Thursday, 26 July 2012

Anong Pake Ko Sa Instagram Mo?

27/07/2012 | 12:07 AM

And same goes sa mga taong may hawak ng mga pumapatok na mga gadget at apps ngayon. Ano naman kung may ganyan kayo? Kailangan bang ipagyabang sa akin yan? Ha?

Lumaki ako na ang pinakapatok na cellphone na hawak ay ang Nokia N70 na limang taon ko nang ginagamit... mapa-hanggang ngayon. Wala na nga akong alam sa mga updated na specs ng mga personal computer ngayon e.

Gustuhin ko mang magkaroon ng sariling laptop, pero ang pinakasimpleng bagay lang ang makapagpapasaya at makapagpapakuntento sa akin. Yung tipong makapagtatype ako ng mga artikulo ko sa mga blogs; makagagamit ng Adobe Photoshop kahit sa sinaunang CS Portable version man lang; yung sapat na para makapag-edit ako ng mga video gamit ang Adobe Premiere o Sony Vegas; yung kakayanin ang browser na Google Chrome; ayun lang. Oo, simple lang, hindi naman ako maluhong tao na nagpapakasasa sa mga games o masyadong nagpapaka-in sa mga bagay-bagay e.

Ayos na sana ang lahat. Hindi naman ako naiinggit sa mga taong panay Instagram ang mga post sa news feed ng Facebook ko. Yung mga napapansin kong naka-iPad, iPhone, Blackberry, upgraded version ng iPod, Samsung Galaxy Tab at iba pa sa kalye? Ayos lang naman sa paningin ko. Mas naalibadbaran pa nga ko sa mga magsyotang nagpi-PDA sa harapan ko e. Kung may otoridad lang sana ako na magpaka-siga oh.

Pero kung ikaw yung tipong iinggitin ako, yung tipon na dapat daw e palitan ko na ang cellphone ko at bumili na daw ako ng iPad o kahit ultimo ang pinapangarap ko na SLR camera… ‘tol, madali ngang mang-ingganyo, pero yan ay kung ireregalo mo sa akin yun.

Maaaring hindi nga ako laki sa hirap o namuhay nang matagal sa probinsya. Maituturing pa nga ko na isang “jeprox,” panay layaw ang alam at laking-siyudad na bata. Pero sa totoo lang, kuntento na ko sa mga bagay na simple lang, yung matutugunan ang aking pinakakailangan – ang komunikasyon. Yun na. Makakapag-Facebook pa naman ako sa N70 ko kahit walang wi-fi. Makakapag-soundtrip pa naman ako kahit XpressMusic o Walkman phone ang aking hawak. Mayroon akong iPod na classic video ako dati, pero mas prefer ko pa yun kaysa sa mga naglalabasang mga bagong edisyon nun. makakapanood pa naman ako ng mga dinowload ko na video ng FlipTop, Word Of The Lourd, NBA highlight mixes na personal na ginawa ko, music videos at iba pang nilalaman nun. Makakukuha pa naman ako ng matinong litrato sa N70 ko at mas napagkakamalan pa nga kong “pro” dun kaysa sa mga kuha ko sa Nikon DSLR ng katropa ko e. Akalain mo oh.

Alam ko na may bibira diyan na “’tol, maglevel-up ka naman.” Ulit, "Pare, kung bibigyan mo ko ng salapi para bilhin ang mga yan, oo, papatusin ko talaga. Pero sa hirap ng buhay ngayon, mas iisipin ko pa na umorder ng maraming ulam at extra rice, at kumain na lang kaysa sa gumastos para sa mga pinakalatest na gadget." Hindi naman lahat ng yan e kailangan ko e. buti sana kung propesyonal na photographer ako, o sound engineer, videographer at ano pa yan. Baka maintindihan ko pa yang argumento mo.

Kahit naman kasi magka-iPhone 4s ako, pero kung lagi namang walang load pang text man lang o sa tawagang blues… e nag-iPhone pa ko? Pambihira. Ano ‘ko, social climber? Wannabe-“in” o pa-sosyal? Huwag na ‘uy!

At ito pa. Ang gastos naman niyan para magpakasasa ako sa mga mararangyang bagay. Maipagmamayabang ko ba 'yan sa magulang ko? O sa mga tsikababes ko pag gumimik ako? Ba, hindi rin sa lahat ng oras. Having class is still better than just owning swag.

Pag may lumabas pa na bagong edisyon ng mga tab o cellular phone at nagkataong nakabili ako ng mga ganun ilang lingo bago sila naglabas ng panibagong bersyon, wala rin. As in, nawala rin kaagad ako sa uso, at nakawaldas pa ko ng pera dahil doon. Kung sa unlimited rice ko na lang ginasta e baka sana nabusog pa ko, ‘di ba?

Kuntento na ako sa mga simpleng bagay. Hindi naman porke't updated na ko sa mga gamit at application e sikat na ako. Minsan nga, mas sikat pa ang mga taong nagtatanga-tangahan sa harap ng camera kaysa sa mga taong malulupit na kumuha ng mga litrato at bidyo gamit ang mga updated na camera e.

Kung mayroon ka nang mga ganyan, well, good for you. Congratulations. Pero please, huwag mo na ipangalandakan sa pagmumukha ko iyan. Hindi mo lang ako ipinagmumukhang laos at naiinggit, baka mabira pa kita diyan ng “Ano'ng pake ko sa Instagram mo?”; o hindi naman kaya’y “Aanhin ko yang iPod na yan e kung sa simpleng mp3 player lang e solb na ko sa pagsa-soundtrip?” “Mas nakapagtatype pa nga ko nang maayos sa harap ng PC na walang internet kesa sa isang Lenovo na saksakan sa dami ng widget.” e ‘di mas nasaktan ko pa ang damdamin mo, ‘di ba?

Author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment