Showing posts with label rain. Show all posts
Showing posts with label rain. Show all posts

Wednesday, 16 July 2014

Mga Bagay Na Dapat Mong Gawin Kapag Wala Kang Pasok

7/15/2014 11:58:14 PM

Sa buhay ng isang batang-isip, walang mas sasaya pa kesa sa masuspinde ang pasok mo sa eskwelahan. Aminin!

Pero hindi porket no classes ka na dahil sa bagyo ay magpapakatambay ka na lang. Maawa ka naman sa magulang mo, kaya narito ang dapat mong gawin sa mga ganitong klaseng panahon.


Maglinis ka ng kwarto mo. Lalo na kung makalat ka. Alam kong nagmamaktol ka pag nakikita mong malinis ang kwarto mo. Hindi dahil sa malinis yan, kundi dahil may nawawala kang gamit na naitago pala ng iyong tita/yaya/magulang. At ang tanging solusyon lang d’yan ay umayos ka – at linisin mo ang makalat mong espasyo.

Gumawa ka ng gawaing bahay. Okay lang na manood ng TV o mag-DoTA, pero paminsan-minsan sa araw na ‘yan, mgpautos ka naman sa iyong magulang, at wag kang tatamad-tamad. Dahil tama man ang kasabihang “ang batang tamad, pag tumanda ay boss,” ay magiging isang hamak na mangmang naman ang boss na yan kung ang alam lang niya ay ngumanga at humilata.

Tigilan ang pagtetext. Magpamiss ka naman sa mga kaibigan mo. Tigilan mo ang pakikipaglandian sa crush mo. Ang araw na yan ay para sa sarili mo (maliban sa birthday mo siyempre), kaya gamitin naman para sa mga mahahalagang bagay tulad ng mga nabanggit.

Kung nabigyan ka na ng baon, huwag gastusin. Buti ka pa nga may pera kahit walang pasok eh. Maawa ka naman sa magulang mo na nagbibigay sa ‘yo palagi nyan. Alam mo ba kung magkano ang presyo ng mga pangunahing bilihin? Ng paborito mong pagkain? Kahit sabihin pa natin na mas mahal pa ang tiket ng paborito mong 1D na concert d’yan, ito ang isang bagay na magpapatotoo lang: hindi nagtatae ng pera ang magulang mo. Kung iba pa yan, sasampalin pa pa ng mga salitang "hindi basta-basta napupulot ang pera." Kaya matuto kang mag-ipon sa halip na gamitin sa alinmang kalandian ang salaping bigay sa iyo.

Kung relihiyoso ka, magdasal. Kahit saglit lang. maaring nakatutulong ang ulan sa ating kapaligiran, pero ang labis ay nakasasama (siyempre!), at talaga namang hindi maganda ang maidudulot nito sa iyong kapaligiran. Kaya panalangin mo na lang din na either lumihis ang bagyo o walang grabeng mangyari sa inyo dyan.

Wag ka masyadong magpakasaya. Alam ko, dumanas din ako sa ganyan, na natutuwa ako dahil wala kaming pasok. Pero alam mo, sa paglipas ng panahon, mare-realize mo na lang din, hindi kaya nakakatuwa yung panahon na lagi kayong inabot ng brownout, tapos binaha pa ang bahay niyo, at lagi kayong nag-aakyat ng gamit pag grabe ang pagtaas ng baha sa labas. At hindi mo man yan dinanas sa kasalukyan, wag ka, nagbabago ang panahon. Dahil minsan, utltimo ang mga dating hindi binabahang lugar, tinatamaan din ng baha. Kaya maghanda ka pa rin. Speaking of which…

Tumulong ka sa paghahanda sa nalalapit na sakuna. Lalo na kung bahain pa ang bahay mo. Unfair naman kung lahat sila ay nagkukumahog at napapraning dahil sa halos bahain na ang bahay mo samantalang ikaw ay nagke-Candy Crush, o Temple Run, o nagdo-Dota sa laptop mo (or tablet, in case ng naunang dalawang nabanggit). Makisama ka, ‘oy! Kahit sabihin pa natin na “nah, ‘di tayo aabutan yan!”

Wag ka talagang magpakasaya lalo na kung sobrang lakas ng ulan. Masyado kang inconsiderate kung naghihiyaw ka sa tweet mo na “sarap ng walang pasok,” samantalang yung kaibigan mo sa kabilang barangay ay halos lubog na sa tubig baha ang tirahan nila. Ganun din ang iba mong kaibigan. Sa halip na magpakasaya ka, umasa ka na lang (at manalangin, in case na isa kang relihiyosong tao) na wala sanang mangyaring masama sa mga tropa mo ganitong klaseng panahon.

Masyado bang marami? Wag kang mag-inarte. Palamunin ka pa nga lang kung tutuusin eh.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

Friday, 4 July 2014

Pag May Baha, May…

7/27/2013 2:36:32 PM

Dahil tag-ulan na naman ulit, uso na rin ang mga pagbaha. At usong uso rin sa mga uri ng panahon ang tila kaakit na nitong sari-saring serye ng mga reaksyon na napapansin natin. Kunyaring halimbawalang, pag umaaaraw, uso rin ang panaon ng tagtuyot. Tapos, uso rin ang mga pagkain tulad ng ice cream, halo-halo, at iba pa. Parang domino effect o chain rection ang datingan nga lang. Sanga-sanga ang epektong maidudulot ng isang karampot na sanhi.

Dahil tag-ulan na nga, usong-uso ang baha. At pag may baha, may mga lalangoy. Siyempre, hilig ng mga bata ang magtampisaw sa tubig e. Wala nang pakelamanan kung galing ba sa imburnal ng bahay mo yan, sa malapit na creek, o sa ilog mismo. basta, gusto lang nilang maligo. Period. Tapos!

Pag may baha, may trapik. Siyempre, babagal ang takbo ng sasakyan sa kalye pag ganun. Kotse naman at hindi bangka ang kanilang minamaneho. At ilang dipa o talampakan lang ang lalim nito kung ikukumpara mo sa mga daluyan ng tubig mismo na ilang metro ang kalaliman.

Pag may baha, may trapik. At pag may trapik na may kinalaman sa pagbaha, may nasastranded na pasahero. Di makasakay, di rin makalakad. Therefore I conclude, hindi rin sila makatuloy-tuloy sa kanilang lakarin o pasukan kung nai-stranded sila.

Pag may baha, may mga maglilipanang motorsiklo at pedicab. Kung sa lingsod ng Maynila pa, merong tinatawag na “kuliglig.” Alternatibong transportasyon kung sakali na di ka makasakay ng jeep o bus. Ganun din kapag hindi ka makapaglakad. Yun nga lang, sa halanagang abot-kaya (teka, abot-kaya nga ba?) makapagpapatuloy ka sa biyahe mo.

Pag may baha, usong-uso ang bentahan ng bota at tsinelas. Bakit ganun? Siyempre, ala namang isugod mo sa baha ang suot mong sapaots. Kung hindi ba naman masira yan sa mga susunod na araw (o jung japeyks pa yan, baka kinabukasan), no? O kung takot ka rin naman na magkaalipunga o masugatan sa daan? At bakit mo naman irirsk ang sarili mo na sumugod kung may ganitong bagay ka naman sa bahay mo?

Pag may baha, may mga sakit na dala ito. Tulad na nga lang ng alipunga o leptospirosis. Masyado nga lang teknikal, este, medical para maipaliwanag ang mga yan. Baka masabihan mo pa ko na “Speak English” o “Mag-Tagalog ka nga!” niyan, kahit hindi ka naman si Captain America at hindi rin naman si Iron Man ang iyong kausap. (Ano ‘to, ang pelikulang Avengers?)

Pag may baha, may basura. At hindi pa ron alam ng karamihan na ang katiting na piraso ng basura ay nagiging ugat ng katakot-takot na delubyo. Hindi na tayo nagtanda, sinalanta na nga tayo ng ulan ni Ondoy. Ni ultimong habagat nga, pinerwisyo pa tayo e. At saan ba nanggagaling ang mga basurang yan? Na bumabara sa mga estero at daluyan ng tubig? Ops, huwag lang sa mga informal settler ibuntong ang sisi d’yan. Ni ultimo tayong may-kaya, mga edukado at sibilisadong nilalang nga e nakakalimot tayo kung saan dapat natin itapon ang ating mga basura. Isa ring malalang sakit sa ating lipunan ang pagiging hipokrito.

Pag may baha, usong-uso ang kapraningan. Praning na nagbibigay kaalaman s atin. Kapraningan na gumigising sa natutulog nating diwa. Na maging alerto at mapagmatayag sa mga baltiang may kinalaman sa panahon. Tama lang yan.

Author: slickmaster | © 2013, 2014 september twenty-eight productions