Tuesday, 25 September 2012

Tama na ang sisihan. (The LRT suicide story)


Suicide. Isang akto ng pagkitil ng tao sa kanyang sariling buhay. Madalas ito ay ginagawa sa isang pribadong lugar. Pero isa rin sa mga antigong pamamaraan ng pagpapatiwakal ng isa ay ang ipasagasa ang sarili sa isang sasakyan, particular sa tren.

Noong Agosto 30, 2012, ilang minuto bago mag alas-6 sa isang Huwebes na umaga, isang insidente ng suicide ang nangyari sa EDSA station ng Light Rail Transit line 1 sa Pasay City. Isang nangngangalang  Victoria Lucy Aroma, tinatayang nasa 50 taong gulang, ang tumalon sa riles sa eksaktong paparating na tren sa nasabing isatsyon. Nang dahil diyan, nasuspinde ang operasyon ng LRT sa ilang mga istasyon noong mga umagang iyon. Nalalagay din sa alanganin ang train operator nito dahil naharap siya sa kaso ukol dito.

Teka, ang operator, naasunto? Sira ba sila? Iba ang batas ng riles sa batas ng kalsada. Ano ba iyan! Kung sa mga tulad ng kotse, trak, bus, dyip o ultimo ang motorsiklo, pwede ka makapagpreno ng biglaan, sa tren… hindi kagad makakapagpigil iyan kahit nakatodo n gang pag-tangka na huminto. Nagii-slide pa nga yan e dahil sa riles nga ito dumadaan at iba rin ang makina niyan kung ikukumpara sa mga tipikal na sasakyan.

Ayon sa salaysay ng kamag-anak ng nagpatiwakal na biktima, ilang araw na itong balisa. May iniida kasi itong bukol o tumor sa kanyang mukha at umabot na ito ng dalawang dekada. Hmmm… kaya sa totoo lang, hindi mo rin siya masisisi kung bakit niya ginawa e. kasi pag once na dumapo sa isang depressed na tao ang patayin ang kanyang sarili, naku hindi pwedeng isawalang bahala iyan. At ‘pag once kasi na nasa ganung estado na ng pag-iisip, ay madalas sa pagkakataon, wala na sa katinuan yun e. Malakas ang suicidal tendencies ng isang tao kapag depressed ito.

Kaya sa totoo lang kung sinisisi mo siya kung bakit ka na-late sa trabaho o pasok sa klase mo, e ayun naman pala e. May pinagdadaanan ang ale. Hinay-hinay kasi sa pangangastigo dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay.

Pero sananga naman ‘di ba? Kung pwede lang huwag na lang magpakamatay. Maraming mga magagandang bagay sa mundo na maari mong mapansin kahit sobrang down ka. At malay mo, isa sa mga ito ang makapagpanumbalik ng iyong sigla.

Sa datos ng Light Rail Transit Authority, 10 sa 24 na pangkalahatan na beses ng suicide attempts sa LRT, nagtagumpay. At ayon na rin sa kanila, isa sa mga taon noong dekada '90 ay 7 beses ang naitala ng pagpapatiwakal sa LRT, at 5 sa mga ito ay natuluyan.

Kung may ipapanukala na dapat daw ay may bagay na po-protekta sa mga pasahero sa LRT, I think dapat matagal na ito e. kahit noong panahon pa na wala pang nagtatangka na magpakamatay sa nasabing linya ng transportasyon. Nabuhay lang naman ang isyu na ito nang dahil diyan e. Ganun? Mag-aantay pa ba kayo na may maging successful sa kanilang pagtatangka ng pagpapakamatay bago niyo sabihin iyan? Naku naman.

Pero kung walang pondo ang usapan, e sa tingin ko ayos rin naman ang mga itsura ng mga platform area ng kasa isatsyon e. Ano lang kailangan? DISIPLINA ng mga pasahero. Kung may itinakdang linya na hindi pwedeng tapakan at tayuan ng mga pasahero dun, e dapat sumunod.

Pero kung titignan mo ang CCTV e biglaan ang mga nangyari e. Kagimbal-gimbal nga na a la horror scene ang dating sa morning TV. Nyai. Inay kupo!

Wala e. Nangyari na. Huwag na tayo magpin-point ng mga daliri. Matuto na lang sanatayo sa mga nangyari.

Author: slickmaster | Date: 09/23/2012 | Time: 11:45 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions


No comments:

Post a Comment