Wednesday, 31 October 2012

Hindi Porket Single Ay Mahilig Na Mag-GM.

10/21/2012 09:25 AM

Minsan, hindi ko na rin pinaniniwalaan ang bagay na naglalarawan sa mga tipo ng tao base sa kung gaano ito maglahad gamit ang kanyang mga cellphone. Ayon sa mga nababasa ko, mga single daw ay mahihilig mag-send ng group message, at ang pinakamadalang daw na magtext ay mga taong taken o in a relationship. Maliban diyan, mga walang load o sadyang anti-social lang ang trip.


Ah, ganun? Parang isang kaso na naman ito ng maling panghuhusga sa pangkalahatan.

Tama, hindi porket single ang isang tao ay mahilig na siya mag-send ng tinatawag na “group message.” E pano kung wala siyang cellphone in the first place? Mas maboka pa siya sa personal kesa sa maglapat ng letra sa mga telepono gamit ang kanyang mga daliri? O hindi naman kaya ay hindi lang nya trip ang nag-text?

Aba, nag-cellphone ka pa!?

E sa gusto niya, kahit hindi siya matalak. Walang basagan ng trip!

At hindi porket mahilig mag-GM ay single din. Oo, nagpapadaan nga ng text sa iyo, pero ang dami naman na pinapasadahang tao na akala mo ay bumabati lang on-air sa radyo. At meron pa dyan na talaganag nilalahad niya ang pagna-nag sa kasintahan nila, asaran at kung ano pa man iyan. Well, ayos lang yun, as long as alam naman nila ang mga bagay na pwedeng isapubliko sa mga kaisipan at kalokohan na dpaat ay isapribado.

Meron pa nga dyan, magpaparamdam lang sa iyo kapag may warla sila ng boyfriend nya. Ay, wasak lang. Ano ‘to? Kinalimutan mo pansamantala ang pagkakaibigan natin at saka ka lang mambubulabog sa amin kapag umiiyak ka na at winiwikang “nag-away kami ng boyfriend ko!!!!”

Pambihira. Lame excuse!

By the way, ang mga sinulat ko dito ay base lamang sa aking obserbasyon. Sa personal na pamamaraan man o bilang miyembro ng isang text clan (bagamat, dahil hindi naman araw-araw e may pang-text ako e matumal din ako kung maituturing e).

Ano ang napulot ko sa pag-oobserba na ito? Lahat ng tao ay magkakaiba ang pamamaraan ng paglalahad. May kanya-kanyang personalidad na ang kaakibat ay ang kanilang pamamaraan kung paano sila makikihalubilo sa kapwa. Wala sa civil o kahit sa relationship status kung gaano siya kadalas makipagtext sa kanyang mga kakilala.

Mayroon iba diyan, pag kinakailangan lang. well, tama lang. Yan ay kung tunay ka ngang kaibigan.

Meron din ang para may makausap lang. Pero siyempre, depende na rin sa mood ng parehong partido iyan.

At kahit ang inyong lingkod na single since birth ay madalang lang magtext, maliban na lang kung bibigyan mo ko ng load, o kung sadyang gusto lang kitang maging makapalagayan ng loob. (ops, wala nang hihirit ng “yihee,” ha?)

Uulitin ko for the nth time: Hindi porket single ay mahilig na mag-GM. ‘Wag manghusga kaagad kung katangahan naman ang magiging kalalabasan niyan.

Author: slick master | © 2012 september twenty-eight productions

Kung Mamamatay Ka Bukas, Bakit Hindi Pa Ngayon?

10/31/2012, 03:07 p.m.

Aminin mo, tunog misleading siya sa iyo ‘no?

Oo nga naman kasi. Parang gusto mo naman yata mamatay ang taong masasabihan mo niyan. Ayos lang sanakung sa biruan mo gamitin yan. E paano kung, kaaway mo ang pinagsasabihan mo niyan. Baka makasuhan ka pa ng grave threat niyan sa sama ng dating ng mga saltiang iyan.

Una kong narinig ito sa isa sa mga bars ng rapper na si Shehyee sa isang laban niya sa rap battle league na FlipTop noong 2010.

“Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon?”


Hmmm… Bakit nga ba? Dahil hindi ka pa handang kunin ni Lord? Hindi ka pa ba handa na ipasa sa mga anak, asawa, apo ang mga pinagyamanan mo? E hindi mo naman talaga madadala yan kung saan man ang iyong susunod na destinasyon. O dahil nagreresign ka na sa misyon mo sa mundong ito? Sige ka, baka magsisi ka din. Masarap mabuhay sa mundo, ‘no.

May kasabihan na “live each day as if it is your last.” Ibig sabihin, ibigay mo lagi ang best mo sa kada araw na nabubuhay at mabubuhay ka. Oo nga naman, dahil hindi mo naman matatantiya kung kelan ka lilisan sa mundo.

Parang ang dating ay tinaningan ka ng doctor mo dahil sa tila terminal stage na ang sakit na dinaranas mo. Pero ang tanong, mangyayari ba talaga iyun? Mamatay ka ba talaga after six months or so?

May pagkasuicidal tendency naman kapag sinabihan mo ang sarili mo ng ganyan. As in parang gusto mo na lang talaga magpakamatay. At yun ang delikado diyan.

Kung mamamatay ka bukas, bakit hindi pa ngayon? E kung sa ang sarap mabuhay e. Ika nga, may nagtrending na salitang YOLO, o You Only Live Once. Oo, minsan ka nga lang talaga mabubuhay sa mundong ito kaya ‘wag mo itong wakasan kaagad. Dahil pag nangyari yun, hindi ka na rin makakapagsisi na parang taong nagkamali sa desisyon sa pagpili ng kotseng bibilhin. Pero dahil sa… wala ka na e. Buti sanakung bigla kang bigyan ng tinatawag na second chance to live in just a snap short period of time. E paano kung hindi?

E ‘di goodbye na talaga. (Teka lang. Parang suicide note naman yata ang dating ng ending portion na ito. Tsk.)

Author: slickmaster | © 2012 septmeber twenty-eight productions

You Only Live Once.


You only live once, ika nga ng acronym na YOLO, isa sa mga naging trending na salita sa taong ito. Pero hindi ito usapin ng isang pausong nakakabobo. Parang kahit papaano pa nga ang mga ganitong kataga kesa sa mga jeskeng PBB teens, epic fail, o kung ano pa man iyan. Pero minsan nga lang ay annoying ang approach. YOLO?!

As in literal.

Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito sa ganitong katauhan natin. Unless kung sa tingin mo ay na-reincarnate ka at nade-déjà vu sa ilang mga bagay-bagay na nangyayari sa iyong buhay.

Oo nga. Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito, kaya sari-saring mga pangyayari ang ating napagdadaaanan. Iba’t ibang karanasan, mula sa first time hanggang sa pinaka-latest, mga tama at mali, mga hindi na talaga mauulit hanggang sa parang sirang plaka dahil sa pauilit-ulit na lang silang nangyayari.

Iba-iba talaga. Minsan tatayo tayo, maya-maya, madadapa, then tatayo ulit, madadapa muli, at aahon sa kahuli-hulihang pagkakataon o same cycle lang to the nth time.

Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito. Kaya marami rin taong matitino dati ang ngayo’y nagloloko. Kung dati siyang nerdo, ngayon ay numero uno na siyang bulakbol. Kung dati ay iniiyakan niya na pag-iwan sa kanya ng syota niya dahil sa na-late lang siya sa date nila… Aba, baka ngayon e siya pa ang hinahabol ng mga tsikababes kahit na iba-ibang mga babae ang katawagan nya sa cellphone. Minsan nasa taas, minsan nasa ibaba.

Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ito. Kaya nga ang ibang gago ay nagpapakatino na dahil natatakot kay Lord at sa tinatawag na “karma.” Tama nga naman.

You only live once. At kahit magpakapusa ka sa pagkakaroon ng nine lives, e baka masagasaan ka lang ng isang bisikleta na tumatakbo sa trenta-kilometro-kada-oras, ma-dedo ka na. ‘Wag kang pasiguro sa sinasabing “second life” ng nasa taas kung una, ay hindi mo pa nga nararamdaman kung tapos na ba talaga ang oras mo dito; at pangalawa, kung hindi mo pa nga talaga alam kung ano ang misyon mo sa mundong ito.

You only live once. pero hindi ibig sabihin nun ay magpapaka-adik ka na sa bagay na gusto mo. Tandaan, ang lahat ng sobra ay nakakasama. Kaya siguro ang dating marijuana na talagang nakakagamot at ipinagbawala na sa bansa dahil sa mga mapang-abusong nilalang (Buti pa sa mga bansa tulad ng Estados Unidos). Balang araw, ang paggamit ng motorsiklo at social media ay maihahalintulad na rin sa adiksyon na ito dahil sa ginagamit ito sa mga kalokohan at panggagantso ng mga putok-sa-buho sa lipunang ito. ‘Wag naman sana.

Minsan ka lang mabubuhay, kaya hindi ka puwede na habang-buhay kang maglupasay sa mga bagay-bagay na nakapagbigay sa iyo ng kasawian, hindi lang sa palad, kundi sa iyong buong pagkatao. Alam ko na masama, masalimuot, at masakit ang realidad ng panahon ngayon, dala na rin ng masasamang balita, walang pera, human nature, at kung anek-anek pang mga bagay na negatibo tulad ng reklamo. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na ngingiti, mag-iisip ng mga magagandang bagay na makikita lamang sa psoitibong aspeto ng ating buhay. Malay mo, sa pagkakaroon ka ng positive thinking mindset pala ang pinakasusi ng iyong mga kaligayahan sa buhay. Parang yung libro lang na nag-quote nun.

You only live once, kaya ang mga walang kwentang bagay na ginagawa mo na nun… e wag mo nang gawin ng mas madalas pa ulit. Na-experience mo na pala e. Tama na, dahil nakakatanga na, t****’n* naman. Magbigay ng panahon sa mga makakabuluhan. Yung may matututunan ka, yung makakabenta ka, sisikat ka (kung magkataon man), yung tipong makakapagpa-fulfill ng buhay mo.

Oo, minsan ka lang mabubuhay sa mundong ito. Gawin mo na kung ano ang nararapat, yung tama at may kaatorya-torya. Yung may nilalaman ba. Yung tipong makakapagpaalala sa ibang tao kung anong kabutihan ang ginawa mo para sa kapwa mo, at hindi dahil parang nagmistulang stigma na ang reputasyon mo (parang yung hindi na-inform sa pagbaha sa kalyeng dadaanan at pati na rin yung nanindak ng MMDA enforcer). Yung tipong maalala ka hindi lang dahil sa mga billboard na naglalarawan sa iyo kung gaano ka ka-sexy (as in sing-pigura mo ang bote ng isang softdrink), o kung gaano katindi ang binago sa iyo ng isang doctor, o ultimo ang mga tarpaulin na kumokontra sa anti-epal bill ng lola mong si Senator Miriam Santiago.

You only live once, ika nga. Parang mundong ginagalawan mo na naghihingalo na ng dahil sa mga plastik at mapapel, yung mga taong pinaglihi yata sa basura dahil sa walang modong paglalapastangan sa kalikasan. Dapat yata ay matuto sila mapakinggan ang kanta ng banda ni Ely Buendia na Pupil at ang pamagat ay “Sala.” O mas maganda, yung epikong mga awit ng bandang Asin. Oo, nang sa ganun ay matauhan ang mga yan.

Tama, you only live once. Yun na.

10/31/2012, 02:36 p.m.
Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Saturday, 27 October 2012

Snappy Answers to Stupid Love Life (and Pormahan) Questions.

10/27/2012 | 11:07 a.m.

Ang blog na ito ay naglalaman ng matitindi o maanghang na salita. Bawal sa mga sensitibong mambabasa.

Ang lovelife nga naman, oh. Isa sa mga pinakamabentang paksa sa usapan ng kada taong nakakasalamuha ko, ke barkada man sa eskwela o kapwa tambay sa kapitbahay. Kapag meron ka nun, tiyak na hahaba ang usapan. At kung wala naman, tiyak na puputaktehin ka ng mga sandamukal na pang-aasar.

Sa totoo lang kahit lately ay ilang beses na rin na naging laman ng mga akda ko ang usapin sa lovelife, ay yun din naman ang tahasan kong iniiwasan na pag-usapan. E paano? Hindi marunong makuntento ang mga ka-talakay ko sa ganyang paksa. Kaya minsan, ito at ang mga ito na lamang ang nabibira ko sa kanila. (P.S. Para sa mga bata at batang-isip diyan, huwag gagayahin ang mga ito, ha?)

Siya: Tol, kumusta ang lovelife mo?
Ako: Wala akong ganyan, tol e.
S: Asus, ang dami-dami mong tsikas sa Centro at Facebook e wala ka pang nadagit dun?
A: At asus, ang dami-dami mong nalalaman pala sa mga nakakasama kong babae, e bakit hindi ka na lang mamili at manligaw dun, aber? Imbes na pakialaman mo ang buhay ko sa ganyan.

Siya: Pare, ang sweet niyo ni Mae sa classroom kanina, ha?
Ako: So, Nagseselos ka naman?

Siya: Paakbay-akbay ka pa diyan kay Nina ha? Kayo na ba?
Ako: E kung sa gusto niya makipag-akbayan ako e. Bakit ba?
(o pwede rin…)
Porket magkaakbay, mag-syota na ka’gad? ‘di ba pwedeng tanga ka lang talaga?

Siya: Hoy, sino ‘tong si Roda sa telepono mo, at bakit may smiley pa?
Ako: Siya ay isang masayahing babae na nagngangalang Roda. (Obvious naman, ‘di ba?)

Siya: Bakit hindi mo pa ligawan yang si Michelle?
Ako: Kung sa iyo ko kaya iyan itanong? Hilig-hilig mong gumawa ng isyu ha!

Siya: Pare, musta kayo na Rea?
Ako: Magkaibigan pa rin kami.
S: WEH!
A: Tignan mo ‘tong tarantadong ‘ito. Magtatanong sa akin sa estado naming dalawa tapos hindi rin pala maniniwala!

Siya: Bakit may “I love you” message dito si Angela?
Ako: Expression niya yan e.
(o pwede ring…)
E kung sa mahal niya ako e.
(o mas mainam…)
At sinong hinayupak ang nagbigay sa iyo ng karapatan para pakialaman mo ang cellphone ko? Lechugas, akin na nga yan!

Siya: Laka nyo maka-P.D.A. ni Marj sa Facebook ha? Siya na lang lagi laman ng timeline mo.
Ako: So, ang gusto mo, ikaw naman? E di magpost ka! Problema ba iyun? (Pasimpleng selos ang halatang motibo ampucha!)

Siya: Single ka, slick. Single din si Mia. E…
Ako: So, ang gusto mong sabihin e, “bagay kami,” ‘di ba?
S: Ah, hindi sa ganun, tol..
A: Dapat lang, dahil tao kami. Hindi tulad ng mga pamimick-up mo.

Siya: Haba ng hair mo, slick. Kanina pa titig na titig sa iyo yung babaeng iyun oh. *Sabay turo sa babaeng tinutukoy*
Ako: *hampas ng sombrero sa mukha ng kausap* Hindi ka na nahiya na nanduro pa kay ate. E ano kung tinitignan niya ako?

Siya: Buti pa si Mai, binibigyan mo ng papel. Kami, hindi.
Ako: Nagpatago siya ng papel sa akin e. Nakihingi nga lang ako oh. (Bago kasi magbitaw ay alamin mo muna ang istorya)

Siya: Oh, slick! Musta ang lovelife natin?
Ako: Aba, ang kapal ng mukha mong makihati ha. Nakaka-atin ka ha. Akin lang, hoy!

Siya: Bakit hindi ka pa naghahanap ng girlfriend?
Ako: E kung sa ayaw ko pa maghanap e.
(pwede ring…)
Masyadong marami para pumili.
(o di naman kaya'y)
Ano ako, treasure hunter?

Siya: Musta ang love life?
Ako: Eto, love pa rin ang sarili kong life.

Siya: Pare, ano pang hahanapin mo kay Donna? May pera, may utak, may itsura, maganda ang ugali… bakit hindi mo pa ligawan?
Ako: Ang tanong, nasa kanya ba ang bagay na dapat nararamdaman ko pagdating sa pag-ibig? ‘Wag niyo kong pangunahan, mga tarantado kayo. Kayo manligaw kung gusto niyo!

Siya: Lakas makapagkilig naman ‘tong message ni Rona sa iyo oh. Yihee!
Ako: OK. SO?
(pwede ring…)
Punyemas! Sino ka para magbasa ng mga message ko sa inbox, ha?

Siya: Wala ka bang girlfriend? Bakla ka yata e.
Ako: At sinong kupal na herodes ba maliban pa sa iyo ang may ganyang mentalidad? Paslangin kita d'yan e.
(o pwede ring..)
At kailan ba naging sukatan ng sekswalidad ang pagkakaroon ng syota, aber? (sisihin ang walang kamatayang brother’s logic at ultimo ang tinatawag na "machismo")

Siya: Ilang months na kayo ni…
Ako: (interrupting) Ops, 22 years and 1 month na… akong single. (Iisyuhan mo pa ako kay ganire, ha?)

Siya: Alam mo, bagay talaga kayo ni Ella.
Ako: At sa tingin ko, nagseselos ka sa aming dalawa.
(o pwede ring…)
Ok, so kinikilig ka naman? Daig mo pa kami ha?


Siya: Uy, happy monthsary pala ha?
Ako: HUH?! Anong monthsary?
S: Sa inyong dalawa ni Carla. Yiee!
A: Monthsary-hin mo yang mukha mo. Ni hindi nga ako nanliligaw sa kanya e.

Siya: Mamili ka. Sino ba talaga mahal mo, si Monica ba, si Maricar o si…
Ako: *sabay naglabas ng brass knuckles* At mamili ka. Hindi ka makikiaalam sa lovelife ko, o mabubugbog ng husto ‘yang puso mo… as in literal?

Siya: Chikababes yang katabi mong si Deborah sa exam ha? Pustahan tayo, may gusto ‘yan sa iyo.
Ako: At ‘pag mali ka, tatangahin kita hanggang grumaduate tayo at lalo na kapag bumagsak ka sa exam na ito.
(o pwede ring…)
At pustahan, sa kakagawa mo ng intriga sa aming dalawa, wala kang naisasagot kahit isang simpleng tama dyan sa exam mo.

Siya: Si Joan oh, nagpapakyut na sa ito. Ligawan mo na!
Ako: Porket nagpa-cute ligaw na kaagad? E paano kung pa-cute lang talaga siya?

Siya: Ang boring naman ng buhay mo, tsong.
Ako: Bakit?
S: Wala kang lovelife e.
A: Ang sa lagay ba, e sukatan na lang ba ng kahalagahan ng buhay ko ang lovelife, aber?
(o pwede ring..)
At mas magiging boring ang buhay ko kung bubulabugin mo ako ng ganyang klaseng tanong!


Siya: Balita ko, nagbreak kayo ni Emma ha?
Ako: At balita ko rin, ikaw ang third party sa aming dalawa, ha?
S: Anong ako? Hindi naman ako namagitan sa inyong dalawa ha?
A: Oo, hindi ka nga namagitan, pero ikaw ang numero unong tsismoso sa mga nangyayari sa aming dalawa. Tsk.

Iilan lang yan sa mga tanong ng mga barbaro kong katropa at kasamahan na nasagutan ko. Pero ito ang pinakatanyag para sa akin.

Kumusta lovelife?

Next question, please? – dahil showbiz lang naman ang tanong, e ‘di showbiz na rin ang sagot ko. Next, please?

Ang daming problema ng mundo ko ngayon, lovelife pa ang hahagilapin mong hanapan ng sagot ko? – para sa isang super-busy na taong tulad ko na maraming ginagawa sa buhay ke kalokohan man o seryosong bagay, maliban pa sa halos lahat ng klase ng tao ay pinapakisamahan ko araw-araw… e mas okay pa kung may mas makabuluhang bagay pa ang pag-uusapan natin, hindi po ba?

Lovelife, nakakain ba yan? – dahil lagi akong inaabutan ng gutom (as in halos oras-oras ay kumakain ako), yan na lang ang tangi kong nasasambit. Pero sabagay nakakain din naman iyan e, kaya lang… ops! Rated SPG.

Mas gusto ko pang kumain kesa magkalovelife! – katulad lang niyan yung kakasabi ko kani-kanina lamang.

Ayun, love ko pa rin ang aking sariling life. – ‘nuff said. Makuntento ka naman, ha? Please lang.

Pumapangit kapag pinpakialaman niyo.– hayaan niyo kasi na ako mismo ang mag-open up niyan. Masyado kayong hot. Lahat naman ay may wastong lugar e. Parang bakit niyo pag-uusapan ang lovelife ko kung ang post ko ay nasa thread ng isang political isyu? Ano ako, ang kuya niyong nasa singkwenta anyos pero bachelor pa rin?

Lovelife-in niyo yang mukha niyo! – hilig-hilig makialam ang mga bwakanangina. Off-limits kayo! Mind you own lovelife, please?

At mas iisipin ko pa na wala na sa hulog o maturity ang mga taong kapos sa pag-unawa, at kung may bibira pa ng bitter bilang sagot diyan para lang may mapag-usapan. Tsk!

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Thursday, 25 October 2012

"I Want To Ask You Sana…" (Ang Istorya Ng Katorpehan ni Jerry Maya)

10/25/2012, 07:47 PM

Mukhang kakaiba naman ang ating tatalakayin ngayon, mga pare’t mare. Kung dati kasi panay isyung pampulitika’t lipunan ang madalas laman ng tirada ko e pagbibigyan ko muna ang aking tropa na laging nangungulit sa akin na (please daw,) magtalakay naman ako ng usapin sa pag-ibig. Ang sarap lang kutusan ng mokong na ito. Hahaha! ‘de. Sige pagbigyan na natin, nakakaawa yung bata e.

Tunghayan naman natin ang istorya ng isang tao na itatago ko sa pangalang Jerry M. Maya tungkol sa kanyang pagkabigo sa pag-ibig kamakailanlang dahil sa kanyang katorperhan. Ay, yan kasi! At sa totoo lang, bakit ba hihingi pa ng payo sa akin ‘tong lokong ito, e ako nga mismo hindi ko naranasan ang ganyan, ‘no? lakas maka-demand ha? HAHAHA!  Anyway, ang kanyang pag-open up sa pinamagatang “I want to ask you sana.”

Ako nga pala si Jerry, 22 anyos, isang tambay na wala nang inatupag kundi ang mag-Facebook at magbasa ng blog. Sa isang pagkakataon na may nabasa akong artikulo na may kinalaman sa sex, isa siya sa numero unong kumontra sa pananaw ko. Nauwi kami sa isang mainit na argumento sa internet. Pero lingid pala sa kaalaman ko, nagmessage pala ang ale sa aking Facebook.

Nagpakilala ang babae na si Eunice. Humihingi siya ng tawad kung sakali man na nasaktan daw niya ang aking damdamin sa paglalah ng opinion. Pero sumagot ako, ayos lang iyun, basta nasa usapan pa rin naman ang paged-duelo namin e wala sa akin yun. Nginitian lang niya ako, at sabagy in-add sa nasabing social networking site.

Dumaan ang mga araw, lingo at ilang buwan na naging magkakontrapelo kami sa usapan. Pero wala sa aming dalawa yun dahil doon pa nga kami mas nagkapalagayan ng loob. Nauwi sa magdamagang pakikipagtext at tawagan pa nga ang uganayan namin e. Pero sa kabila ng lahat ng iyun, mayroon lang sana ako gusto pang mangyari: ang ayain ko siya na makasalamuha sa personal. Oo, gusto ko siya makita.

Minsan sa isa naming usapan…
Jerry: Do you like meeting with other people ba?
Eunice: What do you mean?
J: Yung makikipagkita ka sa mga tao na nakikilala mo sa internet tulad ng Facebook?
E: Ah, Oo naman! J Kaya lang sa pili lang din ako nakikipagkita e.
J: Bakit naman?
E: Marami rin kasi ang mga loko-lokong tao sa ngayon, minsan nga kamuntikan pa nga ako na gahasain matapos niya akong padaanin sa isang motel. At mayroon pa iba dyan na tinangka pa na nakawin ang cellphone ko. Snatcher pala ang naka-EB ko ang wala.
J: Ahh, I see. :-D
E: Kaya sa ngayon, kinikilala ko na muna ang mga taong sasamahan ko.
J: Ahh…

Halos napanghinaan ako ng loob dahil ilang lalake na rin pala ang naloko kay Eunice. Kaya ang unang pumasok sa isipan ko na “ay, Malabona makipagkita ito sa akin.” Hanggang sa sumagot siya ng…

E: Don’t worry. Tingin ko kahit naman magkaaway tayo sa mga pinag-uusapan natin eh mas magiging close pa tayo. Inetersting kasi para sa akin ang personality mo e.
J: Talaga? Thanks, ha.
E: You’re welcome. :-)

Habang magtataype na sana ako na “gusto kita ayain lumabas minsan,” ay may pahabol siyang mensahe sa akin bigla.

E: Ngapala, I have to leave na. Thanks sa time, Jerry. Mwah! ;-)

At yung ipapadala ko sana sa kanya na linyang yun? Binura ko na lang.

Dumaan ang ilang mga araw at linggo. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na nag-aayos na siya ng kanyang mga papeles at gamit dahil tutulak siya papunta sa Doha.

Dito ako sumubok na maglakas-loob na ayain ulit siya na lumabas kahit sa huling beses na nasa Pilipinas siya.

Jerry: Wow, aalis ka na pala?
Eunice: Hindi. Gagala lang. HAHAHA!
J: Grabe ka naman, iiwan mo na ako dito? L
E: Haha! Hindi naman, magtatrabaho lang ako dun. Why sad face?
J: I have to be honest. I want to meet you sanae.
E: Aww. Teka, puwede mo naman ako kausapin thru fb at phone ha?
J: That’s not my point, Eunice.
E: Huh? What do you mean?!

Sa sobrang upset ko, hindi na ako nagpaalam na mag-log-out at umalis na lang muna sa bahay para makapagpalamig.

At kinabukasan, tanghali na ako nagising at doon lang ako nagbasa ng mga mensahe sa aking inbox. At nagulat ako dahil nagtext siya, “Jerry, let’s meet, please? Sa Airport Terminal 3. Bukas ng hapon, bago ang flight ko ng alas dos. My treat.”

Hala, yung bukas niya kahapon e mamaya na ngayon. And no to mention, mag-aala-una na sa orasan ko. Hindi na ako nagreply at agad na tumulak din sa paliparan bago mag-alas dos ng hapon. Hinanap ko siya, habang kinakausap ko ang gwardya sa isa sa mga entrance.

Guard: Sir…?
Jerry: (interrupting) I’m looking for a passenger named Eunice Baldemor.

Bago pa man nakasagot ang gwardya, may nag-approach sa akin na babae. Kinalabit nya ako sa likod hanggang sa tumumbad sa akin ang babae na hinahanap ko. Matangkad siya, mahaba ang buhok, morena, at mukhang medyo classy ang pananamit.

“Ikaw si Jerry Maya?”
“Ah… eh, ako nga.”

Ngumiti lang siya. Ang sumunod na eksena ay nagkausap lang kami saglit, nasabi niya na hindi ko lang alam kung kelan pa siya makakabalik. Kasi kung magustuhan nya ang trabaho niya dun, e di magse-stay na lang siya dun for good.

At tumika na ang oras ng alas-dos. Nagpaalam siya, hinalikan ako sa pisngi sabay sabi ng “Salamat ha? Buti naman dumating ka. Ito oh, may kape akong dala para sa iyo.” Hanep, sa Starbucks pa pala sumaan ang ale. “At, keep in toch with me sa Facebook ha? Take care.” Sabay niyakap ako ng ilang Segundo bago siya pumasok sa airport. Akala mong masayang masaya ako na kumaway sa kanya…

Bago ako umalis ay uminom muna ako ng kape na binigay niya at binasa ang isang mallit na note na nakadikit mula sa inorder niya nay un. Nakasaad: “Aminin mo, you want to ask me out, don’t you? Yan lang din ang inaantay kong tanong mula sa iyo e. I have to admit na hindi ko alam kung kelan pa ako makakabalik diyan sa Pinas if ever, but keep in touch with me na lang. Ayaw kong mawala ang closeness nating dalawa. Love lots, Eunice <3 u="u">

Parang gusto kong sumigaw ng “Syet! Yun namana pala, Eunice eh!” pero hagulgol na lang ng luha ang sumunod na naganap.

Ayun, naging balisa na ako madalas sa mga pagkakataon. Nagiging masyaa lang ako kapag nakakauspa ko si Eunice sa Facebook. Pero maliban dun, ay… ewan ko. Sige ‘tol. Salamat sa pagbabahagi ng kwento ko ha? P.S. Penge na ring advice, hehehe!

Yours truly the cutie,
Jerry Maya.

Yours truly the cutie pang nalalaman. Hoy teka, Jerry, akin yang linyang yan ha? Alam niyo mga ‘tol gusto ko rin sana magbigay ng payo pero sa totoo lang, hindi naman kasi nasusunod ang mga ito pagdating sa pag-ibig e. I mean, kahit naman sumangguni ka pa sa mga tulad ni Papa Jack, Joe D’ Mango, Dr. Love at iba pa eh at the end of the day kasi ikaw pa rin ang magdedesiyon kung susundin ang mga ito. E paano kung taliwas sa naiisip at nararamdaman mo ang mga pinayo nila?

Ito na lang siguro, tol Jerry, ano. Kung gusto mo ang isang bagay, gagawa at gagawa ka ng paraan para makuha ito, ‘di ba? Ganiyan din sa pag-ibig. Kung magpapakatorpe ka na lang sa mga tulad ni Eunice, e wala kang magiging sariling lugar sa mundong ito na karamihan ay nanghahangad at nagpapakapal ng mukha para lang maging masaya sila. Kune lengwahe pa ng barbaro yan, nagpapakatanga ang tawag dyan. Kung napanghinaan ka ng loob dahil sa maraming nanloko sa kanya, e ‘di sananagpakita ka ng motibo at pinatunayan mo na hindi lahat ng mga lalake ay ganun. Lalo na may gusto pala sa iyo ang ale. O, ano ka ngayon? Nakanganga?!

Siguro kung kaya mo talagang sumunod sa mga payo e, magsilbi sanang leksyon para sa iyo ang pakikisalamuha mo kay Eunice. Seryoso. Suriin mo ang sarili mo kung may nararamdaman ka pa bas a kanya? Kung meron, e di go ahead. Iyun nga lang, dahil wala na siya dito sa bansa, mas pinahirapan mo ang sarili mo na suyuin siya at mapalapit pa ng husto sa kanya. Kung hindi naman, e di simple lang: kalumutan ang lahat, at mag move-on ka na.

At simple lang, dyan nagtatapos ang lahat. Ganyan talaga ang buhay. Hindi lahat ng mga kwento sa pag-ibig ay may kaakibat na happy ending. Kung gusto mo maging masaya yun, e ‘di… ‘wag kang magpakatorpe. Ganun kasimple.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Aanhin Mo Pa Ang Rebulto Kung Tarpaulin Naman Na Ang Uso?

10/25/2012 02:31 PM

Usapang “arts” ba, as in classical versus digital? Patay versus buhay? From 3-dimensional to the simplest form made from Photoshop? History versus advertising? Ewan.

Noon, rebulto ang pinakamagandang bagay na magsisilbing larawan ng alaala ng isang tao na may naimambag sa lipunan. Ang istatwa na pinaghihirapan ng mga iskulptor sa pamamagitan ng pag-ukit. Madalas ay gawa ito sa mga matitigas na materyales tulad ng semento, marmol, graba, at tanso. Sa mga pampublikong lugar sila nakikita.

Pero kung sa tingin mo na ang isa nang ganap na perpektong halimbawa sa larangan ng sining ang mga tinatawag na monumento, diyan ka nagkakamali. Iyan din ang akala ko e. Dahil may mga pagkakataon na sa sobrang pagiging mitikuloso ng iilang mga tao ay nagkakaroon tuloy ng maling pagkakaintindihan.

Parang yung istatwa ng dating Manila Archbishop na si Jaime Cardinal Sin noong inilatag ang ika-25 anibersaryo ng EDSA revolution. Marami ang pumuna sa naging kontrobersyal na rebulto, na aniya ay hindi raw eksakto ang paglalarawan ng mukha sa namayapang pari.

Ayon naman sa taong gumawa nito na si Eduwardo Castrillo, nag-eksperimento siya sa paggawa. Aniya, pinaghahalo lang daw niya ang mukha ng bata at matandang arsobispo.

Pero kung sa rebulto ay inuulan tayo ng batikos, e paano pa kaya ang modernong paglalarawan tulad ng tarpaulin?

Since in memorial ang mga ito ay nagsisislbing agaw-eksena ng atraksyon sa mga malalaking kalsada sa Maynila at pati na rin sa ibang mga lalawigan na dinadaan ng mga Expressway o yung tinatwag na Pan-Philippine Highway na mas kilala rin bilang Daang Maharlika kung ikaw ay nasa Norte o National Highway kung ikaw naman ay pabandang Sur. Billboard pa nga ang pormal na tawag sa mga ito.

Pero mas magfocus tayo sa mga maliliit na bersyon, yung literal… as in tarpaulin talaga. Halos wala ka naman makikita na mga larawan ng mga bayani dito ha… o kahit ang mga kilala sa lokalidad na personalidad pa. Pero bakit nga ba na mas naglipana ang mga ito kesa sa mga tipikal na pag-larawan na kung tawagain ay istatwa?

Madali lang kasi yan gawin; as in mag-pagawa ka lang at sa loob ng ilang oras… at presto! Kaya ito ang karaniwang mga bagay na mas makikita mo. Sa mga probinsya, marami d'yan ang nakasabit sa banderitas sa taas ng highway na naglalarawan. Gaya nito: 
“Congratulations, Juana Dela Cruz for passing the Architectural board Exam 2012, from your loving Dela Cruz family.”
At kung sa mga lungsod naman gaya ng Maynila, kung hindi ang mga naghihiganteng billboard ng mga seksing endorser ng mga produkto, ay mga pulitiko naman na tulad nito: 
“Construction of J.P. Rizal Street, Made possible thru Congressman “Balong” Balongan.”
Hmm… pero nung tingnan mo ang kalye mismo ay mas magaspang pa sa mga rough road ng probinsya ang itsura.

Wow, ito ang pinakaprimerong example sa kasabihang “This is where your taxes go.” At tama ang isang senador, na dapat ipasa ang batas niya na magbabawal sa kung anong kabaduyan (pero sablay naman) sa isang politician. Tignan mo nga ang kuya mo, wala kang makikita na ganyan.

At noong may mga personalidad ang namatay sa nakalipas na mga taon, halos wala naman na istatwa ang naitayo. Alam mo kung ano? Mga naglipanang tarpaulin lang na naglarawan ng pasasalamat. Pero dumating din ang panahon na ginagawang tolda na lamang ang mga ito ng karamihan na nag-iiskwat.

Kaya ito ang mga tanong ko: aanhin pa ba ang rebulto kung tarpaulin naman na ang uso? At sa totoo lang ba, likas ba na maalahanin ba tayo sa mga magagandang bagay sa nakalipas, o sadyang mas mahihilig lang din tayong pumansin sa mga “epal” sa lipunan?

Author: slickmaster |  © 2012 september twenty-eight productions

Tuesday, 23 October 2012

The Problem With Over-Romantic Medium and The So-Called Commercial Value.

10/23/2012 | 08:01 PM

Babala: Ang mababasa sa akda na ito ay maaring naglalaman ng ideya o kaisipan na taliwas sa pananaw ng nakararami. Bago mag-react, magbasa muna. At kung may kontrapelong punto, gawin ito sa maayos na pamamaraan. Maraming salamat po.

Maraming bagay ang nagbago sa paglipas ng panahon. Mula sa binabasa hanggang sa napapakinggan at mapa-biswal na mga media. pero dati, may mga matinding distinksyon o genre ang mga ito, mula komedya, drama, horror, aksyon at iba pa. Pero ngayon? Ewan ko.

Sa sinehan, makikita mo na lang ang mga tipikal na genre ng pelikula kung una gawa ito ng banyaga. Ang lokal na eksena naman? Panay ikot na lang ng ikot sa mga love team at walang kaato-atoryang love story. Mula sa tinedyer hanggang sa buhay mag-asawa. Sabagay, halos lahat naman ay nakakarelate katulad ng inyong lingkod. Kaya lang kung ganitong bagay na lang palagi ang nakikita natin sa sinehan, eh parang ang boring na. Kumbaga sa joke, e gasgas na. Baloney.

Halos pareho din ang mga tema sa palantunan na pang-telebisyon. Walang telenovelang umeere sa primetime programming kung wala ang dalawang bagay na ito: ang love team at ang love story. Ops, isama mo na d'yan ang mga kontrabida na mas sakim pa yata sa mga kampon ni Satanas kung makagawa ng marahas at masamang bagay sa ngalan lang ng pag-ibig. Parang yung kasabihan na “Hahamakin ang lahat, mapasaakin ka lamang.” Meron pa nga dyan na napanood at napakinggan ko, “Wala akong pakialam kahit may matapakan pang ibang tao, makuha lang kita.”

Ops, teka muna ulit: ang pagkakaalam ko ay hindi naman yata tinuro sa asignatura ng pag-ibig ang maging sakim ah. Kaya bakit nga ba nagkakaroon ng mga ganitong karakter at plot? Well, “twist” yan e, Pero parang ang sakit naman ng twist na iyun. Parang mas okay pa yung dati na may fixed marriage at yung tipikal na tutol ang mga magulang sa sinisinta ng anak, bagay na talaga namang nangyayari sa tunay na buhay.

Pagdating naman sa musika, panay tema na lamang ng pag-ibig ang naririnig ng mga tenga. Nasaan na ang mga panahon na may matitinding mensahe ang nilalaman, mula sa pakikibaka sa lupang pinangako, paghahayag ng sariling kagustuhan (o pangarap) sa buhay, sa pagbibigay-galang sa mga alamat, pagpapahalaga sa buhay, pasakalye, hangad ng pagbabago, at iba pa? Yung mga panahon na hindi lang sa panay romansa’t sex ang laman ng mga playlist sa radyo?

Naalala ko ang babasahin sa lokal na literatura. Sabagay, mas maayos na lugar naman dun ang mga romantikong nobela na madalas na maililimbag sa mga pocketbook. Walang masama roon. 

Pero sa librong Gapo ni Lualhati Bautista, nilahad ng awtor ang kanyang tahasang pagkontra sa paglagay ng “commercial value” doon. Aniya, hindi siya nagsusulat ng libro para kumita lang. Bagkus, ito ay para mailahad ang nais niya sa arte o pamamraan ng sining.

Kaya minsan, sumasagi na sa isipan ko ang tanong na ito: “Nasosobrahan na nga ba tayo sa mga mga ideya ng romantisismo na ikinakalat naman ng mainstream media?”

Maaring nakakaasiwa na ito sa mata ng tulad ko. Ngunit sa totoo lang ay hindi bebenta ang negosyo at wala kang mapapanood at mapapakinggan kung wala ang mga ganitong tema ng palatuntunan. Magiging boring ang araw at gabi kung sa usaping realidad at balita na lamang iikot ang mass media. At baka nga sa sobrang pagkaurat mo, mas gugustuhin mo na lang na patayin ang telebisyon at magahanp ng mga bagay na magsisilbing taga-takas sa masamang realidad ng buhay mo. Walang mapag-uusapan ang mga magkakapit-bahay na kapwa manunood at tagahanga.

Pero parang sumosobra na rin e. Isipin mo kung ang isang talk show sa umaga ay laging naglalaman ng mga tanong na katulad ng “kumusta ang lovelife mo?” Ang mga palabas na nagbibigay-aliw ay may lamang love story at romantic violence, mula sa magtatanghaling timeslot hanggang sa mga oras na lampas na sa primetime slot. As in “all day long” ba na tila ang breaktime lang ng mga ito ay ang oras ng katanghalian at t'wing alas-sais y medya ng gabi. Parang hindi na nagsawa o wala nang balanse ang mga bagay-bagay.

Kaya sa malamang ito na lang din ang dahilan kung bakit hindi na ako nanunood masyado ng TV at sa mga blogs na lang madalas magmasid sa mga romantikong bagay.

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Anyare? (Isang Tanong Para Sa Mundo Ng Mga Sinungaling)


Minsan ko narinig ang tanong na ito sa isang palabas na tumatalakay sa isyung panlipunan sa legal na pamamaraan. Iku-quote ko lang ang wikang iyun ni Atty. Persida Rueda Acosta (pero hindi sa eksaktong paglalarawan ng salita): “Paano ka makakapamuhay ng tama kung namumuhay ka naman sa mundo ng kasinungalingan?”

Hmm… Paano nga ba? *sabay nakapangalumbaba*

Iyan kasi ang hirap sa panahon ngayon e. Que sa usaping panlipunan man o sa pinakapabortio ng ilan na tsismis sa lovelife, walang katiyakan ang mga pahayag. Parang iyung sinabi lang sa akin ng isa sa mga kaibigan ko na “Si *name of boy*? HMP! Hindi ko nga gusto iyan e!” Pero ‘wag ka, makalipas lang ang ilang oras ay… sila na! PBB teens ba ang peg? At isa pa, ang taong walang habas na umiiyak sa balikat ko dahil hiniwalayan siya ng boyfriend niya. Ang sabi daw sa kanya e “pangako ko, hindi kita iiwan.” Sinampal ko nga nang matauhan ang ale, “Ikaw kasi, nagpapaniwala ka sa damuhong iyun! Ilang beses ka na ngang ginago eh.”


Pero hindi iyan ang saklaw ng gusto kong talakayin dito. Sa panahon ngayon, ang mga salita ay isa sa mga bagay na hindi mo puwedeng ihanay sa mga permanenteng bagay sa mundo. Bakit kanyo? Dahil lahat naman ay nagbabago e. Maliban na lang kung iyan ay yung kayang mangatawanan sa mga binitawan niya.

Parang itong mga ‘to: nagdeklara na hindi raw tatakbo ngayong darating na midterm elections, pero nag-file ng certificate of candidacy. Hindi ko tuloy alam kung ang ilan sa mga iyun ay nadala sa pakiusap ng publiko (yung tinatawag na simpatiya) o sadyang nasa parte na ng prinsipyo nila ang mga iyan.

At ito pa – ang mga taong nagbitiw ng mga salita noong panahon ng pangangampanya, pero halos tatlong taon na nakalipas, may natupad ba?

Meron pang pahabol: mga taong nagsasalita na “hindi raw political dynasty ang ginagawa naming.” Pero karamihan sa mga tumatakbo ay nasa listahan ng kanilang family tree. Sinong niloko niyo?

Para sa mga ito, ito lang ang itatanong ko: ANYARE?

Anyare sa mga mapangahas na binitawan niyong salita na hindi raw kayo tatakbo?

Anyare sa mga pangakong binitawan niyo noong 2010 elections, mula sa proyektong imprastaktura hanggang sa kinakailangang batas tulad ng RH bill at Freedom of Information bill?

Anyare sa batas na tahasan tumutuligsa sa politial dynasty? E naglipana na sila na parang kabute.

Kaya tuloy ang sama ng impresyon ng tao sa salitang “politics.” Mas marumi pa sa tipikal na pumumulitika sa mga kumpanya ng kung saang larangan. Mas malala pa sa mga pamumulitika ng ilang tao, kaya ang ilan sa aking mga kasasmahan ay bumibira na sila raw ay pinupulitika. As in, “puro pangako.”

Pero sa kabilang banda, tanggapin na lang natin ang katotohanan na wala talagang permanenteng bagay sa mundo. Oo, lahat nga ay nagbabago. Ang kuestiyon na lang dito, may magtatanda ba?

ANYARE?

Author: slickmaster | Date: 10/23/2012 | Time: 05:39 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Usapang Grammatika? Ang Labo!


(Ang blog na ito ay may halaw ng inspirasyon at konteksto mula sa “Ispokening Inglis” episode ng Word Of the Lourd na unang sumahimpapawid sa TV at YouTube noong Marso 2011)

Ang gulo lang talaga ng mundo ng salita. Singgulo ng mga bagay na kung tawagin ay “kritisismo.” Minsan na sumapul sa isipan ko ang tanong na ito:

“Bakit parang napakalaking kasalanan ‘pag maling-mali ‘yung grammar mo sa Ingles? Pero bakit ‘pag nagkakamali ka sa Tagalog, okey lang?” – Lourd de Veyra

Oo nga naman, mula sa “long-legged” ni Melanie Marquez hanggang sa pagiging over-confident ni Janina San Miguel; sa isang speech ng dating Pangulong Estrada, hanggang sa mga patawang istilo ng pagsasalita ng wikang Ingles ni Jimmy Santos… at isama mo na diyan ang pagti-tweet ni Manny Pacquiao noon na pinutakte ng mga netizens. Bakit nagiging mistulang “Grammar Nazi” ang karamihan?


Sabagay, “public figure” ang mga ito sa ating lipunan, kaya siguro inaasahan natin ang kanilang pagiging tama at perpekto sa lahat ng oras.

Pero ‘tol, tao pa rin naman sila e. Natural, hindi perpekto. Oo nga, andun na tayo. Kaya lang dahil nga tinitingala sila ng mga tao, ang anumang pagkakamali na magawa nila –  kahit sa pagbigkas lang ng salita – ay isang big deal, lalo na sa lengwahe ng mga Amerikano’t Briton. Parakang nagpartisipa sa isang laro na may alintuntunin na “one mistake and you’re dead.” As in bawal magkamali, nakamamatay.

Teka, may mga tao rin naman sa ibang lahi na sablay (at kung minsan, mas sablay pa sa ating mga Pinoy) pagdating sa pagsasalita ng pangalawang pinaka-ginagamit na wika sa buong mundo ha. Mula sa ilang spiel ni Jackie Chan sa pelikula, hanggang sa interview ng CNN sa isang namayapang lider saLibya. Pero, ang mga tanong: PINAGTATAWAN BA SILA NG MGA KABARO NILA at PINAGTATAWAN DIN BA SILA NG IBANG LAHI, PATI NA TAYO? Maaring OO, pero madalas, hindi. Kung bakit?

Sisihin ang walang kamatayang “Colonial Mentality” na nagreresulta sa pagkakaroon ng “hangover” sa ganitong klase ng kaisipan. Tama ang isang interstitial na napanood ko, na “mas gugustuhin pa nating maging matalas sa wika ng ating mananakop kesa sa ating sariling lengwahe, kaya naman tayo ay nagkakandaleche-leche.”

Pero kung sa Ingles ay ganyan ang senaryo, sa wikang Filipino ay dedma naman. Sabagay… mula sa paggamit ng tamang termino o salita, hanggang sa wastong pananda, at kahit sa pagkonstrukta ng mga ideya at salita sa isang pangungusap... DEDMA. Ano ‘kala niyo, ligtas tayo? Paluin kayo diyan ng nanay namin na si Mommyjoyce, ewan ko na lang.

Pero ‘pag nagkamali sa Tagalog, okey lang? Hmm… suwerte lang siguro tayo dahil nandito tayo as panahon na nagiging tolerant ang karamihan sa mga internet users na kapwa nating Pinoy. Parang mga usong troll sa Facebook na sadyang ginagawang katatawanan ang mga problema sa lipunan para lang matakasan ang mga ito. Oo, ang masaklap at masakit na realidad na kung tawagin ay “hubad na katotohanan.” 

At natural, tao rin tayo e. Nagkakamali rin. Yun nga lang, may mga pagkakataon na hindi mo pwedeng gawing exuse ang salitang "tao lang" sa mga panahon na sablay na sablay ka na.

Ika nga ni Manny Pacquiao, “It doesn’t matter of the grammar as long as they understand the message thanks.” So ang ibig sabihin pala nito ay simple lang, may mga pagkakataon na mas naiintindihan pa natin ang mga mensahe kahit ang pamamaraan ng paglahad nito ay mas mali-mali pa sa “waley.” At may mga tao na sadyang hindi perpeksyonista sa buhay na kayang i-tolerate ang isa o katiting na pagkakamaling nagawa. Maaring nakakatanga nga minsan ang panlabas na anyo ng sinulat mo, pero kung may puso at sense naman ito – balewala. Bagay na… well, okay lang siguro. Sa madaling salita, MAS IMPORTANTE ANG MENSAHE KESA SA GRAMMATIKA.

Ganun?

Pero siyempre, depende yan sa kung gaano ka-tolerate ang isang tao. E pa’no kung maka-engkwentro ka ng mga superficial, yung ultimo punctuation mark mo ay pinupuna?

Ewan ko, at ewan ko. Pero siguro sa kabilang dako, ayos lang iyun kung makakapagbigay siya ng tinatawag na “constructive criticism.” Ang tipo ng kritisismo na base lamang sa kung ano ang nakalahad. Walang lalabas sa isyu o personal na tirada. Kung pinuna niya ang istilo ng pagsusulat mo, hanggang doon lang. Bagay na minsan ay mas ayos pang tanggapin kesa sa mga papuri. Pero iyan ay kung may makakapagbigay ng tama.

Minsan sa parte ng mga manunulat, amateur man o professional, may iniida pa ring problema na mas malala pa sa tinatawag na writer’s block. Kapag nagkamali ka sa pagta-type ng mga salita sa blog mo, sa dalawang bagay mo lang puwedeng isisi iyan: sa sarili mong mga daliri (unless kung may sakit na Carpal Tunnel Syndrome), o sa Auto-correct option ng word processing program mo.

At parang ako rin mismo ay naguluhan sa sinulat ko. ARGH! *shooks in disbelief*

Author: slickmaster | Date: 10/23/2012 | Time: 05:13 p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

Sunday, 21 October 2012

SMP Na Naman? E Ano Ngayon?

10/21/2012 12:58 PM


ANG HIHILIG KASI MAKIUSO E!


Malapit na ang kapaskuhan. Sa kabila ng climate change, magkakaroon pa rin ng tag-lamig. At ku ng malaming man ang umaga, siyempre, may magpapainit niyan. Dalawang bagay: (1) kape (o pagkain) o (2) pagmamahal kahit akto man lang ng pag-akap mula sa kamag-anak, kaibigan pero preferebally, mula sa kasintahan. At kun g single ka at loveless… well, congratulations and good luck dahil baka pagkamalan kang klasapi niyan ng tinatawag na SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko.

Pero ano nga ba ‘tong SMP na ‘to? Bakit nagkaroon ng acronym na ganito sa modernong bokabularyo ng mga Pinoy?


Nagmula ito sa isang kommersyal sa telebisyon ng isang brand ng iced tea. Ang istorya ay ang pagiging broken –hearted ng isang lalake sa kanyang inaasam na si Matilda, at presto, doon naimbento ang terminong ito. Unang sumahimpapawid ito noong 2010.

Ahh… so ganun? Porket single at sawi ka sa darating na Disyembre, SMP ka na kaagad?

Sa panahon ngayon na singtindi ng epidemya ang impact ng pagiging uso ng mga ideya ukol sa romatikong pag-ibig, OO.

Pero, parang ang babaw naman at napakatangang klase ng panghuhusga iyan.

Oo nga naman, ano. So what kung single at loveless ka sa darating na Christmas? Kailangan bang magdaramdam ngayon?

Siguro, kung singsakit tulad sa kapatid ni Kuya Eddie ang nararamdaman mo. E paano kung hindi? Nabasted ka lang ng nililigawan mo? Ang liit ng pinag-awayan ng syota mo pero humantong sa break-up? O naging third party si Miss Communication at Mister Yosong Hin-ala? Lalo na’t ilang araw na lang yata bago mag-Pasko yun naganap?

‘Tol, ilagay kasi sa lugar ang pag-eemote, ha? Hindi porket pinagpala ka ng Diyos at binigay nya sa iyo sa tulong ng mga malulupit na personalidad ang mga tulad nila Pareng Facebook at Mareng Twitter, e aabuso ka na. Maaring hindi pa ganap na cybercrime ang maglahad ng bugso ng emosyon, (at wag mo nang ipanalangin pa kahit may TRO pang nakahain) pero alalahanin mo na ang minsan, ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ng isang tao ay yung gumawa ng desisyon na base lang sa isang baseless na emosyon.

Kung iisipin mo na wala kang special someone ngayong pasko e, may mga tao dyan na kaya kang tratuhin bilang isang espesyal na tao (with no joke pun intended na parang mapapagkamalan kang isang special child) mula sa kamag-anak, kapamilya, kabarkada at iba pa mula sa circle of friends mo. At malay mo, dun pa lang may makilala ka na (yihee!) Isipin mo na lang ‘to: sa pitong bilyong populasyon ng tao sa mundong ibabaw na ginagawalawan mo, pustahan…. Karamihan dun ay single. Kaya bakit ka maglulupasay sa kakaiyak diyan sa kaisa-isang tao na binasted ka dahil ang baho ng hininga mo? (mag-gargle ka kasi next time, pero ang babaw naman nun); may kaholding hands-sabay-akbay sa Animal Trail o kung mas sikat ang gusto mo, Luneta? Yung pinagpalit ka sa ibang babae para lang maibsan ang kanyang init ng katawan? (buti nga naisalba mo ang sarili mo kesa sa magsilbi kang puta sa kanya kahit isang gabi lang); Yung mga taong nagpanggap na mahal ka at winikang “mahal kita” para lang magkapera siya’t makaptipid sa gastusan? (whether maasim ka man o hindi, naging sugar mommy ka)

Well, hindi kita masisisi kung masyado kang nag-invest ng ganoong kagrabeng emosyon sa mga taong tulad nila na talaga naming mapapabira ka ng “lahat kayo mga lalake, manloloko!” o “paasa talaga kayong mga babae kayo!” Pero, ‘tol, marami pang iba dyan. Ika nga, “there’s a lot of fish in the sea.” Matuto ka nga lang na kung paano makabingwit ng tama.


Isa pa: ang Pasko ay ginawa para sa nagsilbing taga-salba o savior sa mata ng mga Kristiyano at Katoliko. Kaya siya ang pinaka-top priority sa lahat. Wala sa usapan ang relasyon. Maliban dyan, ito rin ang panahon na nagsasama-sama kayo ng pamilya mo, o kung hindi… mga kabarkada. O kung sinuman pa maliban sa sweetheart mo. Dun pa lang, malalaman mo na e – na may nagmamahal sa iyo kahit papano. (Siguro ang sama ng ugali mo no? kaya ka loveless? LOL)

At dahil 7 billion nga tayo, ‘wag mong iisipin na niakw lang ang nag-iisang SMP sa mundong ito. Pustahan, marami pa diyan –single man o LDR na kung tawagi’y Long Distance Relationship (sabay tunong ang chorus ng “Ang Disyembre ko ay malungkot…”) o kun g mas malala… (para s aces niyo, pero hindi sa akin) ang mga tulad kong SINGLE SINCE BIRTH. Oo, unless kung may promahan ako’t sagutin din, e magte-22 years na akong kasapi ng SMP. O, ngayon alam mo na may masaklpa pa sa sitwasyon mo? Ayos lang yan. Apir!

At kung usapang SMP lang naman, ito… ang resbak ko sa isang bumira sa akin dahil SMP daw ako.
Pare: ’Tol. Ang tagal mo nang single ha? SMP ka naman niyan!Ako: Parang ikaw, hindi SMP ha.Pare: Ako? Ha! Come on, slick. Hindi ako miyembro ng mga tulad niyong Samahan ng mga Malalamig ang Pasko no?Ako: Hindi yan yung tinutukoy ko.Pare: E ano?Ako: Yung SYOTA MO, (ang) PANGIT!
Malapit na ang Kapaskuhan, mauuso na naman ang SMP… e PUCHA, ANO NAMAN NGAYON?

Ang lupit din ng copywriter ng TVC na iyun no? Talagang bumenta ang brand ng iced tea na yun dahil sa kanya. Saludo ako dun. Pero para sa mga mag-iinarte kasi nga SMP, e ayan. ANG HIHILIG KASING MAKIUSO E!

Author: slickmaster | © 2012 september twenty-eight productions

Friday, 19 October 2012

Alaala ng Minsa’y Naging Isang Batang Gala sa Probinsya Kasama ang Mga Tiyahing Nagmamahal.



Matagal-tagal rin mula noong huling napadpad ako sa lugar na ito. Ang probinsayng kinalakihan ng erpat ko. Cuyapo, Nueva Ecija, sa may 172 kilometro hilaga mula sa pinakasentro ng buong malaking pulo ng Luzon. Dito ako madalas napapadpad pag pumupunta ako sa bandang Norte, maliban pa sa Isabela, Baguio at Manaoag.

Marami akong alaala bilang isa sa mga bata na laging sinasama ni tatay para asikasuhin ang lupang sinasaka nila ng kanyang mga kapatid. Maliban dun, tuwing piyesta lang ako pumupunta dito. Kapag fiesta sa bayan, o pista ng mga patay.


Yung minsa’y magigising ka ng umaga at ang anti mo ay naghain sa iyo ng delatang corned beef at pandesal. At take note, sa pisong halaga kada piraso nun, singlaki na ng doble sa size ng pandesal ngayon ang tinapay noon.

Pagkatapos ng almusal, hihiramin ang bisikleta ni Uncle Ama (yung parang nakita ko to sa mga palabas mula sa bansang Hapon, yung parang napakanipis tignan ng gulong, ah… ewan), gagala kung saan-saan. Kahit alas-sais ng umaga, dadaan sa sementeryo, dadalawin ang mga namayapang kamag-anak, hanggang sa mapadpad sa kabilang dako ng bayan (poblacion kung tawagin), sa isang lumang daanan na nagsilbing riles ng tren nun, mga baryo’t mga bahay sa gitna ng talahiban… wala nga lang ako pakialam kung saan ako makarating. Ang alam ko lang ay natatandaan ko kung ano ang dadaanan ko pabalik.

Matapos ang umaga, sige, gala pa rin. Ganyan ang buhay ko ditto e. kung hindi ako makita na nagrerenta sa computer shop, nasa bayan lang. Namamasyal, kumakain sa BigMack… pero mas madalas na gawain ko yun kapag fiesta. Maraming tiangge e. marami akong matitignan, maraming bibilhin, at maraming bagay na naman akong kaiinggitan.

May mga pagkakataon na nasa basketball court ako nakikipaglaro kahit yung sahig nun ay nagsisilbing bilaran ng palay. Kati lang no?

At madalas pag gabi niyan, umuuwi na ako pabalik ng Bulacan.

Kaya lang naging matindi ang mga alaala ko dun dahil ang mga tao na nakakasalamuha ko dun ay namayapa na. Nakakamiss lang ba. Wala na kasi ako nakakausap, nakakahalakhak. Lahat sila, dadayuhin ko pa sa sementeryo para lang magbitaw ng salitang “kumusta?” na may kasama pang panalangin at may sinding kandila.

Si Uncle naman, nasa bukid na. Tyempuhan lang para makadaupampalad muli. Pero may mga pagkakataon naman na ako mismo ang pumupunta sa kinatitirikan niya dun. Makwela pa rin. Akalain mo oh. 

Still, namimiss ko pa rin ang mga nagsisilbing pansamantalang nanay ko dun. ‘Di bale, darating ang panahon at makikita ko ulit sila.

Author: slickmaster
Date: 10/20/2012
Time: 01: 33p.m.
© 2012 september twenty-eight productions

My pick # 7 – Hindi Mo Nadinig.


Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil at paghihiganti. Iyan ang nakalarawan sa isang kanta ni Aristotle Pollisco, mas kilala bilang si Gloc-9, sa kanyang “Hindi mo Nadinig.” Parte siya sa kasalukuyang album ng nsabing rapper na “Mga Kwneto Ng Makata,” under Universal Records, kasama si Jay Durias na isa sa mga bokalista ng bandang South Border bilang pagpartisipa sa chorus part ng nasabing kanta. Napakabigat lang ng nilalaman. Isipin mo na lang na ikaw yung nsasa sitwasyon na nanligaw ka, nakuha mo siya, naging tapat sa kanya, pero pinagtaksilan ka, at nung nahuli mo sila, bigla na lang sumabog ang anumang akto ng kasakiman at paghihiganti mula sa iyo. Inside the mind of an obsessed lover, ika nga. Round character ang dating.


Unang parte, nilalarawan kung paano niya sinuyo ang taong minamahal niya. Sa pangalawa, ang estado ng pagsasama nila hanggang sa unti-unti na nawala ang anumang magagandag bagay ukol dito, hanggang sa tuluyang napalitan ang pag-ibig ng matinding galit. Ang dating binabalewalang bagay na pinagtatampo ng sinumang mababaw, sumabog at naglabasan sa isang iglap matapos ang mahuli sa akto ng pangloloko. At sa huling mga berso, ang tuluyang paghiganti na sa malamang ay hindi mo sukat akalain na mangyayari rin pala o kayang gawin ng sinuman na nasa estado na ng pag-iisip at emosyon na iyun. Wala na ba sa katinuan. Yan ay kung hindi ka pa nakasaksi ng mga tinatawag na “crime of pssion” sa anumang palabas sa telebisyon o maski na sa realidad.

Ang mga kantang tulad nito ay naglalarawan kung gaano katindi ang kayang gawin bilang paghiganti ng isang tao, sa ngalan man ng pag-ibig o hindi man tuluyan. Sabagay, uso rin kasi ang pangangaliwa, pangloloko, hindi pagtupad sa mga salitang binitawan, sa aspeto ng romantikong pagmamahal. Kaya hindi na rin kataka-taka kung bakit may nagaganap na ganitong eksena, kahit isang beses lang sa sampung kaso at sanaysay.

Ang bigat lang ng lyrics, ng istorya, ng nilapat na musika. Wow. Hindi man ako ganap na panatiko ni Gloc-9 pero ‘tol. Tindi lang e. Yan lang din ang nagpapatunay na hindi lahat ng kwento sa pag-ibig ay may kaakibat na happy ending. Dahil napapakatindi ng kabiguan din ang kayang idulot ng pag-ibig, malamang, ito ang tinatawag na “tragedy.”

Author: slickmaster
Date: 10/19/2012
Time: 01:05 p.m.

© 2012 septmebr twenty-eight productions.  

Jaywalking at Pedestrian Lane.


Pedestrian lane. Isang lane sa kalye na nagsisilbing tawiran ng tao. Basic na ito sa klase ng tinatawag na road traffic. Dito ka lang pwedeng dumaan kung ikaw ay isang pedestrian. At kung motorista ka, alam mo na dapat igalang mo pa rin ang nasabing tawiran ng tao.

Pero parang isang masalimuot na usapin ito. Dalawang bagay lang kasi: una, marami rin kasi ang abusado na mahilig tumawid sa mga kalsada na hindi naman pwedeng tawirin, lalo na kung mayroon naming footbridge o overpass diyan. At pangalawa, sa panig naman ng mga drayber, hindi marunong gumalang sa mga taong tumatawid sa pedestrian lane.

Ngayon, kung may jaywalker ka at sa kabilang banda naman ay meron kang mga humaharurot para lang mabansagang hari ng kalsada, aasahan mo ba na titino ang karamihan ng mga tao sa kung saang mga kalsada ng Metro Manila kung hindi naman marunong na magsiintindi ang mga ito sa mga tinatawag na batas ng lansangan? Ay, oo nga pala. Uso ba para sa kanila iyun, o ni alam ba nila na may mga ganun klaseng alintuntunin na dapat nilang sundin?

Sa isang lipunang malaya na tulad natin, ang batas ang isa sa mga pinakakalaban ng ating sistema. Ayaw ba ng disiplina, o sadyang matitigas lang ang ating ulo… ewan ko.


Kung paniniwalaan ang minsa’y winika ng dating Metropolitan Manila Development Authority Chairman na si Bayani Fernando, na “ang isang kalye sa Metro Manila ay sumasalamin sa estado ng buong bansa,” may sagot naman ang isang satirista sa pangalan ng isang Lourd de Veyra, na ang sabi niya ay ang isang kalsada sa kalakhang Maynila sa panahon ngayon ay resulta ng isang hindi epektibong pag-implementa, sobrang outdated na batas, hindi efficient na bureaucracy, myopia sa parte ng gobyerno, korapsyon (of course) sa lahat ng aspeto, at mga mamamayan na nagpapakita ng angas sa mga alagad ng batas.*** Kung hindi winawagayway ang gitnang daliri, naninindak a la Robert Carabuena. 

Ito pa ang hirap diyan e. Kung nag-jaywalk ang isa at nasagasaan a la hit and run… maari nating sabihin na may kasalanan talaga si mamang tsuper na tinakasan ang kanyang nasagasaang biktima (dahil kahit ano pa ang sabihin natin, matimbang pa rin ang buhay ng tao), pero hindi ibig sabihin nun na walang ginawang pagkakamali ang nasagasaang jaywalker. Ano ba ang silbi ng mga apparato tulad ng over pass o ang mga paalala na tulad ng “Bawal Tumawid Dito” in the first place, ‘di ba?  Quits.

Whereas kung ang isa ay nasagasaan habang patawid sa pedestrian lane, wala siyang sabit. Ang ogag na manehador ang may sala talaga.

Sa totoo lang, hindi kailangan na ipasara ang mga center island sa anumang mga highway at gamitan pa ito ng mga tinatawag na Green Fences (Pink noong kapanahunan ni MMDA chairman Fernando); ang kailangan ay hasain pa ang pangil ng mga ito. Given na ang hindi mataas na parusa pero bago niyo tingin ko kailangan ng leksyon ang mga abusadong pedestrian at drayber to the textent na dapat ay mapialiwanag sa mga ito ang kahalagahan ng batas sa buhay nila. Na kahit ilang sasakyan pa ang lukushin mo at laurin a la patintero with Manong K.M.Tayan, madadale at madadale ka pa rin. At wala nang mas sasakit pa bilang drayber kesa sa makagsasa ka ng tao, kahit sa totoo lang ay mas matigas pa ang concrete barrier kesa sa isang mama dyan na parang lantang gulay naman ang itsura. At samahan mo na ng enforcer na marunong mag-taekwondo at kayang pumalag sa sinumang mag-aangas na agrabyaduhin ang alagad ng otoridad na tulad nila.
At tutal, may CCTV camera naman, ang sinumang gagawa ng kalokohan, ke jaywalking man o speeding over the pedestrian lane yan, ay walang takas.

***Ang mga nasabing pahayag ay halaw at trinanslate mula sa artikulong “Attack of the Killer Buses,” isa sa mga artikulo ni Lourd de Veyra na lumabas sa kanyang blog sa SPOT.ph at nailimbag sa Summit Media books na may pamagat na This Is A Crazy Planets.

Author: slickmaster
Date: 10/19/2012
Time: 04:31 p.m.

© 2012 september twenty-eight productions