Showing posts with label government. Show all posts
Showing posts with label government. Show all posts

Friday, 18 July 2014

Unconstitutional?!

7/15/2014 10:50:29 PM

Ayan na. Lumabas na ang desisyon ng Korte Suprema; aniya, “unconstitutional” daw ang Disbursement Acceleration Program fund o sa madaling sabi, ang DAP. At 13-0 yan, isang bonggang-bonggang unanimous decision, na kala mo ay sa mga laban sa UFC at boxing mo lang maririnig ang katagang yan.

O tapos, ano na? Unconstitutional pala yan eh!

Kung susundin ang ginawa sa Priority Development Assistance Fund, o PDAF, ay dapat i-scrap na rin ito: tanggalin na sa budget ng bansa.

Yan ay kung hindi magpapatalo ang executive government sa desisyon ng SC. Ngunit, yun lang—sa isang mala-State of the Nation Address (SONA) speech kagabi, ay tila kinalaban pa ni Pangulong Noynoy Aquino ang Supreme Court sa salita nito. So, pa’no na yan? Mukhang magkakandaleche-leche pa yata ang isyung yan ah. Kung si Senator Osmena ang tatanungin, maaring magkaroon ng isang masalimuot na senaryo na kung tawagin ay “constitutional crisis.”

Pero, ano pa nga ba ang problema sa DAP, maliban sa sinasabi na ang ponding yan ay isa rin sa mga ugat ng katiwalian sa ating bansa sa kasalukuyan? Ewan.

Dahil sa pera lang ba nagiging corrupt ang isang tao sa pamahalaan? Parang may pagka-illogical rin kung isisisi sa material na bagay ang lahat ng kagaguhan eh. Sa totoo lang, hindi ang pera ang ugat ng lahat ng kasamaan, kundi ang labis na pagmamahal rito.

Ngunit sa kabilang banda kasi, patunay rin lang yan na kung gaano dyino-Diyos ng tao ang mga makamundo’t makapangyarihang bagay tulad na lamang ng salapi sa ngalan ng DAP, at yung PDAF, o sabihin na lang natin na “pork barrel.”

Ano kaya kinakatwiran ng kuya mo, kaya tila nagmumukha siyang stubborn sa mata ng nakararami? Oo, as in parang ang tigas ng ulo niya na sinusuway ang tawag sa utos na ‘yan ng kan’yang mga boss?

Dahil magagamit na emergency fund raw ito? Kung ganun, nagamit ba ito sa panahon ng kalamidad noong nakaraang taon gaya ng lindol sa Visayas at ang pagtama ng super-bagyong Yolanda sa ating bansa? At pati na rin noong Habagat sa Luzon? Kung hindi, eh ano pa nga ba ang pinaglalaban niya kung ganun? Naalala ko lang na isa yun sa argumento niya noong minsa’y pinutakte na ang DAP na ‘yan.

Sa isang anggulo, masyado nga ba tayong mapagpuna, kaya ang mga bagay-bagay na magsisilbi sanang pakinabang sa atin ay tinitignan na rin natin ng masama? Alam ko, pera yan; at marami na ang patunay sa isang antigong kasabihan na binanggit ko sa mga naunang talata ng artikulong ito; pero… parang masaydo naman tayo naggeneralize o nagstereotype.

Na parang ganito: sabihin na natin na, okay, maganda naman ang hangarin ni PNoy kaya niya itinatag ang DAP.

Pero sabagay rin kasi, unconstitutional na eh, sabi ng isang sangay ng pamahalaan natin. That already said enough. Sapat na preba na ‘yan, kaya nga nag-alburoto ang mga tao kay Secretary Abad ng Department of Budget and Management, ‘di ba?

Pero sa akto ng disagreement ng pangulo, tila kinakalaban niya ang paahalaan niya. Kahit sabihin pa natin na sa lahat ng tatlong sangay ng gobyerno natin, ang huradikatura ang tila pinakamahina pagdating sa pag-exercise ng kapangyarihan.

Naku, mahaba-habang dayalogo at debate na naman ito panigurado.


Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Sunday, 24 June 2012

Ang patutsada sa isyu ng opisina’t relihiyon.

Isang pasada sa isang kamakailang mainit na balita. Kamakailan lang ay may panukala ang isang kongresista na ipagbawal ang anumang mga bagay na may kinalaman sa relihiyon sa loob ng mga opisina ng pamahalaan. Ayon kay Kabataan partylist representative Mong Palatino, ang House Bill 6330 ay naglalayon na i-ban ang ang mga gawaing may kinalaman sa relihiyon, kasama ang mga panalangin, misa, pagbababasbas at paglalagay ng mga anumang bagay na tulad ng crucifix, Bibliya, Koran at iba pa sa loob ng mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kasi kay Palatino, ang mga relihiyosong simbolong nakikita sa mga lugar na ito ay tila nagendorse ng isang particular na pananampalataya. Yung ibang empeyado daw e napipilitan daw na umattend ng mga misa at iba pang mga relihiyosong aktibidades ng kanilang mga superiors. Yung iba, hindi makagawa ng mga dapat na transaksyon tuwing lunch break dahil sa nasa misa ang mga kawani nito.

Naging isang mainit na balita na naman to sa iba. Kaliwa’t kanan ang mga taong naglahad ng opinion sa panukalang ito sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at iba pa; at pati na rin sa mga blogs, at diyaryo sa iba’t ibang panig ng bansa.



May mga sumang-ayon. OO nga naman, ‘di ba dapat ang isang opisina ay isang lugar para magtrabaho? Bakit hahaluan to ng ibang mga bagay tula ng relihiyon? At isa pa, hindi lahat ng mga nagtatrabaho sa ating bansa ay magkakasapi rin sa pananampalataya. Talagang may tao sa ating mga pamayanan na iba ang Panginoon na sinasamba, yung iba, walang relihiyon pa nga e. Hindi nga naman magiging pantay yun, di ba?

At sa kabilang banda, meron ding tumuligsa. Sabagay, sa isang bansa na ang dominanteng relihiyon ay ang Kristiyanismo at Katoliko, hindi yata pwede yan. Lalo na kung ikaw ay yung tipong nagsa-sign of the cross bago mo buksan ang mga papeles at PC mo para simulan ang isang nakakastress na araw dahil kailangan mong magtrabaho para may mai-contribute ka sa iyong kumpanya at pamilya.

As usual, talagang kokontrahin ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Asahan mo na iyan. Ayon sa kanila, hindi freedom ang nasabing panukala. Pagkitil daw ito sa sa kalayaan ng tao para manampalataya.

At yung iba, ang OA lang. May masabi lang kasi. Isa sa mga matutunog ay yung tila sinusumbatan ang mambabatas na Palatino ng “anti-God.” Oo, OA na nga. Pag-aralan niyo kaya yang mga salita niyo bago niyo isumbat yan sa iba, ano?

Pero dahil sa tahasang pagbatikos ng nakararami e humingi siya ng paumanhin at hindi na niya ipatuloy na ipagsabatas ang Constitutional Provisions on Religious Freedom in Government Offices. Nilinaw ni Mong na hindi niya intensyon na i-ban si God. Sa malamang, ay hindi naintindihan ng karamihan ang batas na ito. Names-interpret.

Hmmm... sa tingin ko, oo. Baka nga hindi ito lubusang naintindihan ng iba. Iba kasi ang mga bagay sa ganitong aspeto e. At isa pa, mahirap makipag-argumento sa mga bagay-bagay na may relasyon sa pulitika at relihiyon.

Ito lang siguro, ano? May mga bagay kasi na dapat e nilulugar. Katulad ng opisina, simbahan at iba pa. Kung idadagdag mo ang bahay na “bakit may mga taong nagrorosaryo sa kani-kanilang mga tahanan?” e ibang usapan nay an. Ang sa akin, pwede ipatupad yan. Dapat talaga ipagbawal mo ang misa, Bible Study at iba pa dahil nga hindi naman lahat ay nakakrelate sa mga ganitong bagay.

Pero sa kabilang banda kung hindi mo trip ang nakikita mong mga ganito sa workplace mo, e respeto na lang din sa relihyon mga tol, at tanggapin mo na lang din ang katotohanan na hindi mo kasi garantiya na masusunod yan ng mga manggagagawa yan e. Kasi nga naman, may mga tao na pinaka-top priority si God, which is tama lang din naman para sa akin. Ayon na rin sa mga obserbasyon ko, may mga tao kasi na nagdadasal muna bago magtrabaho at yung iba, pagkatapos ng isang mahaba-habang araw ng pagtatrabaho. At hindi mo na matatanggal yun sa kanila, hindi dahil sa nakasanayan nila pero dahil sa magandang kapakanan nila.

At, bago ko pala tapusin ang lahat, isang bagay na lang dapat ang ipagbawal sa relihiyon. Ang pagiging IPOKRITO.