Sunday, 18 November 2012

Silang mga KENKOY.

“Hoy, hoy, hoy! Mister Kenkoy, bakit ka nangangamoy? Hoy, hoy, hoy, Mister Kenkoy! Ikaw ay nangangamoy kenkoy!”
Ang nasabing linya ay halaw mula sa (circa) 1976 na kanta ni Mike Hanopol - ang “Mr. Kenkoy.” Lumabas ito sa kanyang iba’t ibang mga compilation of hits album.
Isang kanta na sumasalamin sa kabulukan ng isang tao sa kanyang lipunang ginagalawan. Halaw sa impluwensya ng isang komikal na tauhan sa pahayagan ang salitang “Kenkoy.”


Unang lumabas ang salitang ito bilang monicker ng isang cartoon character na nilikha nila Romualdo Ramos, isang batikang manunulat at ng isang cartoonist na si Antonio “Tony”  Velasquez noong 1929 na nagngangala’y Francisco “Kenkoy” Harabas, at tinaguriang unang tunay na pop icon ng Pilipino. Ang ibig sabihin ng naturang salita ay isang nakakatawang tao, as in “joker” o “jester” ba.

Pero hindi lang sa patawa ang pinakapatutsada ng antigong kanta na ito, dahil kung maalala niyo ang panahon ng dekada ’70, ito ay ang panahon na nagsisilabasan ang mga mga palabas at kanta na may mala-pulitikang tema. Isa ang Mr. Kenkoy sa mga ito, at makikita ito sa lyrics niya.

At mapahanggang ngayon, applicable pa rin ang kantang ito. Dahil marami pa rin ang mga umaastang kenkoy sa lipunang ito. Siya, ako, ikaw, tayong lahat (maliban na lang kung ikaw ay likas na malinis ang budhi at sadyang napakaseryosong tao). Pero matinong usapan ba? Marami diyan.

Mula sa mga nagpapakatanga sa mainstream para lang sumikat; mga pulitikong mandarambong; mga mababango ang dila pero ang babaho naman ng mga motibo sa buhay; mga nagtatago ng kanya-kanyang mga kagaguhang nagawa sa kapwa man at/o sa lipunan, ke isa kang ordinaryong nilalang o kilala sa lipunang ginagalawan; mga nasobrahan sa pagtakas sa problema ng kanyang realidad; mga nasobrahan sa pakapalan ng mukha; mga nasobrahan sa kaalalaman; mga backstabber, hipokrito’t epal at kung anu-ano pang mga kabullshitang nagaganap sa ngayon, isama mo na dyan ang gumagawa ng mga lata-na-hangin-lang-ang-laman sa mainstream.

Pero mas patama ito sa mga nangyayari sa pulitika e. Hindi na kailangang ipaliwanag, andyan na nga sila sa mga papoging streamer nila pati na rin sa mga headlines ng pambalitaan. Hindi pa ba sapat iyun?
Ay, ewan. Basta, sila… kenkoy. Ito na lang ang sa kanila. (sabay pinatugtog ang kantang Mr. Kenkoy ni Mike Hanopol, sabay nasa full volume pagdating sa chours)

“Hoy, hoy, hoy! Mister Kenkoy, bakit ka ngangamoy? Hoy, hoy, hoy, Mister Kenkoy! Ikaw ay nangangamoy kenkoy!”

Tamaan nga naman sana ng lintik ang mga ‘to para matuahan, ano?

P.S. Pasalamat nga ako sa kantang ito dahil dito ko nalaman ang salitang “switik.”

11/19/2012, 09:57 a.m.
Sources:
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Wednesday, 14 November 2012

Lessons From The AMALAYER Shit.

11/15/2012 09:26 AM 

Hindi na bago ang mga ganitong klaseng insidente sa internet ngayon. Nagsilabasan ang mga tao na malalakas manghusga sa kani-kanilang kapwa na akala mo ay walang pinagkaiba sa kanilang pinaggagagawa.

And not to mention, isa na naman ito sa mga pauso ngayong taon na walang kaatorya-torya. Mga tipong nakakabobo ba.

Ito ang mga aral na dapat matutunan ng sinuman, hindi lang ng nakastigo ng mga netizens sa pangalan ni Paula Jamie Salvosa, ang lady security guard ng Light Rail Transit Line 2 Santolan Station na si Sharon Mae Casinas, ng video uploader na si Grgory Paulo Llamoso at ng lahat ng netizens na pumatol at pumanig sa kung saan-saan. Na…

  1. Ang level ng isang ordinaryong mamamayan na nakakapag-Facebook, Twitter, YouTube at kung ano pa ang kanyang mga account sa world wide web ay kahalintulad na sa mga celebrity na napapanood mo sa TV at pelikula, napapakinggan sa radio o ni ultimo yung mga nababasa mo sa mga pahayagan. Ibig sabihin, lahat tayo ay pantay-pantay na. 
  2. Ika nga ng blog ni Lourd de Veyra nun na nailimbag sa librong This Is A Crazy Planets, “it takes only one – and only one loss – just one humiliating knockout, for the entire empire to crumble.” Anong konek? Siymepre, alamin mo. Ang lakas mong manghusga sa mga bagay-bagay pero ‘yang ganyang salita hindi mo maintindihan? ‘De. Ang punto niyan ay kayang patumbahin ng isang pagakakamali (as in isang katiting lang na kamalian) ang reputasyon ng isang tao. Kumbaga, ingat-ingat din kasi sa mga kinikilos. 
  3. Hindi lahat ng mga nagrereact ay alam ang kanilang ginagawa. Yung iba diyan, pustahan – halatang nakikiuso lang. Mga feelingero at feelingerang affected lang. At hindi na bago ang mga “nakikiuso” mula sa advent ng FlipTop (na dumarami ang mga wannabe judge na ke luto daw ang laban pero wagas kung makademand), mga nagreact sa iba’t ibang mga kaso na tulad nitong AMALAYER na ito, (i.e. Ahcee Flores, Dislike video ni Jimmy, atbp.), at kung anu-ano pang mga pautot na trending sa internet. Kung tutuusin dapat nga ang mga tulad ko ay hindi na dapat magrereact e, pero dahil sa dumarami na naman ang mga umaasal na mga mangmang pagdating sa pagpatol ng mga isyu, e sorry na lang sila. Bakit? See next item. 
  4. Mas may karapatan na magreact ang mga tao na nakasaksi sa insidente mismo. Sila ang mas nakakaalam ng pangyayari, sila ang mas nakakaalam ng kung ano ang tama at mali sa mga naganap. Ganun kasimple. Ika nga, don’t speak as if you know everything. Pero kung hindi makapagpigil, siguraduhin na alam mo ang iyong limit. Kung sa insidente lang ng video ang tinatalakay, doon lang pwede magbigay ng iyong take. 
  5. Para sumikat ka, ‘wag mag-audition. Gumawa ng kaistupiduhan na bagay, tulad nun. (sabay lingon sa video) pero… 
  6. Kahit sa advent ng citizen journalism, dapat umiiral pa rin ang “responsibilidad.” Buti na nga lang yung ilan sa mga newscast e nagawang i-blur ang pagmumukha ng taong gumawa ng kalokohan e. Kasi alam nila na isang malaking sampal sa kanila yan kapag nilantad nila yun. Ano pa ba ang silbi ng tinatawag na “media ethics” sa kanila kung ganun? At buti nga may nagce-censures kahit papaano e. Kadalasan kasi sa mainstream e… alam niyo na. At kahit na rin pala sa social networking, dumarami ang mga balatuba. Nga pala, additional lang din sa item na ito, matutong maglagay ng applicable na pamagat. Yung may aakmang salita sa content nito. Paano mo masasabi na “rude passeneger” siya sa LRT? E wala nga sa tren mismo ang setting? Paano kung may hinihintay lang pala na tao? Rude passenger ba na maituturing porket siya ay nasa vicinity ng Santolan Station ng LRT? My goodness! 
  7. Kung ayaw mong may sungitan ka, ‘wag kang magtrabaho o gumala. Bakit? Makakapangdamay ka pa ng ibang tao sa pagkakaroon mo ng bad vibes. Kawawa naman sila. 
  8. Hindi porket nagka-TRO na ang cybercrime law e tuloy-tuloy kayo sa pangsa-cyber-bully niyo. Palibhasa hindi niyo alam kung ano ang pakiramdam ng taong nabully na ni minsan sa internet. Pero teka, masisi ba natin ang social media? Sa panahon ngayon, hindi na rin e. Dumarami man ang tao e iba-iba rin kasi tayo ng pag-unawa sa kada problema o mga balitang nakikita e. Ayos lang sana e, kaso dumarami din ang mga asal-gago. 
  9. Bago ka tumawag ng "foul," isipin mo muna kung ano ang nagawa mo, dahil usong-uso pa naman ang tinatawag na “instant digital karma.” Self-explanatory, marami na nga ang nasampulan niyan e.Kailangan pa ba mag-drop ng mga pangalan? 
  10. Wala kaming pakialam kung edukado ka o kung saan eskwelahan ka galing. So the fuck what kung may pinag-aralan ka, o mas nagsasalita ka ng Ingles kesa sa amin? E slang naman! Alalahanin mo, hindi lahat ng edukado ay matitino at hindi lahat ng matitino ay mataas ang pinag-aralan. Parang ito lang, “aanhin mo ang edukasyon kung mas ang tao namang ito ay mas masahol pa sa hayop?” Uso ang manners, pare at mare, unless kung balahura siya mag-approach sa iyo, dyan lang applicable ang maging straightforward. At speaking of English, ito lang yan e. 
  11. Bago ka manghusga, siguraduhin mo na kaya mong magsalita ng tama. Alamin ang tamang pronunciation sa mga bawat salita. At alamin rin pala ang tamang grammatika. Oo titira-tira ka pa ng AMALAYER dyan, e spell mo nga ang salitang LIAR? Baka hindi mo pa magawa. Siraulo ka pala e! 
  12. At bago ka rin pala manghusga, siguraduhin mo na hindi ka rin tulad niya. Dahil kung ganun lang din ang gawain mo sa kada istasyon ng LRT o sa kung saang establisyamento pa iyan, e wala ka rin palang pinagkaiba sa kanya e. Kung gago siya, e mas gago ka naman! Worse? Ipokrito ka. Huwag magmalinis na parang isa kang banal na tao. 
  13. Matuto manghusga ng tama. Tutal hindi naman applicable ang kasabihan na “Don’t judge the book by its cover.” At madalas sa mga pagkakataon ay mahihilig tayo mag-overthink kaagad sa mga kaso na tulad nito. Absent na ang tinatawag na “benefir of the doubt.” (Sabagay, uso pa ba yun sa advent ng mga videos na lumalabas sa YouTube?)Di ba nga may kasabihan din nun na laging binabanggit ng mga tulad ni Papa Jack, na kayang sirain ng isang pagkakamali ang pagkatao mo at makalimutan ng mga yun ang sampung tama na nagawa mo? Pero ito lang yan e, kung marunong kang manghusga ng tama, hindi ka dededepende sa mga negatibong bagay o sa isang panig lang. Titimbangin mo ang mga ito , pag-aaralan at doon ka matuto kung paano gumawa ng tinatawag na “constructive criticism.” 
  14. At sa kada usapin na tulad nito, uso ang mag-move on, lalo na kung wala naman talagang kwenta ang pinag-uusapan… tulad ng AMALAYER na iyan. Sa totoo lang, eberiwansalayer… este, everyone’s a liar naman ha. Ops, ulit… ‘Wag magmalinis. Sabunin kita dyan e. 
Yan ha? Okay lang tawanan ang problema (minsan lang din naman yan e) pero natuto naman sana tayo.

(This article was posted at the community blog site Definitely Filipino dated November 15, 2012.)

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 11 November 2012

Ang Mga Kaso Kung Bakit Hindi Ko Nakuha Agad Ang Aking NBI Clearance

11/11/2012, 10:35 a.m.

Babala: ang lahat ng mga mababanggit sa blog na ito, ke korni man o hindi, ay pawang katatawananat kalokohan lamang. ‘Wag niyo po masyadong seryosohin ito dahil baka tumanda ka masyado niyan. Ika nga ni Jerry Olea ng Abante, Jokes lang po.

Halos patapos na ako sa aking mga transaksyon noong isang araw habang pumipila ako para makakuha ng sariling National Bureau of Investigation clearance. Hanggang sa nalaman ko ang isang kasuklam-suklam na bagay… may HIT na ako.

Nanlamig ang kalamnan ko dahil sa nangyari. Hala! Ano na naman ba ang kasalanan ko sa hukuman ng bansang ito? Ang tino-tino ko na ngang mamamayan e.

Paranoid ba? Mukha lang, kaya napaisip tuloy ako kung ano man ang nagawa kong pagkakasala, maliban pa sa mainitang komprontasyon sa kung sinu-sino lang sa internet, o minsan binabangga ko ang mga umaastang siga sa amin, lalo na sa kalye ng bahay na kinalulugaran ko, o ultimo ang paninindak sa mga mahihilig sumingit sa pila.

Pero dalawang linggo mula noong nalaman kong may HIT ako sa NBI, nalaman ko na no record on file na ako. Hay, salamat!

Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko ilalahad ang aking mga nagawang kalokohan. Siguro kung magiging batas at kaso ang mga ito, good bye to being blogger na ako, at malamang baliw na ang mundo kapag nangyari nga ito (Yikes! Kaya ipanalangin mo na lang na "huwag naman sana"):

  • Illegal Possession of Ugly Face. Oo nga naman, ano? Sa itsura ko pa bang ito e manghihiram pa ba ako ng pangit na mukha? ‘Wag na, ‘uy!
  • Moron cannibalism.Dahil para akong si Abnoy ng rap battle parody video na FlipShop. “Ang paborito kong gawain ay kumain, DoTA mag-Facebook, at KUMAIN NG BOBO.” Bagay na halata naman sa karamihan ng mga pinagsusulat ko sa mga blogs ko. Ika nga ni Mga-Sulat-Kamay, hilig ko daw kasing “mambatas” e.
  • Romantic massacre.Alam ko, kahit hindi siya talaga halata sa persona ko. Pero dahil minsa’y naging lapitin ako ng mga kolehiyala noong high school ako, at lapitin (daw) ng mga irregular student at pati na rin ng mga nakakasalamuha ko sa Facebook na tsikas noong nasa college ako… e ewan ko na lang. marami daw akong pinatay na babae sa pamamamgitan ng… *drumroll please, for more than 5 seconds* kilig. Kaya minsan, tinigil-tigilan ko na ang pagiging banatero ko e. Marami daw akong nilunod sa kumunoy, este, sa sapa ng pagmamahal. Naku po! Isa pang bagay, romantic sedition. Naging rebelde raw ako sa ngalan ng pag-ibig (teka, e hindi ko nga kasinlaki ng tiyan si Jun Sabayton e!). Kung kasalanan man sa mata ng batas ang mahalin ka… e pwede ba humingi ng execute clemency? :-D
  • Stealing of one’s heart? Ano ‘to? Chorus ng kantang “Stolen” ng bandang Dashboard Confessional ang peg? Which reminds me noong isa sa mga maiiinit na tanghali noong first year, first semester college student ako, habang naglalakad sa kalye ng Claro M. Recto, pinagtitripan ako ng kaklase ko (na babae, of course) in which, I return e siyempre, nag-rebut ako.
Siya: Ang ganda ko namang snatcher!
Ako: Oo nga e. You have stolen my heart.

Sa inis-slash-kilig niya, nasuntok niya ang kanang braso ko. Limang taon na ang nakakalipas yan ha? Pero namamaga pa rin yung sinuntok nya sa akin, at balita ko daw e magang-maga pa rin ang kamao niya dahil parang bakal ng flagpole kasi ang sinapak niya e.
  • “Mother-raper” by word. (?) Teka, first dgree ba ang alternative term dun? At teka, kalian pa ba ako nagkaroon ng persona na kahalintulad ng mga kanta ng rapper na si Batas? I.e. ang kantan niyang “Mga Putangina Niyo.” Dahil raw sa mahilig daw ako magsalita ng salitang “motherfucker.” Brutal ba? Ewan ko, sa panahon kasi ngayon e nagiging ekspresyon na ng karamihan ang tahasang pagmumura e. Pero either way, lagot ako sa nanay at mga nanay-nanayan ko dahil dito. Boo!
  • Speaking under the influence of alcohol. Kung sa America, may DUI o driving under the influence, ito naman… sa pagsasalita. Pero may kasabihan, ‘di ba, na ang tao pag nakainom ay nagsasabi ng totoo? E pa’no yun? Parang ayaw kong paniwalaan ang tropa ko na minsa’y nagwika na “Papa slick, ang gwapo, may talento ka, may potensyal ka…” pero mas maniniwala pa ako sa sinabi niyang “may kulang sa iyo, brad. May pagka-anti-social ka.” Ah, ang labo men!
  • Arson in bed.Dahil naglaro daw ako ng apoy sa kama? Paano nangyari yun, e single since birth nga ako, which means siyempre totally unattached ako sa halos lahat ng panahon maliban lamang sa 10 buwan ng 22 taon at 1 buwan na pamamayagpag sa ere. Yan kasi, mga masyado nag-iinit! Pambihira, ‘di marunong magpigil!
  • Online defamation versus the mob of superficial fools. In other words, e-libel ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. Parang tulad ng kanina lang, sa sobrang “pambabatas” (peram ulit!) ko sa mga inutil aty mangmang sa mga blogs ko. Sorry, the truth hurts e, kahit ako nasktan din eh. Yan pa! Kung kasalanan ang magsabi ng totoo, e di hindi na ako magtataka kung bakit nababalot na ng kasinungalingan ang mundong ito.
  • Insecticide/Pesticide.Pagpatay daw sa sandamukal na mga peste at insekto. Sa karamihan ng lugar sa Pinas, e okay lang yata iyan. Pero sa ibang kultura kasi (kung tama ang pagkakaalala ko) ay may mga ganung nilalang na nirerespeto. Kaya hindi ka pwede pumatay ng mga ipis, langgam o daga ng basta-basta lang. Teka, e umiiwas lang naman ako sa lumilipad na ipis sa kwarto ko ah. Kaya guys, tularan si Joe ng pelikulang “Joe’s Apartment."
  • Last but not the least… *MTRCB theme playing* ito ay rated SPG by the way (kaya mga isip bata, magbasa: skip this part, please?). Illegal position of firearm.Ops, tama yang nabasa niyo ha? Hindi siya tunog-Bisaya ng “possession.” Position nga, pare. Parang yung joke lang yan ng tatay at anak eh.
Anak: Tay, may baril po pala ang boyfriend ni ate!
Tatay: Anak, pa’no mo nalaman iyan?
A: E kasi noong isang gabi, sabi ni ate sa kanya habang nasa kwarto sila, “Hon, sa labas mo iputok iyan ha? ‘Wag sa loob.”

*gunshot* BANG! Teka, may narinig yata ako pumutok dito ah.

Baka convicted na ako kapag nagkataon na maging batas iyan. Lampas-lampasan pa sa guilty ang maging resulta. Ilang counts? Ah, ewan. Haha! Huwag nyo na lang pangarapin.

Pero kung kasalanan sa mundo ay maging corny at baduy, e buti na lang… dyan ako malinis. Ha! Ha! Ha!

This blog was also published at the community blog site Definitely Filipino dated November 12, 2012. (URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/11/12/ang-mga-kaso-kung-bakit-hindi-ko-agad-nakuha-ang-aking-nbi-clearance/)

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Saturday, 10 November 2012

For “High-Quality Entertainment” Sakes?


Isang gabi habang bumibili ako ng tinapay sa kalapit na bakery, narinig ko ang isang DJ na nagsasalita sa kanyang palatuntunan sa radyo. At ang mga katagang iyun ay agad naka-agaw ng pansin as akin habang inaatay kong matusta ang pan de sal na inorder ko.

“…aba, malamang. Dapat lang na makinig ka sa akin no? Kami lang kasi dito ang nagbibigay ng “high-quality entertainment.” That’s why we’re here.” May matching pa na sound effect yan ng mga taong tumatawa, kaya lang hindi ko alam kung tawa ba talaga yun o napilitan lang.

Oops! Teka lang.  Tama ba narinig ko? Para magbigay ng “high-quality entertainment?”


High quality entertainment, isang bagay na napakahirap nang hanapin sa panahon na dumadaudos na ang kalidad ng mga programa at isatsyon ng radyo, at kahit na rin sa iba pang mga medium na ating ginagamit sa pang-araw-araw, mapa telebisyon man o pahayagan. Sa panahon kasi na lahat sa kanila ay gumagalaw just for the sake of business, aminin natin – nasa-sacrifice ang tinatawag na “quality” just for the sake of money. The cheaper may be the better. Kaya lang, hindi garantiya na ang mga bagay na iyun ay maganda rin o beneficial. ‘Yan ang halaga ng mga tinatawag nating mga masa stations. At ‘yan din ang realidad na sila ngayon ang nagpapaikot sa ating lipunan. Kung ikaw ay naalibadbaran rin tulad ng inyong lingkod sa mga pangyayari sa industriya ng radyo (de nadedegrade na ba tulad ng ilang mga kumento sa mga blogs ko ukol sa mga usaping pang-radyo)… eh ganun talaga eh. Let’s face it. It’s business after all.

Alam ko na mahirap ang magbigay-aliw sa mga tagapakinig mo, lalo na pangalan ng istasyon ang dinadala mo kada araw na umeere ka. Kaya lang, high-quality entertainment?

Minsan, mas hanga pa ako sa mga DJ sa radyo na hindi masyado nagba-brag kung gaano kapatok (nga ba?) ang kanilang programa ay channel. Hindi dahil sa nagpapakababa sila, pero dahil kung wala ka namang ipagmamayabang pa, ayos na yung katagang “fast-rising” o ang mga katulad pa nun. At least, walang pretensions.

High-quality entertainment, teka… alam ba ng mga ‘to ang mga pinagsasabi nila?

High-quality entertainment ba ang bumitaw ng mga double-meaning na salita on-air kung alam mo na kahit papaano ay may mga nakababatang nakikinig sa iyo? Ang bastos ay nasa kaisipan nga, pero alalahanin mo na hindi lahat ay bukas ang isipan sa ganyan o tulad mong kalahting barbaro.

High-quality entertainment ba ang magpatugtog ng mga pipitsuging pop music na maihahalintulad nga sa latang walang laman? As in puro ingay nga pero wala naming substansya.

High-quality entertainment ba ang bumitaw ng mga jokes at pick-up lines? Siguro, pero ‘tol, kung alam na alam na alam na namin ‘yan… parang nagkiskis ka ng bato sa balat mo… in short, maga-gasgas lang iyan.

High-quality entertainment ba ang bumira na parang palengkero o palengkera, at kahit sa mga taong nagtetext o tumatawag sa iyo on-air? Hindi nga nagmumura pero ang salita naman na ginamit ay halata na wika ng mga hindi matitino ang asal? Isama mo na ang tipong pamamahiya ng live. Alam ko na naging mahina siya sa mga problemang kinaharap niya, pero hindi mo kailangang ipamukha na isa siyang “bobo,” “tanga” o kung ano pa man iyan. Ang pagiging straight-forward ay nilalagay sa lugar.

Marami na akong napapansin na ganito ang pamamaraan ng pagsasalita sa ere. Kaya hindi na rin kataka-taka kung bakit ganito na rin ang mga tagapakinig nito. Siyempre, bumabagay lang din naman ang mga nagtatrabaho bilang mga tagapagsalita sa radyo e. kung asal-gago ang audience mo, expect mo na rin though hindi siya gago literal dahil bawal pa rin naman ang bumitaw ng mga ganung salita sa ere.

Kaya minsan, naiisip ko. High-Quality entertainment o tama lang din ang mga comment na FM radio has gone to a piece of crap?

Madali ang magsabi ng OO. Pero may istorya kasi kung bakit ganyan. Oo, may dahilan. Kung ano ang dahilan na iyun, subukan mong isipin muna bago humusga.

Pero either way, argh. I’ll pick the latter.

11/10/2012, 09:23 pm.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions


Thursday, 8 November 2012

NU 107 After 2 Years…

11/08/2012, 12:27 p.m.

Hindi ako isang masugid na tagahanga ng istaysong ito. Minsan lang ako kung makinig sa kanila, pero maliban kasi sa mga website na tulad ng YouTube, ito ang pinakaprimerong source ng rock music para sa karamihan ng mga Pinoy e. Of course, maliban pa ‘to sa pag-attend ng mga gig ng mga banda sa underground man, o opisyal na concert.

Pero ang bilis ng panahon, ‘no? Dalawang taon na pala ang nakalilipas mula noong pormal na nagpaalam na sa himpapawid ng FM radio ang tinawag nilang “Home of NU Rock” – ang NU 107. Naalala ko pa nga ang mga hindi mawaring pakiramdam noon, lalo na sa parte nila na likas ang pagiging rakista sa sariling karapatan, na ang isa sa mga pinakasandigan nila sa musika ay mawawala na lamang matapos ang 23 taon na pamamayagpag.

Ilang mga personalidad ang nagsalita, mula sa mga dating nakasama bilang mga DJs, mga kilala sa larangan ng pakikipagrakrakan, at kahit ultimo ang mga DJs mula sa ibang istasyon na nakikinig din pala sa kanila. Mga kasama sa hanapbuhay ba.



Ilang sandali bago mag alas-dose ng hatinggabi ng Linggo, Nobyembre a-7, (or technically speaking, a-8 ng Nobyembre) taong 2010, sa huling sign-off spiel ng station manager nitong si Chris Hermosisima (a.k.a. Chris Cruise)…
“So let’s do this, for the last time. It’s a minute before 12. NU107 is DWNU FM, at 107 dot 5 megahertz in Pasig… once the loudest and proudest member of the KBP. This has been NU107, the Philippines’ one and only Home of New Rock. This is NU107. We are signing off.”
…agad umapaw ang emosyon ng karamihan sa paglisan ng NU, pati na rin siguro ang mga nakikinig sa kanila sa oras na iyun. Partikular na siguro ang mga taong nakaantabay sa labas ng kanilang istasyon at opisina sa Ortigas, Pasay City.

Ang huling kantang umalingawngaw sa tanyag na pangalan na namuhay sa dial na 107.5 MHz – maliban pa sa Pambansang Awit ng Pilipinas – ay ang antigong kanta ng Eraserheads noong 1997, Ang Huling El Bimbo. Bago mag alas-dose kinse ng madaling araw, ang nakakabinging off-air silence-slash-static na tunog na ang naririnig ko.

Hindi ko masasabing perfect farewell ito, dahil nga minsan lang ako nakapakinig sa istayon nila. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ako naging tagahanga ng Pinoy rock sa aking sariling karapatan. Pero matindi kasi ang epekto nito e. Sa panonood ko nga ng report nito sa music channel na Myx, nakita ko ang pagmamahal ng tao sa kanila. Marami sa malamang ang mamimiss ito, mga luhang tumula mula sa mga taong humanga. Maraming mga alaala ang nabuo. Isa nga silang maituturing na “legacy” sa rock industry.

Hindi lang talaga makakaila ang katotohanan na mahirap magpatakbo o magtrabaho sa iosang bagay na talagang mahal mo, kung hindi ka naman kikita rito. ‘Yan ang isang matimbang na halimbawa, maliban pa sa mga minsa’y naging alamat sa popular na kultura tulad ng 93.9 KC Fm, at 97.1 Campus Radio WLS FM.

Nagsilbi din itong avenue para sa mga banda na magkaroon ng break sa industriya at magkaroon ng jumpstar sa kani-kanilang mga karera bilang mga rockstar.

Dalawang taon na ang nakalipas, hindi ko na puwedeng husgahan ang mga pangyayari o ikumpara ba ang NU 107 sa istayon na pumalit sa kanilang channel na WIN Radio. Dahil obviously magiging bias na ako diyan, maliban pa sa katotohanan na bihira na lang ako makapakinig ng radyo, at kung nakikinig man, hindi ako madalas naka-tune in sa mga istasyon ng pang-masa.

Katulad ng mga sinasabi ko sa ibang mga blog na may paksang kinalaman sa media, partikuar sa radyo, ang pagpapatakbo ng mga ganitong klaseng kumpanya ay “business.” Hindi ka pwedeng hindi kumita, kahit ang puso mo ay para sa isang specified na genre ng musika lamang. Lalo na sa panahon ngayon na lumolobo ang populasyon sa lugar na pagnenegosyohan mo. Ayos lang sana kung mataas pa rin ang bilang ng mga tao na may kakayahan sa buhay. E paano kung ang madlang pipol mo ay nasa classes C, D at E na? Hindi na tulad noon na kahit papano na ang mga elitista ay papatol pa sa taste ng mayorya? Mahirap iyan, lalo na yata noong panahon na unti-unti na nababawasan ng mga taong mag-aadvertise sa istasyon nila? Malulugi ka siyempre, kung negosyante ka. Kapag hindi nakayanan, baka matulad ka na lang sa kanila na maibebenta na lang yang pinaghirapan mo.

Dalawang taon na ang nakalipas, may DIG Radio naman na pwede kang mapakinggan sa internet. Andun ang iilan sa mga naging disc jockeys ng NU 107. Ngapala, speaking of which, ang mga matitinong musika na namimiss mo sa radyo ay nsa kani-kanilang mga internet radio stations na rin. Kaya ‘wag kang masyadong mag-worry. Nangyayari talaga iyan. Baka nga sa DIG Radio mo pa mapapakinggan ang mga bagay na una mong natipuhan sa istasyon ng NU e.

Sa kabila kasi ng mga emosyon ay dumaan din ang NU 107 sa matinding kritisismo sa paglipas ng mga taon. Ke naging “mainstream rock” na ba (pero ‘di ba, may pagkakataon na okay naman talaga ang rock music sa mainstream? Sabagay kasi ang mga matitinding musika nun ay mas namumuhay sa underground e, pero parang isa din yan sa mga purpose ng NU e – ang ipakilala ang rock music sa pangkalahatan); “sellout,” “too commercial,” o kung ano pa man iyan.

Pero ganun naman talaga e – nagbabago ang mga bagay-bagay sa ating buhay, tulad lang yan ng mga pagbabago na dumadaan sa kada tika ng oras at paglipat ng mga pahina sa kalendaryo. Ika nga ni Radioactive Sago Project frontman/commentarist na si Lourd de Veyra, e iba ang NU 107 ng 2010 sa NU 107 ng 1987. Granted na iyan. Pero kung panay pangungulimbat sa mga development ng NU 107 na lang ang ating isusumbat nun, ay ‘di ba mas okay na yan kesa sa kada umaga, siesta at gabi ay ang mga love song at iba pa na sadyang mabenta sa tenga, ang maririnig mo? Hindi natin yata na-appreciate iyun.

Basta, NU 107 is still NU 107 at hindi yan mapapalitan sa puso ng sinumang Pinoy na rakista. Keep rocking even if you’re no more at the mainstream airwaves, NU 107!

Special citation of sources:
Eulogy for NU 107: There is a light that never goes out, Lourd Ernest H. de Veyra.
This is a crazy planets, (spot.ph and Summit books)





Video of Nu107 Sign Off via Chiara Zambrano’s YouTube channel


(This article was posted at the Community blog site Definitely Filipino dated November 8, 2012.)



P.S. NU 107 (10/31/1987 - 11/07/2010), isa ka nang alamat sa contemporoary na kultura!

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 6 November 2012

SPG Overload



Ang nilalalaman ng blog na ito ay ayon sa pagkakaintindi ng awtor lamang. Ito ay rated SPG Istriktong Pag-intindi at Gabay ng nakatatanda (kung talagang kailangan), ay kinakailangan, lalo na’t ito ay naglalaman ng mga tema at lengwahe na hindi angkop sa mga immature na mambabasa.

Minsan habang nagmamasid ako sa mga post na pwede kong makipag-interact sa aking news feed sa Facebook, ay naka-agaw ng pansin as akin ang status ng isa sa aking mga college friend. Aniya, ang mga nira-rant niya ay ang sobra-sobrang pagkakaroon ng mga programa na rated SPG sa programming ng isang istasyon ng telebisyon. Mula daw hapon hanggang gabi, panay ganitong mga klaseng programa na lang daw ang umeere sa nasabing TV station.

Hmm… ganun? Teka, ano nga ba ang ibig sabihin ng rated SPG na ito?


Isa ito sa mga bagong klasipikasyon ng programa ayon sa resulta ng pagrereview ng Movie and Television Rating and Classification Board o MTRCB. Lumabas ito ngayong taon lang sa pamamahala ng chairman nito na si Grace Poe-Llamanzares.

Ang tawag nila ay “Istriktong Patnubay at Gabay,” o “Strong Parental Guidance.” Ibig sabihin, ay from the term itself – masinsinang pag-intindi yan, maliban pa sa tahasang pagsubaybay ang kinakailangan. Inuudyok nito ang mga magulang na bantayan din ang kanilang mga anak o nakababatang manunood, na ang mga nakikita nila sa mga palabas ay dapat hindi nila tutularan o maging behave lamang. Ke entertainment man o public affairs iyan.

SPG. May mga programa kasi sa TV na hindi talaga angkop sa mga bata pero ineere na lang, lalo na yung mga maseselan ang tema. Kung may mga bagay ba sa palatuntunang ito na tila senswal, o napakasensitibo para maintindihan. Themes kung tawagin sa mga Ingles na palabas.

Lengwahe… o language, dahil sa mga murang nasasabi ng ilang mga actor bilang part eng script nila. Sabagay, hindi na uso ang pagsa-sound bleep ng mga katagang “gago,” “tarantado,” “punyeta,” “putang-ina,” at kung anu-ano pa na hindi talaga maganda pakinggan.

Karahasan, o violence naman sa Ingles. Ito kasi ang realidad na tila patay na ang action movies, at siguro sa sobrang boring ng mga choices sa local movie industry ay na-inject na ang mga maaksyong eksena sa karamihan (kung hindi man lahat) ng mga palabas, lalo na sa mga telenovela. Tila wala nang magandang love story kung hindi ito hahaluan ng mga action scene. As in barilan, ke sa warehouse man yan, sa mga kalye, o kahit sa mansion lang. Maliban na algn siguro kung mala-SOCO ang genre ng program mo.

Sexual. Matik na iyan. Kung may love story, may love scene. Kaya siguro sa sobrang init ng lambingan ng ilang mga aktor at aktres sa mga palabas, ay nagagaaya na ito ng mga manunood kaya ayan tuloy, marami ang nabubuntis; yung iba, nagiging batang ama; at yung iba, sabay takas na lang ang ginagawa sa mga syota nila na nagmistulang putangina.

Horror. May namamatay kasi sa mga ganitong palabas e. O, as in bawal for the weak-hearted, ika nga. Hindi na kataka-taka. Matindi rin kasi ang implikasyon ng takot sa mga bata. Baka traumatic pa nga kung magpapadala siya e.

Droga, or simply drugs. Uso ang mga ganitong tema sa ilang mga kwento eh. Yung naadik ang tao dahil sa ipinagbabawal na gamot. At hindi kasi makakaila na ang tindi ng epekto ng droga sa sinuman na mahuhulog sa pagkahumaling nito. Kaya nitong sirain ang kinabukasan ng isang tao. Mas malala? Reputasyon niya, kayang wasakin din in an instant.

Pero bakit nga ba may ganito pa? Eh ‘di ba, hindi naman yata nasusunod ito sa totoo lang? Oo nga e. Sa hakbang na ito, tila ang MTRCB na lang yata ang nagpapakita ng tinatawag na “command responsibility” sa industriya ng mga programa sa telebisyon.

Pero hindi naman kasi garantiya na ang mga magulang ay nakasubaybay din sa TV sa lahat ng oras na nanunood ang kanilang mga bata. Pa’no yun?

Ewan ko.

Pero kung sobrang overload na nga ng mga rated SPG na program sa TV ngayon, siguro implikasyon ito na huwag manood ang mga nakababatang viewers. Lalo na kung kailangan nilang mag-aral. Pero ang tanong, nasusunod ba ang mga ito lalo na sa panahon ngayon na usong uso ang pagka-cutting classes, alab ng pag-ibig sa lilim ng puno, at kung anu-ano pang kabullshitan na ipinapakulo ng media at popular na kultura sa ngayon?

Ulit, ewan ko.

Bakit ganun ang sagot ko? Simple lang. Nasa sa iyo na kasi iyan kung magpapadala ka sa mga pautot ng mga nakikita mo. Kung sa tingin mo ay hindi, e ‘di manood ka lang. Kung oo naman, alam mo na ang gagawin mo.

Basta ako, kahit ganun ang nakikita ko… sign off na lang sa TV. Mas ok pa.

11/06/2012, 08:00 PM
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Monday, 5 November 2012

Sila-sila Na Lang!

11/05/2012, 10:50 AM

 “Sila sila na lang!” Yan ang litanya ng magulang ko, at pati na rin ng ilang mga mamamayan na maalam sa mga maiinit na balita ukol sa magaganap na Midterm Elections sa Mayo 13, 2013.

Ano ba yan? Parang sila na lang ang magkakalaban at magkakapartido sa darating na halalan ha?

Oo nga e. Sino o sinu-sino ba ang mag-aakala sa ganito? Ang tatakbong mayor ay anak ni congressman? Yung asawa ni mayor, kakalabanin naman ang kabilang partido na tatakbo naming congessman? O gobernador, city councilor? Palibhasa may pangalan at kamag-anak na sa nasabing larangan e.

Pero matagal na kaya ang isyu ng political dynasty sa bansa. Oo, since time in memorial, p’re’t mare. Usong-uso na mula sa mga lungsod, at mas talamak pa nga ito sa mga probinsya. May mga pagkakataon pa nga na minsan, kung sino pa ang magkakadugo, sila pa ang magkakatunggali. E alam mo naman ang kalakaran d’yan. Sa ngalan ng kapangyarihan, may mga tao talaga na hahamakin ang lahat, makuha ang puwestong hinahangad.

At teka, ang pagkakaalam ko ay may tinakdang alintuntunin sa ating saligang batas na nagbabawal sa ganyan ha? Ika nga…

The state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may defined by law.

Iyun naman pala e. BAWAL, sa madaling sabi.

Pero ang sey naman nila dyan, “eh ang tao (mamamayan) din ang nagluluklok sa amin dito e.”

Hmmm… oo nga naman, ano? Tayo din kasi ang may kasalanan sa ganito, kaya ‘wag tayo basta reklamo ng reklamo. Kung tayo ay nagpauto sa mga patutsada ng pulitko, e talagang masasabi na tanga tayo. O kung mas partikular (dahil hindi tayo pwede na humusga sa pangkalahatan ng basta-basta lang), tanga ang karamihan sa mga botante. Sobrang laya ba kamo?

Pero may makikipagtalo diyan. Eh kasi sila na lang ang nasa listahan ng kandidato e. Kapag hindi naman tayo bumoto, wala rin naman tayong karapatang magreklamo.

Pero dahil sadyang pasaway tayo sa sobrang laya natin, buti kamo naiisip mo pa ang ganyan, ‘no?

‘De. Ang punto kasi dito ay kung may mga pulitko naman diyan na maprinsipyo sa mata natin, yung tipong makakatulong talaga sa pag-unlad ng lupang kinatitirikan natin, e yun ang dapat iboto. Bagamat ang masaklap na realidad lang kasi ay may mga tao din na may ganung kalidad, as in kwalipikado siya talaga… pero dahil sa pangalan o reputasyon ng mga kaanak nya sa pulitika, e talagang mapupunta siya sa alanganin sa ayaw at sa gusto niya. Bawal ang political dynasty e. May magagawa ba siya?

Meron actually, yan ay kung kaya pa niya maibaligtad ang ikot ng mundo. I mean, iwaksi ang tila stigma sa isyu ng dinastiyang pultikal. At paano mangyayari iyun? Maghintay siya na dumating ang panahon na siya na lang ang tatakbo sa ngalan ng angkan niya. ‘Wag yung tipo na ang erpat niya, tatakong senador; ermat naman niya, kongresista; tapos ang utol niya, vice mayor; habang siya ay planonaman sa pagiging alkade ng lungsod. As in all of the same time. Masyado naman tayong gahaman niyan.

One at a time lang, mga ma’am at sir. Alam ko gusto niyo maglingkod sa taumbayan pero bilang respeto na rin sa saligang-batas, sundin naman natin yun.

Author slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions