Sunday, 11 November 2012

Ang Mga Kaso Kung Bakit Hindi Ko Nakuha Agad Ang Aking NBI Clearance

11/11/2012, 10:35 a.m.

Babala: ang lahat ng mga mababanggit sa blog na ito, ke korni man o hindi, ay pawang katatawananat kalokohan lamang. ‘Wag niyo po masyadong seryosohin ito dahil baka tumanda ka masyado niyan. Ika nga ni Jerry Olea ng Abante, Jokes lang po.

Halos patapos na ako sa aking mga transaksyon noong isang araw habang pumipila ako para makakuha ng sariling National Bureau of Investigation clearance. Hanggang sa nalaman ko ang isang kasuklam-suklam na bagay… may HIT na ako.

Nanlamig ang kalamnan ko dahil sa nangyari. Hala! Ano na naman ba ang kasalanan ko sa hukuman ng bansang ito? Ang tino-tino ko na ngang mamamayan e.

Paranoid ba? Mukha lang, kaya napaisip tuloy ako kung ano man ang nagawa kong pagkakasala, maliban pa sa mainitang komprontasyon sa kung sinu-sino lang sa internet, o minsan binabangga ko ang mga umaastang siga sa amin, lalo na sa kalye ng bahay na kinalulugaran ko, o ultimo ang paninindak sa mga mahihilig sumingit sa pila.

Pero dalawang linggo mula noong nalaman kong may HIT ako sa NBI, nalaman ko na no record on file na ako. Hay, salamat!

Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko ilalahad ang aking mga nagawang kalokohan. Siguro kung magiging batas at kaso ang mga ito, good bye to being blogger na ako, at malamang baliw na ang mundo kapag nangyari nga ito (Yikes! Kaya ipanalangin mo na lang na "huwag naman sana"):

  • Illegal Possession of Ugly Face. Oo nga naman, ano? Sa itsura ko pa bang ito e manghihiram pa ba ako ng pangit na mukha? ‘Wag na, ‘uy!
  • Moron cannibalism.Dahil para akong si Abnoy ng rap battle parody video na FlipShop. “Ang paborito kong gawain ay kumain, DoTA mag-Facebook, at KUMAIN NG BOBO.” Bagay na halata naman sa karamihan ng mga pinagsusulat ko sa mga blogs ko. Ika nga ni Mga-Sulat-Kamay, hilig ko daw kasing “mambatas” e.
  • Romantic massacre.Alam ko, kahit hindi siya talaga halata sa persona ko. Pero dahil minsa’y naging lapitin ako ng mga kolehiyala noong high school ako, at lapitin (daw) ng mga irregular student at pati na rin ng mga nakakasalamuha ko sa Facebook na tsikas noong nasa college ako… e ewan ko na lang. marami daw akong pinatay na babae sa pamamamgitan ng… *drumroll please, for more than 5 seconds* kilig. Kaya minsan, tinigil-tigilan ko na ang pagiging banatero ko e. Marami daw akong nilunod sa kumunoy, este, sa sapa ng pagmamahal. Naku po! Isa pang bagay, romantic sedition. Naging rebelde raw ako sa ngalan ng pag-ibig (teka, e hindi ko nga kasinlaki ng tiyan si Jun Sabayton e!). Kung kasalanan man sa mata ng batas ang mahalin ka… e pwede ba humingi ng execute clemency? :-D
  • Stealing of one’s heart? Ano ‘to? Chorus ng kantang “Stolen” ng bandang Dashboard Confessional ang peg? Which reminds me noong isa sa mga maiiinit na tanghali noong first year, first semester college student ako, habang naglalakad sa kalye ng Claro M. Recto, pinagtitripan ako ng kaklase ko (na babae, of course) in which, I return e siyempre, nag-rebut ako.
Siya: Ang ganda ko namang snatcher!
Ako: Oo nga e. You have stolen my heart.

Sa inis-slash-kilig niya, nasuntok niya ang kanang braso ko. Limang taon na ang nakakalipas yan ha? Pero namamaga pa rin yung sinuntok nya sa akin, at balita ko daw e magang-maga pa rin ang kamao niya dahil parang bakal ng flagpole kasi ang sinapak niya e.
  • “Mother-raper” by word. (?) Teka, first dgree ba ang alternative term dun? At teka, kalian pa ba ako nagkaroon ng persona na kahalintulad ng mga kanta ng rapper na si Batas? I.e. ang kantan niyang “Mga Putangina Niyo.” Dahil raw sa mahilig daw ako magsalita ng salitang “motherfucker.” Brutal ba? Ewan ko, sa panahon kasi ngayon e nagiging ekspresyon na ng karamihan ang tahasang pagmumura e. Pero either way, lagot ako sa nanay at mga nanay-nanayan ko dahil dito. Boo!
  • Speaking under the influence of alcohol. Kung sa America, may DUI o driving under the influence, ito naman… sa pagsasalita. Pero may kasabihan, ‘di ba, na ang tao pag nakainom ay nagsasabi ng totoo? E pa’no yun? Parang ayaw kong paniwalaan ang tropa ko na minsa’y nagwika na “Papa slick, ang gwapo, may talento ka, may potensyal ka…” pero mas maniniwala pa ako sa sinabi niyang “may kulang sa iyo, brad. May pagka-anti-social ka.” Ah, ang labo men!
  • Arson in bed.Dahil naglaro daw ako ng apoy sa kama? Paano nangyari yun, e single since birth nga ako, which means siyempre totally unattached ako sa halos lahat ng panahon maliban lamang sa 10 buwan ng 22 taon at 1 buwan na pamamayagpag sa ere. Yan kasi, mga masyado nag-iinit! Pambihira, ‘di marunong magpigil!
  • Online defamation versus the mob of superficial fools. In other words, e-libel ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. Parang tulad ng kanina lang, sa sobrang “pambabatas” (peram ulit!) ko sa mga inutil aty mangmang sa mga blogs ko. Sorry, the truth hurts e, kahit ako nasktan din eh. Yan pa! Kung kasalanan ang magsabi ng totoo, e di hindi na ako magtataka kung bakit nababalot na ng kasinungalingan ang mundong ito.
  • Insecticide/Pesticide.Pagpatay daw sa sandamukal na mga peste at insekto. Sa karamihan ng lugar sa Pinas, e okay lang yata iyan. Pero sa ibang kultura kasi (kung tama ang pagkakaalala ko) ay may mga ganung nilalang na nirerespeto. Kaya hindi ka pwede pumatay ng mga ipis, langgam o daga ng basta-basta lang. Teka, e umiiwas lang naman ako sa lumilipad na ipis sa kwarto ko ah. Kaya guys, tularan si Joe ng pelikulang “Joe’s Apartment."
  • Last but not the least… *MTRCB theme playing* ito ay rated SPG by the way (kaya mga isip bata, magbasa: skip this part, please?). Illegal position of firearm.Ops, tama yang nabasa niyo ha? Hindi siya tunog-Bisaya ng “possession.” Position nga, pare. Parang yung joke lang yan ng tatay at anak eh.
Anak: Tay, may baril po pala ang boyfriend ni ate!
Tatay: Anak, pa’no mo nalaman iyan?
A: E kasi noong isang gabi, sabi ni ate sa kanya habang nasa kwarto sila, “Hon, sa labas mo iputok iyan ha? ‘Wag sa loob.”

*gunshot* BANG! Teka, may narinig yata ako pumutok dito ah.

Baka convicted na ako kapag nagkataon na maging batas iyan. Lampas-lampasan pa sa guilty ang maging resulta. Ilang counts? Ah, ewan. Haha! Huwag nyo na lang pangarapin.

Pero kung kasalanan sa mundo ay maging corny at baduy, e buti na lang… dyan ako malinis. Ha! Ha! Ha!

This blog was also published at the community blog site Definitely Filipino dated November 12, 2012. (URL: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/11/12/ang-mga-kaso-kung-bakit-hindi-ko-agad-nakuha-ang-aking-nbi-clearance/)

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment