid na landas na yan. Tiwala lang siguro. At, ops, oo nga pala, buti na lang walang usapin sa lovelife niya. Tama yan.

Author: slickmaster
Date: 07/24/2012
Time: 05:54 P.M.
(c) 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment