Sunday, 22 July 2012

ANG DAMI MONG ALAM!

07/22/2012 11:58 AM

http://makeameme.org/
Isa sa mga nakakairitang sitwasyon sa mundo ay ang masabihan ka ng mga bagay na tila pinagmumukha kang mayabang. Yung tipong maglalarawan sa iyo kung gaano kataba ang iyong utak na tulad nila Kuya Kim Atienza, Lourd de Veyra, Michael V, ang yumaong Ernie Baron at Francis Magalona at iba pang mga personalidad na mala-henyo ang dating.

“Ang dami mong alam!”

Pambihira naman oh.

Teka, ano bang masama sa pagiging matalino o intel? Ewan ko. Pero ito na lang ang maipapambira ko sa mga taong mahilig mang-alipusta sa mga taong likas na matatalino.

Ang dami mong alam. Ikaw na! 
Ba, buti sana kung mapapel ang taong sinasabihan mong yan. Yung tipong “OO. Siya na!” Baka maintindihan ko pa.
Ang dami mong alam. Bakit hindi ka na lang mag-titser? 
Malaymo, ambisyon niya yan dati.
Ang dami mong alam, magmahal lang hindi.
Ba, bitter ka ‘te? Bakit mo hahaluan ng pagka-emo ‘to? Teka nga, puso ang madalas na pinapairal pagdating sa pag-ibig, ‘di ba? Parang kasabihan lang na “even the most intelligent people get stupid when they fall in love.” (Pero isa pa ring malaking “weh!” para dyan)
Ang dami mong nalalaman, magsipilyo lang ang hindi. 
Teka, parang linya ng iniidolo kong rapper na si Smugglaz ah. Buti kamo naintindihan mo pa yun, e may pagka mala-Twista din yun pagdating sa pagrarap sa FlipTop.
Ang dami mong alam, ba’t di ka pa naglason? 
E ikaw na lang gumawa, tutal naisip mo naman yan. Dadamay mo pa ko sa suicide attempt ng gagong ‘to ah. Problema mo ba dapat yun kung marami akong alam?
Ang dami mong alam. Anak ka siguro ni Albert Eintsein o ikaw na lang ang pumalit kay Aristotle. 
Pero hindi ka magkakaroon ng maraming alam kung wala ang mga ehemplo tulad nila. Kaya one letter word na lang: K!
Ang dami mong alam! Si Google ka ba? 
Kapag ni-rephrase mo yan, magiging tunog pick-up line pa. Pero baka nakakalimutan mo ha? Na tao din ang may gawa kay pareng Google. Ika nga, a human mind can’t be defeated by the so-called artificial intelligence.
Ang dami mong alam! Nakakabobo na! 
E mag-aral ka kasi dyan, hindi yung layaw at bisyo mo lang ang aatupagin mo sa araw-araw! 
Ang dami mong alam. Ba’t hindi ka pa mag-Japan?
Anong konek nyan? Porket ang daming mga intelektwal na sa bansang Japan at umuunlad sila? E kung ieechepwera mo sila, palibhasa kasi ikaw ay kabilang sa mga nagmamangmang-mangmang-an sa lipunang ito ngayon e.
Ang dami mong alam. Siyempre, taga-MANDSCI ako e! (nabasa ko lang sa isang Facebook comment yan)
Yan ang patunay ng isang tunay na madiskarte at matalinong estudyante, kahit saang paaralan ka pa nanggaling.
Ang dami mong alam, bakit hindi mo kaya bawasan yan no? Diyan namatay si Rizal e.
Ba, bakit, ‘pag binawasan ko ba ito na hindi ako mamamatay? Ano ‘ko, imortal na nilalang? At siya nga pala? Anong konek ng pagkamatay ni Rizal sa dami ng nilalaman ng kokote niya? Dahil ba ginamit niya ang kanyang talino sa kanyang pag-aaklas laban sa mga Kastilang mapagsamantala noon? Hmmm... pwede na sana e. Kaso, pambihira naman oh.
Hindi ko alam kung anong klaseng tao ang mahilig mambara ng mga katagang “ang dami mong alam.” Parang bakit mo kailangang mainggit sa mga taong mararaming alam sa buhay? Sa ganyang paraan kasi ng pamimintas mo sa kanila, e napapaghalataan ka tuloy na isa kang hamak na insecure na mangman. Try mo mag-grow up parekoy.

Lahat naman tayo ay ipinanganak na matalino ah. Baka naman kasi hindi mo ginagamit ang kukote mo. Baka ikaw ang isa sa mga tinutukoy ni Dick Gordon na may sakit na AIDS o Acute Intelligence Deficiency Syndrome.

Sa totoo lang, lahat naman tayo e mararaming alam. Nasa pamamaran lang yan ng paggamit ng ating sentido. Walang taong bobo, at kung sinuman ang nagpauso nun, yun malamng ang pinakauna. ‘de, mangmang lang talaga. Wala ngang BOBO ‘di ba?

Pero hinay-hinay lang ha? Iba ang maraming alam sa sobra ang nalalaman. At lahat ay sobra ay nakakasama. Kugn sa kasong ito, nakakabaliw, lalo na kung hindi mo makontrol ito ng tama.
Ang dami mong alam. Sorry ha? MANGMANG KA KASI E!

Author: slickmaster | (c) 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment