Showing posts with label Bong Revilla. Show all posts
Showing posts with label Bong Revilla. Show all posts

Sunday, 13 July 2014

VIP (Very Important Prisoner?!) v. 2014

06/23/14 02:38:46 PM

So, ayan na. May umaalingawngaw na isang hinang. Mainit raw masyado. Baka naman pe-puwedeng magka-aircon sa kulungan nila.

Pero dahil lahat tayo may mahihilig umapila, baka naman pwede na rin nating samahan ng stock ng sabong mabango (yung panligo, ayon sa mga kapitbahay ko sa bukid), pagkain na may unlirice, wifi connection, saka extended na visiting hours. Oo, kung manghihingi ka rin naman, sagarin mo na.

Ganun? Demanding ang datingan nila, eh no? Mas makapal pa ba sa makakapal na mukha nila?

“Beggars can't be choosers, ika nga.” May kasabihan din na “huwag kang choosy kung hindi ka naman yummy.” Ibig sabihin nito ay simple: nasa kulungan ka, kaya magdusa ka! (Oo, alam ko. Tunog pelikula ni Sharon Cuneta yan.)

Pero alam mo, ang sentimyento ni Sen. Bong Revilla na humihingi ng aircon para sa kanyang detention facility ay malay mo, sentimiyento rin ng libu-libong nakakulong sa kanilang mga respektibong piitan sa alinmang isla at lupalop sa bansang Pilipinas. Oo, marami kayang naiintan, at naartehan rins a kani-kanilang mga kulungan eh.

Sa kanilang banda, masasabi rin na “Putangina naman. Tama lang yan sa inyo. Dapat nga sa impyerno na kayo eh; para at least mabilis kayong mabubulok dun.” Lalo na kung nabiktima ka ng isa sa kanila.

Pero panibagong anggulo: kung sakaling maisakatuparan ito, dalawang bagay lang nakikita ko. Una, dito magre-reflect kung gaano katindi ang hustisya sa ating bansa—may pinapanigan, basta may pera ka; at pangalawa, talaga namang mainit sa Pilipinas (obvious naman kasi eh. Kung mag-aaral ka ng heograpiya, malalaman mo kayang malapit tayo sa Tropic of Cancer, kaya maituturing na isang “tropical country” ang tinitirhan nating bansa.).

Saka isa pa pala: patunay lamang ito kung gaano kagarbo ang buhay ng mga tulad nila (pero hindi naman lahat). Sagana sa kumportableng lugar. At walang masama dun, lalo na kung wala ka naman talagang ginagawang masama sa mata ng batas. Eh paano kung meron? Baka karma na yan.

Pero sa totoo lang, ano 'to? Ba't naman masyado silang pa-VIP? Kung ganun lang din, eh di sana kahit yung mga nasa maximum security (at kahit medium at yung mga nasa minimum na rin) ay sana tinatrato rin parang VIP.

Pero siyempre, dapat yung mga tao, in general, partikular yung mga nasa labas ng rehas, ng dapat makaranas niyan noh. Unfair naman: kung sino pa ang may ginawang katarantaduhan, sila pa ang mas may karapatan pa yata sa lipunan kesa sa aming mga matitino?

Yan tuloy, naasar na ang lola mo. Naglabas ng sentimyento sa media. Plano pa nga ata maghain ng panukala. Ginagawa kasing five star hotel ang detention cell?

Ano ba yan.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Thursday, 3 July 2014

Silence Is Better Than BS

06/23/14 05:05:03 PM

http://www.krisaquino.net
Silence is better than BS daw.

Wow, taray ng ate mo no. Minsan ay nagbitaw ng salita si Kris Aquino kay Sen. Bong Revilla: “Silence is better than BS.”

Ows. Talaga lang ha?

Pero in fairness, tama rin naman siya. Mas okay pang tumahimik kesa sa kung anu-ano pang masabi ng iyong bunganga. Ay sorry, bibig pala, o puwede rin ng yong utak, tutal nag-iisip naman tayo muna bago magsalita, 'di ba?

Maliban na nga lang kung isa kang saksakan ng emosyonal na tao. Pero etierh way kasi, dun pa rin manggagaling yun. Tama, ang emosyon ay dala rin ng iyong pag-iisip, though sa konteksto ng romantisismo, mas lumalabas na nanggagaling rin ito sa iyong puso.

Silence is better than BS daw. Oo nga naman. Tama naman siya eh. Kaso, parang may “irony lang.” Parang... kung para sa mga tulad niyang “opinyonada,” tatalab kaya yun? Yung laging may “say” sa lahat, yung mga mahihilig pumatol sa isyu, pati yung mga “may masabi lang.” Tingin n'yo tatalab kaya sa kanila yun?

Oo naman. Hindi naman kasi porket nanahimik ang iyong bunganga (ay, tangina naman slickmaster! Bibig lang. Masyado ka naman eh. “OO NA! SORRY NA!”), ay hindi ka na nagbibigay ng kuro-kuro mo sa mga bagay-bagay.

Alalahanin mo ang kasabihang “silence means YES.” at pati ang kahalintulad na counterpart na “NO,” o kung ano pa man yan. Malabo ba? Depende kasi yan sa tanong at usapan. Basta, ang bottom line: may saysay pa rin ang pananahimik, ang pagtikom ng bibig, ang pagpiling manahimik kesa sa sumagot. At walang kinalaman rito ang Miranda rights, ha? (“You have the right to remain silent.”)

Oo, kahit manahimik ka lang, may ibig sabihin yan. May sagot ka pa rin. Kung ano yun? OO? Hindi? O wala kang alam? O pinili mo lang na hindi makialam? Nasa sa'yo na ang kasagutan d'yan.

Silence is better than BS. Applicable 'to sa alinmang usapan, mula pulitika hanggang showbiz. Maliban nga lang kung iniinterview ka ng boss o HR ng kumpanyang inaaplyan mo (Mahiya ka naman 'oy. Sumagot ka kung gusto mong makapagtrabaho, ano?).

Silence is better than BS. May bibira: Bakit hindi niya kaya sabihin yan sa sarili n'ya? Pati na rin sa mga tao sa showbiz na mahihilig magbitaw ng mga tipikal an sagot—yung kunwari pa silang “hindi,” pero oo naman. Sa totoo lang kasi, hindi lang sa pulitka applicable ang mga mala-kasinungalingan na sagot. Pati na rin sa mga tao dun sa hanay nila, at kahit sa mga ordinaryong nilalang. Aminin, ni hindi ka pa nagsinungaling o ni sumagot sa ganoong pamamaraan.

Huwag naman tayo masyadong harsh. Tama naman yung sinabi niya eh: “Silence is better than BS.”

Teka, BULLSHIT ba talaga meaning nun?

O, ang BS ay... acronym ng isang tao?


Ay, ibig sabihin, mas okay pala ang manahimik kesa sa kanya?

Ang labo naman nun ah.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Saturday, 21 June 2014

Naaresto Na Si Bong! Eh Ano Ngayon?!

6/21/2014 3:45:31 PM

So, ­­natapos ang serye ng mga kontrobersiya at balita, at sa wakas… may nakulong din pala sa salang pandarambong (tama ba?). Noong nakaraang Biyernes, pormal na sumuko-slash-naaresto si Senador Ramon Bong Revilla Jr.

Kaso, ano na? Ano nang mangyayari pagkatapos nito?

Sa madaling sabi: eh ano ngayon?!

Panibagong hakbang ba ito para sa krusadang “daang matuwid” laban sa korapsyon? O isa itong mala-conspiracy na atake laban sa oposisyon.

Kung mapapansin kasi, sa mata ng ilan, maaring masabi nila na pinupulitika raw si Revilla dahil sa hangad niya na tumakbo sa darating na 2016 presidential elections. At ang pag-aresto sa kanya? Patunay lamang daw na isa itong maitim na plano laban sa kanya. Dagok din na maituturing.

Ngunit, sa kabilang banda, kung papaniwalaan ang mga kasong isinampa sa kanya sa Sandiganbayan, patunay lamang ito kung gaano kabulok ang sistemang pulitikal sa ating bansa. Yan kasi binoto natin eh. Mga papogi na dumaan sa showbiz. Tapos pag gumawa ng kasalanan, naglulupasay tayo sa pagsisisi.

At teka, non-bailable ang kasong plunder, ‘di ba? Pero bakit nga ba sila nakapagpetition for bail? Aba, para namang nakipagsuntukan sa hangin ang mga ‘to—imposibleng mangyari.

Subalit sa tulong ng mga abugado at kung sinu-sino pang nakakalam sa mga butas ng batas, possible yan.
At wrong timing pa ata ang suot niya na damit, na naglalaman ng isang kasabihan na galing sa isa sa mga libro sa Bibliya. Ayos lang sana maniwala, kaso may kasabihan: practice what you preach, at siyempre, dapat parang Seiko wallet ang pananampalataya mo sa itaas – “genuine” ba.

Madaling husgahan si Bong bilang isang tiwaling opisyal na parang lulusot pa kahit nahuli na. Samahan mo pa ng asawang naging opisyales pa ng lalawigan ng Cavite na minsa’y nag-angas pa nun sa kasagsagan ng isyu ng pork barrel (yung nagsabo ng “huwag kayong hihingi ng pera sa amin ha?!”). Oo, madaling husgahan lalo na’t kungkapos pa ang ating pag-unawa sa isyu.

Pero mas madaling siyempre kung alam mo ang parehong panig. At least, naiintindihan mo (bagay na sa kasamaang palad, ay kapos rin tayo maliban na lang kung isa kang lehitimong political analyst).

Kaso, paano nga ba kung tatakbo ito sa 2016? Mananalo pa rin ba siya? Maari raw, ayon sa mga sari-saring reaksyon na nababasa ko sa Twitter noong araw na ‘yun. 

Bakit kanyo? Mahihilig kasi tayo sa mga “underdog.” Nasa mentalidad kasi natin ang ating pagiging biktima sa lahat-lahat at dapat ang takbo ng kwento natin ay parang fairy tale na nababasa natin noong bata pa tayo – magpapa-api kami, pero sa bandang huli, kami ang magwawagi.

Sa madaling sabi: mahihilig rin tayo makisimpatiya, kaya tignan mo ang takbo ng lipunan natin ngayon: nadadala ng simpatiya na yan. Maariong factor rin dito yung pagpapaalam niya sa kanyang amang si Don Ramon. Sabagay, mahirap nga naman maksi sa isang ama, o sa isang magulang na makikita mo ang anak mo; at lalong nakakastress na ito kung sa edad ang usapan. Kung iba yan, baka natuluyan sa kunsumisyong dala ng kumusyon..

At napaka-evident ang ganitong storyline sa sarswela, este, moro-moro, este, teleseye, este… pucha, sabihin na nga lang nating “pulitika” sa ating bansa. Lalo na noong 2013 midterm elections.

Kaso, naaresto na si Bong. At may film crew pa raw na dala ito. So, anong eksena ‘to: Kap’s Amazing Stories, at ang producer ay ang Daang Matuwid productions?

Pero, naaresto na siya eh. Ano na ngayon? Mauuwi rin ba sa ganitong kapalaran ang mga aksuadong senador na sila Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile? Eh paano yung mga opisyales at empelyado na sangkot din sa ganitong kaso ng katiwalian. Kunsabagay, kung tama lang naman ito, at naayon sa batas, at hindi magpapadala sa alinmang “way out alibi,” go ahead.

Kaso, kung sa oposisyon ka lang aatake, at kung mayroon rin naman sa mgakabaro mo na “corrupt” pala (come to think na good thing ay majority sa mainstream media ay kahit papano hindi bias; as in kung may mali ke oposisyon man o administrasyon ay isinisiwalat nila), ay hindi rin yata tama yan. Oo, parang conspiracy theory lang ang pinakabasehan ng isang mala-political attack na ito kung ganun man.


Kaya ang labo lang din e no?


At kung may isa pang magandang bagay na fala ng pagtutok ng mga news portal sa isyung ito, yun ay ang pagsapaw sa mga ampaw na balitang gaya ng pag-amin ni Sarah Geronimo na boyfriend na niya sa Matteo Guidicelli (okay, sila na pala. EH ANO NAMAN NGAYON?).

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions