Saturday, 28 July 2012

Nang dahil kay MISS-COMMUNICATION.


Minsan kong narinig ang isang kasabihan na ito kay Papa Jack nung minsan ako nakinig ng kanyang True Love Conversation sa 90.7 Love Radio noong 2009: “Maraming mga taong nag-aaway at relasyong nasisira nang dahil sa dalagang nagngangalang MISS-COMMUNICATION (MISCOMMUNICATION).”

Medyo nakakatawa din, pero kahit papano, matindi rin ang patama e. OO nga naman.kapag hindi nagkaintindihan ng mensahe ang isa sa inyo, aasahan mo ba na hindi magkakaroon ng ‘di pag-kakaunawaan? Lalo na kung makitid pa ang kamalayan ng isa sa inyo? Delikado iyan.

Sa basketball nga pag nagkaroon kayo ng isang miscommunication sa isang play, malaking pagkakamali na iyun, lalo na kapag crunch time. Ganun din sa ibang sports, at pati sa ibang aspeto ng buhay natin.

Kapag hindi ka tumupad sa usapan nang walang pasintabi kahit sa text man lang, aasahan mo bang magiging ok pa kayong dalawa? Swerte mo kung ganoon pa ang mangyayari, kung maiintindihan niya ang iyong mga dahilan. Pero paano kung hindi o wala na sa tamang lohika ang eksplanasyon? Patay.

Sa panahon na tila mas mahalaga pa ang pangload kesa sa pambayad ng mga pangunahin serbisyo tulad ng tubig, kuryente, renta (kung nagungupahan lang ng tirahan), buwis at iba pa, wala ka nang excuse pa para hindi makapagtext. May network pa nga na nag-aalok ng serbisyo kahit zero-balance ka na e.

Sa mga tulad ko na nagtiya-tiyaga sa libreng pagpe-Facebook, hindi na pwede ang pagkakataon na hindi mo i-update ang mga kaibigan mo kung ano ang nangyayari sa iyo.

Pero, maliban na lang kung tulad mo ako na walang hilig sa pagtetext at nagsasawa na rin sa kaka-Facebook. Mahirap yun, parang outcast lang sa lipunang tipikal na ang mga taong matalak at mahilig makipagkwentuhan sa kapwa.

Ah, basta. Kung kaya mong pahalagahan ang mga ugnayan ng mga tao sa iyo, gawin mo. Ika nga, communication is the key to a successful relationship. Sabagay, wala namang relasyong nagmumula sa dalawang taong nakatunganga lang sa isa’t-isa. Baka sa ngitian, pwede pa? E kaso hindi naman lahat ay ganun.

As for me, “Just keep in touch with me and I’ll keep in touching you.” Teka, may mali ata ah. (LOL!)

Author: slickmaster
Date: 07/22/2012
Time: 01: 33 p.m.
(c) 2012 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment